Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 49: Eye of the Storm

  "Together, let's fight the eye of this storm..."  


AVERY


Mabigat sa pakiramdam ang kapangyarihang bumabalot sa buong silid. The tension was spreading all over us. Nakakalokong ngumisi sa 'min si Severus na tila ipinapamukha sa 'ming naisahan niya kami. And he really did because of our recklessness!


Marahang bumuntong-hininga si Aivee kaya bumaling na sa kanya ang atensiyon naming lahat. Naghihintay kami sa sagot niya. Wala man lang bakas ng pagsisisi sa mukha niya. Walang kahit anong emosyon ang makikita rito. Diretso lang ang tingin niya kina Verone at Zirrius.


"It's my plan from the very start. When Severus conquered Ameya, he made a deal with me. Sinabi niya na kapag nahanap ko ang kaluluwa ni Avery, palalayain niya ang Ameya. Hinayaan niya kaming tumakas ni Shin kaya napadpad kami sa Hysteria," diretsong paliwanag niya. Napanganga naman si Verone dahil sa sinabi ni Aivee. He made a deal with the two of them?


"Noong una, wala talaga akong balak hanapin si Avery," she said. "Kaya hindi ko inaasahang mahahanap ko siya."


"Nang malaman ko na inutos din ni Severus kay Verone na hanapin ang kaluluwa ni Avery, hindi na ako nagdalawang-isip pa. I confronted him. He told me that he'll only consider one between me and Verone. He'll let only one kingdom to survive. Kung sino ang unang makapagbibigay sa kanya ng impormasyon kung nasaan si Avery, ang kaharian lang niya ang maliligtas," pag-amin niya.


Mariing ikinuyom ni Zirrius ang kamao dahil sa paliwanag ni Aivee. Alam kong unti-unti ng nabubuo ang galit sa puso ni Zirrius. I couldn't blame her for her decisions.


"Akala ko naniniwala ka na maililigtas ni Avery ang lugar ninyo! That's why you can't kill her that time, right?" galit na singhal ni Zirrius kay Avery. "Why did you even try to kill her? Is it just for show?"


Mapait na ngumiti si Aivee. "It's not. I really wanted to kill her that time. Noong una, wala akong balak ibigay siya kay Severus. Iniisip ko na siguro kapag nawala siya, matatapos na ang lahat. But then, I changed my mind because maybe there's still hope. Pero nawala ang lahat ng 'yon nang malaman kong hinahanap din siya ni Verone," she answered truthfully. "Knowing Verone, she can possibly betray us, too. Inunahan ko lang siya."


Mariing ikinuyom ni Zirrius ang kamao. We're trapped. Hindi niya matanggap ang paliwanag ni Aivee. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Si Verone naman ay mapait na napangiti at umiling. Hindi niya akalaing hahantong ang lahat ng pinagpagudan niya sa ganito, sa wala.


"A little faith, Aivee," mariing wika ni Zirrius. "Just a little faith will be enough! It can save!" His heart was racing back and forth because of anger, confusion and frustration.


Pagak na tumawa si Aivee. "A little faith? I already lost everything to still have that. Kailangan ninyong tanggapin na hindi lahat handang lumaban nang patas," mariing wika ni Aivee. "You are the sacrifice I need to save my kingdom. I led you here. The faith you gave me is the reason why you're doomed now," she answered. "Maybe that faith can save but sometimes it can break, too. Beware on whom you gave your faith to," makahulugang saad niya.


Umigting ang panga ni Zirrius. Hindi na rin nakapagtimpi pa si Verone. Isa lang ang ibig sabihin ng mga nangyayari ngayon. Hindi na maliligtas ang Ynaris sa mga kamay ni Severus. Tiyak na hindi palalampasin ni Severus ang ginawa niyang pagtatraydor.


What we have to do now was to fight this storm, the eye of this storm. Kailangan naming makuha ang katawan ko sa kahit anong paraan at tumakas pagkatapos. Kailangan naming kalabanin si Severus. Ang problema lang, hindi namin ito napaghandaan.


Nagulat na lang ako nang lumipad ang dalawang daggers ni Verone patungo kay Aivee. Galit na galit talaga siya ngayon. I was sure she felt betrayed. Hindi siya sanay nang naiisahan. She used to manipulate everyone around her and she hated Aivee's guts now. She hated everything about her now.


Mabilis na sinangga ni Aivee ang dalawang dagger ni Verone gamit ang kanyang espada. Tumalsik ito pabalik kay Verone na walang kahirap-hirap naman nitong sinalo. Tila kuminang pa ang talim ng espada nang alisin ni Aivee ang balot nito. Tinatanggap niya ang hamon ni Verone.


Matiim silang nagtitigan. Tila wala silang pakialam sa paligid nila. This war was between them only. Alam kong hindi rin masisisi ni Verone si Aivee dahil pareho lang nilang iniisip ang mga kaharian nila.


Natigilan naman si zirrius sa nangyayari. Hindi niya alam kung pipigilan ba niya sa pag-aaway ang dalawa o haharapin si Severus. Pero napalingon siya sa katawan kong nababalot ng makulay na mahika. After a few seconds, he finally decided on what to do.


Verone tossed her dark red cloak on the floor, revealing her red armor. She was a fierce and beautiful warrior on her suit. Hinubad na rin ni Aivee ang cloak niya. Iwinasiwas pa niya ang espada sa hangin na tila tinatantiya ang bigat nito.


Binunot ni Verone ang espada niya at mabilis na tumakbo patungo kay Aivee. Kung normal na tao ang manonood sa kanila, hindi na sila makikita pa dahil sa bilis ng bawat kilos nila. They were both lunging for each other's throats. Halatang walang titigil sa kanila hangga't walang namamatay.


On the other hand, Severus crossed his arms on his chest. He was quite thrilled on watching these two Queens destroying themselves. Halatang wala siyang pakialam kung sino man ang manalo o matalo. His long black hair was swaying in the air due to the intensity of the two Queens' forces. Pero hindi siya natitinag. Hindi siya natatakot.


Malalim na bumuntong-hininga si Zirrius. "What should I do? How do I get your body back? How should I transfer your soul on your body?" he asked me. I was still in daze but his voice woke me up.


Nabaling na ang buong atensiyon ko sa katawan ko. "Kailangan mo akong lapitan. Draw a magic pentagram in the air, in front of my body. You have to drop your blood to activate it. That way, you can channel my soul back to my body. You have to chant a spell to do that."


"What's the spell?" he asked impatiently.


"By this Pentagram ruled by Spirit, release this soul trapped in me. I cut these ties. I break these bonds. Let this lost soul flow from where it shall be. Awaken every fiber of this sleeping body. As I speak, so mote it be!" I answered.


He already know how to make a magic circle. But this will be the first time he will make a magic pentagram. But I already tell him how to do that. Sana pinakinggan niya lahat ng itinuro ko noon. Sana magawa niya nang tama.


Hindi ko alam kung nakuha niya lahat ng sinabi ko. Hindi na nagdalawang-isip pa si Zirrius. Nagmamadaling tumakbo na siya patungo sa kinaroroonan ng katawan ko. His heart was pounding hard on his chest. Kinakabahan siya. Hindi pa niya gaanong nakikita ang anyo ko. He was not paying attention on my appearance. He was just desperate to transfer my soul to my body.


Alam naming dalawa na hindi ganu'n kadali ang binabalak niya. Bago pa makalapit si Zirrius sa kinaroroonan ng katawan ko, isang malaking itim na usok na tila pader ang humarang sa daan niya.


"Not that fast," Severus said with a grin curving his soft lips.


Zirrius gritted his teeth as he looked to Severus.


"You have to face me first," Severus added with a shrug. Hindi na namin makita pa ang katawan ko dahil sa makapal na usok na nakaharang sa harapan namin. My body was so near yet so far.


"Be careful," nag-aalalang sambit ko kay Zirrius. "Shall I take over now?" Gusto ko na talaga siyang saniban para harapin si Severus. Ako ang kinakabahan para kay Zirrius. Masyadong malakas si Severus para sa kanya. I also noticed that Severus' magic was not the normal type. It's black magic.


"No," mariing sagot ni Zirrius.


Ilang pagsabog ang namayani sa loob ng malawak na silid. May ilang poste sa loob ang bumagsak dahil sa paglalaban nina Verone at Aivee. They were really unstoppable.


Some debris was flying on Zirrius and Severus' directions because of the two Queen's fights. Mabuti na lang napakataas ang kisame at malawak ang silid. Napansin ko na pareho na silang duguan dahil sa walang tigil na pag-atake nila sa isa't isa gamit ang kanilang mga espada. Iba't ibang mahika rin ang ginagamit nila upang patumbahin ang isa sa kanila. They were both bleeding and wounded.


Kahit hinihingal na sila, wala pa rin silang tigil sa pag-atake. Soon they will wreck the whole place.


Mariing ikinuyom ni Zirrius ang kamao. Madilim ang paningin na tiningnan niya si Severus.


"Get out of my way!" he angrily said. Habang tinitingnan niya si Severus, lalong lumalaki ang galit niya rito. Severus killed her mother and that's already a big deal to be angry. Naiinis din siya dahil sa walang awang pagmamanipula kina Verone at Aivee. Severus was also giving him a hard time to get my body back.


Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko upang matulungan siya sa ganitong sitwasyon. Umangat ang sulok ng labi ni Severus na tila naaaliw sa galit na nararamdaman niya mula kay Zirrius. He was kind of intrigued. Matiim na pinag-aralan ng mga abong mata ni Severus si Zirrius. Hindi ko alam kung binabasa ba niya ang buong pagkatao ni Zirrius pero nakaramdam ako ng kaba.


Hindi ko alam kung hanggang saan ang kayang gawin ni Severus. Dahan-dahang naglakad si Severus patungo kay Zirrius. Tila hindi siya natinag sa nagbabantang tinig ni Zirrius kanina. He wanted to test Zirrius.


"You're a half elf," komento ni Severus. "Sa tingin mo ba, kayang tapatan ng kapangyarihan mo ang kapangyarihan ko? I'm telling you, the answer is no. But if you still want to fight, I'll be more than happy to break you," nakangising sambit ni Severus. Mula sa mga abong mata niya, makikita ang pananabik niyang sirain nang tuluyan si Zirrius. I could smell the bloodlust in the air. I could smell death. I could smell black magic.


Kinakabahan na talaga ako. Napasinghap na lang si Zirrius nang makita ang isang espada na lumipad sa direksiyon ni Severus. Nang mapalingon siya kung saan nanggaling 'yon, nakita niya na mula ito kay Verone. Her head was already bleeding. She already lost too much blood. Napatumba si Aivee na duguan na rin.


Severus raised a hand to stop the sword on its track. A strong force like an invisible shield stopped the sword. Nag-iba ng direksiyon ang espada ni Verone at mabilis na bumalik patungo sa kanya. Inaatake siya ng sarili niyang sandata. Nahihirapang tumayo si Aivee at pinulot ang espada na nahulog sa sahig.


Verone's sword flew faster than lightning that she was not able to dodge it. Bago pa siya makagalaw, bumaon na ang espada niya sa balikat niya. Blood freely flow from her wound. Muntik na siyang matumba dahil sa lakas ng puwersa na tumama sa katawan niya. Halos maubusan ng hininga si Zirrius dahil sa nasaksihan.


Without thinking, mabilis niyang binunot ang espada at mabilis na tumakbo patungo kay Severus. He lunged for his heart. Mabilis na iniwasan ito ni Severus. A thrilled smile registered on his handsome face. Mula sa kung saan, lumitaw ang espada ni Severus. He grabbed it with his right hand.


Ilang atake ni Zirrius ang sinangga niya gamit lang ang isang kamay. Halatang hindi siya pinagpapawisan sa pakikipaglaban kay Zirrius. He looked like he was just playing around.


Malakas na sinipa ni Zirrius si Severus sa tiyan nito pero bigla na lang itong nawala sa harapan niya. He was too fast and deadly. Isang malakas na hampas ng espada ang tumama sa likod ni zirrius. He was knocked down easily with the force. Fortunately, Severus used the back of his sword. Hindi niya tuluyang sinaktan si Zirrius pero alam kong may pasa na sa likod niya dahil sa matinding sakit na naramdaman niya.


Napansin ni Zirrius na muling naglaban si Aivee at Verone. Agad na tumayo siya upang harapin si Severus. He used fire magic to incinerate him. Hindi pa niya ginagamit ang Devil Fire pero kinakabahan na ako sa maaaring kahinatnan ng lahat.


Isang malaking apoy ang pumalibot kay Severus na unti-unting kumakain sa kanya palapit. But then, Severus didn't seem to care. Severus used his own Devil Fire to eat his fire magic.


"Don't use Devil Fire. Huwag mo na siyang bigyan pa ng dahilan upang pahirapan ka niya," seryosong utos ko sa kanya. "Ibigay mo na lang ang kaluluwa ko kay Severus at tumakas ka na!" sigaw ko kay Zirrius.


Mariing ikinuyom ni Zirrius ang kamao pero wala siyang balak makinig sa 'kin. He again lunged and attack Severus with his sword. Nadaplisan lang niya si Severus sa braso. Zirrius released another magic to blow him up. Isang malakas na pagsabog ang naganap sa pagitan nila nang itapat ni Zirrius ang kamay niya sa dibdib ni Severus. Nabalot sila ng isang makapal na usok.


Bago pa makagalaw si Zirrius, isang pagsabog naman ang tumama sa dibdib niya. Hindi niya napatumba si Severus sa ginawa niya pero napalipad siya ni Severus palayo hanggang sa tumama ang likod niya sa isang poste. His chest was wounded and covered with blood. His head was also hurt and he was damaged critically.


Nang mawala ang usok, natanaw pa ni Zirrius ang nakakalokong ngiti ni Severus sa labi. Severus was really far from our level. Zirrius chanted a spell to hold Severus' feet on the ground. Agad siyang tumayo at tumakbo sa kinaroroonan ni Severus. He slashed his chest in a slant cut. Hindi agad nakagalaw si Severus dahil sa mahikang pumigil sa mga paa niya. He just grinned when blood dripped out from his wounds.


Pero hindi man siya makagalaw, nagawa pa rin niyang atakihin si Zirrius nang walang kahirap-hirap. Severus gave Zirrius another blow. This time, harder. Different sharp rocks flew on Zirrius direction. Lahat ng mga ito ay bumaon sa katawan niya. Napasigaw na lang siya dahil sa sakit. Halos mapaluhod siya sa sahig.


Another strange magic crawl on Zirrius' skin. Tila sinasakal ng itim na usok si Zirrius kaya mahigpit siyang napahawak dito. Napansin ko na nakawala na si Severus sa mahika ni Zirrius. The cut on his chest was not bothering him. Natigilan si Zirrius nang matanaw si Verone na duguan at wala ng malay sa sahig. Aivee was holding her sword on her hand, ready to lung for her heart. Halos manlaki ang mga mata ni Zirrius. Mukhang napansin din ni Severus ang balak gawin ni Aivee pero hindi niya ito pinigilan.


"Aivee! No! Fuck! Don't you dare do that!" sigaw ni Zirrius na halos mawalan na siya ng hininga. I wanted to get out of this body right now. I wanted to stop everything! Malungkot ang mga mata ni Aivee nang sumulyap siya kay Zirrius. Tears silently fell from her eyes. Hindi na siya nagdalawang-isip pa. She straightly thrusted her sword on Verone's heart. And a temporary blinding light engulfed us.


Maliliit na liwanag ang bumalot sa katawan ni Verone hanggang sa unti-unti na siyang naglaho kasama ng liwanag. Malakas na napasigaw si Zirrius. "Verone! No!" he screamed out of his lungs. Nanghihinang napaupo na lang sa sahig si Aivee. Hinihingal din siya at maraming sugat sa buong katawan.


"I'm sorry," she whispered. Mahigpit na hawak niya sa kamay ang duguang espada niya.


Nanghihina na rin si Zirrius habang unti-unting sinasakal siya ng itim na usok. He couldn't believe that Verone was already gone. It was just too fast. Hindi man lang siya nakagawa ng kahit ano upang mapigilan ang mga pangyayari. Naninikip na ang dibdib niya. Masakit sa dibdib. Mahirap tanggapin na wala na si Verone. I decided to take over without his permission.


My gold eyes stared at Severus. He smirked when he realized that he's already facing me. "Avery," he greeted with a knowing smile.


"If you want my soul, you can have it! Pero pakawalan mo na si Zirrius!" nahihirapang saad ko dahil sa itim na usok na sumasakal sa leeg ko.


Zirrius was shouting in my head. "You can't do this!" he frustratedly shouted. "Lalabas tayo nang magkasama!" Nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi niya. Kahit gustuhin ko man, mukhang imposible 'yon.


Mahinang tumawa si Severus. "No. I'll have both of your souls," he answered without mercy. A thick black smoke covered me. And then after that, everything blacked out.


~~~~


Nagising si Zirrius sa loob ng isang selda. His hands were handcuffed on the wall. Masakit ang buong katawan niya at natuyo na ang dugo sa suot niya. Nahihilo siya at pinipilit alalahanin ang mga nangyari. Everything was a blur until Aivee entered his dark cell.


Unti-unti niyang naalala kung paano pinatay ni Aivee si Verone. Umigting ang panga ni Zirrius at madilim ang mga mata habang tinitingnan si Aivee.


"Why did you kill her?!" galit na sigaw ni Zirrius kay Aivee.


"Death is the easiest escape," she answered flatly.


"Traydor!" galit na sigaw ni Zirrius. He was so frustrated. Gusto niyang kumawala sa mga posas sa kamay niya pero hindi niya magawa.


"No. Hindi ako nagtraydor. Hindi naman talaga kami nagkakasundo ni Verone kaya natural lang na gawin ko sa kanya 'yon," matigas na sagot ni Aivee.


Lalong nanikip ang dibdib ni Zirrius dahil sa sinabi ni Aivee. Hindi siya makapaniwala na ganu'n na lang ang lahat. Na kayang gawin 'yon ni Aivee kay Verone. Masakit. Mabigat. Paano na ang Ynaris? Paano na si Rigel? Naramdaman kaya ni Rigel ang nangyari kay Verone? Naramdaman kaya ng nasasakupan ni Verone na wala na siya?


Hindi na napigilan ni Zirrius ang luhang pumatak sa mga mata niya. "Why did you come here?" mariing tanong niya pero ramdam na ramdam ang galit.


"I already told you. My army is at Avery's disposal. And I want to show you this," she answered. Ipinakita niya ang libro na biglang lumitaw sa harapan niya. "It's not the real book. It's just a copy. Na kay Severus ang totoong libro. I just want to warn you on what may happen next," seryosong sagot ni Aivee.


"Hindi ko maintindihan kung bakit mo ito ginagawa! Ano ba talaga ang binabalak mo?" naiinis na tanong ni Zirrius kay Aivee.


"You don't have to know my reasons," she answered. "Nasa library ng palasyo ng Elfania ang totoong kopya nito. To obtain all the power on this world, he needs a powerful sacrifice. A soul of a pure blood from Avery's bloodline. Si Avery lang ang tanging natitira. And also, he needs the whole pendant," she added. "Nasa kanya na ang kalahati. He will keep you locked here until he finds the other half of it."


"The towers he built can draw a big hexagonal star to activate the magic circle. Elfania is in the middle of it. No one will survive if he succeeded," paliwanag pa niya. Naglaho ng parang bula ang libro sa harapan namin. "Damon, already got the copy."


"Bakit mo siya pinatay kung alam mong walang makakaligtas?" galit na tanong ni Zirrius sa kanya.


"I have to. Severus must believe that he can trust me," she answered. "I need his trust, right now." Bumigat ang pakiramdam ni Zirrius. He wanted to throw punches because he's really frustrated and lost. Gusto niyang magwala pero hindi man lang siya makagalaw. Bakit ba pakiramdam ko, may kanya-kanyang plano ang lahat? Tahimik na lumabas ng selda si Aivee. Hindi na niya sinulyapan pa si Zirrius.


Malakas na napasigaw si Zirrius dahil sa inis at galit. He was now trapped. I think, the eye of this storm is just too strong for us.


*****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro