Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Stupidity @ 05

ARCHIE POV

   TODAY is Sunday kaya nasa harapan ko ngayon ang ngiting ngiti na lalaki habang nakaupo sa aking harap habang ako ay nakatayo.

Ngayon ang araw na napag usapan namin na i-tutor ko siya para hindi tuluyang bumagsak sa mga subjects namin pero hindi ko naman inaakalang pupunta siya sa bahay ko ng alas otso ng umaga.

“Napaka aga mo,” pinag krus ko ang aking braso habang nananaas ang isang kilay.

“Am I?“ pa-inosenteng tanong nito saka itinabingi ang ulo.

“Hindi ba obvious? Mas maaga ka pa kesa oras ng klase natin!“ naiinis kong sambit.

Sinong hindi maiinis kung ginising ako ng nanay ko napaka aga dahil may bw—bisita kuno ako. Kahit si Lester ang pumunta rito hindi naman niya ko ginising, kahit ang pang malakasan niyang pananaray hindi niya ginawa sa lalaking ito. Hindi ko na talaga alam ang napasok sa utak ng nasa paligid ko.

“Before I forgot, our lesson only takes three hours, if mag demand ka ng overtime dadagdagan mo ng ten percent every thirty minutes ang ibabayad mo, is that clear?“ pag bibigay ko sa kaniya ng kondisyon.

“Oh! It's fine, no big deal,” nanatiling nakangiting sagot niya na halata namang hindi pinoproblema ang pera.

Mga mayayaman nga naman.

“Hang on, I'll go get my phone in a moment,” hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at nag lakad na pabalik sa kwarto ko, kinuha ko lang ang phone ko para magsilbing timer ng session naming dalawa.

After I got my phone ay bumalik narin ako aagad sa salas kung saan ko iniwan ang asungot kong bw—bisita. Nang makababa ay s-in-et ko na ang timer ng three hours pero hindi ko muna pinindot ang start.

Nang makalapit sa kaniya ay hindi pa yata nito alam na nakabalik na ako dahil busy pa itong inaayos ang kaniyang mga materials na dinala para sa tutorial session namin ngayon.

Tumikhim muna ako bago umupo sa sofa, “Sa anong subject ka ba pinaka nahihirapan?“ tanong ko habang dinadampot isa-isa ang mga librong kaniyang dala.

“Isn't obvious? Syempre lahat iyan!“ he sounded bratty kaya palihim akong kong pinaikot ang aking mata.

Kinuha ko ang libro namin sa isang specialized subject at saka inilayo ang ibang libro. “As for this session, ito   muna ang focus natin,” ani ko.

Binuklat ko ang libro hanggang sa makarating sa lesson ng huli naming inaral. Inumpisahan kong ipaliwanag sa kaniya ang mga detalye ng lesson kung saan kami huminto noong nakaraan, pinasulat ko rin sa kaniya ang mga important details na dapat niyang i-notes pati kung paano siya gumawa ng notes at technique para malaman yung mga key notes ng madali.

Buong oras ay walang kaming tigil sa pag aaral, naging daan din ang tutorial para mare-fresh ang mga nilesson namin sa utak ko. Hindi ko na napansin ang oras hanggang sa tumunog ang alarm na nag sasabing tapos na ang oras namin para sa tutorial session namin this week.

Tiningnan ko ang oras and it's close to lunch time, sakto naman na matapos niyang iligpit lahat ng kaniyang gamit ay dumating ang mommy ko. Natutuwa pa ito ng malamang naabutan niya si Rio kaya naman ay agad niyang niyayang sumabay sa lunch ang lalaki.

Hindi parin nawawala ang pagiging mahiyain nito, siguro ay dahil ngayon lamang naman niya nakilala ang mommy ko pero kalaunan ay pumayag narin dahil na rin sa kakulitan ng mommy na ayaw magpa awat.

While silently eating our lunch ay pinutol ni mommy ang katahimikan. “Chie, may nalaman akong hindi mo sinasabi sa akin,” aniya.

“What? What's that?“ curious kong tanong dahil kahit ako ay walang alam sa kaniyang sinasabi.

“It's about, Maeve. You didn't tell me anak na she's here na pala, kung hindi ko pa siya nakita sa store kanina hindi ko pa malalaman,” sabi nito na ikinatungo ko.

“Ah, yeah. I also forgot about that, I'm sorry, Mom,” pag sisinungaling ko.

“It's fine but later I'm expecting her to join on out dinner, sana ay kasama ang parents niya and also you should invite Lester nang makilala niya rin si Maeve,” labis ang tuwang aniya.

What??

“Oh! Also, I expect also you could come, Lysander, hijo,” talagang dinagdagan pa niya.

“Ahm.. I'm sorry tita pero I think I can't go, may pupuntahan po kase kami ng parents ko mamaya,” pag tanggi niya sa imbitasyon ni Mommy.

Ayan, dapat ganyan, magkakasundo tayo kapag ipinag patuloy ang ganiyan, Rio.

Nag tuloy-tuloy ang kwentuhan nila Mommy at Rio haban ako na anak niya ay parang naging hangin na lamang dito sa aking inuupuan habang kumakain.

Hanggang sa makaalis si Rio ay panay ang iintertain ng mama ko sa kaniya na parang iyon na ang kaniyang anak.

“Ma..“

“Bakit hijo?“ tanong nito habang ang tingin ay nananatiling nasa pinapanood.

Umupo ako sa kaniyang tabi at naniningkit ang mga matang inuusisa siya. “Are you sure you're my mother?“

“Hey! That's rude, you know?“ natatawang aniya.

“I'm just curious and surprise at the same time kase usually hindi ka naman ganiyan, i just don't get it,” naguguluhang ani ko.

Natawa naman ito saka ipinatong ang kamay sa ulo ko at ito'y ginulo. “I'm being careful of everything that comes to your life, you know? We can't trust people easily,” paliwanag niya gamit ang kaniyang masuyong boses.

“I know, Ma. Kaya nga ako nag tataka dahil sa pakikitungo mo kanina,” pag po-pount out ko.

“Hmm.. bakit nga ba? Tingin ko kase para siyang di makabasag pinggan, alam mo iyon anak? Ang cute niya lang panoorin kapag kausap,” aliw na aliw na aniya.

Napangiwi naman ako dahil sa kaniyang sinabi na di makabasag pinggan kuno si Rio, in what angle?

“Saka he seems nice naman, also I remember when Lester said na hindi ko dapat tinataboy ang mga gustong makipag close sayo kase paano nalang daw kapag busy siya, sino ang sasama sayo, whenever you want to go, and I believe in it now.  As your mother dapat lang talaga na di maliparang uwak ang pag iisip ko kung gusto kong mabigyan ka ng magandang hinaharap,” paliwanag niya.

I little smile comes out to my face nang hindi ko namamalayan while looking at her, while she looked back again watching a movie.

“Saka malay mo maging Kabungguang balikat mo rin siya,” may panunudyong habol na sabi niya na ikinawala ng ngiti sa labi ko.

Naging seryoso ang mukha ko ng biglaan na kani-kanina lamang ay natutuwa sa mga sinasabi niya.

“You're not funny, Ma, and that's not gonna happen,” sabi ko bago padabog na tumayo at umalis sa living room, napag desisyonan ko na lamang na pumunta sa aking kwarto.

Habang inaaliw ang sarili sa pag babasa ng libro na hiniram ko galing sa library ng school ay tumunog ang phone ko dahilan para maibaba ko ang libro.

There's only few person would call me and guess what? One of them  just live next door. Galing diba? Talaga naman.

Sinagot ko ito at inispeaker saka pinag patuloy ang pag babasa.

[Chie! Send help! Anong susuotin ko mamayang dinner?] Aligagang bungad nito.

“Edi, damit.“

[Seriously? G*dd*mn! I'm freaking serious, Chie!] Lahata sa boses nito ang pagka inis na ikina-tuwa ko.

“Ano pa bang isusuot mo? Nang ti-trip ka lang yata dyan kaya ka tumawag,” pa-inosenteng sabi ko.

[Gad! Tita mommy said, she invite me to dinner para daw makilala mo ang old friend mo! Chie, she said her name is Cosette! Hindi pwedeng kung ano nalang ang isusuot ko, pano siya maiimpres sakin niyan kapag nagkataon] hindi ito mapakali sa kaniyang inaasta na konti nalang ay baka dapuan na ng anxiety ang isang ito.

“Ang dinner ay para samin kase matagal na naming hindi sila nakita ng family niya hindi para magpa impres ka. Mukha rin namang hindi ka tipo eh,” pang tatanggal ko ng mood niya.

[H'wag ka namang ganyan, Chie! Tinatanggalan mo ko ng confidence eh!] Bulyaw nito kaya napatakip ako ng bibig dahil baka sumabog ito sa galit kapag nalamang tinatawanan ko siya.

[Stop it! I know you're laughing at me! Hindi ko man naririnig ang boses mo pero kilala kita!] Sigaw nito sa sariling phone.

M-in-ute ko muna ang phone bago inilabas ang pinipigilang bungisngis. Ngunit hindi iyon nag tagal nang magbukas ng malakas ang pintuan ng kwarto ko.

“SABI NA! I KNEW IT!“ nakadiro ang hintuturo nito sa akin na parang napaka laki ng kasalanang ginawa ko sa kaniya.

Itinaas ko nang hanggang kapantay ng aking ulo ang ang mga kamay bilang pag suko sa kaniya.

“You really did something behind my back!“ napipikong turan nito na ikina kibit-balikat ko lang na naging rason naman ng pananaray nito.

Mukha yatang bigla kaming nagpalit ng characteristics ng lalaki na to? O dahil sa tagal lang naming magka sama.

“Ang oa mo.“

“I told you, tulungan mo ako hindi pagtawanan!“ may inis na saad nito.

“Oo na, sige na. Tara sa inyo,” ako na ang nag adjust na pumayag para lang tumigil na ang isang 'to sa kaingayan niya.

Pagkapasok ng kwarto niya ay dumiretso ako sa higaan niya at nag dive. Naka dapa ako habang naka tagilid lang ang ulo paharap sa kaniya para tingnan ang mga sinusukat niyang mga pang porma.

He's really into her that fast?

tbc~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro