Soul 35: Verone Shams
"Maybe, some things are meant to happen..."
AVERY
Kagigising lang ni Zirrius at nakaupo na siya sa gilid ng kama. Wala siyang ideya sa ginawa ni Damon kagabi. Medyo magulo ang buhok niya pero walang kahirap-hirap na sinuklay 'yon ng mga daliri niya. He was half naked when he stood up and went straight to the bathroom. He was just wearing his shorts but swiftly removed all his remaining clothes and left nothing.
"Good morning," malambing na bati ko sa kanya. I don't know why, but I noticed his heart skipped a beat because of my sudden greeting. Parang gusto kong matawa dahil doon. Siguro nagulat ko lang siya at hindi inaasahan ang pagsasalita ko.
Ramdam ko ang namuong tensiyon sa mga panga niya. He took a deep breath to calm himself. "Morning," mahinang sagot niya habang pinipihit ang faucet ng shower. Ngayon, wala na talaga siyang pakialam kahit pinanonood ko pa siya. Mukhang nasanay na talaga siya.
"May kakaiba sa 'yo, Avery. Pakiramdam ko may kailangan ka sa 'kin," nagdududang saad ni Zirrius. Malakas akong tumawa dahil sa sinabi niya. "Hindi ka naman bumabati ng good morning noon, ah? Natatakot ako sa good morning mong 'yan," seryosong dagdag pa niya.
"Grabe ka! Minsan na nga lang ako babati, pinagdududahan mo pa," natatawang sabi ko. Pero hindi naman siya nagkakamali. May kailangan talaga ako sa kanya. I just watched him as he let the water touch his body. Medyo tumigas ang kalamnan niya dahil sa malamig na tubig na tumama sa katawan niya. He also got those firm six-packed abs. I guessed, it was hard as rock if ever I got the chance to touch it.
Napailing si Zirrius. Hindi siya naniniwala na wala akong kailangan. We've been together for months and he already knew me. "Sabihin mo na agad ang kailangan mo." He started to clean his whole body with soap. And actually, I don't want to see how he cleans every inch of his body right now. Oh! Pity for my sinful and shameless soul!
Tumikhim ako. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "We need to go to Ynaris today," sambit ko. Kumunot lang ang noo niya dahil hindi siya pamilyar sa lugar na sinabi ko. Naghintay siya na ipagpatuloy ko ang pagpapaliwanag.
"Ynaris is another Elven Kingdom. Ito ang sunod na kaharian sa Exether pero nasakop na ito nang lubusan ng Asteria. Pupunta si Damon ngayon sa Ynaris kaya sasama tayo sa kanya," paliwanag ko.
Mas lalong kumunot ang noo niya nang marinig ang pangalan ni Damon. Tila hindi niya gustong marinig ang pangalan na 'yon. Hindi ko tuloy alam kung paano magkakasundo ang dalawa kung pareho silang naiinis sa isa't isa. "Paano mo nalaman? Huwag mong sabihin na nag-usap talaga kayo nang kayong dalawa lang?" inis na tanong niya sa 'kin. He didn't want the feeling of being left behind.
"Oo. Nag-usap kami," diretsong sagot ko sa kanya. Hindi ko na kailangang itago sa kanya ang totoo.
"Did you use my body without permission?" nagdududang tanong niya.
"No. Hindi ko ginamit ang katawan mo. But he have his ways. Makapangyarihan siya. Kung hindi ka matututong maglagay ng harang sa isip mo, malaya ka niyang makokontrol," paalala ko sa kanya. Itinuon niya ang dalawang kamay sa dingding habang hinahayaang dumaloy ang tubig sa katawan niya upang matanggal ang bula ng sabon.
"Paano ko gagawin 'yon?" seryosong tanong niya sa 'kin. Kapag itinuro ko sa kanya kung paano maglagay ng barrier sa isip niya, baka hindi ko na talaga siya makontrol. Hindi ko na siya masasaniban ulit. Pero gusto ko ring maging ligtas siya kay Damon.
"Try it now," saad ko sa kanya. "Imagine that you are making a strong barrier inside your mind, an invisible strong wall. Na hindi mo hahayaan ang kahit na sino na pasukin at basahin ang isip mo. Raise your barrier so high that no one can ever reach its top," saad ko sa kanya. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.
He closed his eyes by instinct. Inisip niya lahat ng sinabi ko pero napangiwi siya dahil biglang sumakit ang isang paa ng hexagonal star na seal niya. Maging ang utak niya ay sumasakit na tila dumudugo ito sa isip niya. Agad siyang napamulat habang habol ang hininga at tumigil sa ginagawa.
"Looks like you have another seal to break," seryosong saad ko. Pero ang nakapagtataka, noong inakit siya ni Aivee, nagawa niyang maglagay ng harang sa utak niya. Maybe, he couldn't make a barrier intentionally. Instincts niya ang gumagana noon at hindi pa niya alam ang ginagawa niya.
Zirrius hissed with frustration. Breaking his seals were getting into his nerves. He's getting sick of it.
"Wala tayong magagawa," marahang saad ko. "Basta pupunta tayo sa Ynaris ngayon. Kailangan kong makita si Verone. Mukhang may alam siya kung nasaan ang katawan ko. Sana nagawa ng kanang kamay ko, ni Roan, ang ipinagawa ko sa kanya noon."
Kumunot ang noo ni Zirrius. "Ano naman ang ipinagawa mo sa kanya?"
"I told him that if the Asteria's Emperor found me dead and lifeless on my throne, he should beg him to keep my body safe and unscratched as a gift and memory for my people that I was once their coward Empress who surrendered to Asteria Kingdom," sagot ko sa kanya.
"I also asked him to secure my body. To put spells to guard and keep my body whole and safe. I told him to keep me in the underground sacred chambers but he doesn't need to bury me. Instead, he must put my body in front of the altar. Hindi ko alam kung nagtagumpay siya kaya kailangan kong makasiguro na nandun ang katawan ko. Ang problema lang ay kung hindi nakinig si Severus at itinago ito sa ibang lugar," seryosong saad ko.
"But I have this one last important order. I ordered him to tell all my people except for the Asterians, that I will come back here with renewed energy and desire to redeem this Empire and they must prepare. They will keep this a secret forever until I came back and they need to fight alongside with me. I still don't know when but as soon as I'm ready, I'll show them what I'm capable of doing. I will surely free all of us from these bastards who thought that they can destroy me or this prosperous Empire," mariing saad ko. "But then, I don't know if my right hand man succeeded. Kailangan kong alamin ang lahat ng nangyayari bago ko maisagawa ang mga plano ko. I still need to gather every Kingdom's rulers," saad ko.
"And what if they don't follow you? Since... you left them so suddenly," seryosong tanong ni Zirrius.
My soul bitterly smiled. "Then it will be my fight... alone," malungkot na sagot ko sa kanya. Napansin ko ang bahagyang paninikip ng dibdib ni Zirrius. Hindi ako sigurado kung nasaktan siya para sa 'kin. Did he break for me? I couldn't tell. Maybe he did. Because he also know the feeling of fighting alone. And it's the worst feeling ever. It felt like you are just one step away from the edge of a cliff. You will fall anytime soon and there's no one to save you or no one's ready to fall with you. Hindi na siya nagsalita pa. Ipinagpatuloy na niya ang pagligo niya.
Nang makapagbihis, eksaktong dumating ang isang babae upang sabihin na handa na ang pagkain sa mesa. Zirrius wore a simple sweat shirt and pants. Napansin ko ang pader ng hallway na gawa sa makakapal na bato. Maraming silid na sa bahaging ito ng templo. Sa isang silid ay lumabas na si Aivee. She was wearing a simple blue dress that suits her hair well. Tiyak na magugulat na lang siya mamaya kapag isinama namin siya sa Ynaris.
Inirapan niya si Zirrius nang makita niya ito at nauna ng maglakad. Gusto kong mapailing dahil hindi pa rin matanggap ni Aivee na isang Asterian si Zirrius. O siguro, ako talaga ang inirapan niya dahil hindi ko sinabi sa kanya ang totoo. I couldn't blame her. I lied. And when someone lied to you, you are now hesitant to give that small trust left in you.
Napakunot-noo naman si Zirrius dahil sa inasal ni Aivee. "Galit ba siya?" he asked innocently. At gusto kong matawa dahil sa tanong niya.
"Don't mind her. Sa tingin ko mas galit siya sa 'kin," natatawang sagot ko.
"Kung hindi ka magbabago, baka lahat magalit na sa 'yo. Don't leave us in the dark. Kung hindi mo sasabihin ang totoo sa 'min, baka sa iba pa namin malaman," nakasimangot na saad niya. My soul smiled. Para akong batang pinagsasabihan ngayon.
"I'll keep that in mind," sagot ko sa kanya.
Nakarating na kami sa isang silid kung saan makikita sa gitna ang isang mahabang hapagkainan. It was too long for the four of us. Kaming apat lang ang kakain doon. Hindi madilim sa loob dahil nakabukas ang mga bintana. Umupo si Zirrius sa tabi ni Aivee. Mas gugustuhin pa niyang katabi si Aivee kaysa kay Damon na katapat lang ni Aivee.
Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay ni Damon kay Zirrius bago siya nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko, naiirita talaga siya sa presensiya ni Zirrius. Siguro dahil sa katotohanang Asterian si Zirrius. Tinawag na ni Priestess Silvia ang mga tagasilbi upang ihain ang mga pagkain. Tahimik ang lahat at nagpapakiramdaman. Tahimik na kumain ang lahat at walang nagtangkang magsalita.
Nang matapos silang kumain, nagsalita na si Damon. "Pupunta ako ngayon sa Ynaris upang makipag-usap kay Verone," seryosong saad niya. Sumimangot si Zirrius dahil kahit ayaw niyang makasama si Damon, wala naman siyang magagawa.
"Sasama ako sa 'yo. I need to talk to Verone. Kailangan kong malaman kung nasaan ang katawan ni Avery," seryosong saad ni Zirrius. Damon looked at Zirrius with bored eyes. Nagkibit-balikat lang siya sa sinabi ni Zirrius.
"Ikaw ang bahala pero binabalaan kita. Hindi madaling kausap si Verone. Hindi siya basta-basta nagbibigay ng impormasyon kung walang kapalit. Mostly, she would ask for your body or your service," makahulugang saad ni Damon. "That's the reason why I can't get her trust yet. Hindi ako pumapayag sa mga gusto niya." Kinabahan ako sa sinabi ni Damon. Kinabahan ako para kay Zirrius.
"Aivee? Sasama ka ba? When things don't went well, I need you to flee with this man. Hindi niya alam ang pasikot-sikot sa lugar na ito kaya sa 'yo ko na siya ipagkakatiwala," seryosong dagdag ni Damon. "Hindi rin dapat malaman ng kahit na sino na nasa loob ng katawan niya si Avery. We need to assure his safety for now," nakasimangot na saad ni Damon. Parang gustong mainis ni Zirrius dahil sa tono ng pananalita ni Damon na tila wala siyang kwenta kung wala ako sa loob ng katawan ni Zirrius.
Hindi ko gusto na mag-away sila. "Zirrius, hayaan mo na siya. Walang patutunguhan kung seseryosohin mo ang mga sinabi niya," paalala ko sa kanya. "Ganyan lang talaga siya."
Zirrius silently gritted his teeth. Hindi na siya nagsalita pa at pilit na itinago ang pagkainis. This two men were so handy! Tahimik na tumango naman si Aivee sa kabila ng pagsimangot niya. These two elf rulers were being rude with Zirrius. If only I got my body, I'll surely teach them a lesson. Nakakainis dahil idinadamay nila si Zirrius sa galit nila sa mga Asterians. Hindi makatarungan 'yon.
"Maghanda na kayo," saad ni Damon. "Hihintayin ko kayo sa labas ng templo." Tumayo na siya at umalis. Hindi na niya hinintay pa ang sagot nina Aivee at Zirrius. Minsan, parang may pagkakapareho si Damon at si Zirrius sa pagiging seryoso. Pero kapag kasama ko naman si Damon, hindi naman siya laging seryoso. Hindi ko na talaga maintindihan ang personalidad niya. Pabago-bago.
~~~
Lumabas na sila sa templo nang maihanda nila ang kanilang mga sarili. They discreetly hid weapons on their clothes. May isang portal na naghihintay sa harap ni Damon. "This portal will lead us to our meeting place. Hindi tayo makakapasok ibang bahagi ng kaharian ni Verone gamit ito. She only allowed us to use this portal on one special place where no one will know that she's seeing us," paliwanag ni Damon.
"Hindi rin tayo maaaring pumasok sa gates ng kaharian niya dahil maraming Asterian ang nagmamatiyag sa bawat galaw niya at sa lahat ng mga nasasakupan niya," dagdag niya. "Follow me."
Hindi na nagreklamo pa sina Aivee at Zirrius. Naunang pumasok si Damon sa portal. Naglalakad si Damon sa unahan at sumunod naman si Aivee bago si Zirrius. The insides of the portal was mixed blue and green in color. The colors were too intense for Zirrius' eyes. Tila umiikot ito kaya nakakahilo. The entrance of the portal was automatically closed. Patuloy silang naglakad at hindi ko na alam kung ilang oras. It seems, the portal was not bounded by time.
Nang lumabas sila sa portal, sa isang maliit na silid sila napadpad. May isang ilawang lampara sa gitna ng isang mesa na nasa gitna ng silid. Kung wala ang ilawang lampara na ito, magiging napakadilim ng silid dahil ni wala itong bintana at pinto. May lumitaw sa harap namin na tatlong silya.
"She's late, as always," mahinang saad ni Damon.
"I'm never late," seryosong sabi ng isang tinig mula sa harapan namin. Nakita ko kung paano siya lumampas sa pader na parang isang kaluluwa. Napaawang na lang ang labi ni Zirrius dahil sa kakayahan ni Verone na gawin 'yon. He's amazed that she could pass through those thick walls. Hindi ko akalaing magkikita kaming muli sa ganitong paraan.
Verone Shams was wearing a red hood with elegant white fur linings. Ibinaba na niya ang hood na tumatabing sa mukha niya. She had a white porcelain skin and her red hair was as deep as blood. Her cheeks were pinkish and that made her glow with life. Her deep amber eyes were surveying the three of us. Bahagyang umangat ang isang kilay niya na may napakagandang hubog. Her red kissable lips form into a pout.
"I thought you will come here alone," mahinang wika ni Verone. Her voice was both sweet and dangerous. Naramdaman ko ang bahagyang pagpitlag ni Zirrius dahil sa boses ni Verone. Sa simula, nakakahumaling ang tinig niya pero kapag tumagal at masyado ng nabighani ang nakikinig, nagiging mapanganib na ito.
"Bakit nandito si Aivee at ang lalaking ito?" she dangerously asked. Naramdaman ko na binalot niya ng kapangyarihan ang sarili niya. Halata na hindi siya magdadalawang-isip na makipaglaban kung kailangan. Bahagyang nanliit ang mga mata ni Verone nang tumitig siya kay Damon.
"Hindi lang ako ang may kailangan sa 'yo kaya dinala ko sila rito," kibit-balikat na saad ni Damon. "You don't have to raise your defenses. They will not harm you," nakangising dagdag ni Damon. Mas lalong napaangat ang kilay ni Verone.
"I don't know him. Ano naman ang kailangan niya sa 'kin?" tanong niya kasabay ng bahagyang pagsasalubong ng kilay niya. She was really elegant even by just speaking. She was seductive even when she's not trying hard to be. Kung titingnan siya, para siyang isang inosenteng manika.
Nagpasya ng magsalita si Aivee dahil mukhang walang balak si Damon na ipakilala si Zirrius. "His name is Zirrius. He's looking for Avery's body," diretsong saad ni Aivee.
Bumaling ang mga mata ni Verone kay Zirrius na puno ng pagtataka. I could clearly see that Zirrius piqued her interest. But I could sense that she's dangerous. Her eyes were trying to examine him from head to toe. It's like she was willing to devour Zirrius anytime soon.
"Ano naman ang gagawin niya kung makita niya ang katawan ng isang duwag na katulad ni Avery?" mataray na tanong niya. I could feel the bitterness on her tone. Halatang ayaw niyang marinig ang pangalan ko sa bibig ng kahit na sino.
"Shall I tell her that your soul is inside my body?" maingat na tanong ni Zirrius sa 'kin.
"Not yet. Hindi pa natin alam kung mapagkakatiwalaan siya. Wala akong balak sumugal," sagot ko.
"Let's get down to business first," seryosong pagsingit ni Damon. May isang silya na lumitaw sa gilid ni Verone. Bumaling na ang tingin ni Verone kay Damon. She smirked with amusement. Prenteng umupo si Verone sa silya.
"What is it this time? I'm listening," she said on a cool tone. Umupo na rin sina Damon. Kahit naguguluhan si Zirrius ay pinili niyang manahimik.
"My offer still stands and will be always the same. Makipagtulungan ka sa 'min upang pabagsakin si Severus," seryosong saad ni Damon. Verone's lips formed into a sweet, sarcastic smile. "And what will I get from that?" she asked with interest.
"Your kingdom's freedom," sagot ni Damon.
"My kingdom is already free under his reign," mahinang saad ni Verone. Pero halatang hindi ito ang kalayaang gusto niya. "I don't need bloodshed anymore. How about you'll be my slave forever in exchange for what you want?" she asked sweetly. Gusto kong mapasimangot dahil napakaimposible ng hinihingi niya. Halatang wala siyang balak na tulungan si Damon.
Ngumiti lang nang nakakaloko si Damon. "You're asking for too much, sweetie," he playfully said. Halatang nakikipaglaro si Damon sa kanya. Hindi rin niya gustong galitin si Verone kaya nag-iingat siya sa pananalita niya.
"If you don't have something better to offer, it's better not to see me again," malambing na saad ni Verone pero halata sa tinig niya ang pagiging sarkastiko. Hindi ko akalaing ganito na ang nangyayari sa mga pinuno ng mga kaharian ngayon. They were faking smiles but secretly bringing each other down.
Napansin ko ang bahagyang paggalaw ng panga ni Damon pati ang pagkuyom ng kanyang kamao. "Why are you so stubborn, Verone? Why not help us?" mariing wika ni Damon. He was already losing his patience. Napansin ko ang nakakalokong ngiti ni Verone sa mga labi. Naaaliw siya dahil sa nakikitang pagkainis sa mukha ni Damon.
"You're the one who's stubborn, Damon. Walang kasiguraduhan ang kalayaang sinasabi mo. Hindi natin magagawang matalo si Severus. Ang mabuti pa, isuko mo na lang din ang kaharian mo sa kanya para matigil na ang labanan. Hindi ako makikipagtulungan sa inyo hangga't wala akong nakikitang pag-asa," kalmadong saad niya. "Hindi porke makikipagtulungan ako sa inyo ay mananalo na tayo."
"Kapag bumalik si Avery? Makikipagtulungan ka na ba sa 'min?" seryosong tanong ni Damon. Natigilan ako. Hindi ko masasabing magkaibigan kami ni verone. Mas madalas kaming mag-iringan at makipagkumpetensiya sa isa't isa. Madalas hindi kami magkasundo. Madalas magkasalungat kami ng iniisip at desisyon. Katulad ngayon, mas pinili niyang pumailalim sa pamumuno ni Severus kaysa ang ipaglaban ang kaharian niya.
Napansin ko ang pait sa mga mata at ngiti niya. "Sa tingin mo ba, babalik pa siya? Mas masahol pa siya sa 'kin. Iniwan niya ang kaharian niya at pinabayaang maging alipin ang nasasakupan niya. Nawala na ang ganda ng Elfania dahil sa pagiging makasarili niya," mapait na saad niya. Natigilan ako sa mga sinabi niya. Parang gusto ko siyang tanungin tungkol sa lahat ng nalalaman niya sa Elfania. "Mahina siya. Duwag siya. Wala siyang kwenta. Sa tingin mo, aasa pa ako sa kanya?"
Napansin ko ang mas maigting na pagkuyom ng kamao ni Damon. Maging si Zirrius ay naiinis din. Bahagyang kumuyom ang mga kamao niya at tila gustong magsalita. Tila gusto niya akong ipagtanggol kahit papaano. Pero tama naman kasi si Verone. Umalis ako. Iniwan ko lahat ng mga nasasakupan ko para sa kaligtasan ko. Masakit mang aminin pero naging makasarili talaga ako. Hindi naman nagkokomento si Aivee at nagmamasid lang sa 'min. Her expression was blank. It's hard to read her thoughts.
"Hindi mo ba siya maaaring bigyan ng pangalawang pagkakataon?" seryosong tanong ni Zirrius. Natigilan ang lahat dahil sa sinabi niya. Lahat ng atensiyon ay natuon na sa kanya. Verone's amber eyes were dancing with interest and amusement. "Kahit gumagawa siya ng mga makasariling desisyon, hindi niya kayo gustong pabayaan. Sigurado ako na nasasaktan din siya sa mga desisyon niya. Alam ko kung gaano kasakit na umalis sa sariling kaharian. Hindi niya kayang labanan si Severus nang mag-isa. Gusto niyang magtulungan kayong lahat," mariing wika ni Zirrius.
"You don't have to defend me," mahinang saad ko sa kanya.
"I'm not defending you. Naiinis lang ako dahil hinahayaan mo ang babaeng ito na pagsalitaan ka ng masasakit na bagay," naiinis na saad niya sa utak niya. "Naiinis ako dahil nasa loob ka ng katawan ko at hindi mo man lang madepensahan ang sarili mo. Naiinis ako dahil nandito ako at nakikinig sa mga sinasabi niya."
Mahina akong tumawa dahil sa mga reklamo niya. But I could feel that my soul suddenly feel warm because of his in denial concern. I wanted to kiss his both cheeks right now for that.
"You're talking like you know her," komento ni Verone. "What's your relationship with her?"
Napalunok naman ni Zirrius dahil sa tanong ni Verone. Natigilan si Zirrius dahil sa bagong tinig na nagsalita sa isip niya. "Don't tell her that Avery is inside your body. Hindi natin siya kakampi," seryosong utos ni Damon. Zirrius gritted his teeth. There's two voices raping his mind right now. Naalala ni Zirrius ang sinabi ko sa kanya tungkol sa pagbuo ng harang sa isip niya. He tried to make a barrier once again pero natigilan siya dahil sa muling pagsakit ng seal niya. Hindi siya makabuo ng harang sa utak niya. Maging si Damon ay napangiwi dahil sa ginawa ni Zirrius. Something's fishy here.
"Do you have a gold seal, Damon?" nagbabaka sakaling tanong ko sa kanya. Siguradong maririnig niya ako dahil pinasok na niya ang isip ni Zirrius. Napakunot-noo naman si Zirrius dahil sa tanong ko. Hindi niya gusto ang posibilidad na isa si Damon sa mga elves na nagtataglay ng gold seal.
"Bakit mo natanong?" takang tanong ni Damon sa 'kin.
"Later," saad ko.
Napansin ko na nakataas na ang kilay ni Verone habang naghihintay ng sagot mula kay Zirrius. "Tell her that I'm your lover," saad ko kay Zirrius.
"What?" gulat na tanong ni Zirrius sa 'kin.
"That will piss her off and she'll want you. Magiging interesado siya lalo sa 'yo. Kung gugustuhin ka niya, may pag-asa na malaman mo kung nasaan ang katawan ko," paliwanag ko.
"I don't like this idea," reklamo ni Damon. "You don't know what you're getting into, Avery. Mapanganib. Kung magugustuhan ni Verone si Zirrius, kailangang manatili ni Zirrius sa palasyo ni Verone. She will offer him a deal in exchange for information. And she'll use his body for her own benefits," seryosong paliwanag ni Damon. "And the question now, will Zirrius sacrifice his own safety for you? He will be dealing with fire. A wildfire. Just let me handle this if he's not willing to do that."
"Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?" naaaliw na tanong ni Verone kay Zirrius. Halata sa mga mata ni Verone na nagdududa na siya kay Damon at Zirrius. Alam kong alam ni Verone ang kakayahan ni Damon kaya may ideya na siya sa nangyayari.
"Hindi mo na kailangang malaman. I want to know the whereabouts of Avery's body. May alam ka ba?" seryosong singit ni Damon. Natigilan si Verone at bumuntong-hininga nang malalim. Halatang naiinip na siya sa takbo ng usapang ito.
"Yes, but I will not tell you," seryosong sagot niya. "Death is certain on that place," makahulugang dagdag niya. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko dahil sa narinig. Death? Ano ang ibig niyang sabihin? Kung ganu'n maaaring hindi nagawa ni Roan ang inutos ko sa kanya noon. Tila gusto kong saniban si Zirrius para personal na magtanong sa kanya.
"Tell us where," mariing wika ni Damon.
"You know sweetie, I don't give information for free. There's no such thing as free lunch," nakangising saad ni Verone. Halatang iniinis lang niya si Damon.
"What do you want? I'll give it," seryosong saad naman ni Zirrius kaya natigilan kaming lahat.
"Sigurado ka ba diyan?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"I have to. Hindi niya sasabihin kung nasaan ang katawan mo kung hindi natin ibibigay ang gusto niya," seryosong sagot ni Zirrius.
"She's dangerous," babala ko sa kanya.
"I know but we can't forever be afraid of danger. We can never avoid it, anyway," seryosong saad ni Zirrius.
"Your service will be a great enough. But then, I'll give the information you need only when you managed to satisfy me. You have to live on my palace for the meantime," she said with a knowing smile. She's really a tricky witch! Mariing ikinuyom ni Zirrius ang mga kamao. Hindi ko alam kung papayag ba siya o hindi. Natatakot ako.
------------------------
TO BE CONTINUED...
Wahaha. Let me know your thoughts! Hindi ko na naedit. haha!
Congrats Lizzee for winning the game in the group. Haha ito na prize mo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro