Soul 40: Bargain
"Do you have a death wish?"
AVERY
Bumuntong-hininga si Verone at napailing. Napasuklay na lang ang mga daliri niya sa dulo ng pulang buhok niya. "Hindi ka dapat nagpapadalos-dalos sa mga kilos mo," mariing wika ni Verone. Her amber eyes were looking at Rigel intently. There was longing in her eyes too. I couldn't see any hatred on those amber eyes. Akala ko ba hindi siya iniligtas ni Rigel noon sa kamay ni Severus?
Noong mga panahong sinasabi niya ang mga salitang ito kay Severus parang namumuhi pa siya sa mate niya. Nakapagtataka naman. O baka nagpanggap lang siya na namumuhi siya kay Rigel noong sabihin niya 'yon? Hindi ko talaga mabasa si Verone hanggang ngayon. She's very secretive and careful.
"Wala na ba akong karapatang magselos?" naiinis na tanong ni Rigel. Sumimangot lang si Verone pero halatang pinipigilan niya ang pagngiti. Slowly, Rigel walked towards her. "Pagod na akong maghintay," mariing wika ni Rigel.
Halos isang hakbang na lang ang espasyo sa pagitan nila sa isa't isa nang maglagay ng malinaw na harang si Verone sa pagitan nila. It was a clear glass. When Rigel tried to reach for her, he just managed to touch the glass.
Napasimangot si Rigel dahil sa ginawa ni Verone. "Don't..." mahinang saad ni Verone. "Darating si Severus bukas. If you touch me, your scent will linger on me. Malalaman ni Severus na nagpunta ka rito. And if you touch me, you know that you will just strengthen the mating bond. Baka... baka hindi na natin mapigilan," maingat na saad ni Verone.
Mahinang nagmura si Rigel dahil hindi man lang niya magawang hawakan si Verone. His right hand was tightly and flatly pressed on the clear barrier. Verone smiled and put her left hand on it too as if their hands touched but never really did.
"You should go back to your kingdom," mahinang saad ni Verone. "We've already come this far. Huwag mong sayangin ang lahat ng pinaghirapan natin," she added.
"Ano ba talaga ang binabalak mo? Bakit ba sinosolo mo lagi ang plano?" mahinang tanong ni Rigel.
"Hindi ko sinosolo. You'll know soon. I'm still preparing the stage for us and there's no turning back anymore," she answered. "Sinisigurado ko lang na hindi mapupunta sa wala ang mga paghihirap natin. Just leave. I'll send a message."
Sumimangot naman si Rigel. "And what about him?" he asked with a tinge of jealousy.
She chuckled. "He's harmless," she answered. Sa ekspresiyon pa lang ng mukha ni Rigel, halatang hindi pa rin siya kumbinsido. He glance at Zirrius' direction and checked him. Gwapo si Zirrius kaya hindi nakakapagtaka kung makaramdam ng insecurities si Rigel. Gwapo rin naman si Rigel pero hindi pa rin siya mapapalagay kung may kasamang lalaki sa silid si Verone.
"If you seduce her, you're dead," he warned Zirrius dangerously. Zirrius almost coughed with his warning. "Damn!" he grunted with frustration before he disappeared like a gusting cold wind. Mabigat na bumuntong-hininga si Verone nang makaalis si Rigel. Inalis na niya ang barrier na binuo niya. Nakaupo na nang maayos sa kama si Zirrius at masama ang tingin na ipinukol kay Verone. Pinagmukha siyang tanga ni Verone. How could she deceive him with an illusion?
"You have a lot to explain," mahinang saad ni Zirrius. Hindi niya lubos-maisip na halos dalawang linggo na siyang pinagtitripan ni Verone!
Mahinang tumawa si Verone at napailing. Hinubad niya ang suot na cloak at naglakad patungo sa kama. "I told you, you're a distraction. Hindi para sa 'kin kundi para sa mga kawal. Mas madali akong makakaalis kung iniisip nila na busy tayo sa loob ng silid ko. Hindi sila maghihinala," nakangising sambit niya. Umupo siya sa gilid ng kama.
"Bakit hindi ko maalala ang mga nangyari noong nakaraang araw?" nagdududang tanong niya kay Verone.
"Dahil walang nangyari. Wala kang dapat alalahanin," kibit-balikat na sagot ni Verone. She snapped her fingers in the air and suddenly, she was now wearing her night gown. She's ready to sleep.
"So I didn't really shout at the Asterians?" he asked carefully.
"No. You did shout on them every night. I'm manipulating you to do that," she answered with a grin. Zirrius sighed in frustrations.
"Kailangan kong gawin 'yon para matuon ang lahat ng atensiyon nila sa 'yo. Sa totoo lang, hindi na nila napapansin ang ilan sa mga kawal ko na bigla na lang nawawala, paminsan-minsan. Ikaw na ang pinagkakaguluhan nila ngayon. Mas madaling nakakapagtrabaho ang mga kawal ko nang lingid sa kaalaman nila dahil sa 'yo," she answered truthfully.
"Saan ka pumupunta gabi-gabi?" seryosong tanong ni Zirrius kay Verone. Alam niyang hindi na siya dapat makipagtalo tungkol sa mga Asterians dahil wala na rin naman siyang magagawa. Galit na ang mga ito sa kanya kaya kahit magalit siya kay Verone, wala pa ring magbabago.
Saglit na natigilan si Verone. Iniisip niya kung dapat ba niyang sabihin kay Zirrius ang mga ginagawa niya. She just shrugged her shoulders and decided to answer him. "I'm checking the tower," she answered.
Kumunot ang noo ni Zirrius. Pinagmasdan niya si Verone habang isinasandal ang likod sa headboard at kinumutan ang ibabang bahagi ng katawan. She even patted the space near her, inviting him to sit beside her. Mukhang wala na siyang binabalak na masama kay Zirrius base sa aura niya. Zirrius decided to sit on the space next to her.
"Why are you checking the tower?" he asked with curiosity.
"Gusto kong malaman kung bakit niya itinatayo ang tower. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang binabalak niya at kung bakit kailangang-kailangan niya si Avery," she answered. It seems that she's willing to open up now. Tahimik lang ako dahil mukhang alam na ni Zirrius ang mga dapat niyang itanong.
"And what did you discover?" he asked again.
Umiling si Verone. "I'm not sure yet. I don't want to alarm you with this sensitive information. Hindi ko pa nakukumpirma ang lahat. But we are planning for a revolution too. I'm checking it every night. I have a time limit. Halos dalawang buwan na lang ang natitira sa oras ko," she explained. "Kung hindi ko makikita ang kaluluwa ni Avery, kaligtasan ng mga nasasakupan ko ang nakataya rito. At hindi ako papayag na basta-basta na lang hayaan si Severus na gawin ang gusto niya. I will fight. We will fight," she added.
"A revolution? Paano? Do you have thousands of warriors?" nag-aalangang tanong ni Zirrius. "Alam mong malakas ang hukbo ni Severus."
"Asher will show you how, tomorrow. Hangga't nandito si Severus, hindi mo kailangang magpakita sa kanya. You'll be in trouble once the Asterian guards told him that you are acting all high and mighty here," she answered with a small smile. Tila naalala niya kung paano sinigawan ni Zirrius ang mga Asterian. Sumimangot si Zirrius.
"It's all your fault," he accused her.
"Don't worry. It will be worth it," she grinned.
Mas lalong sumimangot si Zirrius. "Who's that?" he asked again. Tinutukoy niya si Rigel.
"He's my mate," she answered with a satisfied grin. "He's the King of Lemshys. He's the opposite of me. He can see through my illusions. He's reality, my reality," she continued with a smile.
"I thought he abandoned you," kunot-noong saad ni Zirrius.
"Of course not!" she answered with a laugh.
"Oh? How did you meet him? And how did you manage to know that he's your mate?" he asked with curiosity. He still couldn't understand how this thing works.
"I meet him after Severus wage war against our Kingdoms. Actually it was so funny. We were both fighting for our freedom. There were too many dead bodies that surrounded us. But the first time our eyes locked, that deep connection suddenly clicked. Everything was put on its right places. Pareho kaming natakot sa biglang naramdaman namin. It was a sudden burst of unknown and uncontrollable emotions. It was like an exploding galaxy. A Big Bang," she explained with a small smile. "Dahil pareho kaming natakot, pareho kaming tumakbo palayo sa isa't isa," saad niya kasabay ng mahinang pagtawa.
"But then, we found ourselves returning back to where we first met. It's like something was pulling us back. Something was saying that we didn't have to be afraid. Some unknown force was pulling us together like a strong magnetic force."
Nakikinig lang si Zirrius sa kwento niya. Napangiti na rin si Zirrius dahil pakiramdam niya, hindi naman talaga gano'n kasama si Verone base sa paraan ng pagkukwento niya.
"Pero nang bumalik kami sa lugar na 'yon, nagtitigan lang kami. Hindi kami lumapit sa isa't isa dahil kapag tinanggap namin ang mating bond, malalaman 'yon ng lahat. Malalaman ni Severus. That time, I made a deal with him," mapait na wika niya.
"What deal?" Zirrius asked.
"Na hangga't hindi pa natatapos ang mga gulong ito, hindi dapat namin pakialaman ang isa't isa. That we will not care for each other no matter what happens. He will not come to save me when I'm in trouble and I will do the same. We will pretend that we simply don't care about the mating bond and we will pretend that we don't feel anything for each other. Hindi siya pupunta sa kaharian ko at hindi ako pupunta sa kaharian niya. We will not accept the mating bond unless it's over," mapait na sagot niya.
"Why?" kunot-noong tanong ni Zirrius.
"Because on this kind of crisis, your mate will be your downfall," seryosong sagot niya. "It's either one of you dies or both of you die. There's no guarantee that both will survive."
"Kaya hindi niya ako tinulungan noon. At natutuwa ako na sinunod niya ako. Mas mahalaga pa rin ang mga nasasakupan namin kaysa sa mating bond na meron kami," seryosong saad niya. "But I'm glad to see him again now. It's been a year or two since we last saw each other and it's killing both of us, slowly," she admitted.
"Maaari mo bang tanggihan ang mate mo?" tanong ni Zirrius. She noticed that she's very open now so he grabbed the chance to ask some more questions. Parang hindi na siya ang nakilala kong Verone noon na maraming sikreto.
"Maaari mong tanggihan ang mate mo kung kakayanin mo ang matinding sakit. It will not only take years to move on but it will take decades or centuries. O maaaring hindi ka talaga maka-move on hanggang mamatay ka. You can marry someone else but your love for your mate will never fade. It's already etch to your very soul. In human terms, elven mate is called soulmate. Your soulmate is once in a lifetime and no one can ever replace the position. Your soulmate is the other half of your soul," she answered.
"I see. But enough for this mate conversations. Isang linggo na lang ang kailangan kong itagal dito. Sasabihin mo ba sa 'kin kung nasaan ang katawan ni Avery?" seryosong tanong ni Zirrius kay Verone. Nawala ang ngiti ni Verone sa mga labi. Pinag-aralan niya ang mukha ni Zirrius.
She smiled after a few seconds. "Sure. I'll tell you," she answered.
Nakahinga nang maluwag si Zirrius sa sinabi ni Verone. "Sa huling araw ko ba malalaman o maaari mo ng sabihin sa 'kin ngayon?" nagbabaka sakaling tanong ni Zirrius. Mabuti na lang hindi nakalimutan ni Zirrius kung ano ba talaga ang pakay niya kay Verone.
"Pwede ko ng sabihin sa 'yo ngayon kung gusto mo," she smiled knowingly.
"Really?" hindi makapaniwalang tanong ni Zirrius kay Verone.
Marahang tumango si Verone kay Zirrius. "Only if you can ask Avery to bargain with me," nakangising sagot ni Verone kay Zirrius. Napanganga si Zirrius dahil sa sinabi niya.
"I know. She's inside your body. I'm amaze that she can still tolerate me until now," she said with a widening grin. Kahit ako ay nagulat din sa rebelasyong nalaman ko. Alam niya? Are we already screwed? Fuck!
"How did you know? Katulad ka rin ba ni Damon?" gulat na tanong ni Zirrius kay Verone.
"I just suspect when Damon was being protective with you. Saka minsan, nag-iiba ang kulay ng mga mata mo kapag nagkakaroon ka ng internal battle laban sa konsensiya mo. At sapat na ring ebidensiya na gustong-gusto mong mahanap ang katawan niya. May ideya na ako sa mahikang ginamit ni Avery kaya nasisigurado ko ng nasa katawan mo ang kaluluwa niya," she answered.
"So what do you think? Can you call her to come out now?" she asked with a smile. Napalunok si Zirrius. Pakiramdam niya, nasa panganib na talaga ang buhay niya.
"What shall we do now, Avery?" he asked inside his mind.
I hissed. I decided to make an appearance. There's no point on hiding now.
~~~
Kinaumagahan, si Asher na ang sumundo kay Zirrius sa silid ni Verone. Tahimik nilang binaybay ang pasilyo patungo sa lugar na ipapakita ni Asher sa kanya. And the ironic thing was it was a secret place. Ayon kay Asher, matagal na panahon nang ginawa ang lugar na ito. Itinayo pa ito ng mga ninuno ni Verone para mapaghandaan nang palihim ang digmaan. Walang pinto at walang bintana sa silid na papasukin nila. Asher casted a spell so he could pass through the thick walls. Lingid ito sa kaalaman ng mga kawal na Asterian.
At ang kapansin-pansin pa, sa silid na unang pinasok nila, makikita ang isang hagdan patungo sa ilalim na bahagi ng palasyo. May nakakasalubong pa silang mga Ynarisian na doon na talaga nakatira sa bahaging iyon ng palasyo. Hindi na sila lumalabas sa lugar na ito. Ang ilan sa kanila ay nagsasanay rin sa paggamit ng iba't ibang uri ng sandata. Libo-libo sila. Gumawa na sila ng isang malaking tunnel sa ilalim ng lupa na kinatitirikan ng palasyo patungo sa bayan. Sa napakaluwang at napakalaking tunnel na ito, makikita ang mga bahay nila at ang mga pamilihan. May mga naglalakihang puno rin ng pine trees, cypress, redwood at kung anu-ano pa roon. Isa itong malaking bayan sa ilalim ng lupa. This was actually paradise if the sun was here to shine.
Ayon kay Asher, inilalaan nila ang lakas at oras sa pagsasanay. Ilang taon na silang nagsasanay at nagtatago. Sa tingin ko ay naghahanda talaga silang lahat sa isang napakalaking digmaan. May ideya na ako sa dahilan kung bakit mas pinili ni Verone na sumanib kay Severus. Naghahanda siya at kailangan niya ng oras upang palakasin ang mga hukbo niya.
She was really smart. I have to admit.
"Dito ka na magsasanay simula ngayon," paliwanag ni Asher. "Sasabihin ni Queen Verone na pinabalik ka na sa pinagmulan mo upang hindi ka na hanapin ng mga Asterian. Pupuntahan ka na lang niya rito kung may kailangan siya sa 'yo," paliwanag ni Asher.
Pumasok sila sa isang magarbong bahay na tila isang mansion. "Dito ka na titira pansamantala," paliwanag ni Asher. "Sa gabi, makikita mo ako rito."
"Sinabi ni Verone na dadalhin niya ako sa Elfania," mahinang saad ni Zirrius.
"She will. She was still checking the level of security there. May ipinadala na siya upang magmatiyag. May dalawang buwan pa siya kaya huwag kang magmadali. Hangga't hindi pa plantsado ang lahat, magsasanay ka muna rito. Do whatever you can to be strong. Every drop of your strength and power counts," he reminded him.
Marahang tumango si Zirrius. "May magdadala ng pagkain mo rito kaya hindi mo na kailangang mag-alala. Mag-ingat ka. May mga kababaihan dito na mapaglaro. Since you're a new born and half-blood, tiyak na susubukan nila kung kaya ka nilang akitin. The Ynarisian women are known to be very seductive and alluring. That's their weapon," he warned. Napasimangot naman si Zirrius.
"May mga bars din dito pero iwasan mo ang makipag-away," he added. Tahimik na tumangong muli si Zirrius. Itinuro ni Asher ang kwarto niya sa second floor ng mansion.
"Aalis na ako. May pupunta rito upang dalhin ka sa lugar kung saan ka magsasanay," pamamaalam ni Asher.
Nang makaalis si Asher, natahimik ang buong mansiyon. The mansion was clean and well taken care of. Gawa sa marmol ang sahig at may double stairs patungo sa second floor ng bahay. The staircase is carpeted. Pumasok siya sa silid niya at napansin na nakahanda na ang lahat ng mga damit niya sa malaking walk in closet.
"Maayos mo na bang nakokontrol ang Devil Fire?" tanong ko kay Zirrius. Umiling si Zirrius. "Then we need to find a place here to train. Sa walang tao. I'll train you," determinadong saad ko sa kanya.
"Sigurado ka ba kay Verone?" nag-aalangang tanong ni Zirrius sa 'kin.
"There's no other way out," seryosong sagot ko sa kanya. Malalim siyang bumuntong-hininga.
"Paano kung magbago ang isip niya? Paano kung sabihin niya ang totoo kay Severus?" he asked again.
"This is not the freedom she wants. She doesn't want to be caged. Sigurado ako na mas gugustuhin niyang paalisin si Severus sa trono kaysa hayaang maghari ito," sagot ko sa kanya. Kahit ako kay kinakabahan din.
"We will meet my army soon. I'm glad that she knew something about them. Be ready for a bloody revolution," seryosong paalala ko kay Zirrius.
Dumating na ang susundo kay Zirrius. Dinala siya sa isang kampo kung saan maraming nagsasanay na mga kawal. He was ordered to wear an armor suit. Hindi siya sanay sa bigat nito pero nagawa pa rin niyang dalhin ang sarili niya. Gusto kong mapangiti dahil kahit nakasimangot siya, hindi siya nagrereklamo. Tinuruan muna siya ng basics bago siya nagsanay kasama ng iba. Napilitan pa siyang lumaban sa isang one-on-one fight.
May malaking battle ring sa gitna ng kampo kung saan sila maglalaban-laban. Kinakabahan ako para sa kanya but he must learn to fight the hard way. Mas malaking hirap pa ang dadanasin niya sa kamay ni Severus kaya dapat masanay na siya ngayon pa lang. The once-upon-a-time prince was now turned into a mighty warrior. I think that would be a good twist of history if written.
---------------
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro