Soul 48: Sacred Temple
"And the easiest escape is death..."
AVERY
Dalawang araw rin bago narating nina Verone at Zirrius ang Elfania. Mula sa mataas na kabundukan, natanaw namin ang malalaki at matataas na tarangkahan na gawa sa bakal, ginto at bato na nakapalibot sa buong Elfania. Verone and Zirrius crossed mountains and rivers just to reach this place. Just to reach my home. Finally.
Nakikita ko na ang gintong gate na mahigpit na binabantayan ng mga kawal na Asterian. Natatanaw ko na rin sa malayo ang palasyo na nasa pinakagitna ng buong imperyo. Ito ang pinakamataas sa lahat ng lugar. The palace was still mightily and elegantly standing, overlooking the whole land. Malawak ang nasasakupan ng Elfania. Binubuo ito ng tatlong kaharian na pinag-isa na lang. Ito rin ang pundasyon ng lahat ng Elven Kingdoms sa bahaging ito ng mundo. Exether. Ynaris. Ameya. Lemshys. Augury.
Sa kasamaang palad, napasok na pala ni Severus ang ilang bahagi ng Elfania bago siya nagpasyang lumusob noon kaya wala kaming nagawa sa digmaang sinimulan niya. And now, I would retrieve everything from him. Hindi ko na hahayaang sirain niya ang teritoryo ko. Natanaw ko rin sa malayo ang pinakamalaking templo sa Elfania na halos kapantay lamang ng palasyo sa kanang bahagi.
I was glad its beauty was still preserved. Halos mapasinghap at mapaiyak ako nang matanaw ko rin sa malayo ang mga nasasakupan ko na walang awang hinahagupit ng mga Asterian gamit ang kanilang mga matatalim na latigo. They were forcing my people to work on the fields and build some lavish infrastructures. Mukhang inangkin na talaga ni Severus ang buong Elfania. Ginagawa lang niya kung ano ang gusto niya. I would surely make him pay for this.
Nagtaka ako nang mapansin na walang tower na itinayo si Severus sa Elfania. Hindi ko tuloy alam kung para saan ang mga tower na itinatayo niya. Ano ba talaga ang plano niya?
"Kailangan nating umikot," seryosong saad ni Verone. Tahimik na tumango lang si Zirrius. I could feel his heart hammering inside his chest. Halatang habang papalapit siya nang papalapit sa Elfania, lalo siyang kinakabahan. I hoped we were really lucky to be able to retrieve my body. Sana walang aberyang maganap sa misyon namin pero alam kong imposible 'yon.
Sinundan ni Zirrius si Verone. Tinunton nila ang mabatong daan sakay ng kani-kanilang kabayo pababa sa kabilang bahagi ng kabundukan. Mabuti na lang, walang mga Asterian na naglilibot sa parteng ito dahil may kalayuan pa ang kinaroroonan namin mula sa Elfania.
Nang malapit na sila sa gilid na parte ng Elfania, bumaba na si Verone sa kanyang kabayo. "We'll walk from here," seryosong sambit niya. Walang nagawa si Zirrius kundi bumaba sa kabayo niya. Itinali niya ito sa isang puno. Naglakad sila patungo sa mataas na batong pader na nakapalibot sa buong Elfania.
May malinis na ilog na dumadaloy sa gilid nito. I could see that water was flowing from a tunnel. It was the sewage's underground tunnel. I thought Verone discovered a better passage. I thought it would be something fancy and magical but I was quite wrong. Pero mas mabuti na ito kaysa wala. Inutusan niya si Zirrius na alisin ang bakal na nakaharang sa lagusan.
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Zirrius si Verone pero hindi siya nagsalita upang magreklamo. Bahagya lang siyang umiling at sumimangot. Ngumiti lang nang matamis sa kanya si Verone na tila nang-aasar. Verone was ordering Zirrius around for three days now.
Zirrius chanted a spell. Itinapat niya ang kamay sa bakal. He used his Devil Fire to melt the steel. Verone was kinda impressed. She eyed Zirrius with satisfaction.
"Mabuti naman at nakokontrol mo na nang maayos ang kapangyarihan mo," komento ni Verone. Habang naglalakbay sila nang mga nakaraang araw, tinuturuan din ni Verone si Zirrius upang mas maayos na makagamit ng mahika. Nakatulong naman ito upang mas mapalakas pa ni Zirrius ang kapangyarihan niya. He learned too fast as if he was naturally gifted with magic.
Naunang pumasok si Verone sa loob. Binaybay niya ang makipot na sementong daan sa gilid ng tunnel, habang sa pinakagitna, makikita ang malayang pag-agos ng tubig. Tahimik na sumunod si Zirrius kay Verone.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Zirrius. Nag-echo pa ang tinig niya sa loob ng tunnel. Makapal ang mga batong pader at madilim sa loob. May makikitang torches sa loob pero walang sindi. On one snap of his finger, the whole place lightened up. I was silently impressed with what he could do now, too.
"We will meet Rhys somewhere here," seryosong sagot ni Verone. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Why would she meet Rhys? I instructed Roan to meet with Verone before we get here so he would know the plan. He's my right hand man. Pero bakit ang anak niya ang kailangan niyang papuntahin upang makipagkita kay Verone?
Kakaibang kaba ang bumundol sa kaluluwa ko. Sino ba ang nakatanggap ng sulat na ipinadala ko? I hoped I didn't make any mistake. Sana walang masamang nangyari kay Roan.
Two tunnels were straight ahead. Tinahak ni Verone ang kanang bahagi nito. According to Verone, my body was placed on the Sacred Temple and Rhys would lead us there since he knew this sewage very well. Sa 'di kalayuan, natanaw namin ang isang anino. I could clearly see a well-built man standing with his arm crossed on his chest.
He's so familiar and I would never forget that kind of presence an elf could emit. Rhys. He was one of the greatest warriors I ever had.
May kasama siyang babaeng mandirigma. She's another general on my army, Ivo. I wanted to smile. I could feel their vibrant power from this far distance. Somehow, I really felt that I'm finally home but not quite so. Madalas siyang kasama ni Roan noon. He was kind to me too even when I was so little and young.
Rhys' hazel eyes were fixed on Verone's arrival. Tumayo silang dalawa nang tuwid at bahagyang yumukod upang magbigay galang kay Verone. Pero alam kong hindi nakaligtas sa paningin nila si Zirrius.
"He's the one?" seryosong tanong ni Rhys sa malalim na tinig.
Bahagyang tumango si Verone. "He's the host for Avery's soul. Meet Zirrius," mahinang sagot ni Verone. I could see the flicker of sadness on Rhys' hazel eyes on the mention of my name. Bahagyang yumukod sina Ivo at Rhys kay Zirrius upang magbigay-galang para sa 'kin. Marahang tumango lang sa kanila si Zirrius.
"Do you want to talk to them?" tanong ni Zirrius sa utak niya.
"Yes," mahinang sagot ko. Marami akong tanong na kailangan ng kasagutan.
"Pwede mo munang hiramin ang katawan ko," he offered, kindly.
"Thanks," sagot ko. Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Sinaniban ko na siya. Napasinghap sina Ivo at Rhys dahil sa biglaang pagbabago ng kulay ng mga mata ni Zirrius. When they stared on my gold eyes, they already knew who I was. Agad silang lumuhod sa harapan ko.
"Empress Avery," kinakabahan at mahinang pagbati ni Rhys.
"Maaari na kayong tumayo," mahinang saad ko. Maharang tumango ang dalawa at dahan-dahang tumayo. Diretsong tumingin sila sa 'kin. Napansin ko ang bahagyang pagkamangha sa nakikita nila. They never thought that this was possible. Pero napansin ko rin ang bahagyang pagkailang nila. "Why did you come here instead of Lord Roan?" seryosong tanong ko kay Rhys.
Napalunok silang dalawa. Mas lalong nabalot ng lungkot ang mga mata ni Rhys. "My father died three years ago," diretsong sagot ni Rhys. Halos mapasinghap ako dahil sa narinig ko. Hindi ko inaasahan ito. I was only thinking that maybe he's in the camp with other soldiers or maybe he was captured. Anything! But not dead! Damn! He's really dead?
Napaawang ang labi ko dahil sa pagkabigla. Unti-unting bumigat ang pakiramdam ko dahil sa nalaman. Halos manikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga.
"Ano'ng nangyari?" paos na tanong ko na halos wala ng lumabas na salita sa bibig ko. Hindi ito ang inaasahan ko. "You're the one who received my letter? How?"
"He passed his position to me, temporarily. He said that you can change it if you ever came back," he answered. "That's the reason why I received your letter. Sorry that I couldn't answer your letter back," nakayukong sagot ni Rhys.
"How did he die?" I repeated my question. I sounded desperate.
Malalim na bumuntong-hininga si Rhys. Marahan niyang kinagat ang labi. Halatang nagdadalawang-isip siya kung sasagutin ba niya ang tanong ko o hindi. But he swore his loyalty to me and the kingdom. He must answer me truthfully. "He made a spell that took his life. The spell was to protect your body from any harm until you come back," malungkot na sagot niya.
Pakiramdam ko tumigil ang pag-ikot ng mundo ko dahil sa narinig. He offered his life for my sake? Pakiramdam ko nagkaroon ng malaking bikig sa lalamunan ko. I can't hardly breathe. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko at hindi ko na napigilan ang paglandas ng luha sa pisngi ko. Hindi ako nakapagsalita.
"Ipinaglaban ka niya pero nakuha pa rin ni Severus ang katawan mo. Naisip niya na mas magiging ligtas ka kung gagamitin niya ang mahikang 'yon upang protektahan ka mula kay Severus. Right now, Severus can't even touch your body. No one can ever touch it unless you're back. Unless your soul is transferred on your body," he explained. "Mawawala lang ang mahika ni Ama kapag nakabalik ka na."
Mariin akong napapikit. I never thought that this kind of tragedy already happened without my knowledge. "I'm sorry for your lost," mahinang paghingi ko ng tawad kay Rhys. Narinig ko ang mabigat na pagsinghap ni Rhys dahil sa sinabi ko. Nang magmulat ako, napansin ko ang mariing pagkuyom niya ng kamao. He abruptly shook his head.
"You don't have to apologize. It's my father's choice. And my family swore our loyalty to your bloodline," he answered. "It's our duty to serve you until our very last breath," he said and exhaled deeply. Mas lalo akong natahimik. I don't wish for this kind of loyalty but I was grateful.
"I'm sorry that I left," mahinang saad ko. This was the only thing I could do right now. To be sorry. To be regretful. I already caused my people a lot of pain. Hindi ko akalain na pagbalik ko sa lugar na ito, mahina pa rin ako.
"It's not your fault," sagot ni Rhys nang diretso siyang tumingin sa mata ko. I could see the fire. The hope on my return. "Right now, we just wish for this kingdom to be redeemed again," he said with determination. "Ngayong bumalik ka na, bawiin na natin ang Elfania. Tapusin na natin ang kasakiman ni Severus. I want to end this so bad that I'd always wish for the day of your return. You don't have any idea how I prayed for you to come back and redeem us, everyday of my life," he said with desperation.
Nakagat ko ang labi ko habang wala pa ring tigil sa paglandas ang mga luha ko sa pisngi. How I wish that everything was just as easy as wishing. Marahan akong tumango. Mariin akong pumikit para pigilin ang pagpatak ng luha ko. I must be strong. Hindi ko dapat ipakita ang kahinaan ko sa mga nasasakupan ko. Tiyak na sa 'kin din sila kumukuha ng lakas ng loob upang lumaban. I must be strong for them.
Seryoso na ang mga mata ko nang tumingin ako sa kanya. I knew my eyes were burning with determination too. I would lead them like a great King would do inside a game of chess.
"Alam mong hindi ganu'n kadali ang lahat. Alam mong marami tayong kailangang isakripisyo bago tayo magtagumpay. As my right hand man, I appoint you to fight alongside with me. No matter what happens, no matter how many lives are taken, you will fight for our Kingdom's cause and pride. You will not back down," seryosong saad ko sa kanya. "Will you accept that position?"
Kahit hindi makapaniwala si Rhys mula sa narinig sa mga bibig ko, yumukod siya na upang ipakita na tinatanggap niya ang puwestong itinalaga ko sa kanya.
"Yes, Your Highness," he answered with burning determination.
"Then, I will let you lead the army from now on. I know, Ivo will help you," saad ko at matipid na ngumiti. Tumungo naman si Ivo tanda na tinatanggap niya ang sinabi ko. "Let's meet again when I get my body back," sambit ko bago ibinalik kay Zirrius ang katawan niya.
Nang matapos na ang pag-uusap namin, hinarap na ni Verone sina Rhys at nagsalita na siya. "Lead us to the temple," mahinang utos ni Verone.
Rhys was well-equipped with weapons on his white gold armor suit. His well-built body was quite exposed and no one would ever dare to doubt his experience on fighting. Napansin ko na halatang mas malakas na rin si Ivo ngayon.
Nakasakbit sa likod niya ang pana at palaso niya. She was also wearing her warrior suit made of silver. Her long brown hair was styled in a high ponytail. Maamo at maganda ang mukha niya at hindi aakalain ng sinuman na may kakayahan siya sa pakikipaglaban. She was more suited to be a High Lady in Court due to her gorgeous face. I was sure dresses will suit her as well.
Rhys' shoulder length silky chestnut brown hair was clipped on his signatured half-ponytail. He actually looked good on it. He would never go out of style even when years passed him by. That's the best thing I remembered about him.
Marahang tumango si Rhys bago binigyan ng huling sulyap si Zirrius. He was a bit lost. I knew he wanted to talk more. Lampas isang daang taon na ang edad niya pero hindi halata sa itsura niya. Halos kaedad lang namin siya kung titingnan. And damn! Ivo was also a hundred year older than us but she still looked young.
"This way," seryosong wika ni Rhys. He led the group on the deep part of the sewage. There were too many tunnels inside. Namamangha ako na alam talaga niya ang pasikot-sikot dito nang hindi nawawala.
Pakiramdam ko inabot na kami ng isang oras sa paglalakad pero hindi pa rin namin nararating ang destinasyon namin.
Tumigil si Rhys sa isang hagdan na gawa sa bakal. Hinayaan niyang unang umakyat si Ivo. She removed the valve to open the exit. Sinenyasan niya si Rhys na ligtas ang lugar para sa 'min.
We were unexpectedly inside a small house. It seems they made this exit for their escape. Lumapit si Verone sa bintana na natatakpan ng makapal na kurtina. Bahagya niya itong hinawi upang tingnan kung nasaan na kami.
Natanaw ko ang mataas na templo sa 'di kalayuan. Nasa likod na bahagi kami ng templo. We need to reach it by foot from now on. Unfortunately, portals are restricted on this area. Napansin ko ang mga kawal na nagbabantay sa lugar. Hindi sila ganu'n karami dahil nasa likod na bahagi lang sila at walang masyadong elves na pumupunta rito.
"Kami na lang ni Zirrius ang pupunta sa templo," seryosong saad ni Verone nang isara niya nang maayos ang kurtina. "We can't risk your safety. Hintayin na lang ninyo ang sunod na iuutos ni Avery kung sakaling mabawi namin ang katawan niya," sabi pa niya habang tahimik na pinag-aaralan si Rhys. Napansin ko ang bahagyang pagkuyom ng kamao ni Ivo.
Kilala ko siya. She's more than willing to do anything to make sure that I was safe. Sa kanya ako ipinagkatiwala ng ina ko noong wala pa ako sa sapat na gulang. Sa kanya rin ako natutong gumamit ng pana at palaso. She's liked an older sister to me. Kahit na tahimik siya sa buong oras na magkakasama kami sa ilalim ng tunnel, alam kong hindi na siya mananahimik ngayon.
"At paano kung hindi ninyo mabawi ang katawan niya? Hindi ba dapat mas bantayan namin siya? Paano kung makuha siya ni Severus? Hindi ako maaaring manahimik na lang nang walang ginagawa," seryoso at mariing saad ni Ivo.
Bahagyang lumiit ang mga mata ni Verone at tinaasan ng kilay si Ivo. "Do as I say. Kung mahuhuli kami, pati kayo madadamay. You're the one who must lead Avery's army while she's away. It will be wiser to stay put to not alarm Severus on our real plan," seryosong utos ni Verone. Ramdam ko ang pagiging Reyna niya sa bawat salitang binibitawan niya. She's a Queen meant to rule and no one could break her orders. She's always like that. "Go back to your camp now."
Mariing ikinuyom ni Ivo ang mga palad. Magsasalita pa sana siya pero pinigilan siya ni Rhys.
"If that's what you want then we will wait for her to return," seryosong saad ni Rhys. Tumango naman si Verone. Bumuntong-hininga si Zirrius dahil sa kakaibang tensiyon na pansamantalang bumalot sa buong paligid.
Inayos na ni Verone ang hood niya. Maging si Zirrius ay ganoon din ang ginawa. Rhys instructed them on where we could find the safest route possible.
Gladly, Verone could make an illusion for the both of them to become invisible on some Asterian guards' eyes. Pero hindi ganu'n katagal ang epekto ng ilusyong ginawa niya kaya nagmamadali silang tumakbo patungo sa templo. They were running so fast that they didn't even care if they were running uphill.
Ilang kilometro ang tinakbo nila bago nila narating ang likod ng Templo. Naglaho na ang mahika ni Verone kaya kailangan na nilang mas maging maingat. Nakapagtataka na walang nagbabantay sa likod ng templo kung saan sila pumasok. Medyo madilim sa bahaging iyon. Both of them were sweating. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ni Zirrius dahil sa kaba.
There was a wooden stair on the back side of the temple. Both of them were alert as they went upstairs. Inilabas na ni Verone ang maliit na patalim niya. Maging si Zirrius ay ganu'n din ang ginawa. Hindi na maaaring gamitin ni Verone ang mahikang ginamit niya kanina dahil umuubos ito ng lakas niya.
Sa ikalawang palapag, makikita ang malawak na silid kung saan makikita ang isang altar sa pinakagitna nito. This was a sacred ground for the Elfanians. Dito ginaganap ang halos lahat ng mga seremonya upang magbigay-pugay sa mga itinuturing naming makapangyarihan at lumikha sa 'min. Masyadong makipot ang hagdan sa likod na bahagi ng templo. Only the servants were using this stairs.
Napasinghap si Zirrius nang dalawang kawal na Asterian ang makakasalubong namin. Pababa ang mga ito sa hagdan. Verone was still calm. Nakatago ang mukha niya sa mga ito. Nakakunot-noo ang mga ito kina Verone at Zirrius.
"Saan kayo pupunta?" mariing tanong ng kawal pero nanatiling tahimik si Verone habang patuloy ang pag-akyat sa hagdan. Napalunok naman si Zirrius habang sinusundan si Verone. Nang halos magdikit na ang kawal at si Verone, agad na hinablot ng kawal ang bisig ni Verone.
Napahinto si Verone sa paglalakad pero mabilis ang mga kamay na naitutok niya ang patalim sa leeg ng Asterian bago ito ginilitan. Walang buhay na nalaglag ang katawan nito sa hagdan. Nagulat ang kasama nito kaya agad na lumipad ang kamao nito patungo kay Verone. Verone grabbed the Asterian guard's fist and slammed his back on the stairs. Malakas na ingay ang bumalot sa tahimik na templo.
Nakagat ni Zirrius ang labi. This noise could attract others attention. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Zirrius. He stabbed the Asterian guard's heart without hesitation. Nang bunutin na niya ang patalim mula sa dibdib nito, saka lang siya nakaramdam ng pagsisisi. Nabahidan na ng dugo ang punyal niya.
He silently cursed inside his head. He's an Asterian too. And he was supposedly the King.Napahilamos si Zirrius sa mukha. Naguguluhan na siya sa ginagawa niya. Alam kong napansin ni Verone ang pagsisisi ni Zirrius.
"No time for regrets," seryosong sambit ni Verone. "Halika na!"
Nagmamadaling umakyat si Verone. Wala ng nagawa si Zirrius kundi ang sundan si Verone. When they reached the second floor, they noticed that there were too many hallways inside. Masyadong malawak ang templo at maraming silid sa loob nito. Wala akong napansing kawal na nag-iikot sa paligid. The whole place was too silent to be safe.
Mula sa kamay ni Verone, lumabas ang isang mapa. She checked it. The biggest room in the middle of this temple was my body's location. Maingat na naglakad si Verone patungo sa kinaroroonan ng silid. Pinakikiramdaman niya ang buong paligid. She was using her sensitive ears to check if there was someone inside this place. Ilang pasilyo ang nilikuan nilang. The shiny wood floor beneath their feet was gently creaking. Mas lalong pinapakaba ng tunog na ito si Zirrius.
Kumunot ang noo ni Verone nang mapansin na walang nagbabantay sa silid kung nasaan ang katawan ko. "This doesn't sit well," she almost whispered to herself.
Maging si Zirrius ay nagtataka rin. Hindi na rin maganda ang pumapasok sa utak niya. "Paano kung patibong lang ito?" mahinang tanong ni Zirrius. "Paano kung alam pala ni Severus na pupunta tayo rito?" kinakabahang tanong niya. Itinaas ni Verone ang kamay upang patahimikin si Zirrius. Pinakiramdaman niya ang buong paligid. The whole place was just too quiet and solemn. It was too peaceful that it was scaring the hell out of them.
Seryosong tiningnan ni Verone si Zirrius. "Hindi na tayo maaaring umatras ngayon. Kung anuman ang naghihintay sa 'tin sa loob ng silid na ito, kailangan nating makalabas nang buhay sa kahit anong paraan," seryosong pahayag ni Verone. "Kung mahuli tayo, hindi ko alam kung ano na ang mangyayari. Maaaring ito na ang katapusan natin," dagdag pa niya sa mababa at mabigat na boses.
Mariing kinagat ni Zirrius ang labi at mabigat ang ulo na tumango. Alam kong kinakabahan din si Verone pero naglakad na siya patungo sa silid. Marahan niyang pinihit ang pinto na hindi man lang naka-lock. This was really suspicious. Nang silipin niya ang loob ng silid, walang katao-tao sa loob.
Pero makikita ang katawan ko na nakahiga sa altar. I could see the magic surrounding my body. The magic Roan sacrificed with his life. As if there was a rainbow shield protecting me. Pumasok na si Verone sa loob nang masiguradong walang tao sa lugar. Halos hindi naman maihakbang ni Zirrius ang paa upang pumasok sa loob ng silid.
He was sweating with nervousness for unknown reason. His heart was hammering on his chest as if it wanted to be set out free. Nang makapasok silang dalawa sa loob, napasinghap silang pareho dahil sa biglaan at malakas na pagsara ng pinto. Black magic penetrated the whole place.
Agad na inilabas nina Zirrius at Verone ang mga armas nila at inilibot ang paningin sa buong paligid. My soul was kinda soffucated with this scene. I was praying so hard that it was not Severus but I knew it was undoubtedly him.
Mula sa isang pinto sa kabilang bahagi ng silid, pumasok si Severus. "Verone," seryosong tawag ni Severus sa namumutlang si Verone. "You really have the guts to betray me? Well, I did expect that you will soon. Alam kong hindi ka magpapaalipin na lang basta-basta," he said with a cruel smile. Tila nanigas sina Verone at Zirrius sa kinatatayuan. Hindi naman ako mapakali dahil sa mga nangyayari.
"P-Paano mo nalaman na darating kami?" nahihirapang tanong ni Verone.
"Someone told me," kibit-balikat na sagot ni Severus. "Unfortunately, she's not willing to sacrifice her kingdom just as much as you do," he added. Sumenyas si Severus sa hangin at bumukas ang isa pang pinto. Mula sa pinto na 'yon, lumabas ang isang babae na nakasuot ng dark blue cloak. Aivee. Halos tumigil ang mundo nang tumingin siya sa kinaroroonan nina Zirrius at Verone. Walang kahit anong emosyon na makikita sa mga mata niya.
Verone gritted her teeth. Samantalang hindi naman makapaniwala si Zirrius sa ginawa ni Aivee.
Nalilito naman ako dahil sa nangyayari. What was she planning to do? Why did she betray us? She said her army was at my disposal, right? Hindi ko siya maintindihan! Bakit niya ginagawa 'to?
"And here I am thinking that I'm already the worst," mapait na sambit ni Verone.
Ngumisi lang si Severus kay Verone. "She's more hideous than you. I'll let her explain everything for you," naaaliw na wika ni Severus. His lips curved into a half knowing smirk.
~~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro