Soul 36: Death's True Form
"Some things are inescapable..."
AVERY
Nabalot ang silid ng nakabibinging katahimikan. Napalunok si Zirrius dahil sa sinabi ni Verone. His service would be enough? And how the hell will he serve Verone? I didn't want to imagine. Dahil kahit gusto kong isipin na malinis na serbisyo ang tinutukoy ni Verone, kabaliktaran pa rin ang naiisip ko. Naguluhan si Zirrius dahil sa gustong mangyari nito.
Kapansin-pansin ang pagsasalubong ng kilay ni Zirrius habang tinitimbang ang kahihinatnan ng hiling ni Verone. This was not the bargain he was thinking off. Masyado itong mabigat para sa impormasyong gusto niyang makuha mula rito lalo na't hindi pa siya sigurado sa serbisyong gusto ni Verone mula sa kanya. Minsan talaga, kahit pag-isipan pa natin nang mabuti ang mga bagay-bagay ay wala pa rin tayong magagawa kundi ang sundin ang gusto ng iba kahit taliwas ito sa gusto natin.
"You don't have to agree with her. She's dangerous than death," seryosong saad ni Damon sa isip ni Zirrius. "Hindi ka maaaring makipaglaro sa kanya dahil si Avery ang mapapahamak kung hindi ka mag-iingat," mabigat ang tinig na dagdag pa niya. Kapansin-pansin ang pagkuyom ng mga kamao ni Damon. Halatang gusto na niyang ilayo si Zirrius mula kay Verone. Gusto na niyang umalis sa lugar na ito upang hindi na maimpluwensiyahan ni Verone si Zirrius.
"So, do you want to switch places with me?" nangungutyang tanong naman ni Zirrius. Gusto kong mapabuntong-hininga dahil sa internal war na nangyayari sa kanilang dalawa. Wala na talaga silang pag-asa. Damon silently gritted his teeth because he couldn't possibly do that. Naiinis din si Damon dahil halatang walang balak makinig si Zirrius sa kanya. Zirrius was being stubborn and Damon hated his guts. Magkakasundo pa kaya sila?
"I can't. I have a kingdom to take care of. Baka may iba pang paraan upang sabihin niya ang kanyang nalalaman. If she take you in bed, you'll surely forget yourself... you will forget your whole well-being," seryosong wika ni Damon. Kumunot ang noo ni Zirrius dahil sa sinabi ni Damon. Nagtaka rin ako dahil sa sinabi niya.
"What do you mean?" naguguluhang tanong ko kay Damon. Hindi ko alam kung saan ba ako papanig. Hihikayatin ko ba si Zirrius na sumang-ayon sa gusto ni Verone? O pipigilan ko siya? Hindi na ako makapag-isip pa nang tama dahil hawak ni Verone ang impormasyon na kailangang-kailangan namin. Tila hawak niya sa kanyang mga kamay ang buhay ko ngayon.
"She'll drive him crazy until he dies," sagot ni Damon. "She's powerful to do that. Hindi ko alam ang eksaktong ginagawa niya. She's very secretive and she's doing those gruesome things behind closed doors, without any witness. It will be stupid to agree with her offer." Halata sa boses ni Damon ang pag-aalala dahil sa katotohanang maaaring mamatay si Zirrius sa mga kamay ni Verone. Alam ko naman na makapangyarihan si Verone pero hindi ko akalaing ganito katindi ang kaya niyang gawin.
Natahimik ako. Hangga't maaari, ayaw kong itaya ang buhay ni Zirrius sa panganib. Malalim na nag-isip si Zirrius at napatitig na lang siya sa maamong mukha ni Verone. She didn't look like some wicked witch. Instead, she looked like an angel who came down from heaven, sent to save him from disgrace, from his downfall. She smiled innocently at him. There's no hint of pressure on her smile. Halatang binibigyan niya ng oras si Zirrius upang mag-isip.
Walang bahid ng kahit anong maslisya sa mukha ni Verone. Parang natural na natural na sa kanya ang mga ganitong sitwasyon. Naiinis ako dahil sa pagiging kampante ni Verone. Tila alam niya na papayag si Zirrius sa gusto niya kaya wala siyang dapat ipag-alala. Naiinis ako dahil pareho niya kaming napapaikot ni Zirrius sa mga kamay niya. She's a very good manipulator, indeed.
"If you're obedient, I might tell you all the things I've known, as well. Lahat ng nalalaman ko kay Severus ay sasabihin ko sa inyo. Or maybe, I'll even choose your side and fight against Severus if you're worth it," she said knowingly with a coy smile curving her red kissable lips. She's too beautiful and tempting. Hindi ko tuloy maintindihan kung paano nagagawang tumanggi ni Damon kay Verone. They were just too good together. They were almost the epitome of perfection if they would become a couple.
If I happened to be a boy. I would surely be on Verone's mercy now. Sumasakit ang ulo ni Zirrius dahil sa pag-iisip. At ang nakakainis pa, naaakit siya kay Verone kahit hindi man nito sinasadya.
"You don't have to do this," may bahid ng pag-aalala na sambit ko. Kahit gusto ko pang makuha ang katawan ko, hindi ko maaaring isugal ang buhay ni Zirrius. And I couldn't imagine him sharing a steamy night with Verone. I just couldn't think about it and would never will.
"Let me decide," iritadong wika ni Zirrius. Halatang gusto niya ng katahimikan upang makapag-isip nang maayos. Maraming gumugulo sa isip niya ngayon. His face was glowing under the light coming from the dancing fire on the lamps. Hindi ko mawari kung alam ba ni Verone na isang Asterian si Zirrius. Hindi ba niya nararamdaman ang kaluluwa ko sa loob ng katawan ni Zirrius? Hindi ba niya nakikita sa mga mata ni Zirrius? Hindi ako mapakali. Kahit noon pa man, hindi ko na talaga mabasa si Verone. Alam kong matalino si Verone kaya kinakabahan ako. Damon was right. She was really secretive and unpredictable.
Nalunod ako sa sarili kong diwa kaya hindi ko na namalayan ang desisyon na nabuo ni Zirrius sa isip niya. Maging si Damon ay hindi rin naging handa sa mga salitang namutawi sa bibig ni Zirrius.
"I'll come with you then," matapang na sambit niya kahit ramdam ko ang malalaking butil ng pawis na namumuo sa noo niya. "But this doesn't mean that I want to tolerate your judgements about Avery. Mas mabuti kung sasabihin mo sa kanya nang harapan ang lahat ng iniisip mo tungkol sa kanya para naman maipagtanggol niya ang sarili niya o masabi man lang niya ang iniisip niya. I don't want to hear your opinion about her. I just need to know where her body is," seryosong saad niya. Hindi ko magawang matuwa sa mga sinabi niya. Parang gusto kong sabihin na bawiin niya ang sinabi niya. "And I want a definite timeline for this if you really want my service. How about two weeks?" he tried to negotiate.
Umangat ang kilay ni Verone dahil sa gustong mangyari ni Zirrius. Nanatili siyang tahimik upang mag-isip.
"I already warned you," naiinis na saad ni Damon. "You still have the time to turn back and that is now. Huwag kang magpadalos-dalos! Kahit pumayag siya sa dalawang linggo, hindi tayo makasisiguradong buhay ka pa sa palugit na 'yon!" Mabigat ang tinig ni Damon dahil sa magkahalong inis at pag-aalala.
"There are things we can't escape no matter how fast we run away from it. I'm just embracing and facing it. Who knows? I might luckily win against these shits," sarkastikong saad ni Zirrius. Halatang gusto lang niyang inisin si Damon. Sumimangot si Damon.
"Damn luck! How about Avery?" inis na tanong ni Damon. Alam kong hindi niya gusto na mapasakamay ako ni Verone lalo na't sumapi na si Verone kay Severus. Nasa kamay ako ng mga kaaway at hindi mapapalagay si Damon. Mariin niyang ikinuyom ang kamao. Si Aivee naman ay kanina pa nagpipigil ng hininga habang naghihintay sa sagot ni Zirrius. Ngayon, nagpakawala na siya ng isang malalim na buntong-hininga. Tila, inilabas niya lahat ng kabang pinipigil niya.
I noticed that Aivee became restless. Halatang kinabahan din siya sa naging desisyon ni Zirrius. Ibinaba ni Aivee ang tingin niya sa magkasalikop na kamay na nakapatong sa hita niya.
"She's not a coward to run either. Mas alam niya na hindi magiging madali ang pagbalik niya sa katawan niya, kaya siguradong mas handa siya sa pagharap sa panganib kaysa sa 'kin," sagot ni Zirrius.
Oo. Tama siya. Handa akong harapin ang panganib kung mag-isa lang ako. Pero kung itataya ko ang buhay niya, ibang usapan na 'yon. Hindi lang ako ang mapapahamak kundi pati siya. He's the one who have a body between the two of us. He would suffer more than me. He would feel the physical pain that I would never feel. And all that I could do was watch him drown in heartbreaking misery.
"You'll suffer more than I will," mahinang saad ko sa kanya.
Natigilan si Zirrius sa sinabi ko. "You're not being yourself. Where is that selfish girl I used to know?" pagbibiro niya. Pero halatang gusto lang niyang pagaanin ang loob ko. Magsasalita pa sana ako pero naagaw na ni Verone ang mga atensiyon namin.
Matipid na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Verone. "Two months," she said with finality.
Napasinghap ang lahat dahil masyadong matagal ang palugit na ibinigay ni Verone. "Two months and then you're free from me. Ito lang ang tanging maiaalok ko sa 'yo. Kung gusto mong umatras, maaari mo pang gawin. Pero kung aatras ka, wala kang makukuhang impormayon mula sa 'kin," makahulugang dagdag niya.
Naiinis ako dahil hindi talaga niya kami binibigyan ng pagpipilian.
"Ako lang ang makakatulong sa inyo sa mga oras na ito. Sa totoo lang, ang pakikipagkita ko ngayon sa inyo ay katumbas na ng buhay ko. Kung malalaman ito ni Severus, tiyak na hindi siya magdadalawang-isip na ipapugot ang ulo ko. I'm risking my life now for this meeting," walang emosyong saad ni Verone. "So what do you think? Pumapayag ka ba?"
Natahimik si Zirrius. Wala na talaga siyang kawala kung papayag siya ngayon sa alok ni Verone. Natahimik naman si Damon. Halatang nauubos na ang pasensiya niya sa pagpigil kay Zirrius. Marahang tumango lang si Zirrius bilang pagsang-ayon. There's no turning back now. He's now ready to face death.
"Kung sigurado ka na sa desisyon mo, mabuti pa ay umalis na tayo. Hindi rin ako maaaring magtagal dahil tiyak na hahanapin ako ng mga Asterian. Binabantayan ni Severus ang bawat kilos ko kaya hindi ako maaaring mawala sa paningin ng mga espiya niya nang ilang oras," seryosong saad ni Verone. Tumayo na siya sa kinauupuan niya. Nagngingitngit naman si Damon dahil sa muling pagtanggi ni Verone sa alok niya. At ang masaklap pa, sasama pa si Zirrius kay Verone.
"Pasensiya na kung hindi na kita bibigyan ng oras upang maghanda. Hindi mo na kailangan 'yon dahil nasa Ynaris na ang lahat ng mga kailangan mo," dagdag ni Verone. Napabuntong-hininga naman si Zirrius. Mabuti na lang dala niya ang espada na pinakaiingatan niya.
"Huwag mo na lang kayang ituloy?" nag-aalangang tanong ko kay Zirrius.
"No. We must do this now, Avery. Gusto ko na ring bumalik sa Alveria sa lalong madaling panahon. You promised me that you'll help me redeem my kingdom once this is over," paalala niya sa 'kin. "Hindi na ako dapat matakot sa mga ganitong bagay. Kung masaktan man ako, kung mahirapan man ako, alam ko namang hindi mo ako pababayaan," saad niya na puno ng pagtitiwala. And I hated him for that. He should not trust me so easily. He should always remember my selfishness.
Hindi na tiningnan ni Damon si Zirrius. Naiinis siya dahil alam niyang hindi niya mapipigilan si Zirrius. Naiinis din siya dahil sa mga naririnig niya mula kay Zirrius. The overprotective side of Damon surely wanted to take over but he's controlling himself. Ayaw niyang ipaalam kay Verone na nasa loob ng katawan ni Zirrius ang kaluluwa ko. Halatang nag-iingat si Damon dahil sa pananahimik niya.
"Fine but don't trust me too much. You might also die in the process so don't blame it on me. Ginusto mo 'to," mariing saad ko.
"No worries. We will die together, anyway. There's no point on blaming you if we're both dead," mapait ang ngiting wika niya. Tumayo na rin siya at hindi na lumingon pa kina Damon at Aivee. Goodbyes didn't have a place here. May lumabas na itim na portal sa harap ni Verone. Sumenyas si Verone na mauna na sa paglalakad si Zirrius. Hindi na nagreklamo pa si Zirrius. Kahit natatakot siya, hindi niya ito ipinahalata.
"Be careful. As much as possible, don't sleep with her. She's death at its most beautiful form... death that has a life on its own," paalala ni Damon sa isip ni Zirrius bago siya naglakad patungo sa portal. Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Zirrius sa utak niya. Maybe Verone was really death's true form. Dangerous but beautiful. This was ironic. He was willing to walk towards death and he didn't even care if he would suffer in the process.
"Hanggang sa muli, Damon, Aivee. Huwag kayong mag-alala. Ako na ang bahala sa kanya. Hindi ko siya pababayaan," pamamaalam ni Verone sa dalawang elves na natitigilan pa rin dahil sa bilis ng mga pangyayari. Mapapansin ang matamis na ngiti ni Verone sa labi. Napasimangot naman si Aivee dahil sa tinuran ni Verone. Mapait na ngiti naman ang gumuhit sa mga labi ni Damon. Hindi niya gusto ang nangyayari ngayon. Parang nabaligtad pa ang sitwasyon. Sa halip na si Verone ang pumanig sa 'min, si Verone pa ang nakakuha kay Zirrius. He wasn't prepared on this turn of events. Hindi niya alam kung paano mapipigilan ang lahat.
"I'll even let you visit Ynaris if you want," dagdag pa ni Verone. Walang bahid ng pang-iinis sa boses niya. They were really welcome on her kingdom. Pero kahit ganu'n, hindi pa rin mawala ang pagkadisgusto nina Damon at Aivee sa imbitasyon niya. Hindi na ako nagulat sa mga reaksiyon nila. They were disgusted that Verone took the enemy's side. Tumigil si Zirrius sa harap ng portal at lumingon naman kay Verone.
"Kailangan ba talagang mauna ako?" nagdududang tanong ni Zirrius sa kanya. Umiling si Verone at lumapit sa kanya. Ipinulupot niya ang kamay sa matipunong bisig ni Zirrius at hinila si Zirrius papasok sa portal bago pa siya makaangal. Tila hinihigop sila ng portal patungo sa kanilang destinasyon. Nahihilo si Zirrius dahil tila umiikot ang buongpaligid.
Napasinghap na lang si Zirrius nang mapagtanto niya na nasa loob na sila ng isang magarbong silid. Kapansin-pansin ang malaking kama na malapit sa bintana. Nababalot ito ng kulay pulang tela at kumikislap ang laylayan nito dahil sa ginto na nasa dulo nito. May isang malaking bookshelves na nakadikit sa gilid ng pader na abot hanggang kisame. The floor was carpeted. The chandeliers and the paintings were priceless. Nakakapit pa rin si Verone sa bisig niya pero hindi na suot ni Verone ang cloak niya. Isang itim at mahabang bestida na lang ang suot niya na humahapit sa magandang hubog ng katawan niya. Mapapansin ang mga kumikinang na alahas niya sa mga kamay, tainga at leeg. Nakalugay ang pula at medyo kulot na buhok niya.
She looked really innocent and gorgeous.
"You'll stay in my room from now on," she stated flatly. Biglang kinabahan si Zirrius dahil sa sinabi ni Verone. Naiinis ako dahil sa ginagawa ni Verone. How could she seduce Zirrius like this? Kinakabahan ako lalo sa binabalak niya.
"It will be better if I stay on some other room," mariing wika ni Zirrius. Maigting ang panga niya at halata ang tensiyong bumabalot sa buong katawan niya. His body stiffened as Verone playfully carressed his arm's hard muscles.
"This is part of the deal. Once you satisfied me within two months, I'll give the information that you need. May importante akong kailangan sa 'yo, kaya nararapat lang na nandito ka sa silid ko," malambing na wika ni Verone. Her naturally sweet voice was getting into my nerves, into my soul. I wanted to suddenly came out and reveal myself to her but I gathered all my self-control to endure her. Baka pagsisihan ko ang gagawin ko kung magpapadalos-dalos ako. Hindi ko dapat sayangin ang pagkakataong binuksan ni Zirrius para sa 'kin.
"And what's that important thing?" tanong ni Zirrius habang bahagyang nakaangat ang isang kilay.
"Your body," walang gatol na sagot ni Verone sa kanya. Natural na lumalabas ang mga salitang 'yon sa bibig niya na tila hindi na nakakagulat ang mga sagot niya. Halos mapanganga si Zirrius dahil sa pagiging prangka niya.
"Alalahanin mo ang babala sa 'yo ni Damon. She's death at its finest form. Hangga't maaari, huwag kang makipaglaro sa apoy," mariing wika ko sa utak niya. I was being protective and territorial and I can't help it.
Mabigat na bumuntong-hininga si Zirrius dahil sa sinabi ko. Medyo lumambot ang ekspresiyon ng mukha niya dahil sa boses ko. "Kahit ano'ng mangyari, hindi mo ako dapat saniban, Avery. I don't want to invite trouble for both of us. Hangga't nandito tayo sa poder niya, tiisin mo na lang ang lahat ng makikita mo. I'll handle this. And please, don't talk to me from now on," seryosong saad ni Zirrius. Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Parang gustong masaktan ng kaluluwa ko dahil sa hiling niya.
"Ayaw mo akong makialam? Ano ba ang sinasabi mo, Zirrius? Kung hindi ako makikialam, gagawin ni Verone ang lahat ng gusto niyang gawin sa 'yo!" naiinis na sigaw ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na basta na lang niya akong isasantabi.
"I know what I'm doing," mariing saad ni Zirrius. I could sense the finality on his voice. He was commanding me to stay away from this big mess. He was commanding me to stay on the deepest part of his existence, away from him.
Hindi ko matanggap ito. Paano ako mananatiling tahimik kung lahat ng gagawin niya ay makikita at mararamdaman ko? What the hell? Why did these shits happen to me? Fuck! Only these shits happen to me!
"I can't promise that. Iba na lang ang hilingin mo. Huwag lang 'to," I stubbornly said.
"Avery," mabigat na saad ni Zirrius. "Lalo lang tayong mahihirapan kung malalaman nila na nasa loob ka ng katawan ko. Hindi mo ba naiisip kung ano ang maaaring mangyari? Pwede niya akong dalhin kay Severus para mapalabas niya ang kaluluwa mo mula sa 'kin. He can torture me to death until he gets what he really wants from me. Nasa teritoryo na tayo ng kalaban," mariing saad niya. "Kaya ako pumayag sa gusto ni Verone ay para malaya akong makapag-espiya nang hindi niya nalalaman. She can also bring us to Elfania if I am obedient. Mas magiging madali ang lahat para sa 'tin kung ganu'n."
Natigilan ako sa naiisip niyang gawin. Natutuwa ako dahil sa planong binuo niya para mabawi ang katawan ko pero masyadong mapanganib ang paraang naisip niya. Kahit ayaw kong aminin, may punto pa rin siya. Kung sasaniban ko siya, tiyak na malaking gulo ang mangyayari. He would surely become an instant celebrity or might as well, an instant target for Severus. And I don't want that to happen.
"Shit!" pagmumura ko. Wala akong pagpipilian kundi ang manahimik na lang. Ayokong ibuwis ang mga buhay namin nang walang kalaban-laban.
"Makinig ka muna sa 'kin, Avery. Para rin ito sa kaligtasan nating dalawa," mahinang wika ni Zirrius sa isip niya. Naiinis ako dahil pakiramdam ko, napakahina ko. Wala akong magawa upang lumaban dahil wala akong sariling katawan. Hindi ako makapagreklamo dahil wala akong karapatan.
Napansin ko ang interes sa mga mata ni Verone dahil sa matagal na pananahimik ni Zirrius. She smiled sweetly at him when he turned to her. "Katawan ko lang ba ang gusto mo?" mapanuring tanong ni Zirrius kay Verone. There's no need for censorship anymore since Verone was already bold with her words.
"I'll need some other things too. But for now, your body will still suffice. I'm still figuring things out. Gusto muna kitang kilalaning mabuti," she answered playfully.
Natigil ang pag-uusap nina Zirrius at Verone dahil sa sunud-sunod na katok sa pinto ni Verone. Bumakas ang pinto kahit hindi pa pumapayag si Verone. Malalim na bumuntong-hininga si Verone at hinarap ang Asterian na nanghimasok sa loob ng silid niya.
"Ano'ng problema?" mariing tanong ni Verone sa kawal na Asterian. Mapapansin ang pagiging mapanganib ng tingin ni Verone sa kawal na Asterian. Nawala ang inosente at mapang-akit na ngiti ni Verone sa labi. She pressed her lips on a thin line to intimidate the Asterian guard.
"Ipagpaumanhin, Queen Verone. Utos lang ni Emperador Severus na alamin ang mga ginagawa mo. Pasensiya na kung nakakaabala ako," mahinang saad ng kawal pero mapapansin ang bigat sa tinig nito. Halatang hindi niya gustong irespeto si Verone. Lumipat ang paningin ng kawal kay Zirrius. Mapapansin ang malisya sa tingin ng kawal sa kanilang dalawa. He was probably thinking that Zirrius was Verone's new whore. Or her new toy.
"Maaari ka ng umalis ngayong alam mo na ang ginagawa namin. You are delaying our little game. Don't disturb me for the next hours. Simula ngayon, dito na siya matutulog sa silid ko, Asterian," mariing utos ni Verone sa kawal. Halata ang pagtigas ng ekspresiyon sa mukha ng kawal dahil sa itinawag ni Verone sa kanya. Mapapansin ang pigil nitong galit sa mukha pero nagawa nitong tumango. Tumalikod na ito at marahang isinara ang pinto ng silid ni Verone.
Binitawan na ni Verone si Zirrius at ikinumpas sa hangin ang kamay upang i-lock ang pinto. "Marami kang makikitang kawal na Asterian sa palasyo. The one wearing those red and black armor were Asterian Guards. Don't try to annoy them. Minsan ginagawa nila ang gusto nila kapag hindi ako nakatingin. They are willing to torture anyone who annoys them."
"My army are those wearing white armors. You better stick with them when I'm not around but I'll warn the Asterians not hurt you since you are my new toy. May mga katulong na magdadala ng mga damit mo rito. Maaari kang mag-ikot sa kaharian ko kung gusto mo. Kung may binabalak kang hindi maganda, huwag kang magpapahuli sa mga Asterians," makahulugang saad ni Verone sa kanya.
Umangat ang isang kilay ni zirrius dahil sa sinabi niya. Tiyak na ganito rin ang magiging reaksiyon ko kung sakaling may katawan ako. There was something odd on her tone. As if she was inviting Zirrius to do something bad, something dangerous. "And why is that?"
"Dahil kahit ako ang Reyna sa kahariang ito, wala pa rin akong magagawa kung parusahan ka nila dahil sa kapangahasan mo. You better be wise. Hindi ako ang kalaban dito," she said knowingly. Naglakad siya patungo sa kama niya at umupo sa gilid nito. She even crossed her legs. She's exposing her flawless legs and she didn't care.
Sinuri ni Zirrius ng tingin si Verone. Parang may gustong ipahiwatig si Verone na hindi niya maintindihan. Kahit ako ay nagtataka rin. May kung ano sa tinig ni Verone na nagsasabing mag-ingat si Zirrius sa mga binabalak niya. Hindi ko maintindihan ang larong ito ni Verone. She's really hard to decipher. She's an intriguing puzzle for me and for Zirrius.
"Mabuti pa ay magpahinga ka na," mahinang saad ni Verone nang mamayani ang katahimikan. "Tomorrow our little fun game will start," makahulugang saad ni Verone. Napalunok naman si Zirrius dahil sa sinabi niya. Zirrius was now expecting for the worst.
---------------------------
TO BE CONTINUED...
Medyo tamad lang akong magsulat ngayon kaya matagal ang update. haha. Let me know your thoughts.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro