Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 30: Save Or Ruin


"This is just the calm before the storm..."


AVERY


Napansin ko ang malakas na puwersa na bumalot sa buong silid. The walls and doors froze with ice. Kumapal ang mga pader dahil dito. Tila iniiwasan ni Aivee na gumawa ng kahit anong ingay na maririnig ng mga tao mula sa labas. The room was now soundproofed at walang makapagbubukas ng pinto. I noticed that she's also protecting that boy in the other room. Sa palagay ko, kapatid niya ang batang 'yon.


Should I use the boy against her? No. I bet that's a bad idea. Mas lalo lang siyang magagalit sa 'kin kapag ginawa ko 'yon.


Muling bumalik ang atensiyon ko kay Aivee. All I could do now was watch her in awe. She was really quick as she moved closer and I couldn't be on par with her. If only I have an elf body... my real body... I could surely match her speed. Or might as well, I'd be faster than her. Oh How I wished that Zirrius had an elf body too, so it would be easier.


"What the hell?" gulat na reaksiyon ni Zirrius nang marinig ang mahinang hiling ko. I just laughed. "It will be weird to have an elf body. I will never wish for that," komento niya.


"Hindi rin. Sanayan lang 'yan," natatawang sabi ko. "Siguro, mas magiging hot ka sa paningin ko kapag nagkataon. I prefer a male elf having a shower, by the way," I said and giggled.


Zirrius hissed. "No thanks," he sarcastically commented. Tumawa lang ako nang malakas sa isip ko. "But how can you be that bold and direct?" hindi makapaniwalang tanong ni Zirrius sa 'kin. Kung may katawan lang siya, tiyak na namumula na ang mukha niya dahil sa sinasabi ko. Though I could sense amusement on his tone. Mukhang nasasanay na rin siya sa pagiging prangka ko. Hindi ko na siya nagawang sagutin.


Aivee reached me. She gave me a roundhouse kick on the face as she jump and twisted her body on mid-air. Her attack was flawlessly dangerous. Her posture was flawlessly beautiful and trained. Nagawa kong umurong upang iwasan ang pag-atake niya. I even gave her a straight kick on her foot to counterattack the kick. Napangiwi siya nang matamaan ng sipa ko. Dahil nakalutang siya sa ere, nahirapan siyang umiwas agad. She did a back flip in order to move away from me. She gracefully landed on the floor.


But then, as graceful and quiet as the wind, she swiftly moved pass me. Malakas na siniko niya ang likod ko. Ngaun ko lang napagtuunan ng pansin ang sugat na tinamo ni Zirrius kanina sa atake ni Aivee. The wound on his back was too deep and painful. I drew blood on my mouth. Mahina akong dumaing. Well, at least, Zirrius' blood tasted sweet on my tounge. Not bad at all.


"It's not sweet. You're exaggerating things," reklamo ni Zirrius sa utak ko. Mapait akong ngumiti dahil sa iritadong tinig niya.


"I like the taste though," saad ko sa utak ko at nakakalokong ngumisi. I stumbled from Aivee's attack but I managed to turn around and face her. I grabbed Aivee's arms and threw her down on the ground. Malakas na ingay ang namayani nang humampas ang likod niya sa konkretong sahig. Too bad I couldn't damage her more than the few broken bones on her back.


"You're insane!" He hissed. "Why don't you use magic to attack her?" he asked with curiosity and impatience. Mukhang nagugustuhan na niya ang ginagawa kong pagkontrol sa katawan niya. "Hell, no! Just end it already and give my body back," pagkontra niya.


"Huwag kang mainip, Mahal na Prinsipe," natatawang saad ko sa utak ko. Itinapat ko ang kamay ko sa tiyan ni Aivee. I blew it up without hesitation. She growled in pain but managed to kick me hard on my side. Napansin ko ang malalim na sugat sa tiyan niya bago niya ako napalipad palayo. Ako naman ang napatumba niya sa sahig pero pinilit kong tumayo agad. Matalas na tingin ang ipinukol ko sa direksiyon ni Aivee.


How could I defeat her without a weapon? With this human body? Pero may kakaiba akong napansin sa bawat pag-atake niya. If she really wanted me dead, she could kill me quickly without even a sweat. Pero...


"Hindi ko pwedeng sayangin ang kapangyarihan mo kaya sinisigurado ko na hindi ako magmimintis sa bawat atake ko. Mas malakas siya sa 'kin. And I can't use your full power, by the way. Something is stopping me from using your full energy. Maybe there's a limit because of your seal," sagot ko. "Kung itotodo ko, baka magkasakit ka na naman at baka 'yon pa ang maging dahilan ng pagkamatay mo," nag-aalalang saad ko sa utak ko upang sagutin si Zirrius.


"Wow! You're considering me now? Caring for me, now?" hindi makapaniwalang tanong ni Zirrius. Narinig ko ang pagiging sarkastiko ng tinig niya. I slyly smiled. "I always want to consider you but then, I remember that I can never do that. I'm still that selfish girl you met before. I never change until now," makahulugang sagot ko sa kanya.


"Tss," mahinang sagot ni Zirrius sa sinabi ko.


Tumayo si Aivee pero napansin ko ang dugo at malalim na sugat niya sa tiyan. Mas mabilis ang paggaling niya dahil isa siyang elf kaya hindi niya alintana ang sugat niya. Mas mauuna pa akong mamatay dahil sa mga sugat ko. Nakikita ko na ang mga dugong tumutulo sa sahig pero hindi ko ito pinansin. Zirrius hissed with worry.


Aivee deadly looked at me. This was not her true power. This was just the tip of the iceberg and she was not using her magic, for Pete's sake! Hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kanya upang gamitin ang totoong kapangyarihan niya. Natatakot ba siya na masira ang lugar na ito? Nagdadalawang-isip ba siya na patayin ako? Oh! Not really. Mukhang mas natatakot siya sa totoo niyang kapangyarihan.


The Ameyans are not pure blooded elves. They have this special kind of ability to shift. They are shape-shifters and it's hard to distinguish their true forms. That's why, they are really dangerous. And because she's an heir and a princess, she could take any forms she likes. Kaya nakapagtataka na mas pinili niya ang maging isang elf hanggang ngayon. She could disguise as human if she liked. She could attack me as a dangerous and powerful beast of the night if she wished. Siguro, kahit siya mismo ay natatakot sa kapangyarihan niya. Maybe, she was afraid to forget how she really looks when she got used with her power.


"Mukhang wala tayong kalaban-laban sa kanya kung ganu'n siya kalakas," nag-aalalang saad ni Zirrius sa utak ko.


"That's for sure lalo na't mahina ang katawan mo kumpara sa kanya," natatawang saad ko. I was sure that Zirrius was already frowning right now with my statement. He surely wanted to snap my neck but then he couldn't because it's still his neck, after all. Zirrius growled with frustration.


"Ano ba talaga ang binabalak mo?" naiinis na tanong ni Zirrius. Hindi na niya ako maintindihan. Hindi na niya alam kung may pag-asa pa ba kami na matalo si Aivee.


"I want her to be an ally. I don't need to fight her. Naghihintay lang ako ng tamang oras," seryosong sagot ko kay Zirrius. Matiim kong tiningnan si Aivee.


Her canines started to show but not too long. She's not shifting. It was natural for elves to have those. She was showing her frustations and anger. And maybe regrets too. Iginalaw niya sa hangin ang mga kamay. Pinalutang niya sa ere ang maliit na mesa at isang upuan. Humarang sa harapan ko ang mesa kaya hindi ko na siya nakita. Ang upuan naman ay nasa likuran ko lang at naghihintay lang sa sunod na senyas ni Aivee. The chair and the table started to move around me. These furnitures encircled me. I still couldn't see Aivee.


I gasped when I felt her presence behind me. She swept me on my feet with a low kick. I lost my balance and fell. I tried to turn on her direction and kicked back but all I hit was air. She was gone. Patuloy pa rin sa pag-ikot ang silya at mesa sa kinatatayuan ko. Bago ako makatayo ay isang malakas na sipa sa panga ang natamo ko.


My face hit the floor hard. Napangiwi ako. Malakas nga talaga siya. But her kick was not enough to kill me nor severely break my bone. Naramdaman ko sa bawat pag-atake niya ang pagdadalawang-isip. Ang pag-aalinlangan. What a shame. I wondered why she's suppressing her power. If only she would use her power, I would already end up dead.


Tahimik na nagngitngit ako. I have to control myself. Itinapat ko ang kamay ko sa silya at pinalipad patungo kay Aivee. She did some back flips and disappeared again. Nanatiling nakalutang ang mesa at silya sa hangin na ngayon ay kontrolado na niyang muli. Mabilis akong tumayo. I hissed. I don't want to use too much of Zirrius' energy.


"We need your help. Hindi ka na namin gagambalain kung makakahanap kami ng barko patungo sa kahit anong Elven Kingdoms," matigas na saad ko. Malakas na tumawa lang si Aivee.


"At what costs? Ano ang makukuha kong kapalit?" mapang-uyam na saad niya. "Baka sa huli, pagsisihan ko pa ang gagawin kong pagtulong sa inyo," mariing wika niya.


"I can help you redeem your kingdom," seryosong wika ko. Naramdaman ko ang biglang pananahimik ni Aivee. "Magtulungan tayong dalawa," saad ko. Maririnig ang pagiging desperada ng tinig ko. Napangiwi ako dahil mas tumitindi ang sakit sa likod ko.


Kung mamalasin, baka maubusan pa ako ng dugo dahil sa walang tigil na pagdudugo ng sugat ko. Naramdaman ko rin ang bahagyang panginginig ng tuhod ko. Human and their mortal body's weakness! Damn! Naramdaman ko naman ang pananahimik ni Zirrius.


"Kung alam mo lang ang nangyayari ngayon sa mga Elven Kingdom, baka magdalawang-isip ka sa sinasabi mo," mariing pagkontra ni Aivee. "Malapit ng masira ang lahat. Baka nga, huli na ang pagbabalik mo. Baka ikaw pa ang lalong sumira sa mga kaharian natin," pigil ang galit na saad niya.


"You have to trust me! Gusto mo na lang pang tumunganga nang walang ginagawa? Hindi ka ba nagsasawang magtago? Hindi ka ba nag-aalala sa mga nasasakupan mo? Sa mga taong nananatiling umaasa sa 'yo?" galit na tanong ko sa kanya. Mapait na tumawa siya nang malakas. Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko. Nang lumingon ako, nakataas na sa hangin ang isang paa niya.


She hit my head with a strong, desperate kick. My head hit the floor hard. I could feel the blood surging on my head. Tiyak na si Zirrius ang masasaktan kapag nagpalit na kami nang katawan. I smiled bitterly as I tried to move. I twisted my body and turned to swept her feet. She fell down the floor. Ininda ko ang kumikirot na sugat sa ulo ko.


Ramdam ko ang dugo na lumabas mula sa ilong ko. I managed to stand up and battle against her. I sat on top of her belly and choked her before she could stand up. Mariing hinawakan ni Aivee ang kamay ko upang alisin ito pero mas lalo ko siyang sinakal. Napangiwi siya dahil sa pagkawala ng hininga. Bumagsak ang silya at upuan sa sahig.


Magalaw siya at pilit akong pinapaalis sa ibabaw niya. "If you really want to kill me, you have to use your full power!" naiinis na sigaw ko kay Aivee. "But... I know, you're hesitating because you feel that there is still hope on my sudden return!" Tiningnan ko siya nang matiim sa bawat salitang binibitawan ko. She growled at me because of anger and frustration. Pinilit niyang makawala.


We rolled over the floor. Nabaliktad ang posisyon namin. Siya naman ngayon ang nasa ibabaw. Hindi siya nag-aksaya ng panahon. Mariing sinakal niya ang leeg ko. Napangiwi ako dahil hindi ako makahinga. Nabitawan ko na ang leeg niya dahil sa pagkaipit ng leeg ko. Napaawang ang labi ko sa paghahabol ng kahit konting hangin na maaaring pumasok sa baga ko. I was gasping for air badly, desperately.


Unti-unting nagbago ang anyo ng mga kamay niya. Naging malaki ito at mabalahibo na tila sa isang halimaw o isang lobo. She was shifting some parts of her body. She was really desperate to kill me but at the same time frustrated because she couldn't do it. Bumabaon ang matutulis na kuko niya sa gilid ng leeg ko. Ramdam ko ang dugo na unti-unting dumaloy mula sa sugat na dulot ng mga kuko niya. Pinigilan ko ang pagsigaw sa kabila ng matinding sakit na nararamdaman ko.


Kahit labanan ko siya gamit ang buong lakas ni Zirrius, hindi pa rin ako mananalo kaya mas pinili ko ang hindi lumaban. I wanted to persuade her instead.


Napakagat na lang ako sa labi ko at napasinghap dahil sa pagkawala at paghahabol ng hininga. Nakikita ko ang unti-unting paghaba ng mga pangil niya dahil sa panggigigil. Mas lalong humigpit ang pagsakal niya sa leeg ko. Kitang-kita sa mga mata niya ang pagtatalo kung papatayin ba ako o hindi.


Hawak ko ang mga kamay niya at pilit itong inilalayo sa leeg ko. Unti-unti kong pinagapang ang nakakapasong enerhiya sa kamay niya upang mapigilan siya. I even blasted it with too much power. Halos masunog ang kamay niya. She gasped and was caught off guard. Mabilis akong kumilos upang muli akong makaupo sa ibabaw ng tiyan niya. I pinned her hands above her head. Unti-unting pumalibot ang matigas na semento sa pulsuhan niya na nagsilbing posas. To return the favor, I choked her hard too until she coughed for breath.


"I mean no harm! Hindi natin kailangang mag-away! Gusto ko lang bumalik sa Elfania para itama ang lahat! Para ibalik ang mga nawala sa 'tin! To do that, I need your help! Badly! Desperately!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano siya gigisingin. Kung paano siya hihikayatin.


"Ano ba ang ikinakatakot mo? Bakit ba gustong-gusto mo akong patayin?" She wriggled her body to push me away. She even tried to kick me, even when it was hard to reach me. She coughed and gasped for breath. I loosened my grip. Masamang tingin ang ipinukol niya sa 'kin. Unti-unti kong binitawan ang leeg niya.


"Ikaw ang hinihintay ni Severus upang maisakatuparan ang plano niya! Hindi ko alam kung bakit o paano pero naniniwala siya na babalik ka sa katawan mo! Ikaw ang magiging dahilan upang bumagsak ng tuluyan ang mga Elven Kingdoms!" sigaw niya. Kumunot ang noo ko.


"You know his plans?" umaasang tanong ko sa kanya. She gritted her teeth.


"No! I just know that he's waiting for your return!" sigaw niya sa 'kin. "I would rather let him rot from waiting than let him succeed on his fucking plans!" sigaw niya. "I will save Ameya kingdom on my own. I just need time!"


Tiningnan ko siya nang matiim. Pinunasan ko ang dugo sa ilong ko. Nararamdaman ko ang hapdi sa mga sugat na tinamo ko mula sa mga kuko niya. Napansin ko na bumalik na sa normal ang kamay niya pero mapapansin ang pagkasunog nito. "But you are actually afraid to kill me. I can feel it. Nagdadalawang-isip ka sa bawat atake mo at pinapatagal mo pa ang laban natin. Alam kong kayang-kaya mong makawala sa sementong pumipigil sa mga kamay mo. Huwag ka ng magpanggap!" makahulugang saad ko. "And even if you need time, it will not wait for you. You have to act and decide now!"


"Nagdadalawang-isip pa siya sa pag-atake? Halos patayin ka na nga sa sipa pa lang!" naiinis na saad ni Zirrius sa utak ko. I just grinned when I heard Zirrius' voice.


Aivee gritted her teeth with frustration. Her hands shifted into very strong beast hands. Nasira ang posas na semento na bumalot sa pulsuhan niya. Dinamba siya ako dahilan upang ako naman ang mapahiga sa sahig. She growled angrily at my face. Tila gustong-gusto na niya akong kagatin at kainin nang buhay. Kitang kita ang mahahabang pangil niya. Maging ang galit at pagkalito sa asul na mga mata niya. I just laughed with sarcasm.


Itinaas niya ang mga kamay niya sa ere. Nakikita ko ang lalong paghaba at pagtalim ng mga kuko niya. Mukhang mas matalas pa ito sa isang espada. She swings her hand in the air to attack me. Her claws were aiming for my heart. I just laughed again. Nagmumura naman sa isip ko si Zirrius dahil wala akong ginagawa upang pigilan si Aivee.


"Fuck! Mamamatay na tayo, tumatawa ka pa!" galit na sigaw ni Zirrius sa utak ko. Halata ang pagpapanic niya.


"Don't you want to die with me, baby?" natatawang tanong ko sa kanya.


"Shit! Kung gusto mo ng mamatay, huwag mo akong idamay!" galit na wika niya. His soul was trying to overtake his body with desperation but he couldn't cross the line between us.


Nakita ko ang pagkislap ng mga kuko ni Aivee habang papalapit ito patungo sa dibdib ko. She was ready to slaughter me and I didn't do anything to counter or stop her. Napangisi ako dahil sa pag-aalinlangan na kumislap sa mga mata niya. Tumigil siya bago pa lumapat ang mga kuko niya sa dibdib ko. I mean, lumapat na talaga ang dulo ng kuko niya sa dibdib ko. I slowly bleed. She growled again with frustration. Unti-unting bumalik sa dating anyo ang mga kamay niya. Malakas na suntok ang pinatama niya sa dibdib ko. Natigilan ako nang mapansin ang pagpatak ng luha niya sa damit ko. Naguguluhan na siya.


"Why did she stop?" takang tanong ni Zirrius.


"I'm not sure pero may pumipigil sa kanya upang patayin ako," sagot ko sa isip ko.


"Why don't you kill me?" naghahamong tanong ko sa kanya. Nanghihinang suntok lang ang muling ibinigay niya sa dibdib ko. Patuloy lang sa pagpatak ang luha niya. Umiiyak siya dahil hindi niya ako magawang patayin.


"I-I can't... As you have said, you're the only elf left with those golden eyes. The only Royal Blood Elf that can save us. Or if not save... you can forever ruin us," makahulugan at nanghihinang sambit niya. "You can ruin us if you allowed them to use you! That's why I want you dead! But there's still a small part of me that wants to believe in you... because you're the only one left... you're the only one left..." paos at naiinis sa sarili na wika niya. Muli niyang sinuntok ang dibdib ko. I laughed without humor.


"Damn! Then choose one. You have to decide if I can save or ruin the Elven Kingdoms. If you hesitate now, whatever my fate will be, you can't stop me... you can't stop them... if it's already too late," makahulugang saad ko sa kanya. Wala sa sariling napatitig siya sa mga gintong mata ko. Nagngingitngit siya. Naguguluhan.


"But... you're the only one left..." she almost whispered with confusion.


Napangisi ako. "So you don't want to kill me? When can we ride a ship to the Elven Kingdom?" pag-iiba ko ng tanong sa kanya. Sumeryoso siya at masamang tingin ang ipinukol niya sa 'kin. Halatang hindi niya matanggap na dito lang magtatapos ang lahat. "He can't ride that ship... unless he is an elf," mariing sagot niya.


"He is an elf," sagot ko sa kanya. Aivee gasped. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.


"Get off me," utos ko sa kanya. Aivee grimaced but she followed. Kahit na gusto niya akong suntukin nang malakas sa mukha. "I better believe that you can save us, then," she whispered in the air. Pero nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. Hindi pa rin niya matanggap na bubuhayin niya ako. Natigilan si Aivee nang mapalingon sa silid ng batang lalaki. Nakatayo na ito sa harap ng pinto at naguguluhang tumingin sa 'ming dalawa. I guessed he's already nine years old. Tumayo na ako.  Tinunaw na ng batang lalaki ang yelo na humaharang sa silid niya.


"Blood? Why did you bring a human here?" kunot-noong tanong ng batang lalaki. Arogante ang tono niya. He was too bold too. A real elf, indeed. He scanned my whole body.


"It's nothing, Shin. Matulog ka na ulit," utos ni Aivee. Napansin ko ang maamong mukha ng batang lalaki at mahahaba at matutulis na tainga. His lips were pouty. He looked cute with his trousers and small brown shirt. May pagkakahawig sila ni Aivee kaya mukhang magkapatid talaga sila. Kumunot lang ang noo ni Shin.


"Your lover?" he asked again with a grin. "Do you really need to hurt him before doing 'that' thing? You're a sadist. Or maybe, after using him, you'll kill him thereafter?" naiiling na saad ni Shin. Muntik na akong masamid dahil sa sinabi niya. Zirrius hissed with protest. Parang gusto kong matawa dahil sa sinabi niya. He may be a child but he already know too much. He's too arrogant and direct. Too high as expected from Aivee's brother. Napansin ko naman ang pamumula ng mukha ni Aivee.


"Shut up and sleep!" naiinis na utos ni Aivee. The boy just grinned and went back to bed. Hindi na siya nakipagtalo kay Aivee at natulog na lang.


Muli kong hinarap si Aivee. "When will the ship sail?" tanong ko muli kay Aivee.


Sumeryoso si Aivee. "Three months from now. But he's still human in form," komento ni Aivee. "Mahihirapan siyang tumakas sa mga Asterians kung sakaling nakaabang sila sa dadaungan ng barko," she said. Napaisip ako. Three months? Magagamit ko ang oras na 'yon upang palakasin pa si Zirrius.


"Saan dadaong ang barko?" tanong ko.


"Exether," sagot ni Aivee. Unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo. Binabalot ng dugo ang buong katawan ko. Tila namamanhid na rin ang katawan ko. Unti-unting nanginig ang tuhod ko. Nagiging malabo at dalawa na ang paningin ko. I already lost too much blood. I fell on the floor and I cursed because of my weakness. Itinapat ni Aivee ang mga kamay sa sugat ko. She started to heal me and I closed my eyes.


"Do you know how to read an ancient elven language?" mahinang tanong ko sa kanya. Nagbabaka sakali ako dahil may posibilidad na itinuro ito sa kanya ng kanyang ina.


"A bit," she answered. I smiled with slight relief. Ibinalik ko na ang katawan ni Zirrius sa kanya. Zirrius opened his eyes with a sigh.


Ilang minuto lang ay natigilan si Aivee sa paggamot kay Zirrius. Zirrius' gold seal, suddenly glow and I noticed that something on Aivee's left arm, glow with gold too. I could tell that we're really lucky now.


--------------

TO BE CONTINUED...


Waha... Matagal ang update ko. May iba kasing pinagkakaabalahan hahaha.. Saka na ulit ako mag-a-update kapag natuwa ako. wahahaha lul! Bayiee! 

~missmaple

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro