Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 20: Selfish

"You're not yet ready but waiting will get you nowhere..."


AVERY



Natigilan si Zirrius sa tanong ko. Ramdam ko ang namumuong mga katanungan sa isip niya. He wanted to know more. He wanted the truth. Gusto niyang makita ang silid na tinutukoy ko pero alam ko hindi pa rin niya nakakalimutan ang atraso ko. Dismayado ako. Akala ko pa naman ay makakalimutan na niya ang ginawa ko.



"Gusto ko pero hindi ko pa rin palalagpasin ang pagkontrol mo sa katawan ko nang walang paalam," nakasimangot na saad ni Zirrius.



"Kill joy," mahinang sabi ko sa kanya. If only I have lips, I would surely pout.



"What you did is not even funny or joyous so I'm not killing the fun," seryosong sabi niya. He's too serious. Siguro mali ang ipinangalan sa kanya ng ina niya. Mukhang namana niya ang pagiging seryoso sa pangalan niya.



"Fine. I'm sorry. Pero kahit naman magpaalam ako sa 'yo, hindi mo pa rin ako papayagan. Don't worry, I will not do it again," I answered and of course, that's a lie. Gusto ko lang na maging kumportable siya habang nasa loob ako ng katawan niya. But again, that's impossible. Even when I'm not overtaking his body, he's already uncomfortable with my presence.



"Liar. Of course, you'll do it again. Hindi mo na ako maloloko," seryosong sabi niya.



"Kung ganu'n, huwag kang matulog para mabantayan mo ako," natatawang paghahamon ko sa kanya. I was looking forward on the dark circles on his eyes. Tiyak na hindi niya makakayanan ang hindi matulog. Bibigay rin siya kahit ano pa ang mangyari. Mabuti na lang, wala akong katawan kaya hindi ako napapagod at inaantok.



He hissed with annoyance. He sighed heavily. Bumaling ang atensiyon niya kay Kendrick pero iniisip pa rin niya ang sinabi ko tungkol sa sikretong silid na nasa loob ng silid ng ama niya. At naiinis pa rin siya dahil sa ginagawa kong pagkontrol sa katawan niya nang wala siyang kaalam-alam. Sumasakit na ang ulo niya dahil hindi niya alam kung paano ako pipigilan sa ginagawa ko. I grinned inside his head. Magic. He needed magic to do that.



"You're right. She did control my body," seryosong sabi ni Zirrius.



Napailing si Kendrick. Sumandal siya sa isang puno at humalukipkip. "She's reckless for using magic on the palace's grounds. Paano kapag nakita ka ng mga tauhan ng hari? Tiyak na hindi sila magdadalawang-isip na patayin ka. Hindi naman sila maniniwala kahit sabihin mo na may ibang kaluluwa na kumukontrol sa katawan mo," seryosong paalala ni Kendrick kay Zirrius. "You really need to seal her if she doesn't want to listen," he added. My soul frowned. Ginagatungan pa niya ang mga pangamba ni Zirrius.



"Do you want me dead?" tanong sa 'kin ni Zirrius.



"No. Not yet," natatawang sagot ko sa kanya. "Right now, my priority is to keep you alive at all costs," seryosong saad ko pa. Kahit magalit pa siya sa 'kin, hinding-hindi ko siya hahayaang mamatay hangga't nasa loob ako ng katawan niya. Sa ngayon, siya lang ang tanging pag-asa ko upang makabalik sa Elfania. "Huwag kang mag-alala. Mag-iingat na ako simula ngayon. Hindi ko na muna kokontrolin ang katawan mo."



Napailing si Zirrius. Naguguluhan na siya at sumasakit na talaga ang ulo niya sa halo-halong problema na kinahaharap niya. "Don't you want to visit the secret room? O gusto mo bang malaman kung sino ang taong gumagamit ng mahika sa loob ng kastilyo? He got the keys on your father's room. It's intriguing," pag-iiba ko ng usapan. "May ideya ka ba?" I asked again. Napansin ko na nag-iisip na siya kung sino ang taong tinutukoy ko pero wala siyang maisip. Hindi niya alam kung ang hari 'yon dahil ipinagbabawal nito ang paggamit ng mahika. Inisa-isa niya sa isip ang mga taong nakatira sa loob ng palasyo pero halos lahat ay tila walang alam sa mahika. He didn't want to jump into conclusion and that applies on me too. I wanted proofs. He wanted proofs. We both wanted proofs.



"Zirrius?" takang tanong ni Kendrick dahil napansin niya ang pananahimik ng kaibigan. Umiling lang si Zirrius. "I need to go now. Don't worry about me. Mukhang hindi na niya kokontrolin ang katawan ko. Kung gawin man niya ulit 'yon at nakita mo, sabihin mo sa 'kin," hindi ngumingiting pahayag ni Zirrius. Seryoso ang mga mata ni Zirrius habang nakatitig kay Kendrick. Naguguluhang tumango naman si Kendrick. Naglakad na palayo si Zirrius. Agad siyang sumakay kay Aris at nagtungo sa palasyo.



"Balak mong puntahan ang silid na sinasabi ko?" tanong ko sa kanya.



"I need to see it," seryosong tugon niya.



"Don't expect too much. Tiyak na naitago na o kaya ay nakuha na ng taong 'yon ang mahahalagang bagay sa silid lalo na't may nakakita sa kanya. Ang masaklap pa, paano kung nag-aabang pala roon ang taong sinasabi ko sa 'yo? Tiyak na wala kang kawala kapag gumamit na siya ng mahika. Wala kang kalaban-laban," paalala ko sa kanya.



"Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko? Parang kanina lang gusto mo akong hikayatin na pumunta sa silid na sinasabi mo pero ngayon, parang ayaw mo," kunot-noong tanong niya sa 'kin. Ramdam ko rin ang pagkainis niya.



Malakas akong tumawa. "Go but don't die. Don't worry. I'll back you up," sambit ko sa kanya. Sana tama ang pakiramdam ko na wala ang taong 'yon sa silid ng ama niya. It's just afternoon. At sa tingin ko naman ay alam ng taong 'yon na pumupunta si Zirrius sa silid ng ama niya paminsan-minsan kaya hindi siya magpapakita roon.



Bumuntong-hininga lang si Zirrius. Kinakabahan din siya dahil hindi siya sigurado sa papasukin niya. Whatever may happen, I will help him. Titiyakin ko na hindi siya mamamatay. Kung kailangan kong kontrolin ang katawan niya nang wala sa oras, gagawin ko. I know, I am selfish but that's just how I am.



Nang makarating kami sa palasyo, agad na nagtungo si Zirrius sa silid ng ama niya pero nakahanda ang espada niya sa maaaring mangyari. Kung sakaling may kalabang naghihintay sa silid ng ama niya, nakahanda siyang lumaban. Parang gusto kong mapailing dahil walang magagawa ang espada niya sa mahika. Unless his sword was something special, it might make a difference. Maingat siya sa bawat hakbang niya at pinapakiramdaman ang paligid. Bago niya pinihit ang seradura ng pinto, pinagmasdan muna niya ang bawat pasilyo. Walang masyadong tao na dumadaan sa silid ng ama niya. Nang makasiguradong walang nagmamasid ay bumunot siya nang malalim na hininga bago tuluyang pumasok. Maingat at magaan ang bawat hakbang niya na tila isang magnanakaw. Dahan-dahan din niyang inilapat ang pinto upang isara.



"Hala kaaaa! Booooo!" malakas na panggugulat ko sa kanya. Halos mapatalon siya sa ginawa kong ingay na halos manginig pa ang katawan niya. Sunud-sunod na nagmura siya sa isip niya dahil sa ginawa kong pagsigaw samantalang ako naman ay malakas na tumawa. "Damn! Kung pwede lang kitang sakalin, nagawa ko na!" naiinis na bulyaw niya sa isip niya. Mas lalo lang akong tumawa dahil naramdaman ko rin ang pagtalon ng puso niya kanina dahil sa gulat. Hanggang ngayon ay ramdam ko na hindi pa rin nagiging normal ang pagtibok ng puso niya. Mabuti na lang at wala siyang sakit sa puso kung hindi ay ako ang magiging kawawa.



He bit his lower lip to suppress his frustration and anger. Malakas lang akong tumawa dahil sa pagpipigil niya. Pinakiramdaman ko rin ang paligid katulad ng ginagawa niya habang dahan-dahan siyang naglalakad sa loob ng silid. Tahimik na tahimik ang paligid. Minsan ay tumatama ang malakas na hangin sa bintana at bahagyang gumagawa ng ingay. Walang makikitang bakas na may nagtangkang pumasok dito. Tila hindi nagalaw ang mga kagamitan sa loob. Nasa ayos ang lahat maliban sa lamparang naiwan ko sa ilalim ng mesa.



"Nasaan ang tinutukoy mong silid?" seryosong tanong niya sa 'kin.



"Nasa likod ng painting. You need to push a brick," sagot ko sa kanya. He nodded. Naglakad siya patungo sa larawan ng mga magulang niya. Maingat na ibinaba niya ito. Isa-isa niyang pinakiramdaman ang mga bricks ng dingding. Napakunot-noo siya dahil ni isa sa mga batong itinulak niya ay hindi gumalaw. Maging ako ay nagtaka. Mali ba ako?



"Are you sure there's a hidden room here? O baka gumagawa ka lang ng kwento?" naiinis na tanong ni zirrius dahil halos lahat ay nasubukan na niyang itulak pero walang nangyayari. Saglit akong nag-isip. Hindi ko alam kung tama ang iniisip ko pero wala na akong maisip na iba pang paliwanag sa mga nangyayari.



"Hindi ako gagawa ng kwento para lang sa wala. Sigurado ako na isa sa mga batong 'yan ang switch. Pero mukhang maingat ang taong 'yon lalo na't may nakakita sa kanya. Not bad. Maybe he sealed the switch so no one will find it," seryosong sagot ko kay Zirrius. "No one will leave something so important and precious unless he is a fool," I added meaningfully. Natahimik si Zirrius dahil naintindihan niya ang punto ko pero alam kong hindi pa rin nawala ang pagdududa niya.



"So what shall we do now?" he asked. Pinakiramdaman ko ang paligid. Suddenly, something hit me. I realized that there was something wrong. I could feel the heaviness of dark magic inside this room. Everything inside this room was sealed. This is bad.



"Let's get out of here. As much as possible, avoid this room at night," seryosong utos ko sa kanya. Dark magic was much stronger at night.



"Why?" kunot-noong tanong ni Zirrius sa 'kin.



"Just follow me," seryosong utos ko sa kanya. "Hindi tayo maaaring magpadalos-dalos lalo na't malakas ang mahika na bumabalot sa silid na ito," dagdag ko pa. This castle was a puzzle. Mukhang walang masyadong alam si Zirrius sa sarili niyang kastilyo.



"Wala ka bang alam na secret passages dito?" tanong ko sa kanya nang makalabas kami sa silid. Umiling siya habang magkasalubong ang mga kilay. "No wonder, you don't even realize the secret room on your father's room," natatawang sabi ko sa kanya.



"Ano ba ang binabalak mo?" iritadong tanong niya sa 'kin.



"Mag-aral ka muna ng mahika. Saka ko sasabihin sa 'yo ang plano kapag handa ka na," natatawang sabi ko sa kanya. He frowned. He couldn't agree or even disagree. He was stuck at the middle of curiosity and frustration. "Head to the library," utos ko sa kanya. Kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka. Pakiramdam niya, kanina ko pa siya inuutusan kaya nagdadalawang-isip na siya. Malakas akong tumawa dahil ngayon lang niya naramdaman na minamanipula ko siya.



"You need to find something useful about magic," paalala ko sa kanya. He sighed heavily and headed silently to the library. I was glad that he didn't bother to argue. Nang makapasok siya sa library, agad ko siyang inutusan na maghanap ng mga libro na may kinalaman sa mahika. Wala siyang nagawa kundi ang magtungo sa malalaking book shelves. Napansin ko na maalikabok na ang mga libro. Halatang walang masyadong pumupunta sa silid-aklatan na ito. Sayang ang mga kaalaman na hindi napapakinabangan. He scanned every titles of the books. Sometimes, he couldn't help but sneeze due to the dusts. And I couldn't help but laugh and pity him. Halos mag-iisang oras na kaming naghahanap pero wala kaming makita. Masyadong matataas at madami ang mga bookshelves na nakahilera kaya imposibleng malibot namin ito sa loob lang ng isang araw. Napapagod na umupo siya sa isang silya.



"Mukhang wala rito ang hinahanap natin. O baka naman nasa pinakamataas na bahagi ng mga bookshelves ang mga libro tungkol sa mahika," I said with disappointment.



"I told you. The King already forbids magic," naiiling na sabi ni Zirrius.



"Check the book you received from Rein," sabi ko nang maalala ko ang ibinigay ni Rein. "Wala na ba silang mas magandang libro ng mahika maliban diyan?" tanong ko sa kanya.



"Huwag ka na ngang mapili. Ang alam ko, ipinasunog na ng hari ang mga libro tungkol sa mahika," sabi ni Zirrius. Inilabas na niya ang librong ibinigay ni Rein.



"Ahhhh. Ipinasunog na pala tapos ngayon mo lang sinabi? Magaling!" naiinis na sabi ko sa kanya. Napangiti siya dahil sa reaksiyon ko.



"It's fine. Hindi naman ikaw ang nahirapan sa paghahanap kundi ako," naiiling pero nakangiting saad niya. Nakakainis kapag ngumingiti siya. Parang gusto ko tuloy maging mabait bigla. Those charming smile could surely melt someone's heart.



"Hindi nga ako ang nahirapan pero nasayang naman ang oras natin," mataray na wika ko para maalis ang kung anong naglalaro sa isip ko. He chuckled heartily. "I just want to waste your time," sabi niya na parang gusto lang ibalik ang sinabi ko sa kanya noon. My soul frowned. Kung pwede lang siyang batukan, ginawa ko na. Pero ayos na rin dahil ramdam ko na hindi na siya galit sa 'kin. Maybe this was already a good thing.



Binuksan na ni Zirrius ang aklat pero nagsalubong ang kilay niya dahil hindi niya maintindihan ang mga nakasulat doon. Nababasa niya pero hindi niya alam kung paano gagawin ang mga nakasulat tungkol sa pagkontrol sa mahika. I was right. The book was just about the basics. Pwede kong ituro ang lahat ng 'yon kay Zirrius kahit wala ang libro.



"Huwag mo ng intindihin 'yan. I'll teach you instead," seryosong sabi ko sa kanya. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko. "Mukhang matatagalan pa bago bumalik si Zach kaya ako muna ang magtuturo sa 'yo," sambit ko pa. "Any objections?"



Nagdududa siya. "Why will you teach me when all I want is to seal you?" tanong niya.



"Because you're so naive. You're weak. How will you even fight against magic when I'm not around? You'll surely die but I don't want that to happen. Kahit matigas ang ulo mo, kailangan pa rin kita," seryosong sagot ko sa kanya.



Sumimangot siya. "Mas matigas ang ulo mo. You're selfish," naiiling na saad niya.



Malakas akong tumawa. "Wala akong ulo. Kaluluwa lang ako. And yes! I'm selfish especially when I need you," natatawang pang-aasar ko sa kanya. Ngumuso lang siya. "Shall we start then?" he asked.



"Shoot! Anytime baby," natatawang sagot ko sa kanya.



~~~



Dalawang araw ang lumipas. Katulad ng sinabi ko sa kanya, hindi ko muna kinontrol ang katawan niya. Hindi na rin naman niya nagawang magsanay kahapon dahil sa paghahanda para sa gaganaping pagtitipon ngayong Linggo. Maaga siyang gumising ngayon dahil ito na ang araw na hinihintay ng lahat. Hindi ko na muna tinangkang pasukin ang silid ng ama niya dahil alam kong may hindi tama sa silid na 'yon. Hindi ako sigurado kung ano'ng mahika ang ginamit doon. It was surely dangerous. I didn't want to risk Zirrius' life.



I heard the loud music from the trumphets and other orchestral instruments to welcome the guests. Magagara ang suot ng mga tao na malapit sa kaharian. Maging ang mga alipin at mahihirap ay napilitang magsuot ng maayos na damit upang salubungin ang mga dayo. Masyadong mapanlinlang ang kahariang ito. Hindi tuloy nakikita ng ibang kaharian ang totoong estado ng mga tao sa lugar na ito. The officials favoring the King are elegantly dressed but I was sure that they are rotten to the core. Hiding their true colors on those vintage dresses and clothes won't do them any good. Nakahilera sila sa isang tabi at naghihintay sa pagdating ng mga mahahalagang panauhin. Nakapaskil ang magagandang ngiti nila sa labi.



Nang makarating si Zirrius sa bungad ng palasyo, mapapansin ang mga katulong na nakahilera habang inaabangan ang pagpasok ng mga hari at reyna at ng iba pang mahahalagang panauhin. Naghihintay na ang hari sa pinakagitna ng pasilyo na pinaggigitnaan nina Leo at Zirrius. Lahat ng katulong at guwardiya ay yumukod sa unang pagpasok ng Hari ng Tresha. Siya ang unang dumating. Napansin ko na bata pa ang hari ng Tresha. Maybe he was just on his thirties. Maganda ang tindig nito habang pinapalibutan ng mga guwardiyang tagabantay at kanang kamay nito. Napansin ko sa malayo ang magagarang karwahe na tumigil sa harap ng palasyo. Nakipagkamay ang hari kay King Aulius.



"Magandang araw, King Aulius," he said as he smiled genuinely to the King. Nakangiting tinanggap ni King Aulius ang kamay ng batang hari. King Aulius' smile was very warm and welcoming. Parang gusto kong sumimangot. I couldn't tell if he was just doing it for show.



"Kamusta, King Luke? Masaya ako at nakarating ka nang matiwasay," King Aulius said. Napatango si King Luke. "I'm glad too. It seems that no one cares if I die or live but the trip is tiring though," he said with a smile.



"Of course, everyone cares about you and your safety," nakangiting wika ni King Aulius. Mahinang tumawa lang si King Luke.



"So they are your sons?" tanong ni King Luke nang mapansin niya si Zirrius at Leo sa gilid niya. Si Lord Kelvin naman ay napatikhim nang bahagya habang pasimpleng inaayos ang kasuotan niya. Mukhang hindi sakto ang damit na ipinatahi niya. Gusto kong tumawa dahil sa obvious na pagpapansin niya. The King looked at Zirrius and Leo.



"No. This is my son, Leo," pakilala niya kay Leo. "Pamangkin ko naman si Zirrius," turo naman niya kay Zirrius. Ngiting-ngiti si Leo samantalang si Zirrius ay seryoso lang pero nagbigay-galang kay King Luke. I hate this awkward introduction. Mabuti na lang dumating na ang iba pang mahahalagang panauhin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro