Soul 55: Death Match
Soul meets soul when eyes meet eyes...
AVERY
The gusts of air inside the huge hurricane was circulating wildly around us. Marahas na nililipad ng hangin ang mahabang buhok ko. Tumatambol sa kaba ang dibdib ko. Deep inside me, I knew that I had little chance of winning. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at ginawa ito ko. Gusto ko na lang talagang matapos ang lahat ng kaguluhang ito. Siguro nga, mas malaki ang tsansa naming manalo kung lahat kami ay lalaban kay Severus pero huli na ang lahat upang magsisi.
But I hoped that they would all come. Maybe, I only need to buy them some time.
Masyadong mapanganib ang hanging pumapalibot sa 'min. Dahil sa mabilis na pag-ikot nito sa loob ng buhawi, mas nahihirapan kaming huminga. Soon, even breathing will be a pain. Hindi na nagiging normal ang pagbaba at pagtaas ng dibdib namin pero hindi namin ipinahalata sa isa't isa na nahihirapan kami. We wanted to look strong in our own ways. No one wanted to surrender and show weakness.
Napansin ko ang pagiging blanko ng mga abong mata ni Severus. Ramdam ko ang pagiging kalmado niya sa labang ito. Tila alam na niya na siya ang mananalo. Mas malaki ang tsansa niyang manalo. Mariin kong kinagat ang labi ko. Pinahaba ko ang maliit na espadang hawak ko upang tapatan ang espadang hawak niya. Hinayaan ko lang sa likod ang pana at palaso ko.
"Tapusin na natin ang lahat ng ito," matapang na saad ko kahit alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. "Tama na. Huwag na nating dagdagan pa ang mga bilang ng magbubuwis ng kanilang buhay para lang sa digmaang ito. Para lang sa ambisyon mo."
He smirked. "Mas madali sana kung sinunod mo na lang ang gusto ko. Hindi ka na sana masasaktan pa," makahulugang saad niya sa 'kin. "But I bet, teaching you a lesson won't hurt. Ibibigay ko sa 'yo kung ano ang hinahanap mo. Still, I won't let you die but I will break your soul until you crumble. Until you gave it up. Until you lose yourself." I could sense the cruelty on his voice. Hindi siya nagbibiro. Diretso lang ang tingin niya sa mga mata ko at hindi natitinag.
Mas lalong dumiin ang pagkagat ko sa labi ko. Mariing ikinuyom ko ang isang kamao. Inikot ko sa isang kamay ko ang aking espada at ihinanda ang sarili ko. Dahan-dahang naglakad ako upang ikutan siya. Kung wala akong gagawin ngayon, tiyak na ang buhawi ang siyang papatay sa 'ming dalawa. Hindi dapat ako mag-aksaya ng oras.
Naramdaman ko ang pamumuo ng butil ng pawis sa noo ko. "If you're controlled, I'll help you. I'll find a way to free you. Kung hahayaan mo lang ako'ng tulungan ka." Puno ng pag-asa ang boses ko. Umaasa ako na maaari pa siyang magbago, na maaari pa siyang iligtas.
Pakiramdam ko, bahagyang lumambot ang ekspresiyon ng mga mata niya. "You can't help me," mahinang saad niya. "Not on this condition. Not when I need power," seryosong saad pa niya. Halos magsalubong ang mga kilay ko dahil sa pagkalito.
"Hindi ka ba naaawa sa mga Asterian? Pati sila nahihirapan dahil sa mga nangyayari! Pati sila gumagawa ng masama kahit hindi naman nila gusto! Kahit napipilitan lamang sila! Kahit kinokontrol lamang sila!" galit na sumbat ko sa kanya. "Hindi ka ba naaawa sa nangyayari sa Asteria? If you're really a King, your people matter. Hindi mo sila pahihirapan nang ganito!"
"They're just casualties on this war. Hindi mahalaga ang buhay nila. Hindi mahalaga kung nahihirapan sila. Hindi mahalaga kung sino man sila. At the end, they're just dead bodies and they won't matter. No one will matter except for the powerful," walang emosyong sambit ni Severus. "If you want to save them, then save them if you can. But how can you save somebody else when you can't even save yourself?" naghahamong tanong niya sa 'kin. Biglang humina ang boses niya na hindi ko na narinig pa. "That's why I already gave up." Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. How could he be so cruel? Wala na ba talaga siyang pag-asa? Gusto kong kilabutan dahil sa pagiging walang puso niya. He was colder than ice.
Naninikip ang dibdib ko dahil nasasaktan ako para sa lahat ng elves na nadamay sa kaguluhang ito. Kailangan nilang magsakripisyo para sa ambisyon ng nilalang na 'to. Hindi natinag sa kinatatayuan si Severus. Pinakikiramdaman niya ako. Hinihintay niya ang pag-atake ko.
Dahil sa sobrang bilis ng hangin, malayang nililipad nito ang itim at mahabang buhok ni Severus. All I could see in him was darkness. Sadness. Cruelty. But then, somehow, I could see a glimpse of hope too. A little bit of hope. Pero kaunti na lang talaga at mawawala na 'yon sa kanya.
"I hope death is not the only way to save you. All of you," mahinang sambit ko sa kanya. Tinatagan ko ang loob ko. Mas lalo kong pinabilis ang pag-ikot ng buhawi. Pakiramdam ko, pasan ko sa balikat ko ang lahat ng problema ng buong imperyo na ito.
Mariing hinawakan ko ang espada ko gamit ang dalawang kamay. Walang babalang sumugod ako. I was moving along with the gust of the wild wind. Mabilis ko siyang inikutan habang papalapit ako nang papalapit sa kanya pero hindi pa rin siya natinag sa kinatatayuan.
Agad akong umatake mula sa likod niya. Isang malakas na hampas ng espada ang akmang tatama sa kanya pero mabilis siyang humarap at sinalag ang espada ko gamit ang espada niya. Mariing kinagat ko ang labi dahil sa hindi matatawarang lakas niya. Isang malakas na hampas ang tumama sa talim ng espada ko na bahagyang nagpaurong sa 'kin.
"Hindi mo ako matatalo ng ganito lang. Minamaliit mo ba ako?" nakangising tanong niya sa 'kin. He had this smug expression on his face. He was really confident that he would win. Malakas na sipa ang pinatama ko sa mukha niya pero nagawa niyang umurong. I thrust my sword at him continuously. I made sure not to miss my rhythm and timing. Every slash and every thrust I made was forceful enough for him to take steps backward.
I chanted a spell to blind him with thick fog. Pinatalas ko ang mga mata upang manmanan ang bawat kilos niya. I could see him as he looked around to find me. Before he could even enhance his sight, I already thrust my sword on his side without mercy. Bahagya siyang ngumiwi nang hilahin ko ang espada ko na bumaon sa tagiliran niya. Natitigilan na hinawakan niya ang tagiliran niya. Hindi siya makapaniwala na nakalampas ako sa depensa niya.
He saw the thick scarlet blood that stained his hand. Napansin ko ang pagdilim ng paningin niya. He was not please on the wound he got. Hindi maikakaila sa mukha niya ang naramdamang galit. Mabilis na gumalaw siya at sa isang iglap lang ay nawala na siya sa kinatatayuan niya. Naramdaman ko na lang ang malamig na patalim na bumaon sa tagiliran ko. Naramdaman ko ang sakit sa pagkahiwa ng laman ko.
Marahas akong napasinghap nang walang awang bunutin niya ito nang. Dumaloy ang masaganang dugo mula sa sugat na naiwan sa tagiliran ko. Pain was eating my whole system. Tila gumagapang ang sakit hanggang sa utak ko.
"Now we're even," he stated without regrets.
Desperadang siniko ko ang mukha niya pero agad siyang umurong palayo sa 'kin. Hinarap ko siya habang patuloy na nararamdaman ang pagkawala ngmalapot na dugo sa sistema ko. Muli kong iwinasiwas ang espada ko sa hangin kasabay ng ilang mahika na ginagawa ko upang magtagumpay ako na lituhin siya.
Naitutok ko rin ang kamay ko sa likuran niya at pinasabog ito. Nagawa niyang sanggahin ito gamit ang malakas niyang kapangyarihan. Itim na puwersa ang biglang bumalot sa kanya.
Bilang ganti, isang malakas na mahika ang pinakawalan niya upang pasabugin din ang sistema ko. Mabuti na lang, natauhan agad ako at nakatalon nang mataas. I jumped and did some exhibition so that my head will be downright facing Severus. Agad kong ibinalik ang espada sa gilid ng baywang ko at kinuha ang pana at palaso.
I coated my arrow with blazing fire and hit him. Gumalaw siya upang iwasan ito pero nadaplisan ang balikat niya. Napasinghap ako nang bigla siyang mawala sa kinatatayuan. Nakalutang pa rin ako sa ere nang maramdaman ko siya mula sa likod ko. Isang malakas na sipa ang tumama sa likod ko. Lumipad ako at bumagsak sa sahig.
Halos mabutas ang sahig na binagsakan ko. Ganu'n kalakas ang puwersa ni Severus. Naramdaman ko ang dugo sa noo ko pero hindi ako nagpabaya. Gumulong ako sa sahig upang harapin si Severus na nasa ere pa rin.
Itinaas ko ang dalawang kamay ko at pinaulanan siya ng maramingbomba na gawa sa hangin. Hindi kaagad siya nakagalaw kaya tinamaan siya ng ilan sa mga tira ko. Nahiwa ang ilang parte ng katawan niya habang mabilis akong tumayo. Inilabas kong muli ang pana ko. I didn't bother to coat it with magic. I just want to distract him further.
Nang pakawalan ko ang palaso, tinangka niya itong iwasan pero nakatalon na ako sa ere at akmang bibigyan ko siya ng malakas na sipa. Bago ko pa man siya masipa, itinapat niya agad ang kamay niya sa 'kin. He chanted a spell before I could even kick him. Daggers made of darkness materialized and shoot on my direction.
Natamaan ko man siya nang malakas na sipa ko, bumaon naman sa magkabilang balikat ko ang dalawang dagger na pinakawalan niya. Nahihirapan at napangiwi ako nang bumaba ako sa sahig. Nakagat ko ang labi nang bunutin ko ang mga daggers sa balikat ko.
Napansin ko na nakatayo na rin siya matapos humampas ang katawan niya sa sahig. Bitak-bitak na ang sahig na pinaglalabanan namin. Napansin ko ang bahid ng dugo sa maliit na hiwa mula sa labi niya. May maliit na hiwa rin siya sa pisngi. Seryosong tumingin siya sa 'kin.
Muli kong kinuha ang espada ko. Muling lumabas mula sa kamay niya ang espada niya. Alam naming hindi na kailangan pa ang maraming salita dahil pareho kaming ayaw magpaawat. Hangga't walang namamatay, walang susuko. Hangga't walang sumusuko, tuloy ang laban.
Mabilis na tumakbo kami upang sugurin ang isa't isa. Maingay na nagtatama ang mga espada namin. We're clashing with each other with our own determinations. Pareho kaming napapaurong dahil sa puwersa na nagmumula sa 'ming dalawa. Halos mabalot na rin kami ng mga alikabok at maliliit na bato na nadadala ng malakas na hangin. These was clouding our visions a bit.
We're both bleeding but I received the most hits and wounds. Nagawa kong itapat ang kamay ko sa likod niya, nang mailagan ko ang espada niya at magawa kong makaikot patungo sa likod niya. Isang malakas pagsabog ang tumama sa likod niya.
I managed to somehow stun him for a little while. Ilang hiwa rin ang natamo niya mula sa espada ko bago siya nakalayo sa 'kin. Natigilan na lang ako nang magawa niya akong ikutan nang hindi ko napapansin.
Napasinghap na lang ako nang itapat niya sa gilid ng balikat ko ang kamay niya. Isang malakas na puwersa ang nagpalipad sa 'kin palayo. Hindi ko napigilan ang sunod na nangyari. Tumama ang likod ko sa haligi ng buhawi. Naramdaman ko ang matatalim na hangin nito na tumama sa likod ko. Malalalim na hiwa ang natamo ko mula rito at halos madala ako ng buhawi at nagpaikot-ikot.
Nabitawan ko ang espadang hawak ko at lumipad patungo sa likod ni Severus at bumaon sa sahig.
Sumabog rin ang mga palaso ko at lumipad kung saan-saan. Nahulog ang pana ko sa pinakagitna ng kinaroroonan namin. Muntik na rin akong matamaan ng mga pana ko. Mabuti na lang, nagawa kong ilayo ang sarili ko mula rito. Bumagsak ang sugatang katawan ko sa sahig.
Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng labi ni Severus nang tumingala ako sa kanya. "Give up," he stated with cruelty on his voice. Nagngingitngit ang kalooban ko sa galit habang pilit na tumatayo. Halos masira na rin ang armor na suot ko.
Kahit na nababalot na ng malapot na dugo ang ilang bahagi ng katawan ko, hindi pa rin ako susuko. Iginalaw ko ang isang kamay ko. I made a sword out from my magic. A sword made of Angel Fire, a sacred fire. The sword was blazing with hot and elegant white fire. It was beautiful and fierce on its own right.
"Wala ka talagang balak sumuko?" naiiling na tanong ni Severus. Ihinanda niya ang espada niya. He coated it with Devil Fire and it was now blazing as well as mine.
"Hangga't humihinga pa ako, hindi ako susuko. Hindi sa 'yo o sa kahit na sino," mariing wika ko. Tinalasan ko ang pandinig ko at pakiramdam ko. Gusto kong malaman kung dumating na ba sila. Ang naririnig ko lang ay ang malalakas na pagsabog at sigaw ng digmaan mula sa labas ng buhawing ito.
I was so aggressive and desperate. Agad akong tumakbo upang atakihin siya. Mas mabilis na ang bawat kilos ko. I was twisting and docking to avoid his sharp slashes and thrusts. Ilang hiwa rin ang natamo niya mula sa tagiliran at braso na nagpasigaw sa kanya. My Angel Fire was hotter than any other fire. Kaya nitong magbigay ng hiwa na mas masakit pa sa kahit anong sugat.
Pero napangiwi ako dahil hindi ko rin naiwasan ang ilang mga pag-atake niya. His Devil Fire could give me hell as well. Mahina akong dumaing nang bumaon ang talim ng espada niya sa tagiliran ko.
Buong lakas na sinipa ko siya palayo. Bahagyang tumama ang likod niya sa haligi ng buhawi pero agad din siyang nakalayo mula rito pero nagtamo siya ng mga sugat.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong magtanong. Ramdam ko ang malalim na paghugot ko ng hangin sa bawat paghinga ko. "Lumalaban ka ba talaga para sa sarili mo?" seryosong tanong ko sa kanya. Hindi ko na iniinda ang dugo na pumapatak sa sahig mula sa mga sugat ko. "O para sa iba? Para ba 'to sa kumukontrol sa 'yo? Ikaw ba talaga ang may gusto ng lahat ng ito, Severus?" desperadong tanong ko pa.
Hindi pa rin nagbabago ang blankong ekspresiyon sa mukha at mga mata niya. Nakatitig lang siya sa 'kin. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya ngayon. Mariing nakatikom ang maninipis na labi niya. Pero napansin ko na bahagyang kuminang ang marka sa leeg niya. Nakikita ko kung paano nagliliwanag ang crescent moon sa leeg niya na ikinabahala ko.
Nang titigan ko siya nang matiim sa mga mata, natigilan ako. Pakiramdam ko ibang mga mata na ang nakatingin sa 'kin. May ibang matang nagmamasid sa mga nangyayari ngayon. Tila may ibang kaluluwa na sumanib kay Severus pero hindi ako sigurado kung sinaniban talaga siya. Siguro may gumagamit lang talaga sa mga mata niya upang tingnan ako. Maybe someone's looking through his eyes. A spell to use someone's eye. Siguro siya ang kumukontrol kay Severus.
Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa buong katawan. Gusto kong manginig dahil biglang tumalim ang mga mata ni Severus. Tila sinusuri niya ang kabuuan ko. Mariing hinawakan ko ang espada ko. Handa ako sa maaaring mangyari ngayon.
"Kung ganu'n, ikaw si Avery?" naaaliw na tanong ni Severus sa 'kin. Ngayon ko nakumpirma na hindi na talaga siya ang nagsasalita. Hindi na talaga siya si Severus. Bumundol ang hindi matawarang kaba sa dibdib ko.
"Sino ka?" mariing tanong ko sa kanya. Pinilit kong hindi ipakita ang nararamdamang takot kahit sa loob-loob ko, gusto ko ng manginig at takasan ng lakas ng tuhod. Kung nagagawa niyang kontrolin nang ganito si Severus, tiyak na napakalakas niya. Kaya rin niyang kontrolin ang buong kaharian ni Severus.
Napansin ko ang pagtaas ng sulok ng labi ni Severus. Halatang-halata ang pagkaaliw niya habang pinag-aaralan ako. "Natatakot ka sa 'kin," komento niya sa 'kin. "Kung hindi mo matatalo si Severus, hindi mo malalaman kung sino ako," saad pa niya. Kalmadong-kalmado lang siya. "Kung gusto mo akong makilala, kailangan mong bumalik sa Alveria. Pero natitiyak ko na ito na ang huling araw mo sa mundo. Hindi mo na malalaman kung sino ako. Ibaon mo na lang sa hukay ang lahat ng ito." Nakangisi siya nang nakakaloko na tila wala na talaga siyang nakikitang pag-asa mula sa 'kin.
Sugatan na ako. Sugatan na rin si Severus at wala na ring emosyong mababasa sa mga mata niya. Dumadaloy na ang dugo sa mga braso at kamay ko. Sira-sira na ang kasuotan ko at kung hindi Angel Fire ang gamit kong espada ngayon, tiyak na punong-puno na ito ng bahid ng dugo.
Naririnig ko mula sa labas ang mga sigaw ni Damon. Nagmamakaawa siya na patigilin ko na ang buhawing ginawa ko. Natitiyak kong naririnig niya ang malalakas na palitan namin ng mga atake at kapangyarihan.
Nauubos na rin ang hininga ko dahil sa pagod at kakaunting hangin na nasa loob ng buhawing ito. Naramdaman ko ang pamamanhid ng mga kamay ko dahil sa lakas ng bawat paghampas ng mga espada namin sa isa't isa. Kahit subukan kong patigilin ang panginginig ng kamay ko ay hindi ko magawa. Maging ang tuhod ko ay gusto na ring bumigay.
Kapag nagtagal pa kami sa ganitong sitwasyon, baka hindi ko na talaga kayanin. "Alveria?" gulat na tanong ko sa kanya. "Are you King Aulius?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Malakas na tumawa lang si Severus pero hindi siya sumagot. Hindi niya sinabing tama ang hinala ko kaya pinigilan ko ang sarili na paniwalaan ang mga sinabi ko. Mahirap na kung mali ang magiging konklusyon ko. Lalo lang kaming maililigaw ng landas.
Kakaibang kapangyarihan ang bumalot kay Severus nang hawakan niya ang pendant ng kwintas na suot niya. "Hindi ka na tatagal sa ganyang kondisyon, tatapusin ko ang ang paghihirap mo. Kaluluwa mo lang ang kailangan ko," seryosong sambit pa niya.
Gumapang ang malakas at nakakapangilabot na kapangyarihan mula sa katawan ni Severus. Ito ang kapangyarihang nagmumula sa pendant na hawak niya. He was using its tremendous power. Halos mamilog ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala na ganu'n kalakas ang mahikang makukuha mula sa pendant. "Only your soul can complete the absolute magic I want to obtain," he added.
Sa isang kisap-mata lang, hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya. Nakapatong na ang duguan niyang kamay sa likod ko. Pakiramdam ko mabubutas ang likod ko dahil sa malakas na puwersa na biglang tumama sa 'kin. Lumipad ako palayo. Tumama pa nga ako sa haligi ng buhawi pero dahil sa lakas ng kapangyarihang nagmula kay Severus, nabutas lang ito matapos masugatan ang ilang parte ng katawan ko.
Lumipad ako palayo. Napansin ko na mula sa tuktok ng palasyo, nilipad ako ng puwersa pababa. Napakabilis ng pagbulusok ng katawan ko patungo sa magulong parte ng Elfania, kung saan maraming kawal ang naglalaban. As if I was just a comet falling from the sky. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi ko mapigilan ang puwersang nagpapatalsik sa 'kin palayo. Namamanhid at nanghihina ang buong katawan ko dahil sa mga sugat na natamo ko mula rito.
Hindi ko na maramdaman ang sarili kong katawan. Tila naubos na ang lahat ng lakas nito at hindi ko na talaga maigalaw kahit isang daliri ko.
Natigil lang ang pagbulusok ko pababa nang tumama ako sa isang tao. O mas tamang sabihin na sinalo niya ako pero dahil sa sobrang lakas ng puwersa, hindi pa rin niya napigilan ang lahat. Malakas na napadaing siya nang tumama ang likod niya sa mga katawan ng puno. Maraming puno rin ang naputol niya bago natigil ang puwersang pinakawalan ni Severus.
Halos hindi ko na maimulat ang mga mata at hindi na rin ako makahinga. Nang pilit kong tingnan kung sino ang sumalo sa 'kin, napangiti na lang ako. Saka ko pa lang nalasahan ang dugo sa loob ng bibig ko. Mahina akong napaubo. Lumabas ang dugo mula sa bibig ko.
Duguan na rin ang noo ni Zirrius habang mahigpit na yakap ang duguang katawan ko. Hindi ko maipaliwanag ang mga nangyari sa 'kin. Hindi ko maintindihan ang mahikang ginamit ni Severus.
"You're back..." nanghihinang saad ko. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng luha ko. Napansin kong natigilan si Zirrius habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Nakikita ko ang takot mula roon. Nakikita ko rin ang unti-unting namumuong galit dahil sa sinapit ko.
"I'm back..." mahinang sambit niya nang hawakan niya ang duguang pisngi ko. "I'm back," mariing ulit niya habang unti-unting pumipikit ang mata ko. Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko nang makita ang isang luhang tumakas sa mga mata niya.
He's back but maybe, a little bit late. But I still smiled because he's back. That's what I only want right now. For him to be back. To see his face and know that he's still alive.
Tuluyan ng bumuhos ang malakas na ulan. It washed away all the stains of blood on our clothes. Hindi ko alam kung nakikiramay ba ito o umiiyak din sa muling pagkikita namin. Or maybe it sensed that something bad would happen. And it really did.
Natigilan na lang ako nang isang malakas na puwersa ang nagpalipad kay Zirrius palayo kaya nabitawan niya ako. Isang suntok mula kay Severus ang nagpalipad sa kanya palayo. Bumagsak ang katawan ko sa lupa. Hindi ko magawang gumalaw. I was helplessly lying there, unable to move. Severus looked down at me. Binuhat niya ako.
"Let's finish this," mahinang saad niya at naglakad palayo. Bago ako mawalan ng malay, napansin ko na nasa loob na kami ng templo. Ibinaba na niya ako sa gitna ng malapad at mahabang mesa. If he could teleport inside Elfania, then he had gotten really strong. Paano pa kaya kung magtagumpay siya sa binabalak niya?
He started to chant a spell. Bago pumikit ang mga mata ko, nakita ko ang napakalaking magic circle sa taas ko. Inside it were layers of star with different sizes. Mula sa pinakamaliit na bituin, palaki ito nang palaki. I bet the biggest star was connecting the five kingdoms outside Elfania. Hindi ko magawang gumalaw. Is this really the end for us?
I don't want to. But maybe, we have no choice. We simply end up here.
****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro