Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 17: Best Decision

"Don't you want to cut their endless greed?"



AVERY



Laylay ang balikat na bumalik si Zirrius sa palasyo. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maging desisyon. Naguguluhan siya dahil iniisip niya ang mga sinabi ni Zach. Zach was right. Kung malalaman ng hari na nagsisimula na siyang mag-aral ng mahika, patay talaga siya. Pero gusto talaga niya akong i-seal kahit pansamantala lang.



"Wala ka ng pag-asa," natatawang sabi ko sa kanya. "Are you that afraid of the King?" pang-aasar ko pa.



He hissed. "No. I'm not afraid of the King. I'm afraid of breaking the rules. How can you be a good leader when you're the one who's breaking it?" seryosong sagot niya.



"You're not the one who made that rule. Sometimes, you need to break the rule so you can change it. I tell you, it will not hurt," sagot ko sa kanya. "Sometimes, you just need to change for the better."



Sumimangot siya. He doesn't want to admit that I have a point. But he has a point too. Ayaw ko lang magpatalo. Kailangan niyang matuto ng mahika para maprotektahan ang sarili niya. Lalo na kapag dumating ang oras na hindi ko siya maaaring saniban para protektahan.



Natigilan si Zirrius nang makasalubong si Kendrick na nakangiting bumati sa kanya. "You're here?" takang tanong ni Zirrius sa kaibigan.



"The King gathered all the guards. Ibinigay na niya sa 'min ang mga lugar na babantayan namin. Seems you're not aware. Tinanong ko rin siya kung bakit wala ka sa meeting. Sinabi niya na kailangan ka sa loob ng Hall dahil isa kang prinsipe," kibit-balikat na sagot ni Kendrick pero bahagyang kumunot ang noo niya makalipas ang ilang minuto. "But this is the first time for him to recognize you as a Prince. I'm starting to doubt if he ate something that upsets his stomach or is he sick?" he said the grinned.



"Talaga? Isn't that a good thing?" nakangising tanong ni Zirrius kay Kendrick. He shrugged his shoulder. Gusto ko sanang sumingit sa usapan nila pero hindi na lang muna ako nagsalita. For me, it's not a good thing if this was the first time.



"You know, I recognize you as the real King. Para sa 'kin ikaw dapat ang nakaupo sa trono. But this is really the first time for the King to acknowledge you. Hindi ko alam kung gusto lang niyang magkaroon ng magandang imahe para sa mga taong dadalo sa pagtitipon. It's like he wanted to show off. Siguro ganu'n nga talaga. But don't worry. I was assigned inside the Hall. Magkikita tayo. Sana lang walang maging aberya sa pagtitipon," saad niya at bakas sa mukha ang pagkabahala. He's doubting the coming occassion. Nakakunot-noo siya na tila malalim ang iniisip. Napakunot-noo si Zirrius sa sinabi ng kaibigan pero may bigla siyang naalala. I'm glad that he has someone on his side to support him.



"May sasabihin ako. I need your advice," saad niya at huminga nang malalim. He's planning to reveal my existence to Kendrick. He was trusting his friend too much. I hope his decisions and judgements are right. Kumunot ang noo ni Kendrick at naghintay sa sasabihin ni Zirrius.



"Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan mo siya?" nagdududang tanong ko kay Zirrius.



"What do you think? Mapagkakatiwalaan ko ba siya? We're already friends since we're a child. He's like a brother to me. A friend. He knew all my secrets except for your existence inside my body," he answered.



"Since he's that precious to you, I won't argue. Kung ano man ang mangyayari, huwag mo akong sisisihin," seryosong wika ko.



"Sa library tayo," seryosong sabi ni Zirrius kay Kendrick. Sumunod si Kendrick na puno ng pagtataka.



"You're scaring me," mahinang saad ni Kendrick. "What is it? Kapag ganito ka kaseryoso, ramdam ko na hindi maganda ang sasabihin mo," he added.



"Hindi talaga," naiiling na sabi ni Zirrius. "Promise me that you'll believe me. This thing is actually out of this world. Until now, I can't really imagine that this is happening to me for real," naiinis na saad niya. Malakas akong tumawa. "Well, you need to accept now that this is for real, baby. I'm stuck inside your body for real and there's no escaping it. Just be a kind host for me," pang-aasar ko sa kanya. He hissed. Pumasok na sila sa loob ng library at saglit na tumahimik.



Ilang minuto lang ay tiningnan niya nang seryoso si Kendrick. "Hindi ko alam kung paano sisimulan. Will you believe if I tell you that there are two souls residing inside my body?" seryosong saad niya. Unti-unting kumunot ang noo ni Kendrick dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Zirrius.



"Two souls? How come?" takang tanong niya. "You didn't hit your head somewhere, right?" nagdududang tanong niya kay Zirrius. "Man! Ito ba ang gusto mong sabihin sa 'kin? Akala ko pa naman may matinding problema na," naiiling na sabi niya.



"Matindi ang problemang ito, pare. Sinasapian ako ng espiritu!" he said with frustrations. Ramdam niya na hindi naniniwala si Kendrick sa kanya kaya malakas akong tumawa. "Sinasaniban ka ng magandang espiritu," pang-aasar ko sa kanya.



"And she's talking inside my head. Damn! This is really out of this world. I know, you will think that I'm already losing my mind but I'm not. I'm serious," he said as he gritted his teeth. Hindi niya alam kung paano paniniwalain si Kendrick. Mas lalong kumunot ang noo ni Kendrick.



"She? Chicks, pare?" he asked with interest.



"Ayan ka na naman. Kapag babae ang usapan nagiging interesado ka," naiiling na saad ni Zirrius.



"Eh kung babae naman pala, ayos lang 'yan," natatawang sabi ni Kendrick na hindi pa rin pinaniniwalaan ang sinasabi ni Zirrius. Malakas akong tumawa. "Basta babae, pwede. He's right. Be a gentleman, Zirrius. Mukhang magkakasundo kami," pang-aasar ko.



"Shit! You're both giving me headaches!" malakas na sabi niya. Mariing napahilamos pa siya sa mukha.



"Seryoso ako, Ken!" naiinis na sabi pa ni Zirrius. He's already losing his mind. Nahihirapan na siyang mag-isip kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin samantalang ako ay natatawa lang sa frustrations niya. Natigilan si Kendrick dahil sa malakas na boses ni Zirrius. Sumeryoso na siya.



"Kung babae ang nasa loob ng katawan mo, ibig sabihin, nakita na niya ang hindi dapat makita?" he asked again with interest. Mukhang sa ibang bagay siya interesado at hindi sa totoong problema ni Zirrius.



"Kendrick Lorgan," mariing wika ni Zirrius nang banggitin niya ang buong pangalan ni Kendrick. Ngumisi lang si Kendrick. "So, she already saw? Mahirap ng magpa-hard-to-get kapag nakita na. Pero seryoso na. Alam mong mahirap paniwalaan 'to. Kung nagsasabi ka ng totoo, what's your real problem?" he asked. Seryoso na ang tono ng boses niya.



"Hindi ko siya maalis sa sistema ko. Minsan sumasanib pa siya at kinokontrol ang katawan ko kapag natutulog ako. I want to seal her," he answered again with frustrations. Natigilan si Kendrick.



"Sumasanib siya?" gulat na tanong ni Kendrick. "Pwede ka ba niyang saniban ngayon para maniwala ako?" he added.



"No! Malaking problema 'yan. I don't want her to get a hold of my body. Pero kapag lumalapit siya sa 'kin, nagiging emerald green ang mga mata ko. Her eye color is gold. Kapag tuluyan siyang sumanib sa 'kin, magiging ginto ang mga mata ko. But I can show you the green eyes," he answered. Tumango si Kendrick bilang pagsang-ayon.



"Trouble, show him," saad niya sa isip niya.



"Paano kung ayaw ko?" natatawang tanong ko sa kanya.



"Just do it," naiinis na saad niya.



"Please?" pang-aasar ko pa. He sighed heavily with defeat.



"Please..." mahinang saad niya. I smiled on the back of his mind. Unti-unti akong lumapit sa kanya hanggang sa maging kulay berde na ang mga mata niya. "Gusto mo ng gold?" I asked and giggled.



"No," mariing wika niya. Mas lalo akong tumawa. Tahimik na napasinghap si Kendrick nang masilayan ang emerald green na mata ni Zirrius. He was starting to believe Zirrius.



"Why can't you just seal her?" nakaawang ang labi na tanong ni Kendrick.



"I need magic. Alam mong wala akong alam sa mahika. At kapag nalaman ng hari na gumagamit ako ng mahika, katapusan ko na. What shall I do? Hindi ko na alam ang gagawin ko. I can't stop her. seems like her soul is stronger than mine," he said with frustrations and doubt.



"I can't give you useful advice but if you really want to seal her then learn the magic secretly if that's the only way. Pero kung kaya mo naman siyang pakisamahan nang matagal, huwag ka na lang mag-aral ng mahika. It's still up to you. Your decision is still the best decision. You just need to make a stand for it and bravely face the consequences," he said with care and understanding. Ramdam ko ang pagnanais niya na tulungan si Zirrius pero wala rin siyang magagawa sa sitwasyon. It seems that he's really a good friend. Tila nawala ang pangamba ko. Mas maganda talaga na may napagsasabihan ng problema para gumaan ang loob at mabawasan ang dinadala. Ramdam ko na bumalik ang kumpiyansa ni Zirrius sa sarili.



"Then I will learn magic secretly," seryosong sabi niya. Kendrick nodded. Lumakas ang loob ni Zirrius.



"Huwag ka lang magpapahuli," nag-aalalang saad ni Kendrick.



"Keep this a secret," paalala ni Zirrius kay Kendrick.



"You can count on me," nakangiting sabi ni Kendrick. "Pero hindi ba awkward na may babae sa loob ng katawan mo?" he asked again with interest.



"You can't imagine how awkward it is. She's always ruining my day," Zirrius answered.



"Grabe ka naman. Hindi ko naman sinisira ang araw mo. Pinapaganda ko pa nga," natatawang komento ko. He hissed. Lumayo na ako sa kanya upang bumalik sa asul ang mga mata niya.



"Oo nga pala. Magsisimula na ang rounds ng mga guards bukas. Baka kasi may mga kalabang sumugod sa kaharian. Hindi maaaring masira ang pagtitipon. The King told us to be on guard all the time," seryosong saad ni Kendrick. "May tatlong makapangyarihang tao ang pipirma sa agreement for peace. Dahil malayo ang kaharian nila, tiyak na nagsisimula na sila sa paglalakbay."



Seryosong tumango si Zirrius. "Let me know if you discovered something that needs attention," he ordered.



"Sa linggo na ang kaarawan mo. Ano'ng balak mo?" takang tanong ni Kendrick.



"Wala. My focus is on that important occassion," he answered.



"We should have a drink on Monday. Sa Martes, aalis na naman kami para pumunta at magmanman sa ibang kaharian," he suggested.



"Sure," nakangiting saad ni Zirrius. Lumabas na rin sila sa library matapos mag-usap tungkol sa iba't ibang bagay na kinahaharap ng kaharian. It seems like they are both concerned about the Alveria's safety. I could picture out the future King and his right hand man as they make this Kingdom prosperous. What a great picture it is.



~~~



Pagod na pagod si Zirrius nang humiga sa kama. He attended several meetings. Masyadong malaki ang paghahanda sa darating na pagtitipon. His eyes were still open as if he didn't want to sleep but his energy was already drained. Ni hindi na niya maigalaw ang mga kamay at paa niya dahil sa pagod. Pero natatakot siya na baka saniban ko na naman siya.



"Matulog ka na," natatawang saad ko.



"Ayoko. Baka saniban mo na naman ako," nakasimangot na saad niya.



Malakas akong tumawa. "Para kang bata," saad ko. Napangiti ako sa isip niya habang unti-unting pumipikit ang mga mata niya dahil sa pagod. Kahit anong pagpigil niya, hindi talaga niya naiwasan ang pagtulog. Poor, Zirrius. Balak ko talagang gamitin muli ang katawan niya. I need to check his father's room. I need to find something. Lalo na ang tungkol kay Zara Montfort. Hinayaan ko munang makapagpahinga ang katawan niya ng ilang oras bago ko siya sinaniban.



Ramdam na ramdam ko ang pananakit ng katawan niya pero hindi ito nakapigil sa 'kin upang isagawa ang balak. I used his cloak and headed to his father's room. I'm glad that Zirrius had the key. Nang makapasok ako ay agad kong ini-lock ang pinto. Sinindihan ko ang lamparang dala ko. I started to search inside his father's room. I checked the book shelves and drawers. Ang ibang libro ay hindi ganu'n kahahalaga. Some are fictional stories about humans and elves. Mukhang normal lang lahat ng nasa silid ng dating hari. Kinabahan ako nang marinig kong may pumipihit ng seradura ng pinto. Bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpawisan ang mga kamay ko. Mabilis na pinatay ko ang ilawang dala ko. Dahil wala akong makitang maaaring pagtaguan, naisip ko na lang magtago sa ilalim ng mesa kung saan alam ko na hind ako mapapansin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang naririnig ko ang mga yabag ng taong pumapasok. Then he locked the door. Napapikit ako nang mariin at nagdasal na sana hindi ako mapansin at makita.



Naglakad patungo sa mesa ang taong ito at binuksan ang lampara na dala. Mariing kinagat ko ang pang-ibabang labi. Pakiramdam ko, gustong tumigil ng puso ko sa pagtibok habang papalapit nang papalapit ang taong ito.


----------------------

TO BE CONTINUED...


Ngayon lang nakapag-update. Sobrang busy sa work eh. Daming dapat tapusin kaya laging OT hahaha. What can you say?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro