Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Rise Up

Cesia's POV

Naramdaman ko ang kapangyarihan ni Cronus na lumalaban sa'kin. Pilit ko kasing tinatanggal ang kapangyarihan niya mula sa ibang demigods.

'Remember what I told you... Cesia.' paulit-ulit na sabi ni Mnemosyne sa aking isipan.

Napangiti ako pagkatapos makita silang lahat na nakatayo at inaabangan ang pagdating namin. Agad kaming pinalibutan ng mist na alam ko'y galing kay Hecate.

"Trev." nilingon ko siya.

"Cesia." sagot niya at daling pinalitan ng spectra ang mist.

Napahinto kami dahil ipinaloob kami ni Eris sa isang trance. Umiling lang ako saka binasag ito.

"Mag-usap tayo Eris..." bulong ko na alam ko naman ay narinig niya.

"Cronus. Stop them. Now!" utos ni Eris kay Cronus. Lumapit sa'min si Cronus pero hinadlangan siya ng mga Olympians.

"Nandito ka Cesia?! Aaahh!!!" tumakbo si Art kasama yung ibang demigods.

Ngunit hindi ako napatingin sa kanila, kundi sa mga deities na nasa likod nila. Sa mga rebel deities rin na katapat nila.

Ang dami na nila.

Pero hindi pa naman huli.

"The other students were transferred." pagbibigay-alam sa'kin ni Kara. Tumigil ang mga mata ko kay Chase dahil sa pakpak na nasa likod niya. Pagkatapos, nakita ko ang Academy na nakalutang at sa ilalim ay isang malaking cannon.

Isang babae ang kumakaway sa'kin at nakasuot ng malapad na ngiti. Katabi niya ay si Hephaestus na tinanguan ako.

"Kahit anong mangyayari.." nginitian ko sila. "Wag kayong lumapit sa'kin."

Tumango sila at nagsitakbuhan patungo sa kani-kanilang mga deities.

Nagpaiwan si Matilda na nakatayo pa rin sa harap ko.

"Bakit?" kumunot ang aking noo.

"I just wanted to make sure you're real." aniya bago umalis.

"Forward!" utos ni Eris na nakasakay na ngayon sa chariot niya. Isang lightning bolt ang dumikit sa ilalim nito kaya't bumagsak siya.

Pagtayo niya, pinasok ko kaagad siya sa isang trance.

Tumayo siya na takang-taka samantalang ako, humahakbang papalapit sa kanya. Nakabukas ang maiitim niyang pakpak pero nagkabali-bali kaagad ito nang itinaas ko ang aking kamay sa direksyon niya hangga't sa mapaluhod siya sa sakit.

"Ginagamit ka lang ni Nyx, Eris." sabi ko sa kanya. "Tumayo ka." utos ko.

"So you're going to do to me what I did to you?" humalakhak siya. "Don't even think about it-"

Hindi niya natapos ang pangungusap niya dahil ginamit ko ang weapon ko para tanggalan siya ng isang pakpak dahilan na mapuno ng gintong dugo ang paanan niya.

"Stupid demigod." ngumisi siya. "I am immortal-"

Tinanggal ko na ang natitira niyang pakpak.

"Eris... ginagamit lang kayo ni Nyx." pag-uulit ko.

May hinahanap kasi na kapangyarihan si Nyx pero kahit matalo kami sa digmaang 'to, hinding-hindi niya ito makukuha dahil hindi ito maaaring ilipat sa iba.

"What? That's impossible." natatawa niyang sabi. "Stop using your abilities on me, Cesia."

"Maniwala ka sa'kin." giit ko. "Alam ko lahat. Nagkita pa nga tayo noon diba. Hindi mo ba naalala? Nung sinubukan niyong kunin si Achlys."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Y-you were there..."

Hinayaan ko siyang alalahanin ang nangyari.

Pagkatapos, nagtaka ako dahil bigla siyang tumayo, nakayuko at hindi parin nabubura ang ngiti.

Inangat niya ang kanyang ulo.

"Spectra." binigyan niya ako ng nakakakilabot na tingin. "you have it."

'Mnemosyne.. alam niya.' tinawag ko si Mnemosyne.

"Of course I do, Cesia." lumapit siya sa'kin at ako na naman ang napaatras. "You think I wouldn't wonder why Nyx was quick to agree with me about the rebellion?"

"I'm not that stupid." umiling siya. "But then, as time passed, I started craving a bit for that power too."

"They said that only the rulers of the three realms get to possess it." aniya. "When I knew about it, I said to myself that maybe, this rebellion would be worth everything, afterall because as it turns out, it is more than just a rebellion, it is a quest for the ultimate power."

"And it is." bumaba ang kanyang tingin sa kamay ko na napapaligiran ng spectra.

Kasunod na bumalik ang kanyang tingin sa'kin.

"I felt like we were chasing you for no reason at all, but here you are... wielding it." dagdag niya.

'Get out of the trance, Cesia.' utos sa'kin ni Mnemosyne na agad kong sinunod.

Bumalik na ako sa dating kinatatayuan ko.

Sa likod ng kaguluhan, natagpuan ko si Nyx na nakatitig sa'kin. Bigla siyang lumitaw sa harap ko at nang hinawakan niya ang braso ko, natumba kaagad ako.

Napansin ko si Kara na akmang lalapit sa'kin pero umiling ako sa kanya.

"It was you. The real problem." puna ni Nyx.

"Stay away from her, you ugly bitch." narinig ko ang boses ni Aphrodite. Tinulak niya si Nyx at mayamaya, ay tinulungan akong tumayo.

Hinawakan niya ang pisngi ko at paulit-ulit na nagtanong kung saang banda ng katawan ko ang masakit.

Ako naman, napatingin sa leeg niya kung saan walang tigil ang pag agos ng gintong dugo.

"Sinong may gawa n'yan?" tanong ko.

"Cronus..." sagot niya sabay iwas ng tingin.

"Brooo!!" sigaw ni Chase nang bumagsak sa paanan namin si Ares na bugbog ang katawan.

"Damn this titan." nagsalita ang God habang nakapikit. Idinilat niya ang kanyang mga mata at pagkatapos makita si Aphrodite, agad siyang tumayo at pinagpag ang armor niya. "But I'm still the God of War, right?" at naglaho siya sa harap namin.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Aphrodite na hindi natapos dahil may gintong tali na biglang pumalipot sa leeg niya.

Sobrang bilis ng mga susunod na pangyayari, pinalibutan kami ng napakabigat na mist at nang mawala ito, nawala na rin ang mga deities.

Labindalawang demigods ang natirang nakatayo katapat nina Eris, Hecate, Nyx at Cronus.

"WHAT DID YOU DO?!" halatang galit si Ria.

"Let me tell you what happens when we get to control a titan." nagsalita si Hecate.

Naghanap ako ng koneksyon sa pagitan namin ni Aphrodite. Malabo lang pero alam kong nasa Underworld sila ngayon.

Kaya siguro nilagay nina Eris ang deities sa Underworld dahil ito lang ang lugar kung saan makapangyarihan sila.

Napasinghap ako nang matagpuan ko ang aking sarili na nasasakal sa himpapawid.

"T-trev..." pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa leeg ko.

'I control the darkness.. and the darkness controls them.' mahinang sabi ni Nyx.

Napadako ang aking mata kay Art na lumapit kay Cal. Lahat sila ay napatingin sa kanya at nakita kung paano niya itinapon si Art na parang siya pa yung kalaban.

"Cal!" nagsitakbuhan yung iba patungo sa kanya hanggang sa bumagsak silang lahat na duguan.

"T-trev.." humarap ako sa kanya. "B-bitawan mo'ko.."

"H-hindi ako makahinga-" humigpit ang kanyang kamay.

"I'm sorry." bulong niya bago siya nagsummon ng isang lightning bolt at sinaksak ito sa tiyan ko.

Binitawan na niya ako.

'Anong ibig mong sabihin?!' nagulat ako. Ito kasing si Mnemosyne kung anu-ano pa yung pinagsasabi!

'You have to die.' seryoso niyang tugon. 'You have to die to summon the mist of death.'

'You have to get killed to summon us.' dagdag ni Achlys.

Naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa lupa.

Pagkatapos, binuksan ko ang aking mga mata at nakita si Trev na nakalahad ang kamay.

Tinanggap ko ito saka tumayo.

"Bakit?" nagtaka ako kay Trev na hindi umiimik.

"Y-your eyes..."

Nginitian ko siya.

"Alam ko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro