Soul 43: Captured
"Before it's too late..."
AVERY
I wish Zirrius had the power to disappear right now. Wala akong magawa upang makatakas siya. Kahit subukan kong kumawala sa mga tanikalang nakapulupot sa 'kin ay hindi ko magawa. Ni hindi ako makapagsalita upang utusan si Zirrius na pakawalan ako. Pero ramdam ko ang unti-unting paghigpit ng mga tanikala dahil sa pagpa-panic niya. I was so irritated and in severe pain.
I was silently cursing this damned situation. Really. Masyadong maganda ang timing! Whoever wrote my fate right now was surely mean and cruel. I was going to praise that someone for a job well done. I wanted to bitterly laugh right now but I couldn't and that's even pathetic.
Kapag pinalad si Zirrius na makaligtas sa mga kamay ni Severus, unang-una kong hahanapin si Verone upang bumawi. Iniwan niya si Zirrius nang walang pagdadalawang-isip! Napakaduwag niya! Ramdam ko ang namumuong galit sa sistema ko. Kung wala ang mga tanikalang nakapulupot sa kaluluwa ko, kanina ko pa sinaniban si Zirrius.
"Hanapin ninyo si Verone," seryosong utos ni Severus sa ilang mga kawal na nasa likod niya. Yumuko ang ilang Asterian bago sila umalis upang hanapin si Verone. Kahit papaano ay kinabahan din ako para sa kaligtasan ni Verone. Kung mahuhuli siya kasama namin, tiyak na mawawalan na talaga kami ng pag-asa. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman ngayon. Gusto kong gantihan si Verone pero ayaw ko siyang mahuli.
Apat na kawal na lang ang natira sa likod ni Severus. Mariing ikinuyom ni Zirrius ang kamao dahil naramdaman niya ang unti-unting panginginig ng kanyang katawan. He was secretly scared. Hindi siya handa sa ganitong pagkakataon. At ang nakakainis pa, nakalimutan niya ako dahil sa takot niya.
Hindi man lang pumasok sa isip niya na pakawalan ako. Damn these chains!
Mala-demonyong ngumisi sa kanya si Severus. Though he seems dangerous, he's still one of the most gorgeous elf I've ever seen for sure. He may be an elf in flesh but he's undeniably a demon at heart. He's very evil.
"Kung gano'n nagsasanay ka sa lugar na 'to? Akala yata ni Verone, matatakasan ninyo ako," napapailing na saad ni Severus. The venom on his voice was clearly lingering on his tone. He clicked his tongue and then his kissable thin lips curved into a coy smile.
"Sa tingin ba ninyo, mananalo kayo laban sa 'kin?" he asked with a half-smirk. Bahagyang umangat ang isang kilay niya na tila pinag-aaralang mabuti si Zirrius. His power radiated inside the room. Tila may malakas na puwersang gustong magpatigil sa tibok ng puso ni Zirrius. He could feel that strong force emanating inside the room, ready for destruction. Ni hindi siya makagalaw dahil sa takot na unti-unting bumabalot sa buong sistema niya.
Hindi niya matukoy kung anong mahika ang ginagawa ni Severus pero ramdam namin ang lakas nito. Tila gustong bumaliktad ng kalamnan ni Zirrius. Gusto niyang masuka. Severus power was consuming him for unknown reason.
Bahagyang napaurong si Zirrius nang maglakad patungo sa kanya si Severus. He clutched his fists tightly. He was planning to fight him. I wanted to curse badly. Kapag tinangka niyang gamitin ang Devil Fire, tiyak na malalaman na ni Severus ang katotohanan. Wala man lang akong magawa para pigilan 'yon.
Defiance was clearly visible on Zirrius' face. Kinontrol niya ang panginginig ng katawan at kinalma ang sarili. Hindi dapat siya magpaapekto sa presensiya ni Severus. He managed to hide his fear a bit.
Mas lalong napangisi si Severus dahil sa reaksiyon ni Zirrius. "Are you going to fight me?" naaaliw na tanong niya. Sumenyas sa hangin si Severus. Nagsimulang gumalaw ang mga kawal na Asterian at pinalibutan si Zirrius. "If I were you, I won't do that."
"Ano'ng kailangan mo sa 'kin?" mariing tanong ni Zirrius. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang sabihin. Hindi siya handa at magulo ang isip niya. Unti-unti siyang umuurong patungo sa maliit na mesa kung saan nakapatong ang espada niya.
"I already realized it too late. You're bearing Avery's soul, right?" he grinned devilishly. Napasinghap si Zirrius pero nagawa pa niyang makuha ang espada niya. He unsheathed his sword and alertly faced the Asterian guards. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Severus.
Nagulat siya pero hindi niya ipinahalata. Mas lalo akong napamura nang tahimik dahil sa narinig ko. "Avery? Ano'ng kalokohan ang pinagsasabi mo? Hindi ko siya kilala," Zirrius stated as innocent as he could. Kung hindi lang ako nakakadena at kinakabahan sa mga nangyayari ngayon, baka mahina na akong tumawa. He's a bad actor. Ni hindi siya makatingin nang diretso kay Severus nang sabihin niyang hindi niya ako kilala.
Umangat ang sulok ng labi ni Severus. Halatang hindi niya nagugustuhan ang ginagawang pagpapanggap ni Zirrius. Pero napapansin ko na unti-unti ng nauubos ang pasensiya niya. Hindi pa gumagalaw ang mga kawal na Asterian dahil halatang naghihintay sila ng hudyat mula kay Severus.
Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ni Zirrius na tila lalabas na sa dibdib niya anumang oras. He badly wanted to stop his heart from erratically racing back and forth. Pakiramdam niya naririnig ito ni Severus at ng mga Asterians. Kahit anong gawin niya upang itago ang kaba niya, mahahalata pa rin ng mga ito.
"Seems like you need a good beating," mahinang komento ni Severus. "Kahit hindi mo man aminin ang totoo, hawak pa rin kita sa leeg. For now, I can torture you as long as I want. Hindi pa naman ako nagmamadali na mabawi ang kaluluwa ni Avery mula sa 'yo," makahulugang saad niya. Sumenyas siya sa mga kasama niyang kawal. The Asterian guards started to move.
Inilabas nila ang mga espada nila. Their sharp swords were glittering under the extravagant light coming from the chandelier hanging above the huge room. The four Asterian guards were pointing their swords at Zirrius, threatening him. As if they were giving him a warning.
Umupo naman si Severus sa sofa na kanina'y inuupuan ni Verone. Pinanood lang niya ang mga Asterian at si Zirrius. He was acting all high and mighty like a powerful emperor he was. Kahit nakaupo lang siya, ramdam na ramdam ang lakas niya sa malawak na silid na kinaroroonan namin. Hindi normal ang kapangyarihan niya. I could feel the touch of black magic on his presence.
Mariing kinagat ni Zirrius ang labi. He couldn't argue with Severus about my soul. Mas lalong hindi maniniwala sa kanya si Severus. He's not good at lying, anyway. Unang sumugod ang isang kawal na pinakamalapit sa kanya. Zirrius jumped on the bed and ran towards the busted door to escape but Severus quickly made an invisible wall to fix it. Now, he couldn't possibly escape unless he defeated Severus.
Tinangkang pasabugin ni Zirrius ang malinaw na harang pero nakahabol na ang mga Asterian. They lunged on his back but Zirrius twisted around and faced them. Buong lakas niyang sinangga ang bawat espada ng dalawang Asterian na nasa likod na niya. The swords were clanking and echoing across the room in high pitch.
It's a good thing that he had trained on the camp. Halos mapangiwi ang dalawang Asterian dahil sa lakas ng bawat hampas ni Zirrius sa kanilang mga espada. Pero kahit malakas ang bawat atake ni Zirrius kontrolado pa rin niya ang lakas niya. Tiyak na sumasakit na ang mga kamay ng mga Asterian dahil sa mabibigat na espada nila. Zirrius chanted a spell to flip over the bed and threw it on the other two Asterian guards behind.
Hindi niya inaasahan ang ginawang ito ni Zirrius. Bumagsak sa mga katawan nila ang malaking kama. Their heads even hit the floor badly. They were stuck with the bed on their lower bodies. Zirrius chanted another spell to release a strong blow on both of the Asterians' stomachs in front of him.
Lumipad ang dalawang Asterian palayo at tumama pa ang likod nila sa mga paa ng kama. Halos masira pa ito. They were wincing in pain. Hindi pa ito sapat upang makatakas. Hinarap ni Zirrius ang malinaw na harang na ginawa ni Severus. He tried to blow it away. He used some fire magics to hit it. Mabuti na lang hindi Devil Fire ang ginagamit niya. Normal na apoy lang.
One of the Asterian guards chanted a spell to lift the bed from their bodies. Lumipad ito patungo kay Zirrius na hindi handa sa sunod na nangyari. Tumama sa likod niya ang gilid ng kama. He also hit the invisible barrier due to it's impact. I could hear how his bone cracked. Seriously. It's not the best sound to hear.
Napasinghap siya at ngumiwi dahil sa nag-uumapaw na sakit na nakuha niya. Pakiramdam niya nabali ang spinal cord niya at nagkapasa pa. Naiinis ako dahil kailangan kong panoorin ito nang wala man lang ginagawa. Malakas na ingay ang narinig nang bumagsak sa sahig ang kama. Pansamantalang nahilo si Zirrius. He tried to clear his vision before he faced the Asterian guards.
Mapapansin na bahagyang nakaangat ang sulok ng labi ni Severus habang pinapanood ang paghihirap ni Zirrius. He found entertainment on his cousin's struggles.
The Asterian guards were now back on their feet. Mahigpit na hawak ni Zirrius ang espada niya. The Asterian guards released some fire spells to attack zirrius but zirrius managed to deflect it with his sword.
Nauna ng sumugod si Zirrius. Kahit na tinangka siyang iwasan ng mga Asterian, hindi pa rin nagtagumpay ang mga ito. He casted a spell to glue them on their positions. Mabilis na ibinaon niya ang espada niya sa tagiliran ng isang Asterian. He even casted a spell to unlink the chandelier from the ceiling. The chandelier fell directly towards Severus' direction.
Pero bago pa mahulog kay Severus ang chandelier, tumigil na ito sa hangin, na parang may malaking shield na nakapalibot kay severus. Severus grinned widely. Sumenyas pa si Severus sa hangin upang paliparin ang chandelier patungo sa kinaroroonan ni Zirrius.
Sobrang bilis ng paglipad ng chandelier pero agad itong napansin ni Zirrius. Marahas niyang binunot ang espada niya sa tagiliran ng isang Asterian. His sword was now covered with scarlet blood.
Zirrius jumped on the side. Gumulong pa siya sa sahig. The Asterian guard Zirrius assaulted a while ago was caught off guard. He was hit by the chandelier instead. Tumalsik ito palayo at tumama ang likod sa mesa. Mabilis na tumayo si Zirrius. He lunged for another Asterian. Agad na kumilos ang tatlong Asterian at pinalibutan siya. The room was already a mess and Zirrius was already a bit dizzy but he didn't want to give up so soon.
Ilang hampas ng espada mula sa mga Asterian ang kanyang inilagan at sinangga. Nagawang ibaon ng isang Asterian ang espada sa tagiliran ni Zirrius kaya siya napangiwi. Ilang suntok naman ang tumama sa mukha ni Zirrius. Ang isa pang espada ng Asterian ay bumaon sa balikat niya kaya impit siyang napasigaw.
Nagngingitngit ang kalooban ko dahil sa nasasaksihan. Hindi ko siya magawang tulungan. Pawisan na si Zirrius at hinihingal. Kahit masakit ang mga sugat na tinamo, nagawa pa niyang lumayo nang bahagya sa mga ito.
Sinipa ni Zirrius palayo ang isa sa mga Asterian na nagtangkang umatake sa kanya muli sa tagiliran niya. Zirrius managed to give the Asterians slashes on their sides too. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang lakas niya pero nagawa pa niyang mapatumba ang tatlong Asterian sa kabila ng mga sugat niya. Pero ang kapansin-pansin, hindi masyadong gumagamit ng mahika ang tatlong Asterian.
Then suddenly, he thought of an idea to escape. Somehow, he regained some hope.
Yumukod siya at lumuhod sa sahig. He flatly placed his both hands on the floor. Agad na napatayo si Severus dahil mukhang alam na niya ang gagawin ni Zirrius. Kahit nahihirapan ay nagawa pa ni Zirrius na gumamit ng mahika. Isang malakas na pagsabog ang bumalot sa buong paligid. The floor was destroyed and a big hole was made. Dire-diretso si Zirrius pababa sa loob ng isa pang silid.
He regained his balance and made a run for the door as if he was running for his life. As if what he was doing was a matter of life and death. Well, it is really a matter of life and death.
Hindi niya alintana ang dugo na nawawala sa katawan niya. His blood were ruining the clean and white carpeted floor.
"Enough for the games," seryosong saad ni Severus nang bigla siyang sumulpot sa harap ng pinto na tinatakbo ni Zirrius. Zirrius almost got a heart attack. He instantly froze on his position. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya sa kaba. He tried to release another fire spell to hit Severus but Severus was more powerful than him. Walang kahirap-hirap na pinatay ni Severus ang napakalaking bolang apoy na ginawa ni Zirrius.
Severus snapped his fingers in the air. Immediately, Zirrius couldn't even move a single finger, as if he was chained. Agad na tumalon ang mga Asterian guard sa ginawang butas ni Zirrius sa kisame ng silid.
"Let's head back to Elfania," seryosong saad ni Severus. Tila hindi siya apektado na halos matalo na ang mga kawal niya. O baka naman hindi talaga nila sineryoso ang laban. Yumukod ang mga kawal bago nila marahas na hinawakan si Zirrius sa magkabilang braso.
Agad nilang pinosasan si Zirrius na hindi makapagsalita at makagalaw. Nang maposasan na siya, saka pa lang nawala ang mahikang ginamit ni Severus sa kanya. The Asterian guards brutally hit his wound to be even with him. Malakas na napasigaw si Zirrius dahil sa sobrang hapdi at sakit. He was clenching his jaws and gritting his teeth. Tumatagaktak na sa pawis ang buong mukha niya.
Galit na bumaling siya kay Severus na ngayon ay nakangisi lang nang nakakaloko sa kanya. "Mali ka ng hinala! Wala sa 'kin ang kaluluwa niya! All of these are just wasted efforts!" he said in between gritted teeth.
Bahagyang tumango si Severus, sa sarkastikong paraan. "Don't you know? I hate it when someone's lying to me. It's unforgivable when someone's making a fool out of me," mariing wika niya. Halos manlamig ang buong sistema ni Zirrius dahil sa tono ng pananalita ni Severus. Muli niyang naramdaman ang pananakit ng katawan niya at pagkahilo. I could also sense the cruelty on his voice.
"At dahil mukhang wala kang balak aminin ang totoo, mas patatagalin ko pa ang paghihirap mo hanggang sa ikaw na ang magmakaawa sa 'kin," malupit na saad niya. Mas lalong nagngitngit si Zirrius at madilim ang mukha na tumingin kay Severus. He chose to be silent this time. Mas lalo lang niyang ipapahamak ang sarili niya at maging ako.
Natigilan si Zirrius nang dumilim ang buong paligid. Nagsimulang maglakad si SEverus sa kadiliman. Marahas naman siyang itinulak ng mga kawal kaya napilitan siyang maglakad. His wounds and body were aching badly.
Severus was altering dimensions for his own convenience. That's the reason why he could teleport from one place to another. It was dark but it seems his senses were guiding the path towards our destination.
Ilang minuto rin silang naglakad bago ko natanaw ang liwanag. Lumabas sila sa isang kagubatan kung saan may isang magarbong karwahe na naghihintay. Gawa ito sa ginto at pilak. The two mighty white horses were eating the green grass while waiting for Severus. An Asterian guard were waiting there too.
Muntik na akong mapasimangot dahil kilala ko ang karwaheng ito. Ito ang karwaheng sinasakyan ng emperador o emperatris ng Elfania. I hate to see that he was using this elegant carriage. Bakit hindi na lang kaya siya maglakad? Napansin ko na sa 'di kalayuan ang ibang kawal na Asterian na matiyagang naghihintay para kay Severus.
May kanya-kanya silang kabayong pandigma. Doon dinala si Zirrius samantalang si Severus ay sumakay na sa karwahe. Napangiwi na lang si Zirrius nang ilang sampal at suntok ang inabot niya sa mga nagtatawanang Asterian. He was biting his teeth until it bled. Ramdam na ramdam niya ang pamamaga ng mukha niya dahil sa mga inabot niya suntok at sampal sa mga ito.
Walang pag-iingat na isinampa siya sa likod ng isang kabayo na tila isa siyang walang kwenta at magaang bagahe. My soul was breaking for him. If only I could do something to help him. Lahat ng sakit na pinagdadaanan niya ay nararamdaman ko. I wanted to brutally tear this chain up to breakfree. Damn! I wanted to help him but I helplessly couldn't! What a very timely misfortune!
Nagsimula na ang mga Asterian sa paglalakbay pero dahil marami ng dugo ang nawala kay Zirrius, unti-unting nanlabo ang pangingin niya. Unti-unting bumigat ang paghinga niya. Unti-unti siyang nawalan ng malay. Everything went black after that.
~~~
Nagising si Zirrius sa loob ng isang malamig at madilim na kulungan. He was now a prisoner on this huge dungeon. Somehow, it was familiar to me and I realized something. We are here on Elfania. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o dapat ba akong malungkot at mainis. Some of Zirrius' wounds were still bleeding and he was a big mess.
Nababalot ng tuyong putik ang ilang bahagi ng katawan niya. Hindi man lang sila nag-abalang pagalingin si Zirrius. Ramdam ko rin ang pagkalam ng sikmura ni Zirrius habang pilit na inaaninag ang buong kapaligiran. Mahina siyang umuungol sa sakit at pilit na gumagapang upang makaupo.
Narinig ko pa ang pagtunog ng mga baling buto ni Zirrius. It was the most heartbreaking sound ever. Hindi ko gusto na mahirapan siya nang ganito. Hinihingal na umupo siya at isinandal ang likod sa malamig na pader mas lalo siyang napaungol dahil tila tumagos ang lamig sa mga buto niya. Tila ubos na ang lakas niya.
Muli niyang inalala ang lahat ng mga nangyari sa kanya at kung paano siya napunta sa lugar na ito. Everything was a slow flashback in his mind. Naalala niya ang mga pinag-usapan nila ni Verone at ang biglaang pagdating ni Severus. Naalala rin niya nang walang pag-aalinlangan na iniwan siya ni Verone at hindi man lang iniligtas.
Mariing napapikit siya habang tahimik na nagngingitngit. He was clenching his jaws real hard. He bit his lower lip until he tasted his own blood.
And then he suddenly remembered me and how he chained me. Bahagyang lumambot ang ekspresiyon ng mukha niya dahil sa pag-aalala sa 'kin. He tried to call out for my name. "Avery?" he gently asked inside his mind.
I wanted to cry because he's the one who's really suffering but he still had the time to worry for me. This is unfair! Why do he always needs to worry about others rather than himself? Mas lalo akong nagi-guilty dahil sa ginagawa niya.
Of course, only silence responded to his gentle call because I was chained and totally incapable of doing anything. He smiled bitterly when he remembered my situation. "I don't know who's suffering the worst," he commented. He tried to find the chains but he was too weak to do so. He lost too much of his blood. His strength was already drained.
Mabuti na lang, wala na ang mga posas sa kamay niya pero mapapansin ang isang posas sa kaliwang paa niya kung saan may tanikalang nakakonekta roon at may isang malaking bakal na bola. That iron ball felt undeniably heavy. The whole dungeon was silent as if he was the only one who was breathing and alive there. It's odd and he noticed that too.
Sinubukan niyang aninagin ang ibang selda na katapat ng selda niya pero malabo ito sa paningin niya. The whole surrounding was eerily quiet and it's not normal for a dungeon like this. I remembered that there are thousands of prisoners and criminals here on my reign. What happened?
"There's something wrong here," mahinang komento ni Zirrius sa hangin. Pakiramdam niya umiikot ang utak niya dahil sa pag-iisip kung ano ang mali.
Natigilan na lang sa pag-iisip si Zirrius nang mapansin ang isang kawal na Asterian na biglang sumulpot sa harap ng selda niya. Halos mapanganga siya dahil hindi man lang niya narinig ang mga yabag nito. Maging si Severus ay kasama nito at malaki ang ngisi na ibinigay sa kanya.
Ramdam ko ang mga balahibong biglang nagsitayuan sa buong katawan niya. Nawala na sa isip ni Zirrius ang mga kakaibang napansin sa lugar na ito at natuon na ang atensiyon niya sa mapanganib na nilalang na nasa harap niya ngayon.
****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro