Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 25: Tresha Kingdom


"Are you ready to take risks?"


AVERY


Hindi na nakayanan ni Zirrius ang puyat at pagod. He had no choice but to lay down on the ground. Patuloy pa rin ang panginginig at pagtaas ng temperatura ng katawan niya. Malalaking butil ng pawis ang namumuo sa noo niya at nanlalamig ang katawan niya. Muling bumugso ang malakas na ulan. Mabuti na lang nakahanap kami ng pwedeng tigilan. Kendrick checked the bag of goods given by Zach.


Nakahinga siya nang maluwag nang malaman na hindi lang pagkain ang laman nito. May mga halamang gamot, tubig at langis din. Kendrick was really worried for Zirrius. Nagmamadaling dinaluhan niya si Zirrius at pinunasan ng malamig na tubig mula sa ilog na nadaanan niya kanina. Kung maaari ko lang silang tulungan, ginawa ko na sana. Pero sa ngayon, hindi ko maaaring gamitin ang katawan ni Zirrius upang maglabas ng mahika. Hindi na niya kakayanin pa. I would just make the situation worst.


Nagpakulo din si Kendrick ng ilang halamang gamot upang ipainom kay Zirrius. Kahit nahihirapan si Zirrius ay pinilit niyang uminom ng gamot. Kahit may sakit na siya ay hindi niya mapigilan ang sarili na isipin ang buong Alveria at si Liana. Ngayon, nagdadalawang-isip na siya kung tama ba ang naging desisyon niya na umalis. Well, for me, he did the right thing. Kung natuloy kasi ang pagbitay sa kanya, wala na talaga siyang magagawa para sa mga mahal niya kapag patay na siya. I just did him a favor.


Muling humiga si Zirrius. Hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng katawan niya. Nag-aalalang pinagmamasdan siya ni Kendrick. Ipinatong pa ni Kendrick ang kamay sa noo ni Zirrius.


"Hindi bumababa ang lagnat mo," saad niya at malalim na bumuntong-hinga. Tumingin siya sa labas ng kweba kung saan makikita ang malalaking patak ng ulan. "Hindi ko alam ang binabalak ninyo. Where do you plan to go now?" mahinang wika ni Kendrick. Sa totoo lang, wala rin namang alam si Zirrius sa pupuntahan namin. Ni hindi nga niya alam kung bakit kami pupunta roon. Ang alam lang niya, kailangan kong makabalik sa katawan ko. I wanted to tell him the truth but I was afraid. There's something wrong with this set up. Hindi ko alam kung magiging kakampi ko ba siya hanggang sa huli.


Mapait na napangiti si Zirrius kahit alam kong nahihirapan na siya. His breathing was unstable. Naninikip ang dibdib niya dahil hindi na kinakaya ng katawan niya ang nakapapasong temperatura niya. Inalis ko sa isip ang pag-aalala. Alam ko naman na malalampasan niya ito.


"H-Hindi ko alam. A-Ang alam ko lang babalik tayo," mahina at nahihirapang sagot ni Zirrius. He closed his eyes and after a minute, he lost consciousness. It's now time to talk to his soul through his dreams.


The place inside his subconsciousness was dark and eerily quiet. I wonder where his soul was wondering now. Naglakad-lakad ako upang hanapin siya. Habang naglalakad ay may iba't ibang liwanag akong nakikita. On this part, I could see all the memories, aspirations and ideas Zirrius had that he was not aware of when he's awake. I could tell that this part of himself was like a forgotten or hidden dream. The face of her mother was a part of it. I gasped when I suddenly remembered the letter. Naiwan namin 'yon sa Alveria. Hindi ko alam kung mahalaga ba 'yon sa paglalakbay namin ngayon pero kung mahalaga man 'yon, hindi na kami maaaring bumalik pa.


Natigilan ako nang makita ko si Zirrius sa malayo. So Liana was part of his dream this time? Napapaligiran sila ng rose garden. He was happily talking to an illusion he surely made. Poor him. Naglakad na ako patungo sa kanya. I didn't want to ruin his dream but I didn't want him to live in lies. He already lost Liana. Hindi ko rin alam kung may babalikan pa ba siya kapag nakaalis na ako sa katawan niya. Sa tingin ko, wala na.


Akmang yayakapin ni Zirrius si Liana pero nakalapit na ako sa kanila, marahan kong itinulak si Liana at naglaho siya sa hangin na parang isang puting usok. Natigilan si Zirrius dahil sa ginawa ko. Galit na bumaling ang paningin niya sa 'kin pero tila nasilaw siya. I noticed the shiny light covering my soul. This light was preventing Zirrius to see my real form. O siguro dahil hindi alam ni Zirrius ang totoong itsura ko kaya nahihirapan siyang gumawa ng repleksiyon ko sa isip niya.


But I could clearly see my gold overflowing hair and my white dress. Zirrius couldn't imagine my real face. I was a blur in his memory.


"It's me. Avery," seryosong saad ko sa kanya. "So, you chose to escape on this dream than to face the truth that you already lost her," sarkastikong wika ko. Natigilan si Zirrius nang marinig ang boses ko. It was a familiar music on his ears. Mukhang hindi na niya makakalimutan ang maganda kong boses kahit maghiwalay man kami ng katawan.


"This is not a dream," naiinis na wika niya. Napasimangot ako. "Niloloko mo ba ang sarili mo? Well, congratulations! You're doing a great job, Mr. Pretender," seryosong komento ko. He grimaced with irritation. "Why are you here? Bakit ba lagi kang nakasunod at nakabantay sa 'kin? Why are you ruining everything?" frustrated na wika niya. I snapped my fingers in the air. Naiinis ako sa mga rosas na pumapalibot sa 'min. Napalitan ng malawak na tigang na lupa ang buong paligid at makikita sa taas ang mga bituin na tila nawawalan na ng ningning. Ito ang totoong nararamdaman ni Zirrius ngayon.


"I'm not ruining everything. It is just destined to be ruined. Nagkataon lang na kasama mo ako habang nasisira ang lahat. Don't put the blame on me just for you to feel good. Face the consequences and the truth. This is your fate," seryosong saad ko sa kanya. Natigilan siya at tumalikod sa 'kin. Mariin niyang ikinuyom ang kamao. Alam kong nagngingitngit ang kalooban niya dahil sa matinding galit.


"You know how a king must act? This kind of situation can't easily bring him down. Even if he lose the crown, he will do everything to retrieve his honor. Hindi siya panghihinaan ng loob. Prove that you are the rightful King for Alveria," seryosong dagdag ko pa.


"From here on, hindi na magiging madali ang lahat. Hindi lang hari ng Alveria ang magiging kalaban mo. Mas marami na sila at malalakas. Ituturo ko sa 'yo lahat ng kailangan mong malaman sa mahika, kapalit ng serbisyo mo sa pagdadala sa 'kin sa Elfania. Tiyak na pagbalik mo sa Alveria mas magiging malakas ka. And that's not the only benefit of this journey. You can also find allies," sabi ko pa.


"Paano ko ba tutulungan ang isang nilalang na maraming itinatagong sikreto? Bakit ka ba talaga umalis sa katawan mo?" seryosong tanong niya sa 'kin. Muli niya akong hinarap. This time, he was now used to my light although he couldn't see my real form.


"Fine, I'll tell you the truth. Sinalakay kami ng kaharian ng Asteria. They were too strong and Elfania lost the battle. Sinakop nila ang Elfania at wala akong nagawa kundi ang umalis sa katawan ko upang maghanap ng mga taong maaaring tumulong sa 'kin. My real goal was to gather allies that could fight against Asteria. Hindi ako maaaring lumaban kung ikukulong nila ako kaya umalis ako. We are just the same. We are fighting for the same cause," paliwanag ko. He sighed heavily. Naguguluhan siya. Hindi ko sinabi na isa akong Emperatris. Mabuti na siguro na itago ko ang totoo dahil sa tingin ko, kapag nalaman ni Severus, Ang emperador ng Asteria, na nasa ibang tao ang kaluluwa ko, gagawin niya ang lahat upang makuha niya ang pakay niya sa 'kin.


"So you want me and Kendrick to be your allies?" kunot-noong tanong ni Zirrius. I smiled.


"Maybe," kibit-balikat na sagot ko. "Sa ngayon, kayo muna pero natitiyak kong madadagdagan din kayo. So don't trap yourself on this kind of dream. Move forward. Gusto kong gumaling ka agad. We can't waste time if you really want Alveria back," sagot ko. He sighed heavily.


"I'll discuss the plan when your body recovered," saad ko pa. Tinalikuran ko na siya at naglakad na palayo.


"Wait!" sigaw niya pero bago pa niya ako nahabol ay naglaho na ako sa hangin. Lumabas ako sa teritoryo ng kaluluwa niya at nanahimik sa madilim na parte ng pagkatao niya kung saan alam kong hindi niya ako susundan. I would talk to him more later but for now, I wanted him to weigh everything on his own.


~~~


Dalawang araw din ang lumipas bago bumaba ang lagnat ni Zirrius. Sa ngayon ay kumakain na siya nang maayos at nagagawa ng tumayo. Mabuti naman at nanumbalik na ang lakas niya. Hindi ko rin siya kinausap sa loob ng dalawang araw na 'yon. I'm glad that Kendrick was here to help. Zirrius was now checking his bag.


"Hanggang kailan ka mananahimik? So you don't want to talk to me anymore?" he asked inside his mind. I smiled.


"Miss me, baby?" I asked to tease him.


"Stop calling me names." He frowned.


"It's not a name. It's an endearment." I giggled.


"Not funny," saad niya.


"Do you want me to translate it on Elven language?" natatawang tanong ko sa kanya.



"No, thanks. Umalis na tayo rito. Malayo pa ang Elfania," seryosong saad niya. Napatigil siya sa paghahalwat sa loob ng bag niya nang mapansin ang sulat na ibinigay ni Lolo Zark sa kanya. Maging ako kay nagulat dahil hindi ko ito inilagay sa bag ni Zirrius.


"Did you bring the letter?" nagtatakang tanong niya dahil hindi niya maalala na inilagay ko ang sulat sa bag niya. Kinuha niya ito at pinagmasdan. Hindi kami maaaring magkamali. It was really the letter given to him by the old man.


"No. Wow! Maybe it's bound with some magic to follow you," natatawang sabi ko sa kanya. Napailing siya at muling ibinalik ang sulat sa loob ng bag. Inayos na niya ang mga gamit at naghandang umalis. He checked our next destination on the map.


"So we are going to Tresha?" kinakabahang tanong niya sa 'kin.


"Yes. Dalawang kaharian pa ng mga tao ang kailangan nating daanan bago tayo makapunta sa kaharian ng mga engkantado. Well, don't you want to check Tresha?" saad ko.


"Well, good timing that I can check them," saad ni Zirrius. Binalot nina Zirrius at Kendrick ang kanilang armas gamit ang mga tela bago isinabit sa kanilang likod.


"But remember, don't do something reckless. Tiyak na nag-utos na si King Aulius na hanapin kayo ni Kendrick," paalala ko. "Tandaan ninyo na kailangan nating makalagpas sa Tresha sa lalong madaling panahon." Nakontrol na nang lubusan ni King Aulius si King Luke kaya hindi na ako magtataka kung kumalat na sa Tresha ang pagiging wanted ni Zirrius. Inayos nina Kendrick at Zirrius ang kani-kanilang hoods.


"We will buy some clothes and tents in Tresha Kingdom," saad ni Zirrius kay Kendrick. Tumango si Kendrick. Sakay sa mga kabayo nila ay nagtungo na sila sa Tresha.


"Zirrius, you should smile," komento ko dahil napakaseryoso ng mukha niya.


"Why should I? Magmumukha lang akong baliw kapag nakangiti ako ng walang dahilan," naiiling na saad niya.


"Then let me be the reason," natatawang saad ko sa kanya. Sinusubukan ko lang siyang patawanin. Hindi pa rin kasi siya nakaka-move on kay Liana.


"No, thanks," nakasimangot na saad niya. My soul frowned.


"Hard to get lang?" dismayadong tanong ko sa kanya.


"Problema ang hatid mo sa 'kin, hindi ngiti," naiiling na komento niya.


"Ay grabe! Sobra ka naman. Parang wala akong ginawang maganda sa buhay mo ah," mahinang saad ko.


"Meron ba?" tanong niya. Napapansin ko na pinipigilan niya ang sarili niya na ngumiti dahil sa nagtatampong tono ng boses ko. At least, medyo napagaan ko ang nararamdaman niya.


Mula sa malayo, natanaw ko na ang malawak na kaharian ng Tresha. Napansin ko ang itim na aura na bumabalot sa kaharian bago pa man kami makalapit sa gates nito. Sa 'di kalayuan ay natanaw ko ang isang nakatigil na kariton ng mga dayami kung saan namomroblema ang isang lalaki.


"We need to be extra careful. Lapitan nyo ang lalaking 'yon. Sa tingin ko, hindi kayo papapasukin sa Tresha kapag nakita nila ang mga mukha ninyo," utos ko. Kumunot ang noo ni Zirrius pero sumunod din naman siya kahit hindi niya alam ang tumatakbo sa isip ko.


Mukhang matanda na ang lalaki. Napansin ko ang kabayo niya na may sugat na sa binti at hindi na makatayo pa.


"Saan po kayo pupunta, Tatang?" tanong ni Kendrick. Napalingon ang matanda sa kanila na tila nagkaroon ng pag-asa.


"Pupunta sana ako sa Tresha upang umuwi. Pero nasugatan ang kabayo ko," sagot ng matanda.


"Good timing. Ipahiram muna ninyo ang kabayo ninyo kay Tatang. Sasakay naman kayo sa likod upang magtago sa mga dayami para makapasok kayo nang matiwasay sa Tresha," suhestiyon ko kay Zirrius. He nodded with understanding.


"Ipapahiram muna namin ang mga kabayo namin pero makikisakay kami sa inyo," saad ni Zirrius. Halatang natuwa ang matandang lalaki at agad na sumang-ayon. Tinulungan pa nilang isakay ang nasugatang kabayo sa likod ng kariton. Nagtaka ang matandang lalaki nang piliin nina Zirrius na sumakay sa likod kung saan may mga dayami pero hindi na siya nagtanong pa. Nagtago sina Zirrius at Kendrick sa ilalim ng mga dayami nang papasok na sila sa gate ng Tresha. Hindi na siniyasat pa ng guwardiya ang mga dayami dahil mukhang kilala na nila ang matandang lalaki. Nang makarating sa bahay ng matanda, agad na bumaba sina Zirrius at Kendrick. Muli nilang kinuha ang mga kabayo nila. Matapos magpasalamat sa matanda ay agad na silang umalis.


Dumiretso sina Zirrius at Kendrick sa pamilihan. Napansin nina Zirrius at Kendrick ang mga larawan nila na nakapaskil sa bayan. Malaki rin ang patong sa kanilang mga ulo kung sila ay matatagpuan. Mukhang wanted na talaga silang dalawa. Napailing si Zirrius dahil masyadong mabilis kumilos si King Aulius. Hindi talaga sila maaaring magtagal dito. Agad na bumili sila ng mga gamit na kailangan nila. Bago sila makaalis ng pamilihan ay natigilan sila nang mapansin ang mga kawal na naninira ng paninda ng isang matandang babae. Umiiyak na ang babae at nagmamakaawa. Lumapit doon sina Zirrius at Kendrick.


"It seems you want to do something reckless," komento ko dahil alam ko na ang tumatakbo sa isip ni Zirrius. Nagmamakaawa ang matandang babae habang umiiyak.


"Magbabayad po ako ng buwis pero hindi ngayon. Hindi pa sapat ang kita ko dahil sa biglaang pagtaas ng buwis. Hindi ko po ito napaghandaan," naiiyak na paliwanag ng matandang babae habang pinupulot ang mga natapong damit na paninda. Mukhang tumaas ang buwis matapos makontrol ni King Aulius si King Luke. Gusto kong mapailing. Tinulungan ni Zirrius ang matanda sa pagpulot ng paninda. Kapansin-pansin ang nararamdaman niyang awa para sa matanda. Gusto niyang suntukin at turuan ng leksiyon ang mga kawal pero hindi niya maaaring gawin dahil siya naman ang mapapahamak.


"Hindi maaari! Kailangan na ninyong magbayad ngayon kundi mawawalan kayo ng lugar dito," galit na sabi ng isang kawal. I noticed the black crescent moon on his neck. Mukhang nagsisimula na ring kumalat ang itim na mahika sa lugar na ito.


"Dalawang araw. Sa loob ng dalawang araw mababayaran ko rin nang buo ang buwis. Sa ngayon tanggapin muna ninyo ang kalahati nito," nagmamakaawang sabi ng matandang magtitinda.


"Hindi maaari. Kailangang buo ang ibibigay naming buwis sa hari ngayon," sagot ng kawal.


"Magkano po ba ang damit na ito?" magalang na tanong ni Zirrius. "Bibilhin ko po," saad ni Zirrius. Naluha sa tuwa ang matandang babae habang nakatitig kay Zirrius.


"Salamat sa pagmamagandang-loob, iho," mahinang wika ng matanda. "Isang pirasong pilak na salapi," sagot niya.


Nagbigay si Zirrius ng isang gintong salapi na ikinagulat ng matanda. "Sobra ito, iho. Ilan ba ang bibilhin mo?" tanong ng matanda.


"Dalawa lang po," sagot ni Zirrius. "Pero sa inyo na po ang sukli," he added. Kinuha na ni Zirrius ang dalawang damit at ibinigay niya ang isa kay Kendrick. Walang humpay ang pasasalamat ng matanda kay Zirrius dahil nabayaran nito ang kulang sa buwis. Umalis na ang mga kawal nang mabayaran sila.


Narinig ko ang hinagpis sa bulung-bulungan ng mga magtitinda.


"Ano ba ang nangyayari sa hari? Hindi naman siya ganito dati. Sobra-sobra na ang hinihingi niya sa 'tin. Ni hindi na rin siya lumalabas sa kanyang kaharian upang tingnan kung maayos tayo," saad ng isang magtitinda.


"Maraming magsasaka ang nabalitaang naagawan ng lupa," nag-aalalang sambit ng isa pa.


"Mukhang nangunguha na rin sila ng tao upang ibenta bilang alipin. Ipinagbawal na rin ang paggamit ng mahika," seryosong saad naman ng isa. Natigilan si Zirrius dahil sa mga naririnig.


"Umalis na tayo rito Zirrius," seryosong saad ko. Napailing lang si Zirrius pero sinunod din naman ako. Nagtungo kami sa timog upang lumabas sa kaharian ng Tresha. We don't want to deal with these people. Tiyak na hindi magiging maganda kung mapapalaban kami nang wala sa oras. Hindi ko pa nasisimulan ang pagsasanay ni Zirrius kaya wala akong magagawa kundi saniban siya kapag may nangyaring hindi maganda. 


-----------------

TO BE CONTINUED....


Medyo walang kwenta ang update. Wahaha. K Bye.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro