Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 27: Hysteria

"Because sometimes your comfort zone doesn't really give you comfort..."


AVERY


Mataas at nakasisilaw ang araw. Pinagpapawisan na si Zirrius dahil sa walang tigil na pagtakbo. This was already the third day of his training. At night, they were camping on where they could safely assemble their tents.


And every night, I was asking Zirrius to meditate in order to channel his energies throughout his body to wield magic. Ang nakapagtataka, tila may pumipigil na kung ano sa kapangyarihan niya. Nahihirapan siyang maglabas ng mahika. I was letting him do the basics because of this unknown hindrance. I was still figuring things out. Was it because of the gold seal on his arm? It was the only reason I could think of.


Ayon kay Kendrick, malapit na silang makarating sa Oasis. Kahit papaano ay nawala ang pagod ni Zirrius nang malaman na malapit na sila. It kept him going. Napapansin ko na mas tumatagal na rin ang katawan niya dahil sa araw-araw na pagtakbo. Hindi na siya masyadong nahihirapang huminga, hindi katulad noong una. He was starting to build more stamina which was really good.


"I think, I can now see the Oasis from here!" I exclaimed with excitement after a few minutes. Napangiwi si Zirrius dahil medyo napalakas ang tinig ko. Pero pagkalipas ng ilang segundo ay ngumiti na rin siya. He sighed in relief. He was planning to drink all the water from that Oasis, if only he could. But then, that's an exaggeration. He was just too tired at inaaliw lang niya ang sarili niya para mawala ang pagod niya kaya niya naisip 'yon.


Nang makarating sila sa Oasis, walang inaksayang panahon si Zirrius. Agad siyang tumakbo patungo sa bukal. He drank the fresh water of the Oasis. Gusto kong matawa dahil pakiramdam ko, hindi siya isang prinsipe sa kalagayan niya ngayon. He couldn't even afford to have his own well of water. It was like he was now a commoner who couldn't afford the basic needs of life. I wondered how time can drastically change everything on just a short period.


Itinali na ni Kendrick ang mga kabayo nila sa kabilang parte at pinainom din ng tubig. Kendrick drank some water too. Pagkatapos ay nagsimula na siyang mag-igib para sa mahaba nilang paglalakbay. Zirrius washed his face with water because the heat was too much for him. Napapagod na ihiniga ni Zirrius ang sarili sa lupa. He winced from the sun's heat. The sky was blue and clear. May ilang mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid.


May konting halaman sa paligid ng Oasis and the water was crystal clear. Everything in this place was so peaceful and quiet. There's still paradise in the middle of the desert like there is hope in the middle of this journey.


"Can you still move your fingers?" natatawang tanong ko kay Zirrius. He did try to move his fingers but it was already numb. His body was too exhausted to follow his mind's orders.


"Magpahinga ka muna," natatawang saad ko.


He frowned but didn't complain. He silently watched the thin clouds slowly moving above him.


"Do you really think that I can wield magic?" he asked inside his mind.


"Why? Sumusuko ka na ba?" takang tanong ko sa kanya.


"You've been asking me to meditate and form some invisible magic inside me but then I can't wield any," mahinang wika niya sa isip niya. His mind was also exhausted from overthinking.


"You really won't get it right on your first try," kaswal na wika ko. "Let's try again tonight and see," dagdag ko pa. Malalim na bumuntong-hininga si Zirrius at hindi na nagkomento. Lumapit na sa kanya si Kendrick na tapos ng mag-igib ng tubig para sa susunod na araw ng kanilang paglalakbay.


"Bago dumilim, tiyak na mararating na natin ang kagubatan. Ayon sa mapa natin, may malapit na ilog sa paanan ng bundok," seryosong saad ni Kendrick kay Zirrius.


"Good grief. I can't take the heat and sand storms anymore," mahinang saad ni Zirrius.


"Ano'ng gagawin mo kapag nasa Hysteria na tayo?" tanong ni Kendrick. It was like he was worried about something.


"Kailangan lang nating makasakay sa isang barko sa daungan ng Hysteria para makapunta sa Elven Kingdoms. Hindi tayo magtatagal sa Hysteria," sagot ni Zirrius.


"Hindi madali ang sinasabi mo Zirrius. Mahigpit ang Hysteria sa kanilang kaharian lalo na sa mga dayo lang. Although, it is a Kingdom where magic is legal, hindi sila basta nagpapasakay ng kung sino man sa kanilang daungan. At saka, sa pagkakaalam ko, wala silang barko na patungo sa kahit anong Elven Kingdoms. But there's a myth about that," seryosong sagot ni Kendrick. Natigilan si Zirrius at maging ako ay napaisip din. Wala akong ideya kung ano ang meron sa Hysteria. I've never been on any human kingdoms before. Isang malawak na karagatan ang naghihiwalay sa kaharian ng mga tao at sa kaharian namin. It would be a problem if there's no ship that could send us to the Elven Kingdoms.


"What about the myth?" kunot-noong tanong ni Zirrius. Nagkibit-balikat si Kendrick.


"Ayon sa sabi-sabi, may isang barko na maaaring sakyan patungo sa isang Elven Kingdom. Pero isang beses lang ito dumadaong sa Hysteria sa loob ng tatlong buwan. Pero wala pang tao na nakakakita sa barkong ito. According to the myth, only those with elven blood can ride the ship. Sa hating-gabi naglalayag ang barko kapag bilog na bilog na ang buwan. It was actually a tale to scare some pesky kids. Tinatakot nila ang mga bata at sinasabing pumupunta ang barko sa Hysteria upang manguha ng mga bata," pagkukwento ni Kendrick.


"Saan mo naman narinig ang kwento na 'yan?" takang tanong ni Zirrius.


"I've been there in Hysteria before," nakasimangot na saad ni Kendrick. "The King sent me to check the Kingdom and to report everything that I find interesting and important. Especially if Hysteria secretly plans to threaten Alveria."


"Did you find something then?" interesadong tanong ni Zirrius. Umiling si Kendrick.


"Hysteria is actually a good kingdom. They didn't want to harm any other human Kingdoms. Hindi rin sila nagpapalawak ng kanilang teritoryo pero malakas sila," sagot ni Kendrick. Muling sumeryoso ang mukha ni Kendrick na tila may naalala. "Let's get back to the myth. Sa tingin ko kasi may katotohanan sa kabila ng kwentong 'yon. Marami pa kasing ibang haka-haka na nagsasabing ang ilan sa mga naninirahan sa Hysteria ay may elven blood. Mas pinili lang nilang tumira sa Hysteria dahil hindi nila namana ang tipikal na anyo ng mga elves," saad ni Kendrick. Kumunot ang noo ni Zirrius. "Ang problema, walang umaamin sa kanila kaya hindi pa napapatunayan."


"Mukhang hindi tayo makakapagdesisyon hangga't hindi tayo nakararating sa Hysteria," naguguluhang saad ni Zirrius. I was listening attentively.


"What do you think, Trouble?" Zirrius asked inside his mind.


"I'll decide when we get there," seryosong sagot ko. Wala akong alam sa Hysteria kaya hindi ako makakapagdesisyon. Ang hinihiling ko na lang ngayon ay sana totoong may barko na patungo sa kahit anong elven kingdom.


"Ipagpatuloy na natin ang paglalakbay," saad ni Zirrius. Tumayo na siya at sumunod naman si Kendrick. Zirrius ran some extra miles before he rode Aris. They managed to reach the forest. Nasa paanan na sila ng bundok at tama si Kendrick na may ilog sa paanan nito. It was the time for them to clean up themselves and change clothes.


Bago dumilim, nag-ihaw muna sila ng mga isda na nahuli nila. "We need to extinguish this fire before night falls. We don't want to attract danger while we are sleeping. Tiyak na maraming mababangis na hayop sa kagubatang ito," saad ni Kendrick habang niluluto ang mga nahuli nila. Halatang sanay na sanay na siya sa paglalakbay.


Zirrius handed all the woods he gathered to Kendrick. "So we still have eight days before we arrive in Hysteria?" saad niya. Kendrick nodded.


"Kailangan nating baybayin ang bulubundukin na ito bago tayo makarating sa Hysteria. May mga lawa at ilog naman tayong madadaanan. Maraming mapagkukunan ng mga bungang kahoy at isda. Maaari rin tayong mangaso. We will surely survive," Kendrick answered.


"Maaasahan naman pala talaga ang kaibigan mo," natatawang saad ko. Zirrius frowned. "Of course. He didn't become a General for nothing," he said.


Nang matapos silang magluto, binuhusan nila ng tubig ang nagbabagang apoy. They started to move and find a safer place to build their tents.


"Zirrius, are you really going to be fine? Napapansin ko na hindi ka masyadong nagpapahinga. Ginugulo ka ba ng isa pang kaluluwa sa loob ng katawan mo? What's her name again? I wonder why you're training too hard," kunot-noong saad ni Kendrick.


"Her name? She said she's Trouble," Zirrius said with a grin. "I'm training to learn magic," dagdag niya.


Mas lalong kumunot ang noo ni Kendrick. "Sounds dangerous," he commented.


"Mas mabuti na ang mag-aral ng mahika kaysa naman kontrolin pa niya ang katawan ko. I need magic to fight," kibit-balikat na saad naman ni Zirrius. Natapos na niyang itayo ang tent niya. The whole surrounding was dim due to the New Moon. Napakatahimik ng paligid at tanging mga ingay lang ng kulisap at dahon lang ang maririnig.


"I won't argue with you anymore. I understand but don't abuse your body too much. Mas mahirap ang magkasakit," naiiling na saad ni Kendrick. "I'll sleep now. Mukhang ngayon lang ako makakakuha ng matinong tulog," he added. Pumasok na siya sa tent niya at hindi na hinintay ang sagot ni Zirrius.


"Shall we start again? I mean, your training," saad ko sa kanya. He nodded. He walked away from the camp. Umupo siya sa malapad na batuhan na malapit sa ilog. He closed his eyes and conditioned his mind. He free his mind from all his worries and problem. He emptied his mind as I taught him. He was starting to imagine the channeling of power inside his whole system.


Nagsimulang dumaloy ang mainit na enerhiya sa buong katawan niya. I just watched him silently. Hindi ko tinangkang gumawa ng kahit anong ingay. I wanted him to concentrate more. I wanted him to feel his own power. His power was actually deep and I don't know how deep but then, their was a limit when he was trying to draw that power out. Nang akmang padadaluyin na niya ang enerhiya sa mga kamay niya, biglang sumakit ang braso niya. Ito ang nangyayari gabi-gabi sa tuwing maglalabas siya ng mahika. His gold sigil was aching but he has no idea why. Unti-unti na rin akong nagkakahinala dahil sa mga nangyayari sa kanya. Isa sa mga paa ng hexagonal star na nakatatak sa braso niya ay tila kumikinang sa tuwing pipilitin niyang maglabas ng kapangyarihan. I couldn't properly read the old elven language associated to his gold sigil and that frustrated me.


Napangiwi si Zirrius dahil tila hinihiwa ng kutsilyo ang braso niya. He was still trying to release some magic energies but to no avail. Malalaking butil ng pawis ang namuo sa noo niya. Impit na napadaing siya dahil sa mainit na enerhiyang umaakyat sa lalamunan niya na tila sinasakal siya nang mahigpit. Mainit ang enerhiyang ito at tila napapaso ang balat niya. He gasped for air and stopped what he was doing. Hinihingal siya habang sapo ang braso kung nasaan ang seal niya. It stopped glowing. Nawala rin ang mga bagay na nagpapahirap sa kanya kanina.


"It seems, we need someone to remove the seal or to read it before you can release magic," seryosong saad ko.


Kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka. Wala siyang ideya sa mga sinasabi ko. Hindi ko pa sinasabi sa kanya ang totoo tungkol sa pagkatao niya.


"What seal?" he asked.


"The small gold hexagonal star on your arm. It was a seal. That seal prevents you from releasing magic. It is written on an ancient elven language," matapat na sagot ko sa kanya. Mas lalo siyang naguluhan sa mga sinasabi ko.


"Bakit naman ako magkakaroon ng ganitong seal at nakasulat pa sa elven language?" takang tanong niya. Biglang sumeryoso ang mukha niya at malalim na bumuntong-hininga. "Ano ba talaga ang nalalaman mo? Tell me, ano pa ba ang hindi mo sinasabi sa 'kin?" nagdududang tanong niya sa 'kin.


"Marami akong hindi sinasabi dahil wala naman akong karapatan para sabihin 'yon sa 'yo," seryosong saad ko sa kanya. "These secrets are not for my safekeeping. These secrets are not mine. It's yours. Pero ang nakakatawa lang, hindi mo rin alam ang mga sikretong bumabalot sa pagkatao mo. I chose to keep silent because I don't want to confuse you for I'm confused as well," seryosong paliwanag ko sa kanya. Mas lalo siyang naguluhan sa mga sinabi ko.


"Kung ganu'n may alam ka nga tungkol sa misteryong bumabalot sa pagkatao ko?" puno ng pagdududa na tanong niya.


"Just a bit," seryosong sagot ko. I wanted to shut my mouth now. Kapag nagpatuloy pa ito, wala na talaga akong magagawa kundi ang ibunyag sa kanya ang lahat.


"Tell me then," naiinis na saad ni Zirrius.


"But will you believe me?" naghahamong tanong ko sa kanya. Mahirap paniwalaan ang mga sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung matatanggap ba niya. Napalunok siya.


"It depends on the secret you will reveal," mahinang wika niya. Kahit siya, hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya ang mga sasabihin ko. "What's the purpose of this seal? Why is it written in elven language?" kinakabahang tanong niya sa 'kin. Nagsisimula na ring mag-isip ng posibleng sagot ang utak niya pero ayaw naman niya itong tanggapin. He was starting to doubt the blood running through his veins.


My soul frowned. If only I could stop time and alter his memory to forget this conversation, I would. And then, I remembered that I really have the power to do that but it will be unjust and unfair for him so I changed my mind. I decided to tell him the truth instead.


"Your mother put that seal on you. I don't know what's written to it so I have no idea on what purpose it serves," seryosong sagot ko sa tanong niya.


"My mother?" gulat na tanong ni Zirrius. "How did you know that it was my mother?" nagdududang tanong niya sa 'kin. Gusto ko sanang mapakamot sa ulo ko pero naalala ko na wala nga pala akong ulo. Kapag nalaman niyang pinakialaman ko ang sulat para sa kanya, tiyak na magagalit siya. But I must tell him anyway.


"Well, I tried to open the letter she wrote for you, and then her soul popped out of nowhere," nag-aalangang saad ko. Zirrius growled with anger. Ayaw niyang pinapakialaman ko ang mga personal na gamit niya. I just ignored his anger because it was already in the past. Wala na siyang magagawa dahil nangyari na. His anger would just be a burden for him alone. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagpapaliwanag ko. "Mukhang alam na niya na gagawin ko 'yon kaya hindi na siya nagtaka nang magkita kami. She just tell me and warn me about something. According from her, she gave you multiple seals. Sinabi niya na hanapin natin ang anim na elves na mayroon ding gintong seals. Siguro kapag nakita natin silang lahat, magkakaroon na ng linaw ang ilan sa mga katanungan mo at katanungan ko," seryosong saad ko pa. Zirrius gritted his teeth for my intrusion.


"Bakit ngayon mo lang sinasabi sa 'kin ang lahat ng ito? And why does my mother know elven magic?" sunud-sunod na tanong niya sa 'kin. He suddenly gulped. Ayaw niya sa hinala na pumapasok sa isip niya.


"Dahil kailangan mo ng sagot ngayon," natatawang sagot ko. "And about your mother, Zara Montfort, what you are thinking now is right. Zara is an elf. That means, you're an elf. Half elf," mahina pero mariing wika ko sa kanya. Napasinghap siya dahil hindi pa siya handang marinig ang salitang 'yon mula sa 'kin. Natatakot siya na marinig ang katotohanang 'yon. But the cruel truth he learned now scared him even more. Malakas lang akong tumawa nang umawang nang bahagya ang mga labi niya. His heart was pounding hard. He wanted to lose his mind but he tried hard to stay sane. Hindi na niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa buhay niya. Too bad.


"I don't expect you to accept this truth so easily. Marami kang hindi alam tungkol sa pagkatao mo at pinagmulan mo. You must rest now. We will continue our training tomorrow. Don't even find an excuse to say no just because you learn the truth about yourself. You can't always hide. You can't always pretend that you are not one of us," seryosong paalala ko sa kanya. He gritted his teeth with frustration. He bit his lower lip until it bled.


"Since we can't undo the seal and continue with your magic wielding training, I will give you a short lecture. Wielding magic is not a game. It is not for play. You must pour your heart and mind into it. They must be synchronized. Magic is a special part of every living creature in this world. Even your life can be considered as magic. It's a complete mystery why you are even breathing right now. No one even knows where our life came from. For an elf, magic will always be a part of us. Without magic they will be incomplete and lost. Like they were naked. But since you used to live as a human, you wouldn't understand that feeling. But I will help you realize that as time goes by," seryosong pagtatapos ko sa usapan namin. 


Marami pa siyang gustong sabihin at itanong sa 'kin pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon. I shut myself away from his confused mind. I went on the deepest part of himself and didn't answer to his questions. He was frustrated and confused. His heart was heavy. He felt betrayed. He felt lost. Now he was wondering who he really was and why they had hidden the truth from him. Malakas na suntok ang pinakawalan niya sa batong kinauupuan niya. Blood stained his knuckles as it was hurt severely.


~~~~


Eight days have passed. Natatanaw na nina Zirrius at Kendrick ang malawak at buhay na buhay na kaharian ng Hysteria. Marami silang hirap na dinanas sa paglalakbay. They even fought some wild animals stumbling on their paths. They even dried the animal meats to support their food needs.


Hindi pa namin pinag-uusapang muli ni Zirrius ang pagiging elf niya. Hindi pa rin niya matanggap ang nangyayari sa kanya pero ipinagpatuloy niya ang pagpapalakas. Nasanay na siya sa pagtakbo. Unti-unti na ring lumalakas ang resistensiya niya. Sa gabi, hinahasa naman niya ang galing niya sa paghawak sa espada dahil hindi pa siya maaaring mag-aral ng mahika. Kendrick and Zirrius were practicing every night. Doon lang inilalabas ni Zirrius ang mga kinikimkim niyang galit at inis. Hinahayaan ko na lang siya dahil alam ko namang naguguluhan pa siya.


Sa harap ng nakabukas na malaking gate gawa sa bakal, maraming mga kawal ang nagbabantay. Ayon kay Kendrick, nagpapapasok naman ang mga taga-Hysteria ng mga dayuhan pero mahigpit lang ang proseso. Kailangan nilang matiyak na hindi gulo ang hatid ng kahit na sinuman sa Hysteria. Nang marating nila ang harap ng Hysteria agad na lumapit ang mga kawal sa kanila upang siyasatin ang kanilang mga dala at katawan.


Hindi nila kinumpiska ang mga armas nina Zirrius sa halip ay sinelyuhan ng mga kawal ang mga armas gamit ang kanilang mahika. Pansamantalang hindi magagamit nina Zirrius at Kendrick ang kanilang armas sa loob ng Hysteria. Lahat ng mga dumadayo sa Hysteria ay walang karapatang gumamit ng armas sa loob ng teritoryo nila. Nang makapasok sila sa loob, makikita ang mga masasayang tao na naglalakad sa daan at nagbabatian. Makikita rin ang mga taong nagsasayaw sa daan. They were using some kind of magic to attract audience. I mean, not a magic to hypnotize but a magic effect for their shows. The light and fire were gracefully dancing with them. Zirrius looked around. I could see the gigantic buildings made of marbles and white pillars. I could see the huge birds flying across the sky. Malinis ang buong kapaligiran at maraming mga tao ang nangangalakal. Halos lahat ay nakangiti at may kalayaang gumamit ng mahika kung naaangkop sa sitwasyon. The town was very lively and cheerful.


Maririnig din ang mga nakakaaliw na musika sa paligid. Sa pinakatuktok ng Hysteria, matatanaw ang isang palasyo na gawa sa makikintab na bato. The palace has too many arcs and pillars. Napaka-elegante nitong pagmasdan dahil sa iba't ibang liwanag na bumabalot dito. Tila kumikinang ito sa ilalim ng sinag ng araw. Maraming mga kawal ang nagbabantay sa palasyo. Ang ilan ay nag-iikot din sa paligid ng bayan.


"We need to find an inn," saad ni Kendrick. "And then let's gather some information on how we can go to the Elven Kingdoms."


Tumango si Zirrius. Sa dulo ng Hysteria matatagpuan ang daungan ng mga barko. It was the dead end of the teritories of all humans. Ang mga susunod na isla ay pagmamay-ari na ng mga elves. Napansin ko ang iba't ibang kulay ng mga mata ng mga Hysterians. I was now thinking if they were really half elves or something. Magaganda ang hugis ng mga mukha nila pero hindi mahahaba ang kanilang mga tainga kaya hindi ako sigurado. Sa isang malaking inn pumasok sina Zirrius. Mababait at magaganda ang mga babaeng nasa reception area. Pero napansin ko ang mga mapupungay nilang mata na halatang interesado kina Zirrius at Kendrick.


Napansin ko ang maliit na bar sa loob nito pero dahil umaga pa ay hindi pa ito nagbubukas. Maybe we could get some useful information there tonight. Kumuha ng silid na may dalawang kama sina Zirrius na maaari nilang tuluyan sa loob ng isang linggo. Nang makarating sa kanilang silid, napapagod na humiga si Zirrius sa malambot na kama. He suddenly missed his soft bed on Alveria. And again, Liana's face crossed his mind when he closed his eyes. Hindi niya mapigilan ang mag-alala para kay Liana. His love for her was really deep. His heart was still aching for her. Even when he wanted to hate her for rejecting him, he couldn't lie to himself. Because underneath that pretentious hate, an overwhelming love for Liana can be found there.


Pilit niyang iwinaksi sa isip si Liana. He breathed in and out heavily. And then he decided to talk to me. I was not prepared for his question when I heard him inquire. "Trouble, whose elf lineage do I belong?" He now decided to open up the topic again. But I decided to not tell him.


"I wonder," mahinang sagot ko sa kanya. He would probably hate me when he learned that I lied.


-------------

TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro