Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 4: Endless Pit of Magic

"Can't you feel our deep connection?"




AVERY




Nang makarating si Zirrius sa gitna ng bayan, napansin ko ang mga guwardiyang nakahandusay sa lupa. Lahat sila ay duguan at sugatan. Sa pinakagitna ng malawak na lupain ay makikita ang isang malaking poste ng kahoy kung saan nakagapos ang isang lalaki.




Zirrius recognized the guy as Silf. May mga taong nakapalibot kay Silf. They were all wearing brown cloaks. Pinapahirapan nila si Silf gamit ang mga gumagalaw na halaman na may matutulis at matatalim na dulo na kasing talim ng itak. They were attacking Silf's body and they were showing no mercy. Hindi sila naaawa kay Silf. Ramdam na ramdam ko ang galit nila sa matataas na opisyal ng kaharian sa pamamagitan ng walang tigil nilang pagpapahirap kay Silf. Their minds and hearts were clouded with anger and revenge. The agony and pain was visible on Silf's face. Halata ang paghihirap sa bawat sigaw niya. Zirrius gritted his teeth. Maging siya ay nangilabot sa duguang katawan ni Silf. Halos manginig ang katawan niya sa mga sigaw ni Silf. Nanigas siya sa kinatatayuan at hindi maigalaw ang katawan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.




Those people were using earth magic by controlling plants and altering their forms. It was actually a high level form of magic. Hindi ko alam kung paano at saan nila natutunan ang mahikang 'yon gayong mga tao lamang sila. Unless they have a strong connection to magic by blood, by birth or by their trainings.




Kinabahan ako para kay Zirrius. Ako na ang nagsalita upang maibalik siya sa katinuan. Kapag napansin siya ng mga taong nagpapahirap kay Silf, tiyak na wala na siyang ligtas. Mas lalong matindi ang gagawin sa kanya ng mga taong ito dahil isa siyang prinsipe.




"Zirrius! Hide!" maagap na saad ko. I was too worried for him because he didn't listen. If only I have my own hands, I will drag him to hide somewhere. I suddenly felt the weight of desperation. Pakiramdam ko gusto kong bigla na lang kontrolin ang katawan ni Zirrius para mailayo siya sa mga walang awang tao na ito. Masyado silang nabulag ng galit at kahirapan.




"Zirrius!" I desperately called for his name. Halos hindi ko na rin makilala ang tinig ko dahil sa sobrang desperasyon na nararamdaman ko. Gusto ko siyang gisingin. His body was suddenly paralyzed. Hindi niya maigalaw ang mga binti niya. Halos mapatalon siya sa gulat. Kahit ako ay napamura. Naramdaman ni Zirrius ang mga malalaking ugat na pumulupot sa dalawang paa niya. Hindi siya makagalaw. Saka pa lang siya natauhan. Inilabas niya ang espada niya at pilit na tinagpas ang mga ugat na pumapalibot sa binti niya pataas sa katawan niya pero mas lalong lumalaki ang ugat. Hindi ko na talaga maitago ang takot na nararamdaman ko. Mas lalo akong lumapit sa kanya.




"Zirrius, I told you! Shit!" naiinis na saad ko dahil hindi ko alam kung paano siya tutulungan. Kung kokontrolin ko naman ang katawan niya, tiyak na kapag bumalik siya sa dati, magagalit siya.




"Fuck!" naiinis na saad ni Zirrius habang pilit na tinataga ang malalaking ugat. Hindi ko na alam ang gagawin ko nang pumulupot na ang ugat sa leeg niya. Hindi siya sinakal ng ugat pero kapag napagtripan ng mga kalaban niya ay isang iglap lang ay mababawian na siya ng buhay. Hindi na rin niya maigalaw ang mga kamay dahil sa malalaking ugat na pumipigil sa bisig niya.




"Mukhang may mahalaga tayong panauhin," nakangising saad ng isang lalaki mula sa likod ni Zirrius. Hindi ko makita kung sino siya. Pero tila narinig ko na ang boses niya. I was wondering where and when. May malaking ugat na tumakip sa bibig ni Zirrius. Maging si Zirrius ay napakunot-noo dahil pamilyar ang tinig pero hindi niya maalala kung sino. Wala ng malay si Silf. Laylay na ang ulo niya at tumutulo ang dugo sa lupa na. Hindi ko alam kung buhay pa siya. Tila hindi na siya humihinga pero sana mali ako ng hinala.




Nabaling na ang atensiyon ng tatlong naka-cloak kay Zirrius. Ramdam na ramdam ko na isusunod na siya. Pero tila may hinihintay sila. Tila naghihintay sila ng utos mula sa taong nasa likod ni Zirrius.




"Isunod na ninyo siya. Malaking gantimpala ang matatanggap ninyo kapag nagawa ninyong patayin siya," seryosong saad ng lalaki sa likod ni Zirrius. Nararamdaman ko na at natitiyak kong nakangisi ang lalaki sa likod ni Zirrius. Ramdam ko ang tuwa at pagkaaliw sa boses niya. I would never let this happen!




"Masusunod po, pinuno," seryosong sagot ng tatlong lalaki.




"Aalis na ako. I need his head as a proof. Alam na ninyo kung saan ako pupuntahan. Pahirapan muna ninyo," seryosong dagdag ng lalaki. Mas lalo akong nagngitngit, maging si Zirrius. Hindi niya makilala ang boses ng lalaki dahil tila iniiba nito pero alam kong pamilyar. Napakarami kasi ng lihim na kaaway ni Zirrius kaya mahirap magbintang. Mahirap manghula. Nawala ang ugat na tumatakip sa bibig niya.




Pilit na iginagalaw ni Zirrius ang kanyang mga galamay kahit alam niyang wala siyang laban. He was still hoping that Silf is alive. Kung titingnan ko si Silf ngayon, mabagal na ang pulso niya. Kung matatagalan pa si Zirrius na mailigtas siya, wala ng pag-asa. Napasigaw si Zirrius nang tumama ang malalaki at matutulis na ugat sa binti niya na biglang sumulpot sa harapan niya. He shouted with agony and pain. Mukhang balak nilang gawin kay Zirrius ang ginawa nila kay Silf. I was praying for the gods to save Zirrius. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil nararamdaman ko rin ang sakit na unti-unting gumagapang sa katawan niya habang patuloy siyang inaatake. Mula sa likod at harap ay may matutulis na ugat na bumabaon sa katawan niya.




Hinihingal na si Zirrius dahil sa sakit. Wala siyang laban lalo na kung mahika ang kalaban niya. Hindi matatalo ng sandata niya ang mahika. He was screaming and I don't want to hear it. I don't want to feel pain. Bigla kong naalala ang mga paghihirap na naranasan ng mga nasasakupan ko sa kamay ng mga Asterians noong digmaan. His screams are like those of the suffering Elfanians. I could feel them even when I don't want to. Bigla akong nag-alala para sa mga mamamayan ko. Ano na kaya ang nangyayari sa kanila? Maayos lang ba sila? O baka naman naghihirap na rin sila ngayon. Hindi kaya ginawa rin silang alipin? Nasaktan ako dahil sa mga pumapasok sa isipan ko. I don't want to think negatively but I couldn't help it.




Dahil sa panghihina at dahil marami ng naubos na dugo sa katawan ni Zirrius, wala sa sariling nabitawan na niya ang kanyang sandata. He was so exhausted and tired of screaming. Halos mawalan na siya ng boses. Halos mawalan na siya ng malay. And all I could do was watch him suffer because I'm considering some things. Because I'm considering his feelings. Mas lalo akong napalapit sa kanya nang wala sa oras, tiyak na lumiliwanag na ang emerald green na mata niya. Nagdadalawang-isip ako sa gagawin. Biglang nawala ang pumulupot na ugat sa katawan ni Zirrius. Halos matumba si Zirrius dahil hindi niya inaasahan na mawawala ang mga ugat na humahawak sa kanya. Halatang naaaliw ang mga lalaking nagpapahirap sa kanya.




Akala ko pakakawalan na siya pero mali pala ako. May isang ugat na kumuha sa espada niya at itinarak ito sa balikat niya kaya mas lalo siyang napasigaw. Ang isang ugat naman ay pumulupot sa isang paa niya at malakas na ihinampas siya sa lupa nang ilang ulit. Dahil doon ay bigla siyang nawalan ng malay. Zirrius already lose it. He lost his consciousness and already sleeping. I smiled. It's my time to take over. At least, walang maaalala si Zirrius sa gagawin ko. Hindi siya magagalit sa 'kin kung wala siyang naaalala.




I took control of his body. I wondered what happened to his soul. Maybe it's already sleeping. It's already wandering in darkness. Hindi ko siya gustong mamatay kaya sana ito lang ang sinapit ng kaluluwa niya. Sana bumalik pa rin siya. Sisiguraduhin ko na babalik siya. Nang tuluyan kong makontrol ang katawan ni Zirrius, ramdam ko ang mahahapding sugat niya. Hindi ko na rin halos maigalaw ang katawan niya. At least, I'm already released from my cage. Patuloy pa rin sa paghampas sa lupa ang katawan niya. Patuloy pa rin ang pagbaon ng matutulis na bagay rito. I could feel the agony and pain. It's unbearable for a normal human being.




I silently chanted spells. I secretly moved my hands in the air. My golden eyes are still closed. Hindi ako nagpahalata sa kanila. If they're using earth magic then I will show them the right way to use it, in the most terrifying way. If they love pain and agony that much, I will let them feel it in the sweetest way possible. I smiled when the roots holding my foot released it. Bumagsak ako sa lupa. I started to chant spells to heal my wounds. Malalalim ang sugat kaya hindi ito maghihilom agad. Tumigil din sa pag-atake sa 'kin ang mga ugat. I froze them. Napasinghap ang tatlong lalaki dahil hindi nila magawang igalaw ang katawan nila. Ipapatikim ko rin sa kanila ang ginawa nila kay Zirrius. I opened my eyes. My golden eyes intensely stared at them.




Their bodies are now covered with roots. Paikot-ikot itong gumalaw sa kanilang katawang hanggang sa bigla itong mag-anyong malaking ahas. Tiyak na hindi matutuwa ang ama ko sa ginagawa ko pero ito lang ang tanging paraan na alam ko sa ngayon. Nangilabot ang tatlong lalaki at kitang-kita ang panginginig ng katawan nila ng ipakita ng mga ahas ang naglalakihang pangil. Nang bahagyang bumalik ang lakas ko, tumayo na ako. Saka ko lang napag-aralan ang mga nangyayari. May mga tao sa lugar na ito at hindi nila maaaring makita ang lahat ng gagawin ko. I checked on Silf first. Pinulsuhan ko siya pero wala na talaga siyang buhay. I sighed heavily. Mabigat ang pakiramdam ko dahil sa isang buhay na nawala at nasayang. Hindi ko maaaring gamitin ang Resurrection Magic sa kanya. Malaki ang kabayaran. Hindi lang karma ang sasapitin ko. Baka maging kapalit pa nito ang buhay ko.




"I'm sorry, Zirrius. I can't save your friend," mahinang saad ko. I closed my eyes and silently prayed for Silf's soul. Pagkatapos ay nagmamadaling nagtungo ako sa kagubatan. I want a fight. Hindi ko iniwan ang katawan ng tatlong lalaki, sa halip ay lumubog sila sa lupa upang ipatikim sa kanila ang kapangyarihang ginagamit nila nang hindi tama.




Nang makarating ako sa gitna ng kagubatan, Lumitaw ang tatlong lalaki sa harapan ko. Madungis at sira-sira na ang mga cloaks nila kaya nakikita ko na ang mga mukha nila. Pinawalang-bisa ko ang mga ahas na nakapalibot sa kanilang katawan. I also need to know the mysterious guy from earlier. Ngumisi ako. My golden eyes shine so bright. I need to practice my magic while I'm away from Elfania. Kailangan kong hasain ang kapangyarihan ko para hindi masayang ang oras ko sa pamamalagi rito. Para pagbalik ko, mas malakas na ako.




I closed ang opened my fist. Kumunot ang noo ko. I could feel something on Zirrius' body. It was amazing how I could feel an endless pit of magic on his body. At alam kong hindi ito nagmumula sa 'kin kundi sa katawan niya. Bigla akong na-curious kay Zirrius. He could be a great magic weilder if he only wanted too. Bakit hindi niya gamitin? Alam ko namang kayang-kaya niya. May iba kasing tao na mababaw lang ang kakayanan sa mahika, pero si Zirrius, parang hindi normal ang nararamdaman ko sa kanya. What's stopping him? Or maybe, he really doesn't know how to use magic. Bigla akong napaisip sa katauhan ni Zirrius. Nagsimula ng sumugod ang tatlong lalaki. It's time for an exercise. I grinned. I'm loving Zirrius' body now. Tiyak na mapapakinabangan ko talaga siya. Iisipin ko na lang ngayon kung paano siya mapapayag na gumamit ng mahika. The gods didn't really let me find the wrong person. I'm glad.


Pero mukhang pareho naming kailangan ni Zirrius ang isa't isa kaya ako dinala rito. Not bad. At least, we both benefit from each other. Patas lang.





---------------------------------

TO BE CONTINUED...



Oh reminder, this fantasy is quite dark. Level up na nga kasi. Hahahaha! Thanks for reading. You may comment down your thoughts. Take care.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro