Soul 5: Lies in Disguise
"You may not feel it now but it's hard to escape from our fate..."
AVERY
Natigilan sila sa pagtakbo patungo sa 'kin dahil sa lumilipad na espada ni Zirrius na biglang pumigil sa kanila. Muntik na silang madaplisan. I almost forgot his sword so I sent it flying here. Bumaon ang espada ni Zirrius sa katawan ng isang puno. Halos mapasinghap ang tatlong lalaki sa harapan ko. Hindi na ako babalik sa bayan dahil patay na naman si Silf at ang mga guwardiyang kasama niya. Wala na akong magagawa para sa kanila kundi ang ipagdasal sila.
"Gumagamit ka ng mahika!" sigaw ng isa sa kanila na hindi makapaniwala sa nakikita.
"Alam ninyo, sasabihin ko na ang totoo. Sikreto lang natin ito ha? Matagal ko ng itinatago ang kapangyarihan ko. Hindi ko lang ipinapahalata sa inyo," nakangising saad ko sa kanila. Hindi ko alam kung bakit gusto ko pang pagtripan ang katawan ni Zirrius at maging ang mga taong nasa harap ko ngayon. Alam kong nag-aaksaya lang ako ng oras pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. I missed to have a body. I missed the feeling of moving freely on my own.
"At bakit kulay ginto na ang mga mata mo? Ano'ng itim na mahika ang ginagamit mo?" gulantang na tanong ng isa pa sa kanila. Titig na titig siya sa mga mata ko at halatang naguguluhan.
"Ito ang totoo kong anyo. Sabihin mo sa hari na magtago na siya dahil papalitan ko na siya sa pwesto niya," nakakalokong sabi ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga sinasabi ko ngayon. Tiyak na kung maririnig ni Zirrius ang mga sinasabi ko, sasakalin niya ako hanggang sa maubusan na ako ng hininga. Tiyak na magagalit siya at papalayasin ako sa katawan niya. Mabuti na lang, mahimbing na natutulog ang kaluluwa niya sa oras na ito.
"Isa kang demonyo!" sigaw ng isa sa kanila.
Bigla akong sumeryoso. Gusto ko sanang sabihin na hindi ako demonyo kundi isang elf. This human race is really naive. "May mas demonyo pa ba sa inyo?" seryosong tanong ko sa kanila. "You killed the guards without mercy. Tiyak ako na nagmakaawa sila sa inyo pero hindi ninyo pinakinggan. Ngayon, matitikman ninyo ang galit ko," nagngingitngit na saad ko. I hate them for being inhuman. Wala ba silang puso upang saktan ang kanilang sariling kababayan?
"Tiyak na kapag nalaman ng hari na gumagamit ka ng mahika, hindi siya magdadalawang-isip na patayin ka," nakangising saad ng isa na tila may naisip na magandang ideya. Nanliit ang mga mata ko dahil sa sinabi nila. I have no choice then. Kailangan nilang mawala para maging malinis ang trabaho ko.
Nagtawanan ang tatlong lalaki dahil sa galak na tila nagwagi na sila. "Papatayin din kayo ng hari kapag nalaman niyang gumagamit kayo ng mahika," seryosong saad ko sa kanila.
Umiling silang tatlo at mas lalong lumakas ang pagtawa. "Hindi niya kami papatayin dahil malakas na tao ang kinakapitan namin. Hindi niya matatanggihan ang pinuno namin," malakas ang kumpiyansa sa sarili na sagot ng isa sa kanila. Mas lalo akong naintriga sa totoong katauhan ng kanilang pinuno. Mukhang malapit sa hari ang pinuno nila. O maaari rin na ang hari na mismo ang pinuno nila. Pero siguro mali ako dahil ayaw ng hari sa mahika. Wala pa akong ideya kung bakit ipinagbawal ng hari ang mahika pero aalamin ko sa susunod na mga araw. Sa ngayon, lilinisin ko muna ang mga kalat.
"Sino ang inyong pinuno?" kunot-noong tanong ko sa kanila. Nagba-baka sakali na baka walang utak ang tatlong ito at bigla na lang sabihin sa 'kin. Malakas na tumawa ang tatlong ugok.
"Kahit ano'ng gawin mo, hindi mo malalaman kung sino siya. Hindi namin sasabihin. He bind us with magic. Kahit kanino ay hindi namin maaaring sabihin o banggitin ang pangalan niya. Kahit mamatay pa kami," sagot ng isa sa kanila. Sumimangot ako. Kung ganu'n wala nga akong magagawa kundi ang tapusin na lang sila. If they are bound to him with magic then only death could separate them from their master. Hindi ko na sila hahayaang mabuhay dahil alam ko na magiging banta lang sila sa buhay ni Zirrius. Mas mabuti na ang mag-ingat. Babawasan ko na ang mga kaaway ni Zirrius.
"Why did you swear your loyalty to him?" kunot-noong tanong ko sa kanila.
"Because he said that he will help us. Sabi niya tutulungan niya kaming bawiin ang mga nawala sa 'min. Nangako siya," matigas na sagot ng isa. Mas lalo akong nagtaka. Naniwala sila sa taong 'yon? Nararamdaman ko kasi na hindi siya ang tipo ng tao na tutupad sa isang pangako. Hindi maganda ang kutob ko rito. Ilan na ba ang niloloko niya?
"You know, promises are sometimes lies in disguise," malungkot na sabi ko sa tatlong lalaki. "Sometimes they are just meant to keep you from what is real. Some promises are meant to blind you from the truth. Niloloko lang ninyo ang sarili ninyo dahil alam ninyong sa simula pa lang, wala na talaga kayong aasahan." Natigilan sila sa narinig. Tila binuhusan sila ng malamig na tubig. Parang isinampal ko na rin sa kanila ang katotohanan na ayaw nilang tanggapin. Mabigat sa pakiramdam. Masakit sa dibdib pero kailangan nilang tanggapin. Hindi lahat ng pangako ay natutupad. Minsan, nangangako lang ang isang tao upang magpaasa. Pero hindi magandang magpaasa at hindi magandang umasa sa wala.
Napansin ko ang pagngingitngit nila dahil sa ginagawa kong paggising sa kanila. Lumabas ang mga ugat sa likod ko. Gumalaw rin ang mga puno upang atakihin ako ng mga matutulis na sanga. Malungkot akong ngumiti. Wala na talaga. Kailangan ko na talagang gawin ang dapat kong gawin. I countered their magics. They are not really strong. Nagawa kong baliktarin ang sitwasyon. Ako na ngayon ang kumuntrol sa mga puno at mga ugat. Bumaon ang mga sanga sa katawan nila at malakas silang napasigaw. Mabuti na lang malayo na kami sa bayan. Wala na sigurong makakarinig sa kanila. Nabulabog ang mga ibon na nagpapahinga sa mga sanga ng mga puno at biglang nagsiliparan. Maging ang mga hayop sa kagubatan ay nabulabog at nagtakbuhan palayo. Hindi ko na gustong pahirapan pa ang mga taong ito. I told them that they will feel pain and agony in the sweetest way possible but I never thought I would want to end this as fast as I could. In one swift move, I struck their hearts with sharp and sword-like tree branches. Napasigaw na lang sila nang malakas hanggang sa mawala ang boses nila dahil sa pagtigil ng mga puso nila. Mulat pa ang mga mata nila at tumutulo ang mapupulang dugo nila sa lupa.
I sighed heavily. It's over. Kinain na ng lupa ang mga katawan nila. Bumalik sa dating posisyon ang mga puno at hindi na gumalaw. I was too exhausted. Ramdam ko pa rin ang mga sugat ni Zirrius sa katawan nang maglakad ako patungo sa kinaroroonan ng espada niya. Ibinalik ko ito sa lalagyan at ipinagpatuloy ang paggamot sa sarili. Napasandal ako sa isang puno. I looked up at the blue sky. Lumilipad pa rin ang mga ibon na halatang hindi pa rin makahuma dahil sa pagkagulat. I breathe in and out. I missed the outside world. The fresh air is mixed with the scent of fresh blood. Tiyak na hindi magugustuhan ni Zirrius ang mga bagay na ginawa ko. Napapagod na napangiti ako. He was too kind to kill his people. Tiyak na balak lang niyang ipakulong ang tatlong lalaki kung sakali man. But it's fine if I do the dirty works for him. Just for him to be safe.
Nang medyo kaya na ng katawan ni Zirrius ang maglakbay ay nagmamadaling umalis ako sa kagubatan. Nakatungo ako at malalaki ang mga hakbang na bumalik sa isang bayan. I bought a cloak and wear it to cover my bloody body and golden eyes. Sumakay na rin ako sa isang karwahe upang mas mapadali ang lahat. Nang makarating ako sa kastilyo ay agad akong dumiretso sa silid ni Zirrius. I locked the door and laid on his bed. Hindi ko na pwedeng patagalin ang pagtigil ko sa katawan niya. Baka kasi malaman pa niya na ginagamit ko ang katawan niya. Tiyak na hindi niya palalampasin 'yon. I closed my eyes. Hindi ko na kinontrol ang katawan niya. Bumalik ako sa malalim at madilim na parte ng pagkatao niya. Soon, his soul will take over. I waited patiently until he came back.
~~~
Masakit ang katawan ni Zirrius nang magising siya. Pilit niyang inaalala ang mga nangyari sa kanya. I was grateful that he's finally back to life. Halos kalahating araw na siyang natutulog. Mabuti na lang at walang nagtatangkang pumasok sa silid niya. Gutom na siya at pakiramdam niya ay umiikot ang paligid niya.
"You should eat," seryosong saad ko. Natigilan siya sa boses ko na tila ngayon lang ako naalala. Kailangang manumbalik ang lakas niya. Hindi pa ganu'n kagaling ang sugat niya pero gagaling din 'yon pagkalipas ng ilang araw. "You should see a healer too," dagdag ko pa.
"You're still in my head?" naiinis na tanong niya sa 'kin. I grinned.
"Well, I will annoyingly stay with you for one year. Two. Three. Four. Or maybe five years. Let's count together baby," natatawang pang-aasar ko sa kanya. "Six. Seven. Eight or maybe for eternity."
Sumimangot siya. "That's annoyingly sweet," naiinis na saad niya. I giggled.
"Yes. I bet you will be troubled for the rest of your life if that happened," nakangising saad ko. Napailing siya. Tumayo siya. Napansin niya na natuyo na ang dugo sa kumot at damit niya. Masakit pa rin ang katawan niya pero dumiretso siya sa banyo. Isa-isa niyang hinubad ang kasuotan niya.
"Zirrius, are you serious? Gusto mo talagang ibalandra sa 'kin ang maganda mong katawan 'no?" pang-aasar ko sa kanya kasabay ng pagtawa. Natigilan siya. Bahagyang namula ang mukha niya nang matauhan at maisip ang mga sinabi ko.
"Don't watch," he said with a frown. But I know his heart skipped a beat. What a perfect rhythm.
"Paano naman kaya 'yon? Sige lang! Ituloy mo lang ang ginagawa mo. Baka magka-score ka pa sa audience impact," natatawang saad ko sa kanya. Mas lalo siyang sumimangot.
"Kailan mo ba ako lulubayan?" naiinis na tanong niya. Wala na siyang damit pang-itaas. His muscles were too tempting to watch. His jaws was clenched. Inis na inis na talaga siya sa 'kin.
"Kapag nagawa mo na ang ipinapagawa ko sa 'yo," nakangising saad ko.
"Bakit ka kasi umalis sa katawan mo?" naiinis na tanong niya.
"Hindi ko nga alam kung bakit. Basta bigla ko na lang naisip," natatawang sagot ko.
"Nababaliw ka na kung ganu'n," nakasimangot na saad niya.
"Maybe," I said with a smile. Maybe I'm really insane but right now, everything feels right. I don't even regret what I have done. Tiyak na may malaking parte si Zirrius sa buhay ko kaya ako dinala rito.
"Bahala ka diyan," seryosong saad ni Zirrius. Hindi na niya ako pinansin at wala na siyang pakialam sa 'kin. Iniisip na lang niya na isa akong multo na walang magawa sa buhay. Ipinagpatuloy na niya ang paghuhubad. I giggled. "Pwede bang sumayaw ka na rin?" natatawang tanong ko sa kanya. Napailing lang siya at nagpanggap na hindi ako narinig. Mas lalo akong tumawa dahil ramdam na ramdam ko ang tahimik niyang pagngingitngit at pagkainis sa 'kin.
Habang bumubuhos ang malamig na tubig sa ulo at katawan niya, bigla niyang naalala ang mga taong umatake sa kanya. Bigla niyang naalala si Silf. "What happened to Silf?" kinakabahang tanong niya sa 'kin. "What happened to me? Sino ang nagdala sa 'kin dito? Ano'ng nangyari sa mga umatake sa 'kin?" Bigla akong natigilan. Paano ba ako magpapaliwanag sa kanya? Paano ba ako gagawa ng matinong dahilan?
"Silf died and you lose consciousness. Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari," pagsisinungaling ko. He clenched his fist and gritted his teeth. Balak niyang hanapin ang tatlong lalaki upang ibalik ang pabor pero hindi ko naman masabi na tapos na. Na wala na sila. Na ako na ang bumawi sa mga buhay nila.
"I'm sorry," mahinang wika ko sa kanya. Puno iyon ng kalungkutan. Nalulungkot ako dahil sa pagsisinungaling ko sa kanya at nalulungkot ako dahil hindi ko nailigtas ang kaibigan niya. I don't have the courage to tell him the truth and I know it will haunt me for the rest of my life.
-------------------------
TO BE CONTINUED...
Haha. May update na naman. Thanks for reading kahit alam kong konti lang kayo <3 You may comment down your thoughts if you want. Take care <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro