Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Soul 11: Better Or Worst

"Because you never know how twisted your life can be..."



AVERY


Nakaupo kami sa harap ng isang maliit na mesa. Nahihiya si Rein dahil sa ginawa ng Lolo niya at hindi siya makatingin nang diretso kay Zirrius. Napapansin ko ang pamumula ng mukha niya. Nakaupo sa tabi ni Rein si Lolo Zark na halatang tuwang-tuwa pa rin dahil sa biglaang pagbisita ni Zirrius sa maliit nilang baryo.


Huminga nang malalim si Rein at tumingin kay Zirrius. Her lips were thin. It looks soft. Hindi ganu'n katangos ang ilong niya pero bagay ito sa maamo niyang mukha. "Pwede mo bang ipaliwanag sa 'kin kung ano ang nangyayari kanina?" saad ni Rein sa malamyos na tinig. Mababa lang ang tono niya pero mukhang natural at hindi nang-aakit. Hindi ito katulad ng tinig ni Liana. She was so gentle when she was speaking.


Malalim na bumuntong-hininga si Zirrius. Seryoso siyang tumingin kay Rein. Matiim at malalim. "Zirrius, kung hindi mo napapansin, naiilang siya sa titig mo," pang-aasar ko sa kanya.


Bahagyang kumunot ang noo ni Zirrius dahil sa sinabi ko. "Bakit?" takang tanong ni Zirrius sa 'kin. Malakas lang akong tumawa. He was not aware that the girl has a crush on him. Muling humugot ng malalim na hininga si Zirrius dahil sa pag-aakalang pinagti-trip-an ko lang siya. Hindi na ako nagkomento pa sa napapansin ko kay Rein dahil baka lumaki lang ang ulo ni Zirrius. But for me, Rein was better than Liana. Parang gusto ko tuloy maging match maker para sa kanilang dalawa.


Zirrius cleared his throat. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang kwento. "May ibang kaluluwa na pumasok sa katawan ko. Hindi ko rin alam kung paano nangyari," he said. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Rein. She was so adorable.


Muling bumuntong-hininga si Zirrius na tila nahihirap. "She's an el--" he added but I cut him off.


"Fuck! Don't dare say my name or where I came from! Or what I am! I told you!" naiinis na banta ko kay Zirrius. Bigla akong kinabahan dahil sa isinisiwalat niya sa mga taong kaharap.


"I'm doing my best and they need to know what you are," he said with irriration inside his mind.


"She's an elf," he said finally. I gasped.


"Wala ka ba talagang pakialam sa 'kin, Zirrius?" naiinis na tanong ko sa kanya.


"Meron! Gusto lang kitang tulungan," he said.


"No! Hindi mo ako tinutulungan. You're just being selfish!" naiinis na saad ko sa kanya.


"And you're being selfish too!" naiinis na sabi niya sa 'kin. Natigilan ako. "Hindi mo inisip kung ano ang mangyayari sa 'yo kapag umalis ka sa katawan mo. You didn't even think of the burden you will cause for the person's body you might enter! You're the one who's selfish here! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang meron sa Elfania pero gusto mo akong papuntahin doon. I can't come with you. I don't want to abandon my kingdom. I don't want to abandon my responsibility," mariing saad niya sa isip niya. If only I have eyes, I would surely start to cry. Bumigat ang pakiramdam ko. His jaws tightened. Nasaktan ako. Pakiramdam ko tinutusok ng matatalim na sibat ang kaluluwa ko. I know. It's really my fault. I'm the only one to blame for my misfortune and mistakes. Mali ba talaga ang desisyon ko? Wala na akong ibang masabi sa kanya. Tama siya. May kaharian siyang kailangang pagtuunan ng pansin. Hindi siya pwedeng pumunta sa malayo para lang sa 'kin. Kaano-ano ba niya ako?


"Y-You're eyes..." gulat na saad ni Rein. Maging si Lolo Zark ay namilog ang mga mata pero napansin ko ang biglang pagseryoso ng aura niya.


"It's emerald green?" mahinang tanong ni Zirrius. Naguguluhang tumango si Rein. "It's sapphire blue, earlier," she said.


"That's because of her soul," Zirrius said.


"Zirrius..." mahinang tawag ko sa pangalan niya. Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang magsalita si Lolo Zark.


"And she's trying to take control of your body?" seryosong tanong ni Lolo Zark. Natigilan ako. Fuck! Hindi dapat malaman ni Zirrius! Kumunot ang noo ni Zirrius.


"No. She said that she was just coming near me," sagot niya pero bigla siyang natigilan. Naisip niya ang posibilidad na maaaring mangyari ang sinabi ni Lolo Zark. Mas lalo akong kinabahan. Now, how could I bring Zirrius back to my side? I know, I'm being selfish. I know it's not right to bring Zirrius with me to Elfania. Hindi ko rin alam kung bakit dito ako napunta. There must be a reason that I don't know. I believe the gods didn't lead me here for nothing. Hindi ako dapat sumuko.


"Is there a possibility for her to take control of my body?" kinakabahang tanong ni Zirrius kay Lolo Zark. Napako ang tingin nina Rein at Zirrius kay Lolo Zark. Natahimik ako nang tumango ang matanda. I'm screwed!


"Totoo ba 'yon, Avery?" seryosong tanong sa 'kin ni Zirrius. Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung paano magsisinungaling. Ngayong alam na niya, wala na akong magagawa. Nabaling ang atensiyon ni Zirrius kay Lolo Zark at nakalimutan niya ang tanong niya sa 'kin.


"Sa totoo lang, hindi ko alam na maaari palang magkaroon ng dalawang kaluluwa sa isang katawan," seryosong saad ni Lolo Zark. Hinimas-himas pa niya ang kanyang mahaba at maputing balbas habang tila nag-iisip. Tumango si Rein bilang pagsang-ayon.


"Kung gusto mo siyang paalisin sa katawan mo, tiyak na mahihirapan ka, Prinsipe Zirrius," seryosong saad ni Rein. "Hindi ko alam kung matutulungan ka ng kapatid kong si Zach. Marami na siyang alam sa mahika pero hindi ako sigurado kung may alam siya sa ganitong bagay," mahinang saad ni Rein. Pakiramdam ko medyo nabunutan ako ng tinik. Sana talaga walang alam si Zach.


"Sa tingin ko, kahit papaano ay may magagawa si Zach upang tulungan ka. Ang problema, alam kong wala kang balak na mag-aral ng mahika. Bumalik ka bukas dito upang makausap mo siya pero alam kong hindi mo magugustuhan ang magiging sagot niya. Alam mo namang ako ang nagturo kay Zach ng mahika kaya alam ko ang tulong na maibibigay niya sa 'yo," seryosong saad ni Lolo Zark.


"Hindi ba pwedeng kayo na ang tumulong sa 'kin?" nag-aalangang tanong ni Zirrius kay Lolo Zark.


Umiling si Lolo Zark at mahinang tumawa. "Alam mo namang matanda na ako. Hindi na kakayanin ng katawan ko ang paggamit ng mabibigat na mahika. Madali na akong mapagod," saad ni Lolo Zark. "Pero ang tanong ko sa 'yo ngayon, tinangka na ba niyang kunin ang katawan mo? Nakakausap mo ba siya?" muling tanong ni Lolo Zark.


Natigilan ako sa tanong ng matanda. "Nakakausap ko siya pero mukhang hindi pa naman niya tinatangkang kunin ang katawan ko," sagot ni Zirrius. Kung alam lang niya ang mga ginagawa ko, tiyak na magagalit siya.


"Ano ba ang kailangan niya sa 'yo? If she's an elf, wait... She's an elf?" gulat na tanong ni Lolo Zark. Ngayon lang niya napagtanto ang lahat. Napanganga pa siya dahil sa gulat.


"Saan siya nanggaling? Hindi ba malayo ang kanilang lupain?" kunot-noong tanong ni Rein. "Ano'ng ginagawa niya sa lupain ng mga tao?"


Mariing umiling si Zirrius dahil naguguluhan din siya. Wala nga pala akong binanggit sa kanya kung bakit gusto kong makabalik sa Elfania. Ang lagi ko lang sinasabi sa kanya ay ang makuha ang katawan ko. Hindi niya alam ang nangyayari sa kaharian ko. Napansin ko ang pagiging seryoso ni Lolo Zark.


"Bakit ka ba umalis sa katawan mo?" naguguluhang tanong ni Zirrius sa 'kin. I have too many secrets. These secrets are starting to breed lies.  Pero kaya ko bang ibahagi kay Zirrius ang mga sikreto ko? Hindi ko alam. Hindi pa ako sigurado sa kanya.


"Hindi mo na kailangang malaman, Zirrius. Gusto mo na naman akong mawala, hindi ba? Bakit itinatanong mo pa?" saad ko at mapapansin ang hinanakit sa boses. Alam ko naman na wala akong karapatang magalit sa kanya pero hindi ko maiwasan.


"Saan siya nagmula?" seryosong tanong ni Lolo Zark. Napalunok si Zirrius. Hindi niya alam kung sasagutin ba niya ang tanong ni Lolo Zark. Inaalala niya ako.


"Sagutin mo na. You already told him that I'm an elf," naiinis na saad ko. Bumuntong-hininga si Zirrius. "I guess this is the right thing to do," he told me.


"Elfania," mahinang sagot niya. Rein gasped. Tila nagulat siya dahil sobrang layo ng Elfania sa Alveria. Natigilan naman si Lolo Zark. Tila may gusto siyang sabihin kay Zirrius pero hindi niya masabi. Malalim na bumuntong-hininga si Lolo Zark.


"Bumalik ka rito bukas, Prinsipe Zirrius. Pag-iisipan kong mabuti ang mga sinabi mo. Pag-isipan mo ring mabuti kung gusto mo talagang paalisin ang kaluluwa sa katawan mo. Tiyak na may mabigat na dahilan kung bakit siya dinala rito ng tadhana," seryosong saad ni Lolo Zark. Tumayo na siya at mabagal na naglakad patungo sa silid niya gamit ang tungkod niya. Naguluhan si Zirrius dahil sa makahulugang winika ni Lolo Zark. Maging ako ay nagtaka dahil sa malalim niyang salita.


"Pasensiya ka na, matanda na kasi si Lolo Zark kaya hindi ka niya matulungan," pilit ang ngiti na wika ni Rein. Zirrius nodded with understanding but he was confused.


"Pasensiya na rin sa abala. Babalik na lang ako bukas," pamamaalam ni Zirrius. Naglakad na siya palabas ng munting bahay. Nasa likod lang niya si Rein.


"Nag-aaral ka rin ba ng mahika?" tanong ni Zirrius kay Rein. Tumango si Rein na kasabay na niya ngayon sa paglalakad nang makalabas sila ng bahay.


"Kailangan kong mag-aral ng mahika para sa mga kasama ko sa baryong ito. Wala kaming matataas na batong pader upang proteksiyunan ang aming mga sarili. Ito lang ang tanging paraan para mabuhay kami. Ginagamit ko ang mahika sa panggagamot," sagot ni Rein.


Lihim na nasaktan si Zirrius para sa mga taong nakatira sa baryo. Kung maaari lang niyang ibalik ang mga ito sa Alveria, ginawa na niya. Pero alam niyang walang lugar sina Rein sa Alveria dahil sa hari. Pero naalala niya ang sinabi ko noon. He must free magic and let these people live on Alveria Kingdom. Ito lang ang tanging paraan na naiisip niya upang maproteksiyunan ang mga tao sa baryong ito. "Ayaw ba ninyong bumalik sa Alveria?" mahinang tanong ni Zirrius. Tumingala siya sa bughaw na langit kung saan makikita ang malalayang ibon na lumilipad.


"Gusto namin pero mas hindi kami ligtas sa lugar na 'yon," malungkot na sagot ni Rein. Mapait na napangiti si Zirrius.


"I'm sorry," mahinang sabi Zirrius nang tumingin siya kay Rein. Umiling si Rein at malungkot na ngumiti. "Hindi mo kailangang humingi ng patawad dahil alam ko naman na may ginagawa ka. Alam kong hindi mo kami pababayaan. Maraming salamat sa 'yo, mahal na Prinsipe," she said with gratefulness. Bigla akong nalungkot. Hindi ko napigilan ang sarili na isipin ang mga nasasakupan ko sa Elfania. Kamusta na kaya sila?


Ngumiti lang si Zirrius at tumungo kay Rein upang magpaalam. Tumagos na siya sa magical barrier at sumakay kay Aris. Nagmamadaling bumalik siya sa kaharian. May mga pagpupulong pa na dapat niyang daluhan.


~~~


Nag-uusap na naman ang matataas na opisyal sa mga panukalang gusto nilang ipatupad sa buong kaharian. Napansin ko ang kagustuhan nilang magpataw ng mataas na buwis sa mga mamamayan na tinutulan naman ni Zirrius at ng ibang mabababang opisyal. Mabuti na lang at hindi ito inaprubahan ng hari.


Nang matapos maglahad ng kani-kanilang panukala ang mga matataas na opisyal ay si Zirrius naman ang nagsalita. "Mahal na hari dahil makikipagkasundo na naman tayo sa ibang kaharian na gumagamit din ng mahika, hindi ba maaaring hayaan na rin natin ang mga taga-Alveria gumamit nito?" nagbabaka sakaling saad ni Zirrius. Natigilan ang lahat at nabaling sa kanya ang atensiyon ng lahat. Maging si Leo na tila walang pakialam kanina sa pagpupulong ay bumaling ang atensiyon sa kanya. Agad na tumutol naman si Lord Kelvin. "Hindi maaari ang sinabi mo, Prinsipe Zirrius. Baka magkagulo ang mga tao kapag ibinalik pa natin ang paggamit ng mahika." Matiim namang tumitig kay Zirrius ang hari.


"Tama si Lord Kelvin. Hindi na natin ibabalik ang paggamit ng mahika sa Alveria. Makikipagkasundo tayo pero hindi ibig sabihin nu'n ay dapat natin silang gayahin," seryosong sagot ng hari. Maging ang ilang matataas na opisyal ay sumang-ayon sa hari. Tiningnan kong mabuti ang mga mukha ng mga opisyal na ito. Bumuntong-hininga si Zirrius.


"Pero, mas makatutulong ito kapag may mga kaaway tayong gumagamit ng mahika at---" Natigilan si Zirrius nang sumabat na sa usapan si Leo.


"Huwag mo ng ipilit ang gusto mo Zirrius. Iba na ang panahon natin ngayon. Matagal nang hindi gumagamit ng mahika ang mga tao. Mahihirapan na silang bumalik sa dati nilang buhay," seryosong saad ni Leo.


"Huwag mo ng ipilit dahil baka maparusahan ka pa," seryosong dagdag pa ng hari. Zirrius silently gritted his teeth but he managed to nod. Natapos na ang pagpupulong kaya napapagod na dumiretso siya sa kanyang silid.


"You're unexpectedly silent," seryosong saad niya sa 'kin.


"Ano'ng gusto mo? Matuwa pa ako? You want to get rid of me, for Pete's sake!" naiinis na saad ko sa kanya. Natahimik siya. Nakaupo siya sa kama niya at mariing napahilamos sa mukha.


"This is for the better," naiinis na saad niya.


"Or maybe for worst," sarkastikong sabi ko sa kanya. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. I hope the gods could help me. I need their help now.


-------------------------

TO BE CONTINUED...


Haha. maiikli lang talaga ang mga update ko dahil baka hanggang 100 chapters to. Hahaha. Thanks for reading, comments and votes. <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro