7.
-----
Saktong kakalabas ko lang ng restroom nang mamataan ko si Hannah na nakaupo sa isang upuan dito sa hallway. Wala siyang kasamang nakaupo ro'n, nakayuko at tahimik lang siyang nagbabasa ng libro.
Sa totoo lang ay ayoko sana siyang pakelaman pero dahil nanghingi sa 'kin ng favor si Nathan, hayy, sige, gawin na natin.
Lumapit ako at naupo rin sa tabi niya. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.
So I cleared my throat, “Hello,” bati ko.
Doon siya tumingin sa 'kin, parang na-realize niya na ako 'yung kasama ni Nathan kanina kaya matipid lang siyang ngumiti saka bumalik sa pagbabasa.
Hindi ako sanay na nakikipag-usap o lumalapit sa mga ganitong klase ng tao. 'Yung mailap? Para kasing umiikli 'yung pasensya ko, e.
“Your professor noticed that you seem a bit distress, so he asked me to speak to you,” sabi ko.
Tumingin ulit siya sa 'kin, kapansin-pansin talaga ang maga niyang mata.
“Bakit po?”
“Your cuts on your wrist---”
“Okay naman po ako. Nagkaroon lang kami ng konting away ng boyfriend ko kaya nagkagasgas ako sa kamay,” she cuts me off completely, “Pakisabi na lang po kay Sir Ashford, ‘wag na mag-alala.”
Right after that, she stands up and walk away.
Hindi na ako nag-abala pang tawagin o habulin siya dahil kung ayaw niyang pag-usapan 'yung sugat niya or whatever, e 'di 'wag. Tss.
Tumayo na lang din ako at dumiretso sa faculty ni Nathan. Dahil magga-gabi na, wala nang ibang tao rito kundi siya lang. Upon seeing me enter the faculty room, he puts the phone in his hand back into his pocket.
“How did it go?”
“Ayaw niya makipag-usap. No’ng babanggitin ko palang ‘yung sugat sa kamay niya, sinabi niya na nag-away lang daw sila ng boyfriend niya. Sabi niya rin na ‘wag ka na raw mag-alala tungkol do’n.”
“A boyfriend?” Nathan seems surprise for a second, “This may not be that simple. I suspect that this boyfriend is related to PUAs.”
My forehead creased, “ What’s that?”
Nathan doesn't seem like he'll explain to me.
“I need to talk to Hannah again before making any conclusions. But thanks for trying to talk to her, Audrey,” tinignan niya ang oras sa suot na relo, “It’s late. Let me drive you home. Ako nang bahala kay Hannah.”
Bago kami tuluyang lumabas ng faculty room ay inabot ko na sa kan'ya ang notes ko sa pag-a-audit. Ayokong masayang 'yun.
“Here are the notes for my audit,” abot ko.
He slightly open his mouth and stare at those papers, then look back at me.
“Oh, I didn’t mention. That’s actually for you. That’s the basic concepts that you wanted to learn. Psychology: core concepts. If you noticed, I had my introductory book while lecturing my class.”
Napahinto ako sa sinabi niya. So ibig sabihin kaya nag-audit si Audrey dahil sa core concepts na gusto niyang matutunan? And Nathan invited her to attend and have audit to his class?
Okay, now it's clear.
Napapahiyang binawi ko ang kamay ko na may hawak na notes saka pekeng ngumiti. Hays!
“S-Sabi ko nga. Akala ko kasi...”
I heard him chuckled and gently pat my head, “May pupuntahan ka pa? Or ididiretso na kita sa address mo?”
Malapit na maggabi at wala na rin namang saysay kung babalik ako sa office kaya naman nagpahatid na lang ako sa condo.
Habang nasa byahe ay naging curious lang ako sa sinabi niya kanina tungkol sa boyfriend ni Hannah. Wala naman talaga akong pakialam sana pero nakaka-curious kasi 'yung reaksyon ni Nathan. Gusto ko sana 'yun itanong habang nasa sasakyan kami pero nahihiya naman ako, parang hindi niya rin naman sasagutin.
Nang makarating sa condo at makapagpalit ng damit, humarap ako sa laptop ni Audrey at nagresearch. Good thing na walang password ang laptop niya.
I tried to googled the meaning of PUA but there's just a lot of multiple meaning that shows on screen. Halos hindi ko man lang maikonekta doon sa sinabi ni Nathan. So eventually, I throw myself in bed and give up.
Tatanungin ko na lang siguro siya sa susunod kapag nagkaroon ng pagkakataon.
.
.
.
.
Kinabukasan nang pumasok ako sa law firm ay nalaman ko rin kung saan ako naka-station. Malapit lang sa opisina ni Sebastian. Kaming mga junior lawyer, nasa station lang, ang mga senior lawyer ay may kan'ya-kan'ya namang opisina.
Thanks to this girl right here-- the one I was with in the elevator last time. Kung 'di niya ako dinalhan ng isang tub ng leche flan, hindi ko pa malalaman.
At dahil madaldal siya at mukha namang mabait, sumama ako sa kan'ya nang yayain niya akong magkape sa labas. Oras ng lunch namin ngayon at puro paperworks lang ang ginagawa kanina. As for Sebastian, I didn't saw him when I visit his office.
After we ordered, we decided to stay outside the shop to drink our ice coffee's.
Ah. Kahapon ko pa pala kausap 'tong babae na 'to pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya kilala. Mabuti na lang at aksidenteng napaharap ang ID niya sa 'kin at doon ko nakita. Her name's Daphne.
“Hm!” para siyang may naalala habang umiinom sa straw, “Close kayo ni Travis ‘di ba? ‘Yung President ng Liberton? Curious lang, pinopormahan ka na ba niya?” merong mapaglarong ngiti sa mukha niya.
What? Travis? 'Yung nakasalubong ko noong nakaraan? E, hindi ko pa nga nakikila ng lubos 'yun.
“What are you thinking? Hindi ‘no,” tanggi ko.
“Sus... pero in the furture, pag pinormahan ka, ‘wag ka na magpakipot! Sobrang pogi niya kaya--- and he’s filthy rich! Wala ka nang hahanapin pa pag naging jowa mo siya.”
Humigop na lang ako sa straw ko dahil nawiwirduhan ako sa sinasabi niya. Yes, nando'n na tayo sa gwapo at mayaman, pero hindi ko pa alam ang ugali niya. Ang totoong Audrey lang ang nakakaalam no'n.
Speaking of it, I was wondering on how Audrey talked and treated that Travis before?
Naalala ko tuloy 'yung text ng Travis na 'yun. Hays.
“Destiny ‘yon na magkita kayo sa art exhibition last time. Doon sa Horizon University? Tapos saktong siya ang naging client mo,” pagpapatuloy niya.
Hmm. I remember from the diary that she defended Travis and won the court. Naalala ko rin 'yung mga case na binasa ko kahapon. It's from Yula Buenconsejo's criminal case-- at nadawit ang pangalan ni Travis.
“Speaking of exhibition,” Daphne scoots over her chair next to me, “Maglalabas ang mga organizer doon ng paint works galing sa isang misteryosong painter. Tawag nila do’n sa painter ay 'X’. So itong si artist ’X’ ay matagal nang kilala sa art industry kaya ‘yung presyo ng mga art niya ay sobrang tataas! Usap-usapan na ‘yan sa mundo ng online. Idi-display daw ‘yung gawa niya sa huling araw ng exhibition.”
Nakikinig lang ako sa kan'ya habang umiinom. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko dahil wala naman akong alam sa arts.
“Pero alam mo sabi ng iba, ‘yung mga gawa raw ni ‘X’ ay forgery lang. Kaya darating si Jack Parker--- director of art association, para i-verify ang authenticity ng gawa.”
Doon lang ako nagreact, “Bakit? Paano naman nila nasabing fake ‘yun?”
Nilabas niya ang phone niya at nag-scroll sandali, saka pinakita sa 'kin ang isang news kung saan nagsasalita ang isang matandang lalaki, ayun siguro 'yung Jack Parker na sinasabi ni Daphne.
“Sabi diyan, kahina-hinala raw kasi na matagal nang walang nilalabas na artwork si 'X' tapos out of nowhere ngayon, biglang nagkaroon. Kaya ang suspetsa ng iba, fake ang mga gawa niya. And speaking again of Travis, Liberton is one of the organizers. So malamang, malalagay na naman siya sa problema, just like last time noong na-framed siya sa murder kay Yula Buenconsejo.”
So isa sa mga organizer ang company ni Travis na malamang, madadawit dahil sa usap-usapang forgery? Wow. Salamat kay Daphne dahil medyo may nakukuha akong impormasyon kay Travis.
“Hindi ko alam kung alam ni Mr. Greyle ‘to ah pero what if i-inform mo siya?”
Napatingin ako sa kan'ya. Alam ko naman na si Travis ang tinutukoy niya dahil siya lang naman ang pinag-uusapan namin.
“B-Bakit naman?” nautal ako dahil parang hindi ko naman yata kailangan pang gawin 'yun 'no.
Nagkibit-balikat naman ito sabay inom ng iced coffee, “Tinulungan mo na siya noong nakaraan, bakit hindi mo pa tulungan ulit? Atleast man lang sabihan siya tungkol dito? Para mas maging close pa kayo! Alam mo naman, siya ang bias ko sa ‘yo, e. Hindi ba halata?” anito sabay kindat sa 'kin.
Ano bang pinagsasabi nitong babaeng 'to? Gaano ba ka-close si Audrey at Travis para umakting 'to ng ganito? Hays!
Nagdadalawang isip ako kaya hindi ko siya sinagot. E, ano naman kung hindi ko siya sabihan tungkol dito? Eventually, he'll will get to know that.
“By the way ang ganda pala ng binigay sa ‘yong rubber shoes ni Mr. Greyle ah? Nakita ko sa station mo. Hindi mo nauwi?”
Bahagyang nangunot ang noo ko. Rubbershoes? Hindi ko napansin 'yun ah.
“Anong... anong rubbershoes?” takang tanong ko.
“Ano ka ba para namang ewan ‘to! ‘Yung regalo sa ‘yo ni Travis after ng case! Sabi mo galing sa kan‘ya ‘yun kasi mataas ‘yung heels mo no’ng nagkita kayo sa Horizon University, nag-alala yata siya na sumakit ang paa mo kaya binigyan ka niya ng unexpected gift. Nakita ko ‘yung brand, ang mahal no’n!”
Iyon yata 'yung mga panahon na nandito pa ang tunay na Audrey. Ibig sabihin niregaluhan ni Travis si Audrey ng mamahaling rubbershoes. Just wow.
Nang makabalik kami sa law firm ay hinanap ko agad 'yung rubbershoes na tinutukoy ni Daphne. Nakita ko 'yun sa ibaba ng table, nasa pinaka dulo. Isa siyang puting box ng sapatos mula sa kilalang brand store at nang buksan ko 'yun, halos manlaki ang mata ko.
Wait! Last time no'ng nagsscroll ako sa IG ni Audrey ay nakita ko 'tong brand store na 'to. Napahinto kasi ako dahil sa ganda ng itsura. Tapos ngayon, nandito na siya sa harap ko.
Isa siyang black and white na running shoes. Pwede siyang pamorma, pwede ring pang work out.
Dahil do'n ay medyo nakonsensya ako sa desisyon ko kanina. Wala naman sigurong masama kung sasabihan ko siya tungkol sa exhibition 'di ba? Aware or not atleast I tried to inform him. Bilang ganti man lang sa binigay niyang bagay after ng case.
So I pick my phone up and dial his number. Kapag sinagot niya, it's a sign para sabihin. Pag hindi after the first attempt, hindi ko na ipipilit. Babawi na lang ako sa kan'ya next time.
Pero isang ring palang, nasagot na niya agad ang tawag.
“Hi, My Miss Attorney. What made you call me all of a sudden?” his voice sounds cheerful.
“Uhm, I called because... there’s a news I want to tell you.”
“News? You’re not gonna let me guess whether it’s good or bad news?”
“Yes, because I think it’s already a bad news,” sabi ko.
Hindi siya nagsalita kaya tinuloy ko na.
“About sa art exhibition na gagawin sa Horizon University, isa raw kayo sa organizer doon at maglalabas ng artwork from ‘X’. Pero usap-usapan daw na forgery ‘yun kaya pupunta ‘yung director of art association na si Jack Parker para i-verify kung legit or fake ‘yung paintings. If something negative happen, your company will be in trouble.”
Travis was silent for a moment.
Now I got curious so I spoke again, “Do you know about this news? I bet you do.”
“No. This is the first time I’m hearing that we’re displaying a mysterious new painting from 'X',” sumeryoso ang boses niya.
So he's unaware? Something's fishy.
“Where are you right now? Is it convinient to meet up?” biglang tanong niya.
“Nasa law firm ako, e. May mga ginagawa kaming paperworks kaya baka hindi ako makapunta,” usal ko na totoo naman, medyo tambak ang gawain dahil sa mga hindi naasikaso agad ni Audrey.
“I’ll go there right now so meet me downstairs, wait for me. I’ll ask my assistant to contact your manager at Providd.”
Nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ako agad naka-react. Gano'n ba ka-importante ang meet up namin na kailangan pa niyang kausapin ang manager ko? I-eexcuse niya ba ako ng ilang oras?
“If you don’t say anything, I’ll take that as a yes. Order coffee or food or whatever you want at the restaurant near there, my treat.”
“Teka---”
Before I can finish my sentence, the call has already disconnected.
Napatitig na lang ako sa screen ng phone ko. Ni hindi man niya ako hinintay magsalita?? I mean, that pause I made was not even long!
Bumalik ako sa table ko para kunin ang bag ko. Nilibot ko rin ang paningin kung makikita ko ba rito ang manager ko pero wala siya. Ako na lang sana ang magpapaalam kaysa abalahin pa ni Travis. Kaso hindi ko makita ang manager ko. Tsk, bahala na nga.
.
.
.
.
Nagpunta ako sa malapit na restaurant dito sa law firm. Isa siyang italian restaurant. Hindi ako umorder kagaya ng sabi ni Travis kasi hindi naman ako nagugutom. Kakagaling lang namin sa lunch break kanina ni Daphne, e.
Habang abala ako sa pagsscroll sa IG, may naamoy na agad akong pabango na pamilyar na sa ilong ko. Before I knew it, Travis is now in front of me.
I looked up to him and got tounge-tied. Compare sa una naming pagkikita, ngayon ay naka-business suit siya. Bahagyang bukas ang unang butones ng white polo na suot niya sa loob ng grey blazer. Kuminang ang suot niyang round silver earring, kagaya no'ng una na parang bumabati sa 'kin.
“What? Am I that handsome in a suit? The word 'breathtaking' is written all over your face right now,” ngisi niya saka umupo sa harap ko.
Tumikhim ako at umiwas saglit ng tingin. Hindi ko itatanggi, pero sobrang lakas ng dating niya. Plus the fact that he's a President from a known company, tall, handsome and-- he smells really good.
Gwen! Come back to your senses!
“So why did you came here all dressed up? Ano palang sinabi mo sa manager ko?”
I hurriedly change the topic in case he decides to keep teasing me about it. Tss.
“I asked her to give you a leave for tomorrow.”
“You what?”
Akala ko kasi ngayong araw lang ang pinag-uusapan namin. Anong meron bukas?
“Okay, okay, I know I shouldn’t have interfered with your work. I’m sorry, Ma’am,” bahagya niyang tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko pero may bakas pa rin ng ngisi sa kan'yang labi.
Tumingin siya sa table namin at napansing walang pagkain, “You didn’t order anything?”
“Busog pa ‘ko. I ate lunch,” sagot ko.
Tumango naman siya at nilagay ang dalawang kamay sa table, pinaghawak niya ang mga 'yun saka bahagyang sumeryoso.
“Say, I’m really worried because tomorrow is the last day of exhibition. But the original plan is to exhibit a painting that X released overseas, not a mysterious new one. So basically what I’m trying to say is the curator decieved me and made such a big mess.”
“Bakit naman nila gagawin ‘yun?” kunot noong tanong ko.
“You must’ve seen in news that my brother moved abroad for a project. So I’m in charge of Liberton now. The change of power involves too many issues. And I, a successor without a business degree, a frivolous art student--- is an easy target to fool.”
Make sense, specially if it involves the company or money. Hindi muna ako sumagot dahil nag-iisip ako. Alam ko naman kasing wala akong matutulong sa kan'ya sa ganitong bagay.
I looked at him and he looks casual and relaxed now compare kanina no'ng nagbibigay siya ng detalye.
“Naiintindihan kita,” usal ko, “There’s so many factors to take into consideration. I don’t think I can help.”
“Why? You’re the only person who can investigate the painting’s veracity. Besides, I trust you, Ma’am,” sagot naman niya, “Art is a passion that I’m willing to devote my life to. I... don’t really want company staff to be involved. I just want to leave some personal space for myself,” marahan siyang ngumiti.
What? He'll ask me to investigate something about painting?! Teka lang, wala akong alam sa painting!
Bumuka ang bibig ko para magsalita pero hindi ko rin naituloy. Parang walang boses o salita na gusto lumabas sa akin.
Sa huli, bumuntong hininga na lang ako, “Fine. I guess I don’t really have a choice,” kaya pala niya ako pinag-leave bukas.
Saka ako sumandal sa upuan.
“You don’t have to worry too much. You’ll find out tomorrow if there’s anything wrong with the painting.”
“Right. So how are you planning to investigate this case? Do you want to start right now?” tanong ko.
Bahala na. Might as well accept this wholeheartedly. Magagamit ko ang mga experiences na 'to in the future kapag nagkausap na kami ni Sebastian tungkol sa sinasabi niya last time.
“I have an important meeting later so I don’t have time today. I just came here because...”
Umiwas siya ng tingin at hindi tinuloy ang sasabihin.
Anyway, saglit lang naman pala kami mag-uusap, pumunta pa siya rito. Ang effort ah.
“Because? Ah. Para papirmahan ang agreement paper natin tungkol dito?” tanong ko. Pa-simple ko pa siyang pinasahan ng tingin para tignan kung may dala siyang bag or papel pero wala.
“No, Ma'am. I came here because the moment I heard your voice, I felt an urge. I wanted to see you very much,” nasa boses niya ang pagiging sincere.
I was surprised. Really surprise na tipong hindi na ako nakapagsalita pa. Napatitig lang ako sa itim na mata niya. I heard his soft and gentle words but my brain can't seem to comprehend their meaning.
What is this guy talking about??! Fuck.
“Ma'am, you’re blushing,” ngising aniya.
Naglapat ang labi ko at parang doon lang ako natauhan. Hindi kaya pinagtitripan niya lang ako? Nakakaasar talaga.
“Feeling,” napairap ako sa kan'ya.
He chuckled, “I’ll see you at the exhibition hall at 8 tomorrow morning. And sorry for making you get up early for this. I just want to solve this issue before the exhibition opens.”
He smiles and changes the topic without the faintest hint of shame, which makes me even more embarrassed.
“N-No worries,” wala sa kan'ya ang paningin ko.
“Ma’am,” tawag niya kaya medyo napalingon ako sa kan'ya, “Is it really cold hard business between us? I thought we’ve been through a lot together and we’re beyond that.”
Naalala ko tuloy 'yung mga pinagsasabi ni Daphne kanina. But no way! No way this guy is interested to Audrey! He looks like a playboy. Malamang, gan'yan din 'yan sa mga nakakasama niyang babae.
Huminga ako ng malalim at tinaasan siya ng kilay, “I am honored to built such strong rapport with you, Sir. Anyway, may meeting ka ‘di ba? May usapan naman na tayo,” sabi ko na lang.
Tumingin siya sa silver watch niya saka ako inangatan ng tingin, tumayo na rin siya, “Yeah, I have to go now. Thanks for your time, Ma’am.”
Sumaludo siya sa 'kin ng may ngisi sa labi saka lumabas ng restaurant. Nakita ko siyang sumakay sa isang itim na cabriolet.
Noong ako pa si Gwen, hangang-hanga talaga ako sa mga taong may open roof car o cabriolet. Ang lakas ng dating at ang lakas maka-mayaman. Tapos ngayon, kay Travis ko lang pala ulit makikita. Bagay sa kan'ya 'yung sasakyan, in fairness.
Mariin akong napapikit sa kahihiyan nang maalala 'yung mga sinabi ni Travis. Nakakahiya na ewan! Tapos really? Am I really blushing? Tss. Blush on ko lang 'yun! Dapat pala ni-rebutt ko 'yun, e.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro