Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 38: Scars

"Maybe, we are straightly heading towards victory..."


AVERY


There's something dangerous on Severus' tone. He was mocking Verone but that didn't affect her. Mukhang sanay na siya sa ganitong pagtrato ni Severus sa kanya. At siguro, ito lang din ang tanging paraan ni Verone upang matagalan si Severus. Ang magpanggap na hindi siya naaapektuhan sa mga sinasabi nito.


Bahagyang umangat lang ang kilay ni Verone. Halata ang pasimpleng paghahamon sa itsura niya. Tinatanya niya kung gaano kahaba ang pasensiya ni Severus. "I've already fallen from grace a long time ago," mahinang sambit niya. "There's nothing left to fall over."


A satisfied grin flashed on Severus face. He was pleased that Verone already admitted defeat. Pero halatang hindi niya nagugustuhan ang pasimpleng paghahamon sa tinig ni Verone.


"Too bad," mahinang komento ni Severus. Inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya. He was acting so carefree. Parang siya lang ang nakakahinga nang maayos sa loob ng malawak na silid na ito. Umihip ang malamig na hangin mula sa labas ng bintana na lalong nagpatindig sa balahibo ng mga elves na nasa loob ng silid. "I can see that he's a newborn. Kaya ba siya ang napili mong paglaruan?" interesadong tanong ni Severus kay Verone. Bumaling ang mapanuring tingin ni Severus kay Zirrius. Nanigas si Zirrius sa kinatatayuan.


Hindi inaasahan ni Zirrius ang takot na mararamdaman niya sa tingin pa lang ni Severus. Pakiramdam niya, naririnig ng lahat ang malakas na pagtibok ng puso niya. Hindi ko alam kung nararamdaman ba ni Severus na magkadugo sila, na pinsan niya si Zirrius. Natatakot ako. Kinakabahan din ako. Kung maaari ko lang ilayo si Zirrius sa kanya, ginawa ko na. Naiinis na ako sa kahinaan ko!


At ang mas nakakakaba, baka malaman din ni Severus na nasa loob lang ako ng katawan ni Zirrius. Tiyak na hindi ito palalagpasin ni Severus. Sinuri ni Severus si Zirrius mula ulo hanggang paa. Pinag-aaralan niya ang buong anyo ni Zirrius.


"Interesting. There's a flicker of gold and green in his blue eyes. I wonder why? To what kingdom does he belong?" he asked with curiosity. Zirrius almost gasped. Tila tatakasan ng kulay ang mukha ni Zirrius dahil sa sinabi ni Severus. Gold and green? Unfortunately, that's because of me. That's me. Kung alam lang ni Severus ang totoo. Tila gustong mangatog ng tuhod ni Zirrius dahil sa mga sinasabi ni Severus. Mas lalong nagwala ang puso niya sa takot at kaba. Halos hindi na siya makahinga.


Alam kong nararamdaman ni Verone ang takot at pangamba ni Zirrius nang bumaling ang paningin ni Verone kay Zirrius. I was sure the fear was written all over his face now. "He belongs to me now," nakasimangot na saad ni Verone. "Don't dare lay a finger on him. He's mine. Ito lang ba ang dahilan ng pagpunta mo rito? Dahil gusto mong makita ang halfblood elf na pinagkakaabalahan ko ngayon?" Mapapansin sa mukha ni Verone na medyo nag-aalala siya para kay Zirrius.


"You're being territorial now? I wonder how your mate will react when he discovered this," nakangising saad ni Severus. Halos lahat ay pigil ang hininga habang nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawang makapangyarihang nilalang. As if it was wrong for them to share the same air these powerful elves breathe.


Pero naintriga ako sa sinabi ni Severus tungkol sa mate ni Verone. Gustong tumaas ng mga kilay ko dahil sa narinig. If only I had my own body. Pagak na tumawa si Verone nang marinig ang sinabi ni Severus. Hindi makapaniwala si Verone na babanggitin ito ni Severus sa ganitong sitwasyon.


"My mate? Alam mong wala kaming pakialam sa isa't isa. We decided not to accept the mating bond. I don't concern him the way he doesn't concern me," maanghang na wika ni Verone sa kanya. "He won't care and I don't care either."


"Remember? He didn't even save me when you captured me," paalala pa ni Verone kay Severus. Mahina pa siyang tumawa na tila nakakamangha talaga ang sinabi ni Severus.


Nagkibit-balikat lang si Severus. Sumeryoso siya at tila nahulog sa isang malalim na pag-iisip. "The mating bond is so strong and intense. It's a puzzle that you both can refuse it. But I'm sure the pain is still there. You can't deny it. It will not disappear even if it takes centuries," saad niya.


Natahimik si Verone pero sumimangot para hindi mahalata ni Severus na talagang nandun pa rin ang sakit. Siguro isa ito sa mga sakripisyong ginawa ni Verone. I wonder who her mate is.


"Pero hindi pa naman huli ang lahat para sa inyong dalawa. Kung mapipilit mo siyang umanib sa 'kin, hahayaan ko kayong dalawa na mabuhay nang matiwasay. Mas mabuti na rin 'yon para mas madali kong makontrol ang kaharian niya. Mas madali kong magagawa ang gusto ko sa mga nasasakupan niya," saad ni Severus habang unti-unting ngumingisi nang nakakaloko. "You should persuade him. I offer him the freedom to be with you," dagdag pa niya.


His gray eyes were dangerously and intensely looking at Verone. Tila hinahamon niya ang pagiging masunurin ni Verone sa kanya. Tila sinusubok niya ang katapatan ni Verone sa kanya. Verone waved her hands in the air as if she was dismissing his suggestion. Pero nagpapasalamat ako na wala na kay Zirrius ang atensiyon ni Severus.


"He will not take that offer. It's too cheap. Mas mahal niya ang kaharian niya kaya hindi niya ito ipagpapalit para lang sa kaligayahan niya. Hindi siya katulad ng iniisip mo," seryosong saad ni Verone. "Hindi nga niya ako iniligtas noon, kaya nasisigurado ko na hindi pa rin magbabago ang isip niya ngayon," mapait na saad ni Verone.


Marahang napailing si Severus. Alam niyang wala ng patutunguhan ang usapang ito ngayon. "Too bad. He'll never have his mate forever. But now, let's get down to the real business. Hindi ang halfblood na ito ang ipinunta ko rito. Gusto ko lang malaman kung alam mo na kung nasaan ang kaluluwa ni Avery. I'm losing patience now," seryosong saad ni Severus. "And you're running out of time."


Mas lalong natigilan si Zirrius dahil sa narinig. Mariin niyang kinagat ang labi. Hindi ko rin inaasahan ang narinig ko. Kung ganu'n, ako pala talaga ang totoong pakay niya. Mas mabuti na siguro ito para malaman ko kung ano ba talaga ang mga binabalak niya.


Natahimik si Verone at halatang kinabahan. Makikita ang mga maliliit na butil ng pawis sa noo niya na unti-unting namumuo. Napansin ko ang marahang paglunok niya at marahang pagsagap niya ng hangin para sa baga niya. "Hindi pa. Maybe she's already dead. Marami na sa mga kawal ko ang naghahanap sa kanya pero wala pa ring nakakaalam kung nasaan siya," kibit-balikat na saad ni Verone. "Bakit ba kailangan mo pa siyang mahanap? Hindi ba't hawak mo na ang buong kaharian niya? Ikaw na ang bagong Emperador. Nasa 'yo na ang kapangyarihang hinahangad mo."


Severus clicked his tongue to silence Verone. Naglakad si Severus patungo sa trono ni Verone. Halos lahat ng nadadaanan ni Severus ay tinatakasan ng hininga dahil sa kaba. Ang ibang Ynarisian ay nangangatog ang tuhod at napaluhod na lang. Ganito kalakas ang aura ni Severus. Hindi na rin napigilan ni Zirrius ang pangangatog ng tuhod pero mabuti na lang, hindi siya ganu'n kahina upang mapaluhod.


Mariing pinisil ni Severus ang magkabilang pisngi ni Verone gamit ang isang kamay. Itinuo naman niya ang isa pang kamay sa trono ni Verone. Dahan-dahang inilapit ni Severus ang labi sa tainga ni Verone. "Remember our deal? Kapag hindi mo nahanap ang kaluluwa niya sa lalong madaling panahon, magiging alipin ang mga nasasakupan mo. Hindi na sila makakaligtas sa kamatayan," seryosong paalala ni Severus.


Napansin ko ang mariing pagkuyom ng kamao ni Verone. She gave him a venomous look as if she would not allow it. Hindi ipinakita ni Verone na nasasaktan siya sa ginagawa ni Severus. "I still have three months," mariing saad ni Verone.


Marahang tumango si Severus. "Mabilis tumakbo ang oras. Mas maganda siguro kung lagi akong dadalaw para hindi mo makalimutan na hindi panghabang-buhay ang tatlong buwan."


Verone silently gritted her teeth. Namumula ang mukha niya dahil sa magkahalong galit at pagkainis. Binitawan na ni Severus ang mukha niya. Nakakalokong ngisi ang naglaro sa mga labi ni Severus. "I suggest, you warm my bed before I leave. Maybe, I can give you an extension," he playfully said.


Mas lalong kumuyom ang kamao ni Verone. "Just leave," mahina at pigil ang galit na saad ni Severus. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Severus sa labi. Halatang naaaliw siya sa inis at galit na nakarehistro ngayon sa mukha ni Verone. Hindi na maitago ni Verone ang emosyon kahit ano'ng gawin niya. Nagwagi si Severus na inisin siya.


"Expect my return, Queen," mapang-asar na wika ni Severus bago siya naglaho sa hangin na parang bula. Saka pa lang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang lahat na kanina pa nila pinipigilan.


"Zirrius, sumama ka muna kay Asher ngayon. I'll expect you in my room tonight. It's time to get to work," seryoso at nagngingitngit na saad ni Verone. Hindi na nakapagsalita pa si Zirrius dahil pumasok na si Asher sa silid at inalalayan na siya palabas.


Sinamahan siya ni Asher sa isang sikretong silid upang magsanay. Lingid sa kaalaman ng mga Asterian ang pagsasanay na ginagawa ni Zirrius. Verone decided to hid this information to them. She knew that this training would not leave a good impression to the Asterians. Tiyak na magdududa ang mga Asterian kapag nalaman nila ang pagsasanay na ginagawa ni Zirrius.


"Siguro, mas mabuti pa na bumalik na lang tayo sa teritoryo ni Damon," nag-aalangang saad ko. Hindi ko na napigilan pa ang pananahimik. "Mas ligtas tayo roon kaysa rito."


"Oo. Mas ligtas tayo sa teritoryo ni Damon, sa ngayon. Pero paano kung magtagumpay na si Severus na masakop ang kaharian niya? Sa tingin mo ba magiging ligtas pa tayo? Sa palagay ko, hindi sila maghihinala kung nasa mismong teritoryo tayo ng kalaban," sagot ni Zirrius sa 'kin. "And I have this feeling that Severus is really strong. Hindi pa man niya ginagamit ang kapangyarihan niya, nararamdaman ko na. I need to train and all the good resources for training are all here," mariing saad ni Zirrius. "Sa susunod na magkrus muli ang landas namin, titiyakin ko na hindi na ako makakaramdam ng takot. I need to be here. We need to be here. I need to be damn strong!"


Walang pinto o bintana sa silid na pinagsasanayan ni Zirrius kaya gumamit ng mahika si Asher upang makalampas si Zirrius sa makapal na pader. May punto naman si Zirrius. Mas maganda ang mga pagsasanay na nakukuha niya mula kay Asher. Hindi na ako nagkomento pa. Malawak ang silid na pinasok nilang dalawa. Awtomatikong sumindi ang mga torches na nakadikit sa pader.


Makikita ang iba't ibang uri ng sandata sa loob ng malawak na silid. The walls were too thick and no sound will surely escape from this room. Ihinagis ni Asher kay Zirrius ang isang espada. Noong mga nakaraang araw, tinuturuan siya ni Asher ng iba't ibang uri ng mahika at iba't ibang paraan ng paggamit nito. I was amazed that Asher was too generous to offer all his knowledge for someone like Zirrius. For a halfblood elf. Hindi ko alam kung masyado lang ba talaga siyang mabait.


Zirrius swung his sword in the air with ease. Pakiramdam niya, masyado itong magaan para sa kanya.


"Mukhang sanay ka na sa paggamit ng espada," komento ni Asher sa kanya. "Pero halatang naninibago ka pa rin sa lakas mo."


Marahang tumango si Zirrius. "Magaan pa rin sa pakiramdam pero masasanay rin ako," saad ni Zirrius. Napatitig si Zirrius sa mukha ni Asher. The scars on his left face, I wonder what's the cause. "Where did you get those scars? If you don't mind me asking," diretsong saad ni Zirrius. "From a sword?"


Napansin ko ang sakit at pait na sumungaw sa mga mata ni Asher. He surely remembered the past he had already forgotten. O siguro, hindi niya kailanman nakalimutan. Nasanay na siguro siyang mabuhay kasama ang markang idinulot ng masakit na nakaraan.


Marahang tumango si Asher. Kumuha siya ng isang espada at sinipat ang talim nito. "It was two years ago. Noong makipaglaban ang Ynaris sa mga Asterians, we were captured. My mate was also a warrior. At dahil pinipilit ni Severus ang Ama ni Queen Verone na isuko ang Ynaris, pinahirapan niya kami. Noong mga panahong iyon, nahuli rin si Queen Verone kasama namin. She fought with us but unfortunately, she's not strong enough to defeat him," kwento ni Asher.


"The King was assassinated before he could surrender. At dahil sa hindi inaasahang pagkamatay ng hari, nalipat ang responsibilidad kay Queen Verone. Naisipan ni Severus na hikayatin na lang ang reyna na sumanib sa kanya. And because she won't agree to it, she was tortured. Nang maintindihan ni Severus na hindi sapat na pahirapan lang ang reyna, ibinaling niya ang atensiyon sa aming Ynarisian. He tortured me and my mate in front of the Queen. He let me fight my mate and since we didn't follow his orders, he ordered his army to torture my mate in front of me. Nanlaban kami. Napatumba namin ang ilan sa mga kawal niya. Ang nakakatawa, may kapangyarihan pala si Severus na kontrolin ang mga katawan namin. He controlled my mate to attack me. At dahil hindi ko kayang labanan ang mate ko, hindi ko na naiwasan ang sugat na ito. And the most heartbreaking part was when she killed herself in front of me. I was screaming and crying. I was so angry. Gustong-gusto kong patayin si Severus pero hindi ko man lang siya malapitan. Doon na pumayag ang reyna na umanib kay Severus. Hindi na niya nakayanan ang paghihirap ko. Hindi na niya nakayanan ang paghihirap ng mga nasasakupan niya," pagkukwento ni Asher. His eyes were distant.


"I'm sorry to hear that," mahinang saad ni Zirrius. The story he shared was too sensitive. He didn't know how to react.


Mapait na ngumiti si Asher at napailing. Hindi naman alam ni Zirrius ang gagawin. He sympathized with him and that's all he could offer. "No need to feel sorry. We never blame her for our fates so we are not sorry about anything. Hindi na mahalaga ang nakaraan, ang mahalaga ay kung ano ang mayroon kami ngayon. At ito ang ipaglalaban namin."


"Let's improve your sword skills. Hindi sa lahat ng pagkakataon, magagamit mo ang mahika mo. Don't rely on magic too much. It's not permanent," seryosong saad ni Asher.


Marahang tumango si Zirrius. They started to move in circles. Tinatantiya nila ang isa't isa bago sumugod. I was lost in my own thoughts. Hindi basta-basta ang pinagdaanan ni Verone, samantalang ako, tumakas sa responsibilidad ko. Shame on me! Hindi na ako nagtataka kung bakit galit na galit si Verone sa 'kin. I was really a coward before but I didn't plan to run away anymore now.


~~~~


Pawisan si Zirrius habang naglalakad patungo sa silid ni Verone. Hindi man siya sinugatan ni Asher, pinahirapan pa rin siya nito. Basang-basa ang buhok niya sa pawis. Bahagyang hinihingal pa siya sa pagod. Nang pumasok siya sa silid, natigilan siya nang makita si Verone na naghuhubad ng suot na bestida.


Natigilan si Verone dahil sa biglaang pagpasok ni Zirrius sa silid. "I'm sorry. I should have knocked first," he apologetically said. Nang akmang lalabas na si Zirrius sa silid, awtomatikong sumara ang pinto at hindi na ito mabuksan pa ni Zirrius.


Hindi nagsalita si Verone pero ipinagpatuloy lang ni Verone ang paghuhubad sa suot niya. Nang lumingon si Zirrius kay Verone, nakatalikod lang si Verone sa kanya kaya makikita ang mga peklat ni Verone sa likod na ikinaawang ng labi ni Zirrius. There were too many scars on her back.


"Where did you get that?" gulat na tanong ni Zirrius. But he already had an idea. Naalala niya ang kwento ni Asher sa kanya. She was tortured.


"Whips," she answered dismissively. Walang emosyon ang tinig niya. Tila walang pakialam si Verone kung nakikita man ni Zirrius ang mga peklat niya.


"Can't you use magic to remove those scars?" he asked with curiosity.


"I can but this is a reminder that I'm still not truly free," she answered with shrug. "I don't want to forget until I return the favor. Every scar has a past. Every scar is vengeance," mariing wika niya. I could feel that she would surely take her time to avenge all the humiliations Severus inflicted her. 


"So you plan to fight him?" kunot-noong tanong ni Zirrius. Umiwas si Zirrius ng tingin nang walang babalang humarap si Verone sa kanya. She was fully naked and that made him awkward. His face also flushed red. I hissed inside his mind. Kinakabahan ako sa ginagawa ngayon ni Verone. I hate her for having a body!


"Maybe," she answered. "Maybe, yes. Maybe, no."


"You're late. I told you, I'll expect here in my room tonight. Masyado ka yatang naaliw sa pagsasanay mo," she stated coyly. "Didn't I mention earlier? It's time to get to work." Naririnig ko ang marahang paglalakad niya patungo sa banyo. "Wait for me in bed or do you want to join me in the bath?" she asked seductively. Hindi na makahinga si Zirrius lalo na nang mapansin niya ang mabangong amoy na umukupa sa buong silid. Mukhang nagsisimula na si Verone sa pag-akit sa kanya. She let out an alluring laughed before she shut the door close.


Napalunok si Zirrius. "What does she mean by getting to work?" he asked me, clueless.


"I don't know. Maybe she's now planning to drive you insane like what Damon said," naaalertong sagot ko sa kanya. "I guess, she means you're in danger."


Dumiretso na sa kama si Zirrius at agad na nagkumot matapos humiga. "I should sleep now, don't you think?" he asked nervously. I laughed because of his sudden, funny reaction.


"Do you think sleeping can easily solve this? You're weird to even think of that," natatawang sambit ko.


"I can pretend that I'm already knocked out to sleep. She will not bother me for sure," nakasimangot na saad ni Zirrius sa 'kin. Naiinis siya dahil pinagtatawanan ko siya gayong seryoso siya sa sinabi niyang matutulog na lang siya. Mas lalo akong tumawa dahil sa pagsimangot niya.


"Gusto mo bang saniban kita para hindi na niya maatim na makipagtalik sa 'yo?" tanong ko sa kanya. Mas lalo siyang napasimangot.


"Hinahanap ka niya. Lalo tayong mapapahamak kung lalabas ka," naiinis na sagot niya. Gusto ko na ring mainis dahil wala man lang akong magawa upang mapigilan ang maaaring mangyari ngayong gabi.


"Bahala ka na nga!" naiinis na saad ko. "Kung gusto mong mabaliw, huwag mo kong sisisihin!"


"Kung mabaliw man ako, masisisi pa ba kita?" nakasimangot na tanong niya.


"Ewan ko sa 'yo! Matulog ka na nga! Baka sakaling gumana ang napakatalino mong plano!" inis na bulyaw ko sa kanya.


Nang marinig niya ang marahang pagbukas ng pinto ng banyo, mariin niyang ipinikit ang mga mata upang magpanggap na natutulog. Pero sobrang bilis ng tibok ng puso niya para makatulog.


Naririnig ko ang papalapit na yabag ni Verone sa kama. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Zirrius. I knew that his plan will be epic. He couldn't even pretend to be asleep. He was too nervous.


Verone let out a low laugh. Naramdaman ko ang pag-ubo niya sa gilid ng kama. "You're a bad actor. How can you even sleep with your loud palpitating heart?"


Humiga na siya sa tabi ni Zirrius. She even kissed her cheeks and that irritates me. Wala ng nagawa si Zrrius kundi ang buksan ang mga mata niya at tingnan si Verone. Kumunot ang noo niya dahil sa nakitang manipis na hamog na bumalot sa buong silid.


"Ano'ng binabalak mong gawin?" kinakabahang tanong ni Zirrius.


She smiled sweetly at him. "Sorry, but you're my distraction," she said with a knowing smile. And then she kissed him on his lips. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa oras na ito. Rage suddenly engulfed me. I wanted to stop this but his mind already went in circles. He was losing his senses. He suddenly forgot about me and everything around him. His only focus was on Verone's kiss.


I was shouting his name to call for his attention but it was no used. And the funny thing was, the barriers inside his mind started to trap me inside. I couldn't even move an inch to reach for him. That's when I realized that he already lost it.


-------------------

TO BE CONTINUED...



Vote. Comment. Share. Para sa wattys. Since sinali ko ang Soul Bound. Lul. Anyway, until august lang naman to. Bear with me. Let me know your thoughts :)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro