Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 56: Sacrifice

"Rest assured for it takes more than chaos to break us apart..."


AVERY


Nanlalamig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko may humihigop sa kaluluwa ko. Hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil sa panghihina at sa pagod. Maraming nawalang dugo sa sistema ko at tiyak na namumutla na ako. Hindi ko man lang mapigilan ang kung ano man ang nangyayari sa 'kin.


Naninikip ang dibdib ko at tila nauubos ang natitirang lakas ko. Siguro nga naghahabol na talaga ako sa hininga. Masyadong masakit sa dibdib ang nangyayari sa 'kin. I was not even sure if I was screaming in pain. Pero pakiramdam ko, kahit sumisigaw man ako ngayon, wala ng tinig na lumalabas mula sa bibig ko. Namamaos na ang boses ko.


Natigilan na lang ako nang makita ang sarili ko na nasa loob ng isang magic circle. O mas tamang sabihin na nakakulong ang kaluluwa ko sa loob ng magic circle na ito. Napasinghap na lang ako nang magliwanag ang bawat linya sa magic circle. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makatakbo. May hindi nakikitang puwersa ang pumipigil sa 'kin upang gumalaw.


Natigilan na lang ako nang may sumulpot na mga tanikala kung saan-saan. Mahina akong dumaing nang pumulupot ang mga tanikalang ito sa buong katawan ko. Napangiwi ako dahil naramdaman kong sakit nang umigting ang pagpulupot nito sa katawan ko. Unti-unti itong umigting na tila sisirain ang buong kaluluwa ko hanggang sa maglaho na lang akong parang bula.


Sobrang bumabaon sa kaluluwa ko ang mga tanikalang ito kaya hinihingal na napasigaw ako nang malakas. It was piercing through my soul as if it wanted to break me.


Natigilan na lang ako dahil sa saglit na liwanag na nakita ko at bumalot sa 'kin. Nawala ang mga tanikala at tila bumalik ang kaluluwa ko sa katawan ko.


Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay. Gising na ang diwa ko pero hindi ang katawan ko. Naramdaman ko lang na tila unti-unting bumalik ang lakas ng katawan ko pero hindi ko pa rin maigalaw ang mga daliri ko. Ang ilang mga sugat ko ay hindi na sumasakit at para bang gumaling na ito.


Kahit hindi na sumasakit ang mga sugat ko, hindi pa rin sapat ang lakas ko upang gumalaw. Gumaan lang ang paghinga ko at naging maayos na. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik dahil hindi na ako napapalibutan ng magic circle. Hindi ko tuloy matukoy kung totoo ba 'yon o panaginip lang.


Sa palagay ko, may nagpapagaling sa 'kin. Nararamdaman ko ang kapangyarihan niya na dumaloy sa katawan ko. Pero natigilan ako nang makarinig ako nang malakas na sigaw at malutong na mura bago naglaho ang kapangyarihang nagpapagaling sa 'kin. Hindi ako maaaring magkamali. Kay Severus ang boses na 'yon.


Hindi ko lang alam kung bakit tila nahihirapan ang sigaw niya kanina. Tila lumalaban siya sa kung anumang nagpapahirap sa kanya.


Saka ko lang naalala ang mga nangyari. Natalo ako ni Severus at dinala niya ako sa templo. Naalala ko kung paano siya gumawa ng napakalaking magic circle na nagdudugtong sa iba't ibang kaharian. Gusto kong kagatin ang labi ko pero hindi ko magawa. Pinipilit ko'ng gumising para mapigilan siya pero masyado pa akong mahina.


Nanikip ang dibdib ko nang maalala ko ang mukha ni Zirrius nang saluhin niya ako mula sa pagbagsak. Sa halip na ako ang tumama sa mga puno, siya ang sumalo ng lahat ng 'yon. Sinuntok pa siya palayo ni Severus upang makuha ako. Gusto kong ikuyom ang mga kamao ko. Hindi maaaring matapos ang lahat sa ganito.


Pero ano ba ang magagawa ko sa ganitong kalagayan? Mapipigilan ko pa ba si Severus? Hindi. Hindi dapat ako magduda. Hindi ko dapat iniisip ito. Hindi ko dapat kinukwestyon ang kakayahan kong labanan siya. Hindi pa tapos ang labang ito. Hindi pa ako dapat sumuko.


Ilang minuto kong sinubukan na imulat ang mga mata ko. Ilang ulit. Pilit kong iniipon ang lakas ko at nagtagumpay naman ako.


Nang imulat ko ang mga mata ko, pakiramdam ko umiikot ang mundo ko dahil sa nanlalabong paningin ko. Napansin ko ang natuyong dugo na nagmula sa mga sugat ko at bumahid sa mga talukap ng mata ko. Unti-unting luminaw ang paningin ko. Sa halip na gumaan ang loob ko dahil sa nangyayari, nabalot pa ako ng takot.


Nakita ko si Severus na may hawak na gintong punyal sa dalawang kamay. Handa na niyang itarak ito sa dibdib ko. Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa takot. He was chanting some unfamiliar dark spell. Nakataas na ang gintong punyal niya sa ere at nakatutok na sa dibdib ko.


Tumitig siya sa 'kin nang matapos na ang ritwal na isinasagawa niya. Ngumisi siya nang nakakaloko. Alam kong hindi ito ang mga mata ni Severus. Masyado itong matalim at puno ng kasakiman. Alam kong may gumagamit lang sa kanya. Halos mapasinghap ako at mawalan ng hininga nang igalaw na niya ang mga kamay.


Walang pag-aalinlangan na diretso niyang itatarak ang gintong punyal sa dibdib ko. Before he could even hit my chest, he froze. He froze and I did too. Hindi ko alam kung anong nangyari. Pakiramdam ko lahat ng bagay sa paligid ay tumigil din. O mas tamang sabihin na tila tumigil ang oras para sa lahat.


Natigilan na lang ako nang bigla akong nabalot ng kadiliman.


Hindi ko masabi kung ba nawalan ako ng malay. Pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa gitna ng madilim na lugar. O mas tamang sabihin na nakatayo ang kaluluwa ko sa madilim na lugar.


"Avery..." Malamyos ang tinig ng tumawag sa 'kin mula sa likod ko. Ramdam kong pagod na pagod na rin ang tinig niya. Tila ayaw na niyang magsalita at makipag-usap pa. Pero pinipilit pa rin niya.


Nilingon ko siya. Nakatayo si Severus habang pinagmamasdan ako. Isa siyang kaluluwa katulad ko sa lugar na ito.


Naguguluhang tiningnan ko siya. Naalarma ako dahil sa nakikita ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero alam kong wala akong kakayahang gumamit ng mahika ngayon. Hindi ako sigurado kung ganun din siya.


Bahagya akong umurong upang mag-ingat. Napansin kong tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa reaksiyon ko. Tila bahagyang nagliwanag ang mga mata niya. Halatang naaaliw siya dahil sa ginagawa ko. Marahan siyang umiling at humalukipkip.


"Hindi mo kailangang mag-alala," seryosong saad niya. "Hindi niya ako kinokontrol ngayon," dagdag pa niya. "Hindi niya alam ang nangyayari sa 'ting dalawa ngayon."


Naguluhan ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko magawang maniwala kahit gusto ko pa. Although I could see the softness in his eyes, it's still not enough to trust him. Kahit nakikita ko na hindi na niya gustong makipagtalo pa, gusto ko pa ring mag-ingat.


"Ginamit ko ang lahat ng natitirang lakas ko para makita ka. Para makausap ka. But you reacted like this." he said with a pout. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa inaasal niya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa dahil sa ikinikilos niya. He was acting like a child. I still distant myself from him even though I could feel his sincerity.


"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. "Ginamit mo ang natitira mong kapangyarihan para lang makita ako?"


Marahan siyang tumango at ngumiti sa 'kin. It was a charming, innocent smile. I hate him sometimes when he was being like this. For using his charms on situations like this. "I need to see you before it's too late. Bago pa siya, magtagumpay. I'm thinking as clear as the sky right now. You can trust me," he said with sincerity. "Just trust me this once," malungkot na saad niya. "Don't worry. This will be the last."


Napalunok ako. Natigilan ako dahil sa nagsusumamong tinig niya. I couldn't let him down, right? Especially when it was the last. But I don't want this to be the last.


Pero gusto ko pa rin siyang subukin kahit na nakukumbinsi na niya ako. "Paano ako maniniwala sa 'yo, matapos ang lahat ng ginawa mo?" mariing tanong ko sa kanya.


Sumeryoso siya at tumingin sa malayo. "Naramdaman mo ba kanina na tila gumaling ka na? I healed you while I'm battling with him internally," sagot niya. "You need your strength back in order to defeat him. Pinigilan niya ako sa ginagawa ko at pilit na kinontrol ang katawan ko. Now, he is pointing that dagger straight to your heart. Kapag nagawa niya 'yon. Tuluyan ka ng makukulong sa magic circle."


Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Siya pala ang nagpagaling sa 'kin. I was grateful. But I just don't know how to thank him. Pero kinabahan din ako. Makukulong ako sa magic circle? Hindi kaya totoo ang mga nangyari sa 'kin kanina? Puno ng tanong ang isip ko. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin at paniwalaan ngayon.


Marahang naglakad siya patungo sa 'kin. Hindi ako natinag sa kinatatayuan kahit nakaramdam ako ng kaunting kaba. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. Malalim ang mga mata niya. Tila marami itong alam na sikreto sa mundong ito na hindi ko man lang alam.


Tumigil siya sa harapan ko. Halos isang hakbang na lang ang pagitan namin. I know I was just a soul but I wanted to tremble. Not because of fear but because I could feel all the hardships he went through alone. Tila gusto niyang ipakita sa 'kin lahat. Tila gusto niyang malaman ko lahat. And I symphatized with him. I could only symphatize with him. And I know, it's not a good thing to just symphatize. I would rather want to help if I could.


"You know it's not me," marahang wika niya. "You are familiar with that mark. Alam mo ang kayang gawin nito. Kung ano man ang mga ginawa ko, hindi ko 'yon ginusto. Hindi mo alam kung paano nahihirapan ang kaluluwa ko sa tuwing gumagawa ako ng mga bagay na salungat sa kagustuhan ko. I never wanted a throne but someone else did. Someone more powerful than I am," seryoso at may kalungkutang sagot niya. Nakikita ko ang pagsisisi sa mga mata niya. It was harder to look at him this way. He smiled when he noticed how uncomfortable I became.


Hindi ako makagalaw at makapagsalita dahil sa mga sinasabi niya ngayon. Tila may malaking bikig sa lalamunan ko pero alam kong kaluluwa lang ako. Nakakatuwa na ganito ang nararamdaman ko. It's odd. Ramdam na ramdam ko ang paghihirap niya. Bahagyang napapitlag ako nang haplusin niya ang pisngi ko. Marahan at magaan. He looked intently at me. Tila sinasaulo ang itsura at bawat detalye ng buong mukha ko para hindi niya makalimutan.


Hindi ko siya pinigilan. Pakiramdam ko, dahil sa ginagawa niya, nagpapaalam na siya. Hindi ko magawang ipagkait sa kanya ang kaunting oras na ito. Pero gusto kong maiyak dahil sa pinagdadaanan naming lahat ngayon. Alam kong lahat kami ay nahihirapan. If only I could do anything to ease our pains.


"Even if I wanted to change, my soul is already corrupted. I will not hold long. Tuluyan na akong mawawala pagkatapos ng pag-uusap nating ito. Tuluyan ng mawawala ang natitirang bakas ng pagkatao ko. Ito na lang ang natitirang kapangyarihan ko at hindi ko na kakayaning labanan pa ang kapangyarihan ng kumukontrol sa 'kin. I just want to see you and warn you. Just one last time. Just this once," mabigat na saad niya.


Nalulungkot ang kaluluwa ko dahil sa mga sinasabi niya. Tila gusto kong umiyak. Siguro nga umiiyak na ang kaluluwa ko para sa kanya. "Sino siya?" nahihirapang tanong ko.


Malungkot na ngumiti siya. "Ang bunsong kapatid ko," mahinang sagot niya. "Si Seth. The reincarnation of the Dark Emperor." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Seth? Akala ko si King Aulius?


Alam kong napansin ni Severus ang pagtataka ko. "Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon," paglilinaw niya. Mas nagiging kumplikado ang sitwasyon dahil sa mga nalalaman ko. Posible ba na nagpalit siya ng anyo? Pero sinabi niya na bumalik ako sa Alveria upang malaman ko kung sino siya, hindi ba?


"You don't have any time left. Kailangan mo akong patayin," seryosong dagdag pa ni Severus. Nakikita ko ang matinding determinasyon sa mga mata niya. Tila nagmamadali na siya. "Wala na akong oras. Nauubos na ang lakas ko."


Pakiramdam ko, nanginig ang kaluluwa ko dahil sa sinabi niya. "Bakit kailangan kitang patayin?" gulat na tanong ko sa kanya. "Hindi ba dapat hanapin natin ang kapatid mo at pigilan siya? Kailangan mo kaming tulungan na hanapin siya!"


Ngumiti siya nang malungkot. "Kailangan mong iligtas ang mga Asterian. Tanging ang pagkamatay ko lang ang magpapalaya sa kanilang lahat. Hindi kita matutulungan na hanapin ang kapatid ko," paliwanag niya.


Napasinghap ako at napaawang ang mga labi. "Wala na bang ibang paraan? Wala ka bang alam na paraan upang matanggal ang marka sa kanila?" desperadang tanong ko sa kanya.


Umiling siya. "You have to kill me. I'm the only link Seth got to control the Asterians. Kapag wala na ako, mawawala na rin ang mga marka sa mga Asterian. Hindi na niya makokontrol ang mga ito. If you successfully killed me, go after the source. Go after Seth. Nakatitiyak ako na hindi lang kami ang kinokontrol niya. You have to kill him to save everyone. You have to kill the source. Para hindi na maulit ang lahat ng ito."


Hindi ako makapagsalita habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. He was really asking me to kill him? Ngumiti lang siya sa 'kin.


"Sa tingin ko, alam na nilang lahat kung nasaan ka dahil sa napakalaking magic circle na makikita sa kalangitan. You're in the middle of that magic circle. YOu are a sacrifice. Tiyak na paparating na sila upang tulungan ka. Huwag kang mag-alala. You're with them so you'll be fine. Pakinggan mo lahat ng sinasabi ko sa 'yo. Huwag kang magdadalawang-isip na patayin ako dahil kapag ginawa mo 'yon, ikaw ang mawawala. Don't give him the power to destroy everything."


Malalim na bumuntong-hininga siya na tila nahihirapan at kumukuha ng lakas.


Ilang ulit pa niyang hinaplos ang mukha ko bago ibinaba ang kamay. "I meant it," he suddenly voiced out. Nagtatakang tiningnan ko dahil hindi ko naintindihan ang tinutukoy niya ngayon. Naglaro ang napang-akit na ngiti sa kanyang maninipis na labi.


"That it's good that you're finally back," he said with a smile. "I saw light in you. I know, I can finally rest in peace."


Hindi ko na alam kung umiiyak ba ako. Siguro may kakayahan talagang umiyak ang mga kaluluwa. Hindi ko man nararamdaman ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko, alam kong nasasaktan ako para sa kanya. I wanted to save him too. I wanted him to live a better life than this.


"I'm sorry..." mahinang wika ko.


Ngumiti siya na puno ng kalungkutan. "No. I'm sorry... I'm the one who should be. Hindi ko man lang napigilan ang kapatid ko sa kasamaan niya. I even became his pawn. I'm weak."


Marahan akong umiling. "Hindi ka mahina..."


"Please... I'll be leaving soon, so just smile for me this time, alright?" he said with a weak smile. Nakagat ko ang labi ko habang naguguluhang tumingin sa kanya. "I don't really want to say goodbye but it's already time to leave. Be strong. Just smile for me this once."


Parang mas lalo akong naluha sa sinabi niya. Kahit napipilitan, ngumiti ako para sa kanya. And he smiled back. Nanigas ako sa kinatatayuan nang bumaba ang mukha niya sa mukha ko. What does it felt like to kiss another soul? Are you really able to feel it?


"Don't let anyone know. I don't care if they considered me a villain. I just care about what I am now when I'm with you. This moment is just about you and me. And I'll cherish and remember this forever. Thank you for everything."


His lips lightly touched mine as light as a feather. As if he doesnt want to be forgotten. As if he just wanted to touch my soul for a while, just for a while. And then he disappeared. He's gone. Like the wind. And I wanted to cry.


I was left alone with no choice but to kill him and erase him forever. I have to kill him like he was a villain and no one will know what he had done to save everyone. He offered his life just to save everyone. Only me knows.


"Goodbye." That's his last word and everything went black.


Napasinghap ako nang muling bumalik ang liwanag sa paligid. Muling gumalaw ang oras at nakikita ko ng muli ang loob ng templo. Ang gintong punyal na handa ng isaksak sa 'kin ni Severus. Malinaw ko ng nakikita ang napakalaking magic circle sa harap ko. Hinihingal ako pero nakikita ko na rin ang unti-unting pagbaba ng gintong punyal sa dibdib ko.


Nagawa kong igalaw ang mga daliri ko sa kamay pero hindi sapat 'yon upang pigilan siya.


"Avery!" malakas na sigaw ng tinig nang malakas na sumabog ang pinto ng silid. Nagawa kong ibaling ang tingin sa kanya. Halos mapanganga si Zirrius dahil sa mga nangyayari. Basang-basa siya sa ulan at hapong-hapon. Napansin ko na nakasunod din sa kanila sina Damon, Aivee at Rigel.


Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa mga nangyayari. "Shit! No! Avery!" malakas at desperadong wika ni Zirrius. Halos matulos siya sa kinatatayuan niya nang bumaon ang punyal sa dibdib ko.


Nalasahan ko na lang ang dugo sa bibig ko habang nakatitig kay Zirrius. A single tear escaped my left eye.


Again, he was late but I was still glad that he came.


Halos mapanganga ang lahat dahil sa nasaksihan. Hindi nila magawang makagalaw habang nakaawang ang mga labi. Zirrius released his Devil Fire and attacked Severus desperately.


Hindi ito naiwasan ni Severus kaya tumalsik siya palayo at tumama ang likod sa pader. Nanatiling nakatarak ang punyal sa dibdib ko. Napaubo na lang ako ng dugo. I slowly felt the fang of cold pain in my chest. Cold. Really cold. Kahit ang buong katawan ko ay nanlalamig na rin.


Si Damon ang unang nakahuma at nagmamadaling tumakbo patungo sa 'kin. Bago ko ipinikit ang mga mata ko, kitang-kita ko ang takot sa mga mata ni Zirrius. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Hindi niya matanggap na nahuli siya sa pagdating. Puno ng pag-aalala ang mata siya habang nakatingin sa 'kin. Nanginginig ang kamay at tuhod niya. Nang tuluyan kong ipikit ang mga mata ko, narinig ko pa ang malakas na sigaw niya. Puno ito ng galit at takot. Tila naramdaman pa ng buong katawan ko ang galit na nararamdaman niya. Pakiramdam ko, bahagya pang lumindol bago ako tuluyang nawalan ng malay.

****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro