Chapter One: Invitation
Day broke through my windows, announcing the end of night. Sunlight filtered through the slightly drawn curtains. A soft grunt escaped my lips as I tried to avoid the light, so soft and warm in my cold room. Gusto ko pang matulog.
"Raven. Get up."
The gentle order came from my mother who widened the curtains. Wala na akong nagawa kung hindi ang umupo sa kama dahil binulabog niya na talaga ang tulog ko. I stared at her with a small pout as she fixed the things on my desk. I forgot to clean the stack of books and pens last night. Iniwas ko ang tingin nang makitang hawak-hawak niya ang isang karton ng biscuit na ninakaw ko mula sa kusina kagabi.
Sana ay hindi niya maisip na hindi ko inaral ang binigay niyang libro dahil naabala ako sa pagdrawing doon.
Itinapon niya ito sa malapit na basurahan at dumagdag, "Fix yourself and we will have breakfast. Your sisters are here."
My carefully-worded protest suddenly died at the mention of my sisters. I paled, and my mother must have known it from the worried glance she sent my way. I moved to the edge of the bed, letting my bare feet kiss the cold floor.
"Bakit po, Mommy? Hindi naman importanteng araw 'to para bumisita sila."
My mother's hand stilled after she placed the last book in my shelf. I heard her suck a deep breath before turning to face me. Sinubukan kong basahin ang mukha niya, ngunit blanko ito. My mother was always good at controlling her outward features, while I was a master to my inner desires.
"May importanteng sasabihin ang Daddy mo at..." I could see her debating whether to tell me or not. "Importanteng araw din ito para sa'yo. Kaya maghanda ka muna dito at pumunta sa dining hall."
Hindi naman holiday ngayon at mas lalong hindi ko birthday kaya paano naman naging importante ang araw na 'to?
Without letting me ask another question and saying another word, Mother left my room. Two maids came rushing in, one fixing my bed and the other preparing my bath. Naglakad ako papunta sa bintana habang hinihintay silang matapos.
From my room, I could see how far our land stretched. My father's vineyard occupied most of our lands. In the center of it all lay our estate, the one pride of my family due to its exquisite, architectural design. Nagmumukhang kastilyo ang mansiyon namin dahil sa dalawang towers na nasa magkabilang tabi nito. My room is situated in the left tower where the sun rises first, kaya ako ang unang nabibisita ng araw.
Pagkatapos ng gate namin ay ang bayan na. The city of Alora is one of the most beautiful places in the Continent of Hiraya, ang tawag sa aming bansa. Hindi lang sa malapit ito sa Palace, o ang tinutuluyan ng mga royal bloods, ay masagana din dito ang mga bulaklak at magagandang tanawin. Out of the four seasons, we experience winter the least and our nights are lesser than the day. Kaya kinatutuwaan ng mga tao ang magandang sikat ng araw at pag-ulan na binubuhay ng malusog ang bawat pananim.
"Miss Tempest, your bath is ready." wika ng katulong bago sila tuluyang lumabas.
I heaved a long sigh before grabbing my robe and stepping into the bath. Humiga ako't tumitig sa kisame. Ano kaya ang kailangan sa'kin ni Daddy? Hindi niya ako pinapatawag unless kailang niyang manermon o may gusto siyang ipa-utos. Mas nakaka-kaba pa na pinatawag niya pa talaga ang dalawang ate ko.
Nainis na ba siya sa pagtambay ko dito sa bahay kaya ipapakasal niya na 'ko?
Napangiwi ako. Arranged marriages between high families such as ours are very common. The usual victims are those like me who has served nothing to society. O 'di kaya sa mga pasaway rin at wala ng magawa sa buhay. It's times like this when I wish I had no name, reputation, and family to protect, para maligaya lang akong sumayaw-sayaw sa gitna ng daan na walang may pumapansin.
Pagkatapos kong maligo ay nagsuot na ako ng pulang bestida. I paired it with ruby earrings and high heels in fiery red. Pinalugay ko ang buhok na abot bewang, maitim at medyo kulot sa dulo. The color suits my fair complexion and asserts me with more power. Napangisi ako nang maisip na magagalit na naman si Daddy 'pag nakita niyang suot-suot ko 'to.
Hindi nga ako nagkamali. Narinig ko na ang mahinang reklamo ni Dad dahil sa maingay na pagtunog ng takong ko sa hagdan. Flair Veretia, the second daughter of our family, walked out of the library just in time, wearing her floral dress and closed ballroom shoes. Her blond hair is braided with flowers. Nginitian niya ako ng makababa at umiling-iling sa damit ko.
"You're in for another scolding with your dress, Ven."
Ngumisi ako. "Wala siyang magagawa. Nasuot ko na 'to."
Ngumiti lang siya at sabay kaming pumasok sa dining hall. My father was already at the head of the table, and his eyes sharpened when he saw me. Hindi pa ako nakakaupo pero ramdam ko nang gusto niya akong pabalikin sa kwarto at ikulong do'n. But a single whisper from Mommy made him calm down, grabbing the whiskey and drinking it in one gulp.
Umagang-umaga pero alak ang ginawang tubig ni Daddy.
Umupo ako sa harap ng panganay namin na si Ellis Vanescha. Isang blankong tingin ang iginawad niya sa'kin at muling ibinalik ang tingin sa mga pagkain. Flair sat down beside her, with a bright smile and blooming cheeks. Sa mesang ito ay silang dalawa ni Mommy lang ang masaya.
I looked around. Nasaan na kaya ang makulit na bunso namin? Tulog pa ba siya?
"Matagal na rin tayong hindi nakakain ng magkasabay." saad ni Mommy habang hinahanda ng mga katulong ang pagkain. "Kamusta na nga pala ang asawa mo, Flair? It's such a pity that he's busy."
Masayang ngumiti si Ate sa kaniya. "He's alright, Mommy. The work in the palace is hectic these days, lalo na't ilang buwan na lang ang Coronation. If he's free by the end of this week, bibisitahin ka namin dito."
My sister is already married to the second son of the Alderidge Lord. Naninirahan sila sa isang estate na malapit sa palasyo. Malapit na kaibigan ng royal family ang kanilang pamilya, kaya sobrang proud ni Dad kay Ate at nabihag niya ang isa sa mga anak nito. They were one of the reasons why we've succeeded to the High Lords.
The social system of the Continent is divided into ranks. It defines their reputation, respect, honor, money and power. Ang nasa pinakamataas ay ang royal family, siyempre. The Villareal, the oldest of the humans and maker of the Soulstone, rules the land with their blessing from the sun. Sumusunod sa kanila ang Academy, isang organisasyon na tumutuloy sa Ukiyo. Kasunod ay ang High Lords, mga lider ng pamilya na magagaling sa laban, nabigyan ng blessing ng royal family, at may napakalaking negosyo. Ang nasa ikaapat ay ang Kogun, o Imperial Army, na siyang nagpo-protekta ng bansa. Ang ikalima ay ang mga Soulbearer na nagpo-possess ng Soulstone. At ang pinakahuli ay ang ordinaryong tao na hindi gumagana ang soulstone.
It rarely happens. A dary grey or black soulstone is considered unwanted in the Continent.
"Mabuti naman. Ilang buwan ko na din siyang hindi nakikita." nakangiting sagot ni Mommy at bumaling kay Ate Ellis. "Ikaw, Ellis, kamusta sa Ukiyo?"
Matagal bago sumagot si ate. "It's alright. I was chosen as an assistant by an Academy member. Sinabi niyang may potential akong pumalit sa kaniyang puwesto 'pag nagkataon."
"That's very good to hear, Ellis! Your efforts are finally being noticed." papuri ni Dad.
Nagsimula akong kumain habang nakikinig sa kanila. Tahimik kong sinipsip ang gatas at pinanood ang pagiging proud ni Mommy at Daddy. Having a daughter married to a high family and another as a prospect for Academy is truly amazing. Siguradong taas-noo namang ibabalita ito ni Dad sa Alora 'pag nagkataon.
Well, it's not like my sisters weren't excellent before. Isa sila sa mga pinag-uusapan sa Alora dahil sa kanilang angking ganda, talento, at talino.
Tumaas ang kilay ko nang magawi sa'kin ang paningin ni Ate Ellis. Her eyes narrowed, that same silent judgment from years before.
"Speaking of Ukiyo, hindi ba't may sasabihin kayo kay Raia, Dad?"
Bumigat ang dibdib ko dahil sa sinabi niya, lalo na nang mawala ang tuwa sa mukha ni Dad. Nagpatuloy ako sa pagnguya ng tinapay na para bang iyon ang pinaka-importanteng bagay ngayon.
"May ginawa na naman ba siyang masama, Daddy?" tanong ni Flair sa mahinang boses. "I heard that her lessons were going well."
Extremely well kamo. I'm pretty sure that the guy I beat up two days ago still couldn't walk. Ugh, nasira pa ang nails ko dahil sa kaniya.
"Tungkol nga diyan ang pag-uusapan natin." panimula ni Daddy na hindi ko pinansin. I tried reaching out for another slice of bread if he didn't shout my name. "Raia Venetia!"
Tumigil ang kamay ko sa ere at sinulyapan siya. I grinned and took the loaf, stuffing it immediately on my mouth. Wala siyang nagawa kung hindi ang samaan ako ng tingin.
"Listen, you will quit training with our soldiers-"
Nanlaki ang mata ko. "What? But, Dad-"
"Patapusin mo ako." may galit ang boses niyang nagpatahimik sa'kin. "Hindi puwedeng dito ka na lang habangbuhay, Raia. At first, I thought you want to try managing our business, but Theron is more interested in it than you! I placed you with our soldiers to train, pero laging nagrereklamo sa'kin si Conrad na sakit ka sa ulo! You're not helping your mother, me, or yourself. Hindi ka ba nahihiya na magkulong dito sa bahay na walang ginagawa habang may mga pangalan at narating ang mga kapatid mo?!"
Gusto kong sumagot ng hindi pero baka mas lalala ang galit niya 'pag nagkataon.
Flair lowered her head and started picking on her food. Hindi kasi siya sanay na mapagalitan dahil paborito siyang anak. Ellis was just staring at me, thoroughly listening to my father's words. Sanay na siyang masermonan dahil sa pagiging panganay. Mommy has already excused herself to find Theron na sigurado ay tulog pa.
"Your sister is happily married to a good man and your other sister is slowly entering the Academy ranks! Meanwhile, ikaw na wala na ngang pinanghahawakan ay wala pang ginagawa para mai-angat ang iyong sarili! All you do is beat up soldiers, make them angry and buy those ridiculous dresses! Hindi ba't nasabi ko na sa'yong bawal ang pula sa Continent?"
I rolled my eyes. "The royal family is blessed with the sun and we're forbidden to wear red?"
"Red symbolizes blood that could mean war. Alam mong hindi pinahihintulutan ang itim at pula sa ating kaharian. Kaya kung pwede ay itapon mo na ang mga kagamitan mong kulay pula at itim." napahawak sa sentido si Dad. "Besides, the flame of our kingdom is golden, not red."
Hindi ko talaga maintindihan ang mga ganiyan nila. We fight and bleed but red is not permitted in the kingdom. Ang mga buhok namin ay kulay itim ngunit pinagbabawal ang gano'ng kulay. Kahit nga rosas ay hindi puwedeng tumubo, sa kadahilanang kahit maganda iyon ay puno pa rin ng tinik.
"I can't throw them away, Daddy. I won't have anything to wear then." nakangisi kong sagot.
I have personally made those clothes just to spite. Hindi ko pinagod ang mga daliri para lang itapon sila 'no.
"You have the money to buy good clothes, Raia. Flair will accompany you in the Alora to go shopping."
Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit naman kailangan kong magshopping? Seriously, Dad, no one can see me here. Walang makakapagrumi ng pangalan mo-"
"You're not staying here any longer."
Natigilan ako sa sinabi niya. I glanced at Flair, who still had her head bowed, and Ellis, who responded with a blank stare. Sunod kong tinitigan ang ama ko na dismayado at galit ang mukha.
"Pinapalayas mo 'ko?"
"I am sending you to Ukiyo-"
"With her?!" sigaw ko sabay turo kay Ate Ellis. "I don't want to go anywhere with her! Alam mo namang ayaw namin sa isa't-isa at ano naman ang gagawin ko do'n? Magiging katulong niya? Pwede palang pumasok do'n ang mga katulad ko?!"
"No. Hindi puwedeng pumasok doon ang mga katulad mo," diin ni Ate Ellis. "Ngunit nagbago ang patakaraang iyon noong nakaraang buwan."
"What?" kunot-noo ko pa ring tanong. "Dad, I don't want to go there. Ano nga ang gagawin ko do'n?"
"Mag-aaral." simpleng sagot niya.
Umuwang ang labi ko. "Aral?"
"Yes, you will attend the Soulstone Academy. I have been informed that you're one the Selected individuals to join their new program."
Ilang minuto akong nakatitig sa kaniya. I could feel Flair's excited eyes and Mommy's smile from the doorway. Ang kakadating lang na Theron ay nanlalaki ang matang lumapit sa akin para umupo sa tabi ko.
"You're going to attend Soulstone Academy, Ate?!" natutuwa niyang tanong.
Soulstone Academy? That damned school made for the blessed and chosen? Ano naman ang gagawin ng mga katulad ko doon? Nababaliw na ata itong si Daddy at gagawin na lang ang kung anong paraan para mapalayas ako dito sa bahay niya.
I gave him a heated glare, straightening up in my chair. "No." matigas kong sagot. "Hinding-hindi ako papasok doon, Dad. Why would I even go there when I'm not one of them? Ano, gagamitin mo na naman ba ang impluwensiya mo para maisingit lang ako do'n at magkukunwari akong may kapangyarihan?"
"Even if I exert all my money and belongings to put you there, I can't, Raven. Kahit na sabihin mo pang tutulong si Ellis. Dahil alam mo, higit pa sa iba, na hindi ka pwede do'n." mapakla siyang tumawa. "What can an empty Soulbearer like you do, anyway? Mas mada-damage ang pangalan natin kung isisingit lang kita doon."
Aba't nagawa niya pa nga akong insultuhin sa simpleng pagsagot.
"O e'di bakit?!" naiinis kong tugon.
"The Academy has proposed a new program called Selected." paliwanag ni Ate Ellis. "Isang programa na pwede sa lahat, kahit sa mga normal humans na katulad mo, ang pinagkaitan o hindi biniyayaan ng Soulstone na magaling sa pakikipaglaban. We will train and nurture your physical abilities so that you can serve the palace and later join the Kugon. Hindi namin alam ang mismong rason kung bakit nila ito ginawa, ngunit isa itong utos galing sa hari."
Napangisi ako. Dahil sa wala kaming magical abilities ay gagamitin na lang nila ang katawan namin bilang pangsangga.
"I don't want to join the Imperial Army." saad ko. "Mas mabuti pang dito na lang ako sa Alora. Baka may makita din akong interes na-"
Malakas na inilapag ni Dad ang baso sa mesa. "I have been waiting for you to help the family for five years now, Raia. Hindi na kita hahayaang gamitin ang business bilang rason dahil mas eksperto na si Theron kaysa sa'yo dito. And I don't want you to go out there without any accomplishments! Heavens! Ano na lang ang sasabihin sa'kin ng mga kakilala ko kapag nakita ka nila? Na ang bunsong babae ko ay palaboy-laboy lang at walang magawa? Your sisters are both graduates from SSA, kaya dapat ay sumunod ka din!"
"Hindi naman ako sila para sumunod! I don't even have Soulstones like them or Theron so why do I have to try? Ang daming naipapanganak kada araw tapos nauubusan pa ng magagamit ang royal family na 'yan?!"
"Raven..." mahinang pagpapatigil ni Mommy.
"It is your responsibility as the citizen of this kingdom and as a member of this family to serve your duties! And if you can't find one, then I will force you into one!" malakas na inihampas ni Dad ang kamay sa mesa. "You will not argue with me on this again, Raia Venetia! My decision is final. Aalis ka bukas papunta sa Ukiyo para umattend sa Selected program ng SSA! At mamaya ay sasamahan ka ni Flair dahil hindi pwedeng may dala kang itim o pulang gamit doon! That's the end of our conversation!"
Nagpalitan kami ni Daddy ng masamang tingin. Mommy stood up to place a hand on his shoulder, to calm him down. Mabibigat rin ang hininga kong nagpatuloy sa pagkain. I was damn pissed! But arguing further won't help me in this situation!
"And aside from going out with Flair, hindi ka na pwedeng lumabas sa bahay. Lalo na ang makipagpractice ulit sa'ting mga kawal."
I frowned. "What?! Then, how should I prepare for that physical program, huh?"
"You have prepared for six years. I believe that's enough time." biglang tumayo si Daddy, na sinundan din ni Mom. "Tapos na akong kumain. Bahala kayo kung anong oras kayong aalis ni Flair."
He walked out of the room without a final glance at me. Mommy trailed behind him, giving me an apologetic smile. Malakas akong bumuntong-hinga nang tuluyan na silang makaalis.
Theron, my younger brother of four years, continued eating na parang walang nangyaring away sa hapagkainan. Well, nasanay na rin siguro siya sa laging pag-iinitan namin ng ulo ni Dad. He doesn't like how masculine and rebellious I am sometimes. Lalo na na lagi akong nakikipag-usap sa mga lalaki. What am I supposed to do? I train with soldiers! Siyempre, lalaki kausap ko. Inaakala ata ng ama ko na matulala lang ako sa hangin parati!
Ellis got up and left the room nang hindi man lang nagsasalita. Sinundan siya ni Flair na nagpaalam sa'kin at sinabi kung anong oras kami aalis.
"Theron... Ikaw pumalit sa'kin." pangungumbinsi ko sa kapatid.
Binigyan niya lang ako ng blankong tingin bago bumalik sa pagkain. "I'll attend there after a year, ate, so there's no need."
"Tch."
"Daddy only wants us all to graduate from there. Malaki ang matutulong no'n sa pamilya natin."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang bata-bata mo pa, ayan na iniisip mo? Gusto niyo bang lamangan 'yang royal family sa pagpapaganda ng imahe?"
"No, Ate." natatawa niyang sagot. "We need to stabilize our image, in case Ate Flair's marriage falls apart. Besides, it won't be that bad, right? Makikipagbasag-ulo ka pa rin gaya ng dati. At marami ka pang matututunan. Saka..." he pouted. "I'm going there next year so you don't have to miss me so much!"
Hindi ko pinansin ang arte niya. "Tch. I'm going to be in a sea of Soulbearers and my only relief would be to punch some dummies. Probably."
Tumawa si Theron sa sinabi ko. I glowered at the piece of bread in my plate, wondering how this happened. Mas okay na siguro ang ipakasal ako ni Daddy, huwag lang ang makulong ako sa Ukiyo na 'yon.
I thought I was free of the responsibilities as one of the lowest ranks, but my family and standing will forcibly drag me up there. In a place that I really hate, because it's filled with people that makes me unwanted and unworthy.
I glanced at my heart, covered in darkness. I've never hated the color of my Soulstone as much as I do now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro