Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Five: Surrender

"Raven Tempest wins her fifth match everyone! At nanalo siya sa isang estudyante na gamit ang ability!"

Naghiyawan ang mga manonood. Lumabas mula sa waiting area ang isang lalaki na mas malaki pa kay Matteo. He was also taller than me at dahil wala akong heels, hanggang dibdib niya na lang ako. Parang gumagalaw ang lupa sa bawat paghakbang niya. Tinapunan niya ako ng malaking ngisi nang makatungtong siya sa entablado.

"Hindi namin inaakala na malalamangan kami ng isang maarteng babae na tulad mo. Never judge a book by its cover nga talaga, ika nila."

I frowned at the way he said those words. "Are you in your 30s na?"

Malakas siyang humalakhak. Even his voice is too strong and deep, na para bang higante ang kaharap ko.

"Huwag kang mag-alala. Mga dalawa o tatlong taon lang siguro ang pagitan namin." sabay kindat niya.

Umirap ako. Nagtanong lang naman ako dahil sa way ng pananalita niya. Parang si Paham siya, mas malaki nga lang.

"Starting the next match, we have Raven Tempest on the left facing Dayang Marillamano on the right with nine years of training! Let the match begin!"

What the heck? Nine years of training against me na six years lang? I should just read his attacks first and think if I should surrender. Ayokong maknock-out 'gaya nila 'no.

"Konti lang ang nakakapag-patumba kay Azriel kaya hanga ako sa'yo. Mukha ngang magaling ka."

Tumaas ang kilay ko. "You know him?"

Kahit siya ay nagulat din sa sinabi ko. Kumunot ang noo niya at binigyan ako ng nanunuring tingin. "Ibig mong sabihin ay hindi mo siya kilala?"

"I wouldn't ask if I knew."

Muli siyang tumawa ng malakas. "Hanga na talaga ako sa'yo! Hindi ka lang maganda at magaling, ngunit kakaiba rin. Ako'y tuluyan mo nang nabighani."

"Oh, okay."

Ngumisi siya sa naging sagot ko. He continued standing there kahit na ilang minuto na ang nakalipas kaya natiyak ko na hinihintay niya akong inatake. I bet he's confident that whatever move I come up with, he can just squash me like a small mosquito.

Hindi ko siya binigo. Kaagad akong tumakbo papunta sa kaniya, at gaya nga ng inaasahan ay nakita ko ang paparating niyang atake. Mabilis akong umiwas at nagslide papunta sa likod niya, making him spin around. Muli niya akong inambahan ng suntok na tinalunan ko't muling umikot sa likod niya. I kept it up for a few minutes, aiming and dodging and running, hanggang sa siya na mismo ang huminto.

"Pinaglalaruan mo ba ako?" nahimigan ko ang inis sa boses niya.

"Do you feel like a toy-"

Hindi ko inasahan ang straight punch mula sa kanan kaya naitalsik ako nito pagilid sa lakas. Naramdaman ko ang presensiya niya at ang paparating na atake, because the guy's damn bloodlust is too strong, kaya ininda ko ang sakit at gumulong palayo sa mga atake niya. Nabiyak ang sahig na pinagsusuntok niya pero parang wala lang sa kaniya 'yon.

Kung ordinaryo lang ang weight niya o hindi siya masyadong malaki, kaya ko na sanang hawakan ang kamay niya sabay balibag. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kayang buhatin. Not when the fatigue is also eating me.

Hindi pa pala ako nakakain! Huhu.

I made a double backflip to create a distance between us. Nagreklamo na ang tiyan ko pero swerte at si Andreas lang ang nakarinig, na binigyan ako ng nagtatanong na tingin.

Dayang, lol what a funny name, looked furious when I got out of his trap. Ang kaninang nakangisi niyang mukha ay napalitan ng kunot-noong tingin. Now, he's going to initiate his attacks. At kailangan kong madaliin 'to dahil hindi na talaga kaya ng tiyan ko ang laban. Gusto ko nang lumamon!

Tumakbo siya papunta sa'kin. Nakakatakot ng itsura at katawan niya na paparating pero isinantabi ko ito at nagslide ulit sa ilalim niya. I smirked. Nakakadagdag kaba nga kung malaki ang kalaban pero hindi dahil maliit ka na ay wala ka ng laban. Strategy at bilis lang 'yan.

Tumigil siya nang makitang wala na ako do'n. Patalon-talon naman ako sa likod niya habang naghahanap ng tamang tiyempo. At no'ng dahan-dahan siyang lumingon para masiguro kung nasa likod niya ba ako ay mabilis akong tumakbo at binigyan siya ng napakalakas na flying kick sa mukha.

Napaatras siya pero nahawakan pa rin ang paa ko. Sa takot na baka ihampas niya ako sa sahig ay bigla akong sumakay sa likod niya. I guess he learned from my previous attacks because he covered his throat. Napangisi naman ako at nilagyan ng pressure ang magkabilang temples niya, then I made a light tap on it before punching. Tumalon ako mula sa pagkakasakay sa kaniya nang matumba siya sa sahig.

"What the fuck..." narinig ko pa ang mahinang pagbulong ng announcer na nakalimutan atang may mic siya. Nagtawanan ang mga nakarinig at napatikhim siya. "Uhm, Raven Tempest wins this match again! Ito na ang pang-anim na panalo niya!"

I frowned at my dress, ignoring the man who walked out of the waiting area next. Medyo madumi na siya tingnan. Paano ba naman, kanina pa ako napapahiga at naggulong-gulong diyan sa sahig. Tsk, I can't let this stay any longer. Gusto ko nang maligo, pero siyempre pagkatapos kong kumain.

Isang nakakakilabot na presensiya ang nagpa-angat ng aking tingin. I froze when I locked eyes with a beast.

He's not technically a beast, but he exudes a presence of one. Napakatalas ng kaniyang mata. Hindi siya kasinglaki ni Dayang ngunit mataas rin siya at makisig. Abot hanggang sa may batok ang brown hair niya. Malakas ang dating niya na may mga nagtitiliang babae sa mga nanonood.

"Raven Tempest on the left facing Giovanni Lernier on the right with nine years and five months of training time. Begin the match!"

Nasa ere pa rin ang boses ng announcer nang lumipad ako papunta sa dulo ng ring, dulot ng malakas na sipa niya. I grunted, rubbing my chest that received his front kick. Wala man lang warning ang lalaking 'to.

I guess we're the same at that aspect. We both want to finish the matches quickly.

I can feel and read my techniques in his. Gamit na gamit niya ito na akala ko nga ay sarili ko ang kalaban. He blocked all of my attacks using my previous strikes, then inserting his own moves into it. Nakakainis siyang kalaban. I don't know if it's his ability to copy other people's moves o sadyang magaling lang siya.

He went for an uppercut so I stepped back and gave him a roundhouse kick. Nahawakan niya ang paa ko, twisting my whole body, ngunit itinukod ko ang kamay at itinaas ang malayang paa para sumipa muli. My eyes widened when he got hold of both my feets. Dalawang kamay na ang itinukod ko sa sahig para makick upwards and upper body ko para mabigyan siya ng malakas na headbutt.

Both of us groaned and he staggered, his hold on me loosening a bit. Ginamit kong pagkakataon 'yon para bumaba ngunit bigla niya naman akong nahila papalapit sa kaniya. I avoided looking at his eyes because of the intensity it brought, and instead watched how his body moved to prepare in advance for any strikes. He aimed a left hook at me na yinukuan ko at binigyan ng dalawang jab ang tiyan niya. Nang mapaatras siya ay dinagdag ko ang side-kick.

Laking gulat ko na lang nang makita ko na ang araw. He flipped the both of us with him on top of me. He locked my wrists with his and prevented my movements with his knees that slightly spread them apart. Nang gumalaw ako ay mas humigpit ang kapit niya sa kamay ko. Bumaba ang kaniyang elbow papunta sa may leeg ko at kinabahan ako sa arm chokehold niya.

"Ow, ow, ow." reklamo ko nang halos sirain niya na ang buto ko sa kamay.

Agad naman niyang niluwagan ang hawak.

Sa gano'ng puwesto at oras naman naisipan ng tiyan ko na tumunog.

Nagkatinginan kami ni Giovanni. His brows was raised, as if he can't believe that I'm asking for food in the middle of the match. Pasimple kong inikot ang mata at medyo pinalabas ang kamay para magtap. Magsusurrender na lang ako dahil hindi ko na talaga kaya ang makipaglaban. Kapag sinubukan ko pang umalis sa hawak niya, sigurado akong aalis ako dito na sabog ang mukha.

Heavens! I would never let something like that happen on my face! Noon siguro, oo pwede, dahil wala naman akong choice. But since I can surrender here, kailangan kong ipreserve ang beauty ko.

Hinayaan niya ako. In fact, mas lumuwag pa nga ang kapit niya sa kamay na pinalabas ko para magtap. Kakatapos ko pa lang ng pangalawang tap ko nang marinig ang malalim at madilim na boses.

"Stop."

Almost everyone did. Kahit si Giovanni sa harap ko ay pumigil ng kaniyang hininga. The order sounded hard and absolute. Hindi iyon ang boses ng announcer. Iba ang nagsalita.

"T-This match ends with Giovanni Lernier as the winner after Raven's surrender! She's the first female Selected to win six matches!" this time, the previous announcer's voice filled the air.

Binitawan na nga ako ni Giovanni at tinulungan akong tumayo. I gave my hands a light stretch before nodding at him and walking to Andreas. Hawak-hawak niya ang stilettos ko at ibinigay 'yon nang tuluyan akong makalapit.

"Thanks." saad ko habang sinusuot iyon.

He frowned. "Are you still going to wear that? Hindi ba masakit ang paa mo?"

Umiling ako at maarte siyang tiningnan. "You want me to walk barefooted?"

He sighed, "If you want to get yourself treated, the nurse station is at the right side. Kung manonood ka na lang, you can sit there." sabay turo niya sa pang-ilalim na bleachers kung saan konti lang ang nakaupo.

I noticed Azriel there with his eyes fixed on stage.

I bid my farewell to Andreas and headed to the nurse station first. Nakita ko ang mga previous opponents doon na nakahiga. Nandoon rin si Tamara na payapang natutulog. Griffin and Dayang are still sleeping habang si Matteo naman ay nakaupo at napatingin sa'kin nang makapasok. His eyes followed me as I approached the head nurse, asking for some bandage wraps and treatment oils.

Ginamot nila ang ibang sugat ko. Hindi naman ito marami at maliit lang. Konting galos dahil sa mga sapak na natanggap at sa paggulong-gulong sa sahig. Sunod akong dumiretso sa banyo para hugasan ang paa at mga dumi sa katawan. I observed my dress. Thankfully, hindi naman masyadong madumi at maayos pa ring tiningnan. Inayos ko na lang ang bahagyang nalukot na parte at sinuklay ang buhok.

I sat on the bed next to Matteo as I busied myself with bandage wraps. Dapat kasi bago pa lang magsimula ang laban nila binigay na nila 'to para 'di masakit sa kamay.

Bumaling ako kay Matteo nang hindi pa rin nawawala ang titig niya. I raised a brow, "What?"

"Sa susunod na laban natin, I can return your punches and kicks."

Ah, baka nabitter ang isang 'to dahil one hit KO siya. I chuckled inwardly, male and their egos.

Napangisi ako at tumalon mula sa kamang kinauupuan. "Sure! I look forward to that." at nauna akong lumabas.

My heels clicked on the marble floor as I made my way outside. I hummed a song to myself, closing my eyes at the part I liked the most.

Natigilan ako nang maramdaman ang kakaibang klase ng init na dumaan sa tabi. The heat didn't burn, in fact it tickled my bared skin. I looked back, just in time for a man to enter the nurse's station. Hindi ko nakita ang mukha niya pero sa kaniya siguro galing 'yong init, dahil wala namang ibang tao dito maliban sa'ming dalawa. Napailing na lang ako at isinantabi ang inisip.

I smiled when I saw Azriel at the same seat. Dali-dali kong kinuha ang katabi niyang upuan, na siyang kumuha ng atensiyon niya mula sa ring. His eyes briefly widened when they landed on me.

"Hey there, AA." nakangiti kong bati.

Azriel frowned, pointing a finger at himself. Tinatanong niya kung siya ba ang tinawag ko.

I nodded enthusiastically. "AA short for Azriel Alderidge."

"Ah." tumango-tango siya. "Raven."

"So? What's the reason?"

He looked confused at first pero mukhang natandaan niya rin ang deal na nangyari sa'min.

"Would you tell me why you surrendered too?"

"Ehh." I shrugged. "Not a big deal. Nagutom ako at ayoko nang marumihan pa so I surrendered. I also didn't think I can win against that beast." sinulyapan ko ang ring kung saan natalo ni Giovanni ang pangatlong kalaban niya. "Or maybe I could if I didn't go against you or Dayang."

"Gio is strong. If it wasn't for his age, the regent of defense would admit him into the Imperial Army."

"Oh? Ilang taon na ba siya?"

"20. The required age is 23."

Ah. Dalawang taon lang pala ang agwat namin.

"Ikaw? How old are you? And you haven't answered my question yet."

Bahagya siyang umatras nang ilapit ko ang mukha sa kaniya. Dahil naawa naman ako, binigyan ko na lang ng malaking space ang pagitan naming dalawa para makahinga siya.

"I'm 19 years old. And..." inayos niya ang facemask. "I don't like showing my face-"

"Why? Gwapo ka naman."

Nanlaki ang mata niya sa sudden compliment ko. Although I was just actually stating the truth.

"May malaking scar mula sa chin ko papunta sa may lower cheek." iniwas niya ang tingin.

"A battle scar!" I exclaimed, eyes widening. "Hindi ba't isa 'yan sa mga trophy niyo?"

Men whose part or wants to be part of the Kugon likes to show off their scars. Kahit nga ang mga lalaking hindi pa natuli ay parang tangang nagmamayabang sa mga gano'n. It's strange to see Azriel act like that. Kaya naman pala no'ng kunin niya ang facemask kanina ay bahagya na siyang nakayuko. He was hiding his scar from me.

"It's not a battle scar. The reason isn't something to be proud of." sagot niya matapos ang ilang segundo.

I hummed. Hindi ko na siya pinilit pang ipaliwanag ang rason do'n. He seems uncomfortable with the subject so for the second time, I let it go.

"Hi! Hi, Raven! Ang galing-galing mo kanina!"

Tumingala ako nang marinig ang pangalan mula sa upper bleachers. A boy, whose probably the same age with me, was waving his hand enthusiastically. Nakasuot siya ng classic academy uniform nila; white long-sleeves with their house-colored neckties and pants. Sa lalaking ito, kulay green ang uniporme niya.

"Pwede mo ba akong turuan ng mga techniques mo?" dagdag pa niya.

I smiled. "I don't think so but thanks."

At hindi ko na sila pinansin sa itaas. Call me snobbish, but I wasn't really in the mood to respond to their compliments and attempts at conversation. Not when I'm hungry and tired, and never when they're soulbearers. Pinapansin ko lang naman si Azriel kahit may ability siya dahil kakaiba ito sa lahat.

Dark magic has long been banned in our continent and from the shadows that he can easily manipulate, I can conclude that he has a black soulstone. It's a big step to fight in that ring using such forbidden magic. Pero mukhang wala namang may balak na magalit sa kaniya dahil dito.

"Raven!"

Hindi pa ako nakakalingon para tingnan kung sino ang sumigaw nang umupo si Tamara sa tabi ko. She looks okay already. Her ash blonde hair was tied in a bun, with an elegant pin tucked in it.

"Are you alright?" tanong niya na nagpatawa sa'kin.

"I should be asking you that. Between us, you were the one who fainted."

Napakamot siya sa ulo, nahihiya. "Hehe, oo nga pala. Okay na ako! Okay na okay! Nadaanan ko pa si Matteo kanina pero mukhang malalim 'yong iniisip niya. I heard that you defeated him in one strike? Ang galing mo!"

"It was the stilettos. Masakit ang dulo kapag malakas na naisipa sa'yo. Especially sa ulo." I smirked.

"Mabuti na lang pala at hindi na siya nagheels no'ng naglaban kayo 'no, uh... A-Azri-" she frowned, trying to remember his name. "Azrial?"

Sinulyapan ko ang tinanong na nagulat dahil ipinasok siya sa usapan. Hindi ko sinagot o itinama ang pagtawag ni Tamara kaya ilang minuto na ang nakalipas at walang nagawa si Azriel kung hindi ang sumagot, since Tamara was also getting nervous each passing second.

"Azriel." he corrected, but didn't entertain her question.

Ako na lang ang sumagot. "Kaya siguro naudlot din ang lucky streak ko." I joked. "But I'm glad I took them off. I would have suffered a sprain if I didn't."

"Oo nga. Nakakatakot kaya makita kang naglalaban do'n with those heels! Parang ilang galaw mo lang ay mababali na ang takong."

I chuckled. "I wasn't too worried about that. I'm confident they wouldn't break that easily, right, AA?"

Nagulat naman siya ulit sa pagtawag ko pero tumango naman siya. Tamara poked me and her eyes were filled with curiosity.

"AA?" binulong niya ang tanong na 'yon na parang ayaw iparinig kay Azriel.

"My nickname for him."

Magaan ang loob ko kay Tamara. I don't know if she has a functioning soulstone or not, but I liked her. Mabait siya at masiyahing kausap. She also knows when and where to set boundaries in conversation. Not to mention that she's simply gorgeous with her pale skin and cerulean blue eyes.

Azriel is as quiet as he looks. He's intimidating kaya minsan ay kinakabahan si Tamara sa kaniya, but we insert him in our conversations whenever we can. Hindi naman siya sumasagot ng mahaba at isang salita lang o 'di kaya'y tango at iling ang binibigay.

After his eleventh win-streak, Giovanni was defeated by Dustine, the girl whose name I've heard outside. She looked authoritative in her cargo pants and white shirt. Maiksi ang buhok niya kaya hindi ito sagabal sa laban at mabibilis ang bawat atake niya. Her skill isn't to be taken lightly, lalo na't nagsimula siyang magtraining noong five years old pa lamang.

She was undefeated until the very last match, kung saan tila'y magkaparehas lang sila ng skill ng kalaban. It was a guy named Damon. Kung mabilis si Dustine ay sobrang lakas naman niya. Nagpasalamat nga ako at hindi ako ang nakalaban niya dahil nakakakilabot lahat ng suntok at sipa na kaniyang binibitawan.

"They've been fighting since they were kids but it's still a sight to see."

Napabaling ako sa nagsalita. Giovanni was sitting behind us, watching the fight intently. Nang makitang nakatingin ako ay nalipat sa'kin ang titig niya.

"You know them?" I asked.

"Wait, wait-" hinila ni Tamara ang kamay ko. "Hindi mo sila kilala?"

I blinked as an answer. Magtatanong ba ako kung kilala ko naman pala? I just heard their names being announced, but further than that, wala akong alam.

"Dustine is the daughter of the regent of defense at si Damon naman ang pinakamalakas na soulbearer. I mean, physically, he literally is. Dahil iyon ang power niya. Superstrength." paliwanag ni Tamara.

"Isn't that cheating?"

"Well, hindi naman... I mean, it's his core being. Pero, wow, hindi ko inakala na hindi mo sila kilala! Taga-saan ka ba, Raven?"

"Alora."

"And you don't know them?! The palace and the Imperial Army's ground is located there!"

I shrugged. Bakit ba parang napaka-big deal naman nito. I glanced at the two boys but they seemed surprised at my lack of knowledge too. 

"Hindi ako lumalabas ng bahay at wala din akong pakialam sa mga balita."

"But you want to join the Kugon?" nakataas ang kilay na tanong ni Giovanni sa'kin.

"Forced is the appropriate word." simpleng sagot ko at humalumbaba.

Psh. I would have the finest bath if I wasn't here already. Siguradong busog na rin ako dahil sa niluluto nila Manang and I can spend the rest of my day either training or playing with Theron in our field. Kung tinatamad ako ay siguradong nasa may lawa na ako at nagpapahinga, nakikinig sa mga huni ng hayop at natutulog. If I wanted to stay indoors, baka sinimulan ko nang tahiin ang panibagong damit. But nooo, Daddy had to drag me here and push me into a ring with war-hungry people.

Dustine and Damon's battle was a cry for destruction. Ako na ang naawa sa gagawing renovation dahil tila mabibiyak na ang ring 'pag nagpatuloy na sila. Sadly, wala akong makakain kaya hindi ko enjoy na enjoy na ang palabas.

It took a whole thirty minutes before their battle ended and Damon was victorious. Dahil siya ang pinakahuling Selected, Andreas wrapped up the match. Nagsitayuan ang mga estudyante na nasa upper bleachers at gano'n rin kaming nanonood sa lower part.

"Pupunta na daw tayo sa house natin, Raven! I'm excited!" masayang tugon ni Tamara habang patalon-talon pa sa paglalakad.

I hummed. "I'm hungry."

Sumenyas si Andreas kaya sumunod kami sa kaniya. We moved away from the crowd who went inside the right side of the palace, papunta sa Awanggan. Kami naman ay pumasok sa left side ng palasyo at dumaan sa isang bridge na nasa loob. I tried to take a peek over the bridge at nakitang sobrang taas pala namin. Mayroong ilog na naghahati sa dalawang bukid kung saan nakatungtong ang palasyo at ang bridge na may open archedways ang nagtutulay sa panibagong bahagi ng palasyo. Hindi ko ito napuntahan kanina dahil nanatili lang ako sa Sentro.

"This is the dormitory." Andreas explained over the fifty students following him. Isang malaking hallway na may naggi-gintuang chandeliers ang dinaanan namin. Mayroon ding naglalakihang pintuan na may iba't ibang simbolo sa bawat gilid. Malaki ang pagitan ng pitong pintuan. "The symbols in the doors represent your houses. The golden sun if for the House of Golden Sun. The full moon over the ocean is the House of Ocean Moon. The sakura flower is the House of Spring Brook. The wind symbol is for the House of Wind. The head of beast is for the House of Beast. The purple eye is the House of Psyche, and lastly," tumigil siya sa pintuang may nakacross na espada at arrow. "Your house, the House of Blades."

Binuksan niya ang pinto at bumungad sa'min ang napakalaking sala. May iilang mahahabang sofa na nasa center na pinapalibutan ang isang glass table. There are also a couple of sofas in the side, shelves filled with books, and paintings hang from the wall. Dalawang chandeliers na may nakakasilaw na diamond ang nasa ceiling. Mayroon ding hagdan na papunta sa second floor kung saan marami pa ang pintuan.

"Since there are twelve girls and thirty-eight boys, you will room in pairs. Pwedeng kayo na ang pumili ng gusto niyong kasama sa kwarto. There's really no rule but you have to follow the 10 PM cufew." tinuro ni Andreas ang mga maleta sa kaniyang likod. "Your things are there. Mag-ayos lang muna kayo at mamayang-" he checked his watch. "-alas dos ay aalis na tayo papunta sa Awanggan. That's the dining hall."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay lumabas na siya. I met Tamara's sheepish gaze and she smiled, "Roommates na lang tayo?"

Tumango ako. I was going to ask her too kung hindi niya lang ako naunahan. Ayoko namang makishare ng hangin sa taong hindi magaan ang loob ko. And I haven't talked to any girls in here aside from Tamara.

Bitbit namin ang maleta paakyat. We barged into three occupied rooms before finally finding a vacant one while chuckling under our breaths. Ini-lock ko naman iyon para malamang may nakapili na ng kwarto.

The room was larger than my own back at our mansion. May dalawang malalaking kama na nasa magkabilang dulo ng kwarto. Ang study desks namin ay nakapuwesto sa kanang bahagi ng kama, kung kaharap mo ito, at magkatabi ang desks namin ni Tamara. Sa left side naman ng bed na malapit sa pader ay ang cabinet namin. May sarili kaming vanity table sa tabi nito. There's also a smaller sidetable sa kaliwang gilid ng kama. Then there's a long ottoman couch at the foot of the bed.

Beside the large door is a bookshelf at sa tabi nito ay ang bathroom door namin. Malaki rin ang banyo na may glass shower, bathtub, sink at saradong toilet.

"Raven, look! Ito ata ang uniform natin!"

Tiningnan ko ang sinabi ni Tamara. May mga box sa kama namin at iyon ang binubuksan niya ngayon. I followed suit, neatly cutting the tape with a small knife. Lumantad sa harap ko ang iba't ibang klase ng damit, sapatos, at mayroon ring school supplies ata.

"Puti?" nakangiwi kong tanong habang itinataas ang uniporme. "They want us to fight in white? At bakit ang dami naman?"

"Oo nga. There's at least four different types of uniform ata dito." kunot noong sang-ayon niya.

I shared the same feelings with her. Ang unang klase ng uniporme ay pangtraining. A fitted white top na may kasamang sports bra. You can adjust the length of the top, depende sa kung saan ka mas komportable. Pwede rin itong masuotan ng puting leather jacket na maaring iclip sa top para hindi mahubad kahit na anong galaw mo. Hanggang bewang lang ang haba nito. Sunod ay ang puting leather pants na may brown holster at kneepads na pwedeng ikabit. Kasama nito ay isang puti na namang boots na abot hanggang tuhod at pwede malagyan ng weapons ang kada sulok nito.

Ang ikalawa naman ay talagang maayos sa pakikipaglaban ng marumihan. Brown cargo pants and shirt paired with military boots. Ang ikatlo ay ang typical na PE uniform. May puting cotton shirt. We can choose whether to wear the pants or shorts that are also white. At maliban sa puting sapatos, ay mayroon ring brown na waistbelt.

The last type of uniform is the normal kind. A brown blazer with the academy's crest on the upper right, that stops just in our waist. Underneath it is a white long-sleeves shirt paired with a brown necktie. Then mayroon ring plaid pattern brown skirt na kasingkulay ang thigh-high socks. The shoes that we can use can either be ankle-high or the ordinary ones.

Tigtatatlo sa apat na klaseng uniform ang ibinigay sa'min. Mayroon ding nakalagay na notebooks, lapis, pens, and planner sa loob. Sunod ay ang school bag na pwede naming paglagyan nito.

Ang sunod kong nakita ay isang papel. Nakalagay doon ang schedule ko sa taong ito. I have the whole morning for my physical activities at ang hapon ay para sa practical subjects. I have a total of eight subjects. I frowned at the names; Language Studies, History, Mathematics, Biology, Soul Arts, Strategical Assessment, Physical Education, at Leadership and Management.

"We're beating our body in the morning and killing our minds in the afternoon? What the heck?" reklamo ko.

Tinawanan lang ako ni Tamara na binuksan ang pinto sa narinig na katok. I know she had the same thoughts as mine dahil nakita ko ang pagngiwi niya nang mabasa ang papel.

"Hi!" bati ng babaeng sumilip sa pintuan. "It's already 2 o'clock. Pupunta na daw tayo sa Awanggan."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro