Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 14: Faster

"Cruel, isn't it?"


AVERY



Napansin ko na selyado pa rin ang sulat sa mesa. Mukhang si Zirrius lang talaga ang maaaring magbukas noon. Napansin ko na napatingin din ang ina ni Zirrius sa sulat at mas lalong lumawak ang ngiti niya. I sighed heavily. Ito ang napapala ng mga pakialamera.



"You shouldn't worry about the contents of that letter. It's not for you. You have no use to it," makahulugang wika niya nang tumitig siya sa 'kin. While staring at her eyes, I know that she used to be dangerous. Pakiramdam ko nakikita niya ang buong pagkatao ko kahit nasa loob ako ng ibang katawan. Pakiramdam ko, tumatagos ang panginin niya sa kaluluwa ko. Hindi ko rin maalis ang mga mata ko habang nakititig nang diretso sa mga mata niya. Napansin ko ang bahagyang pagliwanag ng mga bughaw niyang mata. As if she was looking for something inside my soul. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Ano ba ang nakikita niya?



Nawala ang kakaibang kislap sa mga mata niya pero hindi nawala ang makahulugang ngiti niya sa labi. "It's a shame that we don't have much time. It seems that Zirrius grew better than what I expected," makahulugang panimula niya. "If you wanted to know something, ask it right away. Alam kong gusto mong malaman kung ano ang nalalaman ko," wika niya. Masyadong malamyos ang kanyang tinig. Napakaganda nito sa pandinig. Tila nanghihikayat ang boses niya at sigurado ako na mabibighani ang sinumang makaririnig sa kanya. Her voice made her more dangerous. Tiyak na kung magtatanong siya tungkol sa mga sikreto ko ay sasagutin ko agad-agad. I bit my lower lip. I need to get a hold of myself. Hindi ako dapat maakit sa tinig niya. She was placid and elegant. Mukha siyang makapangyarihang reyna sa isang kaharian at pakiramdam ko gusto kong manliit sa presensiya niya. Although I could feel her kindness, I couldn't be at ease because of her overwhelming presence. Pakiramdam ko, napakalakas niya.



I sighed heavily and calmed my fastly beating heart. "Looks like you know that I will be inside your son's body since you're expecting me," maingat na saad ko sa kanya. Sinusuri ko siya ng tingin. Hindi ko pa rin maalis ang paningin ko sa kanya. Ramdam ko ang paninigas ng katawan ko dahil sa hindi maitagong kaba.



She smiled. Tumungo siya na tila nararamdaman ang pagkailang ko. She was just too beautiful that she couldn't be human. And yes, she's an elf so there's no helping it. "Calm down. You don't have to be stiff while talking to me. You used to be cute and cheerful when I saw you on your childhood days. And then, I accidentally saw a glimpse of your future. I know, you will use that magic to get out of your own body," she answered. Tumingin siya sa labas ng bintana bago nagpatuloy. "And it's a dangerous magic. You will end up as a lost soul if I didn't connect you to Zirrius. I gave him multiple seals. I'm not sure if your noticed. The gold letters will connect your soul to his body. That gold letters can attract your soul," she stated. Napasinghap ako dahil sa nalaman.



"Why on his body? You should have used someone else. At para saan ang ibang seals?" nagtatakang tanong ko sa kanya.



"Because his body is the safest place for you. And you can't die. Ang Elfania ang simbolo ng kapayapaan para sa lahat ng elven kingdoms. Ikaw ang may hawak ng susi. Ikaw na lang ang natitirang dugong bughaw sa Elfania na may kakayanang gumamit noon," she added.



Nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi ko siya maintindihan. Ano'ng susi ang tinutukoy niya? Bumaling ang tingin niya sa 'kin. Napakaseryoso ng mga mata niya kaya hindi ko magawang ibuka ang mga bibig ko upang magsalita. "And Zirrius needs your help too. You both need each other's help. Kailangan niyang umalis sa Alveria sa lalong madaling panahon at ikaw lang ang makakatulong sa kanya. Marami siyang pagdadaanan. At hindi niya ito kakayanin kung mag-isa siya," seryosong saad ng ina ni Zirrius.



"Why can't you just tell me all the things you know?" naguguluhang tanong ko sa kanya.



Malungkot na ngumiti siya. "Because I didn't know everything. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong mangyayari. I only did what I think is right. Ginawa ko lang kung ano sa tingin ko ang makatutulong sa inyo. I can't even tell if you'll survive," she said with an uncertain voice. "But please survive."



"Walang balak umalis sa lugar na ito si Zirrius," naiiling na sabi ko sa kanya. "Hindi ko alam kung paano siya hihikayatin na umalis. Masyado niyang mahal ang Alveria. He's not someone who will leave when he knows that his people need him," malalim na wika ko sa kanya. Napabuntong-hininga ako.



"Hindi mo siya kailangang pilitin," mahinang saad niya.



Nagtatakang napatitig ako sa maamong mukha niya. "What do you mean?" naguguluhang tanong ko sa kanya.



"He will leave soon. Malapit na. I could feel it. Wala siyang magagawa kundi ang umalis sa ayaw at sa gusto niya. Maghanda ka. Ikaw lang ang makapagliligtas sa kanya mula sa lugar na ito," she said meaningfully. Mas lalo akong naguguluhan sa mga sinasabi niya. Hindi ko mahanap ang tinig ko.



"I haven't answered you about his seals. I can't tell you. Pero ito lang ang maipapayo ko sa 'yo dahil matagal pa bago mo matawag muli ang kaluluwa ko. I'm saying this because I didn't really store my soul inside that letter. You accidentally called me from the otherworld that's why I'm summoned here. Well, I purposely sealed the letter that way for you to open the portal from the otherworld. Pero kung nagkamali ka, baka iba ang lumabas kaya huwag mo na ulit bubuksan ang sulat. Don't be reckless. You're just lucky this time," paalala niya sa 'kin.



Magsasalita sana ako pero muli siyang nagpatuloy. "I don't have much time. Let me talk first. May anim na tao na may gintong selyo sa kanilang katawan at mula sila sa iba't ibang kaharian. I put those marks on their body. You need to find them. Kapag nakumpleto silang anim, saka pa lang ninyo malalaman kung ano ba talaga ang dapat ninyong gawin," she said.



"Saan namin sila mahahanap?" tanong ko kahit hindi ko pa rin maintindihan ang sinasabi niya.



"They are elves. You already have an idea. Pero hindi lahat ay matatagpuan sa elven kingdoms," makahulugang sagot niya. "My time is up. It's good to see you and my son," she added. Nabigla ako sa pamamaalam niya.



"Wait! Hindi pa tayo tapos mag-usap. You can't go like this. Gusto ko pang malaman kung ano ang ibig sabihin ng marka ng kahariang ito! Marami pa akong gustong malaman. Ikaw lang ang makakasagot sa lahat ng katanungan ko!" I frustratedly shouted. Ngumiti lang siya sa 'kin. Unti-unting nabalot ng liwanag ang katawan niya. She started to disappear slowly. "What's your name?" naalala kong itanong. She smiled kindly at me.



"If you don't hurry, he'll wake up soon," paalala niya sa 'kin. I gasped. Napalingon ako sa orasan. It was already two in the morning. Kapag nagising si Zirrius habang kinokontrol ko ang katawan niya, tiyak na magagalit siya. Nabalot ng liwanag ang katawan niya kaya wala sa sarili na tinakpan ko ang mga mata. Damn! This conversation must not end like this.



"Remember, don't open the letter again. Hindi na ako ang matatawag mo sa susunod," she added. Unti-unting nawala ang liwanag kaya muling nabalot ng malamlam na kadiliman ang silid ni Zirrius. Napabuntong-hininga ako nang malalim. Tiningnan ko ang sulat na nakapatong sa mesa. It was still sealed. I didn't get much information. Damn!



"What are you doing?" mariing tanong ng isang tinig sa utak ko. Muntik na akong mapatalon sa gulat pero ramdam ko ang pagtalon ng puso ko dahil sa hindi inaasahang tinig. Ganito pala ang pakiramdam kapag may nagsasalita sa loob ng utak mo. Para kang nababaliw.



"Right. Ganito lang ang nararamdaman ko kapag nagsasalita ka sa utak ko. Para akong nababaliw. But I don't want you to use my body without permission! What are you doing?" galit na tanong ni Zirrius sa utak ko. Ramdam ko ang pamamawis ng kamay ko dahil sa kaba. Napangiwi ako dahil nahuli niya ako. And right now, he's the one who could clearly hear my thoughts instead of me hearing his thoughts. So this happens when we switched souls. Hindi pa rin humuhupa ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Damn his heart!



"Abnormal ba 'tong puso mo?" naiinis na tanong ko sa kanya.



"Ha? Sa pagkakaalam ko, ikaw ang abnormal. Ibalik mo na ang katawan ko!" naiinis na sagot niya sa 'kin. "Fuck! Binuksan mo ba ang sulat?" naiinis na tanong niya. Napalingon ako sa sulat.



"I didn't though I tried. Hindi ko kayang buksan dahil mukhang alam ng sulat na hindi ako ikaw," saad ko. I clutched my chest. Damn this heart! Napaka-abnormal!



"Why are you taking the blame on my heart?" naiinis na tanong niya sa 'kin.



"Hindi 'yung puso mo ang sinisisi ko. Ikaw! Nagulat ako kaya bumilis ang tibok ng puso nitong katawan mo! Pakiramdam ko aatakihin ako!" naiinis na sagot ko.



"Damn! Ikaw na nga itong gumagamit sa katawan ko nang walang paalam, ikaw pa ang nagrereklamo? Shit! Maybe I should really take Zach's offer. You lied! Sinabi mo na hindi mo kayang kontrolin ang katawan ko! What the hell are you doing?" iritadong tanong niya sa 'kin. Nararamdaman ko na gusto niyang magwala pero wala siyang magawa. Tiyak na hindi niya alam kung paano mababawi ang katawan. I sighed heavily.



"Huwag ka ng magalit. I was just curious. Ibabalik ko rin ang katawan mo," mahinang saad ko sa kanya.



"Fuck this damn set up!" naiinis na sabi niya.



"Sinabi ng huwag kang magalit eh! Sige ka! Hindi ko na ibabalik ang katawan mo! Ipapahiya pa kita sa harap ng maraming tao!" naiinis na saad ko. Hindi pa rin kumakalma ang puso niya.



"Ano'ng balak mong gawin?" naiinis na tanong niya. Halatang pinipigilan niyang magalit.



"Pwede lang naman akong sumayaw sa tanghalan ng hubo't hubad," natatawang pang-aasar ko sa kanya.



"Fuck! Don't dare! Damn!" sabi niya. Narinig ko pa ang sunud-sunod na pagmumura niya. Ramdam ko na iritado siya at tila mababaliw na. He was screaming in my head and my head was aching.



"Hindi ako bingi! Huwag kang sumigaw! Loko 'to!" sigaw ko sa isip ko. "Calm down okay! I need time to give your control back!"



"Fuck!" naiinis na saad niya. Wala siyang nagawa kundi ang tumahimik. "Do it faster," naiinis na saad niya.



"Faster? Ano'ng akala mo sa 'kin? Nakikipag-sex?" naiinis na tanong ko sa kanya. "Alam mo, hindi lahat ng bagay ay minamadali. Porke't sanay ka sa mabilisan! Hindi lahat ng tao kagaya mo oy!"



"Hindi ka tao," seryosong saad niya.



Napakamot ako sa ulo. "Oo nga pala."



"Fuck!" muling pagmumura niya dahil mukhang hindi na talaga niya alam ang gagawin sa 'kin. I grinned mischievously. Parang mas gusto ko pang pasakitin ang ulo niya.



"Umiyak ka muna," natatawang pang-aasar ko sa kanya.



"Paano ako iiyak? Wala akong mata?" naiinis na tanong niya sa 'kin. Napakamot akong muli sa ulo at napapagod na umupo sa gilid ng kama niya. Ano bang pwedeng kong gawin sa kanya?



"You're getting in my nerves," iritadong wika niya.



"Wala kang nerves, kaluluwa ka lang! Ambisyoso!" natatawang pang-aasar ko sa kanya. Muli siyang nagmura. Why so stubborn, baby?


-----------------------

TO BE CONTINUED...



Sabi ko naman sa inyo. May matured contents 'to. Hahaha. Read at your own risks. :) 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro