Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 57: Magic Circle


"Will we ever be satisfied if we get our thrones back?"


AVERY


Natigilan ako nang makita ang sarili na muling napalilibutan ng magic circle. Once again, I was a soul. Napasinghap na lang ako nang mapansin ko kung ano ang nangyayari sa ibaba. Nakikita ko silang lahat maging ang mga nangyayari sa kanila pero sa tingin ko, hindi nila ako nakikita. Ano ba naman ang aasahan ko? Isa na lang akong kaluluwa.


Napasinghap ako nang bunutin ni Damon ang gintong punyal sa dibdib ko. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay ang manood sa kanila. Wala akong lakas upang bumalik sa katawan ko. Hindi ko rin alam kung paano gagawin 'yon kung sakaling mang may kakayahan akong bumalik.


Pinagmasdan ko ang katawan ko. Napansin ko ang dugo na lumabas mula sa bibig ko. Pakiramdam ko nag-aagaw-buhay na talaga ako. Nakikita ko kung paano, unti-unting namumutla ang mukha ko at kung paano lumalabas ang dugo mula sa dibdib ko. I didn't know if my heart was really hit. I hope my rib cage was that strong enough to handle the attack. I hope my heart was still beating, fighting for its right to live.


Siguro kung nasa loob ako ng katawan ko, mararamdaman ko ang napakatinding sakit na nagmumula sa natamo kong sugat. Siguro umiiyak na ako sa sobrang hapdi o handa na talaga akong mamatay. Siguro dumadaing na ang katawan ko dahil sa hindi matatawarang sakit. Hindi ko alam. Tila wala na talagang buhay ang katawan ko.


Agad na ipinatong ni Damon ang dalawang kamay sa dibdib ko upang pagalingin ako. Napansin ko na naluluha na siya habang pinagmamasdan ang walang buhay na katawan ko.


"Hindi ka pwedeng mawala," mariing wika niya. "Gumising ka, Avery! Huwag mo akong takutin!" desperadong wika pa niya. "Kailangan mong mabuhay!" sigaw niya kahit napapaos na siya. Gagawin niya ang lahat para lang magising ako pero walang saysay ang mga salita niya sa oras na ito.


Napansin ko sa 'di kalayuan na nakatayo na si Severus. Pinahid niya ang dugo sa labi niya. Nakakuyom naman ang kamao ni Zirrius habang mabigat ang mga hakbang na naglalakad patungo sa direksiyon ni Severus. Kitang-kita ang galit sa mga mata niya. Mariin niyang kagat ang mga labi at dumudugo na iyon. Halatang hindi niya makontrol ang galit niya. Sumunod naman si Rigel sa kanya. Mabuti na lang at hindi pinapairal ni Rigel ang galit. Halatang mas malinaw pa ang pag-iisip niya.


Hindi naman mapakali si Aivee sa malayo. Hindi niya alam kung sino ang tutulungan at kung ano ang gagawin. She decided to go after Damon but before she could do that, a dark energy curled around her neck.


Natigilan sina Zirrius at Rigel dahil nakakonekta ang itim na puwersa kay Severus. Marahas na hinila ni Severus si Aivee patungo sa kanya. Tumama pa ang ulo ni Aivee sa sahig na nagdulot ng maliit na sugat doon. May dugo na namuo sa maliit niyang sugat at dumaloy patungo sa pisngi niya.


I noticed that Severus was no longer controlled. He was now acting by himself. He was back but different. As he had said, he was already corrupted. Kahit hindi na siya kontrolin pa ni Seth, wala ng natitirang awa sa puso o kaluluwa niya. He was already tainted with darkness. Tiyak na hindi na rin niya naaalala ang mga nangyari sa 'min kanina.


Hindi na siya ginagamit ni Seth ngayon dahil gagalaw na siya ayon sa gusto nito kahit hindi ito mag-utos. Tiyak na prenteng nakaupo na lang si Seth kung nasaan man siya naroroon ngayon at nasisiyahan habang nanonood. Severus already lost his soul.


Marahas na pinisil ni Severus ang mukha ni Aivee sa magkabilang panga. "Balak mo ba siyang tulungan? Are you planning to betray me?" mariin niyang tanong. Hindi nakapagsalita si Aivee. Mariin siyang napapikit at mahinang dumaing nang ihampas ni Severus ang ulo niya sa sahig.


Naglabas si Rigel ng dalawang mababangis at malalaking lobo upang atakihin si Severus. Since Rigel's magic is reality, his wolves were real and breathing. Tinangkang kagatin ng isang lobo si Severus sa tagiliran pero malakas na itim na puwersa ang pinalabas niya upang atakihin ang lobo. Lumipad ito sa malayo at tumama ang katawan nito sa mga posteng gawa sa marmol.


Malakas itong umungol sa sakit at nagtamo ng ilang hiwa sa katawan. Sunod naman na inatake ni Severus ang isa pang lobo na nagtangkang dambahin siya. Mahahaba ang mga pangil nito at nakaamba na upang kagatin ang balikat niya. Severus used the floor to attack. Several long spikes made of sharp cement and marble suddenly shielded him from the wolf.


Malakas na alulong ang narinig sa loob ng silid dahil sa pagbaon ng mga spikes sa katawan ng lobo. Tahimik na nagngitngit si Rigel sa nangyari. Ang isang lobo naman ay nagtangkang sugurin muli si Severus pero ganu'n din ang sinapit niya. Rigel let his wolves vanish in thin air. Muli namang hinarap ni Severus si Aivee na sinasakal pa rin ng itim na puwersa.


"It will be easier to use you," walang emosyong saad ni Severus. He chanted a spell. A dark spell that made Aivee tremble in fear. Nagtangkang tumakbo sina Zirrius at Rigel upang tulungan siya pero napalibutan sina Severus ng matatalim na spikes at halos hindi na sila makita pa.


Malakas na napasigaw si Aivee dahil sa hindi matawarang sakit na nararamdaman niya. She was screaming in unexplainable fear and agony. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang katawan dahil sa kung ano mang itim na mahika ang pumapasok sa loob ng sistema niya. Nakikita ko na ang namumuong luha sa mga mata niya at nahihirapan na rin siyang huminga.


Pinasabog ni Rigel ang mga spikes na nakaharang sa daan nila pero natigilan siya nang bahagyang lumindol. The spikes moved towards his direction and attacked him. Mabuti na lang nakatalon siya sa tagiliran at naiwasan ito.


Zirrius tried to negate Severus' control over the floor. Ipinatong niya ang isang kamay sa sahig. He murmured a spell so softly. The whole place trembled as if it was bowing down before his power. Tumigil ang mga spikes na humahabol kay Rigel. Unti-unting bumalik ang sahig sa dati nitong anyo na tila napakalma ito ni Zirrius.


Nang bumaba ang mga spikes at makita nila si Severus, nakangisi na ito sa kanila. Hinihingal si Aivee at sumusuka na ng dugo. Unti-unting namuo sa leeg ni Aivee ang isang marka. Isang markang kinatatakutan ng lahat. "


The black crescent moon mark is now present on her neck and she was suffering in so much pain. Malakas siyang sumigaw pero paos na.


"Now, you can't escape," mahinang saad ni Severus bago tumayo at tiningnan sina Rigel at Zirrius nang diretso. Wala na talagang emosyon na makikita sa mga mata niya. Tanging kasamaan at kalupitan na lang ang natitira.


"Fight them," marahas na utos ni Severus kay Aivee habang unti-unting nawawala ang itim na usok na nakapalibot sa leeg niya. I could clearly see the fear and defiance in her eyes but her body moved on its own.


She can't defy his orders. Siguro kung sabihin ni Severus na magpakamatay siya ay susunod pa rin siya. Umiilaw ang marka sa leeg niya kapag pinipilit niyang hindi sundin si Severus. Pero kakaibang sakit naman ang idinudulot nito sa katawan niya kapag ginagawa niya ito. She really couldn't escape.


Aivee's hands shifted into big and sharp claws. Hindi man niya gusto, lumabas ang mga pakpak niya at mabilis na sumugod kay Rigel. Nagliwanag naman ang kwintas na suot ni Severus kaya lalo siyang napangisi.


Natigilan ako nang magliwanag din ang magic circle na kinaroroonan ko. Malakas na nagmumura si Damon dahil hindi niya magawang pagalingin ang sugat ko sa dibdib. Nanatili itong nakabuka at patuloy na nagdudugo.


Malakas na napamura rin si Zirrius dahil nararamdaman na niya ang pagpapanic ni Damon. Lumabas ang Devil Fire sa kamay niya at determinado siyang harapin si Severus kahit ikamatay pa niya.


Kapansin-pansin ang galit na nararamdaman ni Zirrius pero pilit niyang kinakalma ang sarili. He was trying his best not to be careless.


"That mark..." seryosong panimula ni Zirrius. He was intently looking at Severus mark. Nagliliwanag ang marka at may mga itim na ugat na kumakalat sa leeg ni Severus at unti-unting gumagapang mula sa leeg niya patungo sa kabuuan niya.


He was already corrupted. Wala na talaga siya sa tamang pag-iisip at ang tanging nasa isip lang niya ngayon ay ang gawin ang ritwal at patayin kung sino man ang pipigil sa kanya.


Wala na talagang kahit kaunting liwanag na makikita sa mga mata niya. It was hollow and empty as if he already lose a soul. Yes. He already lose it. He already lose himself. And the only way to save him is to kill him.


Mariin akong napapikit. Gusto kong sumigaw upang makuha ang atensiyon nilang lahat pero imposible ngayong isa na akong kaluluwa. I'm now a soul who lose her voice.


Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko ang nakakalokong pagngisi ni Severus. "This is power..." he said as he touched the mark on his neck. "Nag-uumapaw ang kapangyarihan ko dahil sa markang ito." Sinasabi niya ang mga salitang ito na tila wala ng makakatalo o makakapigil sa kanya. Sinasabi niya ito na tila sinasamba niya ang markang nakaukit sa balat niya.


Mas lalong umigting ang panga ni Zirrius at umiling. "You won't hold that power any longer. Hindi na kakayanin ng katawan mo. That power is feeding into your body and soul. Kinakain nito ang lakas at buong sistema mo. It will destroy you soon enough that you'll turn into a monster," mariing wika ni Zirrius. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang impormasyong ito. O siguro napansin lang niya dahil sa kumakalat na itim na ugat sa leeg ni Severus.


Tila naaawa rin si Zirrius sa nangyayari kay Severus. Siguro nga napansin na talaga niya. "Hindi ikaw ang ugat ng lahat ng problemang ito," Zirrius finally concluded. "Mukhang hindi mo na rin nakikilala ang sarili mo."


Umigting ang panga ni Severus dahil sa tinuran ni Zirrius. Hindi niya nagugustuhan ang mga naririnig niya. He gritted his teeth in frustration. "I know who I am. I know who I am meant to be. I am meant to rule the world. I'll be your King and everyone's King! Ako ang magiging makapangyarihan sa lahat! Katatakutan ako ng lahat at luluhod kayo sa harapan ko." Severus bared his teeth in a look of extreme displeasure. Halatang nauubos na ang pasensiya niya kay Zirrius.


Umiling si Zirrius. "You can't rule this world. Kahit na magtagumpay ka sa binabalak mo ngayon, iba naman ang makikinabang. Hindi mo na hawak ang katawan at isip mo, maging ang kaluluwa mo. At kung sino man ang kumukontrol sa 'yo, kayang-kaya ka niyang patayin kapag nagawa mo na ang misyon mo. You're nothing but a puppet for him. Just a piece of shit that he can control for his own pleasure," he added. Halatang inuubos ni Zirrius ang pasensiya ni Severus. "You're nothing but trash. He can discard you anytime. Naiintindihan mo ba ako?"


Mas lalong nagngitngit si Severus. Kaunti na lang talaga at susugudin na niya si Zirrius. Hindi na siya kalmado ngayon.


"You'll still die whatever outcome this battle may offer," mabigat na wika ni Zirrius. "But it will be more merciful if you die in my hands. It will be fast. I'll free your soul so you can die peacefully," dagdag pa niya.


Naningkit ang mga mata ni Severus dahil sa sinabi niya. Ilang segundo lang ay malakas na tumawa si Severus na tila nahihibang na si Zirrius. "Don't make me laugh!" Severus spat. "Hindi mo ako kayang patayin. Hindi ako mapapatay ng kahit na sinuman!" asik pa niya.


Sa kanang kamay ni Zirrius, kung saan umaalab ang itim na apoy, biglang lumabas ang espada niya. Ito ang espadang madalas niyang ginagamit noon. Ang espadang ibinigay sa kanya ng kanyang ama. I meant his human father. Pero hindi ako sigurado dahil sa elven ancient language na nakatatak dito. Maybe Zara put the elven language on his sword. Halos mapakunoot-noo ako dahil sa mga bagay na nagagawa niya ngayon. Lumakas na siya. Tila alam na alam na niya kung paano gagamitin ang kapangyarihan niya.


Maybe he really has an inborn talent to use magic. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero lumakas na agad siya. The sword was glistening in gold. Napansin ko rin na tila umiilaw ang mga letrang nakaukit sa katawan nito. The Devil Fire traced those ancient letters. As if it was merging with the sword.


Zirrius chanted a spell to strengthen the sword's power. Pakiramdam ko, mas naging matalas ang talim nito. Inilabas din ni Severus ang espada niya. A black sword glistening of darkness.


Sa isang iglap lang ay pareho na silang kumilos. Halos hindi na sila makita dahil sa sobrang bilis nila. Siguradong mananakit ang mga mata ng sinumang manonood sa kanila. Nagpalitan sila ng atake at matinis na nagtatama ang mga espada nila.


They managed to slash open their arms. Napansin ko ang itim na usok sa mga sugat nila. Hindi ordinaryong espada ang ginagamit nilang dalawa. Those wounds were hard to heal. Dumadaloy ang mapulang dugo mula sa mga sugat nila at kahit nasasaktan sila, hindi nila ipinapahalata sa isa't isa.


Sabay silang naglalabas ng Devil Fire at tila magkasinglakas lang ang mga puwersang pinapakawalan nilang dalawa. Halos liparin silang dalawa kapag nagtatama ang mga Devil Fire na pinapakawalan nilang dalawa. Naramdaman ko rin ang pagyanig ng buong templo dahil halos gumuho na ito sa palitan nila ng kapangyarihan.


Halos mabutas ang marmol na sahig. May ilang posteng natumba sa loob. Hindi naman mapigilan ni Rigel si Aivee na patuloy na umaatake sa kanya. Naririnig ko na ang sunud-sunod na pagmumura ni Rigel habang pareho na silang duguan. Hindi titigil si Aivee hangga't hindi napapatay si Rigel.


Halos lahat sila ay pawisan na dahil sa pakikipaglaban. Habol na nila ang hininga. Hindi ko alam kung ilang oras na ba silang nagpapalitan ng lakas. Makikita na sa lugar ang mga dugo nilang pumatak sa sahig.


Zirrius twisted his body to avoid a direct blow from Severus. Nagawa rin niyang makapunta sa likod nito. Mahina siyang sumambit ng mahika at pinasabog ang likod ni Severus. Tumilapon si Severus sa sahig. Pulang likido ang dumaloy sa natamong sugat ni Severus.


Pinilit ni Severus na agad tumayo, pero bago pa man siya makatayo, tinakbo na agad ni Zirrius ang distansya sa pagitan nilang dalawa at handa na ang espada niya upang itarak sa likod ni Severus. Napalibutan si Severus ng nag-aalab na itim na apoy.


Natigilan na lang si Zirrius nang mawala si Severus sa harapan niya. Hindi niya alam kung saan nagpunta si Severus kaya naalarma siya. Mahinang dumaing si Zirrius nang maramdaman niya ang pagbaon ng malamig na patalim sa likod niya. Marahas na binunot 'yon ni Severus. Tila nanginig ang mga tuhod ni Zirrius dahil sa panghihina.


Lumabas ang itim na usok sa mga kamay ni Severus. "Siguro mas maganda kung gagawin kitang isa sa mga alagad ko. You'll have the mark that you loathe. You'll be my puppet," Severus said with cruelty on his voice.


Napasinghap ako at natigilan. Natakot ako para kay Zirrius. Kung magtatagumpay si Severus na lagyan si Zirrius ng marka, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. I couldn't watch this any longer. I have to think on how to escape this magic circle. I have to do something!


Bago pa makalayo si Zirrius, may usok na pumalibot sa buong katawan niya. The smoke suppressed his moves. Unti-unting humigpit ang itim na usok na nakapalibot sa katawan niya. Nabitawan na ni Zirrius ang hawak niyang espada. He was in extreme pain. Lalong humihigpit ang itim na usok at halos hindi na siya makahinga.


Akmang itatapat na ni Severus ang kamay niya sa leeg ni Zirrius pero may pumigil sa kanya.


Natigilan kaming lahat nang biglang sumabog ang liwanag mula sa magic circle pero panandalian lang din 'yon. Hindi ko maintidihan ang mga nangyayari.


Napasinghap ako nang makita ang pendant na lumutang sa ere habang nagliliwanag. The pendant was made of angel's wings that were curled into a circle. Now the angel's wings moved as if it were spreading its wings widely. Maging ang apat na elemental stones na nasa pendant ay humiwalay dito at pinalibutan ang pakpak. The crown in the middle of the angel's wings was glowing brightly and elegantly. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito o kung ano man ang mangyayari.


Severus seemed to know what to do. "It's time," he whispered. He chanted a spell to continue the ritual. Natigilan ako nang lumabas ang maraming tanikala sa iba't ibang parte ng magic circle. Tinangka kong tumayo at tumakbo pero hindi ko na naiwasan ang mga tanikalang ito na biglang pumulupot sa katawan ko.


Malakas na sumigaw ako dahil sa sakit at unti-unting paghigpit ng mga tanikala sa katawan ko. Unti-unting lumutang sa pinakagitnang bahagi ng magic circle ang pendant. The elemental stones took its rightful positions on the magic circle and the winged crown rested at the middle. In front of me.


Umigting ang mga panga ni Zirrius habang pinagmamasdan ang mga nangyayari. It's a shame that he couldn't even see me. Unfortunately, no one will see me suffering.


Muli niyang tiningnan si Severus habang tahimik na nagngingitingit. Masamang tingin ang ipinukol ni Zirrius kay Severus, kung nakamamatay lamang ang tingin, tiyak na hindi na niya kailangang labanan pa si Severus.


Nag-aalab na itim na apoy ang biglang pumalibot sa kinatatayuan ni Severus. Naagaw ni Zirrius ang pansin ni Severus dahil sa ginawa niya. Kahit may mga itim na usok na nakapulupot sa kanya, nagawa pa rin niyang gumamit ng mahika. Umangat ang sulok ng labi ni Severus habang pinagmamasdan si Zirrius.


"Huli ka na," mapang-uyam na wika ni Severus. "Hindi mo na siya maibabalik pa. Hindi ordinaryong punyal ang ginamit ko upang patayin siya. Hindi maghihilom ang sugat. Isa na siyang alay ngayon."


Napansin ko ang mariing pagkuyom ng kamao ni Zirrius dahil sa galit. "Hindi ka magtatagumpay. Akala mo ba ganu'n lang kadali ang lahat? Hangga't hindi mo ako napapatay, hindi ko papayagang magtagumpay ka. At kung sinuman ang nasa likod ng lahat ng ito, babalikan ko siya," mariing wika ni Zirrius. Tila alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Babalik siya sa Alveria upang talunin ang hari. Siguro, iniisip na talaga niya na si King Aulius ang may kasalanan ng lahat ng ito.


Siguro nga, maaaring tama ang hinala niya pero maaari ring mali siya.


Kapansin-pansin na gumapang na ang mga itim na ugat hanggang sa braso ni Severus. Gumagapang na ito sa buong katawan niya.


Ngumisi nang nakakaloko si Severus. "Because the ritual is more important than anything else, I will not waste time to put that mark on you," saad niya. "This fire? I can easily extinguish it," seryosong saad ni Severus at walang kahirap-hirap na naglaho ang Devil fire sa paligid niya.


Naglakad na si Severus patungo sa gitnang bahagi ng magic circle at mas lalong humigpit ang usok na pumipigil sa kay Zirrius. Halos mapasigaw siya dahil halos bumaon na ang itim na usok na 'yon sa laman niya.


Nakagat naman ni Damon ang labi dahil tila nawawalan na siya ng pag-asa upang pagalingin ako. Kahit ibuhos niya ang buong lakas niya ay hindi sumasara ang sugat sa dibdib ko.


Humahangos na pumasok sa loob si Zion. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang napakalaking magic circle sa itaas. Kumunot ang noo niya nang makita ako. Maging ako ay natigilan dahil pakiramdam ko, tinitingnan niya ako na parang nakikita niya ako. Bumundol ang kaba sa buong sistema ko.


Bumaba ang tingin niya kay Severus na ngayon ay nakataas na ang dalawang kamay sa magic circle. Nagsisimula na talaga siya sa ritwal. Agad na tumakbo si Zion kay Damon. Natigilan din siya nang makita ang katawan ko na nakahiga sa marmol na mesa.


Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa kaluluwa ko at sa katawan ko. Malakas akong napasigaw dahil mas lalong humigpit ang tanikalang nakapalibot sa 'kin. May puting usok na biglang lumabas sa 'kin. Hindi. Hindi ito isang usok. Isa itong puting apoy. As if the chains were extracting the Angel Fire out of my soul.


Kapag nagtagumpay si Severus na matapos ang ritwal, tuluyan na akong mawawala.


"Pigilan mo si Severus. Ako na ang bahala kay Avery," seryosong saad ni Zion. Mariing kinagat ni Damon ang labi at sinunod ang utos ni Zion. Zion checked my whole body and my wounds. "This is not good," he whispered. Napansin din niya ang gintong punyal na nahulog sa sahig. Nakagat niya ang labi dahil mukhang alam na niya na mahirap pagalingin ang sugat.


Napansin ko na tila nagpupumiglas si Zirrius sa usok na pumipigil sa kanya. Halos nababalot na siya ng itim na apoy dahil desperado na siyang makawala mula rito. Ginagawa na niya ang lahat ng makakaya niya upang makawala kahit masunog pa ang buong katawan niya. I hope he can survive his own fire.


Pinalipad naman ni Damon ang isang natumbang poste patungo sa direksiyon ni Severus. Muntik na itong hindi maiwasan ni Severus kung hindi siya gumulong sa sahig. Mahinang nagmura si Severus dahil naantala ang ginagawa niyang ritwal.


Malakas na napasigaw si Severus dahil sa biglang pagsakit ng ulo niya. I think Damon was trying to control his mind. He was trying to destroy Severus' defenses. Halatang mas lalong tinitibayan ni Severus ang depensa ng utak niya.


Naglakad papalapit sa kanya si Damon na halatang walang balak maawa kay Severus. Hindi siya magpapakita ng awa hangga't hindi siya nakakaganti sa lahat ng ginawa ni Severus. Hindi siya magpapakita ng awa hangga't hindi ako nabubuhay.


Kapansin-pansin ang malalaking butil ng pawis sa noo ni Damon dahil nahihirapan siyang pasukin ang utak ni Severus. Nang mapansin ni Severus na papalapit na siya, itinapat niya ang kamay sa direksiyon ni Damon at nagpakawala ng Devil Fire.


It was huge like a spreading wildfire. Halos wala ng tatakasan si Damon. Maging sina Aivee, Rigel at Zirrius ay nahagip sa pag-atakeng ginawa ni Severus. All of them were burned. Nabalot ang buong silid ng itim na apoy. Hindi ko na rin alam ang nangyari kay Zion at sa katawan ko. Ngumisi lang si Severus at ipinagpatuloy na ang ritwal.


Muling umusok ang kaluluwa ko na tila natutunaw. Naririnig ko lang ang malalakas kong sigaw. Nararamdaman ko na pagod na pagod na ang kaluluwa ko. Nakikita ko kung paano kumikinang ang maliit na koronang may pakpak sa harapan ko. I couldn't think of a way out.

****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro