Chapter 4.
Chapter 4.
Ilang oras na rin ang nakalipas nang makatulog na si Samantha sa bisig ni Hans. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila—este siyang natutulog. Napaiwas na lang ako ng tingin at bumuntong hininga dahil sa muntikan nang masabi.
“Tulay, as much as i want to stay with you, kailangan ko nang umalis at baka mapektusan na naman ako ng nanay ko.” Nabigla na lang ako nang biglang may umakbay sa'kin na napakasamang nilalang. Oo nga pala, nakalimutan kong nandito pa pala ang gago.
Agad kong inalis ang braso niyang nakaakbay sa'kin at muling sinapak siya sa braso. “Tsansing ka na, ah. Sige na nga, tsupi na. Baka bugbog pa ang abutin mo sa'kin. Tsupi!”
Dahil naman sa sinabi ko ay bumusangot siya. Pinigilan kong hindi mapangiti dahil sa naging reaksyon niya. Ewan ko ba, kapag nakikita ko lang talaga ang mukha niya, natatawa ako and at the same time naiinis.
Ay, ewan!
“Grabe ka na sa'kin, Tulay ah. Ngayon lang tayo ulit nagkita tapos gaganyanin mo na ako. Hindi mo ba alam na iligal 'yang ginagawa mo?” Nakabusangot pa rin niyang sabi sa'kin kaya napailing na lang ako.
“Kung anu-ano pinagsasasabi mo. Umuwi ka nga.”
Imbes na akalain kong bubusangot pa siya lalo ay ngumiti na lang siya at nilapitan ako para pisilin ang magkabila kong pisngi. Nainis tuloy ako kaya bigla ko siyang nasuntok sa mukha. Gano'n na lang ang pagkagulat ko nang marealize kung anong nagawa ko.
“Shit, Bridgette!” He cussed.
Nataranta tuloy ako kaya agad ko siyang nilapitan at tinignan ang mukha. Mas lalo tuloy akong kinabahan nang may makita akong pasa. “Pasensya na! Ikaw rin naman ang may kasalanan! Alam mo namang ayokong may gumagawa sa'kin nun! Ayan napala mo!”
Pero nagtaka naman ako nang makita ko siyang ngumiti na para bang walang iniindang sakit. “Ano ka ba, okay lang. Sanay na rin naman ako sa mga gan'tong sakit.”
Ano raw? Sanay na siya? Teka, lagi ko ba siyang sinasapak nuon? Hindi ko na maalala. Masyado kasi akong abala sa pag-aayos ng buhay ko.
Agad kong tinanggal ang kamay sa mukha niya at pinagpatuloy na lang ang paglalakad. “Ewan ko sa'yo. Umuwi ka na.”
Natawa siya at tumango. “Oo na po. Sige, bye!” Nakangiti niyang pagpapaalam sa'kin sabay bumaling kay Hans ng seryoso ang mukha at tinanguan lang ito.
Nang makaalis naman siya ay sinabayan na ako ni Hans sa paglalakad papunta sa parking lot. At dahil kasama ko na ngayon 'yang gagong 'yan, hindi na ako umimik hanggang sa makapunta kami sa kotse.
Pero makapasok ko pa lang rito ay nagsalita na siya. “Mukhang na-miss mo si Christian, ah?”
Nahalata ko agad sa boses niya ang pagiging sarcastic. Hindi ko siya sinagot at pinaandar na lang ang sasakyan at tahimik na bumyahe. Pero sa inaakala kong tahimik na pala ay muli na naman siyang nagsalita.
“Na-miss mo ba ako, Bridge?”
Napasinghap ako pero hindi sumagot. Ano bang pinagsasasabi niya diyan? Bakit ba ganyan siya makapagsalita? A lot of questions are roaming around my head. Tila ba hindi masagot ang mga ito dahil ayokong magtanong.
Ayoko na ring masyadong kausapin ang taong sumira ng buhay ko. Ang taong naging dahilan para muntikan na akong.. mamatay.
“Bridgette..” Tawag niya sa pangalan ko. “Answer me. Let's talk, please.”
“Wala na tayong dapat pag-usapan pa.” Malamig kong sagot sakanya. Bakit ba ayaw mo akong tantanan para naman matahimik na ako? Para matahimik na tayo pareho?
Hindi ko na kaya 'to. Bullshit.
Love is making me crazy, and making me want to die.
“I'm sorry, Bridgette. Sorry for all of the hurtful things i've done to you. Kung sana, hindi lang ako umalis, hindi sana tayo nasasaktan pareho ngayon. Sorry for being stupid. Sorry—,”
“Stop it!” Sigaw ko dahilan para matigilan siya at hindi na matuloy pa ang sinasabi niya. Hindi ko na rin gustong marinig pa ang sasabihin niya. Its just making me want to cry again. “Stop it. Ayokong marinig ang explanation mo. Kaya pwede ba, tumahimik ka na lang diyan kung ayaw mong mabangga tayo?!”
Kahit sumigaw pa ako ay wala akong pakielam. Kahit magising pa si Samantha ay wala muna akong pakielam.
Akalain mo nga naman 'no?
The one who fucking hurted me so much, is saying sorry to me? What the fuck. Anong karapatan niyang sabihan ako ng sorry? Bakit, ang akala niya ba maaagapan ng 'sorry' niya ang lahat ng dumdugong sugat ng aking puso?
Diba, hindi?!
So, he has no fucking right, to do this to me!
“Sorry, Bridgette..” Sabi pa rin nito. “I'm so sorry.”
“Just shut up.” Seryosong pananahimik ko pa rin sakanya kahit na nanunubig na ang mga mata ko. I didn't want to cry right now. Pero shit lang talaga. Bakit kahit anong gawin kong pagapapakatatag, ang sakit pa rin?
Bakit ang sakit pa rin talaga?
Ilang minuto na ang lumipas at buti na lang hindi na siya nagsalita pa. Nang makarating naman kami sa bahay nila ate ay pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Pinarada ko muna ang sasakyan sa tabi ng kalsada at lumingon sa likod kung saan kukunin ko na sana ang bag ni Samantha pero napasulyap ako kay Hans na mahimbing na natutulog.
Kaya pala hindi na sumasagot kanina.
But when i saw a tear escaped his eye, bigla tuloy piniga ang puso ko. He's crying. He's totally crying. But why?
Bakit ka umiiyak, Hans? At bakit ka pa ba kasi umalis?
Nang matauhan naman ako ay agad kong pinunasan ang mga luha ko at maingat na tinapik si Hans sa pisngi para gisingin. Sa ganoong paraan lang kasi siya nagigising kaya 'yon na lang ang ginawa ko.
Pagkamulat ng mga mata niya ay agad niya akong tinitigan dahilan para manikip ang dibdib ko.
Diyan sa mga matang 'yan, diyan ako nahulog. Pero ang hindi ko lang maintindihan kung bakit.. habang tinitignan ko ito ngayon, ay parang wala na akong nararamdaman..
“Bridgette..”
Dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko ay natauhan ako at umiwas ng tingin. “Nandito na tayo.” Then i reached for Samantha's bag na nasa likod. Pero bago pa man ako makababa ay napansin kong hindi pa rin gumagalaw si Hans.
Muli ko siyang tinignan. “Hans. Baba na.”
Nang matauhan naman siya ay agad na rin niyang tinanggal ang seatbelt niya at bumaba ng sasakyan. Nang maisarado naman niya ang pinto ay hindi muna ako bumaba at imbes ay napamura ako.
“Damn it, Hans.”
Hindi na rin nagtagal at bumaba na rin ako para ihatid silang dalawa sa loob. I hoped na sana ay hindi ko makasalubong si ate sa loob pero sino ba namang niloloko ko? Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa loob, siya na agad ang sumalubong sa'min ng nakangiti.
“My gosh. Mukha kayong isang masayang pamilya. Pero gumawa kayo ng sarili niyong baby.”
Halos masuka ako sa sinabi ni ate Bethany. Kami? Pamilya? Gagawa ng sariling baby? What the actual f—, “What the hell are you talking about, ate? Hindi 'yon nakakatuwa.”
“Hindi naman talaga sa'yo 'yon nakakatuwa.” Nakapamewang niyang sabi sa'kin pero nakangiti namang bumaling kay Hans. “Akin na 'yan si Samantha. Siguro masaya siyang nakasama niya kayo, 'no? Ang tito at ang tita niya, naging magulang niya ng ilang oras. Sigurado akong natuwa nga ang bata. Hindi ba?”
Nang makuha na niya si Samantha ay nginitian naman niya kami na para bang nang-aasar. Bigla tuloy akong nainis.
“Ako na ang maglalagay kay Sam sa taas. Maghintay lang muna kayo diyan sa sala. Babalik rin ako agad. Nandiyan nga pala si sweetie pie—este si Harry.” Pansin ko pang namula ang pisngi ni ate Bethany bago nakangiting naglakad papaakyat sa kwarto ni Samantha.
Nagtaka naman ako sa ikinilos niya. Anong meron do'n?
Siguro may ginawa na naman silang hindi suitable for children 'no? Leshe talaga ang dalawang 'yan. Masyadong halata kapag may kababalaghang ginawa.
Napailing na lang ako at pumunta na lang sa sala kung saan naabutan ko si kuya Harry na nanunuod lang ng TV.
Tumabi naman ako sakanya at hinampas sa braso. “Inakit mo na naman 'yung ate ko 'no?” Tanong ko sakanya kaya napalingon siya sa'kin na nanlalaki ang mga mata. “Hayop ka talaga, kuya Harry. Buti na lang at lumabas talaga kami kasama si Samantha. Perfect timing eh, 'no? Kaya ginawa, gano'n?”
Narinig kong natawa si Hans pero ngumisi lang ako. “Ano, kuya Harry? Aamin ka ba o itatali kita patiwarik?”
Napangiti lang siya pero hindi naman ako sinagot at sa halip ay binalingan na lang ang TV. Pansin ko pang namumula ang tainga niya nang muntik ko nang maisuka. Leshe, sa ngiti pa lang na 'yan, nandidiri na ako, eh.
Na-iimagine ko pa! Tangina lang diba.
“Guys,” Napalingon naman kami kay ate Bethany nang bumaba na ito at tumabi kay Hans. Nang magtama naman ang tingin niya at ni kuya Harry ay agad rin namang umiwas. I tried not to puke. Just, God! “A-ano, Hans! Pwede mo nang ihatid si Bridgette sa bahay nila. May kailangan lang kaming pag-usapan ng pinsan mo.” Tuloy niya kay kuya Harry.
“What?!” Sigaw ko kaya naman bigla silang napatingin sa'kin. “May dalawang reasons kung bakit ako nag-'what'. 'Yung una, WHAT? Siya?! Ihahatid niya ako? Tss, kaya ko namang magcommute. Hindi na ako bata.”
Tinaasan naman ako ng kilay ni ate Bethany. “Ano ka ba—,”
“Kalma lang, 'te. Hindi ko pa nasasabi 'yung pangalawang 'what' ko.” Pagtitigil ko sakanya. Then i cleared my throat. “WHAT? May pag-uusapan kayo ni kuya?! Ibig sabihin, itutuloy niyo? Diyos ko naman! Hindi pa ba kayo nakuntento sa ginawa niyo kanina? Tang—,”
Bago ko pa man matuloy ang sinasabi ko ay bigla namang tinakpan ni kuya Harry ang bibig ko. Letsugas na 'yan.
“Don't cuss, young woman! Pero sabagay, nasanay na rin kami.. pero kahit na! Alam ba ni mom at dad 'yan? Pero hayaan mo na nga!” Mukhang iritadong sabi ni ate Bethany kaya naman tinanggal ko ang pagkakatakip ni kuya Harry sa bibig ko.
“Ano ka ba, ate. Tinatanong ko lang naman kung may tang na juice kayo dito. Meron ba? Favorite ko 'yun, eh.” Sabi ko na lang sabay nginitian siya na para bang love na love ko siya.
“Tigilan mo nga ako, Bridgette Ivy. Umuwi ka na nga at baka mabigwasan pa kita diyan. Hans, dali!”
Natawa na lang ako habang papalabas ng bahay nila. Grabe talaga mainis 'yang ate ko. Parang hindi na nasanay na magmura ako simula nung umalis ang taong maghahatid sa'kin ngayon. Ang ganda ganda lang diba?
Bago pa man ako makasakay sa kotse ay bigla na naman niyang tinawag ang pangalan ko. “Bridgette..” Why do he always do that?!
Iritado ko siyang nilingon. “What? Are you gonna say something or trip mo lang talagang tawagin ang pangalan ko?” Hindi man lang ako nanibago sa sarili ko. Nasanay na rin ako sa pagbabago kong 'to. I wasn't even confident to say these kinds of things.
But when he left, its like he motivated me to be the new me.
Nilapitan niya ako kaya naman bigla akong nataranta at napasandal sa kotse. Diyos ko, bakit ba ang hilig niyang manggulat? Halos hindi na ako makahinga dito, oh! But that gave me a thought. Pwede ko na siyang sapakin ngayon.
Hmm.
“Bridgette, let's talk.” Sabi niya sa kanyang mahinhin na boses. Pinakita ko pa talagang inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. Really?
“Hindi na kailangan. Inaantok na rin ako kaya iuwi mo na lang ako, pwede? I'm tired pretending to be happy kapag nakatingin si Samantha. Kaya pwede ba? Please. Iuwi mo na lang ako.” I begged him. Bumuntong hininga ako at akmang sasakay na ulit sa loob nang hilain niya ako sa braso ko.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng inis. “Ano bang problema mo?! Hindi mo ba nakikitang nananahimik na 'yung tao?!” Pinandilatan ko siya ng mga mata habang naiinis na nakatingin ng diretso sa mga mata niya.
“No. I won't stop until you tell me what's wrong.” May sinseridad sa boses niyang sabi.
Agad kong tinabig ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at nagpamewang. I can't believe he's saying this. “Ano bang pakielam mo? Just take me home already!”
“Bridgette, listen to me, please.” Pagmamakaawa niya. He also tried to touch me pero agad akong lumayo. “Just please, listen to me. Iuuwi kita, basta pakinggan mo lang ako.”
I crossed my arms and looked at him in the eyes, emotionless. I really don't have time to hear the stupid little explanations of him but for the sake of myself, ugh. Fine! “Oh. Ano bang sasabihin mo? At pakibilis, ha? Inaantok na kasi ako, eh.” I even tried to use my fake smile on him pero halata namang nahalata niya 'yon.
“Bridgette.. I'm sorry.”
Nang makita kong nanunubig na ang mga mata niya ay biglang lumambot ang mukha ko. Lalo na nung narinig ko pa ang sunod sunod na paghikbi niya. Bakit ba siya umiiyak? As if namang umiiyak siya para sa'kin diba?
Tsk, who even cares anyway?
“Iyan lang ba ang sasabihin mo? Kung 'yan lang, pakihatid mo na ako please.” Walang emosyong sabi ko at akma na naman sanang bubuksan ang pinto ng kotse nang marinig ko na naman siyang magsalita.
“I'm sorry, for being a jerk. Sorry if i ignored your feelings for me. Hindi ko naman sinasadya. At that time kasi, hindi ko pa alam ang gagawin ko nung nalaman kong gusto mo ako—no, scratch that—mahal mo ako. I didn't know what to do—,”
“Putangina naman, Hans.” Pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niya ay para bang winasak ulit ang puso ko. Then, narealize ko na lang na may tumutulo na palang maalat na tubig mula sa mga mata ko. I faced him. And there, i saw his face na para bang hindi nakatulog ng tatlong araw dahil sa malulusog na eyebags at namumulang mga mata dahil sa kakaiyak. “Putangina. That's bullshit! Sinaktan mo ako, tapos sasabihin mong hindi mo sinasadya?! Magsasabi ka ng 'sorry'?! Gago ka ba?! Akala mo ba hindi ganoong malalim 'yung sugat sa puso ko?! Akala mo ba ganoon lang kadali 'yon?! You fucking left without even letting me know!”
Yumuko siya habang humihikbi hikbi pa rin. “I know. I know. I'm sorry, Bridge. I'm sorry. Oo, ang gago ko. Ang gago ko! Kung bakit ba naman kasi huli na ang lahat nang marealize ko ang totoong nararamdaman ko para sa'yo.” Inangat niya ang ulo niya at pilit akong nginitian habang patuloy pa ring umiiyak. “Ang gago ko na hindi ko muna inalam ang totoong nararamdaman ko para sa'yo bago ako umalis. I'm such a jerk, i know. Pwede mo akong saktan kung gusto mo. I.. deserve it. I deserve every pain you give to me. Bridgette.”
Kahit na takang taka pa ako kung ano ang mga pinagsasabi niya ay sinunod ko na lang ang gusto niya. “I'm glad you said that.” He wanted me to hurt him. Sinusunod ko lang ang gusto niya. Hinampas hampas ko ang dibdib niya, sinuntok suntok ang braso niya. I even let out all of my energy for this.
But i stopped when i realized something.
“Hurt me more, Bridgette. I deserve this. After all of the hurtful things i've done to you. Please—,”
“Ano bang karapatan kong gawin sa'yo 'to?” I said as tears keep rolling down to my face. “Besides, this is all my fault. Kung hindi sana ako nahulog sa'yo, kung hindi sana kita minahal, hindi tayo magkakaganito. Hindi mo rin naman ako gusto in the first place. Hindi ko dapat ipinagsiksikan ang sarili ko sa'yo. Sorry, Hans. I really am.”
Pero gano'n na lang ang pagkagulat ko nang bigla ko na lang maramdaman ang sarili ko sa bisig niya. He's hugging me. Hans is hugging me. I should be mad, pero bakit nang yakapin niya ako, bigla na lang 'yun nawala?
“Don't be sorry, Bridgette. Don't be. I hate seeing you cry like that.”
Mas lalo ko na lang ipinagsiksikan ang sarili ko papalapit sakanya kaya naman mas humigpit pa ang yakap niya.
Sana nga, Hans. Sana totoo 'yang sinasabi mo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro