Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3.

Chapter 3.


Pagkatapos ng eksenang 'yun ay nagpaalam muna ako para pumunta sa restroom. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at agad na akong kumaripas ng takbo papunta rito.

Nang maabutan kong may tao sa loob ay sa cubicle ko na lang ikinulong ang sarili ko dahil.. dahil hindi ko na kinaya ang mga luha kong masyado nang mabigat.

Kaya sa loob ng cubicle ko inilabas lahat ng ito.

Hindi ko nga rin alam kung bakit umiiyak pa ako ngayon. Hindi dapat ako umiiyak. Hindi na naman ako dapat nagpapakatanga pa sa lalaking 'yon.

But is it my fault? Is it my fault that the one i loved so much, is the one who hurted me so much too?

Umupo ako sa nakasaradong inidoro at do'n ako patuloy na umiyak ng walang tunog. I tried to cry with no sound so that no one can hear me. Kahit na gustong gusto kong ilabas lahat ng damdamin ko ngayon ay iyak na lang muna.

Flashback.

“Hans!” Masigla kong tawag sa pangalan niya kaya naman inangat niya ang tingin niya at agad na ngumiti nang makita ako. Nginitian ko kong rin siya pabalik at umupo sa tabi niya. Tinignan ko naman kung ano ang binabasa niya. “Wow, Romeo and Juliet? Nagbabasa ka niyan?”

Sinulyapan niya ako pero agad rin namang bumaling sa libro. “Bakit? Porque ba lalaki ako, hindi na pwedeng magbasa ng romance stories? Kung sinasabi nilang pangbakla lang 'to, then why do i still like somebody?”

Nawala ang ngiti ko dahil sa huli niyang sinabi. Kinalabit ko naman siya kaya lumingon siya sa'kin at itinaas ang magkabilang kilay. “Bakit?”

“You.. like somebody?”

Nginitian niya ako at ibinalik uli ang tingin sa librong binabasa niya. “Yeah. Bakit? You never thought of me liking someone?”

Umiling ako at umiwas ng tingin. “Hindi naman. Pero, pwede ko bang malaman kung sino 'yang nagugustuhan mo?”

Narinig ko siyang mapait na natawa. “Si Hera.”

End of flashback.

At that time, pinagsisihan kong tinanong ko pa sakanya ang tanong na 'yun. Dahil alam niyo ba kung anong nangyari sa'kin pagkatapos no'n? Halos hindi lang naman ako makakain ng tatlong araw dahil nakakulong ako sa kwarto ko. Kinuha ko lahat ng spare key ng kwarto ko para walang makapasok sa loob. Then iyak lang ako ng iyak sa tatlong araw na 'yon.

But here i am, feeling the same thing i felt back then.

Pinilit ko ang sarili kong kalimutan na siya, and to focus muna on my family and friends, and my happiness. Which is k-pop.

Pero ano na naman bang balak niya ngayon? Is he planning to kill me again because of depression?

I hate it. I really hate it.

Pero para kay Samantha, pagbibigyan ko muna siya sa araw na 'to.

----

Habang nagsho-shoot ako ng mga bola sa basketball ring dito sa timezone ay somehow i felt relieved dahil dito ko naibubuhos ang inis ko ngayon. Kung gaano kadami ang bolang naishoot ko ay iyon rin ang percent kung gaano ako sobrang nagagalit sa araw na 'to.

Napatiim bagang ako nang makita ang resulta.

“101?!” Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa taong sumigaw sa tabi ko dahil alam ko na rin naman kung sino 'to. “Damn, Bridge. Ganoon ka talaga kagaling sa mga ganyan 'no? Hindi ka pa rin talaga nagbabago.”

Naikuyom ko ang kamao ko nang magsalita na naman siya pero napigilan ko ang galit ko nang biglang nagvibrate ang phone ko na nasa bulsa ko.
Agad ko namang kinuha ito para tignan kung anong meron.

Napangisi ako nang makitang nag-iingay na naman ang dalawa sa groupchat namin.

Operation: Kill The Beast!

| Rhea: Someone's on a date with a jerk! |

| Nicole: I can't believe. Like eww. |

| Rhea: Nako, Bridgette. Kung nababasa mo 'to ngayon, nagtitimpi na akong pumunta ang matigas kong kamao sa makapal niyang mukha. Humanda lang talaga siya pagbalik niyo. |

| Nicole: Ipapakain ko sakanya 'yung nabulok kong adobo sa ref na hindi niyo naman kinain. Sayang naman 'yun. :< |

| Rhea: That's a great idea. Pero Nic, bakit ba naman kasi namin kakainin 'yun? Eh bago mo pa nga lutuin, mukhang bulok na talaga. No offense, just telling the truth. |

| Nicole: Ang bad mo, Baby R. Sumbong kita kay boyfriend. :< |

| Rhea: Hindi ko nabalitaang may boyfriend ka na pala. So sino naman 'yan ngayon? Si Ace Craige naman ba? |

| Nicole: Oo. :> |

| Rhea: Baliw. |

| Bridgette: Ano na naman bang nangyayari dito? |
Seen by Rhea and Nicole.

| Rhea: There's the beauty! So where's the beast? |

| Nicole: Hi, Baby B! Kamusta si Sam? Hindi ko kinakamusta 'yang gago mong 'whatever-kung-kaano-ano-mo siya' , ah. Si Sam lang ang kinakamusta ko. |

| Bridgette: Mga sira. Okay naman kaming dalawa dito. At ako? Nababagot na. Pwede namang iwanan siya dito at tumakas kami ni Sam diba?  |
Seen by Nicole and Rhea.

| Rhea: Oo, dali! Mag paka-cinderella ka. Pero 'wag na 'wag mo lang maiiwan 'yang sapatos mo kundi pepektusan kita. |

| Nicole: Great idea! |

| Bridgette: Gaga. O sige na, mago-out na ko. Kahit pa gustong gusto ko nang umalis rito, hindi pwede. Kailangan pa ko ni Samantha. |
Seen by Rhea and Nicole.

| Rhea: Okay, fine! Basta ipaghahanda namin siya ng adobong nabulok na ginawa ni Nic. Masarap 'yun! |

| Nicole: Nye nye. Sige na nga, Baby B! Ingat ka sa mga monsters diyan, ha? Ayokong nasasaktan ka! |

| Bridgette: Okay, okay. Hahaha. Mag-iingat ako. |

Nang mai-send ko 'yun ay pinatay ko na ang phone ko at ibinalik sa pagkakalagay sa bulsa ko. Nang makalingon naman ako sa kung saan nakatayo si Hans kanina ay gano'n na lang ang pagkagulat ko ng makitang nando'n pa rin siya. Pero may hawak hawak na siyang dalawang bote ng tubig, at nasa tabi na niya si Samantha.

“Tubig, oh.” Saad niya at iniabot pa sa'kin ang isang bote ng tubig ng hawak niya. Nag-alinlangan pa ako kung tatanggapin ko ba 'yung tubig pero tinanggap ko na lang rin dahil inuuhaw na rin ako.

“Salamat.” Sabi ko nang makuha ito at agad na nilaklak ang laman.

“Kuya Hans, Tita Bridgette, i want to take a stuff toy from there po.” Napalingon kami pareho kay Samantha nang bigla itong magsalita sabay itinuro pa ang isa sa mga claw machine dito sa timezone na sobrang kinaiinisan ko.

Madaya 'yang hayop na 'yan, eh. 'Yung excited na excited kang makakuha ng isa mula sa loob, kaso ang ending bigo ka.

Parang siya lang, kahit ano pang gawin mong pagkuha ng kahit katiting ng pagmamahal niya ay mabibigo ka pa rin at matatalo sa laro ng pag-ibig.

“Why don't you ask tito Hans to try to take one for you? He's very good with that.” Sabi ko sa bata na walang halong pagsisinungaling. Minsan na rin kasi kaming pumunta rito ni Hans kasama ang barkada. Tapos nakikita ko siyang naglalaro ng isa niyan, and sa isang iglap lang, boom!

Para siyang nakajackpot dahil sa maraming nakuha niyang stuff toys. Tapos ibinibigay niya kay

“Really kuya Hans?” Tanong ni Samantha kay Hans.

Saglit pa akong sinulyapan ni Hans pero agad rin namang bumaling sa bata at tinanguan. “Ah, yeah. Uhm, sige. Kukuhanan kita, pero pwede mo bang i-kiss muna si kuya sa cheeks?” Lumuhod ito sa harapan niya para magpantay ang mukha nila.

“Sige po!” Sagot naman ng bata at agad na kiniss si Hans sa pisngi.

Agad naman akong umiwas ng tingin ng may maalala.

Flashback.

“Woi, salamat pala sa paghatid sa'kin. Nag-abala ka pa. Kaya ko namang umuwi mag-isa.” Nahihiya ko pang sabi sakanya nang makarating na kami rito sa bahay ko.

Umiling siya at nginitian. “Wala 'yun. Nagkaroon naman ako ng time eh, saka baka kung mapaano ka pa sa daan. Nagday-off pa naman 'yung driver mo.”

Oh God, bakit ba ang lakas ng charms niya? Tapos ang lakas pa ng tama sa'kin.

Naramdaman ko namang biglang uminit bigla ang magkabila kong pisngi. “A-ano ka ba. Okay lang naman sa'kin. Sanay na rin naman ako. Paminsan minsan nagco-commute ako at hindi ko na pinapasama ang driver ko. Pero salamat talaga, Hans.”

Nilapitan niya ako at ginulo ang buhok ko dahilan para matigilan ako at para bang na-glue sa kinatatayuan ko.

“Wala lang talaga 'yun para sa'kin, Bridgette. Isa pa, kai—,”

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at agad ko siyang hinalikan sa pisngi. Nang mapansin kong natigilan siya ay do'n na ako nagtakip ng mukha at dahan dahan umatras papunta sa gate ng bahay namin.

“S-sorry. Sorry. M-mali ata ang ginawa ko. Pasensya na. S-sige, pupunta na ako s-sa loob. Sorry talaga.”

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at agad na akong kumaripas ng takbo papasok ng bahay.

End of flashback.

“Bridgette?” Natauhan ako't agad na tumingin kay Hans nang bigla niya akong tawagin. “Natulala ka?”

Umiling ako. “Wala. Sige na, kuhaan mo na si Samantha ng stuff toy do'n. Sa labas lang ako.” Sabi ko pero nang mapansin kong hindi siya sumagot ay naglakad na lang ako papalabas.

Napahilamos ako ng mukha dahil sa inis.

Hindi ko na dapat pa nakikita 'yang mukhang 'yan, eh. Dapat nanatili na lang siya duon sa ibang bansa. Dahil duon naman talaga siya nababagay. Pero bakit pa nga ba siya bumalik rito sa Pilipinas?
Alam kong hindi niya ako mahal, alam kong may mahal siyang iba pero bakit pa siya bumalik?

Tumingala ako para pigilan na naman ang mga luhang nagbabadya. No, hindi na naman ako pwedeng umiyak ngayon. Tama na ang iniyak mo kanina.

Tama na 'yun.

“Bridgette?” Bigla naman akong napaayos ng tayo nang may biglang tumawag sa'kin sa ibang boses. Nilingon ko kung sino ito at gano'n na lang ang pagkagulat at panlalaki ng mga mata ko nang makilala ko agad kung sino ito.

Nginitian niya ako. “Its you. Damn, its totally you.”

“Christian? Oh my God, Christian!” Biglang lumawak ang ngiti ko at agad na nilapitan siya't niyakap ng walang dahilan. Ewan ko, siguro kasi, na-miss ko siya?

Isang taon at kalahati ko na din 'tong hindi nakikita, kaya may karapatan naman ako ma-miss siya!

Nang makalayo na ako ay nginitian ko siya pero hindi na kasing lawak ng kanina. “Kamusta ka na, Chris? May anak ka na ba?” Pabirong pangangamusta ko sakanya sabay tawa. Ganoon kasi kami nagbibiruan magba-barkada.

Lalo na 'yung mga lalaki, nako! Mga kabastusan ginagawa't sinasabi, eh.

Nginitian niya ako pero umiling. “Tae ka, Tulay. 21 na ko, pero aaminin kong wala pa rin akong girlfriend. Kaya paano naman ako magkakaroon ng anak? Paki-explain nga, please.” Saad niya sabay simangot nang ikinatawa ko.

Napailing na lang ako habang nagpipigil ng ngiti. “Ang galing mo talaga bumuo ng araw ng isang tao.”

Kinunotan niya ako ng noo. “Bakit naman? Binuo ko ba araw mo? Uy, may crush ka sa'kin 'no? 'Wag ka nang mahiyang sabihin. Crush rin naman kita, eh. Tara, pakasal na tayo?” Sabi sabay sabay ngiti pa ng nang-aasar sa'kin.

Hindi ko naman napigilan ang ngiti kasabay ng pagsuntok ko sakanya sa braso. “Ikaw talaga, kung anu-ano sinasabi mo. Pakasal ka sa taong mahal mo, 'wag sa'kin. Hindi ako available.” Sabi ko naman sabay iiling-iling.

“Edi, papakasalan kita. Tara na sa simbahan. Ayokong pinaghihintay ako, Tulay.”

Nagtaka naman ako sa sinabi ni Chris. Ako? Papakasalan niya? Teka, hindi ko maintindihan! “Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo, Chris? Bakit naman ako 'yung papakasalan mo? Ako ba 'yung mahal mo? 'Wag mo kong maloko loko diyan. Sipain ko 'yang ano mo.”

Sinimangutan niya ako. “Eh, ikaw nga—,”

“Bridge.” Napalingon kami pareho sa taong tumawag sa'kin which is si Hans. Napasulyap naman ako kay Samantha na nakakunot ang noo sa'ming dalawa habang karga siya ni Hans. “Nakakuha na ko ng stuff toy ni Sam.”

Ako lang ba? O ako lang talaga ang nakakahalata sa expresyon niya nung nakita niya kaming dalawa?

Pero wala ka nang pakielam do'n, Bridgette. Wala ka nang pakielam sa feelings niya. Eh maski nga feelings mo, wala rin siyang pakielam. So, kwits lang kayo.

Tumango ako. “Okay.” Sagot ko then bumaling ako kay Samantha at nilapitan ito para buhatin. “Gusto mo na bang kumain na, baby?” Tanong ko kay Samantha at tumango naman ito bilang sagot. “Where do you want to eat?”

“Sa McDo po!” Sagot niya pero gano'n na lang ang pagkagulat ko nang bigla siyang bumaba sa pagkakarga ko at hinila ako papalayo sa dalawa. “Pero, tita. Sino po ba 'yung kausap niyo kanina? Because the way you talk to each other, it looks like you really know each other so well.”

“Ah, uhm, he's my friend. Kaibigan din naman siya ng kuya Hans mo. Look nga, oh, they're talking to each other nicely—uhm.” Pagkalingon ko sa kanilang dalawa ay halos gusto na nilang patayin ang isa't isa dahil sa masamang espiritung bumabalot sa kanilang dalawa.

Kumunot ang noo ko habang tinitignan sila. Anong meron? Bakit mukha silang badtrip?

“That'ts not nice.” Komento naman ni Samantha pero napailing na lang ako at itinuon na lang ang pansin sa pupuntahan namin. Besides, gutom na rin ako at kailangan ko talaga ng pagkain ngayon.

Kung pwede lang sanang tanggalin ng pagkain ang mga nararamdaman ko ngayon.

----

“So, Tulay. May boyfriend ka na ba?”

Halos mabilaukan naman ako sa kinakain ko nang biglang tanungin 'yun ni Chris. Nang abutan naman niya ako ng tubig ay agad kong ininom ito at inubos. Pucha naman, bakit ba 'yun agad ang tinanong ng lokong 'to?

Nang nahimasmasan naman ako ay agad ko siyang sinapak sa braso kaya napadaing siya. “May balak ka bang patayin ako, ha?! Bakit ka ba kasi nanggugulat diyan?!”

Natawa siya nang ikinataas ko ng kilay. “Sorry naman, Tulay. Pero pwede bang pakisagot 'yung tanong?”

Bago pa man ako makasagot ay biglang nagsalita si Samantha. “Why, kuya? Do you like tita Bridgette?”

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tinanong ni Samantha kay Chris. Pati nga rin siya ay natahimik tapos si Hans naman ay narinig kong napasinghap.

Hindi talaga ako makapaniwala sa mga naiisip at sinasabi na ngayon ni Samantha. She's still freakin' seven years old at dapat wala siyang alam sa mga ganito. Ugh, Hans is such a bad influence to an innocent child.

I can't believe and accept this!

“Hey, kuya, answer my question.” Natauhan ako bigla na namang magsalita si Samantha.

Nakita kong sinulyapan pa ako ni Chris bago sumagot. “That's an interesting question, but i won't answer it. Kaya ko lang naman naitanong 'yun dahil matagal na rin akong hindi napabalita tungkol sakanya. Na-miss ko rin 'yang pandak na 'yan. No big deal.”

“Sinong sinasabihan mong pandak?” Inis kong tanong sakanya.

Pero imbes na sumagot siya ay tinawanan niya lang ako at inakbayan. Hinayaan ko na lang din dahil na-miss ko rin naman 'yang pang-aasar niya.

Habang pinagpapatuloy na ang pagkain ay sumulyap ako kay Hans. Hindi man mapinta ang itsura niya ng iba pero isang tingin ko pa lang rito, alam ko na kung anong mukha 'yan.

He looks so annoyed.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro