Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Six: Awanggan

Parang final march ko na ang pagpunta namin sa Awanggan. Si Andreas ang nauna sa amin dahil siya naman ang nakakaalam ng pasikot-sikot ng eskwelahang 'to. Kung noon ay mamamangha pa ako sa interior design ng corridors at ceilings, mas pinagtutuunan ko ng pansin ngayon ang nagrereklamong tiyan.

Oh, gosh. Kung pwede lang siguro tumakbo matagal ko nang ginawa 'yon. Bahala na sila kung anong isipin nila sa'kin basta makakain lang ako ngayon. Sana naman wala ng linya-linya do'n dahil baka ang unang gulo ko sa school na 'to ay tungkol sa pagkain.

Thankfully, after thirty years na sampung minuto lang naman talaga, narating din namin ang Awanggan. Ang mga luha ko na konti na lang ay babagsak nang makatayo kami sa harap ng double doors ay bumalik nang makita ko ang kalooban nito.

It was breathtaking. The dining hall was wide and marvelous. Arched windows were planted on the marble walls that housed a line of bright fire lamps. Sa taas ay ang nagni-ningning na chandeliers na gawa sa gold at diamonds. Sa pinakadulo naman ng Awanggan ay ang malaking mesa kung saan nakaupo ang mga guro siguro at sa likod nito ay ang upuan ng dean. Facing them are the seven dining tables na sobrang haba at andaming pagkain.

Iginiya kami ni Andreas sa pinakadulong mesa. Kasinghaba nito ang iba pero naging vacant ang dulo dahil kokonti lang kami, hindi kagaya sa kanila. That's when I realized na by houses siguro ang mesa, dahil na rin sa mga unipormeng suot nila. If our neckties are brown, ang kanila ay gold, green, blue, pink, orange at purple. And their capes have the same symbols as their houses door in the dormitory.

Sa pagpasok pa lang ay nararamdaman ko na ang mga mata nila sa'min. Nanunuri ito at nag-aaral. While some of their gazes held reverie, mayro'n din namang nakakainsulto ang tingin. Na para bang hindi kami worthy na makikain kasama nila pagkatapos naming magpagulong-gulong doon sa semento. May iba pa naman sa'min na nakabendahe o saklay dahil sa nangyaring laban.

Pairap akong umismid. My gosh, if they dare to look at me with disgust, straight in my eye, I wouldn't hesitate to let them feel the dirt. Sisirain ko ang carefully-planned skin care routine nila 'pag nagkataon.

Nauna akong umupo sa lahat at kailangan pa akong hilahin patayo ni Tamara dahil sa nanlilisik na mata ni Andreas. I frowned, tilting my head. Ano ba? Hindi pa ba kami kakain?

"Dean Paham, these are the fifty students who completed their admission at the Hantei Hall today. I present to you, and everyone in this room, the House of Blades." anunsiyo ni Andreas na agad yumuko.

Sumunod naman sa pagbow ang iba kong kasama maliban sa'kin, kaya hinatak ako ni Tamara pababa.

"Raven, si Dean 'yan. Kailangan nating magbigay galang." bulong niya sa'kin.

"Ah, okay."

Heavens, nilalandi na ako ng amoy ng pagkain at napakalapit pa nito! Parang nasa forbidden relationship tuloy kaming dalawa at hindi ko siya pwedeng mahagkan sa kokonting oras dahil napakaraming tao.

"Napanood ko nga ang angking talento nila sa pakikipaglaban at hindi ako nadismaya. Sige, maari na kayong umupo at kumain dahil alam kong nagugutom na ang mga bata."

Tama ka diyan, Paham! Lollipop lang ang pinagtiyagaan ko mula kanina!

Nang sumenyas si Andreas na pwede na nga ay mabilis pa ako sa alas-kwatrong umupo at kumuha ng pagkain. Naramdaman ko ang pagtigil ng tao sa magkabilang tabi ko dahil agad akong lumamon. I glanced at them, face full with food.

"Whurt?" ngumunguyang tanong ko kay Tamara na tawa ng tawa.

"Gutom na gutom ka na ba talaga, Raven?" she chuckled while slowly filling her plate with food. Binigyan niya ako ng isang basong tubig. "Eat slowly kasi baka mabilaukan ka. And drink water."

Tumango-tango ako at nagpasalamat. Hinarap ko naman si Azriel na nasa kaliwa na mataman ang titig sa'kin. Wala naman siyang sinabi at bumalik lang sa pagkain.

"Your stomach grumbled earlier too. Hindi ka ba pinapakain sa inyo?"

I glared at Giovanni who said those words. Nasa harap ko siya't pacool lang kung kumain. Umangat ang isang kilay niya na parang nanghahamon ng away. Nako, tigilan niya ako dahil hindi ako magdadalawang-isip na gumawa ng rematch.

"Hindi ka nakakain, Raven?" nagaalalang tanong ni Tamara.

I gave a slight nod. "Pang-agahan lang. Nakalimutan ko magdala ng pagkain. Ah, but I had some sugar."

"Oh, the sweet girl got to eat sweets? Kaya naman pala sobrang tamis mo sa paningin ko." banat ni Griffin na hindi naman kasali sa usapan.

The students who heard him made an 'ooh' sound at nakatingin na sila sa'kin, tila inaabang kung ano ba ang gagawin ko.

Since I didn't want to disappoint them, I smiled at Griffin sweetly and said, "Okay." at bumalik ako sa pagkain.

Maingay ang Awanggan at sari-saring kuwento ang naririnig ko sa ere. Ang table na katabi namin ay nakasuot ng mga berdeng uniporme at mula sa simbolo sa cape nila ay mula sila sa House of Wind. Next to them is the House of Spring Brook dahil sa pink nilang suot. At ang kasunod ay golden na ang uniporme kaya sila ang House of Golden Sun. Hindi na kita mula sa posisyon ko ang sunod na mga tables at ayoko namang iwan ang pagkain para tumayo. So I glanced at my left and decided to have Azriel entertain me.

"AA, do you know my sister?" tanong ko.

His last name is Alderidge so he's probably related to my brother-in-law. Minsan ko lang makita ang lalaking 'yon at napakaseryoso niya. I usually go outside or stay in my room when they're visiting para na rin maiwasan ang kung anong gulo. Baka ako pa ang maging rason sa away mag-asawa nila.

Napahinto siya sa pagsubo at dahan-dahan akong nilingon. I caught a glimpse of the scar in his lower face but I didn't think they're scary or gross. In fact, I want to touch it and hear the story behind. Parang napakalaking sugat kasi iyon at gawa ng malaking sandata.

His spoon dropped and he pulled his mask up. Nakita niya ata ang pagtitig ko sa scar niya. Humalumbaba ako at bahagyang napanguso.

"I don't really mind, you know. Hindi naman siya pangit tingnan." I reached out a hand to his face and he flinched a bit. Tumigil ako. "Pwede kong ibaba? Kumakain ka pa naman."

Hindi siya tumango pero hindi rin siya umiling. Mas inilapit ko ang kamay at no'ng hinayaan niya lang ako ay dahan-dahan kong binaba ang mask niya. I smiled, resisting the urge to touch it since that's already breaking too many boundaries.

He blinked, seemingly entranced. "Oo. Her husband is my cousin."

"You have a sister married to Alderidge family, Raven?" narinig kong tanong ni Tamara kaya siya naman ang hinarap ko.

"Yep." nakangiti kong sagot. "Ikaw, Tamara? I never heard of the Alonzos in Alora."

"Kasi wala naman kami do'n." natatawa niyang tugon. "Sa Allysteria nakabase ang pamilya ko at tumutulong kami sa pagpo-protekta nitong Academy. Kaya rin naipasok ako agad dito."

Oh. I thought she's a daughter of a High Lord because of her beauty.

I raised a brow, interested. "So you have an ability?"

Hindi naman magpapasok o magbibigay ng gano'ng trabaho ang Academy sa mga ordinaryong tao lang. Tamara and her family must be special to be given that duty.

"Ah, oo. My ability is useful in battles kaya sabi ni Tatay may maitutulong ako sa Kugon."

"And you're okay with that?"

"Oo naman! Isang karangalan ang pagsilbihan ang kaharian natin!"

I hummed, going back to eating. Hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang enthusiasm sa mga ganiyan. Maybe I really am a bad citizen for giving no fucks about this kingdom, pero siguro ay dahil din ito sa pagkakaiba rin ng naging buhay namin. Just from the knowledge that her soulstone works while mine doesn't already creates the difference of our perspectives in life.

Maybe this kingdom was a meadow for her, a place to grow and nurture herself. But for me, it is no lesser than a golden cage where my feet is trapped in chains.

"Andreas, kailan nga pala gaganapin ang Rank Assessment ninyo?" biglang tanong ni Paham na kumuha ng aking atensiyon.

Rank Assessment na naman? Akala ko ba 'yong laban na kanina sa Hantei Hall ang maglalagay ng ranks namin? Baka 'yong buong tatlong taon ko dito ay mauuwi lang sa ranking-ranking na 'yan.

"Isang araw mula ngayon." sagot ni Andreas. "Sa gabi iyon gaganapin at para lang sa mga hindi nakaabot sa criteria kanina. Some students were defeated after one match without showing their full skill. Pero para sa mga estudyanteng may ranggo na, hindi na nila kailangang sumali."

"Ilang estudyante na ba ang nagkaroon ng ranggo kanina?"

"Sampu."

Nagbulong-bulongan naman ang mga estudyante sa table namin. Marami sa kanila ang hindi makapaniwala na sampu lang ang nakapasok sa criteria, kung ano man ang basehan nila. But I can kind of understand it. There were students who weren't able to show their true skills, kaya siguro panibagong chance ito sa kanila.

In the corner of my eye, I found Beatrix whisper something to Tamara. Pagkatapos ay isang ngisi ang tinapon niya sa babae at sa'kin nang makita akong nanonood. I ignored her, opting to stare at Tamara who was biting her lower lip, face pale and anxious.

Hm. Ano kayang nangyari?

Bumalik kami sa house pagkatapos kumain. I didn't ask my roommate about her interaction with Beatrix, but I can feel Tamara's nerves even as I sat a couple of feet away from her. Nags-stretch siya ng kamay at sinusuntok ito sa hangin. I know she's practicing for the possible match, dahil baka isa rin siya sa malabilang do'n. She looks determined but her moves seemed hesitant.

Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Kung sampu nga lang ang nakapasok ay isa nga talaga si Tamara sa magre-rematch. Hindi niya naibigay ang lahat sa laban kanina. Sana nga lang ay hindi na siya mapangunahan ng kaba sa susunod niyang laban.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang iniisip 'yon. I guess I was too exhausted that day to process any more thoughts. Nagising na lang ako sa sikat ng araw na sumilip sa nakabukas na bintana namin. I groaned, sitting up to grab my alarm clock.

Pesteng araw 'to! Alas kwatro pa lang ng umaga pero pataas na siya?! The day here is even earlier than in Alora!

Dahil hindi ko na kayang matulog pa sa liwanag na 'yon ay minabuti ko na lang mag-ayos ng sarili. Nang makalabas ako sa banyo na suot-suot ang first type of uniform namin ay humihilik pa rin si Tamara. Pinanood ko muna ang sarili sa salamin. Magaan ang... bodysuit na lang ba itatawag ko dito? Parang gano'n rin kasi ang itsura niya.

It's fitted and light, pero hindi mabilis mapunit ang tela. Alam ko dahil natry ko kanina sa loob ng banyo. Maganda siya sa pakikipaglaban dahil wala ring pumipigil sa mga galaw ko. Ang problema ay ang kulay niya. Sa lahat ng kulay sa mundo, bakit puti pa?

I glanced at the clock. Alas singko na pala kaya kailangan ko nang gisingin si Tamara. Nang basahin ko kasi ang schedule kanina ay nakita kong 6 AM ang simula ng morning training namin. And nakalagay din doon na every Monday to Wednesday ay ang Type A ang susuotin namin while Thursday to Saturday naman ang cargo uniforms. Hanep nga at may pang sabado pa pala kami.

"Tamara." pagtawag ko sa pangalan niya. "Gumising ka. Alas sais ang start ng training natin."

Gumalaw siya pero hindi niya ako pinansin, kaya malakas kong tinapik ang balikat niya. "Tamara. Gumising ka na."

"Five... Five minutes..." mahinang tugon niya at nagtago pa sa ilalim ng kumot.

I frowned, already irritated. Kahit kailan ay hindi naging mahaba ang pasensya ko at hindi ito magch-change ngayon. Kaya inalis ko ang kumot sa katawan niya at hinila siya pababa ng kama. She abruptly woke up, scratching and pulling at the bed sheets to stop herself from pulling.

"Ito na! Ito na! Gising na!"

Binitawan ko siya.

Napadaing siya nang mahulog ang lower body niya sa sahig habang nasa kama pa rin at nakasubsob ang ulo niya.

"Bakit kasi kailangan alas sais ang training natin?" naiiyak niyang sambit. "Gusto ko pang matulog..."

She grabbed her towel and uniform before facing me. Napasinghap ako sa mala-panda niyang mukha. Napakalaki ng eyebags niya na para bang hindi siya nakatulog kagabi.

"Namiss mo ba pamilya mo?" tanong ko. "You looked like you didn't sleep."

"At mukhang sasali ka sa party sa itsura mo-" tinitigan niya ang suot kong boots. "Bakit may heels 'yan? Parang hindi naman ganiyan kataas ang takong kahapon."

"Ah, no. This is my own." I showed it to her, a little proud. "Ang ganda 'no? It costs seventy-thousand pesos."

Halos lumabas ang mata niya sa pagkagulat. "That much? Para lang sa heels?"

"Well, it's a combat boots with heels, personalized for me. Kaya siyempre, mahal."

"Eh, bakit kailangan mong magheels? We're going to train."

"Kaya nga. What if we're attending a party and some enemy comes up, e'di we can't fight because we're wearing heels?"

Tamara looked at me with suspicion. "You can take it off? Anyway, I'm pretty sure that's not the reason."

Well, duh.

"You're right. I just love wearing heels so I'm using these. Hayaan mo na at hindi naman ikaw ang nagsusuot." I sat on the bed with my legs crossed, smiling at her. "Or do you want to discuss fashion with me? I can do that for a whole day but I don't know how long you take your shower."

Tamara blinked at me before screaming, "Ay, oo nga pala! Shit! May klase pa tayo!"

Agad kong narinig ang rumaragasang tubig sa banyo at ang makukulay niyang pagmura dahil sa ginaw nito. I walked towards the window, peeking out the field. It's a bit far from our house pero nakikita pa rin naman. Nandoon na si Andreas na mukhang nags-stretching.

Habang hinihintay na matapos sa pag-aayos si Tamara ay itinali ko ang buhok pataas. Nang handa na siya ay sabay kaming lumabas. Hindi na kami nagbitbit ng bag dahil hindi naman kami pwedeng magdala ng ballpen at notebook siguro. Wala ring dala na kahit ano ang iba naming kasama ngunit nagtaka ako kung bakit sila nagpupulong-pulong.

"AA." bati ko kay Azriel nang makita siya. He stayed at the back of the crowd with both hands in his pocket. Nakasuot pa rin siya ng mask. "Anong nangyayari?"

"List of students who will participate in the Rank Assessment."

Ohh. Nandito na pala 'yon?

Lumapit sa'min si Tamara. "Nakita mo ba ang mga pangalan?" she softly asked.

Nagtagal ang tingin ni Azriel sa kaniya bago tumango. "You're in the list. Bukas ng gabi, alas syete, sa training hall." he glanced at me. "Hindi ka kasali."

Tumango-tango ako. I know that. Magrereklamo ako kung isasali pa nila ako after winning six matches.

"Training hall?" I asked instead.

"Similar to the Hantei hall but smaller and indoors." biglang singit ng epal na Giovanni sa gilid ko. He threw me a smirk. "It's a pity I won't see you fight again. Sana kumain ka na ah."

Ilang arena ba ang mayroon ang eskwelahang ito? Bakit naman yata napakarami ng pwedeng paglabanan kahit na bagong programa lang ang Selected?

"Hantei Hall is for the big fights that needs a large audience. Like kailangang magparticipate ang bawat houses. Ginagamit naman ang training hall for one or two houses lang, dahil ng mas maliit siya. And there are multiple battle arenas since there are also events for magic competitions, kung saan ina-assess ang level of ability ng bawat estudyante." paliwanag ng isang babaeng nasa likod ko pala. Ngumiti siya nang makita ang pagtataka sa'king mukha. "I'm Dustine. I couldn't help but say something kasi mukhang confused ka."

"I see. Thanks." tugon ko para sa mabusilak niyang puso.

Baka naman may psychic abilities pala 'to kahit na nasa House of Blades. Mahirap na at makagawa ako ng gulo sa first day ko. Palipasin mo muna ang isang week, Raven.

"Tch. Papasok-pasok dito na walang alam. Kaya rin pala hindi marunong rumespeto." malakas na komento ni Beatrix sa tabi ni Dustine.

Ha. This girl must have some bad blood with me. Hindi na ako magugulat kung dahil iyon sa pagkatalo niya sa laban namin. Well, I don't regret any of that. I didn't like the way she called me bitch.

"Don't be that rude, Bea." suway ni Dustine sa kaniya. "Papunta kaming Awanggan ngayon, gusto niyo bang sumama?"

Nakita ko ang paglukot ng mukha ni Beatrix dahil sa suhestiyon ng kaibigan. Unti-unting umangat ang gilid ng labi ko.

"Nah. We're alright. Baka mawala pa ang gana ko kung makasabay ko si Beatrix," nanunutya kong saad. "And I know she feels the same so let's save each other from kaplastikan."

Taas-noo akong naglakad palabas, kinukuha ng maiingay kong takong ang atensiyon ng bawat tao. Naramdaman ko ang paghabol ni Tamara sa'kin na mahinang tumatawa. We both glanced at each other and smiled. What a morning!

"Beatrix is such a bitch." banggit niya. "Kahit noon pa ay mahilig niyang insultuhin ang ibang tao. Pinagtitimpian lang siya dahil isa siyang anak ng High Lord."

I raised a brow at that, surprised. Anak din naman ako ng High Lord pero bakit hindi ako pinapapasok sa mga shops? And hell, I'm not even as rotten as Bea, I still have my morals in check. Ang mga binubugbog ko lang naman ay ang mga deserving nito.

But Tamara calling Beatrix a bitch huh... I guess, that girl whispered something bad to Tamara for her to react this way.

"Ayaw mo din ba sa kaniya?"

Sumama ang mukha ni Tamara. It's somewhat refreshing to have a soft face like hers be mixed with fury. "Mahalaga ang pamilya ko sa'kin at ilang beses na niyang ini-insulto ang trabaho namin. It's not our fault we're contented being normal Soulbearers. Okay na kami na protektahan ang Academy, hindi na namin kailangan ng magagarang titulo."

Her words felt like a slap to my family, to the reputation and image we greatly uphold. Pero imbes na mainis ay naginhawa ang kalooban ko. I guess that's why both of us are really different, huh. Hindi lang sa perspective ng life at soulstones, pero dahil rin sa pamilya. She has freedom and peace, I had pressure and constant comparison.

"That's... nice to hear." nakangiting sambit ko.

Huminto siya't nilingon ako. Hindi ko napansin na napatigil na pala ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

"That's the first genuine smile I ever saw from you."

Gulat akong napatingin sa kaniya. "What do you mean?"

"Ay- ano, kasi-" napakamot siya sa ulo. "Palagi kang ngumingiti o ngumingisi pero minsan 'di siya umaabot sa mata mo. Pero kanina ang ganda ng ngiti mo."

Tumawa ako sa sinabi niya. And really, even I could feel the lightness from my laugh. It's such a strange thing that a new burden appeared on my heart.

"Oo nga pala, ano sinabi ni Beatrix kagabi sa'yo?"

Nauwi sa nguso ang gulat ni Tamara sa pagtawa ko. "It's nothing. I mean, alam ko din naman na hindi na ako kasali sa sampung nakapasa. She's just telling me how I don't fit in this school, kasi in her words, a weak person like me who comes from a pathetic family do not deserve to stand inside the academy."

Sarkastiko akong tumawa. "Big words coming from her who will also participate in the Rank Assessment. Kapag hinabol siya ng karma, siguradong hahalakhak ako ng malakas." sinulyapan ko si Tamara na natawa rin. "At ikaw dapat ang susunod na hahalakhak."

"You're just hungry, Raven." tatawa-tawa niyang tugon at hinila na ako ng tuluyan.

Nang makapasok kami sa Awanggan ay may kokonting estudyante na rito. Siguro ay sila ang mga early birds ng academy. May ibang nakatutok pa sa libro o 'di kaya'y natutulog na sa harap ng hapagkainan.

"Hey."

Sabay kaming napalingon ni Tamara sa taong nasa likod na siyang nagsalita. Kaagad akong natigilan pagkaharap sa lalaki. His golden eyes stared straight at me that I couldn't breath. Almost literally dahil napakatindi ng init na nagmumula sa katawan niya. Parang tinutusok ang balat ko nito at napapaso.

Kahit si Tamara sa tabi ko ay natigilan, ngunit binigyan niya ng isang bow ang taong nasa harap namin. Ano, teacher ba siya? Ang bata-bata pa naman niyang tingnan para maging teacher. Mukha ngang si Andreas ang pinakabata sa mga guro na nakita ko kahapon e.

His eyes never strayed away from me, but it lowered down into my enclosed fists. At parang may heat ray ang mga mata niya na napasinghap ako sa init na dumapo roon. Mabilis niyang ibinalik ang mga tingin sa'kin.

"Tell your classmates that your training bags are in Andreas' office. He's currently busy so he can't give it to you personally."

Iyon lang ang sinabi niya bago umalis. Umayos ng tayo si Tamara sa tabi ko at nagpakawala ng malalim na hininga. Napalunok ako nang unti-unting mawala ang init sa aking balat at muling bumalik ang lamig na sanay na sa'king katawan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro