Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seven: Training

"What was that?"

Kanina pa ako bumubulong habang pinaglalaruan ang pagkain. After taking five mouthfuls, my stomach couldn't handle any more food. Not when I can still remember the burning heat. Kapag ba tumabi ako sa taong 'yon, talagang masusunog ako?

"Ah, si Helios 'yon, Raven. Isa siya sa mga pinakamalakas na estudyante dito. Siguro dahil na rin sa anak siya ng may-ari."

Ah, so he's the most arrogant then. Anak ng may-ari at pinakamalakas. I scoffed. What luck and talents.

"Was that his magic?" tukoy ko sa nangyari kanina.

Kumunot ang noo niya. "Ang alin?"

"The heat."

"Ahh..." sandali siyang nag-isip. "Ang alam ko kasi nakakuha siya ng direct blessing from the sun. He possess the same power kaya parang kaharap mo siguro ang araw kung siya ang kausap mo." she chuckled. "Pero hindi ko naman 'yon naramdaman kanina. Bakit?"

I frowned. Hindi niya naramdaman ang init na nanggagaling sa taong 'yon?

Baka dahil nasanay na siya sa mga mahika na nagmumula sa soulstone kaya gano'n. I've never encountered a strong elemental magic so I don't know the feeling, unlike her who lives and protects this city. Si Theron na lagi kong nakakasama ay psychic ang ability at hindi niya naman ginagamit kung kasama ako. Hindi laging nasa bahay si Ellis at Flair kaya hindi ko rin nasasaksihan ang ability nila. Or if I do, it's not as intense since their magic are mild and harmless.

I remembered feeling the shivers when Azriel used his ability on me. Pero dahil nasa gitna ako ng laban, hindi ko masyadong pinansin 'yon.

Ugh, these soulbearers and their powers. Baka sila pa ang pumatay sa'kin.

"Anong house siya?"

Naalala ko ang suot niyang uniporme. He was wearing an buttoned gold blazer na may academy crest sa upper left paired with dark gold pants. Underneath the blazer is a white shirt and gold tie accessorized with a pin of the sun. Hindi ang normal na puting cape ang suot niya, rather it was dark gold with the sun symbol again.

"The House of the Golden Sun." sagot ni Tamara.

Inikot ko ang tingin sa buong Awanggan. "Ano naman ang pinagkaiba ng mga houses, Tam?"

"Hmm. Well, the seven houses are divided according to the student's origin of magic. Para sa'ting House of Blades, okay lang kung iba't iba ang uri ng ability dahil sa physical abilities tayo nakafocus. The other six are centered on their soulstone. First, there's the House of Wind." turo niya sa mesang katabi namin na nakasuot ng kulay berdeng uniporme. "Similar to the name, ang mga estudyante nila ay air-type. O nagpo-possess ng magic na kayang macontrol ang air, wind, or weather. Sunod ay ang House of Spring Brook, sila ang nakapink. They're forest or animal types. Sila ang may connection sa nature natin. Usually students from Alora are plant types and those from Allysteria are closer to animals."

House of Spring Brook nga ata ang house na kinanggalingan ni Flair. Kaya pala nagtataka ako noon kung bakit kulay pink ang uniporme niya.

"Next is the House of Beasts. They possess magic that affects one's body, kagaya na lang ng shapeshifting o 'di kaya enhanced strength at speed. Then the House of Psyche. Sa totoo lang, sila ang pinakamapanganib sa'kin dahil they specialize on the mind. Madalas sa kanila ay kayang magcommunicate through mind and they can also manipulate emotions or reality. They're the house with the largest population."

Doon naman galing si Ellis at mukhang doon rin papasok si Theron sa susunod na taon. Their uniforms are purple while the beasts' one is orange.

"Ang dalawang natitirang houses naman ay ang madalas maglaban. Siguro dahil na rin sa rivalry ng mga leaders nila kaya mainit ang dugo nila sa isa't isa. The House of Ocean Moon specializes in water and moon-blessed magic. May kakayahan rin silang magheal." turo niya sa mga estudyanteng naka-asul. "At ang pinakamalakas na house sa school na 'to, na siyang kaaway rin ng Ocean Moon, ay ang House of Golden Sun. Ang mga estudyante nila ay magaling magmanipula at control ng apoy o liwanag. I guess the nature of their elements also influences their years of rivalry."

Napatawa ako ng mahina. Magkaaway pero magkatabi pa sila ng mesa dito sa Awanggan. Kaya naman pala parang hindi nagpapansinan itong mga asul at dilaw na estudyante dahil may bad blood sa isa't isa.

Umupo sa harap namin si Dustine kasama ang nakasimangot na Beatrix. Tinapunan niya ako ng masamang tingin na tinaasan ko lang ng kilay. Grabe naman maghold ng grudge ang isang 'to.

"I'm sorry about what happened a while ago. I'm sure Beatrix means well-"

Pinutol ko ang sasabihin ni Dustine. "I'm pretty certain she doesn't. Sa sama ng tingin niya ngayon, parang kinakatay na niya ako sa isipan niya." Dustine laughed awkwardly. Sunod ko siyang tiningnan. "And don't say sorry for a mistake you didn't do."

Ayoko sa lahat ang goody-two-shoes.

"Let me clarify. I am not apologizing for her words and actions, pero humihingi ako ng pasensya dahil hindi ko siya agad nasuway. Ako ang lider ng house kaya kailangan ko kayong imanage."

Napangiwi ako. Ito na naman tayo sa mga duties and responsibilities nila. By her words, I have a feeling na kung sa labas nangyari ang gulo ay hindi niya papansinin. Ang iniingatan niya lang ay ang reputasyon ng house. I guess that's just how the daughter of a regent thinks.

Ngumiti siya. "Hanga ako sa ginawa mo kahapon, Raven. It's not always that you see a girl fight in a short dress and stilettos, more so provide a remarkable battle."

"Hindi ako nakapagpalit ng damit." kibit-balikat kong sagot. "That's actually the only reason why I fought like that. Kung alam ko lang, e'di nakabihis ako ng maayos."

"Pero ang galing mo pa rin do'n, Raven! Siguro if nakaproper attire ka, mas malakas ka pa." Tamara complimented.

Bumaba ang tingin ni Dustine sa suot kong damit. "I want to try fighting you."

Napangisi ako. Well, well, have I caught an important person's eye? Although hindi ako confident na kaya ko siyang matalo, lalo na sa pinakita niyang galing doon sa match. If she was able to parry and be Damon's, the strongest human, equal, hindi ko alam kung kaya ko nga ba siya.

Beatrix scoffed. "Hindi siya magiging threat sa'yo, Dust. She's good, yes, but she's not that skilled."

Totoo naman ang sinabi niya pero dahil siya ang nagsabi ay hindi ako nasiyahan.

"Do you want to be the top student of our house, Raven?" may kakaibang liyab ang mata ni Dustine nang itanong niya 'yon.

Top of our house? Ang pinakamalakas at pinakamagaling na makipaglabang estudyante sa aming lahat? The thought is pleasing and the title is something to look forward to. Alam ko ring magiging proud si Dad kapag nangyari iyon sa'kin.

At dahil nga magiging proud si Dad at mas mararamdaman ko na isang bagay lang akong ginamit, hindi ko 'yon gagawin.

Umiling ako at ngumiti. "I could care less about the ranks. All I want is to graduate."

Ang kailangan lang naman niya ay koneksiyon sa Imperial Army at ang mapagyabang sa buong Hiraya na lahat ng anak niya ay nakapagtapos sa SSA. I can give him that, but never beyond. Hindi ko hahayaan na magamit niya ako kagaya ni Ellis at Flair.

"U-Uhm, oo nga pala, Dust." nagsalita si Tamara para mawala ang namuong tensiyon sa mesa. "Sinabi ni H-Helios kanina na kunin na lang daw natin ang training bags sa opisina ni Sir Andreas dahil busy siya ngayon."

"Helios? You talked to Helios?" Beatrix suddenly asked.

Nakakapagtaka naman ang biglang interes niya sa subject na 'to. Gusto kong isagot na si Helios ang nakipag-usap sa'min pero pinagpatuloy ko na lang ang pagkain.

Find your zen, Raven, find your peace. Namaste in your mind dahil magiging mabuting ehemplo tayo sa mga tao-

Nagulat ako nang biglang lumundag ang plato dahil sa paghampas ni Dustine sa mesa. Nakuha niya ang atensiyon naming lahat.

"Everyone, huwag muna kayong aalis dito. We'll stop by Andreas' office to get our training bag. Dalhin na lang din natin ang bags ng mga classmates na dumiretso sa field." malakas niyang utos na sinagot ng pagsang-ayon. She smiled and sat back down. "May pinapagawa naman siguro si Sir Paham sa kaniya kaya busy..."

"Oo nga 'no pero omg, sabi ko kasi sa'yo, Dust, dapat binilisan natin! Hindi ko tuloy nakita si Helios!" naiiyak na sambit ni Beatrix.

Mahinang tumawa si Dustine. "Kung gusto mo, daanan natin siya mamaya. Samahan mo 'ko."

"Ayieee, sige! Naiinggit talaga ako sa'yo at childhood friend mo siya. Huhu, paano ka ba hindi nagkagusto do'n? Wala na kayang mahihiling pa kay Helios!"

Mayro'n. Sana pababaan niya naman ang temperature.

Ilang minuto ko pang pinanood ang pagtitili at panghihinayang ng bipolar na si Beatrix sa harap ko. Nabubura naman ang magaganda niyang ngiti kapag nakikita akong nakatingin sa kaniya. Kung siya siguro ang nakausap no'ng Helios kanina ay parang kiti-kiti na siya ngayon. Hindi pa nga nakikita pero parang kinuryente na.

Kagaya ng inutos sa'min ay dumaan kami sa opisina ni Andreas. Thankfully, alam ng mga kasama ko ang pasikot-sikot ng lugar kaya sumunod na lang ako sa kanila. Andreas' office is large with punching bags hanging on the side. Parang mayroon rin siyang sariling mini-gym sa loob ng office dahil sa equipments. Lumapit si Dustine sa nakarayang training bags at isa-isang chineck ito.

Tinulungan siya ni Tamara kaya sumunod din ako. Pero ang kinuha ko lang na training bags ay ang akin, kay Tamara, at kay AA. Sila lang naman kasi ang pamilyar na pangalan sa'kin.

We decided to bring the other training bags with us to the field, kung saan magaganap ang unang training namin. May tiga-apat na bags na dala ang lahat ng boys habang tatlo naman sa mga girls, with Dustine as an exception dahil lima ang dala-dala niya. Ako naman ay ang akin lang at kay Azriel ang dala.

"Raven."

Napahinto ako nang marinig ang pangalan. I turned around, raising a brow when I saw my older sister. Nilingon ako ni Tamara at sinenyasan ko siyang mauna. Nagaalinlangan siyang tumingin sa'ming dalawa ni ate pero wala siyang nagawa kun'di umalis nang kausapin ko.

"You made a friend."

Hinarap ko si Ellis na may ngisi sa labi. "I am very friendly. Isa lang naman ang rason kung bakit hindi sila nagtatagal."

Sanali siyang pumikit na parang nai-stress sa sinabi ko. "You know why your friends never stay. It's either they're fed up of you or they're not worth it."

"At kayo ang magtitimbang ng worthiness nila, Ate, 'no?"

"What do you hope to gain from befriending a commoner? Yaman lang ang ambag mo sa kanila. If they ever find out that your soulstone is broken, they'll leave you. Mabuti na ang mapaaga ang pag-alis kaysa magsisi ka sa huli."

Kinuyom ko ang kamao. "My soulstone is not broken. It's empty."

She challenged my gaze, as if declaring that there was nothing wrong with her statement and I only clarified it.

"Isa pa, kung ano man ang maramdaman ko sa huli, kung masaktan man ako, wala na sa'yo 'yon. It's my feelings. They're my relationship. Wala kang karapatan na magdesisyon para sa'kin."

"If your reputation is damaged, so is our family. Remember that whenever you decide impulsively."

"Tch." iniwas ko ang tingin at marahas na bumuntong-hininga. "Ano ba kailangan mo? Sinisira mo araw ko eh."

"Dad is displeased by your actions yesterday." gumuhit ang inis sa labi niya. "Ano ka ba naman, Raven? You are fighting, for Hiraya's sake! Bakit ka nagpalda at heels? Hindi lang nakakainsulto ang pagtungtong mo sa ring na parang dadalo sa party, pero napakavulgar ng matches mo."

I gaped at her and gave a ridiculous laugh. "I was fighting! At walang vulgar doon dahil may mahabang cycling shorts ako underneath! Oh my heavens, kung ganiyan lang rin ang reaksiyon niyo, sana binalaan niyo kong huwag magdress bago makaalis sa bahay! Malay ko ba namang gano'n ang mangyayari sa'kin."

"You could have asked the staff to give you proper clothes-"

"C'mon, Ellis. Kailangan pa ba talaga nating pag-usapan ang bagay na nangyari na? Kahit ubusin mo pa ang buong araw sa pagsermon sa'kin, hinding-hindi na mababago ang nangyari kahapon. It won't change the fact that I fought and won in my stilettos and dress."

Mahina siyang bumuntong-hinga. "Alam ko iyon. I came here to remind you na sana iyon na ang huling beses na magiging pasaway ka. Follow the proper rules next time and think about our family. Lahat ng aksiyon mo dito ay mare-reflect sa'tin."

I gritted my teeth, biting back the spiteful words I had prepared. Hindi man lang siya nagpaalam nang tumalikod at umalis.

My actions will influence the family's image? Hindi ba't 'yan naman palagi ang nangyayari basta ako na ang nasa usapan. Kailangang ganito, hindi puwedeng ganiyan. Huwag ka maging sakit sa ulo dahil marurumihan ang pangalan natin. Pero sa huli, ang pangalang Raven Tempest lang naman ang naninirahan sa isipan nila.

As a way of avoiding the consequences of my rebellious attitude, Dad made it a habit to say 'Hindi ko na nga alam gagawin ko kay Raven'. I am nothing but an untamed child who refused to listen to orders, and the Tempest family is being sympathized for putting up with me. Na hindi ako kagaya ng mabubuti at talentado kong kapatid.

Mas lalo kong kinuyom ang kamao hanggang sa makaramdam ng hapdi. I hissed, glancing down at my palm. Nagawa kong saktan ang sarili dahil sa galit at mahahabang kuko. I sighed, the corridor once again lighting up. Mabuti na lang at training ngayon kaya makakapaglabas ako ng sama ng loob.

Nang makarating ako sa field ay wala na nga doon ang Andreas na nakikita kong nagstretching kanina. I actually thought getting the bags from his office was just part of the training pero talaga ngang wala siya. Nakita ko si Azriel na madilim ang mukha sa isang gilid kaya nilapitan ko siya, but some epal stopped me from my tracks.

"Oh, ba't badtrip ka rin? Masama ba ang gising niyo sa araw na 'to? Baka sakaling mawala ang inis mo kapag nakita mo na ako?" tinaas-baba ni Griffin ang kaniyang kilay.

"You have too many questions and I don't want to answer any of them." sagot ko't tinulak siya pagilid.

Narinig ko ang halakhak niya sa likod. "Bibigay ka din sa charms ko, Raven! Good morning, beautiful, nga pala!"

Umirap ako at nagpatuloy sa paglalakad. I sat beside Azriel, dropping his training bag. Inikot ko ang tingin para hanapin si Tamara at nakita ko siyang nakikipag-usap sa isang babae. I guess kilala niya din.

Hinarap ko ang katabi na nakatitig sa training bag niya. His eyes are still sharp.

"AA." tawag ko. "May dapat ba tayong patayin?"

"It's nothing." he pulled the bag towards him and opened it. "Thank you."

Magsisinungaling pa talaga 'to sa harap ko. Hindi ko na muna siya pinansin ang binuksan rin ang bag. It contained equipments we might need for training. May mouthguard, shinguard at headguard. Mayroon ding gloves at wraps para sa'min kamay kung magpa-praktis ng suntok. There's also some liniment oils that we can use after practice. Finally, may towel at water bottle din na nakalagay.

"Raven!" napatingala ako nang marinig ang boses ni Tamara. "Sino 'yong babae kanina?"

My foul mood returned. Pilit ko itong itinago at ngumisi. "Ate ko. May sinabi tungkol sa laban ko kahapon."

Ramdam ko ang malakas na kuryosidad ng dalawa kahit na hindi sila nagsasalita. Nanatili sa'kin ang mga mata nila na parang naghihintay pa ng sasabihin. I glanced at Azriel who was watching me and raised both brows.

"Sasabihin ko kung sasabihin mo rin."

Iniwas niya ang tingin.

"Ah, kasi, it's actually our classmates' fault." mahinang saad ni Tamara. "Since nalate ka ng dating, akala ng lahat na wala si Azriel at kinutya nila... Dahil na rin sa pagpakita niya ng abilities kahapon."

"The shadows, right?" diretso kong tanong.

The descendant of the Academy's protectors flinched before nodding. "Dark magic is forbidden in Hiraya, at kahit pinayagan na ni Dean Paham ang malayang pagpakita ng magic dito sa Academy, hindi pa rin nawawala ang opinyon ng tao dito. He wanted the students to accept themselves, whether dark or light, but its the students themselves who destroys it."

That might also be why Azriel is often found alone and why he accepted the fate of being invisible. Tahimik, laging nagtatago, at umiiwas sa mga tao. Parang naging isang anino na rin siya sa ginagawa.

"I've always known this was a place of arrogant bastards." nagulat silang dalawa sa sinabi ko. "Hindi ko alam na may ikaka-baba pa pala sila." I smirked, glancing at Azriel. "Don't worry, AA. We'll be wallflowers together."

"Sama rin ako!"

Napabaling kaming dalawa kay Tamara dahil sa sinigaw niya. If Azriel is born with shadows and I am the black sheep, hindi ko alam kung paano namin matatanggap na maging bad influence sa isang anghel na 'gaya ni Tamara. She's sweet and nice to be labeled as a wallflower like us.

Ang kaninang ngiti niya ay unti-unting naglaho sa katahimikan namin. "K-Kasi... Hindi rin naman ako komportable sa iba. Kagaya nga ng sabi ko sa'yo kanina, Raven, the Alonzos aren't influential and powerful. We're just mere protectors of the Academy and I'm... the weakest." binulong niya ang huling salita.

"You're not." biglang saad ni Azriel.

Napangiti ako. Well, look at these trio I wanted to stay with. An outcast because of his magic, a black sheep who hates soulbearers, and a protector who's always criticized. I've never been more at home.

"Ano na 'yong rason mo?"

I stuck my tongue out at Azriel. "Hindi naman ikaw nagsabi ng rason mo, so the deal's off."

"So pwede mo sabihin sa'kin, Raven?" Tamara asked, eyes sparkling with curiosity.

Tumawa ako. "Hindi rin. Wala naman tayong deal."

She pouted. "Madaya!"

Mas lalo akong natawa. Hindi naman sobrang lalim ng nagpainis sa'kin. What would I tell them? That my family disapproves of me? Na kahit kailan ay hindi sila magiging masaya sa'kin? I won six fights but all they can think of is how I wore a skirt.

"Hoy, mga p're, anong ginagawa niyo diyan? Nandito na si Ma'am." anunsiyo ng papalapit na si Griffin. "Si Ma'am Zara daw muna ang magt-train sa'tin dahil wala si Sir Andreas. Dalian niyo na diyan!"

Sabay kaming napatayong tatlo, dala-dala ang mga training bags. We joined the crowd of students who were sitting in front of a female teacher. Mga kaedaran na siguro siya ni Mommy ngunit maganda pa rin ang hugis ng katawan niya. Her auburn hair was tied in a bun at may parang chopsticks na nakatusok dito.

Parang masungit na teacher na papaluin ako kapag namali ang pronunciation ko sa anemone.

"Good morning, House of Blades. I am your Ma'am Zara na naghahandle sa physical education subject ng ibang houses but since your instructor is busy, I will be substituting." panimula niya nang makompleto kaming lahat. "First of all, huwag kayong umupo diyan sa damuhan. Stand up and form five lines!"

Kaagad naman kaming nagsipag-tayuan. Tinulak-tulak pa ako ni Tamara dahil medyo nakatulog ang paa ko pagkaupo. Pero mabuti at maayos na kaming nakatayo sa pang-apat na linya kung saan ako ang pang-limang tao. Our hands stayed still at our sides and we were facing front with blank expressions.

"I don't want to waste any more time by letting each of you introduce yourselves dahil sigurado akong magagawa niyo 'yan sa mga trainings na gagawin natin. So!" bigla niyang isinigaw 'yon. Grabe naman ang energy niya. "Your morning trainings will be divided into two parts. First is the melee section, kung saan mahahasa niyo ang pakikipaglaban gamit martial arts o short-ranged weapons. And second, you will be practicing archery."

I inwardly groaned. Diyan ako walang katalent-talent.

"At sa oras na ito ngayon ay magpa-partner kayo dahil aaralin natin ang tinatawag na Eskrima o ang pagsusuri natin sa lines of attack na tinatawag. Bago natin alamin kung paano umatake na may sandata, alamin muna natin kung paano dumepensa mula doon. I'm also quite certain that some of you here, if not everyone, already knows how to handle a weapon."

Nagsitanguan kami.

"Kaya naman sa Eskrima," patuloy niya habang naglalakad-lakad sa gitna namin. "Aalamin natin ang lines of attack ng ating kalaban para maging prepared tayo sa susunod niyang atake. Humarap kayo sa inyong katabi at sila ang magiging pares niyo sa umagang 'to!"

I faced to my left since I'm standing on an even-numbered line. Inikot ko ang mata nang makita ang nakangising mukha ni Griffin sa harapan ko. Ano bang klaseng malas ang nabunot ko ngayong araw?

May pinasa sa'min mula sa unahan at isa itong wooden stick. Naglagay rin ng distansiya mula sa mga pairs. Pinapaikot ni Griffin ang kahoy sa kaniyang kamay habang tinititigan ako. Hindi pa rin nawawala ang saya sa kaniyang mukha.

"Hey there, Miss Beautiful. Mukhang destiny tayo ah?"

Hindi ko siya pinansin nang magsalita ulit si Zara sa harap. "Pag-aaralan natin ang apat na lines of attack. The high downward diagonal forehand strike-" inihampas niya sa hangin ang kahoy gamit ang proper strike position. Pagkatapos ay binawi niya ito at ipinuwesto sa likod bago hinampas ulit- "The high downward diagonal backhand strike-" then pinababa niya ang hampas sa kahoy kaya parang sa gitna na. "-The mid-section horizontal forehand strike-" Kagaya ng ginawa niya sa ikalawa ay binawi niya ang kahoy at inilagay muna sa likod bago muling umamba ng hampas- "And lastly the horizontal mid-section backhand strike."

Bawat galaw niya ay pinroseso at ini-memorize ko sa aking utak. I followed her same movements in my mind, my hand unconsciously gripping the stick tighter as if I'm also demonstrating them. I've heard and used the same techniques pero 'di ko alam gano'n pala kahaba ang pangalan niyan.

"Ito ang mga atake na kailangan niyong depensahan at madali lang sila since you can naturally predict these set of movements. As fighters, you yourself know that better than anyone else. So I will only give you three hours to master these at magkakaroon tayo ng practical demonstration tomorrow kung saan pwede niyong i-mixed ang nalalaman niyong attacks sa laban." ngumisi siya. "Now, we'll learn the blocks."

Napatingin kami ni Griffin sa isa't isa nang sumenyas siya. "The partner on the right will block while the left will strike."

Tumango kami. Ipinuwesto ko sa right hand ang stick para mabilis sa pag-atake. Nakita ko naman ang paniningkit ng mata ni Griffin sa bawat galaw ko.

"First is the roof block. Kagaya ng pangalan ay itataas niyo sa 45 degree angle ang stick para madepensehan ang atake. You can use your empty hand to cover the opponent's weapon para lang makontrol ang movement nito, pagkatapos ay pwede kayong magcounter-attack at mag-disarm."

Ginaya namin ni Griffin ang ginawa niya. I made a high forehand strike and Griffin quickly angled his stick for a roof block. Pinosisyon nga niya ang kamay sa may stick ko at binigyan ng puwersa ang kaniyang block. He stepped forward, taking it as an opportunity to grab my weapon but I made a side-step on instinct and slapped his wooden stick away. It landed on Zara's feet who raised a brow at us.

"Ganda, walang nagsabing lumaban ka pabalik!" bulong ni Griffin sa'kin.

"There are also times where you can fight back like that." nakangiti at umiiling na sambit ni Zara. Ibinalik niya sa'min ang kahoy. "But remember that we're in practice not a match so control yourselves."

Kahit na medyo napahiya ay pinanatili ko ang blankong expresiyon.

"Next, we have the wind block. Dito, we prioritized the right side of the body by turning our stick to the side. Gagamitin pa rin natin ang free hand para maghanda sa iba pang atake ng partner natin and I'm looking at the both of you-" sabay tingin niya sa'min. "So we will make use of the three other strikes I told you earlier. Remember, if the strike is high, you either go for a roof block or horizontal wind block. But once your opponent uses horizontal forehand or backhand strikes, you go for the opposite and block vertically. Ang importante dito ay makakaform ka ng cross sa kalaban mo. Remember, most forehand has a follow-up backhand strike."

Naubos ang unang tatlong oras namin na pinapraktis 'yon at nilalagay rin ang ibang techniques na alam namin. So while we were really practicing Eskrima and reading our partner's lines of attack, we were also interlacing our own specialized movements. Kaya nang matapos ang training ay pagod na pagod na kami.

Azriel set the three water bottles in front of us. Nakatukod ang dalawang kamay ko sa lupa at nakatingala ako sa langit. Tamara was complaining about being so sweaty habang pinapat ng towel ang kaniyang leeg. Azriel also sat down, opening his bottle and drinking it in a calm manner.

"Thank you, AA..." sabay abot ko sa sariling bottle at uminom.

"Salamat! Saan mo 'to nakuha?" tanong ni Tamara.

Azriel pointed at a refilling station na malapit sa corridor ng Academy. Madami na nga doon sa amin ang kumukuha ng tubig at umiinom. I also noticed the students from other houses walking around or stopping to watch us. Nako, mukhang magiging center of attention pa ata kami nito.

"Nanakit kamay ko do'n." ani Tamara at ininat ang braso. "Ang lakas ni Quest. Sobra." tukoy niya sa kapartner.

"Apply some oil." abiso ko sa kaniya.

Nakanguso siyang tumango. "Mm. Pero mamaya na, hehe, kapag nahawakan ko ang mga palaso, mawawala din 'to."

Mukhang siya lang sa'ming dalawa ang nasisiyahan sa pagkakaroon ng archery ngayon.

Pagkatapos ng thirty minutes na pahinga na binigay ni Zara ay nakaharap na kami sa mga target practice ngayon. I felt the bow's weight against my skin and sighed. The target is 10 meters away from me at hindi ko alam kung kaya ko nga bang matamaan ang pulang marka sa gitna. Habang itong si Tamara naman sa tabi ay kanina pa bumubulong na 'easy' lang daw.

"Dahil hindi ko alam ang archery skill level niyo ay magsisimula tayo dito. By the end of this week, you should at least be able to hit a target within 100 meters distance-"

Nanlaki ang mata ko do'n. Ten times ng distansiya nito?!

"-And by the second week, marunong na rin kayong mag-archery while riding a horse."

At mas pinakomplikado pa talaga.

Narinig ko ang mahinang pag-'yes!' ni Tamara sa tabi kaya sinamaan ko siya ng tingin. Then I remembered her match tomorrow.

I smirked. Well, looks like I can make some deals.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro