Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nine: Fight

"Again." utos ko kay Tamara pagkatapos niyang sipain ang kamay ko.

Bigla siyang napaupo kaya ibinaba ko ito. Hinahabol niya ang hininga habang nakatingin sa mga bituin. Mga tatlong oras na rin siguro kaming nagt-training dito. She did improve pero kulang pa rin ang lakas ng atake niya at medyo mabagal siyang magbasa ng atake at dumepensa.

"We'll have a demonstration tomorrow for Eskrima. Ipagpatuloy mo rin ang pagt-training do'n." I said, taking a drink. Sumasakit na rin ang kamay ko sa pagsangga sa mga atake niya.

Tamara let out a sigh, lying on the ground. Unti-unti niyang pinikit ang mata. "You mean mamaya, Raven. Malapit nang mag-umaga..."

I watched as sleep got a hold of her. Akala ko tatlong oras pa lang kami dito pero sobrang tagal na rin pala? Whenever I'm fighting, I don't really feel sleepiness that much. Gumagana lang 'yon kapag libro na ang kaharap ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako hanggang sa maramdaman ko ang mahihinang pagtapik sa pisngi. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at napapikit pang muli dahil sa sikat ng araw.

"You need to get up and change. It's already six."

I opened my eyes again when I heard Azriel's voice. Napaupo ako agad para hanapin siya, pero kasalukuyan niyang ginigising ang humihilik na si Tamara. Dito na pala kami nakatulog sa field dahil sa sobrang pagod.

I groaned, kicking Tamara's feet when she refused to get up. "Bilisan mo. Magbibihis pa tayo."

"Ano ba naman kasi 'yan, bakit kasi six pa ang training!" reklamo niya habang kinukusot ang mata. "Ang aga-aga e wala pa akong tulog!"

"Walang tulog e nauna ka nga sa'kin kagabi."

A pout formed in her lips before she went back to lie on the ground, now throwing a tantrum. Ang hirap talaga gisingin ng babaeng 'to. Nagiging bata.

"Hindi ba ako pwedeng mag-absent sa ngayon?!" sigaw niya.

"We have a demonstration for Eskrima at may Rank Assessment ka mamayang gabi." malumanay na tugon ni Azriel.

"Kaya nga, Az! Ayoko nang pumasok sa araw na 'to!"

"Okay. Maiwan ka diyan." banta ko at tumayo. "Halika na, AA. Hayaan mong matulog si Tamara."

"Hehe, ito naman si Raven, 'di mabiro. Eto na, eto na po!"

I rolled my eyes and started walking. Hinintay naman ni Azriel si Tamara bago sumabay sa paglalakad ko. Ramdam ko ang titig ng mga kaklase namin ng makapasok sa house, pero hindi ko sila pinansin. Some of them were still fixing their ties or combing their hairs. Akala mo naman hindi marurumihan o magugulo mamaya kapag sumabak na sa laban.

"Raven!" biglang nasa harap ko na ang ngumingiting si Griffin. "Natulog kayo sa labas? Kahit bagong-gising ay ang ganda-ganda mo!"

"Thanks." sagot ko at tumabi para makadaan.

Humabol siya sa'kin hanggang sa may hagdan. I tried to stomp down the urge to push him off. Patience, Raven. Maghintay ka muna ng isang linggo bago manggulo.

"It's the first time I saw you with your messy hair pero ang ganda pa ring tingnan. It's such a pity I won't get to see you in your signature heels though."

"May natutulog bang nakaheels?" blankong tugon ko.

"Maybe you'd be the first one to do that. You seem to wear it wherever you go, after all."

Sinulyapan ko si Giovanni na nagsabi no'n. He was leaning on the railings, back to the house lobby. Inaayos niya ang butones habang nakadrape sa balikat ang blazer niya. His necktie was loosely tied and he threw me a smirk.

"E'di kayo magsuot." pairap kong tugon bago pumasok sa kwarto.

The door opened and closed before Tamara set the lock in place. Pumasok na ako sa banyo dahil kailangan pa niyang ilabas ang mga gamit. Tamara is a bit messy when it comes to her things. Kung maayos at organisado ang mga gamit ko according to color and sizes, ang pajama at uniform niya at nasa iisang shelf lang minsan. Kaya usually nahihirapan pa siyang maghanap ng gamit sa umaga.

We wore our white uniforms that day, at muli kong ipinares ang white na heeled boots sa aking uniporme. For the second time that week, the clicking of my heels became the house's favorite tune.

Hindi kami sa field nagkita ni Zara. Ang demonstration ay magaganap sa training hall, kung saan din gaganapin ang Rank Assessment mamayang gabi. I can already feel the nerves radiating off Tamara as she looked around her battleground.

"Magandang umaga! Sana ay naging maayos ang pagtulog niyo at prepared kayo sa laban ngayon. I have a box here and I will call out the names of students who will fight. Gagamitin niyo ang wooden sticks para ipakita ang nalalaman sa Eskrima at pwede niyo ring gamitin ang techniques na alam niyo. We follow the same rules as the match before. Tap the ground two times to surrender or the opponent needs to be knocked out in order to win."

Naghiyawan ang mga kaklase ko. I can see the excitement in their faces. Parang kating-kati na ang mga kamay nila na manuntok ng tao. Mayroon namang mga weak-hearted na 'gaya ni Tamara na namumutla na.

"Alam mo, if the fight is too hard, you can always surrender." saad ko sa kaniya.

Her eyes widened. "P-Pero... 'di ba parang pangit kapag nagsurrender ka? Parang pinapakita mo na weak ka?"

"E kung feel mo na hindi mo nga matalo, siyempre weak ka talaga. Saka wala namang nakakahiya sa pagsurrender." I answered, stretching my hands with a smile. "Nakalimutan mo na bang nagsurrender rin ako?"

"And you were the only one to do so." Azriel noted. "I understand, Tamara. For fighters, going down until the end of a fight is an honor."

"Psh! Wala akong pakialam sa honor na 'yan, basta dapat my beauty remains at the end of every match."

Napatawa naman si Tamara sa sinabi ko. Azriel chuckled, his eyes brightening a little. Nakakatuwa naman at tinrato nilang joke ang katotohanan na sinabi ko.

I guess from the moment I was born, I've already lost in life. Kaya mabilis na lang sa'king tanggapin ang lahat ng pagkatalo at sumuko. My very existence as an empty soulbearer is already enough loss, at noong una akong nakipaglaban, hindi naman agad nauwi sa panalo 'yon. I had to kiss the dirt more times than possible. I had to suffer.

Isa ding advantage ko siguro sa mga warriors na 'to na pinapahalagahan ang honor nila ay hindi ako komplikado sa mga bagay. Kumbaga walang pakialam sa kung anong mangyayari o anong pananaw nila sa'kin. I don't like to over-complicate things and my viewpoint is simple — kung ayaw nila sa'kin, e'di ayaw ko din sa kanila. At ipapakita ko 'yon sa bawat galaw ko.

Nagsimulang magtawag si Zara ng maglalabang pares. Everytime a match ends with someone's face ruined, Tamara shivers. Kawawa naman kasi talaga ang hindi gaanong mabilis dumepensa dahil diretso sa mukha nila ang kahoy.

The thought made me shivered too. I can't fathom to see myself with a broken nose in the mirror.

"Raia Venetia Tempest and Giovanni Lernier!" tawag ni Zara. "Kayo ang susunod na maglalaban."

Kita mo nga naman. Pinasabak pa ako sa lalaking tumalo sa'kin sa tournament.

Kalmado akong naglakad pababa, na sa sobrang kalmado ay naiinip na si Zara sa kakahintay sa'kin. Tinake ko kasi ang time na magrampa at magmodelo, 'di gaya kay Giovanni na agad tumalon papunta sa ring. Sabik na sabik na atang makascore ulit ng suntok.

"Hindi mo ba kukunin 'yang boots mo dahil may takong?" tanong ni Zara nang pahintuin niya ako. "Mahihirapan ka niyan sa laban."

"Hindi, Ma'am Zara! 'Yan talaga ang signature ni Raven! Hahaha!"

"Oo nga, Ma'am! Huwag kang mag-alala, magaling sa heels 'yan!"

I smiled at the woman. "You heard them."

She let me get up, hesitated and a bit worried. Kalma ka lang, Ma'am, baka ito na ang oras para makapaghiganti ako kay Gio.

"A rematch because you surrendered last time. Sana naman dito ay makita na natin kung sino talaga ang panalo."

"If you want someone to lose consciousness, then please vote yourself in, dahil hinding-hindi ako papayag na magbeauty sleep dito 'no." pairap kong sagot. "Can I ask you a favor?"

Umangat ang isang kilay niya. "Ano naman 'yon?"

"Don't hit me in the face, okay? Or do anything to my face. Nakakabawas ganda."

"Parang hindi naman."

I rolled my eyes. Of course. He wouldn't know just how I treasure my face kasi kung para sa laban ay siguradong ipapasira niya ang mukha para lang manalo.

"If you hit my face, then I will surrender." banta ko.

Nakita kong natigilan siya. Like Azriel said earlier, honor is something that the warriors treasure and winning a match without your opponent surrendering is a good example. Kaya naman siguro medyo bitter rin ang isang 'to dahil hindi niya talaga ako natalo.

After all, I was still in good condition. So maybe if I didn't surrender, I could find a way out. Iyon siguro ang nasa utak nila.

"Fine." sang-ayon niya.

Hawak-hawak namin ang kahoy. I spinned it once in my hands. Twice when I smirked. And thrice when he came for an attack. Sinubukan niyang i-aim iyon sa lower right body ko pero agad akong humakbang pagilid at ginamit ang kahoy pangsangga. I held my empty hand at the space after his weapon and he withdrew.

Now he went for a high backhand strike which made me bend back a bit, holding my weapon for a wind block. Pagkatapos ay iniba ko ang posisyon ng mga kahoy namin at pu-puwersahin sana ito paalis ng kamay niya nang malakas niya akong itulak.

I grinned, staring at his eyes and delivering a silent message. Threatened?

Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang sumugod. I dealt a succession of mid-section blows that almost slowed him down. Mukhang hindi niya pa masabayan ang bilis ng bawat atake ko noong una, ngunit nakuha niya rin ang tempo at sa isang iglap ay wala na ang kahoy sa kamay ko.

There was a low thud behind me where the wooden stick must have landed.

"I didn't touch your face and won." nakangising saad niya.

What a monster.

Umayos ako ng tayo. "Tch. Mananalo din ako sa'yo."

Nauna akong bumaba. Tinawag na ni Zara ang susunod na maglalaban while I was a bit disappointed in myself. Napakabilis lang ng laban sa kaniya. Hindi ko man lang napansin na naghahanda na siya para itapon palayo ang kahoy ko. And I'm not even that slow at reading the lines of attack. Sadyang nakakagulat ang bilis ng nangyari kanina na hindi ko na namalayan.

"That's just Giovanni. He's excellent at weapons because he already mastered it. You were up against an expert, Raven, so there's no need to feel down." pagko-comfort ni Azriel nang makaupo ako sa tabi niya.

I sighed. "Kaya nga ang bilis lang ng atake niya kanina."

"You can match him in weapons soon kapag nagpatuloy ang training mo."

I only frowned as a response. I'm not that good at handling weapons since my parents don't want me to use swords or daggers. Pero nakakapagpractice naman ako sa whip na ginagamit nila sa kabayo. I disliked using such item when riding a horse, so I just use it for my own entertainment.

As expected of Azriel, he won his match without so much sweat. Isang minuto lang ang tinagal ng laban at nasa kaniya na ang weapon ng kalaban. Tamara failed against Griffin who smirked at me after. Pero medyo gentleman naman pala siya at tinulungan pa si Tamara pagkatapos. Natumba kasi siya sa sobrang lakas ng atake no'ng isa.

Kaya ngayon, habang nananghalian kami sa Awanggan ay nakakunot ang mukha niya. She was stabbing her rice with a pout in her face at hindi na kailangan ang House of Psyche para malaman ang mood niya. Nadagdagan din kasi ng pagkatalo niya ang dismaya na hindi kami nakapagpractice ng archery.

"Raven..." iniangat niya ang nagsusumamong mata sa'kin. Her lips trembled. "Ano na lang ang gagawin ko mamaya?"

I munched on a piece of roasted chicken before answering, "E'di lumaban."

"Nakita mo naman ang nangyari kanina, 'di ba? Sa Eskrima pa lang 'yon pero natalo na ako! Paano pa kaya sa Rank Assessment mamaya?" naiiyak niyang tugon.

"The earlier match was different. Hindi ka sanay gumamit ng weapons."

"Pero nagpractice ako! Dapat kaya kong manalo!"

"Well, baka mas sanay lang talaga sa weapon ang kalaban mo. Hindi naman 'yan sa practice lang, sa experience din."

"E paano na lang mamaya? Sa laban? Aaahh! Sinasabi ko na nga ba na hindi na lang ako papasok! Pupunta ako sa clinic at sasabihin kong may lagnat ako!"

Dismayado siya naming tiningnan ni Azriel. Kita mo 'tong babaeng 'to. Sa sobrang takot na matalo, magsisinungaling pa at ipapahamak ang sarili.

I sighed. "Alam mo, Tam. Kung tatakbo ka ngayon, dadating pa rin 'yon bukas. Kahit saan ka pumunta, hahabulin ka lang ng takot mo kaya bakit hindi mo na lang siya harapin ngayon? The result will still be the same."

"At least kung madaming time, may panahon pa akong magtrain!"

"Or you can face the current result and use it to strengthen yourself. Natatakot ka bang matalo?"

Iniwas niya ang tingin at mahinang tumango. "I am a descendant of the academy's protectors. I have already been defeated once. Nakakahiya na matalo ulit."

"Losing every battle and winning one is more satisfying that winning a thousand and losing the most important. Ano naman ngayon kung madadapa ka sa mga laban na 'to? Nagsisimula ka pa lang naman. Pero kapag ginamit mo lahat ng talo bilang lakas para maging mas magaling, then you can punch anyone who laughed at you for being weak."

"That's easy for you to say... You're you, Raven." she gestured at my whole body. "You're strong, I'm not."

A small smile graced my lips. "Before I was this strong, I fell a lot of times, you know? May isang linggo na puro pasa lang ang mukha ko dahil hindi ako marunong sumuntok. Saka natalo din naman ako ni Giovanni kanina ah. Pangalawang talo pa, for your information."

It was the truth. Nang sumubok akong magtraining kasama ang mga guards namin ay ilang sugat din ang natamo ko. The fifth night of coming home with a bruised lip and black eye, Mommy cried so hard she begged me to stop training. Pero nagpumilit ako't nagbanta pang maglayas hanggang sa nabalikan ko ang mga bastardong nambugbog sa'kin.

"Mm. My first battle was also a defeat. I suffered scars because our opponent had swords." sang-ayon naman ni Azriel. "We don't always win our battles, but at least we learn from our losses."

"Tama si AA. Saka sa archery mo, unang practice mo ba, natamaan mo agad 'yong target?"

"I mean... kasi sa ability ko, you know? Pero nahirapan pa rin naman akong kontrolin 'yon." sagot ni Tamara.

"See? You had a hard time with your favorite bow and arrows too, so it's fine if you have a hard time now. Pagkatapos ng Rank Assessment mo, e'di magt-training na lang ulit tayo."

Nagulat ako nang mas lalo siyang naluha. Hindi ba effective ang motivating messages na sinabi ko? Hindi naman ako sanay sa mga ganitong talks. Usually kasi kapag may tinuturuan ako ng lesson, suntok agad 'yon, hindi usap.

"Raven! Azriel! Ano na lang ang gagawin ko kung wala kayo?!" naiiyak niyang sigaw at nilamon lahat sa plato niya. "Sige! Gagawin ko at ilalabas lahat ng hinanakit sa match mamaya! Manalo man o matalo!"

"Huwag mo nang sabihin ang manalo, dahil hindi mo naman ata 'yon makakamit."

I glared at Matteo who said those words. Nagkibit-balikat lang siya at kalmadong kumain. Sa tabi niya ay tila nawala ang sigla ni Tamara at agad siyang sumimangot.

"Ikaw talaga, tol! Dapat hindi mo 'yan sinasabi sa kahit sino. Malay mo naman 'diba at matsamba siyang manalo?" kontra ni Griffin na nakaupo na pala hindi malayo sa'min.

We're about two spaces apart in the bench pero nagawa pa talagang sumagot. Hindi na lang umusog dito sa'min para naman hindi halatang left out siya.

"Sinasabi ko lang ang totoo..." ani Matteo na tinaasan pa ng kilay si Tamara.

May nararamdaman lang ako sa bawat kilos niya. Para kasing pa-cool lang siya palagi. 'Yong masungit na supladong type sa malaking katawan.

I smirked, remembering the previous match. "Well, at least her defeat is not as shameful as yours, Matteo. Nakasuntok ka nga, sa hangin naman at agad pang bumagsak."

Kumunot ang noo niya sa'kin at nakikita ko ang galit sa mata niya. Oh, twenty percent pa lang 'yan ng kayabangan ko, parang mamamatay ka na ata sa inis?

Malakas na napahalakhak si Griffin sa narinig at mukhang pinipigilan naman ni Tamara ang matawa. Matteo crossed his arms, his glare seething.

"Mababalikan din kita, Tempest."

"Okay."

Kahit sa simple kong sagot ay nairita siya.

"Tempest? Wait, right, she's a Tempest." nagulat ako sa biglaang pagsali ni Beatrix sa usapan. "Kaya naman pala ganiyan ang ugali mo. I remember you. Raia Venetia Tempest, the headache of your family, the black sheep. Kilala ka bilang disrespectful at sa walang filter mong bibig!" tinuro niya pa ako na nang-aakusa.

Stares lingered on me, observing or properly reading my face. May ibang nakikinig na napasinghap at mayro'n ding walang pakilam sa mundo. Tinaasan ko lang ng kilay ang babaeng hayok sa atensiyon.

"Okay, tapos?"

"Huwag mo 'kong matapos-tapos diyan." she loudly scoffed. "Ano ba ang ginagawa ng isang babaeng katulad mo dito sa house namin? Sinisira mo lang ang reputasyon ng house!"

"How so?" I asked, disinterest obvious in my tone.

"Siyempre, dahil makikilala kami bilang house ng babaeng walang-galang, maarte, at pasaway! Aakalain din nilang lahat ng nasa house na 'to ay 'gaya mo!"

"Sa tingin mo ba, sa current actions mo, hindi na pinapakita na pasaway ang mga students under our house?" I gestured at our loud table that was already receiving glances from other houses. "We're being observed, not for my amazing and distasteful reputation, but your loud and spiteful bearings. How ironic. Ang naturingang pasaway pa pala ang tahimik lang at hindi nagsisimula ng away?" I chuckled. "Baliw ka ba?"

"I just can't stand the fact na ikaw ang kasama ko sa isang house! My gosh, it's only a matter of time bago mo kami sirain 'gaya sa pamilya mo."

"Kasira-sira naman ang mukha mo, so why not?" my reply made lots of people gasp. Tumayo ako at binigyan siya ng huling ngisi. "By the way, you're sitting, not standing. Estupida."

Tinalikuran ko siya at naglakad palabas ng Awanggan. Ang maligaya kong halakhak ang naging sagot sa pagrereklamo niya sa'kin.

When I arrived at the classroom, a little later than intended dahil nagbraid pa ako ng buhok sa restroom, may mga mata nang nakatuon sa'kin. I had the same classmates as before, pero ngayon kaklase ko na rin pala si Giovanni na kasalukuyang tulog sa kaniyang upuan. I stopped in my usual seat, the one beside Tamara and behind Eva.

"Woi." tawag sa'kin ng babaeng nakaupo sa unahan. "Kalat sa buong campus ang ginawa mo kanina."

I hummed. "Buti hindi mo nilinis?"

Kalat daw kasi.

"Ang weird mo pa rin magjoke hanggang ngayon. But seriously, everyone knows that you're a Tempest now. That Tempest."

I smiled at her, gums showing. "E'di may friend ka ng sikat!"

Inirapan lang ako ni Eva at umayos ng upo nang dumating ang Mathematics teacher namin. He's an old guy, probably in his late forties, kaya nga siguro impatient ito at laging galit. Napakastrikto pa at akala mo ay dapat alam namin lahat ng mathematical equation and formulas. Hindi pa nakakasampung minuto ang pag-upo ko sa klase niya pero naligaw na ang mata ko sa labas.

Heavens. I really hate math.

I found myself in the middle of a staircase. Sobrang dilim ng paligid kaya wala akong makita pero tiyak akong nakahawak ang aking kamay sa railings. I couldn't see anything, yes. But I could feel the steps around me that would help me navigate my way down.

Wait... bakit ako naglalakad pababa? Hindi ba dapat pataas 'to?

Like my feet had its own mind, it continued walking down the stairs. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na sobrang sakit na ng mga paa ko. Heavens! Ilang oras na ba akong naglalakad at parang hindi pa ako nakakaabot sa baba? Infinite ba ang steps nito? At bakit nga ulit ako nandito e 'di ba nakikinig ako sa Math class ngayon—

"Ay, gago!"

Malakas akong napamura nang ihampas ang malaking libro sa mesa ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo at kinusot ang mata. I stared at the bald man who was glaring at me, like I have just insulted his very being and soul.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

May narinig akong mahinang pagtawa kaya inikot ko ang tingin sa paligid. I was inside some classroom— Oh, I remember now. Nasa Mathematics class pala ako ni Prof. Dong o Dong for short.

"Bakit? Bakit?! Are you seriously asking me why I'm waking you up in the middle of my class, Miss Tempest?!" hiyaw niya sa'kin. "Ako dapat ang magtanong sa'yo niyan! Bakit ka natutulog sa gitna ng klase ko!"

"Inantok ako."

He scoffed, crossing his arms. "At bakit ka naman inantok, aber?!"

"Nakakaantok e."

"Sinasabi mo bang nakakaantok ang klase ko, Miss Tempest?!"

Galit na galit na siya. Naiimagine ko na ang usok na lumalabas sa ulo niya like some volcano on the edge of erupting.

"Answer that!" bigla niyang utos at itinuro ang napakakomplikado na problem sa board. "Answer that and I would let this go!"

"'Pag 'di nasagot?"

"Labas!"

"Okay."

I started fixing my things, to their horror and surprise. Tinapunan ko ng tingin ang nalukot na mukha ni Dong nang makita ako sa pintuan niya, handa nang lumabas.

"Labas na 'ko." tinanguan ko siya. "I don't know math."

Umupo ako sa may hallway dahil dito rin naman ang susunod na class ko which is Soul Arts. Mula dito sa kinauupuan ko ay naririnig ko pa ang pagrereklamo ni Dong sa kawalang-galang ko at pagkayabang na matulog sa klase niya.

I pursed my lips, leaning on a pillar. I should probably review math lessons so I could at least answer his questions. Totoo naman kasi ang sinabi ko na hindi ko alam ang sagot sa board, kaya nga lumabas na lang din ako.

And... I don't know how to use 'po' and 'opo' if that was his problem. Hindi naman talaga ako nasanay doon. No one could teach me since Daddy was busy with Ate Ellis and Mommy was occupied teaching Flair about marriage and stuff.

I doubt the horses at our stable would teach me manners.

Nagulat ako nang umupo si Helios sa may tabi ko. Hindi kami magkatabi since there's a safe distance between us two, but his presence in here is very alarming. Especially the heat that's radiating from his body. Buti na lang at medyo malayo kami sa isa't isa dahil baka nasunog na ako. Pinalabas din siya?

Curious, I asked, "Hindi mo rin alam ang answer?"

He turned to me, eyes a bit wide. Siguro nagulat dahil pinansin ko siya.

"Prof gave a quiz. Natapos ko na."

Tumango ako. Nagbigay pala siya ng quiz. Napakatalino naman ng isang 'to kung siya ang unang nakatapos. Manghingi kaya ako sa kaniya ng talino pagdating sa math.

"Here."

I was a bit stunned when he handed me a notebook. Ano 'to? Nabasa ba niya ang isip ko?

"Math notes." he added, as if I was really dumb. "Maybe it can help you."

I hummed, opening the pages. Maayos ang sulat-kamay pero may pagkakataon na naggugulo ito. Naiintindihan pa rin naman kahit paano.

"Thanks." I replied, shoving the notes in my bag.

Dumaan ulit ang ilang minuto ng katahimikan at ako naman ang nagsalita.

"Can you control your powers?" tumango siya. "Napakainit. Pakibabaan."

"Init?" he asked with a frown. "But I'm not-"

Naputol ang sasabihin niya nang magsilabasan ang mga kaklase namin. At dahil nilusob na ako ni Eva at Tamara, hindi ko na napakinggan ang sagot niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro