Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1.

Chapter 1.

Galit kong ibinagsak ang wine glas na kakaubos ko lang ang laman. Kahit na nag-cause 'yun ng malaking ingay ay wala akong pakielam. Malakas rin naman ang tugtog do'n sa dancefloor kaya walang nakarinig. Maliban na lang sa mga bartender dito na kaharap ko ngayon.

Nang mapansin kong pasulyap sulyap sa'kin 'yung nagbigay ng rum ko ay sinamaan ko siya ng tingin. “Anong tinitingin-tingin mo diyan ha?!” Sigaw ko. Pansin ko namang nabigla siya sa isinigaw ko kaya napangisi ako.

“Next time kasi, 'wag mo kong matingnan tingnan ng ganyan at baka tusukin ko 'yang mata mo.” Badtrip kong sabi sakanya at bumuntong hininga. “Penge pa ngang isa.”

“Tama na, ma'am.”

Nabigla naman ako sa sinagot ni kuyang bartender. Inangat ko ang tingin ko sakanya at tinaasan ko siya ng kilay. “At sino ka naman para pagsabihan ako ng ganyan?! Wala kang pakielam kung naka-15 na akong alcohol ngayong gabi at wala ka rin pakielam kung gusto ko pa ng isa! Bigyan mo na ako! Dali!”

Nang hindi na naman siya sumagot ay napahiga ako sa mga braso ko at ipinikit ang mga mata. Mas diniinan ko pa ang pagpikit para hindi na naman magtangkang lumabas ang mga luha kong mga hangal.

“Tama naaa. 'Wag ka nang iiyak, Bridgette. Hindi siya worth it para iyakan. Hindi siya worth it.” Pagkumbinsi ko sa sarili ko habang lasing. Kahit na palaging sumasagi sa utak ko ang mukha niya habang nakangiti.

“Bwisit ka naman, Hans. Bakit ba hindi mo ako pinapatahimik?” Pagsasalita ko na naman.

“Ma'am, here's your rum po.” Nang marinig ko na ang boses ng bartender ay agad kong inangat ang ulo ko dahilan para makaramdam ako ng paghihilo at pananakit ng ulo. Napahawak ako rito at napadaing pa pero agad din naman akong bumuntong hininga.

Nang mawala naman ang kirot ay agad kong kinuha ang rum ko at walang sabi-sabing tinungga.

Hindi ko na alam ang ginagawa ko ngayon sa buhay ko. Alam kong hindi ako pala-inom na tao, pero sa problema kong ito, kailangan na kailangan kong uminom na nag-aakalang gagaan ang pakiramdam ko pagkatapos nito.

Pero putangina naman. Bakit mas lalo ko lang siyang naaalala?

Mas lalo ko lang naaalala ang mga ngiti at tawa niya, pati na rin ang boses niya. Paulit ulit lang itong nagre-replay sa utak ko at sa tingin ko wala na akong magagawa pa para mapigilan ito.

Pero sisiguraduhin kong pagkatapos nito, tuluyan ko nang makalimutan ang lalaking minahal ko ng sobra.

Ang lalaking hindi ako mahal.

Kasi sa tingin ko, kailangan ko na rin siyang pakawalan at kalimutan para naman gumaan ang puso ko. Ang bigat bigat na kasi ng dinadala ko at para bang hindi ko na siya kaya.

Na para bang mamamatay ako kapag tuluyan ko pa siyang binitbit hanggang dulo.

Kaya mo 'to, Bridgette. Kakayanin mo 'to.

----

After 1 and a half year..

Nakangiti kong kinuha ang regalo ko para sa pamangkin kong si Samantha na anak ng ate ko. Hindi na rin ako makapaghintay na makita ang napaka-kyut kong pamangkin dahil ilang buwan ko na rin siyang hindi nakikita.

At dahil na rin 'yun sa on the way na akong kalimutan siya.

Oo, tama kayo ng binasa. Sa wakas, kinakaya ko na rin. At ito na ako ngayon, currently happy and contented with family. Alam kong hindi ko dapat prina-priority ang love na 'yan, kaya nga hindi ko muna siya inaatupag sa ngayon.

Nang makakatok ako sa pinto ay agad rin naman itong bumukas. Napangiti naman ako ng malawak nang bumungad sa'kin si ate Bethany.

“Nandito ka na pala, Bridgette. Halika, hinihintay ka na ni Sam.” Saad ni ate Bethany pero napatango na lang ako at dahan dahan naglakad papasok sa bahay nila. Nang malapit na naman kami sa dining room kung nasaan nagkakaroon ng party ang pamangkin ko ay sumilip muna ako.

Nakita ko naman si Samantha na kumakain ng cake. Napansin ko ring walang gana ang bata kaya napag-isip isip ko na ring magpakita.

“Hi!” Nakangiti kong bati sakanila.

Nang makita ni Samantha na nandito ako ay agad namang napalitan ang kaninang walang gana niyang mukha ng isang napakalaking ngiti. “Tita Bridgette!” Agad na tumakbo siya papunta sa'kin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

“Buti na lang dumating ka, Tita Bridgette! Akala ko hindi ka na dadating. Akala ko nagj-joke lang si mommy na dadating ka. Pero nandito ka ngayon!” Matuwa-tuwang sabi sa'kin ni Samantha.

Pinisil ko naman ang pisngi niya. “Ikaw naman, oh. Syempre dadating ako! Kailan ko bang hindi napuntahan ang birthday ng pinaka-kyut kong pamangkin? Syempre wala! Kaya kailangan nandito ako!” Sabi ko sakanya at natawa pa.

“Eto na pala 'yung regalo mo—,”

“Pero mommy, nasaan po si kuya Hans? Hindi ba pupunta rin siya sa birthday ko?” Gano'n na lang ang pagkagulat ko sa sinabi ni Samantha. Nawala ang ngiti ko at napatingin kay ate Bethany para ipakita sakanya na nagtataka ako kung bakit niya sinabi 'yun.

Pero hindi naman ako sinagot ni ate Bethany at nilapitan lang ang anak niya. “Uhm, anak. Hindi pa kasi natin sure kung nakarating na ba 'yung eroplanong sinakyan ni kuya Hans, eh. Hayaan mo, tatawagan natin siya mamaya, ha?”

Natigilan ako. Wow, just wow. Si Hans, babalik na ng Pilipinas? How wonderful. Kung kailan on the way na ako, saka ko makikita ang mukha ng unggoy na 'yon?

“Ate Bethany, can i talk to you for a minute?”

Inangat ni ate Bethany ang tingin niya sa'kin at tumayo na. Tinignan naman niya ako na parang natataranta. “Sige, do'n tayo sa labas.” Bumaling naman siya kay Samantha. “Sige anak, ha? Laro muna kayo ng friends mo, okay? Your tita and i are gonna talk lang.”

Nang makalabas naman kami ng bahay ay hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at agad na tinanong siya.

“Bakit hindi ko alam, ate?”

Tinignan niya ako at hinawakan sa balikat. “I'm sorry, Bridgette. We didn't bother telling you dahil ayaw rin naming magkatagpo kayo. Hindi ba at nabaliw ka na rin sakanya? We don't want you to be like that, again.

“Kaya sinasabi ko sa'yo, kapag nakita mo siya, pwede bang lumayo ka muna sakanya? Ita for your sake na rin, Bridgette. Ayaw na naming masaktan ka pa uli. Just do what i say, okay?”

Tumango na lang ako. “Okay, ate. Pero paghahandaan ko na rin ang sarili ko para.. kung baka sakaling magkita man kami at lapitan niya ako. Medyo handa na rin ako. Hindi na ako ganoong apektado, ate Bethany.”

Mapait naman niya akong nginitian at niyakap. Naramdaman ko pang hinagod hagod niya ang likod ko. “Sige, Bridgette. Pagkakatiwalaan kita diyan.” Humiwalay na siya at nginitian naman ako ng malawak. “Now, pumasok ka na at baka hinahanap ka na naman ng pamangkin mo.”

Napangiti na lang rin ako. Sabay na kaming pumasok sa loob pero bumabagabag pa rin sa isip ko ang pagkikita namin ni Hans, kung baka sakali.

Handa na nga ba ako? Handa na nga ba ako sa closure?

Handa na nga ba akong makita siya ulit?

----

“Oh my gosh, what?! Si Hans, babalik na rito sa Philippines? Oh no, Baby B! Malaking problema 'to!” Tarantang sabi ni Nicole nang ikwento ko sakanila ang nalaman ko kaninang hapon.

“Totoo ba 'yang sinasabi mo, Bridge? 'Yung gagong 'yun, babalik? Aba, ang kapal ng mukha, ah!” Saad naman ni Rhea na mukhang naiinis na.

Hindi ko na lang sila pinansin dahil masyadong marami ang iniisip ko ngayon. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at bumuntong hininga. Suma-sangayon rin ako sa sinabi ni Rhea.

Ang kapal nga talaga ng mukha. Bakit pa ba bumalik 'yung gagong 'yun?

Sinadya ba niya 'to? Plinano ang lahat? Sinadya niya bang umalis ng ibang bansa para paiyakin at saktan ako, tapos babalik rin lang naman? Edi sana tumira na lang siya do'n para walang problema!

“Alam mo, Baby B. Kailangang kapag nagkataong nagkita kayo, maganda ka para manghinayang siyang iniwan ka niya at hindi minahal. Ganern, Baby B!” Rinig ko pang sabi ni Nicole. “Paano kaya kung magpakulay ka ng buhok or something? Green? Pink? White?”

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko namang tinulak ni Rhea si Nicole sa balikat. “Ano ka ba, maganda na 'yung buhok ni Bridgette kahit walang kulay. Hindi mo ba alam na 'The Natural Self Attracts More'?”

Umiling naman si Nicole kaya napairap na lang si Rhea.

“Eh, sige na nga. Okay, simplehan lang natin ang pang-everyday make-up mo para naman kumalma 'tong si Rheanne. Pero kapag sa outfit naman, magdress ka ha? Para more girly!” Nakangiting sabi naman ni Nicole sa'kin na agad kong ikinailing.

“Hindi ba't sabi ko natural beauty lang? Let her pick what she wants. At itong si Bridgette, hindi siya katulad mong girl-girly. She's more on boyish pero babaeng babae naman sa loob. Right?” Singit ni Rhea at binalingan ako.

Tumango ako. “Yeah. There's no way you're gonna let me wear that thing.” Sabay sulyap ko pa sa suot ngayon ni Nicole na dress rin na may designs pang sunflowers. Like really? Who even likes to weae those?

Eh halos makita na ang pang-upo nila. I prefer pants na lang o kaya naman shorts. Mas okay pa 'yun para sa'kin.

“Grabe naman 'to! Parang dress lang hindi mo kayang isuot?”

“Well, its not 'dress lang' for me. Dahil sinusuot lang 'yun ng mga babaeng katulad mo, Nicole. And Rhea's on my side, too.” Ani ko at natawa pa kaya natawa na rin si Rhea at tumabi sa'kin dahilan para maiwan si Nicole ng nakabusangot.

“Ewan ko sainyo, mga baliw. Retouch lang nga ako.” Nagtatampong sabi ni Nicole at dumeretso naman sa banyo.

Kahit kailan talaga ay abnormal ang pag-uugali ng babaeng 'yun. Kahit na girly-girly pa ang peg niya ay may saltik rin 'yun sa utak.

“So, back to you, Bridge.” I pressed my lips when Rhea started to talk. “I can't believe na nagawa pa niyang bumalik rito. Ano, gusto ka niya ulit paiyakin? O baka naman, nagsisi na siyang iniwan ka niya at narealize niyang ang tanga-tanga pala niyang hindi ka niya minahal pabalik? Paano kung ganoon?”

Suskopo. 'Wag naman sana.

Umiling ako. “No way. Hindi naman siguro. Baka naman bumalik lang siya para kay Samantha. Besides, pinsan rin siya ng napangasawa ng ate ko at madalas na rin silang nagbo-bonding kaya medyo napamahal na rin sila sa isa't isa.” Napalunok ako. “Kaya imposible 'yang sinasabi mo, Rhea. Alam mo na naman kung bakit niya ako linayuan in the first place diba?”

Kumibit balikat na lang si Rhea kaya bumuntong hininga ako.

“Mukhang magkakanda-gulo gulo na naman ang lahat sa buhay ko.” Iritang bulong ko sa sarili ko.

----

“Hoy, Baby B! Wake up, girl! May sorpresa ang tadhana ngayon sa'yo!”

Nagising ako dahil sa malakas na boses ni Nicole dito sa kwarto ko. Pero hindi ko siya pinansin at tinakpan na lang ang buong katawan ko ng kumot ko.

Pero bago pa man ako makabalik sa pagtulog ko ay bigla niyang tinanggal ang kumot na nakatakip sa buong katawan ko dahilan para mainis ako. Sinubukan ko pang ibalik ang kumot ko pero hindi ko na makapa ito.

“Ano ba, Nicole. Natutulog pa 'yung tao. Labas ka muna..”

“Hindi!” Pagmamatigas niya. “Hindi ako aalis dito kapag hindi ka pa bumangon at nag-ayos ng sarili mo! 'Cause you know what? Your ex-love is here and waiting for you! My gosh!”

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Nicole dahil antok na antok pa ko. Bakit ba kasi siya sumisigaw-sigaw na lang diyan bigla? Iniistorbo niya 'yung natutulog na tao, eh.

Kita nang late nang nakatulog kagabi dahil maraming iniisip, tapos gigisingin na lang bigla tapos pa-sigaw pa.

Can this girl just have some peaceful life?

“Bridgette! Bumangon ka na diyan! Hans is here! Nandito na si Hans! Nakalapag na ang eroplano niya kagabi and he's here with Samantha. Hey!” Sigaw pa ni Nicole sabay hampas sa'kin.

Pero sa hampas na 'yun ay biglang nagising ang diwa ko.

Agad akong napabalikwas ng bangon at pinalakihan siya ng mga mata. “What?! Seryoso ka ba diyan?” Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.

Tumango siya. “Yes! I'm not kidding! So get up and get dressed young woman!”

Hindi na ako nag-abala pang ligpitin ang kama ko at agad agad na pumili ng damit para maisuot. Dahil sa pagiging taranta ko ay agad akong napasapo sa noo.

Bakit nga ba ako natataranta? I sighed. Be calm, Bridgette. Be calm.

“Okay, you go ahead and do that, Baby B. Tapos lalabas na ako at sasamahan ko si Rhea sa pagkausap kay Hans. Take your time!” Saad ni Nicole at lumabas na ng kwarto ko.

Hmm, so let's see. Ano bang pwede kong suotin ngayon na makakapag-laglag panga?

I smirked when i picked the outfit that would totally be lit on me.

THIRD PERSON'S POV.

Pagkalabas ni Nicole sa kwarto ay agad silang napalingon rito. Napa-ayos ng tayo si Rhea sa pagkakasandal sa pader at lumapit kay Nicole na nakangiti lang. Kahit talaga anong sitwasyon ang napagdadaanan nila ngayon, happy pa rin siya.

“Gising na ba si Bridge?” Tanong ni Rhea kay Nicole. Tumango naman ito at nginitian siya.

Tinanguan na niya lang rin si Nicole at muling nilingon si Hans na tahimik lang na naghihintay sa dalaga. “Hoy, ikaw.” Tawag ni Rhea kay Hans kaya naman napalingon ito. “Sigurado ka bang sasama sainyo si Bridge? Eh kung 'wag ka na lang kayang sumama? Masa maganda pa kung sila lang dalawa.”

Hindi nakasagot si Hans at umiwas na lang ng tingin. Inirapan naman siya ni Rhea.

“Why, tita? Is there something wrong about them?” Natigilan si Rhea nang biglang magsalita si Samantha na nasa tabi pala ng gagong si Hans.

Nang mapansin rin ni Hans ang sinabi ng bata ay napalunok ito.

Saglit pang sumulyap ng masamang tingin si Rhea kay Hans bago lumapit sa bata at lumuhod sa harapan nito. “Uhm, sorry, Samantha. Bawal sabihin, eh. Bawal sabihin sa mga kids kasi baka kainin ka ng monster sa ilalim ng bed mo. Gusto mo ba 'yun?”

Umiling si Samantha.

“Good.”

“Samantha, ice cream oh. While you wait for your tita Bridgette, kumain ka muna nito.” Singit ni Nicole sa usapan. Ibinigay na niya kay Samantha ang isang cup ng ice cream at masaya naman itong tinanggap ng bata.

“Thank you po, tita Nicole.” Pagpapasalamat ni Samantha.

“Samantha!”

Napalingon silang lahat kay Bridgette na kakalabas lang ng kwarto niya. Napangisi si Rhea sa suot ng dalaga habang si Nicole naman ay nanlaki ang mga mata habang lumalamon ng icecream.

“Oh my gosh, Baby B! Is that you?” Hindi makapaniwalang tanong ni Nicole.

Natawa na lang ang dalaga habang papunta kay Samantha na nakangiti sakanya ngayon. Sinubukan pa niyang hindi sumulyap sa binata para hindi niya muna makita ang reaksyon nito.

“Hi, baby!”

“Hello din po, tita Bridgette. Nga pala, kasama ko po ngayon si kuya Hans dahil sasamahan po daw niya tayo ngayon!” Nang sabihin 'yun ng bata ay nagkaroon na ng pagkakataon si Bridgette na tingnan si Hans.

Nang tignan naman niya ito ay nakita niyang nakatitig sakanya ang binata. She cursed on her mind then she cleared her throat.

“Saan ba kayo pupunta?” Seryosong tanong niya kay Hans pero nanatili lang itong nakatitig sakanya na para bang isa siyang napakagandang nilalang sa mundo. She snapped her fingers in front of him which made him be back into reality. “I'm asking you.”

Umiwas siya ng tingin at mukhang nahiya na sa pangyayaring kinakausap siya ni Bridgette na parang isa na lang kaibigan.

“S-sorry.” He cleared his throat. “Gusto ni Sam na umalis tayong tatlo. Well, if payag ka.”

“Yes! Timezone!” Sigaw ni Samantha.

“Hindi ba may jetlag ka? Kagabi ka lang nakalapag dito.” Sabi ng dalaga kaya napatigil si Hans. Hindi siya makapaniwala. May concern pa rin ang dalaga sakanya? “Its not what you're thinking. Baka mahimatay ka do'n tapos ako pa ang may responsibilidad na iuwi ka. Tsk, 'wag ka na lang sumama kung ganoon.”

Bumagsak ang mga balikat ni Hans sa susunod na sinabi ni Bridgette. “Its okay. I'm fine. Besides, this is what Samantha wants. Kaya, okay lang sa'kin.”

Kumibit balikat na lang ang dalaga. “K, fine.” Iritang sabi ni Bridge at bumaling naman sa bata at hinawakan ito sa kamay. “Kain lang muna ako, Sam. Duon mo na din ubusin 'yang ice cream mo. Okay?” Saad niya at hinila naman ang bata papunta sa kusina.

Nang mawala naman sa paningin ni Hans si Bridgette ay bumuntong hininga ito.

“She really hates me that much, don't she?” Bulong ni Hans sa sarili pero sapat na para marinig ng dalawa.

Napakain na lang si Nicole ng ice cream habang si Rhea ay mukhang wala na sa mood.

“Yeah. She really do.” Saad ni Rhea.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro