Soul 19: Good Sign
"The time has come for you to make a move..."
AVERY
Kumatok si Zirrius sa silid ni Liana. Hindi pa rin nawawala ang inis ko. Kapag ganito ang nangyayari, mahirap pigilan si Zirrius. Kailangan ko pang sumigaw para matauhan siya.
Bumukas ang pinto. At bumungad si Liana na pakiramdam ko ay naghihintay talaga sa pagdating ni Zirrius pero hindi niya ipinapahalata. Medyo nakasimangot at nagtatampo siya pero pinapasok pa rin niya nang walang pag-aalinlangan si Zirrius.
Zirrius sighed heavily. His urges was starting to surface in the water but he's trying to stop himself because he's still considering me. I'm glad that he's thinking of me. Isinara na ni Liana ang pinto dahil sa takot na baka may makakita pa sa kanila. Nakatayo naman si Zirrius at hindi tinangkang lapitan si Liana dahil alam niya na hindi siya makapagpipigil kapag lumapit pa siya. He's trying so hard and I'm starting to pity him. Pakiramdam ko talaga nagiging kontrabida ako para sa kanilang dalawa.
"I'm sorry kung ngayon lang kita kinausap. I was just busy with the palace's businesses. At alam ko namang tulog ka na sa gabi kaya ayokong gambalain ka pa," he said apologetically. He's trying to cut this conversation short because if he stayed for too long, he will not be able to control himself. Liana bit her lower lips.
"Why do I have this feeling that I'm unwanted? Pakiramdam ko iniiwasan mo ko. Pakiramdam ko hindi na ako mahalaga sa 'yo. Mahal mo pa ba ako? Tell me," naiinis at dismayadong tanong niya kay Zirrius. "Ayokong magpakababa at humabol sa 'yo. Pwede mo naman akong diretsuhin. Why are you acting so cold? It's like I don't have the right to touch you. Bakit parang nag-iba ka na?" tanong niya. Napansin ni Zirrius ang pangingilid ng luha ni Liana kaya mariin siyang napapikit. Halata sa boses ni Liana na nahihirapan siya sa nangyayari sa kanilang dalawa. Pero mas lalong nahihirapan si Zirrius dahil sa nangyayari sa babaeng mahal niya. Ayaw niyang makitang ganito si Liana.
"I was trying to avoid you too like what you are doing. Baka kasi kaya ko ring gawin pero masakit talaga eh. Mas lalong tumitindi ang pagnanais ko na kausapin ka at linawin ang lahat. I don't want to just sit on a corner while waiting for you to move and realize what you're missing. May iba ka na ba?" nanginginig ang boses na tanong ni Liana. Halata na naiiyak na talaga siya. If only I have eyes, I'll keep them shut to give them the privacy they need. But I don't have so I need to witness all these bullshits without any choice. Iminulat ni Zirrius ang mga mata. He sighed heavily.
"Can't you let us have our moment, just this once?" he asked inside his head.
"Just no sex involve," mahinang sabi ko. I started to move away from him. If I only I could hid myself somewhere where I couldn't see and hear anything. But I don't have that place inside his body. Muling bumuntong-hininga si Zirrius. Lumapit na siya kay Liana at hinila niya ito sa mga bisig niya upang yakapin nang mahigpit. I could feel how he missed her so much. How many nights he tried so hard not to get close to her. He was just too inlove with her that I felt like I'm not needed anymore. Kung wala lang akong kailangan sa kanya, siguro matagal na akong gumawa ng paraan upang umalis sa katawan niya. But I'm selfish. Kahit masira ko pa ang relasyon nila, gagawin ko ang lahat para makabalik sa Elfania. Yes. Walang makapapantay sa pagiging makasarili ko. Kahit sirain ko pa si Zirrius para lang umalis siya sa Alveria at sumama sa 'kin, gagawin ko.
"Damn! I missed you," he whispered on Liana's ear as he hugged her tighter with care. He even kissed her hair and enjoyed her sweet and intimate fragrance. "Liana, you know that I love you. I love you and it will never change. I'm sorry for hurting you. I'm sorry for ignoring you but there are things that I just can't control," mahinang wika ni Zirrius. His voice was gentle and sweet. I hate the sound of it. It's making me sick.
"Like what? Ano ba ang tinutukoy mo?" naiiyak na tanong ni Liana. She hugged him back as if she didn't want to let him go anymore. Mariing pumikit si Zirrius. Pinag-iisipan na niya kung sasabihin ba niya ang totoo kay Liana. I wanted to suddenly interfere. Gusto ko siyang pigilan pero ano pa ba ang magagawa ko? He's too in love with her. He didn't want to lose her so he'll do anything to win her back and comfort her. Napalunok siya. Naiinis ako. Kapag sinabi niya kay Liana ang totoo, sisiguraduhin ko na mapipilitan siyang umalis sa Alveria. Gagawin ko ang lahat para umalis siya kahit alam kong hindi patas ang gagawin ko.
"Maniniwala ka ba sa 'kin kung sasabihin ko sa 'yo ang totoo?" mahinang tanong ni Zirrius. He kissed her forehead and lifted her chin so she could face him. Kumunot ang noo ni Liana. Tila kinabahan siya sa seryosong tono ni Zirrius. She knew that his secrets will not be a good thing. It may ruin something. Or if not ruin then something will surely change. Napalunok siya pero matapang niyang sinalubong ang mga mata ni Zirrius.
"If it's the truth then I will believe you," she said with an uncertain voice. She wanted to know the truth but she's afraid at the same time. Absurd but that's how humans are.
"Are you sure that you wanted to do this?" naiinis na tanong ko sa kanya. I was kinda disappointed. I wanted to rip them apart. I wanted to stop their conversation. I wanted to just stop them. I was so frustrated that I might take over Zirrius body anytime soon.
"I need to tell her the truth. She's that important to me. If you love someone, you must not keep your secrets from them," he said inside his mind. Naiinis na nanahimik ako. Bahala siya. Malalim na bumuntong-hininga si Zirrius nang hindi niya marinig ang boses ko. Nagtatalo ang kalooban niya kung ano ba ang dapat niyang gawin. Hindi ko na rin napigilan ang sarili. Nagsalita na ako.
"Not all secrets must be shared. Some secrets must remain untold," makahulugang paalala ko sa kanya. Natigilan siya. Alam kong mas lalo ko lang ginugulo ang sarili niya. Mas lalong nagtatalo ang kalooban niya. Ipinilig niya ang ulo dahil sa pagtatalo na namumuo sa utak niya. Nagtatakang tumingin sa kanya si Liana. He sighed heavily again. He stared at her confused eyes.
"I'm sorry. I'm just having this inner battle. I just don't know what to do. I want you. I want to keep you forever. I really do, Liana. I really want to," nahihirapang wika niya. He sighed heavily before he gave her a light kiss on the lips. "I must go now. I'll see you again next time," he said with heaviness on his tone. Nagmamadali siyang lumabas sa silid ni Liana.
"It's like you just ditch her," komento ko pero sumimangot lang siya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakumbinsi ko siya. Hindi pa ito ang oras upang magdiwang. Habang narito kami sa Alveria, hindi pa ako makakahinga nang maluwag.
Pinuntahan ni Zirrius ang kwadra ni Aris. Nagmamadaling pumunta siya kina Zach. He wanted to learn magic as soon as possible. He has this one goal in his mind. He wanted to seal me because he have this feeling that I'm influencing him too much. He wanted to get rid of me.
Nang dumating siya sa baryo nina Zach, agad niyang pinuntahan ang bahay nina Zach. May ilan na bumabati sa kanya. Kumatok siya sa pinto ay bumungad sa kanya ang maamong mukha ni Rein. Napansin ko pa ang bahagyang pagkagulat sa mukha ni Rein at ang bahagyang pamumula ng mukha. Napahugot pa siya ng malalim na hininga. "If you're looking for Zach, he's out. Pumunta siya sa ibang kaharian para mangalakal," mahinang wika ni Rein na tila nahihiya pa.
Napakainosente ng mukha niya at bahagyang magulo pa ang tuwid at mahabang buhok. Biglang nagbago ang isip ko na ipares siya kay Zirrius. Mawawala ang pagiging inosente niya kapag si Zirrius ang naging kasintahan niya. Nginitian siya ni Zirrius kahit alam kong dismayado siya. Sinubukang patuluyin ni Rein si Zirrius pero tumanggi siya.
"Kailan siya babalik? Ayos lang. Pasensiya na sa abala," sabi pa ni Zirrius na napapahiyang napakamot sa ulo. He smiled awkwardly at Rein. Bakit ba ang daming babae nitong si Zirrius?
"Baka sa Linggo pa. Pero nagbilin siya na kung babalik ka at gusto mo talagang mag-aral ng mahika, ibigay ko raw sa 'yo ang libro para makapagsimula ka na. Teka at kukunin ko," sagot niya at agad na umalis. Nang bumalik siya ay medyo maayos na ang buhok niya. Ibinigay niya ang maliit na libro ng mahika kay Zirrius. I noticed that the book were just for beginners. Tiyak na wala pang masyadong mahika na nakasulat doon. It's not really special.
"You need to feel the magic flowing inside you. You need to control it first before you can weild that magic into something. Ilang routines lang ang nakasulat diyan upang maramdaman mo ang mahikang nananalaytay sa buong katawan mo," paliwanag ni Rein. Zirrius nodded. Itinago niya ito sa isang maliit na telang supot.
"Thanks Rein," Zirrius said with appreciation.
"Walang anuman, Prinsipe Zirrius," magalang na wika ni Rein. Zirrius chuckled. "You're still talking to me with formality. It's fine to call me Zirrius. Wala ka na sa Alveria," mababang wika ni Zirrius habang nakangiti pa rin kay Rein. Gusto kong mapailing. Ang manhid naman kasi ng lalaking ito.
Matipid na ngumiti lang si Rein at tumungo. "Ayos lang, Prinsipe Zirrius. Kahit ano man ang itawag ko sa 'yo, hindi pa rin naman nito mababago kung gaano kalayo ang agwat mo sa 'kin... sa 'min," mahinang wika niya. Bahagyang natigilan si Zirrius at marahang tumango. Naiintindihan niya pero ramdam ko ang pagnanais niya na mabago 'yon. Ang problema, hindi niya alam kung paano.
"Sorry. I'll go ahead now," mahinang wika ni Zirrius. Tumango lang si Rein at tinanaw na lang ang pag-alis ni Zirrius. It's really hard to secretly love someone you can never have.
Bago siya bumalik sa palasyo ay dumaan muna siya sa ilang mga guwardiya na nagbabantay sa timog. Nagulat pa ako na nandun din si Kendrick at nakikipag-usap sa mga guwardiya. Natigilan din si Kendrick nang makita na papalapit na si Zirrius sa kanila. He bit his lower lip. Maging ako ay kinabahan dahil sa pagkikita nina Kendrick at Zirrius. Kitang-kita ko ang pagdadalawang-isip ni Kendrick kung sasabihin ba niya kay Zirrius ang mga nangyari.
"Kamusta, Zirrius?" bati ni Kendrick sa kanya. I could clearly hear his awkward tone. Halatang nagtatago ng sikreto si Kendrick na napansin naman ni Zirrius.
"May problema ba, Kendrick?" takang tanong ni Zirrius. Natigilan si Kendrick pero agad umiling. Halata sa mga mata niya na naguguluhan siya at hindi alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang lahat kay Zirrius. Sinenyasan niya si Zirrius na sumunod sa kanya kaya kinabahan na ako. Nagtungo sila sa kagubatan kung saan walang makakakita at makaririnig sa kanila.
"Maayos ba ang naging tulog mo?" panimula ni Kendrick. Kung hindi lang ako kinakabahan, baka tumawa na ako dahil sa obvious na tanong niya. He was too nervous to tell Zirrius the truth. Kumunot ang noo ni Zirrius at nagsalubong ang mga kilay.
"Diretsuhin mo na nga ako, Kendrick," seryosong saad ni Zirrius kasabay ng paghalukipkip. Seryosong tiningnan niya si Kendrick at pinag-aralan. Napakamot naman sa ulo si Kendrick. Bumuntong-hininga siya.
"Well, some weird monsters lurked in the castle at dawn," mahinang wika ni Kendrick.
"What?" naguguluhang tanong ni Zirrius. Napasinghap ako. Mukhang balak talaga niyang sabihin kay Zirrius.
"And I saw you fighting them," mahinang sabi ni Kendrick. "I mean, the one with the gold eyes," he added. Natigilan si Zirrius. "That's not me," Zirrius said.
"I know," tumatangong sabi ni Kendrick. "And I believe you now. Kahit napakahirap paniwalaan. I even talked to her."
Napailing si Zirrius at napasuklay ang mga daliri sa buhok.
"What's the meaning of this, Avery?" Zirrius asked me.
"I just fought some monsters while you are sleeping," mahinang wika ko.
"You take control of my body? Again?" galit na tanong niya sa 'kin. Natigilan ako dahil naramdaman ko na naman ang galit niya. Maybe this was a good timing for my plans too.
"Fine. I went to check your father's room. Pero may nangyari. May narinig akong papasok sa loob ng silid kaya nagtago ako sa ilalim ng mesa. Hindi niya ako napansin pero may isang sikretong silid siyang pinuntahan sa silid ng ama mo. Kaya nagmamadali akong lumabas pero naramdaman yata niya ang presensiya ko. Gumagamit siya ng mahika at naglabas siya ng mga halimaw na humabol sa 'kin. That's the whole story. The end. And I'm not sure if he recognized you. I used your cloak. Mukhang hindi ka naman niya nakilala pero kailangan mo pa ring mag-ingat," pagkukwento ko sa kanya.
"A secret room? Sino ang pumasok sa silid? Nakilala mo ba? And he's using magic?" naguguluhang tanong ni Zirrius sa 'kin. I caught his interest and I think that's a good sign.
"Hindi ko nakilala kung sino siya pero alam ko kung paano makakapasok sa secret room. Gusto mo bang makita?" panghihikayat na tanong ko sa kanya. I smiled to myself because I know this is my win. I need to see the room and know its secrets. Siguro oras na rin upang gisingin si Zirrius. Baka mas matauhan siya kapag may natuklasan siyang kakaiba.
------------------------
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro