Chapter Eight: Classes
Woww!! Thank you so much for 1k reads! ❤
-
Kakatapos lang namin kumain sa Awanggan kaya nasa hallway kami ngayon. Azriel has already disappeared to his first class kasi magkakaiba pala kami ng schedule. We changed into our basic school uniform, iyong may skirt. Fortunately, pareho ang subjects namin ni Tamara.
"Sanay ka na ba sa archery?" tanong ko.
I remembered our training earlier. Nagpademonstrate si Ma'am Zara sa limang estudyante na pinili niya. Isa si Tamara doon at namangha talaga kami nang matamaan niya lahat ng pulang marka. The way she pulled the bow and released the arrow was so smooth.
Tumango siya. "Kasi 'di ba doon kami sa gubat sa may Ukiyo nakatira, and idol ko talaga si Nanay na isa sa pinakamalakas na archers dito. Sa sobrang galing nga niya, pinapasali siya sa Kugon pero ayaw niyang umalis dito."
I hummed in understanding. I guess her whole family are Academy's loyalist. Hindi ko alam kung anong nagawa ng eskwelahan sa kanila para pagkatiwalaan nila ng ganito.
"And I guess my soulstone is also the main reason..." mahinang dagdag niya na kinuha ang atensiyon ko.
"Soulstone?"
"Mm. I can pinpoint my target's weaknesses. Parang natural na scope na itong mata ko. Once activated in a fight, I know the vital points to hit." Tamara smiled. "You see, most people has their soul magic bounded to an item. Ibang kaso naman sa'kin dahil mismong mata ko ang marka ng soulstone."
As she said that, I stared at her cerulean blue eyes that glowed. Ang nararamdaman kong kapangyarihan dito ay kagaya rin sa soulstone nina ate, ngunit madalas ay sa may bandang puso ito. And they can control their magic through a special item.
"Dapat mo bang sinasabi ang impormasyong 'yan sa public place?" nagaalalang tanong ko kahit na wala namang tao sa paligid namin.
"Lahat naman ng soulstones natin ay exposed na. Saka may magical barrier sa mata ko kaya hindi siya madaling masaktan."
There are rare times where I am thankful for having an empty soulstone. Kahit na wala akong magic, hindi naman agad ako mag-aagaw buhay kapag nasira ang gamit na nakabound dito. Unlike them who has to take extra care to not only protect their bodies, but their very own soul.
Bahagya akong natigilan nang may maalala, "Wait, if you can pinpoint weaknesses, then bakit ka natalo ni Matteo?"
Nagulat siya sa tanong ko. "Grabe, wala man lang flowery words, Raven." nakangusong reklamo niya. "It's just that he had a lot of vital points that I didn't know which one to focus on. Napressure rin ako kasi... kasi ang daming tao! Hindi ako sanay na pinapanood ng gano'n karami! Sa gubat lang naman kasi ako lumaki tapos sina Nanay, Tatay, at Kuya ko lang ang kasama do'n."
So I was right in assuming her performance was affected by her nerves. Sana nga lang ay hindi na siya mapangunahan ng hiya at pangamba sa Rank Assessment bukas.
Pagkatapos magtanong-tanong sa estudyante kung nasaan ang classroom namin ay nakapasok na din kami sa first subject. Kaonting tao pa lang ang nando'n at wala pa ang guro namin sa History. Natatakot ako na baka may paquiz ang teacher dahil hindi naman ito first day para mag-orientation lang siya. Kami lang naman ang bagong-dating.
Heavens! Sana maawa siya sa'min at magdiscuss na lang. Tinutulugan ko ang history lessons ni Mommy.
Umupo ako sa may bandang likuran na malapit sa bintana. Sa tabi ko naman si Tamara na kinakabahan sa titig ng ibang estudyante. Pagkapasok kasi ay agad napunta sa'min ang atensiyon nilang lahat.
"Raven?!"
I stifled a gasp when someone appeared in front of me. Her pine-colored, curly hair was braided. Ang mga berde niya ring mata ay inaaral ang bawat sulok ng mukha ko at habang tumatagal ang pagtitig namin sa isa't isa, mas lalong lumalaki ang ngiti niya. My heart jumped, both in surprise and joy, because I know who she is!
"Eva?" namamanghang banggit ko sa pangalan niya.
"Ikaw nga! Omg, matagal na tayong hindi nagkita!" niyakap niya ako ng sobrang higpit. "Alam mo bang malapit na akong magtampo sa'yo noong 'di ako pinapapasok sa estate niyo pero alam ko namang ang demonyita mong ate ang may pakana e!"
I frowned. Si Evangeline Fawnette Grey ang isa sa mga kababata ko ngunit hindi na kami nagkita ulit nang malaman ni ate ang pagkakaibigan namin. We met at one of the Alderidge's parties, noong pitong taong gulang pa lang, at dahil malapit ang mga estates namin sa isa't isa, madalas kaming lumabas at maglaro. But that four years of friendship was shattered by Ate Ellis.
Matagal na kasing magkaribal sa negosyo ang Grey at Tempest. May galit rin si ate sa kuya ni Eva sa hindi malamang dahilan. At kaming dalawa ang napagbuntungan ng galit.
"She told me you didn't want to be friends anymore. At na hindi ka na ulit bumisita sa'min..."
"Lies! Pure lies!" nagdadabog na siya. "I go there almost everyday pero tinataboy ako ng guards niyo. Tapos noong inakyat ko ang bakod ay nakita ako ni ate mo at pinalayas ako! Daddy even got angry at me because I was trespassing the Tempest property. Parang prince charming tuloy ako na pilit sini-save ang princess niya!"
Ngumiti ako. "But at least we met here now. Ate doesn't really like me befriending anyone."
"Bakit naman?" tanong ni Tamara na nakikinig pala.
Hindi ako nakasagot. The main reason was my lack of magic. If a person got close to me and knew the truth, the whole family will see it as a threat. Kaya ina-isolate nila ako sa bahay kung saan ang sekreto ng Tempest ay doon lang mananatili.
Masuwerte ako na si Eva ang isa sa mga naging kaibigan ko. Dahil sa halip na maniwala sa sinasabi ni Ate at magalit sa'kin, pinansin niya pa rin ako kaya naipaliwanag ko ang nangyari.
"Kasi demonyita ang ate niya!" sagot ni Eva. "Walang lovelife ata 'yon dahil napaka-bitter!"
Tamara and Eva instantly clicked dahil outgoing din silang dalawa. Although Eva was a lot hyper than both of us combined. Nagpatuloy kami sa pagku-kuwento habang hinihintay ang guro at nasabi rin ni Eva na nakita niya kaming nakipaglaban.
"I never knew you were that strong, Raven! Hindi ka naman kasi nakikipaglaban noong magkaibigan tayo. You just pull other people's hair!" she laughed, then her eyes landed on someone. "Oi, si Dawn at Solana! Hey, hey, dito kayo! Ito 'yong sinasabi ko sa inyo na kaibigan ko sa House of Blades!"
Dumapo ang mata ko sa grupong kakapasok lang. Dalawang babae ang dumiretso sa'min. They were both beautiful and heavenly to look at. The shorter one has buttery blonde hair and light blue eyes. Nakasuot siya ng asul na uniporme at ang cape niya ay hindi puti, kun'di dark blue. Napakalinis at tahimik niyang tingnan. Ang mas mataas naman ay may copper blonde hair at magkakaiba ang kulay ng dalawang mata niya. The right one is dark yellow while the left one is dark blue. Magkaparehas sila ni Eva na nakasuot ng pink na uniporme at dark pink rin ang cape nila. She looks joyful or a sunshine personified.
"Raven, these two are my closest friends in the academy. Si Dawn," she pointed at the shorter girl. "At si Solana." sabay turo niya sa mas mataas na katabi. "Guys, ito naman si Raven-"
"Ang rude ha, Eva. Sila talaga ang closest friends mo? Paano naman kami? Isusumbong kita kay Fei!"
Lumipat ang tingin ko sa bagong dating. He wore a purple uniform with a dark violet cape. Unlike the other three, nakabukas ang blazer niya at maluwag ang necktie. He's a chubby male with puffy cheeks at isa lang ang nasa isip ko habang tinititigan siya. Cute!
Inikot ni Eva ang mata at hinarap ang lalaki. "Hindi ko nafeel ang presence mo Theus e, at isa pa, parang wala ka namang interes no'ng sinasabi ko sa inyo kahapon na kilala ko si Raven!"
"We never believed you." simpleng sagot ni Dawn.
Theus suddenly grabbed my hand. Biglang naging kulay puti ang mata niya kaya napatahimik kami.
"Ang kwartong laging sinisikatan ng araw. Ang kurtinang hindi tumatanggap ng kadiliman. Nandoon ang nais ng iyong puso... Ang matagal mo nang hinahanap."
Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kaniya. What in the heavens is he even saying? Ang nais ng puso ko? Ang matagal ko ng hinahanap? Kurtina? Kwarto?
Gusto ko bang matulog?
"Theus, ano ba, control your ability!" suway ni Eva sa kaniya.
Theus gave me an apologetic glance. Nakangiwi niya akong binitawan. "Sorry, sorry. Hindi ko nga din alam kung anong nangyari. Bigla na lang naactivate ang seer abilities ko."
"Seer?"
"Yep! Hello, I am Theusian Kaeyl Hawksley from the House of Psyche. Isa akong seer so mayroon akong foresight o nakikita ko ang future." bigla siyang napakamot sa ulo. "I actually have full control of my magic pero ewan ko ba't nangyari 'yon kanina."
[P: The-yu-shan Ka-eyl]
"If it happened abruptly then the message must be important for her." ani Dawn at matipid na ngumiti sa'kin. "I'm Dawn Icarus Laurel from the House of Ocean Moon. Blessed with the moonlight and dawn, I can heal people."
"I'm Solana Adrianne Prado from the House of Spring Brook and I can control the weather." nakangiting pagpapakilala naman ni Solana at lumiwanag ang langit sa labas.
Ilang sandali silang nakatitig sa'kin kaya kailangan ko rin atang magpakilala. Well, at least they don't act nor look as arrogant as I thought. I glanced at Tamara who looked too nervous to stutter a word.
"Raia Venetia Tempest," tinanguan ko ang direksiyon ng katabi. "Siya naman si Tamara Alonzo." nang maghintay pa sila ay dinagdag ko ang, "House of Blades."
The smiles were frozen in their faces. "'Y-yon lang?" nagtatakang tanong ni Theus.
"May dapat pa bang sabihin?"
"They're not from any magical houses so that should be enough introduction." paliwanag ni Dawn sa mga kaibigan. "Kailangan na nating umupo. Nasasaktan na ang likod ko sa init niya."
Dahil sa sinabi niya at dahil umalis na rin sila harap ko ay nakita ko ang taong tinutukoy ni Dawn. A few seats away from me was Helios, who tore his gaze away when our eyes met. Kahit na malayo ang distansiya naming dalawa ay parang napapaso pa rin ang balat ko dahil sa kaniya.
Isang may kaedaran na babae ang pumasok at tumayo sa may desk. Inayos niya ang eyeglasses bago tumingin sa'ming dalawa ni Tamara at tumango. No greetings were uttered by any of us. Akala ko ay ipapakilala niya kami sa mga classmates pero hinarap lang niya ang board at nagsulat do'n.
She drew a large circle with five stones revolving around it. Nilagyan niya rin ng kulay ang bawat isa: dilaw, itim, asul, berde, at pula.
"These five stones are the essence of our magic and the reason for our creation. They are the divine rulers of our world. The sky, the earth, the underworld, the day and the night. Without one of these elements, our world would cease to be." hinarap niya kami. "Now do any of you remember the Lady of Dreams?"
Tumayo si Dawn. "The Lady of Dreams is Hiraya's story in becoming a vessel of magic. Her quiet cries for a peaceful world touched the heart of the rulers and gave her magic. Siya ang kauna-unahang tao na nagkaroon ng kapangyarihan sa mundong 'to."
"Very good." tumango si Liv, pleased. "You see, our divine rulers loved their creation enough to make the humans. We were made to watch and praise the beauty of the world that they created. But one of them was bewitched and night fell for eternity, causing the rulers to sleep, which made way for the evil in the human's hearts to awaken. And Hiraya was the only one who wished, not for the world to end in the gods wrath, but to save it."
Unti-unti nang bumibigat ang mata ko dahil hindi talaga ako interesado sa mga history lesson na 'to. I mean, okay, Hiraya did that and she was blessed! Wow! And we have soulstones now because of her great power! Wow! Hindi ba pwedeng pasalamatan na lang natin sila?
Not like I have anything to thank them for when I'm an outcast in their 'blessed world'.
"The rulers heard her even in their sleep and blessed her with a drop of their magic. But Hiraya's journey wasn't easy for she was scorned by the people. And only one stood by her. Who was it?"
Parang nando'n ang lalaking 'yon sa mural sa may hallway. Ang alam ko siya rin 'yong gumawa ng soulstone at nagbound nito sa mga gamit. Nakalimutan ko nga lang ang pangalan niya-
"Silas." banggit ni Solana. "Si Silas ang nag-iisang tao na naniwala at tumulong kay Hiraya. Pero ang sad, teacher, at magkaibigan lang sila! Hindi sila nagka-ibigan!"
"Because Silas was already in love with another, Solana! Hindi mo ba nabasa 'yon?" kontra ng isang lalaki na purple ang uniporme.
"Shut up, Kam! Hindi naman ikaw si teacher kaya huwag kang sumabat." nakangusong wika nito sabay irap.
"Tama, Solana." mahinahong tugon ni Liv. "Si Silas ang nag-iisang tao na nanatili sa tabi ni Hiraya. They were not lovers and they weren't related by blood, however they treated each other like siblings. Hiraya couldn't love because of the ruler's gift. As a price for each of their power, they stole her capability to love."
Humalumbaba ako. Or they just hated the word since it's the reason for their curse in the first place. The night bewitched by a man to fall in love.
"Pero hindi ba't nagkaanak siya?" tanong ni Theus.
"Her daughters- the twins- were created from her own magic. The light and the darkness..." naging mahina ang boses niya. "I'll present a question that you can answer before our next meeting. Is there really a difference between darkness and light? And is there good or bad between the two?"
"Tungkol ba ito sa pagiging mas maiksi ng gabi ngayon, Miss Liv?" Dawn asked. "Shouldn't we just ask Helios that?"
I stared at the man in question. Oo nga pala, he was directly blessed by the sun.
"Helios only possess the sun's powers but he cannot control the day. Iba na ang tao sa likod nito." misteryosong ngumiti si Liv bago nagpatuloy. "So about Silas, what do you know of him?"
"The maker of the soulstone."
"The first Soulbearer."
"The first king of Hiraya."
"But why did Silas become a king while Hiraya was named a continent? Anong nangyari sa kanilang dalawa?"
Their eyes landed on me after I asked the question. Nagtagal ng ilang segundo ang titig ni Liv sa'kin bago nagsalita, "Bago ka ba dito, hija?"
Hindi pala obvious?
I nodded. "From the House of Blades."
"After bearing the twins, Hiraya died and became one with the soil. Ang lugar kung saan siya namatay ay ang kasalukuyang kinatatayuan ng palasyo, at mula sa huling kahilingan niya ay nagpatayo ng kaharian si Silas dito. Ngunit nagkaroon rin sila ng hindi pagkakaintindihan sa karatig bansa." nagkibit-balikat siya. "Before Hiraya died, she gifted everyone in the world with a drop of her power, and that magic will continue for generations and generations. With Silas' help, they created the soulstone that would cage this power in the human body and bounded it to a special item that can control it. At dahil parang may sariling isip ang mga ito, the soul magic itself chooses what they're bound to. Most times they are a physical item, but there are special types that are bound to the human's body."
Kagaya siguro ng ability ni Tamara. Her soulstone is bounded on her eyes where her magic is focused. Gano'n din kaya ang kay Theus dahil isang siyang seer?
After Liv discussed the magical force that Hiraya and Silas combined to create a soulstone ay natapos na rin ang klase namin. She said the question she asked earlier would be our homework. Thankfully, hindi na namin kinailangang lumipat ng room dahil dito rin daw magka-klase sa biology.
Si Diana ang teacher namin sa biology. Maganda siya at mukhang nasa early thirties pa lang. Nalaman ko na isa pala siya sa mga head doctors ng Medical Department ng academy. She discussed about the specialty in our blood because of the soulstone's presence.
"Your blood can substitute your own powers. Dahil nasa puso niyo nakalagay ang soulstone, the magic from your soul also passes down your bloodstream. Kaya mabilis ang regeneration niyo kaysa sa ordinary humans, or those whose soulstones aren't functioning."
"Ibig sabihin po ba mas malala ang sakit na mararamdaman nila?" tanong ni Tamara.
Diana nodded. "They heal at a slower rate and the level of their pain is multiplied twice. Ang magic na dumadaloy sa katawan niyo ay isa rin sa naga-amplify ng inyong numbness to pain, so as long as your wound isn't extreme according to your level of pain, you won't feel it. For healers like Dawn, regeneration is like breathing. Their stem cells are being multiplied by their very own soulstones."
If the two of us were made to kneel with a blade thrusted on our stomachs, I would already be dying while she will pull it out with a smile. Paano kaya kung may weapon na nagnu-nullify ng soulstones nila? Kaya hindi rin magiging faster ang kanilang regeneration rate?
Nandoon pa rin ang tanong sa isipan ko hanggang sa umalis si Diana at pumasok si David, ang professor namin sa Language Studies. Tinuruan niya kami ng baybayin at pagkatapos ng subject ay medyo nagets na namin ang basic nito. I liked the actual writing part because the alphabets were like waves in my hands. Dahil cursive ang nakasanayan kong penmanship, mas naaliw ako sa pagsulat ng baybayin.
During the discussion, I also found out that Awanggan means infinity and it symbolizes the infinite memories of a place that bridges the gap between the houses.
Inaayos ko ang mga gamit nang maramdaman ang titig sa'kin. I placed the notebook, that was filled with different words I practiced writing in baybayin, before raising my head. Bahagya akong nagulat at nagtaka nang makita ang nanunuring tingin ni Helios sa'kin. Bumaba iyon sa kamay ko bago niya inalis ang tingin at naglakad palabas.
Weird guy.
Hinatak ako ni Tamara palabas at nando'n na si Eva at ang grupo niya na naghihintay. That night, I found out that the Awanggan wasn't strict and that the students doesn't need to sit with their houses. Dahil sumabay sina Eva sa'min sa House of Blades at doon kami sa may dulo kung saan wala masyadong tao. The table was ridiculously long for only fifty students.
Hindi nakasama si Azriel dahil may kailangan pa itong gawin, ayon kay Gio na dumaan sa'min. Eva and Theus' gazes followed him until he sat beside a frowning Damon. Tinaasan ko naman ng kilay ang dalawa.
"Crush niyo?"
"Ang gwapo niya kasi at ang lakas ng dating!" kinikilig na sagot ni Eva.
"Saka those muscles!" naiiyak na dagdag ni Theus. "Talagang mapupunta ka sa heavens sa sarap kapag nakapalibot sa'yo 'yon!"
"Didn't Raven already had a taste of that experience?"
Sinamaan ko ng tingin si Dawn dahil do'n. Napunta tuloy sa'kin ang nagtatanong at interesado nilang tingin.
"Oo nga pala! So ano, te, masarap ba?" si Theus.
"Parang bakal ba ang tigas? Nahawakan mo ba ang tiyan?" si Eva.
"May abs? May abs? Ay gusto ko 'yan 'pag may abs." dagdag ni Solana.
"Dapat siguro sumali na rin ako sa House of Blades kasi ang dami-" kinagat ni Theus ang labi at tumingala. "-daming masasarap!"
"Gaga! Isang suntok ka nga lang ata 'pag pumasok ka do'n!" suway ni Eva. "Kahit nga itong si Raven at Tamara, hindi pinapatawad ng mga atake nila."
"Ano ka ba, Eva! Worth it mabasag ang mukha kung sila naman ang dahilan! Hihihi!"
Nagtawanan kami ni Tamara dahil sa kanila. Sa unang pagkakataon ay hindi ko hiniling ang pagsapit ng gabi at paghinto ng usapan. But the moon needs to rise and the night needs to fall, so I found myself in my bed, wondering about my archery skills.
Sinulyapan ko si Tamara na busy pa rin sa pagpa-praktis ng kung ano mang martial arts 'yan. I sat up, finally making a decision.
"Tam."
Nagbigay siya ng malakas na suntok sa hangin bago lumingon sa'kin. "Hm?"
"Let's have a deal. Tutulungan kitang magtraining para bukas at tuturuan mo 'ko ng archery."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro