Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 37: Prelude of Chaos

"Do you know where we are heading?"


AVERY


Hindi pumayag si Verone na matulog si Zirrius sa sofa kaya walang nagawa si Zirrius kundi ang matulog sa tabi nito. There's no point on that argument anyway. He didn't want to be on her bad side. Kagabi, hinayaan ni Verone na matulog nang matiwasay si Zirrius. She didn't try to seduce him though she hugged him like he's some kind of human-sized teddy bear. Well, he's actually one of a hell sexy teddy bear. Kahit naiinis ako na niyayakap niya si Zirrius, mas mabuti na 'yon kaysa naman iba ang gawin niya. Baka hindi ko na talaga mapigilan at bigla na lang akong sumulpot sa harap niya. I swear, I'll ruin her face until no one could recognize her anymore. Though, I was just exaggerating things.


May mga katulong na nagdala ng mga damit ni Zirrius. Pinili niya ang simpleng puting damit at pantalon. Nang lumabas si Zirrius sa banyo, naghihintay na si Verone sa harap ng isang malaking salamin at pinagmamasdan ang sariling repleksiyon. She was wearing a simple summer dress. Suot niya ang mga mamahaling alahas sa ilang parte ng buhok at noo niya. Her earings and bracelets are glittering under the light. Balak niyang ipakita kay Zirrius ang buong kaharian. Hindi ko pa rin mabasa ang binabalak niya kaya tahimik lang ako.


Hindi ko rin kinakausap si Zirrius dahil naiinis pa rin ako nang hilingin niya na huwag ko siyang kausapin. Kung ayaw niya ng tulong ko, edi huwag. Bahala siya sa buhay niya! Para tuloy akong bata na tahimik na nagmamaktol ngayon.


"Kapag nakapaglibot na tayo sa buong palasyo, sasamahan ka naman ni Asher sa bayan upang makita mo ang mga lugar sa Ynaris. Hindi ako maaaring sumama sa 'yo dahil may kailangan akong asikasuhin sa palasyo. I want to show you all the things going on here in Ynaris," sambit ni Verone. Lumapit na siya kay Zirrius at ipinulupot ang isang kamay sa matipunong braso ni Zirrius. Nakalugay ang maalon at pulang buhok niya.


Her amber cat-liked eyes were innocently studying his facial features. Bahagyang umangat ang kilay ni Zirrius sa sinabi ni Verone. "Bakit kailangan kong libutin ang buong Ynaris? Hindi mo ba alam na maaari akong makahanap ng butas sa ginagawa mo. Maaari akong magplano nang masama laban sa kaharian mo kung malalaman ko lahat ng tungkol sa Ynaris," saad ni Zirrius. Maingat na sinuri ni Zirrius ang mukha ni Verone. Isang matamis na ngiti lamang ang ibinigay sa kanya ni Verone bago siya iginiya sa paglalakad patungo sa labas ng silid.


"Ano ba talaga ang binabalak mong gawin sa 'kin?" mahina at nagdududang tanong ni Zirrius kay Verone.


"Nothing. You're just a distraction. My distraction," makahulugang saad ni Verone. Distraction? I noticed that there's something deep on that word but I couldn't decipher the true essence of it.


"Distraction?" naguguluhang tanong ni Zirrius. Nakangiting tumango lang si Verone.


Mapapansin ang mga kawal na Asterian na sinusuri silang dalawa habang naglalakad sa pasilyo ng palasyo. The floor was made of red, shiny marbles. There were expensive paintings hanging in the wall. Maririnig ang mga ingay ng bawat hakbang nila sa pasilyo. Mapapansin sa mga kawal na Asterian ang malisya sa mga mata nila. Maging ang pagkadisgusto nila kay Zirrius.


Of course, who wouldn't? Zirrius was a half-blood elf. Hindi siya nararapat para sa isang reyna na katulad ni Verone. Tiyak na kinaiinggitan siya ng mga kalalakihan dahil nakatuon sa kanya ang pansin ni Verone ngayon. Kung may pagkakataon lang sila, tiyak na pahihirapan nila si Zirrius hanggang sa mamatay si Zirrius. O baka nga, pinapatay na nila si Zirrius sa isip pa lang nila.


"Don't mind them," mahinang saad ni Verone dahil halata na hindi mapalagay si Zirrius sa mga tingin ng mga kawal na Asterian. "Pero natitiyak kong makakarating kay Severus ang balitang ito. Hangga't maaari, dumikit ka lang kay Asher kung wala ako sa tabi mo," paalala ni Verone sa kanya. Nanatiling kalmado si Verone habang naglalakad. Hindi siya kakikitaan ng takot o pangamba. As if she knows exactly what she is doing.


Dinala ni Verone si Zirrius sa isang magarbong dining hall. Isang napakahabang hapagkainan ang bumungad sa kanilang dalawa. May mga nakasinding kandila sa gitna nito. As a courtesy, Zirrius pulled a chair for Verone. Gusto kong sumimangot dahil sa mga nakikita ko. Hindi ko alam kung tatagal ng dalawang buwan ang pananahimik ko. Two months? For all the elves' sake! It seems like forever! Pinipilit kong kumalma. Ayokong mauwi ang lahat sa wala. Umupo si Zirrius sa silya na katapat ni Verone.


May mga mamahaling kubyertos na naghihintay sa kanila. May mga katulong na lumapit upang ihain ang mga pagkain sa harapan nila. Nang umalis na ang mga katulong, muling nagsalita si Verone.


"Kahit sasabihin ko sa mga Asterians na huwag kang saktan, huwag mo pa rin silang gagalitin. I don't have the full power to give them orders. Si Severus lang ang tanging sinusunod nila," mahinang sambit ni Verone. Sinigurado niyang walang makakarinig sa pinag-uusapan nila.


"And what if he ordered them to kill me? Ngayon pa lang, ipinapain mo na ako kay Severus dahil sa ginagawa mo," seryosong saad ni Zirrius. Sumenyas si Verone sa kanya upang magsimula na silang kumain.


"He wouldn't do that. Matagal na niyang alam na mahilig akong makipaglaro. Unless, he find you amusing or intriguing then that will be a different story," kibit-balikat na saad ni Verone. Kumain na silang dalawa.


"You're unbelievable," naiiling na saad ni Zirrius. "You're putting me in danger and you don't seem to care at all," he gawked at her.


Mahinang tumawa si Verone. "The moment you decided to step on the elven territories, you must have been aware that danger will always linger as your friendly companion from there on," nakangiting saad ni Verone. Parang wala siyang pakialam dahil sanay na siya sa kapahamakan. "Hindi mo na dapat ito ikagulat. Ang mabuti pa, paghandaan mo na lang ang mga panganib na maaaring dumating sa buhay mo," makahulugang dagdag ni Verone.


The food taste so good and delicious. Noong unang araw ni Zirrius bilang elf, hindi niya halos malasahan ang pagkain ng mga tao. Masyado na kasing tumindi ang panlasa niya kaya halos wala ng lasa ang mga kinakain niya. As of the moment, he's now appreciating every bites of the food he ate.


"How is it? How does it feel to be a newborn?" interesadong tanong ni Verone kay Zirrius. Halata ang pagkaaliw na naglalaro sa mga mata niya habang pinagmamasdan si Zirrius.


Natigilan si Zirrius dahil sa tanong ni Verone. Hindi niya inaasahan ang tanong nito. Halos mapanganga siya dahil nalaman ni Verone na bago pa lang si Zirrius. Mahinang tumawa si Verone dahil sa magkahalong gulat at pagkalito na bumalot sa mukha ni Zirrius. Tiningnan ni Zirrius si Verone, diretso sa mga mata. Kahit ako ay nagulat din dahil alam ni Verone na bago lang si Zirrius sa mundo namin.


"Paano mo nalaman?" mahinang tanong ni Zirrius. He became uneasy. Ngayon, hindi na niya alam kung ano pa ang ibang nalalaman ni Verone tungkol sa kanya. Iniisip niya kung katulad ni Damon si Verone.


"Your form and your power, it's not yet fully developed. Madali kong malalaman kung bago pa lang ang isang elf o kung marami ng karanasan. Sa mga kilos mo, halatang naninibago ka pa sa sarili mo. You are awkwardly trying to belong. The way your eyes shift and your ears react with every sounds, I can easily deduce that you are a newborn. A very sensitive newborn," naaaliw na sambit ni Verone. Siguro ito ang rason kung bakit gusto niya ang serbisyo ni Zirrius. She found entertainment with a newborn.


"You're very rare. You're the very first human converted to an elf actually," pahayag pa ni Verone. "You're interesting." Kapansin-pansin ang naaaliw na ngiti ni Verone sa kanyang labi. She was looking at Zirrius like she's some kind of unknown species that would sate her curiosity.


Sumimangot si Zirrius dahil sa pahayag ni Verone. Hindi niya alam kung pinupuri ba siya ni Verone o pinaglalaruan.


"At dahil hindi mo pa magamit nang maayos ang kapangyarihan mo, hahayaan kitang magsanay sa umaga kasama si Asher. He can help you train. But when the night falls, I will expect you in my room, waiting for me," she added. And that made me frown. I hated to see her every night. Pero mabuti na lang at maipagpapatuloy ni Zirrius ang kanyang pagsasanay. Marami ng naituro sa kanya si Aivee pero hindi pa 'yon sapat upang maging malakas siya.


"That's better than doing nothing in the morning," saad ni Zirrius. Bahagyang nakahinga nang maluwag si Zirrius dahil hindi niya kailangang sumama lagi kay Verone kahit saan ito magpunta. Training will be worth his time more.


Matapos kumain, naglibot sila sa buong palasyo. Dinala siya ni Verone sa throne room, sa court rooms, sa ilang silid na pinagdadausan ng iba't ibang okasyon, sa silid-aklatan, sa dungeon kung saan maraming mga masasamang elves na nakakulong. The castle has its own rose garden too. Zirrius, suddenly missed Alveria. Nang maging pamilyar na si Zirrius sa bawat bahagi ng palasyo, hinayaan na siya ni Verone na sumama kay Asher.


Si Asher ay isang mandirigma. He was huge and well built. Halos pumutok ang mga muscles niya sa suot na armor. He's good looking too but the scars on his faces and arms ruined it. Halata na isa sa mga pinagkakatiwalaang kawal ni Verone si Asher. May ilang Asterian na nangingilag sa kanya dahil sa malakas na aura niya. Kahit pa sabihing nasa Asterian ang kapangyarihan, malakas pa rin si Asher kaysa sa ibang kawal ng Asteria.


Naglalakad na sina Asher at Zirrius sa isang bayan ng Ynaris. Makikita sa paligid ang ibang kawal ng Asteria na nag-iikot sa bayan pero walang sinasaktan. Gayunpaman, halata pa rin ang takot ng mga taga-Ynaris sa kanila. Hangga't maaari, gusto nilang iwasan ang mga Asterian. For me, this is not really the peace the Ynarisians deserve. This kind of peace is suffocating and uncomfortable. Pero mas mabuti na ito kaysa naman dumanak ang dugo sa lugar na ito.


Naiintindihan ko si Verone, ayaw na niyang magbuwis ng buhay ang mga nasasakupan niya kaya mas pinili niyang sumanib kay Severus kahit nasasakal pa siya. May mga panahon talagang kailangang kumapit sa patalim para sa kaligtasan ng taong mahahalag sa 'tin.


"Sinabi ng Reyna na tulungan kita sa pagsasanay, we can start whenever you want," seryosong saad ni Asher. Walang bahid ng galit o pagkainggit sa boses ni Asher. Halata ang respeto niya sa Reyna ng Ynaris kahit sumanib ito sa mga kalaban. Noong ipakilala ni Verone si Zirrius kay Asher, hindi makikita ang panghuhusga sa mga mata ni Asher. He regarded Zirrius with respect and that amazed me. How could someone stay loyal to Verone? Siguro alam ni Asher ang lahat ng sakripisyong ginawa ni Verone para sa kanila.


Tumango si Zirrius. Nakasakay sila sa kabayo habang naglilibot sa buong bayan. Napatingin si Zirrius sa isang mataas na itim na tore kung saan maraming elves ang nagtutulong-tulong para itayo 'yon.


"Ano'ng ginagawa nila?" takang tanong ni Zirrius kay Asher nang matanaw niya ang tore na halos patapos na.


"Ipinatayo 'yan ng Emperador dito. Isang tore at hindi ko alam kung para saan," seryosong sagot ni Asher. "Kung gusto mong makita, maaari nating puntahan. Pero hindi tayo maaaring pumasok sa loob. Maaari lang nating tanawin mula sa malayo. Pero kung hindi mo ako kasama, hindi ka maaaring pumunta diyan dahil tiyak gagawin ka nilang alipin. Pipilitin ka nilang tumulong sa pagtatayo ng toreng 'yan."


Nauna na si Asher patungo sa kinaroroonan ng tore. Binaybay nila ang kagubatan hanggang sa matanaw nila ang kinatatayuan ng tore. Sa paligid nito, makikita ang mga kawal na Asterian na may hawak na latigo. Ang ilang alipin na mabagal kumilos ay hinahampas nila ng latigo sa katawan. Napangiwi si Zirrius dahil masyadong malakas ang pandinig niya kahit nasa malayo sila. He could clearly hear the screams of agony and pain from the slaves. Halata sa mga sigaw nila na paos at pagod na sila. Tila gusto na nilang matigil 'to. Tila gusto na nilang mamatay para matapos na ang paghihirap nila.


Pero hindi mababait ang mga Asterian. Hindi nila papatayin ang mga alipin. Mas gusto nilang pahirapan ang mga ito sa pinakamatagal na paraan. Ang ilan ay napipilitan na lang magtrabaho. Makikita ang mga malalaking troso sa paligid ng tore. Hinahakot ito ng mga alipin para dalhin sa mataas na bahagi ng tore.


Sa isang banda, napansin ni Zirrius ang dalawang elves na pinagtutulungan ng limang Asterian. Tila pinagkakatuwaan ito ng mga Asterian. Isang babae at isang lalaking elf.


Hawak ng isang lalaking Asterian ang babae na nagmamakaawa na pakawalan siya. Ang lalaking elf naman ay nagmamakaawa rin na pakawalan ang kasintahan niya pero hawak siya ng dalawang Asterian.


"Maawa po kayo. Pakawalan nyo na po kami," umiiyak na saad ng babae. Mararamdaman ang paghihirap sa tinig niya at ang pagiging desperado.


"Hihiramin ko muna ang kasintahan mo," nakakalokong saad ng isang kawal na Asterian. Halatang nanggagalaiti na sa galit ang lalaking elf dahil sa pambabastos ng kawal pero wala siyang magawa.


"Tigilan na ninyo ito!" galit na sigaw ng lalaking elf kaya lalong nagtawanan ang mga kawal. Halos dumagundong ang boses ng lalaki dahil sa sobrang galit.


"Who are they? Taga-Ynaris ba sila?" seryosong tanong ni Zirrius kay Asher. Naiinis siya dahil sa mga kawal na Asterian. Gusto niyang sunugin ang mga ito pero nag-aalangan siya. Ayaw niyang gumawa ng gulo lalo na't hindi pa sila nagtatagal sa Ynaris. Mapapansin na maganda ang babaeng elf. Hilam na sa luha ang mukha niya at pagod na pagod na.


"Hindi sila taga-Ynaris. Hindi papayag si Reyna Verone na gawing alipin ang mga nasasakupan niya. Mula sila sa ibang kaharian. Mga kriminal lang ang pinahintulutan ni Reyna Verone na gawing alipin dahil wala siyang magawa sa gusto ng Emperador," paliwanag ni Asher. "And these two just discovered that they are mates. Kaya sila pinagkakatuwaan ng mga Asterian. I could smell their mating bond in the air. It's just fresh and newly created. Those two just accepted the mating bond. Gustong makita ng mga Asterian kung ano ang gagawin ng lalaking elf kapag kinuha nila ang babaeng 'yon sa kanya. It's really rare to find your mates on a crisis like this," dagdag niya.


"At dahil matindi ang epekto ng mating bond sa unang araw pa lang, hindi mapipigilan ng lalaki ang galit niya. His territorial instincts will take over lalo na't hindi siya papayag na hawakan ng iba ang mate niya. The mating bond is so strong that logic is not useful anymore. Hindi na siya makakapag-isip pa nang tama. He will kill for his mate. He will defy all the laws to fight for her even when he needs to fight against gravity," sambit ni Asher. Mapapansin ang matigas na ekspresiyon sa mukha ni Asher. Hindi niya ipinapakita ang awa para sa dalawang kaawa-awang nilalang. Mukhang sanay na siya sa mga ganitong sitwasyon. He's already void of emotions.


"Bakit hindi natin sila tulungan?" iritadong tanong ni Zirrius. Hinalikan na ng kawal ang babaeng elf sa harap ng mate nito. The male elf grew canines. He was frustratedly angry. He was already losing his temper.


Mahinang tumawa si Asher. "You're naive. We can't do that unless we want war," mapait na wika ni Asher. Makikita ang pagkadisgusto niya sa nangyayari sa dalawang nilalang. I could see the small flicker of sadness and guilt on his eyes.


Nakita ko ang pagpalag ng lalaking elf sa dalawang kawal na may hawak sa kanya. Nang makawala, mabilis nitong inagaw ang isang espada ng kawal at mabilis na tumakbo upang saksakin sa tagiliran ang lapastangang Asterian. Ngunit, bago pa niya maibaon ang espada sa tagiliran nito, may espada nang bumaon sa likod niya at tumagos sa puso niya. He drew blood on his mouth. Tumigil naman ang Asterian at pinakawalan na ang babaeng elf. Malakas na napasigaw ang babaeng elf nang bumagsak ang walang buhay niyang mate sa lupa. Masyadong nakabibingi ang sigaw ng babae. Ramdam na ramdam ang pagluluksa. Tila namatay rin siya kasama ng lalaking iniibig niya.


Napasinghap na lang si Zirrius sa nasaksihan. Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa pagiging brutal ng mga Asterian. Ngayon, nauunawaan na niya kung bakit galit na galit ang ibang lahi sa mga Asterian. They're cruel and unforgiving. They're the most disgusting creatures that were ever born in this world.


Tinangka ng babae na bunutin ang espada ng isang kawal na nasa tabi niya pero bago pa niya mahawakan ang espada ay sinaksak na rin siya ng isa pang kawal.


"She's better be dead now," komento ng isang kawal. "Kahit buhayin pa natin siya, magiging miserable lang siya dahil sa pagkamatay ng mate niya. Hindi na rin siya mapapakinabangan."


Bumagsak sa lupa ang babae. She's dead now. Ramdam ko na nagpupuyos si Zirrius dahil sa galit. Naiinis siya dahil wala siyang magawa sa mga nangyayari. Halos matulala siya kung hindi nagsalita si Asher.


"I hope they already found peace," sambit ni Asher. Gusto kong maiyak para sa dalawang elves na pinatay ng mga Asterian. Pero sana nga, nakakita na sila ng katahimikan.


"Just get over this. Hindi lahat ng mates, nagkakatuluyan. We can train now. Saka na kita ililibot sa ibang bahagi ng Ynaris kapag nasa kondisyon ka na. I can sense your anger, you should learn to control it well," mahinang sambit ni Asher. "Your anger can't save you. It will just destroy you."


Tahimik lang si Zirrius. Nagsimula ng umalis si Asher kaya sumunod siya rito. What he saw was unnerving and cruel. Hindi niya maintindihan kung bakit may masasamang nilalang sa mundo. How could they be so heartless?


~~~


Days passed. Naging maayos naman ang training ni Zirrius. Pero sa gabi, lagi siyang pinagkakatuwaan ni Verone. She was playing with him like she's a teenager. Sometimes, she would playfully kiss his cheeks and giggle when Zirrius was so stiff. At least, hindi niya inaakit si Zirrius upang makipagtalik sa kanya.


And once in a while, may mga Asterian na kakatok sa silid niya upang masiguradong nasa palasyo siya. Medyo nababawasan na ang pagbabantay kay Verone dahil alam nilang magkasama si Zirrius at Verone sa silid.


Nakaupo sa trono si Verone ngayon. May mga nagbabalita sa kanya kung ano na ang nangyayari sa Ynaris habang si Zirrius naman ay tahimik na nakikinig sa gilid. Ipinagpapatuloy lang ni Verone ang pagpapaunlad sa Ynaris kahit may mga Asterian sa paligid.


Natigil ang lahat ng may pumasok na isang Asterian. "Nandito na po si Emperador Severus," saad ng Asterian. Natigilan si Verone dahil hindi niya inaasahan ang pagdating ni Severus. Si Zirrius naman ay natigilan dahil sa narinig. Makikita niya si Severus? Bigla akong kinabahan. Naramdaman ko rin ang malakas na pagtibok ng puso ni Zirrius dahil sa kaba. He didn't expect this. No one expected this kaya halos mapanganga ang lahat.


Bago pa makapagsalita si Verone ay sumulpot na sa gitna ng bulwagan si Severus. Biglang naging blanko ang ekspresiyon ni Verone nang makita niya si Severus.


Seryoso namang inilibot ni Severus ang paningin sa buong paligid. He was wearing a black V neck shirt and pants. Kahit simple lang ang suot niya, mararamdaman ang nag-uumapaw na kapangyarihan niya sa buong silid. Tila, gusto kong ma-suffocate dahil sa presensiya niya. Lahat ay nanigas sa kanilang kinatatayuan. Ang ilang Asterian ay agad na lumuhod nang makahuma sa pagkabigla.


His rock hard muscles were fitting on his shirt. His long black hair was tied neatly behind. His gray deep eyes were assessing everyone, discreetly. Napansin ko ang bahagyang pag-angat ng kilay ni Severus nang makita si Zirrius. Nabalot ng takot si Zirrius sa hindi niya maintindihang dahilan. His presence was deadly. He's more scarier than death.


If Verone is a beautiful death that has its own life, Severus is hell that punishes every corrupted soul. A hell in it's most magnificent and tempting form. May pagkaarogante ang mukha niya. He was utterly gorgeous from head to toe. The power he possessed was overwhelming, dangerous and knee buckling.


"And to what pleasure do I owe you this visit?" mapanuring tanong ni Verone nang makahuma siya.


Severus smirked with arrogance. He was really beaming with arrogance, power and pride. "I want to see how far you've fallen from grace. I heard that you're having an affair with a half-breed, a halfblood," saad ni Severus sa baritonong tinig. "It seems, I heard the news right."


His red sensual lips that will make all girls wild curved into a knowing smile. And I have this feeling that this will be the start.. the prelude of chaos.


--------------------

TO BE CONTINUED...


Let me know your thoughts. Waha. Meet Severus. :)


By the way, guys. Sinali ko to sa #Wattys2016 though I'm not sure how it works. Haha! And I don't think this story will win. I'm just pushing my luck like Zirrius hahaha.

If you are very supportive, though this is not mandatory, you can tweet about this story. Below is the sample tweet provided by wattpad. Nomination will start on July 8 to July 9. Voting will be on August 1 until August 31 kung makakapasok so tweet as many as u can, chos! Hahaha

Sample Tweet:

I nominate Soul Bound by missmaple #MyWattysChoice #Wattys2016


You can tag me too in twitter, @missmapleWP

And also, I bet they will also consider the comments, votes and share of the story. I hope you can comment, vote and spread the love if it's not too much to ask. Thanks with lots of love!

Sinali ko rin to sa #TrailBlazers Category. Kasi sabi dun, if you think ur story is different. At dahil assumera ako, sa tingin ko medyo different to hahaha! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro