Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5.

Chapter 5.

Habang nasa byahe kami papunta sa bahay naming tatlo ay mukhang ni isa sa'min ay walang balak magsalita. Pagkatapos ba naman ng eksenang nangyari sa'min kanina, sa tingin niyo, okay kami?

Naisip ko nga rin na sana hindi ko na lang siya sinagot sa mga sinabi niya.

Pagkarating namin sa bahay ay hindi na ako nag-alinlangan pang bumaba at dumeretso papasok ng bahay. Hindi na ako nakapagpaalam sakanya dahil ayoko rin at wala ako sa mood.

Pagkatapos ng sagutan namin kanina, mag-uusap kami na parang walang nangyari?

Aba't ginagago niyo ba ko?

I plopped down the couch then sighed. Ginulo-gulo ko ang buhok ko at sunod-sunod na sumigaw ng dahil sa inis. Nakakainis! Nakakabwisit talaga. Kaya nga ayaw ko nang makita ang pagmumukhang 'yan, eh.

Lalo lang nagkagulo ang lahat.

“Oh, the beauty is here!” Rinig kong bungad sa'kin ni Rhea. “Saan si beast?” Nakita ko pa siyang umupo sa couch na nasa harapan ko kahit na nasa mukha ko na ang buhok ko. Hindi ko siya pinansin at bumusangot na lang.

“Ito na 'yung nabulok na ado—oh! Nasaan ang bisita mong ugly, Baby B?” Rinig ko namang sabi ni Nicole nang makasali na siya sa eksena. “Sayang naman, oh! Pinainit ko pa naman 'tong adobo with worms na. Wala naman pala siya. Okay, fine. Tatapon ko na lang.”

“Hoy, Bridge.” Tawag sa'kin ni Rhea. “Anong problema mo? 'Wag mo sabihing—,”

“Yes! Yeah!” Inalis ko na ang buhok ko sa mukha ko at inayos ang pagkaka-upo. Tinignan ko pa silang dalawa bago ako sumagot. “Oo. Kung ano man 'yang naiisip niyo, oo. Nagkasagutan nga kami.”

Nilagay muna ni Nicole ang nabubulok na adobo with worms sa coffee table at umupo sa tabi ko. “Ah, hindi 'yun 'yung naisip ko. Hehe.”

“Seriously, Bridgette?” Hindi makapaniwalang tanong ni Rhea na mukhang naiinis na. “Ano naman bang sinabi ng gagong 'yun sa'yo?”

I leaned at the couch. “He said he's sorry daw sa lahat ng mga nagawa niya sa'kin. Ang gago diba?” I tsked. “Galit na galit ako sakanya. Galit na galit. But then..” Napakagat ako ng labi nang maalala ang pagyakap niya sa'kin kanina.

“But then what, Bridge?” Tanong ni Rhea kaya naman inangat ko ang tingin ko sakanya at hindi na napigilan ang panunubig ng mga mata.

“Baby B!” Natatarantang tawag sa'kin ni Nicole.

Napayuko na lang ako habang patuloy pa ring bumubuhos ang mga luha kong hindi na matigil tigil. But after all of those, i still tried to talk. “Him hugging me is like fading all my pain and anger away. Akala ko okay na, eh. Akala ko naubos na 'yung luha ko kakaiyak sakanya. But then when he hugged me, he hugged me so tight.. all i could feel now is sadness. Sadness.. again. It feels like i'm feeling the same thing when he left me hanging.” I sniffed. “What do i do?”

“Oh my gosh..” Rinig ko pang sabi ni Nicole. “That man is doing something unforgivable to Bridgette. We can't let him do this to her.”

“Just stay here in the house. While we're away doing.. doing what we do, 'wag na 'wag mong bubuksan ang pinto kapag may kakatok. Obvious namang gagawin lahat ng lalaking 'yun para makuha ulit ang loob mo. Unless hindi siya 'yung kumatok, pwede naman.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “I.. i mean, aish. Basta, 'wag na 'wag mong bubuksan ang pinto kapag siya na 'yung kumatok, okay?”

Wala sa sarili akong tumango na lang. Basta utos ni Rheanne, kailangang sundin. Bipolar 'yang babaeng 'yan, eh. Minsan masungit, minsan naman may umaalog.

Hindi mo rin maiintindihan ang ugali niya.

“Now, go to your room and rest. Kailangan mo na ring magpahinga, Baby B.” Sabi naman sa'kin ni Nicole kaya tumango na lang rin ako at tahimik na pumunta sa kwarto ko para makapagpahinga.

Pero kakasarado ko pa lang ng pinto ay narinig ko na agad ang sagutan ng dalawa.

“That fucking jerk. Argh! Napakapaasa niyang tao! Pagkatapos niyang paasahin ng ganoon ang kaibigan natin, pagkatapos niyang umalis-alis ng walang pasabi man lang sakanya, bigla na lang siyang babalik rito at nagmamakaawa?! Ano bang nangyayari sa utak niya, ha?!” Rinig kong sigaw ni Rhea.

Idinikit ko pa ang tainga ko sa pinto para mas lalong marinig ang usapan nilang dalawa.

“Calm down, Baby R.” Pagkakalma ni Nicole sakanya. “But you're right. Baby B dosen't deserve a man like him. She deserves better.”

Hindi ko na pinagpatuloy pa ang pakikinig sakanila nang maramdaman ko na namang nanunubig ang mga mata ko. Humilata na lang ako sa kama ko habang pinipigilan pa rin ang pagluha.

Gosh, Hans. You are making me crazy as hell.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko sa lahat ng nararamdaman ko ngayon. Ang buong akala ko, wala na. Ang buong akala ko, handa na akong makita siya ng may ngiti sa aking labi.

But what now, Bridgette Ivy Freniere? “What.. now?”

----

Nagising ako dahil sa mainit na bungad sa'kin ng araw na pumapasok dahil sa nakabukas kong bintana. Kinusot kusot ko pa muna ang mga mata ko bago ako bumangon at tinignan ang alarm clock para tignan kung anong oras na.

9:30 am.

Niligpit ko muna ang kama ko bago ko isinuot ang bunny slippers ko at nagunat-unat. Tinali ko pa muna ang buhok ko ng pa-donut at kinuha ang phone para tignan ang messages.

Pero ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko nang mag makita akong isang text na unknown ang number.

From: 09*********
> Hey, babe.

Mas lalo akong nagtaka sa text niya. What? Babe? Kanino naman kayang number 'to? Napailing na lang ako at ibinulsa na ito. Baka naman wrong number lang. I yawned as i went out of my room. Pero nang paglabas ko, walang Rheanne at Nicole ang bumungad sa'kin.

Nasaan sila?

I checked outside pero wala naman akong nakita. I even checked backyard at the pool pero wala rin naman. Saan naman kaya nagpunta ang dalawang iyon?

Nang makadaan ako sa kusina ay biglang dumapo ang tingin ko sa isang neon yellow-green na sticky note na nakadikit sa refrigerator. Dahil sa curios ako ay agad akong lumapit rito at kinuha para tignan.

Baby B,

We're on a adventure. Keep safe okay? Lock the door, and don't open it unless it isn't that jerk.

Napailing na lang ako sa sinulat nilang dalawa. Ibang iba ang handwriting ng dalawa kaya napansin ko agad na si Rhea na ang nagsulat sa pangatlong sentence. Idinikit ko na lang uli ito sa ref at kinuha na lang ang mga itlog sa loob para lutuin.

----

Habang kumakain ay bigla ko na lang narinig ang phone kong tumutunog. Agad ko naman itong kinuha at nakitang nagr-request si mommy ng video call. Hindi na ako nag-alinlangan pang sagutin ito at agad na isinandal sa baso ng tubig.

(“Anaaaaaaak!”)

Mapait naman akong napangiti nang agad na bumungad sa'kin si mommy na nakangiti ng malapad. “Hi, mom.”

(“Kamusta ka naman diyan? Nagt-trabaho ka ba? Anak, alam mo namang ayaw kong nagt-trabaho ka. Mapapagod ka lang at baka magkasakit ka pa. I can give you all your needs basta—,”)

“Mom, calm down.” Pagkakalma ko sa nanay ko. “I don't have a job as what you said before. I'm good.”

Nginitian niya ako pero agad rin namang nawala iyon. (“That's good! But, my daughter. Uhm.. Hans.. Your—,”)

Tumango ako habang patuloy pa rin ang pagkain. “I know, mom. I know.” Pagtitigil ko sa sinasabi niya. “Pero paano mo naman nalaman?”

(“Sinabi sa'kin ng ate mo.”)

Napailing na lang ako sa sinagot niya. Ayoko nang pag-usapan pa ang lalaking 'yun. Ang kailangan kong isipin ngayon ay kung mauubos ko pa ba 'tong kinakain 'to dahil nagsisimula na akong mawalan ng gana.

(“Ini-istalk ko pala 'yung kaibigan mong si Christian. Ang gwapo pala ng batang 'yun, ano?”)

Nabigla ako sa sinabi niya kaya bigla akong napa-angat ng tingin at kinunotan siya ng noo. Si Chris? “Bakit naman, ma? Crush mo siya, ano?” Pagbibiro ko. Nakita ko namang humalkhak si mommy ng ipinagtaka ko.

(“Ikaw talagang bata ka. Iba kasi 'tong batang 'to, eh. Mabait, mapagmahal sa mga taong mahal niya, matulungin, maka-Diyos, tapos gwapo pa! Gusto ko katulad niya ang mapapangasawa mo, anak. Mga katulad ni Christian. O kaya naman, bakit hindi na lang siya?”)

Halos mabilaukan ako dahil sa sinabi ni mommy. I cleared my throat at tuluyan ng nawalan ng gana kaya tumayo na lang ako at inilagay ang natira kong pagkain sa basurahan. Habang naghuhugas naman ng plato ay duon ko na sinagot si mom.

“Christian's just my friend.”

(“Sus. I don't think so, 'nak.”)

What?

“Its true. He's just my friend. Wala ng hihigit pa doon.” I said. Pero bigla na lang akong natigilan sa paghuhugas ng kinainan ko nang biglang sumagi sa utak ko ang mga eksena kung saan nahuhuli ko siyang nakatitig sa'kin. Nagtaka ako sa aking naisip.

What the heck?

(“Is he really?”)

----

Kasalukuyan akong nanunuod ng We Bare Bears sa Disney Channel habang pinapapak ang ice cream kong paubos na rin. Ganito talaga ako kapag mag-isa lang sa bahay o kaya naman kapag wala kaming ginagawang tatlo.

Strikto kasi masyado ni mommy at ayaw niya akong pagtrabahuhin. Ang sabi niya kapag nag-26 na ko ay doon na ako pwedeng magtrabaho sa kumpanya ni daddy. But i'm only 23 for pete's sake.

I hate my life.

Natigilan ako sa pagsubo ng ice cream nang narinig kong may nagdo-doorbell mula sa labas ng pinto. Nataranta tuloy ako. Tinabi ko muna ang ice cream ko at lumapit sa bintana para silipin kung sino 'yung nagdo-doorbell.

Then ganoon na lang ang paglaki ng mga mata ko nang makita ko si Hans.

Shit. Tama nga ang hinala ni Rhea. Pupunta talaga siya. What am i going to do now? Bubuksan ko ba 'yung pinto? Pero hindi ba sinabi ni Rhea na 'wag na 'wag kong bubuksan kung si Hans?

“Aish!”

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang bigla na namang tumunog ang doorbell. Ano bang kailangan niya?

“Bridgette,” Tawag niya sa pangalan ko. “I know you're there. Please, let me in and we'll talk. Halos hindi na ako makatulog dahil sa'yo, Bridge. Hindi ka maalis sa isipan ko. Please..” Doon na nadurog ang puso ko nang marinig ko na ang mga iyak niya. Napasandal na lang ako sa pinto dahil sa sobrang kalungkutang nararamdaman ko ngayon.

“Let's talk, Bridgette.” Muli niyang pagmamakaawa. “Hindi ako aalis kapag hindi ka sumagot! B.. Bridgette.”

Dahan dahan akong napaupo sa sahig at isinandal ang ulo sa pinto para pigilan ang nanunubig ko ng mga mata. Bakit ba ayaw mo ng tumigil sa kakaiyak? Are you still not moved on from this guy?

“Bridgette..” Wika niya. “Why did we end up this way?”

Bakit nga ba, Hans? Bakit nga ba? Sino nga ba ang may kasalanan sa'ting dalawa?

“Bridgette! Open the door, please!” Sigaw niya at pilit pang binubuksan ang pinto pero too bad, nai-lock ko ito at mukhang wala na akong balak pang buksan. “Open this fucking door! Hindi ako makakapayag na ganito tayong dalawa! I want the both of us together, Bridgette. Gusto ko, tayo.”

Pero paano nga ba kung sumugal ako ulit?

“Go away!” Buong lakas kong sigaw.

“B-bridgette.” Tawag na naman niya sa pangalan ko. “Bakit mo ba ako pinapalayo sa'yo? I thought you love me? Akala ko mahal mo ko? Then why are you doing this? Why are you telling me to go away?”

I sniffed. “There's too much pain. Lumayo ka muna, please? Just.. give me time. G-give me time.. Hans.”

Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko. He's right there! He's just right there, telling me to talk and to fix all our problems. Matagal ko na sanang binuksan 'yang pinto, kung hindi lang.. kung hindi lang sana mas nangingibabaw pa ang sakit sa puso ko.

Its still aching.

“Okay.” Rinig kong sagot niya. “Gagawin ko ang gusto mo. Just.. tell me kung kailan mo na gustong makipag-usap. We'll fix this, baby. Okay? Hold on. Hold on to me, please.”

Mas lalo naman akong naiyak dahil sa sinabi niyang 'yun.

Baby. An endearment. He used an endearment to call me. Why are you doing this, Hans?

Tumango na lang ako kahit alam kong hindi naman niya 'yun makikita. I sighed and tried to calm myself down nang marinig ko na ang sasakyan niyang tumatakbo na papalayo. Hanggang sa hindi ko na namalayan na unti-unti nang bumigat ang mga talukap ng mga mata ko at nakatulog.

----

Nicholle: Lame ng update. Lintek kasi si Hans.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro