Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three

Chapter Three

I don't know what happened after that. I just woke up with all the white surroundings.

Asan ako?

Anong nangyari?

Andami kong tanong na hindi rin masagot. Inilibot ko ang paligid ko pero wala doong tao.

Tinignan ko ang kabuuan ko kung may nagbago ba o ano. Medyo masakit ang banda hita ko at hindi ko ito masyadong maigalaw dahil mayroong nakabaloot roon.

Pero hindi parin matanggal sa isipan ko na, sarili kong Nanay muntik na akong patayin. Ano nanaman bang ginawa ko? Bakit anlaki laki ng galit n'ya na sa laki no'n ay nakaya n'yang patayin sarili n'yang anak.

Ano ang kailangan kong gawin para tanggapin mo ako, Ma?

Mahirap ba akong Intindihin? Mahalin?

Muntik na 'kong masunog.

Muntik na akong kunin.

Mukhang wala na akong kapatawaran sayo ah? Ganon na ba kalaki kasalanan ko sa'yo?

Kanina pa ako tulala habang madaming gumugulo sa isipan ko. Mahigit isang oras narin siguro pero tulala parin ako at hindi maalis sa isipan ko ang pangyayari. Pero sino nagdala sa'kin dito?

"Doc, kamusta na po ang pasyente?"

"Well, base sa resulta nung test n'ya maaaring hindi muna s'ya makakalakad dahil sa pagkakaipit n'ya sa nalaglag na kisame."

"Hanggang kailan po bago s'ya makalakad?"

"Ayon ang hindi ko muna masasagot. Siguro baka tumagal ito ng Two to Three months, pero kung naaalagaan at hindi ito masyadong napupuwersa. Maaaring bumilis ang pag recover ng kanyang binti."

"Ah gano'n po ba? Sige po salamat po."

Napagawi ang aking paningin sa pinto ng may naaninag akong bulto ng tao. Bigla akong kinabahan baka si Mama iyon! Kaya dali dali akong nagtalukbong sa ilalim ng kumot at pilit na isinisiksik ang sarili doon. Ipinagdarasal ko na sana hindi n'ya ako makuha at hindi n'ya ako muling sunugin!

Hindi ako papayag na makuha ako ni Mama!

Naramdaman ko nalang ng may humahatak sa kumot ko. Pero hindi ako nagpatinag at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak. Napaiyak nalang ako sa takot dahil baka kung anong gawin sa akin ng taong ito.

"Hush... It's me."

Napatigil nalang ako sa pag-iyak ng bigla n'ya akong ikulong sa kanyang mga bisig. Kaya naman medyo napatigil ako.

Makalipas ang ilang minuto n magkayakap kami ay tumahan na ako. Doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob upang harapin kung sino iyon. Medyo namukhaan ko s'ya. S'ya iyong lalaki na nag-abot saakin nung mga naiwan kong gamit. S'ya din iyong itinanong ko kung anong pangalan ngunit hindi natuloy.

Did he bring me here? Kung gano'n paano n'ya nalaman?

"Uhm, do you want water? I'll bring you some water here." Hindi ko s'ya sinagot dahil hindi ko naman s'ya naririnig.

"You want that? Hmm?" May pagtatanong sa kanyang mga mata.

"Oh, yes I remember..." Umalis muna s'ya sa harap ko at may kinuha s'ya do'n sa backpack n'ya. He took out his ballpen and paper. Maybe he wants to communicate with me. "You can't understand me nga pala."

You want something to eat? I will brought you downstairs or you want to call your family?

Oh, Family... Meron pa nga ba ako no'n?

Himdi ko alam pero umiling nalang ako. Ayaw ko silang maka-usap at tsaka isa pa, hindi ko naman alam ang mga numero nila. Kaya ano pang sense no'n?

I'll buy you food, just stay here. Okay? Tumango nalang ako at hindi na tumanggi pa.

Nang dumating s'ya ay dumiretso s'ya sa lamesa upang isalin ang lugaw sa tasa at pagkatapos no'n ay dumiretso s'ya saakin. Balak n'ya rin akong subuan pero tumanggi na ako. Tsaka isa pa, hindi naman ako baldado at kaya ko naman sumubo mag-isa.

Nakalahati ko na ang lugaw ng muli s'yang mag sulat sa notebook n'ya. Kinalabit n'ya ako pagkatapos no'n at ibinigay n'ya saakin ang notebook.

Nga pala, I tried to call your father. But he's out of reach. Maybe, I'll try again later para makausap mo s'ya. Yung about sa house n'yo naman, wala pang balita ang mga awtoridad. Pero may ilan ilan pa naman daw na mga gamit na naisalba. Nagsimula naman akong magsulat.

It's okay. Thank you nga pala for helping me. Btw, ikaw ba nagdala saakin dito? Did you see my Mother?.Ibinalik ko sakanya iyong notebook para mabasa n'ya.

Yes, ako ang nagdala sa'yo dito. But I didn't see your mother. Ang nakita ko lang nasusunog na yung bahay n'yo. Ang sabi ng mga nanonood do'n may naiwan daw na tao sa loob. Kaya pinasok ko na tas nakita kita. Nakaipit yung binti mo sa nalaglag n'yong kisame. Pero wala na akong ibang taong nakita ko doon. Ikaw lang.

Pagkatapos noon ay nanood kami ng TV para maibsan ang pagka buryo naming dalawa. Medyo naging komportable narin ako kapag nasa paligid ko s'ya. Yun bang feeling na kapag and'yan si Papa. Palagi n'ya akong pinoprotektahan sa lahat pati narin sa mga mananakit at nanakit saakin.

Ngayon ko lang napagtanto na, hindi ko pa pala natanong iyong pangalan n'ya. Kaya kinalabit ko s'ya at itinuro iyong notebook n'ya na nakapatong sa side table nung Hospital at ibinigay n'ya naman saakin. Sinimulan ko nang magsulat.

What's Your Name? Pagkatapos no'n ay inabot ko na sakanya at inilingon ko nalang ang ulo ko sa bintana upang maibsan ang kahiyaan.

I'm Calvin, Calvin Yuri Manansala. Ikaw? Kinalabit n'ya ako at binigyan ng palakaibigang ngiti.

I'm Renée Elise Bonifacio, Nice meeting you!

Yes, Nice meeting you too. Wanna say something?

Hmm, wala naman. You know my situation right?

At first, No. I don't know your situation. Akala ko naririnig mo 'ko at naiintindihan. Pero hindi pala. Naalala ko lang kanina, ikaw pala yung inabutan ko nung isang araw nung naiwan mong gamit kaya, 'yon.

Para kaming tangang dalawa na nag-aabutan ng notebook habang nakangiti. Pero isa lang ang alam ko.

Masaya ako noong mga oras na 'yon...

Nang dahil sa pangyayaring iyon ay naging mag-kaibigan kaming dalawa ni Calvin. Masaya ako dahil may dalawa na akong matatawag na kaibigan. Excited tuloy akong ipakilala si Kitty kay Calvin. Para trio na kami!

Makalipas ang dalawang linggo ay doon parin ako nanatili dahil sa binti ko na medyo naigagalaw ko naman na. Wala paring bumibisita ni isa sa miyembro ng aking pamilya. Si Papa alam ko naman na nasa trabaho iyon. Si Mama naman ay hindi ko na aasahan pa na dumating iyon dito.

S'ya pa nga ang dahilan kung bakit ako nandito e.

Si Calvin ay pagkatapos ng schedule n'ya ay dumideretso s'ya dito upang dalhan ako ng mga pagkain. May prutas din s'yang dala. Minsan din ay nagdadala s'ya ng mga gusto kong kainin pero bawal daw saakin.

Para s'yang boyfriend material. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nito pag nagkataon.

Hindi ko na namalayan na lumipas na pala ang isang buwan at malapit narin daw akong nakalabas dahil nailalakad ko narin naman na iyong binti ko. Yung sa bill naman ng Hospital ay lagi kong kinukulit si Calvin kung sino ang nagbabayad bg bill ko sa Hospital. Pero ang sinasabi n'ya lang ay huwag ko nalang daw isipin at magpagaling nalang daw ako.

Pagka alis ni Calvin ay tsaka naman dumating si Kitty na maraming dalang isang malaking basket ng prutas at hindi lang iyon! May dala dala din s'yang malalaking halaman! Hindi naman ako plantita pero sabi ay tanggapin ko nalang daw iyon. Kaya hindi na ako nakatanggi at tinanggap nalang iyon.

Sabi n'ya ay kuwentuhan ko daw s'ya sa mga nangyayari sa buhay ko. Kaya kinuwebto ko naman simula noong pangyayaring iyon na hinding hindi ko makakalimutan.

"Nakakainis talaga yung bruhilda mong nanay! Biruin mo kaya n'yang gawin 'yon!" Tumango tango nalang ako kahit na wala akong maintindihan sa sinasabi n'ya.

"Papahanap ko talaga 'yong babae na 'yon!"

Nagulat ako ng bigla n'ya akong ikulong sa mga bisig n'ya ng napakahigpit na akala mo ay mawawala ako kapag binitawan n'ya. Kaya napakapit din ako sakanya.

"Miss na miss na kita."

Hindi man kita marinig at hindi ko man masabi sa'yo ito ng personal Kitty, pero lagi mong tatandaan na andito lang ako sa tabi mo kahit na anong mangyari. Kahit na talikuran ka man ng maraming tao, hinding hindi kita tatalikuran. Dahil sasamahan kita sa lahat at sa mga bagay na gusto mong gawin.

Natutuwa rin ako na nakilala kita. Hindi pa man tayo ganoong matagal na mag kakilala pero turing ko na sa'yo ay para kitang kapatid. Tunay na pamilya.

Sana hindi ka mag sawa na ganito yung sitwasyon ko. Huwag ka sanang mag sawa kakaintindi saakin.

Habang yakap n'ya ako ay mayroon s'yang inilabas na isang kulay brown na kahon. Nagulat nalang ako ng makita ko iyon ay may dalawang pares ng Hearing Aids.

[ Gaga ka! Mahal isa n'yan! ] sabay pabirong hampas ko sa balikat n'ya.

[ Okay lang, ano ka ba! Sige na suotin mo na dali! Excited na 'ko at maririnig mo na ang napaka ganda kong boses ]

[ Gaga ka, pero thank you! ]

Tinulungan n'ya naman akong suotin iyon. Dahan dahan n'ya iyong inilalagay sa tenga ko na para bang isa itong babasagin na bagay. Magaan din ang kamay n'ya.

"Oh ayan! Naririnig mo ba ako?!" Napatakip naman ako ng tenga kung saan naka suot ang isang Hearing Aids. Grabe anlakas naman ng boses nito!

Matapos no'n ay nag aya si Kitty na nagkantahan daw kami. Nakalimutan n'ya ata na hindi ako nakakapag salita.

Nag play s'ya nung kanta na pang videoke at nagsimula s'yang kumanta. Pansin ko ay malinis s'yang kumanta at dinig na dinig mo talaga yung bawat salitang binibigkas n'ya.

Buong maghapon s'yan nagkakakanta at ako naman ay nakikinig lamang.

"Lab mo 'ko?" Tanong n'ya sa'kin na parang limang taong gulang. Kaya tumango ako.

"Yiee! Kilig ako!"

Noong gabing iyon isa lang ang hinihiling ko, na 'wag nang sumapit ang panibagong bukas. Dahil alam ko na may panibago nanaman akong kakaharapin, pag sapit ng liwanag.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro