Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 21: Red and Black

"Are you ready to escape with me? Lend me your body and power..."


AVERY


The next one who arrived was from Galesha Kingdom. She was a lady. It seems like she was on her mid-twenties. Mukhang namana na niya ang kaharian ng kanyang magulang. She was elegantly walking on the red carpet wearing a cream overflowing gown - just like what a Queen must look like. Kahit walang korona na nakapatong sa kanyang ulo ay mararamdaman ang taglay niyang kapangyarihan. It seems like she was very accustomed to magic too. Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya na tila may naramdaman siyang hindi maganda sa paligid. She's not that naive, I guessed. She was surely smart but she didn't make her doubt that obvious. Alam kong naramdaman niya ang mabigat na pakiramdam ng itim na mahika sa paligid. Napansin ko rin ang marahang paglunok niya habang inaalalayan siya ng kanyang kanang kamay at iba pang guwardiya niya. Looks like this occassion would not bore me.


She was a red-haired lady with a pale complexion. Maamo ang mukha niya pero mapapansin sa mga matalas at asul niyang mata ang pagiging alerto. Kalmado lang siya habang magkalapat ang maninipis at mapupulang labi. Natitiyak ko na maraming nabighani sa ganda niya maging ang mga batang opisyal at guwardiya sa kaharian ng Alveria. Halos lahat ng mga mata ay nakasunod sa bawat galaw niya. She gracefully walked towards King Aulius. King Aulius greeted her courteously and kissed her hand. Bahagyang ngumiti ang reyna kay King Aulius at hindi ipinahalata ang pangamba at ang mabigat na pakiramdam.


"Queen Sylvia, it's a pleasure to meet you again. I didn't know that you're already crowned as Galesha's Queen," mababang wika ni King Aulius bago niya marahang binitawan ang kamay ng reyna.


"It was so sudden. I was crowned last week. It's a pleasure to meet you again, King Aulius. Kailan mo ipapasa ang kapangyarihan sa tagapagmana mo? You should rest since you're not getting any younger," saad ni Queen Sylvia. Queen Sylvia noticed King Luke so she curtsied with respect. Bahagyang yumukod naman si King Luke para magbigay-galang din sa kanya.


"Soon, Queen Sylvia. But there are still things to do before I pass the crown to my heir," nakangiting sagot ni King Aulius. Marahang tumango si Queen Sylvia at ngumiti. She stand alongside with King Luke to wait for the next important visitor. Napansin ko ang mga mata ni Queen Sylvia na pasimpleng nagmamatyag sa buong paligid. Nasa gilid naman ang mga guwardiya at kanang kamay nina King Luke at Queen Sylvia na alerto kung sakaling may mangyaring hindi maganda.


The trumphets and gongs became louder and louder as if it was anticipating for the arrival of the next visitor. What a very warm welcome this was. Dumating na ang karwahe ng Sumeria. May mga kabayo kung saan nakasakay ang mga guwardiya niya habang nakapalibot sa karwahe. Bumaba na ang isang lalaki na may matipunong pangangatawan at mapapansin ang kaseryosohan sa mukha niya. Inayos niya ang suot na magarang damit nang makalabas sa karwahe. Diretsong tumingin ang hari ng Sumeria sa kinaroroonan ni King Aulius nang walang takot at pangamba. I could also feel the intense magic surrounding him. Mukhang si King Luke lang ang magaling magtago ng kakayanan niya dahil hindi ko ito napansin sa kanya. But I'm sure, King Luke, Queen Sylvia and the Sumeria's King don't use dark magic. Gaano kaya sila kalakas?


Naglakad na siya patungo kay King Aulius habang nakasunod ang mga guwardiya niya. Tahimik naman na nagmamasid ang kanang kamay niya. I was so excited to know what would happen today. Tumigil siya sa harap ng mga matataas na pinuno at yumukod upang magbigay-galang. Nakipagkamay siya sa dalawang hari at marahang hinalikan ang kamay ni Reyna Sylvia.


"King Sean," mahinang bati ni King Aulius. "I'm glad you arrived here safely," he said. Matipid na ngumiti lang si King Sean. Mas pinili niya ang manahimik. Hindi ko alam kung napansin din niya ang mahikang bumabalot sa kaharian. Hindi ko siya mabasa dahil sa blankong ekspresyon ng mga mata niya. Kung titingnan, mas bata si King Sean kaysa kay King Luke. Mukhang magkaedad lang si Queen Sylvia at si King Sean. His gorgeous face was eye catching. His green eyes were very deep and mysterious. The music became louder and louder until it reached its climax. Someone guided them towards the hall on where they will sign the agreement.


Pumasok kami sa isang magara at malawak na bulwagan. May mga katulong na naghihintay sa bawat mesa. Kulay pula at itim ang makikitang upuan at mesa. Not a good theme for peace kaya napansin ko na bahagyang natigilan ang mga hari at reyna pero hindi nila ipinahalata. Pero ramdam kong may kaunting pagdududa nang namamayani sa isip nila. Actually the room was not scary. It was stunningly elegant especially when the golden light from the chandeliers blended with the red and black motiffs of the room. sa isang gilid, mahaba ang mesa kung saan nakahain ang masasarap na pagkain. May mga mananayaw rin na nagtatanghal sa isang entablo sa unahan ng bulwagan. Masaya ang musika na pumailanglang sa buong paligid. May ilang guwardiya na hindi pinapasok at pinagbantay lamang sa labas. The two door entrance closed when all of the important visitors came inside.


Ang apat na pinuno ay umupo sa mesa para sa pangunahing panauhin na malapit sa entablado. May mga pagkaing ihinain sa kanila. Ang ibang panauhin ay umupo na sa kanya-kanyang round tables. Umupo na rin si Leo samantalang mas pinili ni Zirrius na puntahan si Kendrick na nakatayo sa gilid ng bulwagan upang magbantay at siguraduhin ang seguridad ng lahat. Ang ibang guwardiya mula sa Sumeria, Galesha at Tresha ay tumayo rin sa isang tabi upang magbantay at magmasid. Halatang pinagdududahan nila ang mga guwardiya na hindi nabibilang sa kaharian nila. Hindi sila nagiging kampante at alerto silang nagmamasid sa paligid. Maraming umiikot na katulong upang magbigay ng mga baso ng alak at naghahain ng pagkain sa bawat mesa. Napansin ko rin na nagkukwentuhan na ang mga hari at reyna sa kanilang mesa pero halata sa mga mukha nila ang pag-iingat. How could they sign an agreement for peace when they couldn't even trust each other? How absurd humans could be. They might be digging their own graves.


Mabilis na namatay ang mga ilaw kaya natigilan ang lahat at nabigla. Nakahinga lamang sila nang biglang bumalik ang ilaw na nakatutok sa entablado. Someone's standing there on the middle of the stage. The spotlight was focused on her. She was on her position for a traditional dance. It was Liana. She was elegantly dressed with yellow thin fabrics. Half of her face was also covered with transparent fabrics. She looks like a princess. The dressed was hugging her body perfectly. Her eyes were closed waiting for the music to play. Nang magsimula ang malamyos na musika ay gumalaw na siya. She was elegantly dancing along with the music. And once again, Zirrius was mesmerized by her beauty. He froze on his position. He couldn't even take his eyes away from her. He was aching for her. He missed her badly again. Maging ang mga manonood ay halatang naaaliw habang pinapanood ang bawat galaw ni Liana sa entablado. Her back up dancers entered the stage. The music was about love, tragedy and peace so they were acting on the stage.


I suddenly missed to dance and sing. Kung pwede lang makisayaw sa kanila ngayon, ginawa ko na. Kaso nga lang, katawan ni Zirrius ang gagamitin ko. He would surely become an instant celebrity. Well, a comedian, maybe. Halos lahat ay nakatuon lang ang pansin sa entablado. Nakalimutan nila ang panganib na maaaring biglang umatake sa kanila. Masigabong palakpakan ang narinig sa silid matapos ang pagtatanghal nina Liana. And I could feel how proud Zirrius was for Liana. May mga mang-aawit din na nagtanghal sa bulwagan kaya nakalimutan ng mga tao ang tensiyon na bumabalot sa paligid. The Queen and Kings were now relaxed.


Nagsalita rin ang mga hari at reyna tungkol sa pagkakaisa ng apat na kaharian. Nakatayo si King Aulius sa gitna ng entablado habang seryosong nagsasalita. "This peace agreement will be a good opportunity for all of us. We can eliminate wars and improve our people's quality of living. We can now visit other kingdoms for our needs and business and that applies on their Kingdoms too. In times of crisis, we will be able to help each other whenever needed. So I was really happy that Sumeria, Tresha and Galesha accepted this agreement for the better," he said and the smiled after his speech. Tahimik ang lahat habang nakikinig sa bawat sinasabi ng mga pinuno ng bawat kaharian.


Handa ng pumirma ang apat na pinuno sa kasunduan. Tahimik ang lahat habang naghihintay sa kanilang pagpirma. Napansin ko na natigilan si Queen Sylvia at kumunot ang noo. Sina King Luke at King Sean ay natigilan din kaya hindi nila agad magawang pirmahan ang kasunduan. Nagkatinginan silang tatlo kaya napansin ko ang ibang tao na naguluhan din sa kanila. Pinakiramdaman ko ang paligid. The whole place was covered with dark magic. Napansin ko rin ang mesa na kinaroroonan nila. I noticed the black crescent moon mark on it. Pakiramdam ko ay kumikinang 'yon pero parang sa imahinasyon ko lang 'yon. Nauna ng pumirma si King Aulius sa kasunduan na napansin ng tatlong pinuno. Nagkibit-balikat na lang si King Luke at pumirma na rin. Akmang pipigilan siya ni Queen Sylvia pero huli na ang lahat. Napasinghap si King Luke nang maramdaman niya ang mahika na gumapang sa katawan niya. So the agreement was cursed with dark magic.


The black crescent moon mark was now forming on his neck. Malakas siyang napasigaw dahil sa sakit na tumutupok sa pagkatao niya. Marahas na napatayo si Queen Sylvia dahil sa gulat. Lahat ng mga guwardiya at opisyal ng Galesha ay naalerto at napatayo rin. Lahat ay nakahandang umatake. Maging si King Sean ay sumenyas sa kanyang mga tauhan upang humanda sa paglaban. Dahil napansin na ito ni King Aulius, nagsimula na siyang gumalaw. He stood up and chanted the spell to put a mark on Queen Sylvia and King Sean's neck. Natigilan si Zirrius dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nang akmang susugod na ang mga guwardiya ng Sumeria, Tresha at Galesha ay gumalaw na rin ang mga opisyal ng Alveria. Naguguluhan si Kendrick at Zirrius kung saan sila papanig dahil alam nilang may maling ginagawa si King Aulius.


Nagkagulo ang mga guwardiya sa loob. Nagtakbuhan ang mga katulong upang magtago at makaiwas sa gulo. Malalakas na tunog ng hampas ng mga espada at galit na mga guwardiya at opisyal ang maririnig at makikita sa buong paligid. Chaos already started and I felt like it was on my favor.


"Who's side are you?" naghahamong tanong ko kay Zirrius. "The King was using dark magic to manipulate other Kingdoms. You will benefit from it too. Mapapalawak mo ang teritoryo mo," seryosong wika ko. Malakas na nagmura si Zirrius. Hindi niya dala ang kanyang espada kaya hinugot niya ang espada ng katabi niya. Maging si Kendrick ay humugot din ng kanyang espada. Handa na rin siyang makipaglaban at naghihintay na lang sa utos ni Zirrius. Red and black symbolized blood and dark magic. Nice motiff. I must praise the King for his brilliant mind.


"Stop King Aulius!" malakas na utos ni Zirrius sa mga kawal ng Alveria. Ito ang unang pumasok sa isip niya dahil alam niyang ito ang tamang gawin. Natigilan ang mga kawal ng Alveria dahil sa utos niya. Hindi nila alam kung susunod o hindi. Malakas na sigawan ang maririnig sa loob ng silid. I guessed the hall was soundproofed since I couldn't hear any commotions coming from the outside. They were not aware of what's happening inside. Good job again for the King.


May ilang guwardiya na sumugod kay Zirrius. Zirrius moved quickly and dodged it with his sword. Mula sa ibang kaharian ang umatake sa kanya. Napangiwi ang guwardiyang katunggali niya dahil sa lakas niya. "Don't waste your time on me. Save your King," seryosong saad niya. "Hindi ako kaaway. Stop King Aulius," he added. Tumawa ako nang pagak.


"That's treason," komento ko sa sinabi ni Zirrius.


"Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni King Aulius pero dapat siyang pigilan," sagot niya sa 'kin. Natigilan ang guwardiyang umatake sa kanya. He nodded with understanding and head towards the Kings and Queen. Hindi ko alam kung bakit napakadali niyang naniwala kay Zirrius. I noticed that Queen Sylvia and King Sean were chanting spells to stop King Aulius. I saw the sweats on their foreheads as they struggled on King Aulius' power. Malakas na puwersa ang bumalot sa buong paligid. Napansin ko na narinig din ni Leo ang utos ni Zirrius pero inutusan niya ang mga kawal na pigilan ang mga opisyal ng Sumeria, Galesha at Tresha. Iniutos din niya na hulihin si Zirrius at Kendrick. Sa tingin ko ito na ang pagkakataong hinihintay ko. May planong nabuo sa utak ko. So, I decided to watch and not interfere. Yes! That's because I was selfish.


May mga guwardiya ng Alveria na umatake kay Zirrius at Kendrick. Napansin ko ang mga black crescent moon sa leeg ng mga guwardiya na inutusan ni Leo. I noticed that they couldn't defy any orders from the King or his allies. Tila robot na sumusunod sila sa utos para lamang maipagtanggol ang hari. May ilang guwardiya na sugatan na. Sira-sira na ang mga mesa at upuan. Maging ang mga ibang matataas na opisyal ay nagpupumilit lumabas upang hindi madamay sa gulo pero hindi sila nagtagumpay na buksan ang pinto. A very strong force was stopping them from opening the door.


Narinig ko ang malakas na pagsigaw ni King Luke habang sapo ang ulo. That's the sign that he was already controlled by King Aulius. King Aulius succeeded. Ramdam ko ang kabang namumuo sa dibdib ni Zirrius. Napansin ko ang blankong ekspresyon sa mga mata ni King Luke nang tumayo ito na parang walang nangyari sa kanya. He fought with Queen Sylvia and King Sean. Maging ang mga guwardiya ng Tresha ay inutusan ni King Luke na huwag lumaban sa Alveria. He even ordered Tresha's guards to fought with Sumeria and Galesha. Halata sa mga taga-Tresha na hindi nila alam ang gagawin. Maging ang kanang kamay ni King Luke ay hindi makapagsalita. Alam niyang mali ang nangyayari pero hindi niya alam kung susuwayin niya ang utos ng sarili niyang hari. Napapagod na napaupo ang matandang kanang kamay ni King Luke sa sahig dahil sa panginginig ng tuhod niya. Kahit ayaw ng mga kawal ng Tresha na sumunod kay King Luke ay wala pa rin silang nagawa. They still followed him even when they knew it wasn't right. Ah! That's what their loyalty could do! They were bound to serve their King so they couldn't defy him.


Zirrius gritted his teeth. This was not what he pictured this to be. Malakas na ihinampas niya ang espada sa katunggali. Napaurong ito at nawalan ng balanse. Zirrius ran towards King Aulius. He was about to struck King Aulius back but his sword was blown away by a strong force. Napansin ko si Leo. He used his dark magic to stop Zirrius. May umatake pa sa likod ni Zirrius. Mabuti na lang naramdaman niya ang presensiya nito kaya nakaiwas siya. Pero napunit ang tela ng damit sa tagiliran niya. Napangiwi siya dahil ramdam niya ang maliit na sugat na tinamo niya. The King noticed his presence. He released magic to attack Zirrius. Lumipad palayo si Zirrius at tumama ang likod sa isang mesa na ngayon ay nawasak na. Napangiwi siya dahil sa bali na natamo niya sa pagbagsak.


Nahihirapang tumayo siya at kumuha ng espada na nakita niya sa sahig. Malakas na sinaksak niya sa tagiliran ang guwardiya na nasa harap niya na akmang susugod sa kanya. Hinarap din niya ang kalaban na nasa likod niya. May ilang guwardiya ng Sumeria na gumamit ng mahika upang bumagsak ang mga chandeliers sa kalaban nila. Kendrick struggled too because he was surrounded with enemies and was already wounded.


Zirrius thrusted his sword towards the guard but something hard hit his head. Someone slammed a chair on his head. Zirrius felt the hot liquid flowing on his head. He smelled the scent of thick blood on the air. Wala sa sariling napaluhod siya sa sahig. Someone forcefully handcuffed his hands on his back and pushed his face down the floor. Nang tumingala siya nakita pa niya ang nakangising si Leo na nakatingin sa kanya. May ilang guwardiya na sumipa pa sa kanya kaya halos sumuka siya ng dugo. I pitied him but I didn't intend to help him now. Maybe this was what his mother meant. I didn't need to force him to leave Alveria but I just need to let him down for him to realize what must be done.


The other guards from other Kingdoms were now defeated too. Hindi ko na napansin kung paano nangyari 'yon gayong gumagamit sila ng mahika. Maybe some guards of Alveria knew how to use magic since they were marked too. Maging si Kendrick ay napatumba rin nila at nakaposas na. Kapansin-pansin ang duguang damit niya at mga sugat na natamo.


"Ikulong sila!" seryosong utos ni Leo. Marahas na pinatayo nila si Zirrius at Kendrick. Sa kabilang parte ng bulwagan sila lumabas. It seems that King Aulius already succeeded to control Queen Sylvia and King Sean. Dinala sina Zirrius at Kendrick sa underground dungeon upang ikulong. Kapansin-pansin ang masangsang at amoy lupang selda. Marahas na itinulak sina Zirrius at Kendrick sa loob ng selda. Isinusi ito ng guwardiya bago umalis.


Sabay pa silang nagmura ni Kendrick nang magawa nilang makaupo nang maayos. Isinandal nila ang likod sa pader na bato.


"It seems that our life ends here," dismayadong wika ni Kendrick. Napansin ko ang dugo sa damit niya. Tiyak na kung hindi siya magagamot agad, hindi na magtatagal ang buhay niya sa loob ng limang araw.


Napansin ko na nahihilo si Zirrius dahil sa sugat sa ulo niya. "What just happened?" naguguluhang tanong ni Zirrius. The question was actually directed to himself.


"Since you ordered to stop your own King and even tried to attack him, it was already an act of treason. You just dug your own grave, dude," paalala ko sa kanya. Napangiwi siya sa sinabi ko. "The King was using magic to control other Kingdoms," he commented. "Right. And you can't do anything to stop him," pang-aasar ko sa kanya. He gritted his teeth for being helpless and hopeless.


"What shall we do now?" napapaos na tanong ni Kendrick. Napansin ko ang bigat ng paghinga niya. His wounds were surely aching to death.


"I don't know," naguguluhang sagot ni Zirrius. "This was the worst day ever," naiinis na saad niya. Naawa ako sa kanilang dalawa. Gusto ko silang tulungan pero hindi muna ngayon. Hangga't hindi pa ako sigurado na mapapapayag ko si Zirrius sa gusto ko, hindi ko muna siya tutulungan.


"Hey Zirrius! I forgot to say..." mahinang saad ko sa kanya.


"What?" nanlalabo ang paningin na tanong niya sa isip niya.


"Happy Birthday! Even when you think that this is your worst day ever," I said with sincerity. That's the only thing I could do for now. To greet him on this worst day. Mapait siyang napangiti bago siya unti-unting nawalan ng malay.


--------------------------

TO BE CONTINUED...


Hello. I'll stop the updates for this story muna. Thanks for those who can wait. :)

I suggest you listen to the song 'King by Lauren Aquilina'. Maaalala ninyo si Avery at Zirrius. Haha!

~Missmaple

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro