Soul 2: Training Ground
"Will you run away from me?"
AVERY
Nanahimik na muna ako habang naglalakad siya. Pinag-aaralan ko ang buong paligid. Sinasaulo ko ang mga daan. Maraming babae at guwardiya ang bumabati kay Zirrius. Seryosong tumatango lamang siya sa mga ito. Bagay talaga sa kanya ang pangalan niya. May ilang kababaihan din na anak ng matataas na pinuno sa kaharian ang pilit nagpapansin sa kanya pero pasimple nga lang. Hindi ko naman sila masisisi dahil sobrang gwapo nga namang nilalang ni Zirrius.
"Are you still there?" he asked through his mind. I smiled because he noticed my silence. Hindi pa rin ako nagsalita. I want to give him a break. Mamaya ko na siya guguluhin kapag nalaman ko na ang mga dapat kong malaman. Muli niyang inulit ang tanong niya at pinakiramdaman ang sarili kasabay ng pagkunot ng noo. Naghintay siya ng ilang minuto pero wala siyang nakuhang sagot. He bit his lower lip asking himself if he was just hallucinating. He sighed heavily and shrugged his shoulder as he convinced himself that he was just imagining things. I smiled again. He was adorable.
May lumapit na guwardiya kay Zirrius. May sinasabi ito tungkol sa pag-atake ng ibang kaharian sa Alveria. Isang malawak na lupain ang Alveria kung saan binubuo ito ng maraming bayan. May mga pilit na sumasakop sa Alveria katulad ng ginagawa ng Asteria sa Elfania. Sa panahon namin, uso ang digmaan. Uso ang palawakan ng teritoryo. Uso ang mga hidwaan at hindi pagkakaintindihan.
"Mahal na prinsipe, magandang araw! Ipagpaumanhin kung nagambala kita pero kailangan mong malaman ang balita. May mga nawawalang guwardiya na nagmamanman sa pader, sa timog. Nang hanapin sila, nakita ang katawan nila sa kagubatan. Duguan at patay na. Hindi pa matukoy kung sino ang may kagagawan nito," nag-aalalang saad ng guwardiya. Sumeryoso si Zirrius. Kinabahan siya dahil iniisip niya na baka may nakapasok na kalaban sa kaharian niya. He was worried for his people. I frowned because the King assigned Zirrius to be the captain of the guards or the army. Halatang-halata na gusto niyang mamatay si Zirrius upang maging legal na ang pag-upo niya sa trono. Hindi ko pwedeng dalhin si Zirrius sa Elfania hangga't hindi nareresolba ang problema niya rito.
Zirrius kept his cool. Pero alam kong nasaktan siya dahil sa pagkamatay ng ilang tauhan niya. Kung ako ang nasa posisyon niya, tiyak na magpa-panic agad ako at hindi alam ang gagawin. Mukhang marami akong matututunan mula sa kanya tungkol sa pamamahala sa isang kaharian. I'm glad the gods see through this. "Magpadala ka ng guwardiya sa timog na papalit sa kanila. Create a checkpoint for all the residents secretly. Huwag ninyo ipapahalata na sinisiyasat ninyo sila. Kapag may kahina-hinalang tao na hindi taga-Alveria ay manmanan ninyo. Just don't alarm the residents for the possible threat. I don't want them to panic," he said. "Send me reports before the day ends. I'll discuss this with the King."
Tumango naman ang guwardiya at agad na umalis upang sundin ang inutos ni Zirrius. I was just eighteen and I don't have any experience to manage Elfania. My parents unexpectedly died on their journey to Veldania Kingdom to seal an agreement. I never got the chance to know who ambushed them. Basta nang namatay sila, agad-agad na inilipat sa 'kin ang kapangyarihan upang pamahalaan ang Elfania. I instantly became the Empress. Kasabay ng pagiging Empress ko, bigla namang sumugod ang Asteria at doon na ako nagpasyang umalis. Wala akong alam sa pamamahala. I thought my parents will still live for centuries that's why becoming an Empress never crossed my mind yet. Kaunti lang ang naituro ng ama ko sa 'kin. I mastered almost all the spells at a young age. I even learned the forbidden spells secretly because I was too curious and my parents won't let me practice it. One of the forbidden spells was to transfer my soul to another body. Hindi ko rin akalain na magagamit ko talaga ito. Maybe I'm just lucky that nothing bad happened to me in the process.
Noon, sinasabi sa 'kin ng ama ko na kailangan ko ng matuto pero hindi ako nakikinig. I'm still too young. Eighteen years is still too young for an elf. All I want is to live my own life without the heaviness of a ruler's responsibility. Sometimes my father will request my presence on court to watch but all I do was to refuse. Madalas akong tumatakas patungo sa kagubatan upang mangaso. Sometimes, I was with my bestfriend to do the hunt. Minsan, nagpapagalingan din kami sa kung anu-anong bagay.
Ipinagpatuloy na ni Zirrius ang paglalakad. He was analyzing the situation inside his head. Pinakinggan ko lang ang iniisip niya at hindi siya ginulo. I could use him as a training ground. Then suddenly a group of ladies came across his way. They all vowed their heads to Zirrius with respect but noticed the most beautiful among them.
"Magandang araw, mahal na prinsipe," sabay-sabay na bati nila. They all curtsied. Marahang tumango si Zirrius pero napansin ko na nakatitig lamang siya sa pinakamagandang babae sa grupo. Liana ang pangalan niya na narinig ko sa utak ni Zirrius. He was inlove with her. It seems that they have a secret relationship. Gusto kong mapailing dahil mukhang masisira ko pa ang relasyon nila. Trouble is really appropriate to be my name. Hindi ko kasi kaya na makipagtalik si Zirrius kay Liana habang nasa loob ako ng katawan niya. Baka masuka pa ako kahit wala akong sariling katawan. Hindi ko sila kayang panoorin. Tumango si Liana kay Zirrius bilang pamamaalam. Unti-unti kong nadidiskubre ang lahat tungkol sa pagkatao ni Zirrius habang nananatili ako sa loob ng katawan niya. Mukhang mahinhin si Liana kung titingnan pero alam kong hindi. Right now, Zirrius was missing her body. Ibig sabihin may nangyari na sa kanila. He want her all for himself.
Dumiretso si Zirrius sa korte kung saan nagtipon-tipon ang matataas na opisyal ng kaharian. Umupo na siya sa upuang nakalaan para sa kanya. Wala pa ang hari pero napansin ko ang isang lalaki na ngumisi nang nakakaloko kay Zirrius. Zirrius secretly frowned because the guy was his cousin, Leo. The son of the king and that made him a prince too. Ramdam ko ang pagkadisgusto ni Zirrius sa pinsan niyang mataas ang tingin sa sarili. Maybe Leo was thinking that he will inherit the crown of the King. I frowned with the thought too.
May mangilan-ngilang opisyal na nag-uusap. Ang ilan naman ay tahimik na naghihintay sa hari. Ilang minuto ang nakalipas, natahimik ang lahat nang pumasok ang hari sa loob ng korte. Seryoso ang mukha niya at hindi pa ganu'n katanda. Maybe he was in his late forties. For an elf it's not old but for a human it is. Hindi ngumingiti ang hari nang tumayo ang mga opisyal upang magbigay respeto sa kanya. For me, he's an arrogant bastard. Hindi ko alam kung bakit hindi pa inililipat kay Zirrius ang kapangyarihan gayong nasa sapat na gulang na siya.
Umupo na ang hari at sumunod naman ang mga mataas na opisyal. One by one, they reported according to their duties. Ang iba ay namamahala sa kabuhayan ng buong kaharian. Ang iba ay nangangasiwa sa ibang transaksiyon sa labas ng kaharian. Ang ilan ay naghain ng problema tungkol sa mga nahuhuling gumagamit ng mahika sa loob ng kaharian. I frowned when I heard that some prisoners became slaves. Napansin ko na hindi rin ito nagugustuhan ni Zirrius. Ang ilan ay naghain ng mga problemang kinakaharap ng mga pananim at ng iba pang kabuhayan. May mga reklamo rin ang taong bayan na sinasabi ni Lord Zed pero hindi ito masyadong binibigyang pansin ng hari. Lord Zed gritted his teeth silently. Hindi rin makaangal ang ibang hindi napakikinggan. Sa totoo lang, hindi bulok ang sistema. May mga tao lang talagang sadyang nagbubulag-bulagan.
"Mahal na hari. Kailangan nila ng pondo para sa kabuhayan ng ating mamamayan. And for the prisoners, it's not right to turn them into slaves," seryosong saad ni Zirrius dahil hindi na siya nakapagtimpi pa. Ang mga tinutukoy niyang prisoners ay nagmula sa iba't ibang kaharian na nagtangkang umatake sa Alveria. Zirrius received a sharp gaze from King Aulius.
"Kailangan nilang matuto. Hindi sila titigil hangga't hindi nila natitikman ang sakit at hirap. They must be punished," seryosong saad ni King Aulius.
"Kaya hindi tayo tinitigilan ng ibang kaharian ay dahil sa pagpapahirap natin sa kanilang nasasakupan," matigas na saad ni Zirrius.
"Ganito rin ang ginagawa nila sa iba nating nasasakupan na kanilang nahuhuli," King Aulius said. Naghahamong tumingin ang hari kay Zirrius. Halata sa mga mata ng hari na hindi niya gusto si Zirrius.
"Pero wala kayong ginagawa para iligtas ang mga nasasakupan natin," mapait na saad ni Zirrius.
"Wala kang karapatan na magsalita ng ganyan sa ating hari!" mariing saad ni Leo. Oh! The Prince wannabe. Kung may sarili lang akong katawan baka binatukan ko na siya.
Zirrius clenched his fist. Natahimik ang mga tao sa loob ng silid. Ang iba ay natutuwa dahil ipinaglalaban ni Zirrius ang karapatan ng mga tao sa kanilang kaharian. Ang iba naman ay hindi natutuwa dahil tiyak na sila ang nagsisimula ng mga hindi magagandang panukala.
"Nahuli sila dahil sa kapabayaan nila. Kung susugod tayo upang iligtas sila, tiyak na magsisimula lang tayo ng digmaan. Pero sige! Kung gusto mo, humayo ka!" naghahamong saad ng hari. "Just don't drag my army with your recklessness!"
Pinigilan ni Zirrius ang pag-iling. Alam niyang hindi siya mananalo sa hari. He sighed heavily and calmed himself.
"I'll think about it. Paumanhin sa kapangahasan ko, mahal na hari," mahinang saad ni Zirrius. Gusto ko ring mapailing. If only he had the power to disobey the king.
Nagpatuloy ang usapan. Nagbigay ng kaunting pondo ang hari para sa ilang pinuno ng mga bayan. Dumako na ang usapan sa digmaan at alitan sa ibang kaharian. Nagsialisan na ang ibang opisyal na hindi na kasali sa usapan.
Kung si Zirrius ang hari, tiyak na makikinig siya sa mga taong nasasakupan niya. Hindi siya natutuwa sa kaunting salapi na natatanggap ng mga tao ng kaharian. He knew better. Naiwan ang kanang kamay ng hari, si Leo, Zirrius at pumasok ang ilang opisyal na namumuno sa mga hukbo. The officials gave their reports too. May ilang napalaban at may ibang namatay sa digmaan. Pinag-uusapan nila kung magkano ang ibibigay sa mga taong namatayan ng mahal sa buhay. Mas lalo akong nainis dahil sa kaunting salaping ibibigay nila sa pamilya ng mga nasawi. Pero umangal si Zirrius dahil hindi naman 'yon ang napag-usapan. When they accepted the people who are willing to enter the army, the king agreed to fully support their families when they died.
Sumimangot ang kanang kamay ng hari na si Lord Kelvin. "Hindi pa natin ibibigay ng buo ang benipisyo nila. Paunti-unti muna," he said. Pero alam ko na nagsisinungaling siya. Natahimik din ang mga opisyal. Zirrius looked at him with doubt. Kilala na niya si Lord Kelvin. Alam na niya na hindi ito mapagkakatiwalaan. Iniisip na ngayon ni Zirrius na kung magiging hari siya, si Lord Kelvin agad ang tatanggalin niya sa puwesto. Ngayon, alam ko na kung bakit nahihirapan si Zirrius na mabawi ang trono niya. Kaunti lang ang kakampi niya at hindi rin ganu'n katataas ang posisyon ng mga ito. Hindi tumataas ang posisyon ng mga taong gumagawa ng tama para sa kaharian. Kung sino pa ang gumagawa ng mali, sila pa ang tumataas. It's really ironic.
Hindi na lang muna ito pinagtuunan ng pansin ni Zirrius. Marami pang problema na kailangang harapin. "Hindi pa kami sigurado pero mukhang may nakapasok na kaaway sa kaharian natin," seryosong saad ni Zirrius.
"Kung ganu'n gawan mo ng paraan," saad naman ng hari.
"Mahirap dahil hindi namin alam ang mukha nila. And I heard that they are after Lord Kelvin's head," nakangising saad ni Zirrius. And I know, it was just a bluff. Gusto lang niyang takutin si Lord Kevin. Pinigilan ko ang pagtawa. I don't want to distract Zirrius.
Namutla ang mukha ni Lord Kelvin. "What? Why did you allow them to enter? Go and dispatch them!" he said with annoyance. Zirrius frowned.
"You're not the king. Don't give me orders," hindi ngumingiting saad ni Zirrus. Nice one! One point for Zirrius! Natahimik si Lord Kelvin at namula dahil sa galit.
"Huwag kang mag-alala, Lord Kelvin. Tiyak na pinagti-trip-an ka lang ni Zirrius," natatawang saad ni Leo.
"Why are they really here?" seryosong saad ng hari. He didn't buy what Zirrius had said. Zirrius shrugged his shoulder.
"I'm not sure yet but we already take some precautions," saad niya.
"Then report immediately when you learn why they are here. Baka mula na naman sila sa ibang kaharian o baka mga rebelde lang," seryosong saad ni King Aulius.
"I need Leo's help. It's already time to train him since he's also a Prince," seryosong saad ni Zirrius. Parang gusto kong tumawa dahil pati ang pinsan niya ay pinagtitripan niya. Hindi ko alam kung ano ang binabalak ni Zirrius. I wondered if he could let his cousin die on a battle. Natigilan ang hari at saglit na nag-isip. Alam kong hindi gusto ng hari na mamatay ang tagapagmana niya. The king didn't saw this coming. Tiyak na gusto lang niyang mawala si Zirrius pero hindi si Leo. Matalino si Zirrius. Alam kong hindi siya magpapatalo agad-agad.
"Father, I don't want to come. Hayaan mo na si Zirrius na gawin ang mga ganyang bagay," nakasimangot na saad ni Leo.
"But he's right. You also need to train with swords," seryosong saad ng hari. "Sige. Isama mo siya," saad ng hari. Nagulat ako nang pumayag ang hari. Hindi ko na tuloy alam kung tama o mali ba ang iniisip ko tungkol sa kanya. Maybe he has another plan. Well, I'm excited to know. Nagbigay ng utos ang hari sa bawat opisyal bago siya umalis. Nakasimangot naman si Leo. He was a brat.
Umalis na si Zirrius. He sighed heavily. Nagmamadali ang yabag niya patungo sa silid niya. Nagulat na lang siya nang may humila sa kanya patungo sa madilim na parte ng kastilyo. Kahit ako ay nagulat nang may humalik sa kanya. Ilang segundong natigilan si Zirrius bago niya nakilala ang babaeng humalik sa kanya. It was Lady Liana. He kissed her back hungrily. Mabilis na gumalaw ang kamay niya patungo sa baywang ni Liana. I frowned because this was not the scene I'm expecting. Nagulat pa ako nang hilahin ni Zirrius si Liana patungo sa loob ng silid niya. Hindi ko alam kung paano ko natatagalan ang ginagawa nila. Napasinghap na lang ako nang magsimula na si Zirrius na hubarin ang suot ni Liana. Hindi ko mahanap ang boses ko dahil sa gulat.
They were really into what they're doing. Like they were somehow high with drugs. Hindi ko alam kung sisigaw ba ako nang tuluyan na nilang mahubad ang saplot ng isa't isa.
"Zirrius..." mahinang tawag ko sa pangalan niya. Hindi niya pinansin ang tinig ko na alam kong narinig niya. He was drown into Liana's kisses. Nang ihiga na ni Zirrius si Liana, doon na ako sumigaw.
"Zirriussssssssssss! Are you fucking serious?" I shouted with frustration. If only I have a heart, it will surely beat so fast. Natigilan si Zirrius na tila binuhusan ng malamig na tubig sa katawan.
"You're still there?" he asked in his mind.
"Obvious ba? Gusto mo yatang manood ako ng live show? Umagang-umaga!" naiinis na bulyaw ko sa isip niya. He sighed with frustration. Nagtaka naman si Liana dahil sa pagtigil ni Zirrius. She kissed him again. Zirrius went hard and tried to forget about me.
"Paalisin mo na ang babaeng 'yan!" naiinis na saad ko. Muling nawalan ng gana ni Zirrius nang marinig ang boses ko. Wala sa sariling kumalas siya kay Liana. Naiinis na sinabunutan niya ang buhok at umupo sa gilid ng kama. Naguguluhan siya kung ano ba ang gagawin.
Nagtataka namang bumangon at umupo si Liana. She covered her naked body with a blanket.
"Why?" nagtatakang tanong ni Liana.
"Paalisin mo muna siya ngayon, Zirrius. Huwag muna ninyong gawin hangga't nasa loob ako ng katawan mo," nagmamakaawang saad ko sa kanya.
"Ikaw ang umalis!" naiinis at wala sa sariling saad niya. Hindi niya napansin na nasabi niya ito nang malakas. Malakas akong tumawa dahil nagulat si Liana sa sinabi niya. Akala niya siya ang kinakausap ni Zirrius.
"Oh shit!" Zirrius cursed. Agad niyang tiningnan si Liana na ngayon ay naluluha na. Agad na tumayo si Liana at galit na nagbihis. Hindi malaman ni Zirrius ang gagawin kaya agad siyang lumapit kay Liana.
"I'm sorry, Liana. Hindi ikaw ang kausap ko. I was talking to..." natatarantang saad ni Zirrius pero hindi niya maituloy ang sasabihin. Mas lalo akong tumawa. Lalo namang naasar si Zirrius. Mas lalo siyang nagngitngit.
"Damn Zirrius! Tayong dalawa lang ang nandito! Please! Kung ayaw mo edi huwag! Pwede mo namang sabihin sa 'kin eh," naiinis at naiiyak na saad ni Liana. "Kung ayaw mo na, sabihin mo sa 'kin!" Masyadong mahaba ang dress niya. Wala ng nagawa si Zirrius kundi ang tulungan si Liana na magbihis dahil sa mga tali na nasalikod ng damit ni Liana. Hindi naman kasi niya hahayaan na lumabas si Liana na may magulong kasuotan. Mas lalong tumindi ang frustration ni Liana dahil hindi siya pinigilan ni Zirrius.
"You don't understand. Hindi talaga ikaw ang kausap ko. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa 'yo. Kumplikado," patuloy na paliwanag ni Zirrius. Tiningnan lang siya ni Liana na parang nababaliw na siya. Nang maayos na ang damit ni Liana ay nagmamadali na siyang lumabas at padabog na isinara ang pinto.
"Ang epic mo," natatawang saad ko.
"Shit!" saad ni Zirrius at napahilamos na lang sa mukha. Nagbihis na siya. "Umalis ka na nga sa katawan ko!" bulyaw niya.
"Alam mo, kung pwede ko lang kayong bigyan ng privacy, ginawa ko na," natatawang saad ko. "Kaso hindi ko magawa. Ayoko namang maging witness sa pagmamahalan ninyo," dagdag ko pa. "Tiisin mo muna. One to two years lang naman siguro ako sa katawan mo."
"What?" he asked with frustration. "One to two years? Are you insane?" pasigaw na dagdag pa niya.
"Yes. Or maybe, three to five years. Depende kung magagawa mo agad ang pinapagawa ko sa 'yo," natatawang pang-aasar ko sa kanya.
"Fuck!" he cursed. "I need to get you out of my body as soon as possible," he said with frustration.
"Kung kaya mo, gawin mo," natatawang saad ko pa.
Naiinis na umupo siya sa kama niya. "You're a pain!"
"Oh Zirrius. Kailangan mo ng tanggapin ang kapalaran mo. Hindi mo ako maaalis sa sistema mo hangga't wala kang ginagawa. Pansamantala, ako muna ang magiging konsensiya mo," natatawang saad ko sa kanya.
"Go to hell!" he said as he gritted his teeth.
"Magpakamatay ka muna," I said and chuckled. Napasigaw na lang siya sa frustration. Mahina na lang akong tumawa.
"Zirrius, Zirrius! Why are you so serious?" natatawang pang-aasar ko sa kanya. Muli lang siyang nagmura. Kinuha niya ang espada niya at nagmamadaling umalis ng kastilyo. Siguro dapat hinayaan ko na lang silang dalawa ni Liana? Pero hindi ko talaga kakayaning manood. Mabuti na rin siguro na nag-away sila. Nagiging kontrabida na yata ako sa buhay ni Zirrius.
-------------------------
TO BE CONTINUED...
Nakalimutan kong sabihin na may matured contents to. Hoho. Pero pipilitin ko na hindi masyadong idetalye.. Nagle-level up na kasi ang mga stories ko hahaha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro