Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 33: Damon Elswit

"Because you don't want to be caught off guard..."


AVERY


Sa malawak na talampas kami dinala ni Aivee sa tuktok ng bundok kung saan walang tao na pumupunta. Ang mainit na sikat ng araw ay nanunuot sa balat ni Zirrius. Sa kalayuan ay makikita ang malawak na bukal kung saan umaagos ang tubig pababa sa batuhang bahagi ng bundok. Ito ang pinanggagalingan ng tubig na dumadaloy sa waterfalls. May naglalakihang puno ng mahogany at mangga, sampung kilometro ang layo.


Kumakanta ang mga ibon habang masayang lumilipad sa himpapawid. Ang ilan ay walang takot na dumadaan sa harapan ni Zirrius at nagsasaya at bumabati pa sa kanya. Kung hindi natatakot ang mga ibon sa kanya, tiyak nararamdaman nila ang pagiging mabuti ni Zirrius.


"Did you learn something from Avery?" interesadong tanong ni Aivee kay Zirrius. Gusto kong sumimangot dahil hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya. Basta naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya at nakikipag-usap kay Zirrius. She was wearing an off shoulder shirt and her belly was exposed. It was her usual clothes. Her white pants were made of cotton.


Samantala, nakasuot naman si Zirrius ng isang simpleng V-neck black shirt at black pants. Isinabit muna niya sa isang sanga ang dala niyang cloak at bag.


Kumunot ang noo ni Zirrius. "About mates?" tanong niya pabalik kay Aivee. Kahit ayaw kong turuan ni Aivee si Zirrius, wala naman akong magagawa. Mas mabuti na ito kaysa walang matutunan si Zirrius. Kung ako naman ang magtuturo sa kanya, tiyak na mahihirapan siya. Maliban na lang kung papayag siya na gamitin ko ang katawan niya upang ipakita sa kanya kung paano gumamit at maglabas ng mahika. Sa tingin ko ay hindi siya papayag sa ganoong paraan.


Marahang tumango si Aivee. "Mukhang alam mo na. Did she tell you that your mate can be your equal or your opposite? Madalas, kapantay mo sa lakas ang mate mo pero may ilang pagkakataon na kabaliktaran. Maybe because some elves need balance," dagdag na paliwanag ni Aivee.


"Bakit kailangan kong malaman ang mga ito? Hindi ba pwedeng magsimula na lang tayo sa pagsasanay?" kunot-noong saad ni Zirrius. Hindi siya interesadong malaman ang tungkol sa mates. Hindi siya naniniwala na ganu'n katindi ang magiging epekto sa kanya kung sakaling makita niya ang mate niya. Sabagay, isang tao ang gusto niya kaya nahihirapan siyang tanggapin ang mga sinasabi namin. Hindi niya kailangan ng mate hangga't nandiyan si Liana.


Naglakad si Aivee habang pinagmamasdan si Zirrius mula ulo hanggang paa. Halatang sinisipat at tinatanya kung gaano ang itatagal ni Zirrius sa pagsasanay. Inikutan pa niya si Zirrius para mas maayos niyang mapagmasdan si Zirrius. "Kailangan mong maintindihan 'to. Kapag tumuntong na tayo sa Elven Kingdom at hindi sinasadyang nagustuhan mo ang isang babaeng elf, baka magkagulo lalo na kung may mate na ang babaeng 'yon. Ayokong maging padalos-dalos ka sa kilos mo. You need to know the distinct smell of a single elf and a mated one. Mas mabuti na ang nag-iingat lalo na at bago ka pa lang sa mundo namin," paliwanag ni Aivee. Tumigil siya sa paglalakad at hinintay ang sasabihin ni Zirrius. "Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan kong ipaunawa ito sa 'yo."


Natahimik na lang si Zirrius dahil alam niyang wala na siyang magagawa kundi ang makinig na lang. Bumuntong-hininga si Aivee at itinuloy na lang ang pagsasalita.


"Single female elves have this fresh and inviting scent especially when they're attracting lovers or trying to look for mates. Katulad ito ng naamoy mo noong isang gabi. While the mated ones, they smell good and tempting too but there's a dangerous scent lingering on them. It's the scent of their mates. The scent of the mating bond. It's a warning scent that if you touch them, be ready to face danger or death. Madalas sa mga lalaking elves ang pagiging seloso. They are territorial. Ayaw nila ng may kahati," pagpapatuloy ni Aivee. "Hindi mo magugustuhan ang gagawin nila dahil handa silang pumatay para sa mates nila. Ganu'n din naman ang mga babae."


Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng labi ni Zirrius. "That's interesting," saad niya. Napailing si Aivee dahil alam niyang hindi siya sineseryoso ni Zirrius. "Pero mas matinding mang-akit ang mga Royal-blooded elves. The scent you smell from me last time is just a small portion of me. Mas nakababaliw ito kung gagamitin ko nang buo kaya mag-iingat ka kung sakaling isang Royal blood ang mang-aakit sa 'yo."


"Binabalaan kita. Hindi magiging madali ang paglalakbay mo patungo sa Elfania. Marami ng lugar ang nasakop ng Asterians. Maraming kawal ang nag-iikot sa lugar upang magmatiyag. Sila rin ang sumusupil sa mga nagtatangkang magrebelde. Ang masaklap pa, marami silang inaalipin dahil sa mga toreng ipinatatayo nila," seryosong saad ni Aivee. "Huwag kang magpapahuli dahil kung hindi ka man maging alipin, kamatayan naman ang ipapataw sa 'yo."


Natigilan si Zirrius at lalo na ako. Marami akong gustong malaman tungkol sa mga nangyayari sa Elven Kingdoms. I wanted to take over to ask her more.


"Bakit sila nagtatayo ng mga tore? Para saan?" takang tanong ni Zirrius. Nagkibit-balikat si Aivee. "Who knows?"


"Pero kapag nakarating ka na sa Elven Kingdoms, tiyak na hindi mo magugustuhan ang makikita mo. Lalo na ang mga lugar na nasakop na ng Asteria. Pero may ilang lugar doon na hindi pa nila nasasakop. Those places are still beautiful and untouched like paradise," dagdag pa ni Aivee. "Maiintindihan mo rin ang mga sinasabi ko kapag nandun na tayo. Sa ngayon, simulan na natin ang pagsasanay mo. Mukhang nasa kondisyon naman ang katawan mo kaya makapagsisimula na tayo," saad ni Aivee. She lazily grinned and she started to teach Zirrius about the proper circulation of power inside his system.


Hindi na nagkomento pa si Zirrius. Itinuon na lang muna niya ang pansin sa pagsasanay. "You can get power from plants and other living creatures who are willing to give their powers to you. Alam kong nararamdaman mo na ang matinding koneksiyon mo sa kalikasan. Hindi na ako magtataka kung isang araw, marinig mo ang mga boses nila na nakikipag-usap sa 'yo. Elves are too close with nature and when elves die, their souls will stay with nature forever. In nature, they will find peace," tuloy-tuloy na paliwanag ni Aivee habang si Zirrius naman ay nagpapadaloy ng kapangyarihan palabas sa kanyang kamay.


Pero napapangiwi na lang si Zirrius dahil sa mainit na pakiramdam na bumabalot sa katawan niya. At kinakabahan ako. Kapag ito ang kapangyarihang ikinakatakot ko, tiyak na hindi ko na maitatago sa kanya ang totoo niyang pagkatao. Hindi ko na rin maitatago kay Aivee kung saang lahi nagmula si Zirrius. Malaki ang pagkakaiba ng kapangyarihan ng Royal-blooded elves kaysa sa ibang ordinaryong elves lamang. Kapag nalaman ito ni Aivee, hindi ko alam kung ano ang gagawin at iisipin niya. Papatayin niya kaya si Zirrius kapag nalaman niya ang totoo?


Nagsisimula ng uminit ang mga kamay ni Zirrius. His hands were burning from the inside. Parang gustong tunawin ang mga buto niya ng isang kapangyarihan na hindi niya magawang ilabas. Nagsalubong naman ang kilay ni Aivee dahil sa malalaking butil ng pawis na namumuo sa noo ni Zirrius. Napangiwi at napapikit na lang si Zirrius. I needed to do something before it's too late.


Walang pag-aalinlangan na bigla akong sumanib sa katawan ni Zirrius. Nagulat pa siya sa isip niya nang mapagtanto na hindi na niya kontrolado ang katawan niya. Tumaas naman ang kilay ni Aivee nang tumitig siya sa mga gintong mata ko.


"Ano na naman ang problema?" naiinis na tanong ni Zirrius sa utak ko.


"Ako na lang ang magsasanay sa 'yo. Your power is dangerous," sagot ko kay Zirrius. "Soon, you'll be dangerous. At siguradong hindi ito palalampasin ni Aivee."


"Ano'ng ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Zirrius. I didn't bother to answer him. Tiningnan ko nang matiim si Aivee.


"Ako na ang bahala sa kanya. Bumalik ka na sa inn," seryosong saad ko. "Mahirap siyang turuan at ayaw kong masayang pa ang oras mo. Ako muna ang magtuturo sa kanya sa loob ng isang buwan tapos ipapaubaya ko na ang iba sa 'yo. May isa lang akong katanungan. Nasakop na ba ng Asteria ang buong Exether?"


Mas lalong umangat ang kilay ni Aivee. Nagdududa siya sa biglaang pagpapasya ko. Pagkalipas ng ilang segundong pag-iisip, nagkibit-balikat na lang siya. "Hindi ko alam kung bakit ayaw mong turuan ko si Zirrius pero hindi na ako magtatanong pa. Hindi pa nasasakop ng Asteria ang buong Exether. Lumalaban pa si Damon para sa kaharian niya. May kaunting lugar lang na nasakop ang Asteria pero hindi pa ganu'n kalawak."


"So, Damon is the new ruler of Exether?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Si Damon ay isa sa mga Royal-blooded elves na kinalakhan ko. Madalas dumadalaw ang pamilya nila sa Elfania para sa mga pagtitipon at pagpupulong. Mas matanda siya sa 'kin ng limang taon at nakakasama ko rin siya sa pangangaso noon kapag nag-uusap ang mga magulang namin tungkol sa mahahalagang bagay na hindi namin maaaring marinig. Tahimik na tumango si Aivee.


"When his father and mother died, he took over of the throne. Magkasabay ang mga magulang mo at magulang niya nang mamatay sila. Mukhang na-set up sila kaya hindi na nila nagawang lumaban. Kung lumaban man sila, tiyak na dehado sila. Wala na rin namang magagawa si Damon dahil nag-iisa siyang anak. Hindi siya sumusuko sa Asteria kahit alam niyang darating ang araw na magtatagumpay ang mga ito na masakop ang Exether. Galit na galit siya sa mga Asterians. Sa ngayon, medyo humihina na ang depensa nina Damon kaya hindi na ako magtataka kung may mga Asterians na nag-iikot sa mga daungan. Ayaw ng mga Asterians na may mga elves na makatakas sa kamay nila. Ang nakapagtataka lang, hindi pa nila sinasakop ang lugar ng mga tao. Siguro, gagawin nila 'yon kapag tuluyan na nilang nasakop ang lahat ng Elven Kingdoms," paliwanag ni Aivee. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi pa pumapasok sa isip ko ang posibilidad na 'yon. I knew something big is coming but not this big or bigger.


"How about the Ameya Kingdom? How's your kingdom?" tanong ko sa kanya. Napansin ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata ni Aivee. Hindi niya inaasahan na mababanggit ko ang kaharian niya.


"Wala ng pag-asa," sagot ni Aivee. Marahan na lang akong tumango dahil naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Nang hindi na ako magsalita pa ay umalis na siya nang walang paalam. Hinintay ko siyang makalayo hanggang sa hindi na niya maririnig ang lahat ng mga mangyayari sa lugar na ito. Medyo naninibago ako sa katawan ni Zirrius ngayon. Masyado ng malakas ang mga pandama niya at magaan sa pakiramdam. Parang nakabalik na rin ako sa katawan ko dahil sa kanya. Ibinukas at isinara ko ang mga kamay ko. I could really feel the overwhelming power dwelling within him.


"Baka gusto mo ng ibalik sa 'kin ang katawan ko?" he impatiently asked. My lips twitched into a smile. I gave his body back without second thoughts. Hindi ko gustong hamunin siya ngayon na agawin mula sa 'kin ang katawan niya. Kapag ginawa ko 'yon, malalaman niya na kayang-kaya niyang isantabi ang kaluluwa ko anumang oras. I didn't want to provoke him. I didn't want him to discover the truth.


"What will I do now? I'll listen since Aivee already left," saad ni Zirrius.


"Just release it. Let go of your power now even when you know you can't control it," seryosong saad ko sa kanya. "Sa ngayon, hindi makikinig ang kapangyarihan mo kahit anong gawin mo upang kontrolin ito. Matagal na panahon itong nakakulong sa loob ng katawan mo. All it wants is to be released without hesitation and reservation. Kapag pinilit mong ikulong 'yan sa loob ng katawan mo, ikaw ang sisirain ng kapangyarihan mo," dagdag ko pa nang mapansin ko ang pagsasalubong ng kilay niya.


"Relax," utos ko sa kanya. He did try to relax even when he's still confused.


"Close your eyes... Take a deep breath...."


"Subukan mong isipin ang kapangyarihan na dumadaloy sa katawan mo. Can you see that huge burning power inside you?" I asked. Alam kong nakikita niya ang asul, pula at itim na kapangyarihan na nasa gitna ng pagkatao niya. It was huge. It was burning like a spreading wildfire. Masyado na itong kumalat sa buong sistema niya. Kung magtatagal pa ito sa loob niya, baka siya na ang patayin ng kapangyarihan niya. Napasinghap siya dahil sa biglang pagragasa ng kapangyarihan niya patungo sa mga kamay niya. Hindi na nakapaghintay pa ang kapangyarihang 'yon. Ito na ang kusang gumalaw.


"Release. It. Now!" mariing utos ko sa kanya. Hindi na siya nakapagsalita pa dahil mula sa dalawang kamay niya, malakas na puwersa ang mabilis na lumabas. He was thrown away. So far that he already reached the woods and hit the tree trunks and branches. Napasinghap na lang siya at napamulat dahil sa mga sugat na natamo niya mula sa paghampas ng likod niya sa mga puno na ngayon ay nagsitumbahan na. Hindi ko nga alam kung makakaabot pa ba ang ingay na ginawa niya sa mga tainga ni Aivee. I hope not. Napasuka siya ng dugo nang tumigil na siya sa pagtilapon at bumagsak sa lupa.


Nanlalabo ang paningin na tiningnan niya ang nag-aalab na apoy sa harapan niya. Mula sa kinatatayuan niya kanina hanggang sa narating niya ngayon ay kumakalat ang apoy na lumabas mula sa kanya. Magkahalong itim, asul at pula ang kulay ng apoy na ito. I sighed heavily. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Only Royal-blooded elves especially the Asterians can wield the Devil Fire. At dahil isang Royal Blood si Zara Montfort tiyak na ganu'n din ang anak niya. Masakit mang tanggapin, kailangan kong makipag-ugnayan sa isang kadugo ng taong pumatay sa mga magulang ko.


"You need to master that power as soon as possible. At hindi mo maaaring ipakita kay Aivee na kaya mong maglabas ng Devil Fire," mariing saad ko sa kanya. Hinihingal siya at maraming katanungan na nabuo sa isip niya pero nahihirapan siyang isatinig ito.


"Kapag nalaman niya, hindi siya magdadalawang-isip na patayin ka," paalala ko sa kanya. Pakiramdam ko nag-aalaga ako ng isang ahas na alam kong tutuklaw sa 'kin pagdating ng panahon pero wala akong pakialam. I need my body back and I need to use him. I'll deal with him later if he turned to be an enemy. Kumakalat na ang apoy sa buong kagubatan at talampas. I took over because he was still confused. Pinilit kong tumayo kahit nanginginig pa ang mga tuhod ko at namamaga ang mga sugat ko sa likod at braso.


I used the water on the spring to extinguish the Devil Fire. At hindi ganu'n kadali ang pagpatay sa apoy nito. Mas lalo pa nga itong lumalaki dahil sa tubig na ibinubuhos ko. If only I got my body it would be easier. I sighed heavily.


"Watch me," seryosong saad ko kay Zirrius. "You should learn how to do this." I focused on the Devil Fire. Hindi ko alam kung makokontrol ko ito pero sinubukan kong paliitin ito hanggang sa mawala.


May soul and the Devil Fire are not compatible so I have a little doubt. Ilang oras din ang lumipas bago ko ito napigilan sa pagkalat at napatay. Nang makita ko ang mga puno at damo na natupok ng apoy, wala ng silang bakas kundi abo na lang. Malaking pinsala ang nagawa ng apoy ni Zirrius. I restored the trees back to life.


"Be careful next time," saad ko nang ibalik ko na muli ang katawan niya.


~~~


Tatlong buwan na ang lumipas. Nagawa naman ni Zirrius na kontrolin ang Devil Fire kahit nagigising pa rin siya sa hatinggabi dahil sa mainit na pakiramdam na hatid nito. Nagawa naman niyang itago ito kay Aivee habang tinuturuan siya ng iba't ibang paraan ng paggamit ng mahika.


Ngayon, nasa harap na kami ng isang napakalaking barko. It's already old and rusty. The sails are nearly torn. Kabilugan ngayon ng buwan at walang makikitang tao sa paligid ng daungan. Nakatingin lang sa 'min si Kendrick at Shin mula sa malayo. Napagkasunduan na namin na maiiwan sila rito. They will try to spy on Alveria whenever they got a chance. Sa ganu'ng paraan, mas madali na ang lahat kapag bumalik na kami sa Alveria. Ipinaubaya muna ni Aivee kay Kendrick at Shin ang pamamahala sa inn.


Nakatingala lang si Zirrius sa barko at malalim ang iniisip niya. Alam niyang wala ng atrasan ito. Hindi na siya natatakot ngayon dahil sa kapangyarihang taglay niya. Lumingon lang si Zirrius kay Kendrick at tumango tanda ng pagpapaalam. Hindi maaaring sumakay ang isang tao sa barko dahil tiyak na pagtutulungan siya ng mga elves lalo na kung pasaway ang ilan sa kanila. Shin just hide Kendrick from the other elves' sights so he could see Zirrius off. Tumango lang pabalik si Kendrick kay Zirrius. Hindi ko alam kung paano niya natanggap na isang elf si Zirrius. It took months but he still stayed loyal. I admire him for that. Kahit may mga oras na natatakot si Kendrick kay Zirrius lalo na kung hindi sinasadyang nagagamit ni Zirrius ang kapangyarihan ay hindi iniwan ni Kendrick si Zirrius.


Pinasakay na kaming lahat sa barko. Napansin ko na kakaunti lang ang mga pasahero at talagang mabibilang lang sa mga daliri ko. Siguro dahil natatakot ang ilan na ipagsapalaran ang kanilang mga buhay sa mga Elven Kingdoms.


Mahigpit na humawak si Zirrius sa railings ng barko habang tinatanaw sina Kendrick at Shin na nakatanaw lang din sa 'min. "Isang buwan bago tayo makarating sa Exether," paliwanag ni Aivee. "Ipagpapatuloy natin nang palihim ang pagsasanay mo rito pero hindi ka pwedeng gumawa ng mapaminsalang atake. I'll just teach you on how to effectively control your power. And some useful magic spells."


Napasinghap si Zirrius nang mapansin niya ang isang malaking magic portal na papasukin ng barko mula sa malayo. Tila isa itong malaking kumunoy na humihigop sa barko. Kung ganu'n hindi pala talaga basta-basta ang pagpunta sa Elven Kingdoms.


Kapansin-pansin ang pagiging seryoso ni Aivee. Marahan lang na tumango si Zirrius. Nagsimula ng maglayag ang barko palayo sa daungan. Makapal ang hamog kaya unti-unting nawala sa paningin ni Zirrius sina Kendrick at Shin. Mabigat na bumuntong-hininga si Zirrius bago nagpasyang pumunta sa kanyang silid. Pinagmasdan lang siya ni Aivee at hindi siya pinigilan.


~~~


Maalon ang dagat at katatapos lang naming malampasan ang isang malakas na bagyo. Unti-unti ng lumiliwanag ang kalangitan at nagiging asul. Nakikita ko na rin ang maliwanag na araw. Sa isang buwan na paglalakbay namin sa karagatan, iba't ibang hirap ang aming pinagdaaanan. May mga pagkakataon na halos masuka si Zirrius dahil sa malakas na alon sa karagatan. Hindi siya sanay sa ganitong paglalakbay at baguhan lang siya. Pero hindi naging dahilan 'yon upang palampasin ni Aivee ang pagsasanay niya.


May mga pagkakataon na kahit masama na ang pakiramdam niya ay hindi siya pinapatigil ni Aivee sa pagsasanay. And I never interfere. Gusto ko ang ganu'ng paraan ng pagtuturo ni Aivee. Sinasanay lang niya si Zirrius na mahirapan dahil mas mahirap ang dadanasin ni Zirrius sa mga Elven Kingdoms. Mas nakatulong din ang sitwasyon sa pagpapalakas ni Zirrius at mas nakokontrol na niya ang kapangyarihan niya ngayon.


Mabuti na lang din, hindi siya naglalabas ng Devil Fire sa harap ni Aivee pero palihim niya itong sinasanay kapag wala si Aivee. May pagkakataon na tinatanong niya ako kung bakit kailangan niyang itago ang totoong kapangyarihan niya kay Aivee at sa ibang elves pero hindi ko siya sinasagot at naiinis siya sa pananahimik ko.


Unti-unti na rin naming natatanaw ang malawak na daungan ng Exether. Kakaunti lang ang tao at napansin ko ang ilang kawal na nakasuot ng red and black elf armors. Mukhang tama nga si Aivee na may mga Asterian na nagmamatiyag sa daungan. Malalaking pine trees ang humaharang sa mga lugar na lampas sa daungan kaya hindi ko matanaw ang kabuuan ng Exether.


"Kailangan nating malampasan ang mga kawal ng Asteria. Sa Exether, ang kailangan mong iwasan ay ang mga Asterians at iwasan mo rin na galitin si Damon kung sakaling magkita kayo. Hindi siya pangkaraniwan. He could see through the truths behind your lies. Kaya niyang pasukin ang isip mo nang hindi mo nalalaman. Kaya niyang alamin ang lahat tungkol sa 'yo kung gugustuhin niya. Kaya niyang kontrolin ang bawat galaw mo. That's the power of a Royal blooded Exetherian. May ilang Exetherian na may ganu'ng kapangyarihan pero hindi malakas katulad ng sa kanya. You need to build shields to protect your mind," paliwanag ni Aivee.


Gusto kong mapamura dahil sa sinabi ni Aivee. Hindi ko alam na ganu'n katindi ang kapangyarihan ni Damon. Ngayon, nagsisisi na ako kung bakit hindi ako nakinig noon sa mga itinuturo ng magulang ko. Malalaman kaya ni Damon na nasa loob ng katawan ni Zirrius ang kaluluwa ko? Malalaman kaya niya na isang Asterian si Zirrius?


"May mga elves na nanloloko at nandadaya sa kapwa nila kaya mag-iingat ka lalo na ngayong nagdudusa ang lahat sa kahirapan. Some High Elves, almost everywhere in the Elven Kingdoms, can trick you to sleep with them. Sex for some elves are recreational rather than a reproductive activity. Hindi madaling mabuntis ang isang elf. It will take years or decades before you can get someone pregnant so they're doing it for fun sometimes. Kaya


Kailangan mong talasan ang pakiramdam mo. Maraming elves ang kayang paikutin ka sa mga kamay nila," paalala ni Aivee. "And when you totally fell into their hands, they will drive you insane until you die."


Bahagyang kumunot ang noo ni Zirrius. "Cruel and irrational," komento ni Zirrius. Pinagmamasdan niya ang mga kawal na nag-iikot sa daungan. "Paano natin sila matatakasan?" tanong ni Zirrius.


"Through this," sagot ni Aivee. She shifted and grow black wings on her back. She stayed on her elf form but with wings now. Napatitig na lang si Zirrius kay Aivee dahil sa pagkamangha. She looked like a fallen angel. A beautiful one. Malapit ng dumaong ang barko at handa na rin ang mga pasahero na bumaba. Mabilis na ipinulupot ni Aivee ang mga kamay niya sa baywang ni Zirrius at lumipad paitaas. Hindi na nakapaghanda pa si Zirrius dahil sa pagkabigla.


Naglalakihan ang mga pine trees na sinuong nila. Masyadong malalakas ang mga pakpak ni Aivee kaya nakakaya niya si Zirrius. Mas lalong lumipad paitaas si Aivee hanggang sa hindi na sila matanaw ng mga Asterians. Nang tumingin sa baba si Zirrius, halos maliit na isla na lang ang malawak na lupain ng Exether sa paningin niya.


"Kailangan mo ba talagang lumipad ng ganito kataas?" tanong ni Zirrius kay Aivee.


"I have to. Not unless, you want them to shoot us," she answered playfully. "Kung gusto mong paulanan nila tayo ng mga bakal na pana, pwede naman akong bumaba," natatawang dagdag pa niya. "Hold on. We will land now," seryosong saad niya. Napasinghap na lang si Zirrius nang bigla silang bumulusok pababa. Sobrang bilis ng paglipad ni Aivee. Natitiyak kong walang makakakita sa kanya dahil hangin na lang ang mararamdaman nila.


Ibinaba ni Aivee si Zirrius sa patag na bahagi sa tuktok ng bundok. May isang templo doon. Agad na bumukas ang pinto kahit hindi pa man kumakatok si Aivee. Lumabas ang isang matandang babae. She looked like a priestess. She's still beautiful even when she's already old. Maputi at mahaba ang buhok nito at medyo matangkad. She was elegantly dressed.


"Priestess Silvia," bati ni Aivee sa matandang babae at bahagyang yumukod. Nawala na ang kanyang mga pakpak.


"Hindi ko alam kung bakit naliligaw ang mga pinuno ng iba't ibang kaharian sa templo ko," sarkastikong wika ni Priestess Silvia. Mula sa likod niya ay lumabas naman si Damon na nakakunot ang noo dahil sa pagdating ni Aivee. Napasinghap na lang si Aivee dahil hindi niya inaasahan na makikita niya agad si Damon. Maging ako ay nagulat din.


Bumaling ang mga abong mata ni Damon kay Zirrius at bahagyang umangat ang kilay niya. Halos hindi ko na makilala si Damon dahil masyado ng malaki ang ipinagbago niya. His strong muscles were tightly covered by his warrior armor. His gorgeous and arrogant face was more seductive and eye catching even when his expression was blank. He tightly clenched his strong, chiseled jaws. His silver hair was cut short too. Halata sa mga mata niya kung paano niya pinag-aaralan si Zirrius at kinakabahan ako.


"Ito lang ang maaari naming puntahan sa ngayon," sagot ni Aivee kay Priestess Silvia upang mabawasan ang tensiyon. "Hindi ko alam na nandito pala si Damon." Bumaling na ang paningin ni Damon kay Aivee. He grinned lazily.


"Ano'ng ginagawa ng isang Ameyan Princess sa teritoryo ko, Aivee Lockdew?" sarkastikong tanong ni Damon kay Aivee. Masamang tingin ang ipinukol ni Aivee kay Damon. Halata sa boses ni Damon ang pangungutya sa sinapit ng Ameya. "And you even bring an Asterian with you. A half-breed," malamig na dagdag ni Damon. Napasinghap si Aivee. Nagulat naman ako dahil sa kaprangkahan ni Damon. Napakunot-noo naman si Zirrius nang bumaling ang lahat sa kanya. Wala siyang alam sa nangyayari.


"Hanggang kailan ka magtatago, Avery?" malamig na tanong pa ni Damon. Gusto kong mapasimangot sa tanong niya.


"Let me handle this," sabi ko kay Zirrius. Agad kong kinontrol ang katawan ni Zirrius. Hindi nagkomento si Zirrius. Tahimik lang siya kahit kinuha ko na ang katawan niya.


Seryosong tumitig ako kay Damon. "It's been a while, Damon Elswit," I greeted with a smile. "Looking good, huh?" I playfully said. Napailing naman si Damon dahil sa pagbati ko. He gave me a crooked smile.


"You're always trouble," he said flatly. I think I suddenly missed my best friend now.


"And you're no fun, as always," nakasimangot na saad ko. Sinabi pa niya na Asterian si Zirrius. Nakakainis talaga! Ngumiti lang siya sa 'kin nang nakakaloko.


"Mukhang marami kang dapat ipaliwanag sa 'kin," mariing wika ni Zirrius sa utak ko. Napakagat-labi na lang ako.


"Sa loob na kayo mag-usap," seryosong saad naman ni Priestess Silvia. "I wonder why fate led you all here." 


------------------


TO BE CONTINUED...


Haha! Let me know your thoughts. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro