Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 24: Run


"If you run, be sure that you have somewhere to go..."


AVERY


Mas lalong lumakas ang ulan at naramdaman ko ang malakas na ihip ng hangin na tumatama sa katawan ko. Pinababagal ng air resistance ang pagbagsak namin. Mas lumaki ang mga patak ng ulan na halos humampas sa mga katawan namin. "Rain of chaotic drops, form a sea of water that will rescue us from our cruel fall to the ground." I slowly opened my eyes as I quickly gestured my hands on the air. Mas lalong tumalim ang kidlat na halos magbigay liwanag sa madilim na kaharian ng Alveria. Tiyak na mas lalong lumiwanag ang mga gintong mata ko. Dalawampung metro na lang ang layo ni Kendrick mula sa lupa. Mula sa itaas ay narinig ko ang sigawan ng mga kawal na nag-uutos para habulin kami.


"Are you sure about this?" nag-aalalang tanong ni Zirrius sa 'kin. Napangiti ako nang marinig ang tinig niya. I was glad that he's still there.


"Already recovered from heartbreak? That was fast!" nakangising pang-aasar ko sa kanya habang pinagmamasdan ko ang mabilis na pagtaas ng tubig na sasalubong kay Kendrick. Tila isang dagat ang nabuo sa babagsakan namin. His eyes were still closed and still praying. Napasinghap si Kendrick nang lumubog siya sa tubig. That sea of water saved him from death but not yet. Tiyak na hindi na siya makakahinga sa ilalim kung hindi siya makakalangoy agad pataas. Ang masaklap pa, hindi siya handa.


"How can you placidly watch him when he's already on the verge of death?" inis na tanong ni Zirrius. Hindi niya pinansin ang pang-aasar ko sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung ano na ang nararamdaman niya. Maybe his heart was still bleeding. I shrugged. But it's not bleeding now because I was in control of his heart. This is my heart now and this heart doesn't know how to care.


"You're heartless," naiinis na komento niya.


"You're the one who's heartless now. You're just a soul. Itong puso mo, puso ko na ngayon. Hangga't ginagamit ko ang katawan mo, lahat ng sa 'yo ay sa 'kin na," nakangising saad ko.


"Dream on," naiinis na komento ni Zirrius. I smiled. Mas lalo kong pinabilis ang pagbulusok ko pababa sa tubig. I wondered what happened to Kendrick. Hindi pa siya umaahon. Nawalan na ba siya ng malay? Bumagsak ako sa tubig at lumangoy pailalim upang hanapin si Kendrick. I saw him unmoving. He already lost consciousness and was near reaching the bottom. Mabilis akong lumangoy at hinila siya sa kamay. Lumangoy ako paitaas hanggang sa pareho na kaming nakasagap ng hangin ni Kendrick. I chanted another spell. Pinahupa ko ang tubig at mabilis na ihiniga si Kendrick sa lupa. I started to pump his chest. When I was going to give him a mouth-to-mouth resuscitation, Zirrius suddenly spoke inside my mind.


"What are you planning to do?" gulat na tanong niya.


"I'm being generous enough to save your friend from the verge of death. Well, through your mouth," nakangising saad ko. I, again, pumped Kendrick's chest.


"Oh! Don't overdo it," he commented because he had no choice. It was his friend after all. I smiled. Biglang may kalokohang pumasok sa utak.


"Don't even think about it," he said. "Do it faster. Maaabutan na kayo ng mga kawal," Zirrius added. Tinapik ko ang mukha ni Kendrick.


"Kendrick! Kendrick?" I called and pumped his chest. I leaned toward his face and was now ready to give him air but he coughed. I frowned.


"Whew! That was a close call," Zirrius commented with relief. Malakas na tinapik ko ang mukha ni Kendrick para mas matauhan siya. Sayang naman!


"We will run now! Get up! We don't have the luxury of time," seryosong utos ko. Nakita ko ang bow and arrows na nakakalat sa lupa kaya agad kong kinuha ito. Napahawak naman si Kendrick sa ulo at walang nagawa kundi tumayo. "Are you trying to kill me? I almost died!" sigaw niya nang makatayo at kunin ang mga armas niya.


"Complain after we escape!" natatawang sigaw ko sa kanya at tumakbo na patungo sa kwadra ng mga kabayo. Kendrick irritatedly hissed. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lang sa 'kin. I got Aris and Kendrick got something for him too. A black elegant horse. Agad kaming sumakay sa mga kabayo namin. We ran faster but some arrows tried to stop our tracks. Nang lumingon ako sa tuktok ng kaharian, nakahilera ang mga kawal na may hawak na pana at palaso. Ihinanda ko rin ang pana at palaso ko habang lalong pinabibilis ang takbo ni Aris.


"Mauna ka na Kendrick! Open the gates for us. I'll deal with this mess," seryosong utos ko. He frowned but he determinedly sped up. Nilampasan niya ako nang walang kahirap-hirap. Tumayo ako sa likod ni Aris habang mabilis itong tumatakbo. Binalanse ko ang sarili ko. Itinutok ko ang palaso sa isang kawal na pinakamalapit sa 'kin at saka pinakawalan ang palaso kasabay ng kalmadong paghinga ko. Tumama ito sa leeg nito kaya walang buhay na bumagsak ito mula sa tuktok ng palasyo hanggang sa baba. Natigilan ang mga kawal nang bumagsak ang isa sa mga kasama nila. Ihinanda kong muli ang palaso ko at namili ng sunod na pupuntiryahin.


"That's dangerous! Paano kung mahulog ka? I mean, ang katawan ko?" natatarantang tanong ni Zirrius.


"Silence. You're ruining my concentration," seryosong wika ko sa utak ko. He hissed with irritation pero pinabayaan na lang ako. Sigurado na nag-aalala na talaga siya pero hindi naman niya ako mapipigilan sa mga ginagawa ko. Sinipat ko ang isa pa sa mga kawal. Isa sa kanila ay hindi natakot sa ginawa kong pagpapatumba sa isa nilang kasama. Nakatutok na rin ang palaso niya sa 'kin. He was determined to hit me but I would not allow it. He was hundred meters away from me but I could confidently hit his heart. Walang pagdadalawang-isip na pinakawalan ko ang palaso ko, bago pa man niya ako maunahan. I smiled when I realized that my hit was very accurate. It really penetrated the guard's heart.

 

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Isa-isa kong tinira ang mga pinakamalapit na kawal sa kinaroroonan ko. Patuloy sila sa pagpapakawala ng mga palaso pero sumasablay. Nang natiyak kong hindi na nila ako matatamaan pa ay umupo na ako kay Aris at mas mabilis ko itong pinatakbo. Natatanaw ko na si Kendrick sa malayo. He was beating the guards while commanding them to open the gates. Mas lalong tumalim ang mga kidlat at mas lalong bumuhos ang malakas na ulan. Unti-unti na rin akong nakaramdam ng panlalamig ng katawan.


Lumingon ako sa likod ko nang makarinig ng mga ingay. Hindi pa rin sumusuko ang mga kawal sa paghabol sa 'kin. They were riding their own horses with bow and arrows on their hands. Nakahanda na silang paulanan akong muli ng mga palaso. Napangisi ako. Hinaplos ko ang ulo ni Aris. "Show me what you got, Aris!" mahinang bulong ko sa tainga niya. "Hyaaah!" Mas lalo kong pinabilis ang pagtakbo niya. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan namin dahil sa bilis niya at dahil sa malalaking patak ng ulan. Aris was the fastest horse I had ridden.


"Whooahhh!" malakas na sigaw ko habang mas lalong pinabibilis ang takbo ni Aris. Hindi nito alintana ang maputik na daan. Maging ang mga palaso ay nalalagpasan ni Aris nang walang kahirap-hirap. Well, it was really hard to hit a moving target.


"Masyado mo siyang pinapagod," asar na komento ni Zirrius.


Mahina lang akong tumawa. Napansin ko sa 'di kalayuan na iniikot na ng mga guwardiya ang kadena upang buksan ang gates. Hinihintay naman ako ni Kendrick. Basang-basa siya sa ulan at nanliliit ang mga mata habang tinatanaw ako. Nang makasigurado na makakaabot ako sa gate at nauna na siyang tumakbo palabas ng kaharian ng Alveria. "Magpaalam ka na muna sa pinakamamahal mong Alveria. Be prepared. Mahirap at hindi basta-basta ang bagong mundo na lalakbayin mo," seryosong wika ko kay Zirrius.


"Noong dumating ka, hindi na talaga madali ang lahat. Is there something worse and weirder than having two souls inside one body?" tanong niya. If he had a body right now, he would surely frown.


"Yes, there is," I giggled. "Having these balls between my legs are the weirdest, I guess," pagbibiro ko sa kanya.


"Not funny," naaasar na wika niya pero alam kong itinatago lang niya ang pagkapahiya.


"I mean no harm. I was actually loving this body right now," natatawang wika ko. Natahimik si Zirrius at hindi man lang nagkomento. Nagawa kong makalampas sa malalaking gates ng Alveria. We ran until we noticed that the guards already gave up.


Nahabol ko na si Kendrick. "Let's head to the mountains. I need to see, Lolo Zark," seryosong wika ko.


"What for?" kunot-noong tanong ni Kendrick.


"We need foods and water," seryosong wika ko. "Mukhang malayo pa ang sunod na kaharian mula rito sa Alveria," saad ko.


Napabuntong-hininga si Kendrick nang maintindihan ang punto ko. We would not survive this long journey without foods or water. Malakas pa rin ang ulan at hindi ko alam kung kailan ito titila. Sobrang dilim ng kalangitan. Mabilis na pinatakbo ko si Aris patungo sa baryo nina Lolo Zark habang nakasunod naman sa 'kin si Kendrick.


"Do you think we can stay on their place for a while?" nagbabaka sakaling tanong ni Kendrick. Napansin ko na hinihingal na siya. Ngayon ko lang din napagtuunan na pagod na rin pala ako. Anumang oras ay bibigay na ang katawan ni Zirrius dahil sa lamig, gutom at pagod. Ngayon ko lang din napansin ang mabilis na tibok ng puso ni Zirrius.


"No. Mapapahamak lang sila kung sakaling malaman ng hari kung nasaan tayo," sagot ko.


"Don't you want to return my body back now? Mukhang nawiwili ka na," naiinip na sabi ni Zirrius. I grinned. "Not yet. Marami pa akong dapat gawin. Sinabi ko naman sa 'yo. Hangga't hindi ko nasisiguradong ligtas na tayo, hindi ko ibabalik ang katawan mo," makahulugang wika ko. Nagmura si Zirrius sa isip ko. I winced. He's too loud. Nakalampas sa barrier ng maliit na baryo ni Lolo Zark si Aris at ako pero si Kendrick ay hindi makadaan. Mukhang pili lang ang pinapapasok sa baryong ito. Dumiretso ako sa bahay ni Lolo Zark at marahang kumatok.


Unang bumungad sa 'kin si Rein. Napasinghap pa siya nang mapatitig sa basang-basa kong katawan at sa mga gintong mata ko. "Ano'ng nangyari sa 'yo, Mahal na Prinsipe?" gulat na tanong niya. Ngumisi ako nang nakakaloko.


"This is not Zirrius. I'm the other soul inside his body. Can you let my companion pass the barrier?" tanong ko sa kanya. Itinuro ko ang kinaroroonan ni Kendrick na ngayon ay sumisigaw na sa paghahanap sa 'kin dahil tiyak na hindi niya nakikita si Zirrius mula sa loob ng baryong ito. "Hindi kami magtatagal dahil tiyak na mapapahamak ang baryong ito kapag natunton kami ng hari. I just need some stuffs," diretsong saad ko sa kanya. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Huminga nang malalim si Rein at tumango kahit nag-aalalang tumingin siya sa 'kin. Alam kong kay Zirrius siya nag-aalala at hindi sa 'kin. Ikinumpas ni Rein sa hangin ang kamay niya kaya nagawa ni Kendrick at ang kabayo niya na makapasok sa baryo nang hindi niya inaasahan. Namangha pa si Kendrick sa nangyari bago mabilis na lumapit sa kinaroroonan ko.


"Tumuloy muna kayo," magalang na wika ni Rein. Natuwa pa si Lolo Zark nang makita si Zirrius pero natigilan siya nang mapansin ang mga gintong mata ko.


"You're not Zirrius?" tanong naman ni Zach na lumabas na rin sa silid niya nang marinig ang komosyon sa sala. Marahan akong tumango.


"Akala namin matutuloy na ang pagpugot sa ulo ni Zirrius bukas," mahinang wika ni Rein. Kung ganu'n ay ipinaalam na pala ni King Aulius ang balak niya sa buong kaharian ng Alveria.


"I won't allow it," I said then shrugged my shoulders. "Pasensiya na kayo sa kapangahasan ko pero kailangan namin ng pagkain sa paglalakbay. I will bring Zirrius back when he's already in the condition to fight. I will teach him magic. Hindi pa siya handa ngayon kaya isasama ko siya sa paglalakbay ko," seryosong saad ko. Rein bit her lower lip. Natigilan naman si Lolo Zark sa diretsong pagsasatinig ng totoong pakay ko.


"Looks like you are commanding them. They are not your servants," inis na komento ni Zirrius. I just shrugged my shoulders. Napansin ko naman ang malalim na pagbuntong-hininga ni Zach. Si Kendrick naman ay tahimik lang na nakatayo sa gilid.


"We have no choice. Gusto rin naming makaligtas si Zirrius mula sa hari kaya sa tingin ko ay mas makakabuting sumama siya sa 'yo. We will provide the things you need for your journey," seryosong wika ni Zach. "But promise us that you will take care of him. Alveria still needs a rightful King," he meaningfully added. Tipid akong ngumiti bago tumango. Nagsimula ng gumalaw si Zach upang ipunin ang mga kailangan namin.


"Rein, can you give me a small cloth?" nakangiting tanong ko sa kanya. Natigilan siya pero agad na tumalima. Ibinigay niya sa 'kin ang isang puting tela. I closed my eyes and chanted a spell. Inisip ko ang mapa na nakita ko noon sa library. I opened my eyes and saw the map forming on the white cloth. Nababalot ito ng gintong liwanag. I smiled when I had successfully drawn the map from Alveria to Elfania through my magic. Pero hindi nakaligtas sa 'kin ang panghihina ng katawan ni Zirrius. Agad kong itinago ang mapa sa bulsa ko. Napansin ko pa ang pagkamangha ni Rein dahil sa ginawa ko. Matipid lang akong ngumiti sa kanya kaya namula siya.


Nang maibigay sa 'min ni Zach ang mga kailangan namin ay agad na rin akong nagpaalam. Kailangan na naming maglakbay para agad kaming makarating sa sunod na Kaharian. "Marami pong salamat," saad ko. Magbibigay sana ako ng gintong salapi sa kanila pero tumanggi sila.


"Gamitin na ninyo sa paglalakbay ang salaping 'yan. Sa tingin ko, ito na ang sinasabi ni Reyna Zara sa kanyang mga pangitain. Mag-iingat kayo. Hihintayin namin ang pagbabalik ninyo," seryosong saad ni Lolo Zark. I smiled and nodded. Marami pa akong gustong malaman sa kaharian ng Alveria pero wala na akong magagawa kundi ang umalis.


"Paalam po. Hanggang sa muli," saad ko nang makasakay kami sa kabayo namin. Agad na pinatakbo ko si Aris patungo sa kagubatan. Unti-unti ng tumitigil ang ulan. Medyo natatanaw ko na ang ibang bituin sa kalangitan.


"I think you should give my body back. Wala ng humahabol sa 'tin," Zirrius insisted. Patuloy niya akong kinukulit sa isip ko upang ibalik ang katawan niya pero hindi ko siya pinapansin. "You'll just suffer," mahinang wika ko. Halos malayo na rin ang nalakbay namin. Malapit na rin sigurong mag-umaga. Pinabagal ko ang pagpapatakbo kay Aris nang may matanaw akong kweba. I think that's the only place where we can rest. Kumunot naman ang noo ni Kendrick nang mapansin ang katamlayan ko. Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ako. Napasinghap siya nang maramdaman na nag-aapoy ang temperatura ng katawan ko.


"Hindi pa tayo nakakalayo pero nilalagnat ka na. How will you survive this long journey with that body?" tanong niya sa 'kin. Natanaw din niya ang kweba kaya nakahinga siya nang maluwag.


"I never imagine to hear that from someone who doesn't want to die by jumping," pilit ang ngiti na wika ko. Mabuti na lang at nakaalis na kami sa Alveria. Maybe time was really on my side.


"That's a different story! I will not die without dignity!" nakasimangot na wika ni Kendrick. Dignity? Dignity was not needed anymore when you were already desperate. Mahina akong tumawa pero hindi na nagsalita. Sumilong kami sa loob ng kweba. Naiinis na ako kay Zirrius na nagpupumilit pa rin na kunin ang katawan niya. His soul was trying to enter this body. His soul was weak but I let him take his body again.


"I will let you suffer then," pang-aasar ko sa kanya nang ibalik ko ang katawan niya.


"Damn! I'm glad you're back to normal now!" wika ni Kendrick nang mapansin na asul na ang kulay ng mga mata ni Zirrius. "But you need to rest. Magsisiga muna ako ng apoy," seryosong wika ni Kendrick. I noticed that Zirrius' body was now shivering from cold. Isinandal ni Zirrius ang likod sa pader. Pinipigilan niya sa panginginig ang katawan niya dahil sa umaapoy na lagnat pero wala siyang magawa. I couldn't help him now. I used too much magic from his body that's why he's suffering now. Hindi pa siya sanay.


"I told you, you will suffer," mahinang wika ko ulit.


"This is better than helplessly watching you control my body," mahinang wika ni Zirrius bago ipinikit ang mga mata. Ramdam niya ang pananakit ng katawan niya. His body was really exhausted.


"Whatever. Humiga ka na at magpahinga," mahinang wika ko. I was a bit guilty that I used him. "Magpagaling ka," I whispered sincerely. My invisible hands hugged his soul tightly with warmth - wishing that I could give him a little comfort. But I know, he was not wishing for my presence but for Liana's comfort. Now I could clearly hear the screams of his bitter heart. Too bad for him.


--------------------------

TO BE CONTINUED...


Since may nagreport ng facebook ko, dito na muna ako sa wattpad tatambay. Hahaha! Hindi pa sure kung mareretrieve ko ang account. Anyways, thanks sa naghihintay ng updates dito. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro