Soul 10: Evil Spirit
"So now, open your eyes and embrace the truth..."
AVERY
Kinabahan na ako. Zirrius was already preparing to go to his friend. Napansin ko na abalang-abala ang mga tao sa palasyo. Binisita muna ni Zirrius ang bulwagan kung saan gaganapin ang pagtitipon o salo-salo. They are already designing the wide hall. Pula at itim ang makikitang kulay sa loob ng bulwagan. The floor was carpeted. Kulay pula rin ang mantel na ginamit sa mga bilog na mesa at itim naman ang kulay ng mga upuan. The set up was elegantly scary. Sa pinakaunahan ay makikita ang mahabang mesa para sa mga delegado ng bawat kaharian na pipirma sa kasunduan. Muli akong kinabahan nang makita ang itim na crescent moon na nakatatak sa unahang bahagi ng mahabang mesa
Anim na araw pa bago sumapit ang pagtitipon pero naghahanda na silang lahat. Kinakabahan ako sa marka ng kahariang ito. Naglakad na si Zirrius patungo sa kwadra ni Aris pero bago siya makapasok sa kwadra ay may tumawag sa pangalan niya.
"Zirrius!" masiglang tawag ng tinig ng isang lalaki. Agad nakilala ni Zirrius ang tinig at nilingon ito. He was happy to see the guy who was riding a horse.
"Kailan ka pa bumalik, Kendrick?" agad na tanong ni Zirrius. It seems like they were bestfriends. Sanay na sanay sila sa first name basis.
"Kaninang madaling araw lang. Pinabalik na kami ng hari dahil may mahalagang pagtitipon sa linggo. They need some forces. Mukhang malalaking tao ang dadalo sa pagtitipon," seryosong komento niya. Kendrick was a welt-built man. Halatang-halata na eksperto siya sa pakikipaglaban. His muscles was just like Zirrius'. His brown eyes were too deep and mysterious. Mukhang seryoso din siya sa buhay kaya alam ko na kung paano sila nagkasundo ni Zirrius. May ibubuga rin ang itsura ng lalaki pero mas lamang pa rin talaga si Zirrius.
"Malaki talaga ang pagtitipon. Some kingdoms will seal an agreement for peace. Mabuti nang narito kayo. Mahirap na kapag may sumalakay na kaaway. Tiyak na mababalitaan ito ng ibang kaharian na hindi sang-ayon sa kasunduan," seryosong sabi ni Zirrius.
Kumunot ang noo ni Kendrick. "An agreement for peace?" he said. Halata sa mukha niya ang pagtataka. Mapapansin ang mga linya sa noo niya. "Kailan pa naisip ng hari na makipagkasundo sa ibang kaharian?" wala sa sariling tanong ni Kendrick. Hinayaan ko na lang silang mag-usap. Hindi ako sumabat para makalimutan na ni Zirrius ang balak niyang gawin sa 'kin.
"I'm not sure. Maybe he already came back to his senses," nakangising sagot ni Zirrius. "Let's talk later. May kailangan pa akong puntahan," seryosong saad niya
"Saan?" takang tanong ni Kendrick.
"Sa labas ng kaharian. Kailangan kong makipagkita kay Zach," seryosong saad niya. Gusto kong mapasimangot dahil hindi pa rin niya nakalimutan ang dapat niyang gawin ngayong araw.
"Bakit? Hindi ba gumagamit sila ng mahika? Ano'ng kailangan mo sa kanila?" nagdududang tanong ni Kendrick.
"I just need to seek advice," seryosong sagot ni Zirrius.
"Kapag nalaman ng hari na nakikipag-ugnayan ka sa kanila--"
Naputol ang sasabihin ni Kendrick dahil nagsalita na si Zirrius. "I know. Hindi mo naman sasabihin, 'di ba?" he asked. Ngumisi si Kendrick at napailing.
"Fine. I will pretend that I didn't see you today. I'll go now," he said with a wave.
"Bawal ka palang makipag-ugnayan sa kanila! Kapag nalaman ito ng hari, tiyak mawawalan ka ng ulo," pang-aasar ko sa kanya.
"Hindi niya malalaman," seryosong saad niya. Dumiretso na siya sa kwadra ni Aris.
"Magaling ba 'yang Zach na 'yan?" tanong ko sa kanya.
"Tiyak na may alam siya kung paano ka maaalis sa katawan ko," nakasimangot na saad niya pero alam kong nagdududa rin siya sa sagot niya. Hindi niya alam kung matutulungan ba talaga siya ni Zach. Then I have no choice but wait and see. Pero ipinagdadasal ko talaga na walang alam si Zach sa mataas na uri ng mahika. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kapag nagkataong may alam siya.
Sumakay na siya kay Aris. Lumabas siya sa napakalaking gate ng kaharian. It was made of heavy iron. Tumakbo si Aris patungo sa kakahuyan. He even jumped on some rivers.
"Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Sa kapatagan. Napapalibutan ito ng malawak na kakahuyan. Sampung kilometro lang ang layo sa Alveria," sagot niya.
"Huwag mong sabihin na dati silang nakatira sa Alveria?" seryosong saad ko sa kanya. I already heard his thoughts and confirmed it. "So they are your people and yet you shove them outside the kingdom? You're cruel," saad ko sa kanya. Umigting ang panga ni Zirrius dahil sa sinabi ko.
"Hindi ako ang nagpaalis sa kanila. Kusa silang umalis," he said and he silently gritted his teeth.
"But they are not secured. Paano kung may sumalakay na kaaway?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa tali ni Aris. Hindi siya nagsalita. Tumahimik na ako nang maramdaman ko na hindi niya ako sasagutin. Wala akong maisip kung paano ko babaguhin ang takbo ng utak niya. He already made up his mind. Gusto na talaga niya akong maalis sa sistema niya sa lalong madaling panahon.
Lumabas kami sa kakahuyan at bumungad sa 'min ang napakalawak na kapatagan. He's right. Napapalibutan nga ng malawak na kakahuyan ang kapatagang ito pero nagtaka ako dahil wala akong makitang bahay o kahit ano. Puro damo at matataas na talahib lang ang nakikita ko.
"Walang nakatira rito? Nasaan sila?" tanong ko kay Zirrius.
"That's the answer for your question. They have a way to secure themselves. They are using magic to hide themselves from the enemy. This place is covered and protected by magic. Mukhang normal lang ang lugar na ito pero nakatira sila rito. Hindi natin sila nakikita pero nakikita nila tayo," he answered.
"Creepy," pang-aasar ko sa kanya. Pero kinakabahan ako. Kung nagagawa nila ito ibig sabihin, maaaring malalakas sila. "Paano mo sila makikita ngayon? Makikipag-usap ka na lang sa hangin? Ganu'n?" pang-aasar ko pa kahit kinakabahan na ako.
Napailing si Zirrius. Bumaba na siya kay Aris. "Zach?" malakas na sigaw niya. Ilang ulit siyang sumigaw kaya natawa ako.
"Naku mukhang pinagtitripan ka lang ni Zach ah. Sige sigaw pa, Zirrius! Sigaw!" natatawang sambit ko.
"Tsk." Naiinis na si Zirrius. Namula ang mukha niya dahil ramdam niya na nagmumukha na siyang tanga.
"If only you have magic, you can disable the barrier," natatawang sabi ko sa kanya. "Gusto mong turuan kita?"
Nagulat na lang kaming dalawa nang may isang matandang lalaki na sumulpot sa harapan ni Zirrius. Nakukuba na ang likod nito at may baston na hawak. Mahaba at puti na rin ang kilay at balbas nito. Kayumanggi ang kulay nito at medyo singkit. Hindi ko rin matukoy kung malabo na ba ang mata nito nang tumingin ito kay Zirrius. Simple lang ang kasuotan nito na gawa sa balat ng hayop.
"Ano'ng kailangan mo kay Zach, Prinsipe Zirrius?" mabagal na saad nito. Halatang-halata na ang katandaan sa boses nito. "Halika, tumuloy ka muna sa munting baryo namin," sambit pa niya sa magalang na tinig. Ngumiti pa ito at dalawa na lang ang ngipin nito. Isa sa baba at isa sa taas. Bahagyang tumungo si Zirrius upang magbigay galang sa matanda.
"Salamat po," he said. Naunang maglakad ang matanda at tahimik na sumunod siya. Napasinghap pa siya nang mawala sa harap niya ang matanda.
"Maglakad ka lang. This is just a barrier to deceive the human eye," natatawang saad ko. Pero bigla akong natauhan dahil parang tinutulungan ko pa siya. Wrong move! Sinunod niya ako at tumagos siya sa isang magical barrier. Bumungad sa 'min ang isang maliit at masayang baryo. Simple lang ang mga tahanan at gawa sa kahoy pero lahat ng tao sa lugar ay nakangiti at masayang bumati kay Zirrius.
"Mukhang maganda ang relasyon mo sa kanila. Nagawa ka pa nilang patuluyin sa kabila ng lahat," komento ko.
"Ako ang tumulong sa kanila upang makaalis sa Alveria," he answered.
"I see. That's why," saad ko. Mabuti na lang, hindi niya pinabayaan ang nasasakupan niya. Pumasok sila sa isang maliit na bahay.
"Nasaan po si Zach?" magalang na tanong ni Zirrius.
"Naku, Prinsipe Zirrius, pumunta siya sa kabilang kaharian upang bumili ng mga kailangan sa aming baryo. Baka bukas pa siya bumalik. Ano ba ang kailangan mo kay Zach?" mabagal na tanong ng matanda.
Napakamot ng ulo si Zirrius. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya o hindi.
"Huwag mo ng sabihin," natatawang sabi ko sa kanya. He hissed.
"Kasi Tatang... may kakaibang nangyayari sa katawan ko," panimula niya. Tumawa ako dahil sa pag-aalinlangan niya. Tiningnan siya nang maigi nang matanda, mula ulo hanggang paa. Mahinang tinapik-tapik pa nito ang mga muscles ni Zirrius sa braso at tiyan. Mas lalo akong tumawa.
"Mukhang ayos naman ang katawan mo, Prinsipe. Ano ba ang nararamdaman mo?" tanong nito. "Kung may tumitigas at tumataas, normal lang 'yon. Hindi 'yon kakaiba. Huwag kang mag-alala. Normal ka," saad pa nito. Hindi ko na napigilan ang paghagalpak ng tawa ko.
"Normal naman pala eh! Umuwi na tayo pero matagal pa magagamit ang pagiging normal mo," natatawang saad ko. Nainis si Zirrius dahil sa narinig sa 'kin.
"Hindi po 'yon ang tinutukoy ko Tatang..." napapakamot sa ulo na saad niya. "Eh... Tatang... Marunong po ba kayong magpalayas ng masamang espiritu?" tanong niya sa matanda. Parang gusto kong sumimangot.
"Masamang espiritu? Ang ganda ko kaya!" sabi ko sa kanya. "Elf ako, hindi masamang espiritu!"
"Depende, Prinsipe... Gaano ba kasama ang espiritung 'yan?" seryosong tanong ng matanda.
"Naku po... Walang kasing-sama! Nakikitira po sa katawan ko Tatang. Evil Spirit," nakangising saad ni Zirrius. Tila gusto akong inisin.
"Mukhang malaking problema 'yan. Dito ka muna at kukunin ko ang mga gamit ko. May matindi akong panlaban sa masamang espiritu na 'yan. Madali kong matatanggal 'yan. Siguradong hindi na babalik," nakangising saad ng matanda. Hindi ko alam kung dapat na ba akong matakot nang pumasok ito sa isang silid. Ano kayang mahika ang gagamitin ng matandang 'yon sa 'kin.
"Kabahan ka na," pananakot ni Zirrius sa 'kin. I hissed. Namomroblema na nga ako. Sana talaga joke time lang.
Nang bumalik ang matanda. May dala siyang kakaibang dahon. May dala rin siyang tawas at isang itlog. Nagtaka ako sa panlabang sinasabi niya maging si Zirrius. Inilagay na niya ang tawas sa bumabagang uling at nagpausok.
"Tumayo ka lang dyan. Sisimulan ko na ang ritwal," nakangising saad ng matanda. Kumanta na siya habang sumasayaw at umiikot kay Zirrius.
"Masamang espiritu, lumayas ka! Masamang espiritu, lumayas ka!" saad niya. May kakaiba pa siyang lengwahe na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa tuwing pinapaypayan niya ng dahon si Zirrius. Pinakiramdaman ko si Zirrius at ang kaluluwa ko. Wala naman akong nararamdamang kakaiba. Kinakabahan ako dahil hindi ko maintindihan ang lengwahe niya.
Nagulat na lang kami nang biglang bumukas ang pinto. "Lolo Zark naman! Bakit kayo sumasayaw diyan?" takang tanong ng isang babae. Napalingon si Zirrius sa kanya. She's simple yet beautiful. Makinis ang kutis niya at maputi ang balat. Her caramel eyes are mesmerizing. Mahaba at tuwid ang itim na buhok niya. Nagulat pa siya nang makita si Zirrius. Agad siyang tumungo at nagbigay-galang.
"Mahal na Prinsipe, nandito ka pala," magalang na saad niya.
"Rein," nakangiting bati ni Zirrius sa babae. Napansin ko ang pamumula ng babae.
"Rein! Apo! Sumasayaw ako dahil matagal ko ng hindi nakita ang prinsipe. Na-miss ko lang!" natatawang saad ng matanda. Napabuntong-hininga nang malalim si Zirrius. Ako naman ay malakas na humagalpak ng tawa.
"Ang lupit mo, Zirrius! Pati si lolo, napasayaw mo!" natatawang pang-aasar ko sa kanya. Lihim siyang nainis sa komento ko. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko sa pagtawa. Tiyak mananakit ang tiyan ko sa katatawa kung meron akong katawan.
"Shut up!" naiinis na bulyaw niya sa isip niya.
"Naku, si Lolo Zark talaga! Huwag na ninyong pag-trip-an ang Prinsipe," saad ni Rein. She apologetically smiled at Zirrius. "Pagpasensiyahan mo na si Lolo. Ganyan talaga siya. Ano ba ang maipaglilingkod namin sa 'yo?" magalang na tanong ni Rein. Zirrius cleared his throat. Napakamot naman sa ulo si Lolo at nagmukhang napagalitang tuta.
"Don't tell me, nabighani ka sa kanya? Grabe ka! Ang babaero mo! Akala ko, ako lang!" madamdaming wika ko kay Zirrius. Zirrius secretly frowned.
"Hindi ako nabighani sa kanya pero mukhang natatanaw ko na ang liwanag para mapaalis ka," he said. Shit! Oo nga 'no? Mukhang mas matinong kausap si Rein kaysa kay Tatang Zark!
-----------------------------
TO BE CONTINUED...
Before we get zirrius este serious sa pagpapaalis kay Avery, I have a light update. RIP English ahahaha! <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro