Soul 51: Nostalgic Scent
"Not everyone will survive..."
AVERY
Mahinang dumaing si Zirrius nang halos kaladkarin siya ni Severus patungo sa katawan ko. There was a force field surrounding my body to protect me from harm. Ang problema lang, kung ibabalik na ni Severus ang kaluluwa ko sa katawan ko, maaari siyang magtagumpay nang walang kahirap-hirap. Pagkatapos nito, mawawala na ang mahikang isinakripisyo ni Roan kapalit ng buhay niya.
Nang dumako ang paningin ni Zirrius sa kabuuan ng anyo ko, halos matigilan siya. His heart started to beat faster than ever. Mas lalo siyang nahirapang huminga. It was consuming him for unknown reasons. Every veins inside his body were responding from the things I never know.
He wanted to grab his chest badly to stop this abnormal beating of his heart. His heart was hurting. He stared on my calm and beautiful face. It was still full of color even if it was more than three years when I left my body. There was peace and serenity as I slept. As if I was overflowing with beauty and power.
The long white hair, but was almost golden due to low lights coming from the elegant chandelier, looked silky and smooth as it was neatly laid on the marble table. My pink lips are tightly pressed on a thin calm line. The long eyelashes was attractive. I was wearing a long white gown with gold linings. Prenteng nakapatong ang dalawang kamay ko sa tiyan ko.
Sunud-sunod na ipinilig ni Zirrius ang ulo. It felt like his head was spinning around. He couldn't think properly.
"Do the ritual," marahas na utos ni Severus kay Zirrius. Nawala ang atensiyon niya sa katawan ko.
"No!" I protested. "Huwag mong gawin, Zirrius! He might kill you after this!" sigaw ko sa kanya. "Mas ligtas ka kung nasa loob pa rin ako ng katawan mo!"
Mariing napapikit si Zirrius. Hindi siya makapagdesisyon kung ano ba ang dapat gawin. Halata na sa mukha ni Severus ang pagkainip. "Kung hindi mo gagawin ang inuutos ko sa 'yo, ako na ang gagawa," mariing saad niya. Halos isubsob niya ang mukha ni Zirrius sa gilid ng kinahihigaan ko.
Hindi ko alam kung nauntog ba siya pero naramdaman niya ang malapot na dugo na unti-unting naglandas sa noo niya. Napakabilis ng mga pangyayari. He'll soon lose his consciousness.
Napansin ko na biglang umilaw ang isang selyo sa braso ni Zirrius. And my whole body was glowing with gold light too. Bigla akong kinabahan. The seal was the reason why my soul was led to him. Kung ganu'n, kaya rin nitong ibalik ang kaluluwa ko sa sarili kong katawan.
Severus started to chant a spell. Halatang hindi niya napansin ang reaksiyon na nagmumula sa selyo ni Zirrius. Napasinghap na lang ako nang binalot ng itim na mahika si Zirrius. The dark magic entered his mind again. He again screamed in agony and pain. He was in endless despair.
"Ahhh! Damn you!" sigaw ni Zirrius kay Severus. Nagsimula siyang magwala pero nakaposas ang dalawang kamay niya. Tinangka niyang sikuhin si Severus pero masyado siyang mahina. Mas lalo lang isinubsob ni Severus ang ulo niya sa malamig na mesa. Paulit-ulit siyang napasigaw hanggang sa tuluyan na siyang mapasok ng itim na mahika.
Natigilan na lang ako nang unti-unti akong palibutan ng itim na usok. Sobrang natatakot ako. Tinangka kong tumakbo pero mabilis ang itim na usok na ito. Mercilessly, the smoke binds my whole body. Pilit ako nitong hinihila palabas sa katawan ni Zirrius. Sa tuwing manlalaban ako, mas lalong humihigpit ang paggapos sa kaluluwa ko.
Napasigaw ako nang malakas dahil sa sakit na nararamdaman ko. Maging si Zirrius ay halos magwala na sa sakit. Tila gusto na niyang iumpog ang ulo niya sa mesa. Walang epekto kay Severus ang mahika ni Roan hangga't hindi niya sinasaktan o hinahawakan ang katawan ko. And since, Zirrius was the only one suffering, the magic was useless.
Halos hindi na makahinga si Zirrius. He was clasping his chest for air. Unti-unti na rin akong hinihila palabas sa katawan niya. I couldn't do anything. I was powerless on this state. I was hopeless.
Hindi ko na alam ang nangyari nang makalabas ang kaluluwa ko sa katawan niya. Everything went black. Wala akong makitang kahit ano. Wala akong maramdaman kundi ang itim na mahikang bumabalot sa kaluluwa ko. Gusto kong mapaiyak. Hindi ko na marinig si Zirrius. Hindi ko na siya makita. Hindi ko na siya maramdaman.
Gusto kong bumalik sa katawan niya. Gusto kong malaman kung ano'ng nangyayari sa kanya. Kung ano ang ginagawa sa kanya ni Severus. I wanted to break free from this magic. This darkness was devouring me and I didn't know where it would take me.
This was the worst feeling ever. I couldn't see anything. I couldn't hear any sounds, even whispers. I couldn't feel even the slightest feeling that might have been left. All I knew was that it was so cold and lonely here. Ni Hindi ko rin alam kung ilang minuto o oras na ang lumipas. I hoped this was not take years. Do we really deserved all of these? This was just so cruel.
But sometimes, chaos leads us to the place where we really belong.
~~~
I gasped for air. I was back on something familiar. The sweet scent of this body, like mixed lavender and chamomile, was so nostalgic. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. I realized that I was inside the sacred temple.
My gold eyes wandered inside the room. Pilit kong inaalala lahat ng mga nangyari. I saw someone near my bed. Two elves. Hinihingal ang isang lalano sa hinihigaan ko. Halos paos na ang tinig niya dahil sa matinding paghihirap na naranasan.
Hindi ko maigalaw ang ilang bahagi ng katawan ko. My body felt numb. Pakiramdam ko ilang taon akong nahimbing sa pagkakatulog. I couldn't even move a finger and I felt somehow frustrated. Tila may mga bagay akong nakalimutan.
Natigilan ang lalaking duguan nang magtama ang mga mata namin. Kahit ako ay napasinghap. Zirrius! All the memories rushed inside my brain. All the things he did to take me back here was brought to a sudden realization. It was a blur at first, but it started to clear. Parang gusto kong maiyak matapos kong maalala ang lahat.
I tried to move but I couldn't. I tried to concentrate all my energies on my body but it was no used. Nawala na ang mahika na pumapalibot sa 'kin kanina. Zirrius tried to reach for my hand but he was tossed aside by Severus. He groaned in severe pain. It was almost breaking my heart.
Nakakalokong ngisi ang naglaro sa mga labi ni Severus. He was staring down at me. Ikinumpas niya sa hangin ang isang kamay. "Now that the force field was gone, you can no longer escape my wrath," he dangerously said. "Thanks for leading him here. It will be easier for me to send him on his death bed."
Galit na tiningnan ko siya. Nagawa kong igalaw ang isang daliri ko. Unti-unti ng nawawala ang pamamanhid ng buong katawan ko. Bago pa ako tuluyang makagalaw, isang itim na usok ang biglang pumalibot sa leeg ko. It sent me floating higher and higher in the air. Unti-unting nawala ang hangin sa baga ko. I grabbed the black smoke choking me to death.
My feet wiggled on desperation for little air. Tinangkang tumayo ni Zirrius upang atakihin si Severus pero isang malakas na puwersa ang nagpalipad sa kanya palayo. "Ibalik siya sa selda!" malakas na utos ni Severus sa mga kawal na naghihintay sa labas ng silid. Agad pumasok ang mga kawal upang damputin si Zirrius.
Tinangkang manlaban ni Zirrius pero natutumba na siya dahil sa pagkahilo. Pakiramdam ko, namumutla na ako dahil sa pagkaubos ng hangin sa baga ko. Marahas na kinaladkad ng mga kawal si Zirrius palabas sa silid.
"Z-Zirrius!" nahihirapang sigaw ko. Naiiyak ako. Hindi siya maaaring mawala sa paningin ko! Paano kung may gawing masama sa kanya si Severus? Hindi ako makapapayag!
"Hindi pa tayo tapos Severus! Pagbabayaran mo lahat ng 'ito!" galit at paos na sigaw ni Zirrius kay Severus bago siya tuluyang makalabas sa silid.
Hindi pinansin ni Severus ang banta ni Zirrius. Samantala, nanlalabo na ang paningin ko dahil sa nangyayari hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.
~~~
Nagising na lang ako dahil sa malakas na ingay ng pintong bakal. May posas ang bawat kamay ko. May mga mahabang tanikala na nakakonekta sa bawat posas patungo sa mataas na bahagi ng magkabilang gilid ng pader. I was lying on the cold floor made of iron. Actually, the whole room was made of iron. Masakit sa ulo ang amoy ng bakal.
I felt like I was caged. This whole place was draining my energy, preventing me to use any magic. Dahan-dahan akong umupo nang maramdaman ko ang pagpasok ng kung sinuman. Pero alam ko na si Severus 'yon.
Inside this place, he couldn't use magic as well. He was powerless. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Nasusuklam ako sa buong pagkatao niya.
"Nasaan si Zirrius?" galit na tanong ko sa kanya.
Umangat ang sulok ng labi ni Severus habang naglalakad papalapit sa 'kin. "Inside his cell," kibit-balikat na sagot ni Severus. "Suffering."
Nagngitngit ako dahil sa narinig. Halos lumuhod siya sa harapan ko upang magpantay ang mga mukha namin. He grabbed my chin and checked my face. Naaaliw siya dahil sa galit na nakikita niya sa mukha ko.
"I wonder how this beauty was preserved for more than three years," he commented. Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. Marahas na inalis ko ang kamay niya sa mukha ko. I even slapped his face. The sound of it echoed inside the room. Napabaling ang mukha niya sa tagiliran. He smirked bitterly.
Dahan-dahang sinuklian niya ako ng isa pang sulyap. "You have the guts to slap me? Hindi ka ba natatakot sa maaaring gawin ko sa 'yo ngayon? You're helpless at this state. I can do everything I want on you," seryosong saad niya. I could see the lust and danger dancing in his eyes. Bigla akong kinabahan. Hindi ko napigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.
Marahas na hinawakan ni Severus ang panga ko. He seemed like he was ready to crush my bones anytime soon. Marahas na hinila niya ako papalapit sa kanya. Pinilit kong manlaban. Sinuntok ko ang dibdib niya at pilit inalis ang isang kamay niya na mariing nakahawak sa panga ko.
Mabilis niyang hinuli ang dalawang kamay ko gamit lang ang isa pa niyang kamay. He pulled me even closer. Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. I could even smell his sweet, hot breath against my face. How could someone as gorgeous as him became a demon?
Napasinghap na lang ako nang marahas niyang hinalikan ang labi ko nang walang pagdadalawang-isip. I felt abused and humiliated. Pinilit kong kumawala sa hawak niya pero masyado akong mahina. Nababasa na ng luha ang mga mata ko. He bit my lips mercilessly until it bled.
Makalipas ang ilang segundo, siya na rin ang tumigil sa ginagawa nang maramdaman na masyado na akong mahina upang lumaban pa. Mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya. The tears rolled down my face.
"I'm willing to make you my wife if not for the power your soul can offer," he almost whispered with a sigh.
"Who will want to be your wife?" maanghang na tanong ko sa kanya. "You're greedy! I'm sure, you don't even know how to love! You will just make everyone suffer! Sarili mo lang iniisip mo!" panunumbat ko sa kanya habang nalalasahan ang dugo sa labi ko.
Mapait siyang ngumiti. Binitawan na niya ang panga ko na namamanhid na sa sakit. Tiyak na papasa ito anumang oras. He gently wiped away the tears on my right eye.
"Sometimes, love doesn't really matter. Love can't even save everyone from their downfalls. It's just a waste of emotions," he answered back.
"The preparations will be complete soon," he commented. "Fighting is futile. Just wait here like a well-behaved little girl," he added. Tatayo na sana siya pero natigilan ako nang may mapansing kakaiba sa leeg niya.
Hinawi ko ang itim at malambot na buhok niya. I saw that familiar mark. The black crescent moon mark. Ito ang markang katulad sa Alveria. Halos mapaawang ang labi ko. Napansin ni Severus kung ano ang pinagmamasdan ko kaya marahas niyang inalis ang kamay ko sa leeg ko. He groaned with anger and frustration.
"Where did you get that?" desperadang tanong ko sa kanya. Matiim na pinagmasdan lang ako ng mga abong mata ni Severus. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya.
"You're familiar with this mark?" naaaliw na tanong niya sa 'kin.
Nakagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung nakikipaglaro ba siya sa 'kin. There was something dangerous with his question that I couldn't figure out. Nanatili akong nakatingin sa mukha niya. Is he controlled? Or Is he the root of all of these? Kinontrol ba niya ang hari ng Alveria? Was he the one who bring this chaos to us?
Napapitlag ako nang hawakan niya ang gilid ng leeg ko. "Should I put a mark on you as well?" he asked while grinning. Tila kinilabutan ako sa sinabi niya. Nanigas ang buong katawan ko. Fear was starting to eat me but I tried to fight it back.
Nang hindi ako nagsalita, bahagya lang siyang umiling. He finally stood up. "Kainin mo ang mga dadalhin nilang pagkain dito," seryosong uto niya. Naglakad na siya patungo sa malaking pinto na gawa sa bakal.
Bago siya lumabas sa silid, muli siyang tumingin sa 'kin. I could see the soft and fond look in his eyes. "It's good that you're finally back," makahulugang saad niya. Tinalikuran na niya ako. Nawala na siya sa paningin ko dahil tuluyan ng sumara ang pinto.
~~~~
Hindi ako makatulog nang maayos sa loob ng silid na ito. Palaging sumasagi sa isip ko si Zirrius. Kinakabahan ako kung ano na ang mga nangyayari sa kanya. Hindi ko rin alam kung gabi ba o umaga na. Saka ko lang malalaman kapag sinagot ng kawal na nagdadala ng pagkain ang tanong ko.
Hindi ko alam kung ilang araw na ang lumipas. If Severus was slowly killing Zirrius, then it would surely a bad thing. Tiyak na halos wala ng maramdaman si Zirrius dahil namamanhid na ang katawan niya sa matinding sakit na dinadanas. Parang gusto kong maiyak sa tuwing naiisip ko ang mga malalakas na sigaw ni Zirrius.
Hindi na rin bumalik si Severus sa silid na ito. Minsan nararamdaman ko na lang ang luha na naglalandas sa pisngi ko nang walang dahilan. Ano na kayang nangyari sa iba? Were they still waiting for my commands? Ano na kayang nangyari sa Ynaris? I was imagining that everything there was already in chaos now.
Ang hirap mag-isip. Pakiramdam ko mababaliw na ako. Makakaligtas pa ba kami? Damn! This was stressing me out! Thinking was draining my energies as well. Natigilan ako nang biglang bumukas ang pinto. Sa tingin ko, may magdadala na naman ng pagkain.
Hindi ko na sana titingnan kung sino ang kawal na pumasok pero natigilan ako. The scent was so familiar I couldn't ignore. Nagtama ang mga mata namin. His gray eyes looked so worried as he stared at me.
Nakasuot siya ng damit na tulad sa isang kawal na Asterian. Bahagyang natatakpan ang mukha niya. Damon! I screamed inside my head. Halos mapatayo ako dahil sa pagkabigla. Napansin ko na napatumba na niya lahat ng kawal na nagbabantay sa silid ko.
Agad siyang lumapit sa 'kin at kinalagan ang posas ko. His both hands cupped my face. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Hindi siya makapaniwalang nakabalik na ako. He was so relieved at the sight of my face.
Narinig namin ang mga nagmamadaling yabag ng mga kawal. Sumisigaw sila at nagbibigay ng babala sa mga kasama na pinasok sila. "Let's get out of here," nagmamadaling utos ni Damon habang tinutulungan akong tumayo.
"Paano si Zirrius?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. "Kailangan nating iligtas si Zirrius! Balikan natin siya!" Desperado na ang tinig ko. Bahagya siyang natigilan pero umiling siya.
"Kailangan na nating magmadali!" he urgently said. He grabbed my hand and ran. Wala na rin akong nagawa kundi ang tumakbo. Nahihirapan akong magdesisyon kung babalik ba ako sa dungeon. Maybe I could sneak inside the palace once we managed to escape here. Babalikan ko si Zirrius kahit ano'ng mangyari!
Hindi pa man nalalapitan ng mga kawal si Damon ay napatumba na niya ang mga ito. Ang iba naman ay kinontrol niya sa isip. Napagtanto ko na nasa likod na bahagi kami ng palasyo. We found an exit. Napansin ko na naghihintay na rin si Ivo at Rhys doon. Tila natuwa sila nang makita ako. Agad kaming dumaan sa isang tunnel na ginawa nila upang makatakas. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Zirrius habang tumatakas kami. Parang gusto kong bumalik at iligtas siya ngayon din.
Napansin ni Damon ang pag-aalala sa mukha ko. "Don't worry. Rigel was on his way to find him," he assured me.
Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil sa narinig. "What happened to Aivee?" tanong ko sa kanya. "Did you receive the book?"
"She's still on Severus' side. I received the book. The towers are heavily guarded. We can't still find a way to destroy it," seryosong sagot ni Damon. Kahit papaano ay nag-aalala rin ako para kay Aivee.
"What happened to Ameya and Ynaris?" muli kong tanong sa kanya.
"The Ameyans were released from slavery. Ynaris was in chaos," he answered flatly. "They are now fighting for their freedom. Bloodshed is everywhere. Hindi pa namin mahanap si Verone. Alam mo ba kung nasaan siya?"
Natigilan ako dahil sa tanong niya. "Nilabanan niya si Aivee. She d-died," nahihirapang sagot ko. Tila may namuong bikig sa lalamunan ko. Namamasa na rin ang mga mata ko. Natigilan si Damon dahil sa narinig. Nang mapansin nina Ivo at Rhys na tumigil kami sa paglalakad, pinagmadali nila kami. Wala na kaming nagawa ni Damon kundi ang sumunod sa kanila habang binabalot kami ng matinding katahimikan.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro