Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 58: Fifth Seal

"No. We both know that this is not yet the end..."


AVERY


Napapansin ko na unti-unting naglalaho ang kaluluwa ko na tila naaagnas ito. Na parang nalulusaw ito at unti-unting nagiging usok. Malakas akong napasigaw dahil sa kakaibang sakit na dumaloy sa kaluluwa ko. The chains were piercing through my soul, too deep that it's breaking me apart, breaking me to pieces.


Patuloy lang si Severus sa pagsasagawa ng ritwal. Napapangiwi ako dahil sa paninikip ng dibdib ko. Kaluluwa lang ako pero bakit parang nahihirapan akong huminga? Gumapang ang kakaibang takot sa buong sistema. If he succeeds, I will cease to exist and I will never know what will happen to everyone after this.


It's unfair. I'm sure reincarnation will be impossible if I died through this process. Mas lalong nag-aalab ang Devil Fire na nakapalibot kay Severus. Tinutupok na ng apoy ang buong silid kung nasaan kami. Umaabot na ang apoy hanggang sa kisame. Bumabagsak na ang mga nasusunog na kahoy mula roon.


Pilit kong hinanap sina Zirrius sa loob ng silid pero hindi ko makita 'ni ang anino nilang lahat. Wala akong nakikita dahil sobrang itim at maalab ang apoy. They couldn't possibly be dead, right? Nawalan ba sila ng malay o natupok ng apoy?


I was sick worried. Mas lalong lumiwanag ang magic circle. Naramdaman ko ang kakaibang init na dumaloy sa kaluluwa ko. The magic circle was melting my soul like it was a sun scorching with uncomfortable heat. It made my soul sweat with steamy smoke. Nagsusumigaw na ang kaluluwa ko upang makawala rito.


Desperada na ako. Pilit akong kumawala at nanlaban sa mga kadenang nakapulupot sa 'kin pero hindi ito natitinag. Hindi ito lumuluwag. Napansin ko na halos mabalot na ng itim na ugat ang buong katawan ni Severus. The black magic was spreading all throughout him.


Nilalason na nito ang buong pagkatao niya, ang buong sistema niya.


Wala na talaga akong maisip na paraan upang matakasan ang magic circle na ito. Hindi ko alam kung paano. I felt hopeless and that just made everything bad. Napatitig ako sa gintong medalyon na nasa harapan ko ngayon. Nagliliwanag ito na tila inilalabas nito lahat ng kapangyarihang nakatago rito. O maaaring humihigop ito ng lakas na nagmumula sa iba't ibang kaharian at mula sa 'kin.


Napansin ko rin ang apat na bato ng iba't ibang elemento. May mga linyang nabubuo at kumukonekta sa isa't isa habang pinapalibutan ako. Naramdaman ko ang malakas na kapangyarihan na pumapalibot sa 'kin. Maybe I could do something instead of being a sacrifice. Maybe I could reverse the spell and pour all the power into me, or even a small portion of its power will do. Is that even possible?


Umiigting ang kadenang nakapulupot sa leeg ko. Iginalaw ko ang isang kamay ko upang abutin ang lumulutang na pendant na nasa harapan ko. Pinipigilan ako ng mga kadena pero pinilit ko pa ring gumalaw. I was pushing my luck.


If I touched the pendant, it may still be a trap. Baka mas lalo lang mapabilis ang pagkamatay ko. No one can save me now. I have to do something. I have to take the risk. Nang malapit na ang kamay ko sa pendant, tila nakuryente pa ako ng liwanag na nakapalibot dito. Nakuryente ako dahil sa kakaibang lakas na bumabalot dito.


Napangiwi ako dahil sa mainit at mabigat na pakiramdam na dumaloy sa kaluluwa ko. Kahit nasasaktan ako, pilit kong inabot ang pendant. Kahit walang kasiguraduhan ang lahat. Kahit patuloy sa paghigpit ang mga kadena sa tuwing gumagalaw ako,hindi ako nagpaawat.


The pendant was already at the tip of my fingers. Mas lalong lumalakas ang pagbigkas ni Severus sa ritwal na tila nauubusan na rin siya ng hininga. Kaunti na lang, maaabot ko na ito. Ramdam ko ang paggapang ng kaba sa buong sistema ko. When I finally grabbed the pendant, napasigaw ako nang malakas.


The power coming from the pendant was just too strong for my soul. It could melt my soul in an instant. Hindi ko tuloy masabi kung tama o mali ba ang naging desisyon ko. All the magics coming from all the kingdoms were transferred to the pendant. Ibig sabihin, kapag natapos ni Severus ang ritwal, lahat kami ay mawawalan ng kakayahang gumamit ng mahika.


Siguro nanghihina na ang ibang elves na mula sa ibang kaharian. Hindi ko alam kung paano mabubuhay ang mga elves kung sakaling mawala ang mahika. Sa tingin ko, mawawala ang pagiging imortal namin at manghihina kaming lahat. Mariin kong hinawakan ang pendant. Hindi maaaring mangyari ito. Napapangiwi ako dahil pakiramdam ko, sasabog ang kaluluwa ko sa napakalakas na kapangyarihang taglay ng pendant.


It was just amazing that I could really touch the pendant even in my soul form.


Nagawa kong alisin sa gitnang bahagi ang pendant. Nailayo ko ito mula sa talagang puwesto nito. Medyo lumamlam ang liwanag ng magic circle. Nawala sa maayos na posisyon ang lahat. Tumigil ang pagdaloy ng kapangyarihan sa magic circle.


Natigilan si Severus dahil naramdaman niyang hindi umuusad ang ritwal. I was a bit relief but there's one problem. The pendant's power was overflowing in my soul. Hindi ko alam kung matatagalan ko ba ito.


Dumaing ako dahil pakiramdam ko nahiwa ako. The power was cutting my soul open and I couldn't explain how. I just felt like someone's cutting me open with some invisible knives.


Severus looked up at the magic circle. Nakatingin siya sa pendant na hawak ko na nawala sa tamang puwesto. Sa palagay ko, hindi niya nakikita ang kaluluwa ko pero kapansin-pansin ang pagkunot ng noo niya. Iginalaw niya ang kamay sa hangin upang ibalik ang pendant sa dating puwesto pero mariin ko itong hinawakan at pinigilan ko ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung matatagalan ko ito dahil sa kuryenteng gumagapang sa sistema ko. Maaaring mabitawan ko na rin ito.


Halatang naiinis na si Severus dahil hindi niya maibalik sa tamang puwesto ang pendant. Tinitiis ko naman ang sakit na dulot nito sa 'kin. Napasinghap na lang ako nang mapansin na unti-unting namumula ang mga abong mata niya. He was pushing himself too much. Hindi niya maaaring atakihin ang magic cicle dahil masisira ang ritwal kaya pilit lang niyang ibinabalik ang pendant sa dati nitong puwesto.


Natigilan na lang siya nang makita ako gamit ang mapupula niyang mata. He gritted his teeth. Tila nakikita niya ako bilang insekto na kailangang mawala sa landas niya. He chanted another spell and the chains brought me down. I laid down on the magic circle. The chains moved on my hands. Pilit na itinataas ng kadena ang kamay ko na may hawak sa pendant. Ibinabalik nito ang pendant sa dating posisyon. I resisted but it hurts.


Napamura na lang ako nang nagtagumpay si Severus na ibalik ang pendant sa gitna ng magic circle pero hindi ko pa rin ito binibitawan. The chains were holding my hand on that position. Ipinagpatuloy na ulit ni Severus ang naantalang ritwal pero natigilan ako nang may marinig akong malakas na pagsabog. I tried my best to look down.


A massive Devil Fire came rushing towards Severus and he was hit. He was thrown away and his head was slammed on a marble pillar. Napansin ko ang liwanag na nagmumula sa isang direksiyon. Nakita ko ang katawan ko na buhat-buhat na ngayon ni Zirrius. Nakatapat naman ang kamay ni Zion sa braso ni Zirrius. I supposed he removed one of the seal and he was about to finish the spell.


Nakagat ni Zirrius ang labi nang nagtama ang mga mata namin. Dumaloy ang kakaibang kaba sa kaluluwa ko. Tila natulos siya sa kinatatayuan. And I felt the same way. It was as if something hit us hard in the head. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko itong maramdaman ngayong kaluluwa lang ako. He could see me and I felt so relieve and nervous at the same time. Parang gusto kong maiyak dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon.


I no longer care about the chains suppressing my whole body from moving. I don't care about the electricity from the pendant shattering my soul. I no longer care about anything but him. Pakiramdam ko tumigil ang oras para sa 'ming dalawa. Maybe the whole universe really stopped the time for us, just for us to have this moment. And this kind of feeling was taking place at the wrong time.


We stared at each other's eyes. His blue sapphire eyes were mesmerizing and mysterious. As if it was a deep cavern that could mirror the whole universe. His eyes gleam of strange colors but beautiful on it's own way. It was so deep I might get lost in it.


Maybe he could also see the chaos in my soul and I felt a bit naked.


Hindi ko alam kung kinakabahan din siya katulad ng nararamdaman ko. Maybe his heart was beating so fast and loud right now. And it ached not to hear it with my own ears. Yes. It hurts to see each other right now at this state of helplessness and hopelessness.


And my soul was constantly whispering. I was afraid to name it but maybe, my soul has a mind on its own. Mate. Mate. And this isn't right, though it felt just too right and too perfect. This is just soulbreaking and untimely. Parang sasabog ako sa nararamdaman ko. Gusto kong pigilan ito. Nakikiusap ako na huwag ngayon. Not with someone as complicated as him.


Napansin ko ang mariing pagkagat ni Zirrius sa labi niya. His breathing suddenly became heavy. Siguro hindi niya naiintindihan kung anuman ang nararamdaman niya ngayon.


I noticed that he was overwhelmed and quite scared at this unexpected moment. Tila pinipigilan niya ang panginginig ng tuhod niya. Hindi niya inaasahang makikita niya ako. At halatang natatakot siya sa maaaring mangyari. Natatakot din siyang alamin kung ano ba talaga ang bigla niyang naramdaman ngayon. Maybe, he's also afraid to name this. I wonder if his heart or soul was whispering the same thing my soul was screaming right now. Mate.


Mate. Mate. Mate. I wonder if this word was the constant beating of his heart. Or maybe those whispers are held captive in his heart without any voice at all.


I was feeling too deeply, too deep to be fathomed. Now he became a haunting part of me. Now, he's someone who I can never escape from. My mate.


Siya ang unang nagbawi ng tingin. Ibinigay niya ang walang buhay kong katawan kay Zion. I was quite disappointed and sad. Hindi na niya ako tiningnan pang muli. Tila gusto na niyang iwasan ang mga mata ko. He looked at Severus. Pinilit niyang ibalik ang atensiyon kay Severus na parang wala ako sa paligid.


Kahit na alam kong pinipigilan niya ang panginginig ng tuhod dahil sa hindi inaasahang naramdaman.


When this is over, I hope he can hold my hand. I wanted to reach out for him after this battle but it's uncertain that he will stay. He had another kingdom waiting for him. And he seems afraid of what he was feeling right now.


Ipinagpatuloy na ni Zion ang paggamot sa sugat ko. The power from the pendant was still flowing through my soul. I don't know what the outcome of this would be.


Nagngingitngit si Severus dahil hindi niya matapos-tapos ang ritwal. Napansin ko sina Damon, Aivee at Rigel na hindi naman nagalusan. They were trying their best to remove the seal on Aivee's neck. Pinipigilan nilang gumalaw at umatake si Aivee. But Aivee was fast enough to escape their grasps when she shifted into a hawk.


She flew around before she shifted back into her elf form. I noticed that the mark on her neck was wearing out. Malabo na ang marka sa leeg niya dahil siguro malapit ng mawala ang kontrol sa kanya ni Severus. Siguro kaunting oras na lang, mawawala na ang lakas ni Severus at kakainin na siya ng tuluyan ng kapangyarihang ni Seth. That means, he's already dead.


Zirrius and Severus fought once again. Mas malakas na ang palitan nila ng kapangyarihan. Every now and then, the ground shakes. Lumilipad na rin sa hangin ang mga alikabok at maliliit na bato na dulot ng nasira nilang poste at sahig.


Napasinghap ako nang tila may isang malakas na puwersa na humila sa kaluluwa ko. I was sucking my breath even when I don't need to. Then I realized something. No. It's not my soul that was sucking a breath, it was my body. At hinihila ng katawan ko ang kaluluwa ko pabalik dito.


I was running out of breath and I suddenly felt something painful. Sobrang sakit at sikip ng dibdib ko at nahihirapan akong huminga. I noticed that a part of my soul was already back in my body. Naririnig ko ang mahihinang pagmumura ni Zion habang ibinubuhos niya ang lakas para lang mapabalik ako. Pawisan na siya at napapangiwi niya. He already used too much of his power. If he would use them all for me, he might lose his magic. He might lose his life.


Bahagya pa lang niyang naisasara ang sugat pero biglang dumagsa ang hangin sa dibdib ko. Napasinghap ako na tila nag-aagaw buhay na.


Nagtagumpay si Zion na ibalik ang buong kaluluwa ko sa katawan ko. But I noticed something odd. The wound was healing too fast now than it was supposed to be. Maging si Zion ay nagulat dahil saglit siyang tumigil upang magpahinga. The wound I got on my chest was healing on its own. Naramdaman ko ang muling pagtibok ng puso ko at ang kakaibang kapangyarihang dumaloy sa katawan ko. Unti-unting bumalik ang lakas ko.


It was different. It was new. And odd. Pero naalala ko ang kapangyarihan na nagmula sa pendant. Nang tingnan ko ang pendant, nananatili ito sa gitna ng magic circle. Naroon pa rin ito at nagliliwanag. Hindi pa rin natatapos ang ritwal. If there wouldn't be any sacrifice then Severus would still go after me. Agad akong bumangon na tila walang nangyari sa 'kin.


"Ayos ka na ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Zion sa 'kin. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari. I could feel that my strength has been renewed.


Marahan akong tumango sa kanya. I tried to find my voice but it was still hoarse. "Maayos na ako. Magaling na ako," seryosong sagot ko sa kanya.


Napaawang ang labi ni Zion. Hindi siya makapagsalita dahil hindi pa rin niya naiintindihan ang mga nangyari. Muli akong nagsalita. "Ano'ng nangyayari sa labas? Naglalaban pa rin ba sila?" seryosong tanong ko sa kanya. Napapagod na tumango siya. Mabigat akong bumuntong-hininga.


"I need you to stop them. Go out and stop them," seryosong utos ko kay Zion. "Kapag namatay si Severus, titigil na rin sa pakikipaglaban ang mga Asterian. The Asterians got the black crescent moon marks too. Ito ang dahilan kung bakit nila sinusunod si Severus. Gawin mo ang lahat upang mapigilan sila."


Nakagat ni Zion ang labi. Pinagmamasdan niya akong mabuti. Bumalik na ang kulay sa mukha ko pero hindi niya alam kung bakit. Nalilito pa rin siya. Nagdududang tiningnan niya ako.


"This is odd. Did you just heal by yourself?" nagdududang tanong niya. Matipid akong ngumiti dahil sa pag-aalinlangan niya.


"Because of the pendant's magic," sagot ko. "Hinawakan ko ito. Mukhang nailipat sa 'kin ang ibang kapangyarihan nito." Medyo lumiwanag ang mukha ni Zion dahil sa narinig.


"Then I'll go outside. Ako na ang bahala sa kanila. Mag-ingat kayo," seryosong sagot niya. Tumango ako at nagmamadaling tumakbo na siya palabas ng silid. Halos wala na ngang dingding ang silid na kinaroroonan namin. Maging ang katapat nitong silid ay nadadamay sa malakas na puwersang nagmumula sa mga atake nina Severus at Zirrius.


Napansin ko na hindi makapaniwalang nakatingin sa 'kin si Damon. He was relieved that I was already back. Maging si Rigel ay nakahinga na rin nang maluwag kahit patuloy niyang nilalabanan si Aivee.


Agad na tumakbo patungo sa 'kin si Damon. He checked the hole on my chest. Mahina ko siyang sinampal dahil sa pagtitig na ginawa niya. Some part of my breast was a little bit exposed. Nakahinga siya nang maluwag dahil wala na ang butas sa dibdib ko.


"It seems my healing abilities are not that great," mahinang saad niya.


"It still saved me," kibit-balikat na saad ko. "Now, let's take him down," seryosong saad ko nang makita ko si Severus na nakatingin na sa 'kin. He was furious to see me alive once again. Nagtatakang lumingon sa direksiyon ko si Zirrius dahil sa pagtigil ni Severus sa pag-atake.


I felt a sudden and abrupt thump from my heart. I thought it was begging to escape from my chest. I wanted to stop the erratic beating of my heart. Namilog ang mga mata ni Zirrius at hindi makapaniwalang tumitig sa 'kin. Hindi siya makapaniwalang nakabalik na ako. That feeling again. My heart suddenly ached for something I don't think I can have.


Nakagat niya ang labi at muling nag-iwas ng tingin. Hindi niya ako kayang tingnan nang matagal. Halatang naiilang siya. Halatang natatakot siya. Ayaw niyang tanggapin ang lahat.


Napansin ko na nababalot na silang dalawa ng mga sugat at sariwang dugo. Severus gritted his teeth. Nagmamadali siyang tumakbo patungo sa direksiyon ko. Itinapat ko ang isang kamay sa kanya. I release an Angel Fire. Maging ako ay natigilan dahil sa napakalakas na kapangyarihan na lumabas sa kamay ko. The Angel Fire hit Severus straight to his body. Kahit ang marmol na sahig ay naging abo.


So some of the pendant's power were really channeled to me? Severus was dragged towards a wall. A loud crash was heard. Natigilan ang lahat dahil sa ginawa ko. Halos mabutas din ang pader. Ang ilang bahagi nito ay naging abo.


Nang bumagsak si Severus sa abong sahig, napansin ko na tanging ang kaliwang balikat lang niya ang nasunog. His wound were swelling and all red. It was not really a very good sight to see.


Mahina siyang nagmura at kahit nahihirapang tumayo ay pinilit niya. Iginalaw niya ang kamay sa hangin. Once again, he used his black magic to held Aivee captive. Hinila niya papalapit sa kanya si Aivee na sinasakal ng itim na usok. He held her hostage.


"Don't move or I'll kill her," malupit na saad ni Severus. He was already out of his mind. His bloodshot eyes were already empty and far gone.


Natigilan kaming lahat. Hindi namin maigalaw ang mga katawan namin dahil sa takot. Severus put his sword on her neck. Napangiwi si Aivee nang bahagyang lumapat ang talim nito sa balat niya. May itim na usok na biglang lumabas sa sugat niya. We all held our breaths.


"Kunin mo ang gintong punyal, Avery," nagmamadaling utos sa 'kin ni Severus. Napalunok ako.


"Hindi. Huwag mo siyang sundin!" galit at nakakuyom ang kamao na sigaw ni Damon sa 'kin. Mas lalong inilapit ni Severus ang espada sa leeg ni Aivee.


"Kapag hindi mo ginawa ang utos ko, babawian ko siya ng buhay," seryoso at mariing saad ni Severus. Kinabahan ako. Naiipit ako sa sitwasyon. I can't let Aivee die. Inilibot ko ang paningin upang hanapin ang punyal.


Hindi na napigilan ni Zirrius ang tingnan ako. Akmang lalapit siya sa 'kin pero nagsalita si Severus upang balaan ang lahat. "Walang gagalaw sa kinatatayuan ninyo. Walang lalapit kay Avery hangga't wala akong sinasabi," desperadong utos niya.


Mariing ikinuyom ng lahat ang kanilang kamao. Nakita ko ang pagkainis na sumungaw sa mga mata ni Zirrius. He was frustrated and afraid. Malalim akong bumunot ng hininga. Nakita ko ang gintong punyal na natatabunan ng ilang bato na nagawa ng mga pagsabog. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan nito. Maingat ang bawat hakbang ko. Dahan-dahan.


"Huwag mong ubusin ang oras ko!" galit na sigaw ni Severus. Mas lalo niyang idiniin ang talim ng espada sa leeg ni Aivee kaya nagmamadali kong kinuha ang punyal. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang gintong punyal na may bahid pa ng natuyong dugo ko.


"Kill yourself. Thrust it straight to your heart," mariing utos ni Severus na tila nagagahol na sa oras. He was desperate and furious.


Nag-aalalang tumitig sa 'kin sina Zirrius, Rigel at Damon. Umiling sa 'kin si Rigel. Mariin namang kagat-kagat ni Damon ang labi niya hanggang sa magdugo ito. Nakita ko naman ang takot sa mga mata ni Zirrius. His eyes were confused. His eyes were begging me not to. Pero alam kong hindi rin niya kayang isakripisyo si Aivee. He was lost somewhere in between.


Mariin kong hinawakan at tinitigan ang gintong punyal.


"Do it fast!" Severus said with so much anger. Hinawakan ko ang gintong punyal gamit ang dalawang kamay. Nakagat ko ang labi ko habang itinatapat ito sa puso ko. This will hurt. Muli kong tiningnan si Zirrius. Umiling siya. Sunud-sunod ang pag-iling niya.


"Don't do this," mahinang sambit niya at halos madurog ang puso ko. Mas masakit ito kaysa sa sakit na dulot ng pagtarak ng punyal sa puso ko. Nang tingnan ko si Aivee, napansin ko rin ang takot sa mga mata niya. Mas natatakot siya sa gagawin ko kaysa sa sasapitin niya. She mouthed something but no voice escaped her. But I could read her lips. Don't. No.


Natigilan ako. Nalilito na rin ako sa dapat kong gawin. Kung hindi ko siya ililigtas, hahabulin ako ng konsensiya ko. Hindi ako makakatulog nang mahimbing sa gabi kung sakaling matalo namin si Severus at mamatay si Aivee.


"Ano pa'ng hinihintay mo? Gawin mo na!" galit na sigaw ni Severus. Mas lalong dumaloy ang dugo mula sa sugat sa leeg ni Aivee. The sword was now glistening with her blood. My heart was beating so fast in panic. Natataranta na rin ako. Mariin akong napapikit. Iginalaw ko ang dalawang kamay. I was ready to stab my heart. I was really determined to do it.


Natigilan na lang ako nang may marinig akong malakas na ingay sa kinaroroonan nina Severus. Agad ko silang nilingon. Napansin ko na nabitawan na ni Severus ang kanyang espada. Nabitawan na rin niya si Aivee. Someone held him back and punched him in the face. Nanginginig naman ang tuhod ni Aivee nang mapaupo siya sa sahig. Her throat was nearly slit open.


"Verone!" malakas na sigaw ni Rigel. I could feel that he was also relieved. He was undeniably happy.


Napailing si Verone nang tumingin siya sa 'kin. "Hindi mo dapat isinasakripisyo ang sarili mo para sa isa lang. Paano naman ang mga maiiwan mo? How about your people?" nakataas ang kilay na tanong niya sa 'kin. Relief flooded my face.


"Y-You're alive," hindi makapaniwalang saad ko sa kanya.


"Yes. This bitch saved me," nakasimangot na saad ni Verone habang nakatingin kay Aivee pero halatang nagbibiro lang siya. "Death is the only escape. So she help me fake my death. Hindi maaaring makuha ka ni Severus at mapatay ako."


Natigilan kaming lahat dahil sa sinabi niya. So, Aivee saved her?


"Marami lang akong ginawa sa kaharian ko kaya nahuli ako," she grinned. "And Aivee need her army back. Kung makukuha niya ang tiwala ni Severus, saka lang niya mababawi ang mga Ameyans."


"So, she betrayed me?" galit na tanong ni Severus na ngayon ay may hawak ng punyal sa isang kamay. Nakaluhod na siya sa sahig at pilit ng tumatayo. His bloodshot eyes stared at Aivee's back. Itinapat ni Verone ang kamay kay Severus.


"You're done for," seryosong saad ni Verone.


Malakas na tumawa si Severus. "Not yet," he said with a knowing grin. Verone released some bombs made of mist but Severus was still fast to evade it. Nagawa niyang iwasan ang mga atake ni Verone.


"If I can't finish the ritual, I'll take someone with me in hell," he shouted desperately. He jumped and lunged at Aivee. Marahas na ibinaon ni Severus ang punyal sa likod ni Aivee. Tumagos pa ito sa puso ni Aivee.Napasinghap ako. Natigilan kaming lahat.


Natigilan na lang si Aivee nang maramdaman ang patalim na bumaon sa likod niya. Napaubo na lang siya ng dugo. Ginamit pa ni Severus ang natitira niyang kapangyarihan para pasabugin ang ilang bahagi ng dibdib niya. Wala sa sariling hinawakan ni Aivee ang dibdib niya. Nang tingnan niya ang mga kamay niya, nabalot ito ng dugo. Hindi ako makahinga dahil sa nakikita ko.


Nakaramdam ako ng matinding galit na halos hindi ako makahinga. I ran towards them. Natigilan ang lahat sa sunod na aksiyon ko. Malakas na pagsabog ang tumama sa katawan ni Severus. sunod-sunod. His body was blown up. I ended his life in an instant.


Bumagsak siya sa sahig. Unti-unting bumalik ang kulay abo niyang mata. Matipid na ngumiti siya sa 'kin bago siya tuluyang pumikit. I was quite in shock too. I was enraged and I couldn't think clearly. Nabalot ng mumunting liwanag si Severus. He was beginning to disappear. And my heart ached.


Napasinghap ako nang mapansin na ganu'n din ang nangyayari sa katawan ni Aivee. Nababalot siya ng liwanag kaya agad akong tumakbo upang hawakan siya. I tried to heal her wounds. Tears flowed from my eyes because I know very well that it's already too late. Too late to save her. Naramdaman namin ang malakas na lindol. Unti-unting napapawi ang magic circle at bumalik sa dating anyo ang pendant bago ito nahulog sa sahig.


Malakas na lumindol sa loob ng templo na tila guguho na ito anumang oras. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Aivee. "Shin... Take care of Shin..." That's her last words before she died. I cried. Hinawakan ko siya hanggang sa mabalot ng liwanag ang kamay niya at naglaho siya.


"Let's get out of here. Guguho na ang templo," seryosong saad ni Verone pero natigilan kaming lahat nang biglang napuno ng itim na usok ang silid.


Someone wearing a black cloak stood in the middle of the room. Pinulot niya sa sahig ang pendant. Hindi namin siya makita at makilala. But I have a feeling that he was Seth. 


Seth. 


Bago pa kami makagalaw, naglaho na siyang parang bula. But I will never forget that cruel smirk curving his lips before he left.

****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro