Soul 50: Hell
"Even if we know that it is just too strong..."
AVERY
Hinang-hina na si Zirrius. Nagising na lang siya nang maramdaman na may nagtatanggal na ng posas sa mga kamay niya. He tried to knock the guard down when he was totally free from the handcuffs but he was too weak. Sa halip, siya ang napatumba ng kawal. His face was flatly pressed on the ground. The guard was grinding his head against the soft mud.
"Kumain ka!" mariing utos ng kawal. He almost tossed the food on the floor like Zirrius was some kind of an animal. They were being cruel. Halos tumalon mula sa plato ang pagkain niya. It was just a piece of meat and bread. May ibinaba pa itong isang baso ng tubig sa tabi ng plato. If only this guard knew who Zirrius was, he would surely be down on his knees by now.
Umalis ang kawal at siniguradong nakasara nang maayos ang selda ni Zirrius. Nanghihinang napaupo at sumandal sa pader si Zirrius. He was exhausted. Everything here was draining his energy. Hindi pa rin niya makalimutan kung paano itinarak ni Aivee ang espada nito sa puso ni Verone. And she just disappeared like starlight.
"Why did her body disappeared like that?" he asked me in silence. Hindi man lang niya magalaw ang pagkain dahil wala siyang ganang kumain. He was hollow and empty inside.
"That's how higher elves die. Their bodies become particles and will soon be part of nature. Their souls were sent on the other world. It's either they will be reincarnated or they will stay there," seryoso at malungkot na sagot ko sa kanya. "Pero kung normal na elf lang siya, she will not disappear and her body will just decay."
Ramdam ko ang pagbigat ng pakiramdam ni Zirrius. Napasabunot na lang siya sa magulong buhok niya. Hindi niya alam kung ilang oras o araw na siya sa loob ng seldang ito. Ramdam niya rin ang paghapdi ng sikmura niya. Everything here was engulfed by darkness. Gusto niyang sumigaw dahil sa galit. How could he let Verone die? Just like that? Tahimik niyang sinisisi ang sarili niya dahil sa nangyari. I could clearly hear his thoughts and regrets.
"I'm sorry," mahinang sabi niya. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib niya. "I'm sorry that I'm not able to retrieve your body. I'm sorry that I'm too weak to save anyone," paos at pagod na wika niya. His heart was completely shattered to pieces that I wanted to cry too. "I'm sorry that I can't do anything. I'm sorry... I'm sorry..."
His hoarse and tired voice almost broke my soul. I was nearly shattered by his words. Hindi niya dapat sinisisi ang sarili niya.
"No. You're not weak. I'm the one to blame. Ako ang nagdala sa 'yo sa lugar na ito. Ako ang may kasalanan ng lahat. Alam kong hindi ka rin sinisisi ni Verone sa mga nangyari. She already knows from the start that she might end up dead if she's unfortunate. Wala siyang sinisisi dahil desisyon din niya ito," mahinang sambit ko.
Mabigat din sa loob ko ang nangyayari. Mas mahirap ito sa parte ko dahil ako ang dahilan ng lahat ng gulong ito.
"Huwag mong ipaalam kay Severus kung sino ka talaga. Hahanap ako ng paraan upang makatakas ka rito kahit isakripisyo ko ang kaluluwa ko. Bumalik ka na sa kaharian ng mga tao. You don't have to stay here. You don't have to suffer," nahihirapang wika ko pa. "You don't have to break."
"No! I won't run away like a coward! Hindi kita iiwan! I have my own business here too. Siguro may dahilan kung bakit ako dinala rito. Siguro kailangan din ako ng Asteria! I will stay until the very end even if it breaks me!" mariing wika niya habang nakakuyom ang mga kamao. He was out almost of breath.
I don't want his kindness. I don't want him blaming himself. I don't want to held him responsible but he's really determined to stay. Ano ba ang dapat kong gawin? Natahimik ako.
"We need to stop Severus! If he's planning to take all the magic in this world, then that means even the humans are at stake. Hindi na natin siya matatalo kung siya lang ang may kapangyarihan. I can't imagine what he'll do with such power," kinakabahang dagdag pa ni Zirrius. "Let me help. Please don't push me away like this. Don't set me aside. I can still help," nagmamakaawang wika ni Zirrius.
He's at lost. And I am too. I hated it when he looked too weak. I hated it when he's begging like this.
"Maybe there's another way," mahinang sambit pa niya. Natigilan siya nang maalala ang sulat ng ina niya. He brought it with him. Agad niyang inilibot ang paningin sa selda. Nakagat niya ang labi nang walang makitang kahit ano sa loob. Nakalagay lang ito sa bulsa ng cloak niya.
Mahina siyang napamura sa sarili dahil sa pagkawala ng cloak niya at ng sulat. Naiinis na napasabunot siya sa buhok. He was slowly losing hope. I couldn't suggest the summoning magic to call for her mother right now. Baka kasi ibang nilalang ang matawag namin.
"Are you looking for this?" tanong ng isang malalim na tinig.
Natigilan si Zirrius dahil sa narinig. Nakita niya si Severus na nakatayo sa harap ng selda niya habang hawak sa isang kamay ang sulat na hinahanap niya. Tahimik na nagngitngit si Zirrius nang makita ang nakakalokong ngisi sa labi ni Severus.
Bumaling ang paningin ni Severus sa pagkain na hindi man lang ginalaw ni Zirrius. "You better eat. I don't want you dead especially when Avery's soul is inside your body."
Binuksan ng isang kawal ang selda ni Zirrius. Tahimik na pumasok si Severus. He was walking with so much composure that everyone would surely bow down for him. "This letter, where did you get this? It is sealed by a powerful and familiar magic," he asked with curiosity. "Mahirap balewalain ang ganitong kapangyarihan."
"Ibigay mo sa 'kin yan!" Zirrius angrily said between gritted teeth. He tried to stand up but a black force pinned his hands and body against the wall. It was so fast. Halos hindi ko na namalayan ang itim na kapangyarihan na 'yon.
"Who are you?" seryosong tanong ni Severus kay Zirrius. Bahagyang nanliit ang mga abong mata ni Severus dahil pinag-aaralan niyang mabuti ang anyo ni Zirrius. "What's your relation with Zara?" he directly asked.
"This familiar magic came from her, right?" seryosong tanong ni Severus. Mariing kinagat ni Zirrius ang kanyang labi. Gusto niyang sigawan si Severus. Gusto niya itong murahin nang paulit-ulit. He wanted to end his life here. He was so frustrated to do horrible things to him.
"Hindi mo ako sasagutin?" tanong ni Severus na bahagyang nakataas ang kilay. "Should I force to open this letter for you?" he grinned.
"Just go to hell!" galit na sigaw ni Zirrius kay Severus. He was really frustrated and exhausted at the same time. Zirrius wanted to snap his neck and break it. He gritted his teeth as he tried to break free.
Mahinang tumawa si Severus dahil sa sinabi ni Zirrius. "I've been there but then I came back," he answered with a shrug.
"Kahit ang impyerno, isinusuka ka na?" Zirrius spat angrily.
Naaaliw na tumawa si Severus. "No. I think hell just want to expand its territory here," Severus answered. His sensual lips curved into a coy smile. Masamang tingin ang ipinukol ni Zirrius kay Severus. Kung nakakagalaw lang siya, kanina pa niya sinugod ng suntok si Severus.
I preferred to be silent. Alam kong kahit lumabas ako, wala pa rin akong magagawa. Mabuti na lang, walang balak si Zirrius na sagutin si Severus. Kapag nalaman ni Severus na anak siya ni Zara, tiyak na mas pahihirapan siya nito.
"I'll open this letter, next time," wika ni Severus habang itinatago niya ang sulat sa bulsa niya. "I'm here to meet Avery," he stated as he shrugged.
"She will not come out!" matigas na wika ni Zirrius.
"She doesn't need to," seryosong saad ni Severus habang naglalakad patungo kay Zirrius. Mariing hinawakan ni Severus ang panga ni Zirrius. Halos nanigas si Zirrius sa kinatatayuan. Severus could break his jaw anytime. "Because I will wreck you right now just to see her."
Magic flowed from Severus fingers. Itim na mahika ang gumapang mula sa mukha ni Zirrius patungo sa ulo niya. It was penetrating inside his mind. Malakas na napasigaw siya dahil sa sakit na bigla niyang naramdaman. Tila sinisira ng mahikang ito ang buong pagkatao niya.
This kind of magic was ripping him apart. Kahit ang buong kaluluwa ko, nararamdaman ang paghihirap niya. His soul was screaming in pain and agony. Tiyak na anumang oras, mawawalan na siya ng malay. This kind of magic was torturing him and testing his sanity. Handa na sana akong lumabas upang tulungan siya pero natigilan ako nang unti-unting nalanta lahat ng bulaklak sa paligid ko.
Everything around me turned black. The leaves of the maple trees and cherry blossoms, the stems of the lavenders and its flowers werer all black. The tunnel made of red and blue roses were black, as well. Kinabahan ako dahil sa malamig na simoy ng itim na hangin na biglang umikot sa kaluluwa ko.
Napasinghap na lang ako nang bumungad sa harapan ko ang anyo ni Severus. Naririnig ko pa rin ang malalakas ni sigaw ni Zirrius mula sa labas. Nakakalokong ngiti ang naglalaro sa mga labi ni Severus.
"Avery..." he said dangerously. It was like his words has a dangerous wind on it. It gave my soul the chills.
I pretended not to be afraid. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. "How did you get here?" mariing tanong ko sa kanya. Nawala na ang mga sigaw ni Zirrius. I was sure, he already lost consciousness. Naaawa ako sa kanya pero wala man lang akong magawa upang tumulong.
"Magic?" he answered sarcastically. Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya.
"Good to see you again," he greeted with a slight bow.
"Ako lang ba ang hindi natutuwa sa pagkikita natin?" asar na tanong ko sa kanya. Mahina siyang tumawa dahil ramdam na niya ang pagkainis ko sa kanya.
Hindi niya pinansin ang tanong ko. "You're too brave to leave your body using that kind of magic. Hindi mo ba alam na maaaring hindi ka na makabalik?" seryosong tanong niya sa 'kin. Dahan-dahan siyang naglakad habang iniikutan ang ako. He was checking my whole soul.
Halatang namamangha siya sa kinalabasan ng mahikang ginawa ko. "You're lucky that you ended up with this man's body," he commented.
"Mas mabuti nga na hindi na ako makabalik para hindi mo na ako magamit sa masama mong binabalak," galit na sagot ko sa kanya.
"Then I will search even the very depths of hell just to find you. Akala mo ba hahayaan ko lang na mawala ka nang ganu'n kadali? You are the very embodiment of power. You are the last key. I won't lose you that easy," he said. He glanced at me with approval. He sees me as a sacrifice for his ambitions. I was nothing but a tool. Tila gustong manginig ng buong kaluluwa ko sa takot.
"Just wait here until I find the other half of that damn pendant," he added. "Mukhang nasa sulat ni Zara ang sagot. Alam kong alam mo kung sino ang lalaking ito. At natitiyak kong wala kang balak sabihin sa 'kin. But you know, I have my ways. Malalaman ko rin kung sino ba talaga siya," he said as a dangerous warning.
"Tell him to eat. I don't want him dead. Kung hindi mo siya mapapasunod sa 'yo, I'll control him to do that. His resistance is futile," he reminded me.
Naikuyom ko ang kamao ko. "Damn you!" pagmumura ko. Halos napasinghap ako nang sakalin niya ang leeg ko. He was powerful enough to hurt my soul.
"You don't have any power inside this body," he reminded me dangerously. "I can rip your soul apart now. I can break it until you disappeared forever. No traces will be left for you," he warned me. Tila hindi na ako makahinga dahil sa kanyang ginagawa.
This was a different kind of pain. My soul was really near to breaking. Bago pa ako tuluyang masaktan, binitawan na niya ako. Mariing ikinuyom niya ang kamao.
"But I won't kill you right now. Not yet," he almost whispered. His eyes became distant. Halatang may iba pa siyang iniisip.
Bago pa ako makapagsalita, naglaho na siya. Bumalik na sa dating kulay ang paligid. Wala pa ring malay si Zirrius. Nanghihinang napaupo na lang ako. Kinakabahan ako. Alam kong kaunting oras na lang ang nalalabi bago malaman ni Severus ang totoo. Severus would surely kill Zirrius. Lalo na't si Zirrius ang totoong hari ng Asteria.
~~~
Hindi na namin alam kung ilang araw na ang nakalipas. Kumakain na si Zirrius dahil sa sinabi ko na maaari siyang kontrolin ni Severus kung sakaling hindi siya sumunod sa 'kin. He already had enough. Gumaling na rin ang mga sugat niya sa katawan.
Ngayon lang din niya napansin ang mga preso sa ibang selda. They were always groaning because of the cold floors. They were also starving to death. Sobrang papayat na nila. Halos buto't balat na lang.
Natigilan na lang kami dahil sa isang kawal na nagmamadali sa pagbubukas ng selda ni Zirrius. Dalawang kawal ang pumasok sa loob. Marahas na pinosasan nila ang kamay ni Zirrius at tinutukan ng espada.
"Lakad!" mariing utos ng isang kawal sa kanya. Kahit nalilito ay naglakad na lang siya. Itinutulak pa siya ng isang kawal upang mas mapabilis ang paglalakad niya.
Nang makalabas siya sa dungeon kung saan siya ikinulong, isang nakasisilaw na liwanag ang bumungad sa kanya. Itinulak siya papasok sa palasyo. The whole place was made of gold and silver. The smooth ivory floor was shining with cleanliness. They even passed the carpeted double staircase made of silver. The whole place was so lavished with beauty and elegance.
Makikita rin ang mga naglalakihang painting ng iba't ibang Empress at Emperor ng Elfania. Mabuti na lang, hindi ito ipinatanggal ni Severus.
The guard led Zirrius to the throne room. I suddenly missed Elfania. This castle, especially my room.
Pero mas nakararamdam ako ng kaba dahil sa biglaang desisyon ni Severus na dalhin si Zirrius sa palasyo. Ano na naman kaya ang binabalak niya?
Nang bumukas ang malaking double door ng silid ng trono, agad na bumungad sa 'min si Severus na prenteng nakaupo sa trono. He eyed Zirrius dangerously. He was calm yet there's a wind of storm hanging around him.
Blanko ang ekspresiyon ng mukha niya. Sa gitna makikita ang isang babae na may mahaba at itim na buhok. Her hands were handcuffed in front of her. Medyo madumi ang suot niyang puting bestida na sumasayad sa sahig. Nang lumingon siya sa likod niya, napasinghap siya nang matanaw si Zirrius. She looked troubled. Halos umawang ang labi niya sa nakita.
Medyo madungis ang maputi at maamong mukha ng babae. Makikita ang kalungkutan sa mata niya pero napansin ko ang kakaibang liwanag. Liwanag ng pag-asa, nang makita si Zirrius. Sa tingin ko, kilala niya si Zirrius pero bigla itong naging blangko na tila walang nakikita.
"He's here," mahinang sambit ni Severus. "Priestess Mavin, kilala mo ba siya?" seryosong tanong ni Severus. So she's the priestess Verone was talking about? Kung siya ang nagbigay ng marka kay Zirrius, tiyak na nakilala nga niya si Zirrius. Mas lalo akong binundol ng kaba. Naalala rin ni Zirrius ang pangalan ni Priestess Mavin. Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya.
Marahang bumaling ang tingin ni Priestess Mavin kay Severus at umiling. "Ngayon ko lang siya nakita," walang emosyon na sagot ni Priestess Mavin. Nanliit ang mga mata ni Severus na tila hindi nagustuhan ang naging sagot ni Priestess Mavin.
"Alam mong ayaw ko sa lahat ang niloloko ako," mariing wika ni Severus. "If you continued to play innocent, I'll do everything to destroy him."
Hindi natinag si Priestess Mavin sa banta ni Severus. Halata sa seryosong mukha ni Severus na hindi na talaga siya natutuwa. "Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo magawa ang ritwal sa 'kin?" Tila nanigas ang lahat ng elves sa silid.
Lahat sila ay napalingon kay Zirrius na itinulak sa sahig ng dalawang kawal na nagdala sa kanya rito. Napangiwi si Zirrius dahil nadaganan pa niya ang dalawang kamay na nakaposas. Nahihirapan na pilit siyang tumayo.
Sunud-sunod na umiling si Priestess Mavin. "Ngayon ko lang siya nakita," pagpupumilit niya. Itinapat ni Severus ang isang kamay niya sa direksiyon ni Priestess Mavin. Sa isang iglap lang, isang malakas na puwersa ang nagpalipad sa Priestess patungo sa isang malaking poste. Malakas na tumama ang likod nito roon. I could see the blood drifting from her forehead. She groaned in pain when she fell helplessly on the floor.
Natigilan naman lahat dahil sa nangyari. "If you don't want to admit anything, I'll just have to kill him." Bumaling ang matalim na tingin ni Severus kay Zirrius. "Your mother is Zara," he said dangerously. Tumayo na si Severus sa kanyang trono. Diretsong naglakad siya patungo sa kinaroroonan ni Zirrius.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. He suddenly couldn't breathe. Severus' presence was suffocating. Severus grabbed his hair without mercy. "I'll kill you," marahas na wika niya. "I'll kill you once I get Avery's soul out of your system." His hands were harshly grabbing his hair. "I'll force her soul out of your system."
Nang mapansin ni Severus ang selyo na ibinigay ni Verone sa kaliwang braso niya, halos ilubog niya ang isang daliri rito. He was using magic to remove the seal. Malakas na sumigaw si Zirrius dahil sa nakahihilong pakiramdam. Pain was engulfing him. Lumabas ang dugo sa kaliwang braso niya. His screams were ear-splitting. It was almost shattering my soul too.
Medyo namamasa na rin ang mata niya dahil sa matinding sa 'kin. His true form started to show. He was starting to show the marks on his both arms. Halos natigilan ang lahat ng makita ang mga marka sa braso ni Zirrius. "Hindi ka nila susundin kahit na sa 'yo pa ang mga markang 'to. I already get a hold of them. Do you think you can save them from me?" nakangising tanong ni Severus kay Zirrius. "You can't even save yourself," he mocked.
Tila nasusunog ang marka sa braso ni Zirrius kaya mas lalo siyang napasigaw. "I'll slowly crush you and break you to pieces until you beg for your own death. Until you realize that you are not worth it to be King," he said between gritted teeth. Masamang tingin ang ipinukol ni Zirrius kay Severus kahit namumuo na ang malalaking butil ng pawis sa noo niya.
"Do you think this is enough to break me?" mariing tanong ni Zirrius sa kabila ng paghihirap niya. "No!" he growled. "Just wait until I send you back to hell!" He shouted despite of unbearable pain and agony.
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Zirrius. He was already back to his true form. He got a cut on his lips and it was now bleeding. Hinihingal na napabaling ang mukha ni Zirrius sa tagiliran.
May dinukot si Severus mula sa bulsa niya. "This letter. I can surely force Zara to come out. I'll torture her as well. I will make sure that she will not be reincarnated anymore," pananakot pa ni Severus. Pakiramdam ko, pati kaluluwa ko ay hindi makagalaw dahil sa mga nangyayari. Hindi na ako makapag-isip pa nang tama. Everything was already a mess. I couldn't find a way out.
Marahas na binitawan ni Severus si Zirrius na halos humampas ang ulo niya sa sahig. "Dalhin siya sa templo!" pasigaw na utos ni Severus. Halos hindi makagalaw ang mga Asterian habang tinitingnan si Zirrius pero wala silang nagawa kundi ang sumunod.
Marahas na hinawakan nila sa magkabilang braso si Zirrius at itinayo. Tila wala na silang pakiramdam. Wala na silang pakialam. Iginiya nila si Zirrius patungo sa kinaroroonan ng templo.
~~~
Nang makapasok na sina Severus at Zirrius sa templo, tumayo sila sa gitna ng silid na halos malapit na sa kinaroroonan ng katawan ko. I was so nervous. I suddenly didn't want to leave Zirrius alone. I didn't want to leave this body yet. Pagkatapos nito, hindi ko na malalaman ang mga maaaring mangyari kay Zirrius. Hindi ko na alam ang maaaring gawin sa kanya ni Severus.
I refuse to leave him alone! I didn't want him to suffer alone. Kaya ba talaga akong alisin ni Severus sa sistema ni Zirrius? Natatakot ako.
"Zirrius!" nag-aalalang tawag ko sa kanya. Natigilan si Zirrius nang marinig ang pag-aalala sa boses ko. Mapait siyang napangiti.
"You should be grateful. Makakabalik ka na sa katawan mo," Zirrius said inside his mind gently. Parang gusto kong maiyak.
"But this is not how it should be," nasasaktang wika ko.
"Hindi lahat ng paraang gusto natin ay nasusunod," magaang wika niya. "Just promise me to keep alive no matter what," he said.
"What about you? Will you promise that too?" nahihirapang tanong ko.
Matipid siyang ngumiti. "I never thought that your voice can actually give me comfort." Bago pa niya maituloy ang sasabihin niya, marahas na siyang hinila ni Severus papalapit sa katawan ko. He was really determined to force me out of Zirrius' system. He is really a monster that surely fits in hell. It seems he's really expanding hell's territory here.
_______________
Author's Note:
Thanks for the Soulbound Trailer you made, NicxSujuElf <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro