Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 3: Real World

"Do you really think you can do that?"




AVERY




Dumiretso si Zirrius sa bayan. Tumahimik na ako dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang pagkainis niya sa 'kin. Nag-iisip din siya ng paraan kung paano kakausapin si Liana sa muli nilang pagkikita. Gusto ko siyang tawanan dahil gulong-gulo na siya sa nangyayari sa kanya. Ni hindi na niya pinapansin ang mga taong nakapaligid sa kanya. Iniisip din niya kung paano niya ako mapapaalis sa katawan niya. Sa totoo lang, may paraan naman upang mapaalis ako pero hindi ko sasabihin sa kanya. I need his body. Hahayaan ko muna siyang maguluhan. Lilituhin ko muna siya.




Zirrius Radcliffe was his full name when I saw his name on some of the announcements. He's already 21 years old. I'm right. Maraming tao ang nagbibigay-galang sa tuwing dadaan siya. Maraming magagandang kababaihan ang bumabati sa kanya at halatang natutuwang makita siya. May ilang mga karwaheng dumadaan sa kalsada. Maraming nagtitinda ng mga sandata at pagkain sa maliliit na stalls.





May ilang guwardiya na naglilibot sa paligid na alam kong pasimpleng nagmamatyag sa mga kahina-hinalang tao. There are too many houses made of bricks and I'm sure the owners are nobles. Maganda ang mga tahanan na malapit sa kaharian. Narinig ko rin ang masasayang tugtugan na nanggagaling mula sa isang napakalaki at magarbong tanghalan. The whole town was lively on this part. Nasa mataas na lugar ang kaharian at ang bayan na ito kaya natanaw ko sa 'di kalayuan ang iba pang mga baryo at bayan na malayo sa kaharian.




May mga tao akong natatanaw pero hindi sila ganu'n kasigla. Hindi rin magaganda ang mga tahanan ng mga ito. Mahihirap sila at nagtatanim ng mga halaman, palay at gulay sa mga lupain na tiyak hindi nila pag-aari. Sa kabilang dako naman ng kaharian, ilan sa mga tao ay sapilitang pinagtatrabaho ng kani-kanilang amo. Ang ilan ay nagpapanday ng mga armas at espada. Kitang-kita sa mga mukha nila ang pagod at ang tahimik nilang paghihinagpis sa sinapit nila. Tila wala na silang buhay. Napansin ko ang maliliit at gusgusing mga bata na naglalaro sa putikan. May ilang matatanda at magulang na napapangiti kapag nakikita nila ang mga anak nila na tila walang pinoproblema. Sa tingin ko, ang mga anak na lang nila ang dahilan kung bakit sila nagpapatuloy sa buhay. Ano na lang ang mangyayari sa mga bata kung wala na sila. Sa kabilang bahagi naman ay may mga babaeng bayaran na napipilitang magtrabaho para sa ikabubuhay nila. Ibang-iba ito sa Elfania. I could feel the grief of every people on this kingdom. Maybe this is what they call the real world. It's cruel and unforgiving




Napansin ko si Zirrius na nakatingin din sa malayo. He was worried for his people. Alam niyang hindi patas ang nangyayari sa kaharian niya. Alam niyang mali. Alam niyang dapat siyang gumawa ng paraan pero wala siyang kapangyarihan. He wanted to save his people. Dumiretso siya pababa upang puntahan ang ibang baryo. Maraming mga tao ang nagbigay-galang sa kanya at bahagyang yumukod maging ang mga alipin at mabababang tao.




"Kamusta na po kayo rito?" magalang na tanong ni Zirrius sa kanila. Medyo nawala sa isip niya si Liana dahil sa mga taong nasa harap niya ngayon.





"Maayos naman kami, Prisipe Zirrius," sagot ng mga nakatatanda. Maraming mga bata ang nagsitakbuhan kay Zirrius at yumakap. Bahagyang tumawa si Zirrius at ginulo ang mga buhok ng ilang bata. He's fond of children. He smiled genuinely as he looked down to them. Saka ko lang napansin ang mga candies na nakalagay sa isang supot na inilabas niya. Isa-isa niyang binigyan ang mga bata. Saka pa lang siya nilubayan ng mga bata. Napangiti ako dahil sa pagmamalasakit na ipinapakita niya sa nasasakupan niya.




Lumapit sa kanya si Lord Zed. Siya pala ang namamahala sa mga bukirin. "Salamat pala sa tulong mo. Kahit papaano ay nadagdagan ang pondo ng mga magbubukid," nakangiting saad ni Lord Zed kay Zirrius. Bumuntong-hininga si Zirrius at tumingin sa buong paligid.




"Kulang pa. Noong namumuno ang ama ko sa Alveria, mayaman ang buong kaharian natin. Hindi naghihirap ang mga tao. Hindi sila nahihirapan dahil may sarili silang lupa na pinayayaman pero ngayon ibang-iba na. Marami ang nawalan at naging alipin," makahulugang wika niya.




"Maybe it's because of these walls. These walls limit our reach. Hindi na tayo nakapupunta sa ibang kaharian upang mangalakal. Hindi na rin tayo maaaring gumamit ng mahika kaya wala ng buhay ang kaharian," malungkot na saad ni Lord Zed. If only I could help them.




"Alam mong hindi lang 'yan ang problema," saad ni Zirrius. Napansin ko ang mariing pagkuyom ng kanyang kamao. Patuloy lang silang naglalakad sa gilid ng mga taniman.




"Huwag, Zirrius. Alam mong hindi makabubuti kung sisisihin mo ang hari sa lahat ng nangyayari. When he learns that you're against him, baka ipapatay ka niya. Alam mo namang naghihintay lang ang hari na mawala ka. Kapag nawala ka, hindi na namin alam kung paano lalaban. Baka lalo kaming mawalan ng pag-asa," halos pabulong na wika ni Lord Zed sa kanya.




"But we need to act," Zirrius said as he gritted his teeth. Lord Zed nodded with understanding.




"Alam ko pero hindi pa tayo handa," malungkot na saad niya. "Hindi tayo pwedeng magsayang ng buhay."




Mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Zirrius dahil hindi na niya alam kung paano lalaban. Hindi niya alam kung kailan sila magiging handa.




"You need magic," wala sa sariling wika ko sa kanya. Natigilan siya dahil sa tinig ko.




"Please. Get out of my head," naiinis na wika niya sa utak niya. Mapapansin ang pagsimangot niya at pagkunot-noo. Mabuti na lang hindi nakatingin sa kanya si Lord Zed.




"Gusto lang kitang tulungan," saad ko naman.




"Mas lalo ko lang bibigyan ng dahilan ang hari na patayin ako. Magic is forbidden. Lahat ng gagamit ng mahika ay papatayin!" he frustratedly said inside his head. Hindi ko alam kung paano siya pagpapaliwanagan. Dahil naiinis na rin ako sa kanya, hindi ko napansin na unti-unti na pala akong napapalapit sa pagsakop sa katawan niya.




Tumingin si Zirrius kay Lord Zed upang magpaalam. "Pag-iisipan ko. Sa ngayon, pupuntahan ko muna ang mga guwardiya sa timog. I need to check their status," he said seriously.





Kumunot ang noo ni Lord Zed. "Is your eyes always emerald green?" tanong niya na tila nagtataka pa. Pilit inaalala kung ano ba talaga ang kulay ng mata ni Zirrius. Napasinghap si Zirrius. Agad siyang tumungo. Maging ako ay nagulat din kaya bahagya akong lumayo sa kanya.




"It's complicated. Lately, my eyes are changing colors. Maybe because of the light," he defended. "I'm sorry. I have to go," he added. Nagmamadali ang mga hakbang niya patungo sa kakahuyan.




"Fuck!" he cursed. "What are you doing to me?" he asked.




If only I have lips I will bite it. "The truth is our eyes are blending colors when I'm coming near you. My eyes are gold. I don't know how. Maybe it's the color of my soul too. Well, there are many things in this world that no one can really explain. Even magic can't," I answered. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na may kakayahan ako na kontrolin siya. I know how to use magic that's why my soul was stronger than him. Ayokong matakot siya at tuluyang humanap ng paraan upang mawala ako.




"Don't come near me then!" naiinis na saad niya. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan. Maybe because I was really sensitive.




"I'm trying to help you!" naiinis na saad ko.




"You're not helping. You're just making things worst!" naiinis din niyang saad. Ipinagpatuloy na niya ang paglalakad sa kakahuyan. Muntik na akong maniwala na mabait siya pero siguro sa ibang tao lang. Hindi niya ako kaano-ano upang tulungan. Right now I was really pissed. Parang gusto ko na ngang kunin at kontrolin ang katawan niya pero pinigilan ko ang sarili. Hindi ako maaaring magpadalos-dalos. Marami pa akong dapat matutunan at malaman. Gusto kong ihanda ang sarili ko sa pagbabalik ko sa Elfania. Mas pinili ko na muna ang tumahimik. Hindi kami magkakaintindihan kung pareho kaming galit. Hindi pa rin niya ako natatanggap kaya mahirap pa ang makipagtulungan sa kanya. At saka nag-away sila ni Liana dahil sa kagagawan ko. Alam kong sinisisi pa rin niya ako hanggang ngayon.




Zirrius sighed heavily. Tahimik pa rin siyang nagngingitngit. Alam kong gusto pa rin niya akong singhalan dahil sa galit niya pero mas pinili niya ang manahimik. Nagmamadaling nagtungo siya sa timog. Matataas ang mga puno sa kakahuyan. Nakarating siya sa isang malaking gate sa timog. May mga nagbabantay roon. Kinamusta niya ang mga ito upang mawala ang galit niya sa 'kin.




"Nagtungo sina Captain Silf sa bayan ng Atlanta upang magmatyag. Kami po ang pumalit sa mga guwardiya na yumao na," sagot ng isa sa kanila.




"Sa Atlanta? May natuklasan na ba sila? Bakit doon sila nagpunta? Hindi ba dapat sa malalaking bayan?" kunot-noong tanong ni Zirrius. Ang Atlanta ay isa sa mahirap at maliit na bayan sa Alveria.





"Hindi ko po alam ang buong detalye. Ang narinig ko lang po, mga rebeldeng gumagamit ng mahika ang pumatay sa mga guwardiya. Sa Atlanta sila nagtatago ngayon," sagot ng guwardiya.




Bumuntong-hininga nang malalim si Zirrius. Naguguluhan man ay nagmamadali siyang naglakad. I guess he was now heading to Atlanta. I was worried for him. Hindi ko na napigilan ang sarili na muling magsalita. Even though I don't have a body, I could feel my imaginary heart beating so fast and so loud.




"Zirrius..." nag-aalalang tawag ko sa pangalan niya.




"What?" iritableng tanong niya sa 'kin.




Gusto kong mainis sa kanya pero hindi makabubuti sa ngayon. Kailangan ko siyang bigyan ng babala. Hindi siya pwedeng mamatay. Hindi pa ako pwedeng pumunta sa impyerno. "If they are really using magic, you can't win," nag-aalalang saad ko sa kanya.




"Hindi pa sigurado kung gumagamit nga sila ng mahika. Kailangan ko munang makausap si Silf," he said. Matigas ang ulo niya. Ayaw niyang makinig sa 'kin.




"Bahala ka na nga! Huwag mo akong sisisihin kapag may nangyaring masama sa 'yo! Ginusto mo 'yan!" naiinis na saad ko. Mas lalo akong lumayo sa kanya at nagkulang sa pinakamadilim na bahagi ng pagkatao niya. I don't know. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot para sa kanya. Siguro nga dahil kailangan ko pa siya kaya ayoko siyang masaktan.




~~~




Tahimik sa bayan ng Atlanta. Gawa sa mga kahoy ang mga bahay at ang mga bubong ay gawa sa dahon ng niyog o malalaking dahon ng talahib. Walang masyadong tao sa paligid. Kung meron man akong nakikita ay mga pulubi. Ang iba ay nakahiga na sa lupa at madungis. Ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng ganitong mga tao sa isang kaharian. Sa Elfania, kung may mahihirap man ay may maayos pa rin silang tahanan at pagkain. Kaya lamang sila naging mahirap ay dahil hindi sila ganu'n kalakas pero maayos naman ang pamumuhay nila.




Maging si Zirrius ay naawa dahil sa nakikita. Maingat ang mga yabag na naglakad siya papasok sa bayan. Wala siyang makita na tao na pwedeng pagtanungan. Mas lalo akong kinakabahan. Hindi kaya tagarito ang mga rebeldeng gumagamit ng mahika? Walang kawala si Zirrius kung ganu'n. Wala siyang laban. Natigilan si Zirrius nang may marinig siyang sigaw na nagmumula sa gitna ng bayan. Tila pinahihirapan ang lalaking sumisigaw.




"Shit! Silf!" nag-aalalang saad ni Zirrius. Gusto ko pa sanang pigilan si Zirrius pero nakatakbo na siya patungo sa gitna ng bayan. Ang ilang tao na nakakakita sa kanya ay nagsara na lang ng bintana at pinto ng kanilang mga bahay at tila ayaw nilang makialam. Tila ayaw nilang madamay. I can't blame them for being powerless. 


-----------------------------



TO BE CONTINUED....



Hindi ko alam kung ano ang iniisip ninyo sa story haha. You can comment down your thoughts too if you have time. Maikli lang ang update. I was taking my time right now. Haha. Saka ko na lang mamadaliin kapag gusto na namang tapusin hahaha.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro