
The Mortal Realms
Chase's POV
Tinignan ko ang babaeng naglilinis ng kanyang weapon.
Nasa hotel kami. Oo. Yung hotel na ginamit namin sa huling misyon. Yung panahon na hindi kami pinapansin ng girls dahil sa away nina Dio at Kara.
Yung dahil sa drama nila, nagkaroon ng bagyo.
"Ngayon mo lang nilalabas yan ah." puna ko. "Ginagamit mo kasi palagi na espada ay yung nag-aapoy na paborito mo."
Sinamaan niya ako ng tingin. Napakaayos niyang sumagot ano?
Hindi ko alam kung ilang araw na kami dito sa mortal realms. Tapos ito pang kasama ko.
Minsan nakakausap ko pero minsan din, sinasaniban ni Eris dahil pinanlilisikan lang ako ng mata.
"May problema ka ba Ria? Parang ibang-iba ka ngayon ah." napatingin ako sa limang gallons ng ice cream na nasa paanan niya. Wala na itong mga laman.
"Pwede bang tumahimik ka muna? My Ares blood is tingling at baka mapatay kita jan." mariin niyang sagot.
Akala niya ata hindi ko alam. Nahihiya ba talaga siyang sabihin sa'kin ang nangyayari sa kanya?
Kahapon lang pumunta kami sa convenience store para bumili ng mga pagkain, nagtaka ako kasi pilit niyang tinatago ang isang pack ng pads.
Nagreklamo pa siya kasi andami ko daw biniling mga pagkain. Sinadya ko lang naman yon dahil alam kong siya ang uubos nito.
At tama nga naman ako.
Inubos ng babaeng yan LAHAT ng binili ko. Putcha mga tol. Pati mga wrappers nilamon niya!
"Why the fuck are you staring at me?" minura niya ako dahilan na mamuo ang isang ngiti sa aking labi. Nagdedebate ang utak ko kung masasaktan ba ako sa sinabi niya o magaganahan because damn.
Her voice sounded hot.
At the same time, ang cute dahil pulang-pula ang mukha niya.
"Pinagnanasaan mo ba ako sa maliit mong utak Chase?" itinaas niya ang kanyang weapon.
Hindi magiging Ria si Ria kung wala ang mga insulto niya lalo na sa'kin. Parang immune naman ako sa pananalita niya kaya't natatawa nalang ako palagi pag ginaganyan niya ako.
Sa totoo lang...
It's very entertaining.
Pakiramdam ko kasi ako lang ang taong kayang mahandle ang isang fireball na katulad niya.
"Fireball." natawa ako bigla sa naisip ko.
Fireball ba talaga? o firemonkey?
"Pinagsasabi mo?" itinaas niya ang kanyang gintong espada. Hindi naman ako kinilabutan dahil gustong-gusto ko talagang makita siya na may dalang weapon.
Lalo na pag nasa digmaan.
"Wala. Sabi ko ipagpatuloy mo lang yan." sagot ko.
Mag-aalay na talaga ako sa temple ni Ares araw-araw dahil binigyan kami ng pagkakataon na magkasama.
"Roadtrip tayo?" alok ko.
"What the- may time ka pa para mag road trip?!" kasunod na naglaho ang weapon sa kanyang kamay.
"Sa tingin ko kasi wala tayong maaaning clues kapag nandito lang tayo nagtatambay. Di mo ba naisip yon?" tumayo na ako.
Pinipigilan ko ang aking sarili na magmura. Baka sumabog ang babaeng to. Sa ngayon, chill lang. Pasalamat siya at ipinalaki akong thoughtful kaya wala muna siyang matatanggap na pang-aasar mula sa'kin.
Aaminin kong natatakot rin ako sa babaeng yan.
Hindi naman ako nakaabot sa punto na nanginginig ako sa takot.
Teka lang.
SIGE. Siguro may mga panahon nga dati na nanginginig ako dahil takot na takot ako sa kanya.
Pakshet.
Anong ginagawa ng babaeng to sa'kin?! Nababawasan pogi points ko dahil sa kanya ah. Naknamputa.
Nakapameywang siya. "I'm fine here. Problema mo kung gusto ko dito?"
Napakagat ako ng labi pagkatapos nakapag-isip ng perpektong sagot sa tanong niya.
Ginamit ko ang ability ko para i-lock siya sa pagitan ko at ng pader. Paborito ko na itong gawain sa tuwing nagsusungit siya.
"Sasabihin ko sa'yo kung anong problema." bulong ko.
"Baka kasi hindi ko makayanan ang sarili ko at may mangyari sa'tin. Lalo na't tayo lang dalawa ang nandito."
Napangiwi ako sa sakit dahil bigla niya na naman akong tinuhod sa sikmura.
"Can you stop doing that?!" sinigawan niya ako.
Umiling-iling ako. Ano nga naman ang inaasahan kong reaksyon mula sa anak ni Ares?
"Seriously, Ria." binigyan ko siya ng nangangahulugang ngiti. "Kung ako sa'yo, I'd choose the latter."
"WHAT THE FUCK CHASTILLEEEE!!!" hinagisan niya ako ng mga daggers kaya naglaho ako sa harap niya.
"HAHAHAHA!" nananakit ang tiyan ko kakatawa nang makalabas ako ng kwarto.
•••
Mortal Realms...
Ano ba ang dapat naming hanapin dito?
Ano bang meron dito?
"You're surprisingly silent." narinig kong sambit ni Ria na nakaupo sa tabi ko. Nakatingin siya sa harap habang lumalamon ng ice cream.
Paano ba kasi. Kanina pa kami paikot-ikot dito. Paulit-ulit nalang ang mga sasakyang nilalagpasan namin.
Ang dami nga ng pwedeng madaanan dito pero may ibang mga kalye na hindi namin mapuntahan dahil sa sobrang dami ng mga sasakyan na nakaharang. Minsan nga, tumitigil kami para ilipat ang mga pedestrians.
Pag ako napuno dito, hindi na ako hihinto at tuluyan ko na nga silang sasagasaan.
Hinampas ko ang aking kamay sa manobela para ibuga ang galit na noon pa namumuo sa loob ko.
Hindi pwedeng wala kaming gagawin dito.
Putcha naman oh. Pinaghiwa-hiwalay na kami. Pinapunta sa iba't-ibang realms.
Pero bakit responsibilidad pa din namin ang mahanap kung ano yung dapat naming hanapin?!
Akala ko tapos na'to.
Pinagdasal kong matatapos na'to.
Hindi ko naiintindihan kung bakit nangyayari 'to sa'min. Kung bakit umabot sa ganito.
"Chase. Stop!"
Agad kong inapakan ang brakes nang namalayang malapit na pala kaming bumangga sa isa pang kotse dahilan na lumipad ang ice cream ni Ria sa harap ng sasakyan.
Kinalma ko ang aking sarili. "Bili nalang tayo ng bago."
Sa laking gulat ko, hindi niya ako tinaasan ng boses. Sa halip ay tinitigan niya lang ako. Nakakunot ang kanyang noo, naghihintay ata kung may sasabihin ako.
Pero hindi ko siya kayang harapin dahil ayokong makita niya ako na nagkakaganito.
"Chase?" bakas ang pag-aalala sa boses niya. "Okay ka lang?"
Tumango ako.
"No. You are not." umiling siya. "Is this why you've been out of character recently?"
Nginitian ko siya. "Nah. Pinipikon lang kita. Nagbibiro lang talaga ak-"
"You're a great trickster and pretender, Chase. Bibigyan kita ng award diyan." aniya.
"Pero hindi mo pwedeng itago ang totoong nararamdaman mo."
Nakatikom ang aking bibig habang nakikinig sa kanya. Akala ko hindi niya malalaman.
Na-underestimate ko nga siguro ang babaeng 'to.
"Wag kang mag-alala. Namimiss ko rin sila. Pero kung tutuusin, maswerte ako dahil andito ka." nagbuntong-hininga siya.
"The fact that I have someone here with me is something I always remind myself. Sapat na ang presensya mo para wag akong mawalan ng pag-asa." kinuha niya ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya.
"Ikaw na mismo ang nagsabi sa'kin na kumapit lang diba?"
Gumaan ang pakiramdam ko nang makita siya na nakangiti. Sa kalalaki kong tao, kinikilig ako. What the.
Natawa siya ng mahina. "Besides I'm here you know. At kapag bibilhan mo'ko ng ice cream mamaya, maybe I can share it with you."
Bumaba ang aking tingin sa kanyang labi.
And would you look at that. May ice cream.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang ako naman, kanina pa pinagpapawisan kakatitig sa kanya. Nanghihingi lang ako ng paumanhin kay Ares sa gagawin ko.
"Ria." tinawag ko siya. "Lapit ka nga dito. May sasabihin ako."
Napatigil siya pero sinunod niya naman ang tinugon ko at nilapit ang kanyang mukha sa'kin. "what is it?" tanong niya.
'Sorry talaga bro. Di ko na kaya.'
Ngunit hindi natuloy ang balak ko dahil nakarinig kami ng boses mula sa likod.
Napatingin kami sa dalawang babae na nakachiton at nakapasok sa sasakyan. For fuck's sake, anong ginagawa ng goddess na yan dito?!
"Nice to see you again, Chase."
Magkakilala kami dahil isa siya sa mga deities na bumibisita sa factory ni Hermes.
"Psyche." sambit ko saka tinignan ang kanyang katabi.
"Sino yan?" tanong ko. Di kasi pamilyar sa'kin ang hitsura niya. Pero may kutob akong deity rin siya.
"Oh." umurog ng konti si Psyche at ipinakilala ang kanyang kasama. "This is my daughter, Hedone."
Tumango ako. "At sinira niyo ang moment namin dahil?"
Nagbuga muna ng hangin si Psyche bago sumagot. "It's my husband."
(A/N: Yeah. She's referring to Eros. And ya'll know what he did. LOL.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro