Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Edge of the Night

Cesia's POV

'You don't know what happened when I thought I lost you.. do you?' sumandal siya sa upuan.

Stranded pa rin kami dito sa mga ala-ala ko pero mas okay na siguro ngayon kasi kasama ko siya.

'Teka..' pinikit ko ang aking mga mata at pagdilat ko, nasa veranda na kami ng dorm namin. 'Ayan.. mas maganda dito kesa do'n sa dating bahay namin.'

Napangiti siya sa ginawa ko.

'Ano... yung tungkol sa tanong mo..' napatingin ako sa view na namimiss ko palagi sa tuwing umaalis kami pag may missions. 'winasak mo daw yung buong lugar.. yan sabi nila..'

Tumango-tango siya. 'True..' saka niya ako tinabihan.

Pagkatapos, natawa nalang ako nang may biglang pumasok sa isipan ko. 'Trev... nagtatagalog ka ba?'

Isang beses ko lang naman siyang narinig na nagsalita ng tagalog.. O dalawa ba? ah basta...

Napa'hmm' siya bago sumagot. 'I was born in Europe, did you know that?'

Napasinghap naman ako. 'Ha? Eh diba pinoy ka naman?!'

Nginitian niya ako at tumango ulit. 'My mom was visiting a relative and it so happened that Zeus found her... she stayed in Europe and raised me there until I turned ten years old.'

'Eh yung mga kapatid mo?' tanong ko nang maalala yung vision ko dati kung saan nalaman kong may mga kapatid pala siya.

'Yeah.. my mom found another man. They were married but... we had to leave him.' napabuntong-hininga siya. 'As it turned out, he was a part of a group that involved shady business..'

Napakagat ako ng labi nang maalala yung pagkamatay ng mama niya. Psh. Ewan ko ba kung anong meron sa'kin. Umiiral na naman yung pagka-chismosa ko. Tanong nang tanong eh sa huli magsisisi lang din naman.

Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang mahina niyang tawa.

'Bakit?' nagtaka ako.

'Nagtatagalog ba ako?' natatawa niyang sabi. 'Seriously?'

'HALAAAA!' nagulat ako. 'Ba't ganon? Ba't-' napailing ako.

Siningkitan niya ako ng mga mata na para bang naghihintay na tapusin ko yung sinabi ko.

'B-ba't... ang... ang-'

ano nga ulit yung term-

'sarap pakinggan?'

oh Gods.

nasabi ko 'yon?!

Bumagsak ang tingin ko sa sahig dulot ng hiya. Nai-imagine ko na si Aphrodite na binibigyan ako ng award dahil sa sinabi ko.

Kung bakit sa dinami-rami ng adjectives, ang salitang 'yon ang una kong naisip. Kasalanan talaga to ng dugo niya na umiiral sa utak ko.

Mayamaya, naramdaman ko nalang na lumapit siya sa'kin. 'Hindi ko alam kung anong meron sa'yo..' narinig kong bulong niya. 'Pero ang alam ko lang...'

Inangat niya ang aking ulo. 'nang dahil sa'yo...'

'malaki ang pinagbago ko.'

Naramdaman ko ang isang luha na dumaloy sa pisngi ko.

"Cesia..."

Napatingin ako kay Art na hinang-hina na. Nakikita ko sa mga mata niya.. na gusto niya akong lapitan pero hindi pwede dahil sa kondisyon kong ito, walang makakalapit sa'kin.

Sa totoo lang... nanghihina na rin ako.

Pero ayoko munang isipin ang sarili ko ngayon.

Ayoko.

Inilipat ko ang buo kong atensyon kay Nyx na kaharap ang sarili niya. Kumunot ang noo ko nang kusang bumabalik sa kanya lahat ng pinapadala niyang mist sa'kin. Sa tabi niya si Hecate na walang malay at nakalatay sa pinaghalong dugo at mist niya.

Nagulat ako nang itulak ako ni Zeus dahilan na mahulog ako.

"You're suffocating your friends, child." narinig kong sabi niya pero nakatitig pa rin ako kay Nyx.

"Too much of the mist will kill them."

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata at tinulak si Zeus papalayo sa'kin.

Saka ako bumalik sa dating pwesto ko.

'Naalala ko lang yung nangyari sa'kin...' natatawa kong sabi sa kanya. 'nung pinainom mo'ko ng tubig.. tapos tinulak mo pa'ko...'

'Alam mo...' napaisip ako. 'pagkatapos mong gawin sa'kin yon... nagtaka ako kasi ni minsan hindi ako nakaramdam ng galit sa'yo..'

'nung nahulog ako...' huminga ako ng malalim. 'sa loob-loob ko.. alam ko na may sasalo sa'kin.'

'Dahil nasanay na ako na andyan ka sa tuwing kailangan kita.. siguro may mga panahon nga na nahuhulog ako at wala ka... pero sa huli andyan ka pa rin naman.. kaso hindi ko lang namamalayan.'

'Cesia.. p-please..' naririnig ko ang boses ni Matilda na nagmamakaawa.

Bumalik ang diwa ko at nakita siya na nakahiga sa lupa. Isang luha ang nakatakas mula sa kanyang mata habang nakatingin sa'kin.

Kinuyom ko ang aking kamao at dinagdagan pa ang mist sa buong lugar.

Tsk.

'Son of Zeus... ano nga ba talaga yung kinatatakutan mo?'

'I'm scared that one day, you're going to call my name..'

'...and I wouldn't be there'

Napangiti ako pagkatapos makita si Nyx na napaluhod dahil sa pagod.

Nilapitan ko siya.

"Anong pakiramdam?" tanong ko habang nakatayo sa harap niya. "na maging imortal pero nakakaranas pa rin ng kamatayan?"

"a-ask your friends." ang tanging naisagot niya.

Binalewala ko ang sinabi niya at sinipa ang pagmumukha niya. Naglaho ako at lumipat na naman sa harap niya.

Pagkatapos, napasigaw siya nang inilipat ko sa kanya ang bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Sumisigaw siya... umiiyak nang binagsak ko sa kanya lahat ng mga emosyon at sakit na kinikimkim ko simula pa nung una.

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko nang makita siya.

Isa siyang goddess at ganyan na ang reaksyon niya.

Paano nalang kaya ako na isang mortal lang?

Itinaas ko ang aking kamay atsaka ko naramdaman ang pagtitipon-tipon ng mist sa palad ko.

"Tch." akmang ibabagsak ko ito kay Nyx nang-


"Daughter of Aphrodite."

Napahinto ako.

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata at napatingin sa direksyon kung saan nagmula ang boses. Wala akong ibang nakita kundi sina Achlys at Mnemosyne na nakatayo at nakatingin din sa'kin na ipinagtaka ko.

Bakit ibang boses yung narinig ko?

At anong ginagawa nila dito? Akala ko ba darating lang sila pag kukunin na nila si Nyx?

Ibinaba ko ang kamay ko.

"Listen to them." nagulat na naman ako nang marinig ko ang boses niya mula sa likod.

Imposible.

Dahan-dahan akong umikot at nakita siya na nakatayo.

Nanginginig ang kamay ko nang sinubukan kong hawakan ang pisngi niya.

Napalunok ako nang maramdaman ko ang balat niya.

Napailing ulit ako.

Imposible talaga.

Durog na durog yung katawan niya tapos-

"Let's stop this." mahina niyang tugon.

Sa likod niya, napansin ko si Ares na bitbit ang katawan ni Ria. Nagkasalubong ang mga mata namin at saka ko lang nalaman kung ano yung ginawa ko.

Lalayo sana ako sa kanya kaso hinila niya ako papalapit para yakapin.

"It's time go home now."

Napapikit ako habang pinapakinggan ang bawat pintig ng puso niya...

Sa huli, nakaramdam ako ng matinding pagod hanggang sa tuluyan na nga akong nawalan ng lakas na tumayo.

'Alam kong hinding-hindi mangyayari yang kinatatakutan mo..'

'Why?'

'Kasi diba? Sabi ko sa'yo... na sa tuwing may nangyayari sa'kin, andiyan ka palagi..'

'para saluhin ako...'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro