Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5.

-----

Nang makalabas kami sa ospital ay huminto muna kami ni Zach sa isang convenience store para umupo at aralin ang document folder na binigay ni Ian kanina.

“Basically, this document is mainly a results of a police investigation in North Subway kung saan nakita si Richmond Mortel na injured na. Others are after he came to Horizon. Pero walang interview na nangyari.”

Seryoso si Zach habang sinasabi ang mga 'yun habang nakatitig sa open document.

“So meaning, hindi na tayo pupunta sa North Subway kasi ito na ‘yung document na nakuha ng mga pulis. No sense going in there I guess,” usal ko.

“This was premiditated. They attacked Richmond elsewhere to make sure they caused mental damage and then deliberately abandoned him in North Subway.  Look at this,” inusod ni Zach ang folder para makita ko, “There were no other shoe prints on the ground except for the concerned citizen who found Richmond, as well as a set of drag marks. Come to think of it, kung dito sa lugar na ‘to siya ginulpi, magle-leave ‘yun ng traces, not just these.”

That make sense.

Tumango ako nang may pumasok na tanong sa isip ko, “Pero kung alam na ng gumawa nito na nasa imbestigasyon na si Richmond, ‘di ba... most probably they would...”

Hindi ko alam kung masasabi ko ba siya in a safe way. For example, may nangialam sa ginagawang masama ng isang kriminal, hindi ba para matigil 'yun ay papatayin nila 'yung nangingialam?

Zach seems to know what I mean and gently shakes his head.

“It happens, yes. Killing people to keep them quiet is indeed the best way to prevent secrets from coming out. Pero it may also attract police or public attention. It’s easy to accept an accidental mental disorder without evidence or clues, rather than death with no apparent reason. Furthermore, Richmond has no family members that’s why Ian mentioned he's a special patient. And wala rin siya sa hulog magfile ng police report.”

Nanahimik ako at hindi na alam ang sasabihin. Komplikado ang investigation ngayon, 'yun lang ang masasabi ko.

Somehow, it kind of excites me. Wala akong karanasan sa mga ganitong bagay dahil sino ba ako at ano bang ginagawa ko noong ako pa si Gwen, 'di ba? Pero ngayon na nasa katauhan ako ni Audrey at nararanasan ko ito ngayon... nakaka-excite pala. Kaya pala passion niya ang pagiging lawyer.

Now this is a good stepping stone for me.

“Ang dami nating kailangan alamin from this,” Zach sounds helpless, “Who is the 'she' that Richmond Mortel mentioned? What role do they play in all this? Who was the person that hurt Richmond? Pero ang pinaka importante, nasaan ‘yung note na sinasabi niya and what's the information in there?”

Base sa mga sinabi niya, here's my two scents.

“Pwedeng ‘yung mastermind nito ay tinatago ‘yung tracks na makakalap ng mga pulis, syempre para hindi ma-expose ‘yung pagkakakilanlan niya. Ilang araw na rin nakalipas no’ng nakita si Richmond kaya pag wala tayong napala rito...”

Zach gently strokes my back to comfort. Napatingin ako sa kan'ya, bahagya na siyang nakangiti.

“We will take one step at a time. You can’t get fat in one sitting, we’ll need to uncover the clues one by one.”

Umiling ako at napangiti na rin.

“So anong plano?”

“Hmm, ano nga ba?”

Sumandal siya sa upuan at nagcrossed arm para mag-isip.

“Well, let’s start from understanding Richmond’s background and his social network to know why he came sa Horizon and anong ginagawa niya do’n,” he looks at me, “Once we know that, everything else will fall into place.”

Ako naman ngayon ang napabuntong hininga. Ano kayang gagawin ko during investigation? May maitutulong ba ako sa kan'ya? 'Yung magandang tulong sana.

“Why?” napansin ni Zach ang reaksyon ko.

Umiling ako, “Iniisip ko lang kung ano kaya ‘yung maitutulong ko sa ‘yo. Kasi ang komplikado, e? So I feel like... I need to be really useful,” totoong sabi ko.

Hindi siya sumagot. Sinamaan ko siya ng tingin kasi para siyang nagpipigil tumawa. The fuck?

“Nakatulong ka naman kanina ah? Okay na ‘yun. The rest, just stay by my side, be a cheerleader and wipe my pawis na lang,” nakakalokong sagot niya.

Umikot ang mata ko, “Masyado akong maganda para maging taga punas ng pawis mo ‘no?” biro ko.

He laughed, “Joke lang. Alam ko namang hindi mo sineseryoso at hindi ka rin papayag na walang gagawin. C’mon, I know you so well.”

Hanggang sa may naisip ako, “Ganito, habang abala ka sa imbestigasyon sa background ni Richmond Mortel, bakit kaya hindi ako pumunta sa mga lugar na pinuntahan niya? Perhaps we’ll find something special.”

Alam ko bago lang ako sa lugar na 'to pero kung tutuusin, kahit baguhan ka, madali mo makikila ang mga direksyon at hindi siya nakakaligaw sa mata. Every corner has a sign. Saka hindi naman masama magtanong kung naliligaw ka na. Tingin ko 'yun ang matutulong ko rito. Isa pa, sabi ko nga ay this is a good stepping stone for me.

Zach creased his forehead, “What?”

Tumango ako, “That way, we won’t miss a thing. Marami naman na akong nakuhang ideya sa inyo ni Ian, so if you want you can discuss again to me just to be clear,” determinadong sabi ko.

Mukhang nakuha ko ang tiwala ni Zach dahil dahan-dahan siyang tumango sa 'kin, “Hindi mo lang alam, you’re doing a lot for me.”

A lot? E sa pagkuha lang naman ng atensyon ni Richmond ang nagawa ko.

Zach then picks up a piece of paper and studies it for a moment. Nagsimula muli siya i-explain mula umpisa hanggang sa ngayon ang tungkol kay Richmond Mortel. Kumpara kanina, mas seryoso at mas detalyado ang pagsasalita ni Zach. Ramdam ko tuloy na dahil sa suhestiyon ko, mas naging determinado rin siya gaya ko.

“Now here’s the plan, Audrey. Go to the bookstore first, kung wala kang makuhang kahit na anong kunektado rito, check somewhere else. I know you’re going to ask why and here’s why. Richmond Mortel isn’t from Horizon, but he went to the bookstore twice,” he looks at the file document, “The record shows that he only visited other places once, pero sa bookstore, twice. I’m guessing there’s something special there.”

Sumulyap ako sandali sa hawak niyang document saka tumango, “You’re right. Then I’ll do as you say.”

“Audrey,” tinawag niya ako at nakatingin na siya sa 'kin ngayon, “Be careful, okay? You know what to do if there’s trouble.”

.
.
.
.

Mabigat akong bumuga ng hangin pagkalabas ko ng bookstore. Pagkatapos ko maglibot doon ay sinabi sa 'kin ng nasa counter na wala raw silang kilalang Richmond Mortel at wala ring nakalagay sa visitor record nila. Actually, dahil hindi ako pamilyar sa lugar ay gamit ang google map, nakahanap ako ng isang bookstore sa North Subway at 'yun ang next na pupuntahan ko ngayon.

Bago ako maglakad ay tinignan ko muli ang soft copy ng file galing kay Ian. Dito ako bumabase ng mga hinahanap at sinasabi ko, nandito rin ang katibayan na authorize person ako for this case.

Tinago ko ang phone sa bag saka nagsimula maglakad pero pagharap ko ay may nakabunggo akong tao.

Saglit lang ako nadikit sa kan'ya dahil umatras agad ako pero naamoy ko na agad ang matapang pero amoy mayaman niyang pabango.

“Miss Attorney? What a coincidence!”

Napatingin ako sa mukha niya at para akong natigil. Bagsak ang itim niyang buhok at mahahalata na may purple highlights siya ro'n, meron siyang silver round earring sa isang tenga na halos kuminang pa dahil tumama ang liwanag ng araw dito, matangos din ang ilong niya at maganda ang pagkakahulma ng panga, nakangiti ang itim niyang mata sa 'kin, medyo mahaba ang pilik-mata, maputi rin ang balat niya at mas matangkad pa siya kay Zach.

Honestly, I almost think he's a model or a celebrity. Pero dahil hindi naman nagkakagulo ang mga tao, ibig sabihin hindi siya kilala.

He snapped his finger in front me, doon lang ako nabalik sa wisyo at tinablan ng matinding hiya. Ano na, Gwen?!

I heard him chuckled, “Come on, you were staring at me like you missed me so bad.”

Mapaglaro ang tono niya nang sabihin 'yun. Kaya sinamaan ko na lang ito ng tingin.

“Why would I?” saka ko siya nilagpasan, “I have to go and I’m sorry.”

“Wait, wait, wait!” hinawakan niya ako sa siko, “Leaving already? Why, is that urgent or something? Come on, let’s have some coffee, Miss Attorney.”

“Hindi pwede. I have important stuff to do,” hindi ko alam kung paano ko ba siya pakikitunguhan dahil hindi ko naman talaga siya kilala. Sino ba 'to sa buhay ni Audrey?

Dahil nakatitig na lang siya sa 'kin at dahil naiilang ako sa titig niya, tinalikuran ko na siya at umalis.

Pero sa totoo lang, parang familiar 'yung mukha niya. Hindi ko na masyadong makuha ang detalye pero 'yung hikaw niya kasi, parang nakita ko sa flashback memories ni Audrey kahapon.

Habang naglalakad ako patungo ng bookstore, naka-recieved ako ng message na akala ko galing kay Zach.

Travis: Why so unapproachable when it comes to me? Hmph. Next time, hindi ka na pwede tumanggi sa ‘kin okay, My Miss Attorney. :)

Travis: Stay safe to wherever you’re heading!

Pakiramdam ko ay namawis ang kamay ko sa nabasa. Hanggang sa naalala ko na sa diary ni Audrey, may nabanggit siyang Travis na pangalan na dinepensahan niya sa isang kaso.

So that is Travis...

That guy has a playboy look on his aura, unlike Zach. Hindi tuloy mawala-wala sa isip ko 'yung itsura ng Travis na 'yun. Aaminin ko, gwapo rin siya gaya ni Zach, mas matangkad lang siya sa isa.

Umiling-iling ako sa sarili ko at pinilit iwakli siya sa isip ko. Ano ba 'yan! Ang dami namang lalaki sa buhay ni Audrey tapos ang popogi pa! Para akong nananaginip, kasi noong ako pa si Gwen, wala naman akong nagiging kaibigan na gwapong lalaki. Hays.

Nang makarating ako sa sumunod na bookstore, hindi na ako naglibot pa sa loob at dumiretso na agad sa counter. Mas malaki 'tong bookstore kumpara sa kaninang pinuntahan ko.

“Excuse me, may itatanong lang sana ako.”

Mabuti at kakatapos lang mag sign ng isang customer at umalis na rin kaya napunta na sa 'kin ang atensyon ng babae.

“Yes po?”

“Gusto ko lang malaman kung may nag sign up na customer dito sa pangalang Richmond Mortel? Ito ‘yung picture niya,” pinakita ko sa kan'ya ang picture mula sa phone ko.

She looks confused. Nang tumingin siya sa 'kin ay parang nag-aalangan siya.

“Bakit niyo po siya hinahanap?”

“Well, naaksidente kasi siya few days ago at inaasikaso na ng mga pulis ang tungkol dito. Parte ako ng imbestigasyon ‘wag ka mag-alala.”

Para mas patunayan, pinakita ko sa kan'ya ang document folder na binigay sa 'kin ni Zach. Tinuro ko ang official seal nito.

Mukha naman siyang nakumbinsi at tumango-tango. Saka niya kinuha ang logbook kung saan hinanap niya ang pangalang Richmond Mortel. Maya-maya ay inusod niya 'yun at tinuro ang pangalan.

“Ito, Richmond Mortel. Naaalala ko po siya,” anito, “Alam ko bumili siya ng souvenir notebook dito kasi nakausap ko pa siya noong binibili ‘yon. Wala namang importanteng napag-usapan pero naalala ko tinatanong niya lang ako kung saan daw ang magandang lugar sa Horizon para ipasyal daw ang girlfriend niya.”

Girlfriend...? I remember him muttered a word, 'she'.

“Ang sabi ay twice daw siyang pumunta rito?” tanong ko muli.

Tumango ito, “Meron kasi kaming custom service noong araw na ‘yon at may malaking discount kapag nag-avail siya kasama no’ng binili niyang notebook. Kaya naman nagpagawa siya ng custom made notebook sa ‘min. Bumalik lang siya para dalhin ‘yung design at kung ano pang mga ipapalagay. Pagkatapos no’n ay pina-deliver din namin kinabukasan sa address niya. ‘Yun na ‘yung huling kita ko sa kan‘ya.”

May mga dumating na bagong customer kaya naman inasikaso niya na muna ito. Lahat ng sinabi ng babae ay recorded sa cellphone ko.

“Miss, salamat sa cooperation. Mauna na ‘ko,” ayun lang at umalis na ako.

Habang naglalakad ay nakarecieved ako ng message galing kay Zach.

Zach: How’re you doing? If you’re done, come at my house. I’ve done my research.

.
.
.
.

Mabuti na lang at medyo matalas ang memorya ko pagdating sa direksyon kaya nakarating agad ako sa antique shop slash bahay ni Zach. Naabutan ko siyang may kausap sa phone.

“Yep. Thank you so much.”

Pagkababa niya ng phone ay tinanguhan niya agad ako at sinara ang pinto, “Let’s go upstairs.”

Hindi na ako umangal pa dahil mukhang nagmamadali siya. Pagdating sa second floor ay nakita ko na ang dami rin niyang gamit dito. Mga nakaayos naman, pero ang iba ay hindi niya na inabala pang ibalik sa pwesto. Karamihan ng gamit dito ay mga papel at folders. May computer sa ibabaw ng wooden table at may whiteboard sa gilid na siyang una kong napansin kanina.

“What happened?” tanong niya habang nakayuko sa computer, mukhang may tinitignan.

Nilabas ko ang phone kung saan nakarecord ang mga sinabi ng babae sa bookstore.

“Sa unang bookstore, wala akong napala. Pero sa pangalawa, ito ‘yung nakalap ko,” saka ko pinindot ang play button.

Matapos niyang mapakinggan 'yun ay tumango-tango siya at sumandal sa gilid ng lamesa, nilagay niya ang isang kamay sa kan'yang baba na tila nag-iisip.

“This is good. Not only does it match the information I found, but you were able to uncover something else,” he heads over to the whiteboard, which is filled with his research and drawings.

Halos malula ako nang isa-isahin 'yun sa mata ko. He have done this in just a short period of time?? Wala pa nga yatang dalawang oras nang maghiwalay kami kanina.

“My research tells me that Richmond Mortel was orphaned at the age of ten after his parents died in a car accident. With the help of his parent’s inheritance, he was able to finish college and became a local high school teacher. You see at this point, nothing suspicious about his background but this is where it gets strange.”

Zach points to the photo of a woman on the left side.

“Madali lang naman malaman ang social network ni Richmond Mortel. Wala siyang relatives, and only has a very few friends. He didn’t even really interact with his co-workers,” his face becomes more serious, “The only person he’s close to is his girlfriend-- who you also learned from the bookstore.”

“Mukhang nagkamabutihan sila around in their junior high season. However, when Richmond started working, Ara Jackson, his girlfriend, was diagnosed in cancer and was hospitalized for long term treatment.”

Bumaba ang tingin ni Zach sa sahig at huminto. I can see a hint of sadness in his face.

“Last month, she had been getting better. But died suddenly.”

Maging ako ay napaiwas ng tingin. Hindi ko ma-imagine ang nangyari sa buhay ni Richmond. Pero pakiramdam ko, naiintindihan ko siya.

“Hindi matanggap ni Richmond ‘yung nangyari about Ara ‘cause he was convinced that something shady happened,” dagdag ni Zach.

“Paano ‘yun nangyari? I mean, sinabi niya sa bookstore na dadalhin daw niya si Ara sa Horizon para...” hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil parang alam ko na kung bakit niya ginawa 'yon.

“Maybe it was just... a beautiful wish that Richmond had in his heart. Kasi hindi niya matanggap ang pagkamatay ng girlfriend niya.”

Exactly what Zach said, ayun ang gusto ko ipunto.

“About his dispute in the hospital, I reviewed about it and the description of Ara’s clinical manifestation in the weeks leading up to her death is very concerning,” patuloy niya, “She also exhibited intermittent nerve pain and other symptoms that cancer patients shouldn’t have.”

Lumakad siya sa kan'yang lamesa at inayos ang ilang papel at dokumento na nando'n habang patuloy na nagsasalita.

“Maybe Richmond suspected that Ara had been treated with drugs that were not compliant with the law, which led her to death. Pero sa hospital record ni Ara, it showed no anomalies. They even paid a large sum of money sa family niya.”

“So ang labas ay gumagawa si Richmond ng secret investigation sa Horizon?” tanong ko.

Zach nodded at me, “Yes, Audrey. I believe he was searching for his girlfriend’s real cause of death. And maybe searching the source of the drug in Horizon.”

Wala na akong nasabi pagkatapos niyang sabihin ang mga detalyeng 'yon. Wala akong ibang nararamdaman kundi awa para kay Richmond at sa pinagdaanan ng girlfriend niya. Dahil lang sa gusto niyang malaman ang katotohanan, ito ang napala niya. Minsan napapaisip na lang ako, bakit kaya ang unfair ng mundo? Bakit kailangan naming ma-trauma sa mga bagay-bagay?

“And...”

Bahagya akong napatingin kay Zach. I can see the darkness in his eyes. Nakatayo lang siya habang nakapatong ang mga kamay sa lamesa.

“In case you’re worrying about me, I just want to say that I’m not same as her. I’m doing great now, I’m not lying.”

Parang may isang pitik akong naramdaman sa sinabi niya. Naalala ko 'yung sinabi ni Ian kanina.

...Richmond Mortel might have inadvertently disclosed information about the same drug that infected you, Zach.”

Wala akong alam sa history ni Zach hindi kagaya ni Audrey. Ngayon napapaisip ako, may sakit ba si Zach noon? Anong kinalaman ng drug na sinasabi ni Ian? Tapos ngayon itong sinabi niya. Ibig sabihin, may isang drug o gamot o ano pa man ang binigay kay Zach na naibigay din sa namayapang si Ara.

Drugs sometimes takes awhile to take effect inside the body. Nagkataon lang na may cancer si Ara. But Zach? Hindi ko alam kung bakit siya tinurukan no'n.

Ayoko magtanong, ayokong isipin ni Zach na kinalimutan ni Audrey 'yun.

“Hindi ako matutulad kay Ara. I made a promise to your parents that no matter what, I won’t leave you and I will protect you. We just... lost connection for how many years dahil malayo parehas ang school natin and we both need to focus pero hanggang doon lang ‘yon. We’re together again and I will fulfill my promises,” Zach's voice is calmer and softer than usual.

Ewan ko pero na-touch ako sa sinabi niya. Kahit hindi talaga ako si Audrey, nakaramdam ako ng panlalambot sa puso.

May mga tao talagang maswerte sa kaibigan, may mga tao ring malas sa kaibigan-- kagaya ni Gwen.

'Yung mga naging kaibigan ko noong high school hanggang college, kahit hindi naman kami nag-away o nagkatampuhan bago maghiwa-hiwalay, parang hindi na ako kilala. Pag nakakasalubong ko sila sa isang lugar, they won't even smile at me.

Tumulo ang luha ko kaya agad akong gumilid ng tingin at pinunasan 'yun. Umayos ka, Gwen! Nasa harap mo si Zach!

“No, no, why are you crying?” natatawang tanong ni Zach pero kalauna'y naramdaman ko ang marahan niyang yakap. Wala akong lakas para lumayo dahil sa naging emosyon ko.

“W-Wala,” I choke my words.

“Gagi, hindi na ‘ko sanay na nakikita kang umiiyak,” aniya saka lumayo para tignan ang mukha ko, “Basta all I can say to you is... no matter what happen, as long as I am here, I will be your hero. This is your best buddy we’re talking about!” saka siya marahang tumawa.

“Oo na,” lumayo ako para ayusin ang mukha ko. Ano ba 'yan umiyak pa kasi, e.

“Are you still interested to join me in the investigation?”

“Oo naman. Tatapusin natin ‘tong dalawa,” sagot ko.

Ngumiti siya at tumango, “Well then, we will continue tomorrow. Dito ka na magdinner. Promise hindi ko na susunugin ‘yung ulam!”

Natawa naman ako ro'n at humalukipkip. Pinanuod ko siyang ayusin ang mga nakakalat niyang gamit.

“I have book recipe downstairs. I’ll just get it and bring it to you. Baka may magustuhan ka ro’n,” lumakad siya sa pinto at binuksan 'yun, “Wait for me here ah?”

Tumango ako ng nakangiti, “Bilisan mo.”

I just realize something. What if hindi si Zach ang una kong nakasama at dumiretso agad ako sa case project kasama si Sebastian? Ganito rin kaya 'yung mararamdaman ko?

With Zach, I feel now comfortable. Wala pang isang araw na nagkakasama kami pero magaan na ang loob ko sa kan'ya. Siguro dahil sa personality niya rin at sa kung paano niya tratuhin si Audrey. Bigla tuloy akong dinapuan ng malaking kuryosidad sa history at buhay nila ni Zach.

Anu-ano pa kayang malalaman ko tungkol sa kan'ya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro