Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3.

-----

Kinabukasan, pagkatapos maghilamos at magkape ay naging abala agad ako sa paghahanap ng kung ano pang makukuha kong impormasyon sa buhay ni Audrey. Bukod sa diary, baka may iba pa akong makita na magagamit ko para maipagpatuloy ang nasimulan niyang buhay.

Late na rin ako nakatulog kagabi kakaisip kung paano ihahanda ang sarili sa susunod kaya heto, to be continued na 'ko sa paghahalungkat.

Nang buksan ko ang malaki at malapad na wooden cabinet ni Audrey ay tumambad sa akin ang napaka raming damit at signature bags. Malaki ang cabinet niya kaya kasya ang lahat ng ito.

Medyo natulala ako. I never had anything like these before because I'm prioritizing my sister.

Naghalughog ako sa cabinet kung may makikita pa akong mahahalagang bagay-- documents, photo album or whatever para lang madagdagan ang kaalaman ko.

Hanggang sa nakakita ako ng medium treasure box na kulay brown sa bandang ilalim. Nakapatong do'n ang ilang box ng signature bags niya.

Good thing ay wala 'yong padlock kaya agad kong nabuksan at tumambad sa 'kin ang mga litrato, bible at ilang gamit. Una ko nang tinignan 'yung picture. 'Yung iba picture niya noong high school, college, may iba rin na kasama niya ang parents niya-- hula ko lang. 'Yung iba mga kaibigan. Pero pinaka maraming picture na nakita ko ay 'yung may kasama siyang iisang lalaki.

Kulay dark brown ang bagsak niyang buhok, matangos ang ilong, maputi, mukha rin matangkad base sa picture. He has this boy next door aura and he looks... cute and jolly.

Karamihan ng picture niya ay nakauniform sila. Saka mukha silang mas bata rito.

Could he be her ex-boyfriend?

Nando'n ako sa gano'ng posisyon nang magring ang cellphone na nasa bed side table. Noong una ay hindi ko 'yun pinansin kasi kinakabahan pa 'ko sa kung paano ako makikitungo, pero ayaw tumigil ng taong tumatawag na 'yun kaya dinampot ko ito at tinitigan ang screen.

Zach calling...

“Zach... nabasa ko ‘yung name niya sa diary,” usal ko.

Huminga ako ng malalim at sa huli, sinagot na ang tawag. Naupo nalang rin ako sa kama.

“Good morning, Audrey! Hulaan ko, puyat ka?”

Hindi ako nagsalita pero nagtaka ako, paano niya naman 'yun nalaman??

I heard him heaved a sigh, “I know work matters and work is life for you but you need to give yourself a break. What if magkasakit ka?”

Sa totoo lang ay hindi ko alam ang sasabihin.

“Hello? Why aren’t you saying anything? Still sleeping? Come on, it’s almost 10 in the morning. Get up! Get up!” bulalas niya pa as if tama siyang natutulog pa ako.

“Gising ako. Naririnig nga kita,” ayun na lang ang sinagot ko.

“Yeah right. Anyway, you didn’t answer all my messages last night. That’s the reason why I’m here calling you.”

Aaminin ko hindi ako nagcheck ng cellphone kagabi sa sobrang overwhelemed ko. Gano'n pala ang nangyayari kapag super duper occupied ang utak mo. Dahil do'n, naalala ko 'yung Sebastian. Siguro tumawag din siya kagabi.

“Why? Importante ba ‘yang sasabihin mo at--- at napatawag ka ulit ngayon?”

Nakagat ko ang labi ko. I feel like I sound grumpy?

“Wala. I was just gonna share on how my assignment was well done but with a lot of little challenges. Hello? We haven’t talk for weeks now. Ngayon nga lang ulit kaya gusto ko magkwento, e.”

“...wala ka bang kaibigan diyan?” mababa at maingat na tanong ko pero narinig ko siyang tinawanan 'yun.

“Looks like you dived under the sea of work again last night for you to ask that. Hahaha!”

Naikot ko ang mata ko. Okay, wala namang mali sa tanong ko pero feeling ko napahiya ako. If I could just tell him that this is not Audrey anymore. Hayy.

“I have plenty of friends, that’s for sure.” sagot niya, “But of course, I wouldn’t just share my happenings to others just because they’re my friends. Except to you, Audrey. We’re best friends! Parang bago sa ‘yo na nagsha-share ako tuwing matagal tayong hindi nakakapag-usap ah? Come on.”

Tama nga. So this guy is Audrey's high school best friend base on what's written in the diary.

“S-Sorry.”

“Bawi ka sa ‘kin?”

“Ano? Anong bawi?”

“Let’s have lunch today. What time are you going to go to the office?”

“Uhm, I think I can’t go to the office today. Medyo masakit ‘yung ulo ko.”

“Yaaan, Ms. Workaholic. Don’t you think you deserve that? Your body’s reminding you to take care of yourself sometimes,” aniya na para bang sinesermonan pa ako.

“Hindi ko nga alam kung deserve ko ‘to. All the hardship and work I did, I did all that for my sis---” napahinto ako sa pagsasalita nang mapagtanto ang sasabihin. What the fuck am I going to say??! Masyado akong nadala.

“Say what?”

Umiling-iling ako at agad kumontra, “J-Joke lang! Ipa-prank lang sana kita pero ‘wag na lang.”

Seriously, Gwen?

Bahagya siyang natawa sa 'kin, “You got me there. I was just joking when I said you deserve that headache, okay? Akala ko kasi magagalit ka. It’s a prank.  Hahaha!”

Hindi na ako sumagot dahil napaisip ako. Zach is Audrey's best friend. So meaning, marami siyang alam sa pagkatao ni Audrey. Maybe I can obtain some information from him and act playsafe? 'Yung hindi niya mahahalata na nagka-amnesia si Audrey-- or should I say, hindi na ito si Audrey.

“Well then, since you’re not going to your office, I’ll go visit you and make lunch for us. Is that okay?”

Bigla akong kinabahan kahit hindi pa ako pumapayag. Makikita ko siya? At sabay kami kakain? Paano kapag nagtanong siya ng kung anu-ano tapos wala ako maisagot? Shet.

Pero paano ko makikilala si Audrey kung hindi ko ico-close ang best friend niya, 'di ba?

“I-Ikaw bahala,” nasabi ko na lang.

“Right! I’ll bring some ingredients there then I’ll cook for us! See yah!”

'Yun lang at nawala na siya sa linya.

I heaved a sigh and massage my nose bridge as I'm feeling a lot of pressure specially now that I'm thinking about the future. Bakit kasi walang sagot? Bakit dinala ako rito ng tadhana at wala man lang binigay na sagot at impormasyon sa 'kin kung bakit-- bakit ako pa?

Tumayo ako at kinuha ang tressure box na tinitignan ko kanina. Mamaya ko na lang siguro itutuloy ang pagtingin sa mga 'to, for now I have to fix and prepare myself.

Pero bago pa ako makalabas ng kwarto ay tumunog na naman ang cellphone sa ibabaw ng kama.

Kumunot ang noo ko at nakitang si Sebastian naman ang caller. My God.

“Hello?”

“Good morning. I assume you’re still in pain and not coming in the office?” hula niya na tama naman.

“Y-Yes. Sorry for the... emergency.”

“No, it’s okay. Been calling you last night and thought you slept early so it’s understandable. We will just discuss again about our case once you get better. We still have one week to prepare ourselves in this case so please get well soon.”

Napalunok ako sa sinabi niya. 'Yun 'yong pinag-uusapan nila bago ako mapunta sa katawan ni Audrey. Fuck.

Because of my silence, he continued, “But of course, if you really can’t make it, no need to force yourself. Ako nang bahala.”

If this is the real Audrey he’s talking to, for sure she's going to help her boss. Pero sabi naman niya kung 'di ko kaya, hindi kailangan ipilit 'di ba? I mean, nanggaling na sa kan'ya, e?

“Thank you,” 'yun na lang ang nasagot ko.

“How’re you feeling?”

“Medyo masakit pa rin ang ulo ko. Iniinom ko naman ‘yung pain reliever at... nakakatulong naman.”

“That’s good to know, and that’s all I need to hear.”

Narinig kong may tumawag sa kan'ya kaya nagsalita muli siya sa linya, “I’ll go ahead now, Audrey. Taylor put a bunch of documents to my table again. It’s stressing to review all these and has to submit immediately tomorrow. The fact that it’s still not sort out--- nevermind. See you.”

Nakaramdam ako ng maliit na guilt sa sinabi niya. He sounds stress and tired based on his tone of voice. Tambak siguro ang cases niya ngayon.

Tapos sumabay pa 'ko.

Umiling na lang ako sa iniisip at napagdesisyunan nang maligo dahil baka makalimutan ko pang may darating na bisita. Dahil malinis naman ang bahay, pagkatapos maligo ay binalikan ko 'yung diary ni Audrey. This year niya lang ito sinumulan kaya wala masyadong sulat tungkol kay Zach. Mas marami pa rin siyang shina-share tungkol sa trabaho kasama si Sebastian na hindi naman niya nabanggit kung boss niya ba. Ang nakalagay lang ay 'Senior Lawyer'.

Now if she's a junior lawyer and he's a senior lawyer, does that mean that he's really her boss? Or just a colleague that's higher than her?

Nakita ko rin sa ibang drawer ang documents ni Audrey. Birth certificate, diploma, police clearance, NBI, mga work permit saka mga government numbers niya. Kumpleto ang lahat dahil nandito rin 'yung TOR niya noong high school at college, saka mga school cards na talagang kinalaglag ng panga ko.

Grabe ang dami niyang 90 sa card, pinaka mababang grade ay 88 noong high school at puro uno naman sa college. Sa ilang years niya ng pag-aaral, tatlo lang ang nakita kong dos sa card niya.

Ibig sabihin ay talagang matalino si Audrey. Shocks, paano na 'ko nito e sakto lang naman ako?

Nawala ako sa iniisip nang tumunog ang doorbell ng pintuan kaya binuksan ko 'yun at bumungad sa akin ang isang medyo katangkaran na lalaki. Dark brown ang buhok niya, maputi, matangos ang ilong at... wait, isn't he the one in the picture?!

“What? Parang nakakita ng multo ah?” natatawang sabi niya sa reaksyon ko.

Niluwagan ko ang pinto para makapasok na siya. Umalingasaw ang mabango niyang amoy. Amoy baby at fresh.

Nilapag niya ang dala sa kusina at isa-isa nilabas 'yun, “So, I bought ingredients for shrimp fried rice and beef steak that I’m going to make today. Malamang lunch na ‘to matatapos kaya magiging brunch na natin ‘to.”

Tumalikod ako at nag-isip. So this is Zach... 'yung high school best friend ni Audrey, 'yung kasama niya sa picture.

Aaminin ko na medyo nailang ako. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil may itsura siya? No, truth is he's definitely handsome. 'Yung mga kakilala ko kasing lalaki no'ng ako pa si Gwen ay hindi ganito ang mga itsura kaya hindi ako nakakaramdam ng pagkailang. Saka hindi kami instant best friend ng mga 'yun! Pero gano'n ba 'yun, Gwen? Depende sa itsura? Tss.

Handa ko na sana siyang harapin para daldalin pero pag harap ko, nandito na agad siya sa tapat ng mukha ko.

“Fuck?” naiusal ko sa gulat.

Natawa siya, “You were looking strange right there, as if you’re thinking something. Okay ka lang ba?”

Ito na 'yung sinasabi ko, e! Tsk!

Ito 'yung mukha niya sa malapitan. Ang kinis ng balat niya at ang ganda rin ng mata. Hindi ba siya naiilang or nailang sa paglapit niya ng ganito? I mean, is this normal for them? Wait, I remember his face... in Audrey's memories yesterday.

Ginilid ko ang mukha ko't natawa kunwari, “Of course I’ll look strange. Kakagaling ko lang sa sakit ng ulo, e. Saka ang iniisip ko lang ay ‘yung naiwan kong trabaho. That’s all,” ani ko kahit hindi naman talaga 'yun ang iniisip ko kanina.

“Oh right, you’re absent today. Sige magluluto na ‘ko para mabawasan na ‘yang iniisip mo,” kumindat pa siya bago bumalik ng kusina.

“Actually, my cooking skills aren’t good. But they will eventually get better through practice,” pahabol niya, “But don’t worry, pasasarapin ko ‘to for us!”

Habang abala siya ro'n ay kinuha ko na lang ang cellphone sa kwarto at umupo sa dining table. Pabalik-balik ang tingin ko sa kan'ya at sa hawak na phone, nakita ko kasi rito na may mga picture sila ni Audrey. Mga recent take lang this last month. In fairness, ang hilig magpicture ni Audrey kasama si Zach. Para tuloy silang magjowa.

Wait, what if mag bestfriend sila tapos may mutual feelings sa isa't-isa? Oh no.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya na siya namang kinalingon niya sa 'kin. Ngumiti ako, “So... kumusta ang lovelife?”

Gusto ko lang malaman at ma-confirm kung may feelings ba sila sa isa't-isa. Ayoko kasing umarte na parang type ko siya where in fact, kakakilala ko lang talaga sa kan'ya. Mahirap umarte ng gano'n!

He blinked at my sudden question, “Lovelife? Why are you asking?”

“Ito naman tinatanong lang, e.” sabi ko sabay tawa, “I’m just curious, you know. Hindi ko na matandaan kung may nakuwento ka sa ‘kin e saka malay mo, may nakilala ka during your...”

Shoot. Ano nga ulit 'yung sinabi niya kanina sa phone? Saan siya galing last time?

Natatawa ang ekspresyon niya nang lumapit sa pwesto ko, may hawak pa siyang spatula. Umupo siya sa tapat ko, “Seriously, Audrey? Hahaha!” tawa niya, “Wala nga akong nakakasamang babae sa work, sa mission o kahit saan, e. Ikaw lang. Besides, I’m not interested to anyone. I’m too busy to think about my lovelife and I don’t really care if someone likes me, I mean, I would appreciate, but that’s just it.”

So, busy siya sa work ot missions niya kaya hindi niya muna iniisip ang lovelife? Ibig sabihin ay hindi sila frends with benefits ni Audrey? Good to know.

Tumango ako at sumalumbaba, “Same. Ayoko rin ng lovelife, e. Distraction lang ‘yan.”

And that’s really me, saying that. Kahit doon sa tunay kong mundo, ayoko ng lovelife. Masyado akong achiever sa school at work para magboyfriend-- pero 'di ako singtalino ni Audrey ah. Saka sa dami ng problema ko ro'n, isisingit ko pa ba 'yun?

“Hm-mm. Agree. Kaya pala you never mention anything about your love interest even before, ayan pala ang reason,” aniya.

Okay so... Audrey never talk about anything about her lovelife or love interest? Information unlocked.

“And we’re always the same. I think it’s just a distraction specially in our work. You, as a lawyer. Me, as a detective.”

So he's a detective...

“So let’s not entertain anyone, okay?” dagdag niya pa.

Tumango ako at ngumiti. Wala naman talaga akong balak maglovelife.

“Oo nga pala, you know what? During my mission last week when Mr. Taeco requested to fix his tape recorder, I saw Jenny Roque at South Subway. Guest what? She’s now living her best to her house and lot, thanks to your help.”

Medyo nangunot ang noo ko pero hindi ko na 'yun masyadong pinahalata pa. Audrey's help? What happened?

“Pinapasabi niya nga rin na sobra ‘yung pasasalamat niya sa ‘yo for winning her case. If it wasn’t for you, she wouldn’t have her house and lot. Pinaglaban mo ‘yun, e. Buti at hindi napunta sa step mother niya,” dagdag pa ni Zach.

So, 'yung sinasabi niya ngayon ay isa sa mga naipanalo ni Audrey sa court? Wow. Buti na lang madaldal 'to at marami-rami akong nakukuha ngayon.

Habang pinapakinggan siyang magkwento ay may na-realize ako. Para kasing may naaamoy akong amoy sunog...?

“Uhm, Zach, ‘yung niluluto mo.”

“Oh yeah the beef!”

Nataranta siya at tumayo agad para patayin ang kalan. Mula sa pwesto ko ay kita ko ang itim na usok mula sa niluluto at talagang umaalingasaw ang amoy sunog na karne. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kan'ya dahil buong lakas niyang tinatanggal ang sunog na karne sa kawali. Ang daldal kasi, ayan tuloy.

Maya-maya ay nilapag niya sa harap ko ang itim na karne. 'Yung fried rice, hindi na natuloy.

Zach looks disappointed as he sat in front of me, staring at the burned beef. Napapakamot siya sa kan'yang ulo dahil sa nangyari.

“I was aiming to prepare a perfect meal but...” he looked at me shyly, “Sorry.”

Napabuntong hininga ako at natatawang nailing. Ngayon para na siyang bata na nagkasala.

“So I guess, we’re not eating anything for brunch?” ngising tanong ko.

Gumilid ang mata ni Zach at 'di nagsalita. He looks extremely down. Sa bagay, sino ba namang hindi mapapahiya e nagmalaki pa siya kanina.

Tumayo ako at titingin na sana ng iba pang makakain sa ref nang magsalita si Zach.

“Okay fine since it’s my fault burning the beef, let’s just eat outside. My treat, of course.” his face was slightly down and his eyes stared at me like a cute puppy.

Humalukipkip ako sa harapan niya at nag-isip. We'll eat outside nang kami lang? Geez, hindi ako sanay ng ganito.

“Anything you want,” aniya pa, “But I’ll make bawi to you next time, I swear.”

Well, I guess I need this to get to know him more. Lalo na at mag bestfriend sila ni Audrey. Yeah sige, kailangan kong masanay. Sa mga sususnod pang araw, alam kong may makikilala pa ako sa buhay ni Audrey.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro