Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Up Down

Chase's POV

Nadulas ako dahil sa putik at dahil may bigla-bigla nalang tumulak sa'kin sa likod. Itong mga daemons na'to kung saan-saan sumusulpot nakakairita.

Tch.

"You okay?" lumapit sa'kin si Seht na kasalukuyang lumiliwanag ang buong katawan lalong-lalo na yung buhok niya na kasingkulay ng araw.

Wala namang araw ngayon pero andito naman ang dalawang anak ni Apollo kaya hindi gaanong nababalot ng kadiliman ang lugar.

Tinulungan ako ni Seht na makatayo saka iniwan ako para salubungin yung ibang kalaban.

Pagkatapos, napatingin ako sa babaeng walang tigil ang paglabas ng weapons at sunod-sunod na pinapatay ang mga gigantes na akmang aatakihin siya.

Napangiti ako pero saglit lang dahil napansin ko si Hecate na nasa ere at nakataas ang kamay sa direksyon ni Ria. May lumabas na bolang gawa sa mist mula sa palad ni Hecate at mabilis na tumungo sa direksyon niya.

"Dito ka." sabi ko kay Ria nang gamitin ang ability ko para maialis siya sa dating kinatatayuan niya kaya't tumama ang mist sa mga daemons at gigantes imbes sa kanya.

Binigyan ko siya ng isang halik sa noo bago mawala sa pananaw niya at dumiretso sa cyclopes na nakatalikod. Tumakbo ako at lumundag mula sa likod niya patungo kay Hecate na huli na nang mapansin akong papalapit sa kanya.

Nawalan siya ng balanse dahil hinatak ko siya pababa sa lupa. Nakahiga siya nang may lumabas na mist mula sa bibig niya. Pero nagawa ko namang makaiwas at tapakan nang napakalakas ang balikat niya.

Totoo nga ang sinabi ni Matilda.

May nangyari nga sa kanila kaya nanghina sila.

"Don't get your hopes up, demigod." boses ng babae ang narinig ko bago makaramdam ng sakit mula sa likurang bahagi ng leeg ko.

Pinilit kong lumingon at nakita ang isang nilalang na nakangisi. Lumabas ang matatalim niyang ngipin at kasabay nito ay ang pagbuka ng maiitim niyang pakpak.

Ito ata yung isa sa mga Arae na kalalabas lang mula sa Underworld ah?

Diniinan niya ang pagkahawak sa aking leeg at dahan-dahan akong nakaramdam ng panghihina na para bang kinukuha niya ang lakas ko mula sa'kin.

Takte.

Napaluhod ako.

Pilit na inangat ng Arae ang ulo ko para tignan si Hecate na nakatayo sa aking harap at pinaglilisikan ako ng mata.

"Off with your head." Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay, nakapilipit ang kanyang mga daliri sa isang blade.

"Chase!" narinig ko ang sigaw ni Ria bago ako makaramdam ng pamamanhid sa buong katawan ko.

Ilang segundo ang lumipas at nakasimangot ako habang nakatingin sa Chase na pinugutan nila ng ulo. Nakatayo ako ilang hakbang ang layo mula sa kanila at nakahalukipkip.

"Tatanga-tanga nga naman." Napailing ako nang makita ang reaksyon ng dalawang deities pagkatapos maglaho yung katawan ng Chase na akala nila'y totoo.

Nakalimutan ata nila kung anong uri ng God ang ama ko.

Hindi God of Kagwapuhan ah.

God of Trickery lang naman.

Gagalaw na sana ako sa pwesto ko pero hindi ito natuloy dahil dinaanan ako ni Ria. Sa sobrang bilis niya, kulay lang ng buhok niya ang nahagip ng mga mata ko.

Nakasingkit ang aking mga mata habang pinapanood ang susunod na mga pangyayari.

"Never. Do. That. Again." nag-aapoy ang katawan niya nang sipain niya sa likod ng tuhod si Hecate at hatakin ang pakpak ng Arae. Nagsummon siya ng isa sa pinakamalaking espada niya at isinaksak ito sa pakpak ng Arae. Nagpupumilit na bumangon ang Arae kaso napapaiyak lang siya dahil nakadikit ang isang pakpak niya sa lupa.

Samantalang si Hecate naman, hindi pa nga nakatayo ng maayos at bumagsak na naman siya dahil nakatanggap siya ng suntok sa sikmura.

Hinarap ni Ria ang Arae. Lumutang ang isang spear sa kanyang kamay at ipinatong niya ang isang paa sa ulo ng nakakaawang nilalang.

"Bitch." aniya saka isinaksak ang spear sa leeg niya. Kasunod niyang sinipa nang napakalakas ang ulo ng Arae dahilan na matanggal ito at mapatapon sa malayo.

Ang brutal talaga ng babaeng 'to.

Pero gago.

Bro na bro talaga!

Binalik ko ang aking tingin at napaatras nang mapansin si Ria na kanina pa pala nakatitig sa'kin. Mayamaya, naging malambot ang ekspresyon niya. "You better buy me ice cream for this." at nawala na nga siya ng tuluyan.

Napansin kong pati na rin si Hecate ay naglaho na.

Nagkibit-balikat ako.

Napalayas ata dahil sa hiya.

"Son of Hermes!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang galit na mga Arae. Lumilipad sila patungo sa gawi ko, namumula ang mga mata at nagsisilabasan ang mga ugat sa leeg hanggang sa mukha.

Tapos ako pa mapagbibintangan sa ginawa ng babaeng yon?!

"Amputek naman oh!" tumakbo ako.

•••

Muntik na akong tamaan ng malaking bato na itinapon ng gigantes at muntikan na rin akong matanggalan ng balat dahil kinagat ako ng daemon.

Pero mas okay na siguro to kesa naman doon ako sa dalawang Arae na kaharap ng mga Beta at Gamma ngayon.

Delikado. Baka malagyan nila ako ng sumpa at gawin akong palaka.

Suma-olympus nawa ang kaluluwa ko kung mangyayari nga yan.

Sobrang hirap pa naman ng pinagdadaanan ko sa digmaan na'to dahil walang epekto ang weapon ko sa mga daemon. Lumulusot lang ito sa katawan nila. Itong mga gigantes naman, ang tagal maubos!

"Chase." tinawag ako ni Cal.

"Teka lang tol ah." pinulot ko ang spear ng huntre na nakalatay ang katawan sa paanan ko at ibinato ito sa mata ng cyclops na may balak sumugod sa'kin.

"That was mine!"

Nagulat ako nang biglang tumayo yung huntre.

Aba. Buhay pala to?!

"Alam ko!" sagot ko. "Akala ko kasi patay ka na! Kasalanan ko ba? Ha?"

"I was listening to the monsters coming from the ground to count them you bastard!" padabog siyang naglakad at napatingin sa lupa para maghanap ata ng kapalit na weapon.

Napakamot ako ng ulo. "May dalaw siguro?"

Binaling ko nalang ang atensyon ko kay Cal na nakatayo sa harap ko. "Yes bro? May problema ba tayo?"

"We already have a lot of casualties. We're outnumbered." aniya.

Tumango ako. "Alam naman natin yan simula pa nung una ah."

"We have lost a lot but Eris is not even out yet." tugon niya. "We may have to force a retreat."

Matagal akong napaisip sa sinabi niya. Retreat? Ang bilis naman ah.

"Makakaretreat pa ba tayo sa sitwasyong to?" tanong ko pagkatapos mapatingin sa Academy na pinapalibutan ng mga daemons.

"We have to." dumating si Seht kasama sina Heather at Kia.

"Si Ria? alam na ba niya-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil yumanig ang lupa. Nagkaroon rin ng pagsabog kaya't napalingon kaming lahat sa direksyon kung saan nagmula yung tunog.

Gumawa ng barricade ang mga daemons at gigantes. Sa likod nila, nagsilabasan ang labindalawang leviathans.

Panghuling lumabas ang dalawang maiitim na chariots kung saan nakasakay sina Eris at Nyx.

"Yan na pala hinahanap niyo." puna ko.

"Forward!" sigaw ni Eris at itinuro kami.

"Is it me or... did the Leviathans grew bigger?" ani Seht. "...and angrier than before."

Mula sa itaas, umalingawngaw naman ang kakaibang tunog ng kung anong halimaw.

At sumunod ang sigaw ng babae.

"TANGINA ANO NA NAMAN YAN?!"

"Oh that sounds like Blobblebutt."

Kagaya ng sinabi ni Seht, nasa himpapawid nga si Blobblebutt at sa likod niya ay sandamakmak pang mga hippogriffs. Kumunot pa ang noo ko dahil may nakatali na net sa katawan ng bawat hipprogriff.

"Good boy!" kumakaway-kaway si Seht sa kanya.

Sa ibaba ng mga hippogriffs, maraming demigods, huntres at amazons ang dali-daling nagsialisan at iniwan ang mga gigantes.

Gusto ko sanang magtanong kung anong meron pero naunang sumigaw si Seht.

"Release the Kraken!"

Tinanggal ng mga hippogriffs ang net na nakatali sa mga katawan nila at pagkatapos...

Bumagsak mula sa taas si Cetus.

Naglabas siya ng ingay na ikinatahimik ng lahat at nagsimulang kumain ng mga gigantes.

"It was Art's idea. Nice huh?" tumatango-tango si Seht.

"IIIIIIIIHHHHH!!" narinig namin ang tili ni Art.

Napangiti na lamang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro