Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Freedom

Cesia's POV

Lumutang ang isang baso na may lamang iced tea sa harap ko.

"Thirsty?" tanong ni Mnemosyne.

Tumango ako at tinanggap ito. Umiinom ako nito habang nakikinig sa plano niya.

Sa ngayon, ang alam ko, hindi pa ako makakabalik sa Alphas hangga't magagawa ko ang pinapagawa sa'kin ni Mnemosyne. Nakita niya kasi na hindi magiging maganda ang future ng mortal realms kapag di ako kumilos na mag-isa.

Mahirap pero kakayanin ko.

"During the war, the Olympians will not be able to help you." aniya.

Tinanong ko siya kung bakit.

"They will be captured and thrown to Tartarus. Especially your mother. When she banned Hecate, she used a tremendous amount of her power to do it kaya nanghihina siya sa ngayon." sagot niya.

Sabi ko na nga ba na may nangyari sa kanya. Matagal ko na kasing hindi naririnig ang boses niya.

"The war will end with the rebels winning. They will take over all the realms." dagdag niya. "If we work together, we can prevent that to happen."

Nagbuntong-hininga ako saka tumango. Ilang araw na ba ako dito? Hindi ko na natrack yung time dahil medyo occupied pa sa pag p-process yung utak ko sa mga pinagsasabi ni Mnemosyne.

Hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako. Hindi para sa'kin kundi para sa Alphas.

Kumusta na kaya sila?

Sa totoo lang, gusto ko na silang makita ulit. Sila talaga ang una kong hahanapin kapag nakalabas na ako dito.

"I have something else to tell you Cesia..."

Nag-abot ang aking kilay nang marinig yon. "Ano?"

Nabitawan ko ang aking baso nang makita ang mga demigods na nakatayo sa gitna ng dating lair ng gigantes. Napansin kong madilim sa buong lugar kaya napatingala ako.

Bumalik na sa nakakakilabot na kulay ang mga ulap. Nawala na ulit ang araw at pinalitan na ito ng Virgo.

Sa mga paanan nila ay iilang mga...

"portals?" lumapit ako sa kanila.

Ibig sabihin ilang linggo na pala akong nawala?

Nakita ko si Ria na may sinasabi ata kaso di ko marinig. Sinubukan kong punasan ang kanyang mga luha pero.. di ko sila mahawakan.

"A-andito lang ako..." bulong ko bago sila maglaho.

Napatingin ako kina Thea at Seht na naiwan. Napaluhod si Thea samantalang si Seht naman, inalalayan siya at pilit siyang pinapatahan.

Nawalan ako ng balanse. Agad akong bumalik sa bahay kaya't bumagsak ako sa sofa.

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata.

Napagtanto kong matatagalan pa ako sa pag-uwi. Nasa anim na realms na sila ngayon.. ako naman, hindi pa nakalabas dito.

Naalala ko si Trev.

Nag-iisa siya.

Hindi pwede.

Tumayo ako na nakakuyom ang kamao. "Ano ba ang kailangan kong gawin?"

Hindi ko alam kung anong nangyari pero nakatayo na ako ngayon sa cave ni Trophonius. Katabi ko si Mnemosyne na may tinitignan sa ibaba.

Napaatras ako mula sa malaking butas na nasa dulo ng cave.

"Teka. Ito yung sinasabi ni Art na entrance pala ng Underworld?" tanong ko kay Mnemosyne.

Naalala ko kasi, dito rin sila nahulog at natrap sa Underworld sa unang misyon nila.

Dito rin ako tinulak ni Trev para mahanap si Mnemosyne. Psh.

"You know. I really like how that demigod forced you to drink-"

"Mnemosyne!" binigyan ko siya ng nagbabantang tingin. May panahon pa talaga siya para manukso?

"No really." lumapad ang kanyang ngiti. "I have seen how he treats you."

Wala sa loob na hinipo ko ang aking labi. Kusa ko kasing naalala ang ginawa niya. Halos nawalan rin ako ng hininga pagkatapos mangyari yon.

Napailing ako.

"Wag muna nating pag-usapan yan. Pwede?" tugon ko.

Hindi naman sa naiinis ako.. pero sa tuwing naalala ko ang nangyari, naninikip yung dibdib ko. Kapag naaalala ko yon, gusto kong umiyak ulit.

Kaso... pagod na akong umiyak. Ibinuhos ko na lahat ng natira sa'kin.

"Let's go!"

Nagulat ako nang hatakin ako ni Mnemosyne papasok sa butas. Sabay kaming nahulog patungo sa Underworld.

"Mnemosyneeeee!!!" sigaw ko.

Naramdaman ko ang pagiging acidic ng hangin mula sa ibaba. Pumikit ako para ihanda ang aking sarili.

Iminulat ko ang aking mga mata. Nasa harap ko si Mnemosyne na nakatayo at pinapagpag ang kanyang chiton.

Akala ko talaga hindi na buo yung katawan ko pagkatapos ng bagsak namin.

"That was not as awful as I expected it to be." puna niya.

"Bakit nandito tayo sa Underworld?" inilibot ko ang aking tingin.

Nakapunta na ako dito dati... sa panaginip ko nga lang. Yung nakita ko ang nangyari kay Seht sa Underworld.

"Kailangan nating magtago." nag-aalala kong sabi sa kanya. "Diba ang rebels na ang namumuno ng Underworld? Patay tayo pag nakita nilang-"

"Oh. We're not just in the Underworld." pagbibigay-alam niya sa'kin.

"We're in the Past." dugtong niya.

Inilibot ko ang aking tingin sa buong lugar. Wala naman akong nakikitang mga gigantes o daemons.

So ito yung time na hindi pa napatalsik ng rebels sina Hades?

Inutusan niya akong sumunod sa kanya.

Nakasuot lang siya ng sandals pero ang dali para sa kanya na maglakad dito. Ako nga na naka sapatos, hirap na hirap. Patagal nang patagal, para na rin akong nilalason ng hangin dito.

Hindi ko aakalaing mapapadpad ako sa Underworld kasama ang isang titan goddess na lingid sa aking kaalaman, ay lola ko rin pala.

Kung anu-ano na ang nangyayari sa buhay ko. Napansin ko lang. Nung una, okay na ako.

Medyo contented na ako sa nangyayari sa'kin tapos bigla nalang akong sinampal sa katotohanang pati sarili ko di ko na kayang mapagkakatiwalaan.

Nagtago kami sa likod ng dalawang malalaking bato. Sumilip ako at bumungad sa aking harap ang napakalaking gate.

"Papasok tayo sa palasyo ni Hades?!" hindi ako makakapaniwala sa gagawin namin. "Baliw ka ba?!"

Sumimangot si Mnemosyne. "I find it harder to believe that I, Mnemosyne, a very powerful deity has just been labeled by my own granddaughter as a crazy woman."

"Tanggapin mo na." sambit ko. "Nasa modern era na tayo. Ganito na kami lalo na pag yung lola mo ay isang titan goddess na ilang taon nang hinahanap-hanap. Yun pala, nakatago lang sa utak ng kanyang apo."

Ilang segundo ang lumipas ng malalim na pag-iisip, nagkibit-balikat siya. "That actually makes sense. I'll give you a pass for that."

Napailing ako. Pati ata ako mababaliw na rin dito.

"I want you to go find their dungeons. You'll see someone locked inside. Go and save him." utos niya sa'kin.

"Hindi mo'ko sasamahan?" pinagpapawisan ako habang ini-imagine ang mangyayari sa'kin pag mag-isa akong sumugod.

Umiling siya. "No one must see me. I'm still hiding remember?"

Huminga ako ng malalim. Nasa past nga pala kami. Hindi siya pwedeng makita ng mga nilalang na andito.

Tinignan ko ang dalawang tagabantay ng gates. Ginamit ko ang aking weapon para kunin ang mga spears nila at itapon ang mga to. Nagtinginan muna sila bago umalis para kunin yung spears.

Kumaripas ako ng takbo at nagtago ulit sa likod ng isang crate na may lamang mga kalansay. May iilan pang mga sundalo na napadaan. Buti nalang at wala pang nakapansin sa'kin dito.

Dungeons...

Underground. Usually nasa underground yung dungeons diba?

Naghanap ako ng pwedeng daan papunta doon. Napadako ang aking mga mata sa gate na gawa sa bakal na nag-aapoy. Pumasok ang isang sundalo na may dalang mga susi.

Sinigurado ko munang walang makakita sa'kin saka lumapit sa gate. Nakabukas naman ito kaya madali akong nakapasok.

Yun nga lang, hindi ko namalayan na may hagdan pala pababa kaya... naslide ako at tuluyan na ngang nahulog sa hagdan.

"Aish-" dahan-dahan akong tumayo.

Ang sakit ng likod ko!

Napatigil lamang ako dahil may spear na nakaturo sa'kin.

Shoot.

Itinaas ko ang aking kamay.

"Sleep." utos ko.

Bumagsak ang sundalo. Agad kong kinuha ang mga susi na nakasabit sa kanyang uniform.

Ayon kay Mnemosyne, lalaki dapat ang hahanapin ko.

Walang laman ang mga cells nila maliban nalang ng isa na nasa dulo. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaking nakaupo sa isang sulok nito. Nabalot ng dugo at dumi ang kanyang suot.

"Psst." sinitsitan ko siya.

Inangat niya ang kanyang ulo. Nang makita ko kung sino siya, saka ako napasinghap.

"S-Seht?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro